Chapter 41
Mia Jasmin's POV.
Makalipas ang ilang buwan ay mas nararamdaman ko ang batang nabubuhay sa akin, sa bawat umaga na duduwal ako ay pinaparamdam niyang lalaban kaming dalawa.
Ngunit hanggang ngayon ay hindi man lang nabawasan ang galit ni dad patuloy pa rin niya akong dinedeadma ngunit hindi na siya nagsasabi ng kahit ano.
"Baby, Dessert." Nilingon ko kaagad si Luke na kapapasok lang sa kwarto ngunit bahagya akong nagtaka ng mapansin ang kalmot sa kaniyang kanang pisngi.
"Thank you baby, anong nangyari sa pisngi mo?" Kwestyon ko.
"Wala ito baby, nakalmot ko lang siguro. Si Min-min pala ay nasa pangangalaga muna nila Gray ngayon." Nakangiting sagot niya iniiba ang usapan kaya ngumiti na lang ako.
"Saan mo nakukuha 'to?" Kwestyon ko at ibinaba ang mangkok na naglalaman ng Ice Cream tapos inabot ang kaniyang braso na may kalmot.
"Wala yan baby." Mahinang sagot niya at iniiwas na ang kaniyang braso at alanganin na ngumiti kaya pinaningkitan ko siya ng mata.
"Saan ka galing kagabi?" Kwestyon ko.
"A-Ako?" Tanong niya tinuturo ang sarili kaya mabilis kong kinuha ang kung ano man at binato sa kaniya.
"Hindi ka sasagot ng maayos?" Inis kong sabi, ayokong pakinggan ang sariling iniisip.
"Wala, nagpahangin lang." Sagot niya at nag-iwas tingin kaya inis akong tumayo.
"I hate your answers. You sounded like lying." Napipikon kong sabi tapos ay nilampasan siya.
"Baby.." Pagtawag niya.
"Huwag mo akong kausapin." Mariing saad ko.
"Baby, It's nothing." Mahinang explain niya at sinundan ako papalabas ng kwarto.
"Do'n ka na sa kwarto, doon muna ako sa kwarto ni Kent." Inis na sabi ko.
"Baby ano bang iniisip mo?" Kwesyon niya at hinuli ang braso ko at inilapit sa kaniya kaya lumabi ako at sa hindi ko inaasahan ay bigla akong naiyak.
"Ayoko na sa'yo." Nagtatampo kong sabi.
"Baby don't cry." Mabilis niyang pinunasan ang luha ko pero lumabi ako lalo at inalis ang pagkakahawak niya sa akin.
"Mamaya na tayo mag-usap, ayaw kita makita." Lumuluha kong sabi at tinalikuran siya.
"Baby.." Sambit niya ngunit hindi na sumunod ng makarating sa kwarto ni Kent ay nagulat siya ng makita akong umiiyak dahilan para bumangon siya.
"What happened noona?" He questioned and walked near me.
Mas naiyak ako ng punasan niya ang luha ko. "Naiinis ako kay Luke." Mahinang sabi ko, bumuntong hininga siya at niyakap ako.
"Shh you can stay here then noona." Mahinang sabi niya at inalalayan ako papunta sa kama niya.
"May gusto ka ba noona?" Tanong ni Kent kaya umiling ako at nagmukmok sa kama niya.
"Ano na naman kaya ang nangyari sa inyong dalawa?" Takang tanong ni Kent kaya mas bumusangot ako.
"Yung hyung mo kagabi wala sa kwarto tapos may kalmot ano naman kayang ginawa non diba?" Lumabi si Kent at napaisip.
"Nakipag-Cat fight?" Mas nainis ako sa sagot ni Kent kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Nakakainis ka rin e."
"Luh ako na naman, nagtatanong ka e." Sagot nita kaya sumandal ako sa headboard niya.
Namimiss ko na ang bahay namin. "Mia Jasmin." Napalingon ako kaagad sa pinto ngunit napalunok ako ng makita si daddy.
"D-Daddy?" Tanong ko at tumayo seryoso niya akong tinignan.
"Kent Axel, Both of you follow me." Tumayo ako ng maayos at sumunod sa kanila.
Nagtataka kong tinignan si Daddy na kinakasa ang kaniyang baril na para bang mananakit siya natigilan ako ng akbayan ako ni Kent at idikit sa kaniya.
"B-Bakit?" Gulat kong tanong ngunit nakita ko ang kapatid na may hawak na ring baril dahilan para mapalunok ako.
"Anong nangyayari Kent Axel?" Kwestyon ko pero huminga siya ng malalim at sa mismong harap ng nga hudyo ay nanlaki ang mata ko ng makita si Luke.
"Luke!" Mabilis na tawag ko at ganun na lang ang kaba ko ng makita ang hubad niyang pang itaas lalo na ang mga latay sa kaniyang dibdib.
Kumuyom ang kamao ko ng makita ang hawak nilang latigo at doon ko napagtanto na sila ang may kagagawan no'n.
"Daddy? Bakit ganito? I thought everything is already done!" Malakas na sabi ko at hinanap si mommy ngunit hindi siya mahagilap ng mata ko.
"We lied," aniya ni Kent dahilan paa nagtataka ko silang tinignan.
"Today they'll execute him." Mahinang sagot ni daddy dahilan para sumama ang loob ko.
"Daddy ayoko." Mariing tugon ko.
"Hindi ako papayag!" Angal ko at tinignan si Luke na halatang pagod na pagod dahil sa sakit dahil may bago siyang latay.
"Daddy. Do something.." Mariing sabi ko pero tahimik lang ang dalawang kasama ko napapikit ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Luke dahil sa bagong hampas ng latigo sa kaniyang likod.
"Daddy! Si Luke!" Malakas na sigaw ko at kumakawala sa mismong hawak ni Kent.
"Daddy!" Gigil kong sabi at tsaka nagpupumiglas sa hawak nila.
"Kumalma ka noona." Mahinang sabi ni Kent ngunit galit na galit kong tinignan ang mga gumagawa non kay Luke.
"P-Paalisin niyo siya! D-Dito!" Naiiyak kong tinitigan si Luke ng isigaw niya yon hirap na hirap.
Humahangos at ang kaniyang kamay ay walang magawa dahio nakagapos ito. "Ilabas na natin ang noo—"
"Daddy no! Ipatigil niyo yon!" Sigaw ko at tsaka inaalis ang pagkakahawak nila.
"Mia makinig ka naman sa akin, please lang.." Nauubusan ng pasensyang sabi ni daddy.
"Stop torturing him daddy! He saved me! He saved me a lot of times why do you all have to do this!" Umiiyak kong sabi.
"Please Mia." Mariing sabi ni daddy.
"Daddy! Make them stop—"
"I'm not favor with this!" Galit na sabi ni daddy at hinawakan na ako sa braso dahilan para magpumiglas ako.
"Then set him free!" Mariing sigaw ko.
"We can't, wala pa tayong kasama." Saad ni daddy.
"Hindi pa kaya, antayin natin ang back up." Bulong ni Kent..
"Let's help him.. P-Please," aniya ko nanghihina.
"Noona calm down!" Mariing sabi ni Kent ngunit ako na pasaway.
"Tulungan natin si Luke! Hindi siya pwedeng saktan founder siya ng Lunatic!" Malakas na sigaw ko na ikinatigil ng lahat.
"Mia Jasmin!" Sita ni daddy sa akin kaya masama ko silang tinignan lahat.
"Ako ang founder kaya ako ang masusunod!" Malakas kong sigaw.
"Sa oras na dumantay pa ang nga latigong iyan sa katawan niya! Magsisisi kayo!" Galit kong sigaw at nagpupumiglas pa rin.
"Hindi ka namin maaring sundin dahil may batas, sa oras na mapagod na siya sa latigo ay ito na rin ang ikamamatay n—"
"Gusto mo mauna?" Kwestyon ko at masama siyang tinignan, kumuyom ang kamao ko at tsaka ko sila galit na tinignan.
"Gusto niyo mauna?" Pag-uulit ko.
"SAGOT!"
"Noona yung puso mo." Mariing banta ni Kent Axel.
"Hand me the gun." Gigil kong sabi at inilalahad ang kamay.
"Hand me the gun!" Bumuntong hininga si Kent.
"Ano namang maipagmamayabang mo? Do you cry bullets?" Kumuyom ang kamao ko sa mapang-asar na tanong ng hudyo.
"No." Napatingin ako kay Kent ng siya ang sumagot no'n.
"She rain bullets." Sa sagot niya ay natigilan ako ng bitiwan nila akong dalawa.
"Daddy." Mahinang sabi ko dahil inabutan nila ako ng baril kaya naman tinanggap ko iyon at ikinasa.
"Hamunin mo 'ko ngayon," wika ko at idineretso ang mga braso at siko.
Ngayon ay nakatutok sa kanila ang baril na hawak ko. "Master, bakit mo kinukunsinti ang anak mo!?" Sigaw ng iba.
"Mas nanaisin kong kayo ang mamatay kesa sa anak ko, mga wala naman kayong kwenta." Walang ganang sagot ni daddy kaya napangisi ako.
"Blood is thicker than water they say," wika ko at tsaka ipinikit ang isang mata at sinuri kung ano ang tatamaan.
"Pakawalan niyo siya o papaliguan ko kayo ng bala? You choose." Nang hindi sila kumbinsido ay pinaputukan ko ang harap nila ng nasa pitong bala na nakapag-alarma sa kanila.
"Pumili na kayo habang binibigyan ko pa kayo ng option!" Galit kong sigaw.
"Hindi na kami makikinig sa walang kwentang founder na tulad mo! Sinasaktan mo ang sarili mong kasamahan para sa isang lalake!" Sigaw nito kaya sa gigil ko ay pinatamaan ko siya ng daplis.
"KASAMAHAN?!" Sigaw ko.
"Kasamahan ba kayong maituturing gayong ang madalas sa inyo pinlano akong patayin?! Laban ba ang gusto niyo?! Sige! Ipatawag niyo ang buong myembro ng Underground!" Sigaw ko sa kanila.
"Ilalaban ko ang lahat at sa oras na manalo ako kayo ang mamamatay!" Gigil kong sabi pero halos mapadaing ako ng sandaling marandaman ko ang daplis sa aking braso.
"Mia!"
"Noona!" Gulantang na sabi nila dahilan para kapain ko ang braso na ngayon ay umaagos ang dugo.
Natigilan ako ng kunin ni daddy sa akin ang baril at itutok sa bumaril sa akin. "Pwede ka ng suma-impyerno." Ganun na lamang ang pagkabigla ko ng dibdiban niya ang lalake gamit ang dalawang bala.
"You can touch me, you can hurt me but you can't touch nor hurt my kids." Gitil ni daddy kaya parang hinaplos ang puso ko.
"G-Gamutin niyo si Mia, Tito.. Y-Yung sugat niya hindi pwedeng bumaba ang dugo niya madadamay ang puso niya at ang bata." Nanghihina at nauutal na sabi ni Luke ang kaniyang mata ay umiitim na ang paligid nito parang antok na antok..
Walang naglakas loob magsalita, o magtanong ngunit ang tingin ng iba ay masama at ang iba ay nag-aalala.
'Sa mundong kinatatayuan ko ngayon ay hinding hindi ko ipaparanas sa anak ko... Babae man siya o lalake ililigtas ko siya una pa lang.'
√√√
@/n: Ang tanong may maililigtas pa ba siya sa mundong kinatatayuan niya ngayon?
Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro