Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37

Mia Jasmin's POV.



Hindi ko maunawaan ang sariling nararamdaman ngunit mabuti na lang ay nagawa kong pigilan ang dapat, Jet lag nga siguro.

"Magaling ka na ba anak? Kaya nandito ka na? Hindi ba't binilin kong magpagaling ka na?" Tanong ni mommy kaya bumuntong hininga ako.

"I'm okay mommy, Hindi na ako inaatake ng arrhythmia." Mahinang sabi ko sa kaniya.

"Sa susunod na araw gagawin ang batas na nais mo ano ba talaga ang nangyari anak?" Hindi maintindihan na tanong ni mommy.

"Just trust me mommy, trust me." Mahinang sagot ko at isinandal ang aking noo sa kaniyang balikat.

"I love you mommy," wika ko.

"I love you too anak," anas niya at hinalikan ang tuktok ng aking ulo.

"Magpahinga muna kayo sa kwarto niyo, magpapadala ako ng makakain." Utos ni mommy kaya tuwid akong tumayo at bahagyang ngumiti.

"Sige mommy," aniya ko at nagpaalam na muna.

Lumabas ako ng nilalagian ni mommy upang pumunta sa kwartong nararapat para sa akin, nang sandaling pumasok ako sa kwarto ay nakita ko kaagad si Luke.

"Kamusta sila?" Tanong niya at mabilis na lumapit sa akin kaya ngumiti ako.

"Maayos naman sila, Inaantok ako." Sagot ko at dumeretso sa kama lumabi si Luke at mabilis na sumunod sa akin.

Pagkapikit ko ay ramdam ko talaga ang pagod na dahil sa byahe, walang nagawa si Luke kundi hayaan akong magpahinga sa kama.




Nagising ako ng marinig ang kalansing ng mga kung ano man kung kaya't bumangon ako upang tignan kung ano ang naririnog na yun ngunit nakita ko si Luke na nakaupo sa maliit na mesa sa kwarto habang hawak ang Kutsara, tinidor.

"Baby come here, let's eat." Pag-aaya niya kaya tumayo ako at mabilis rin na lumapit sa kaniya.

"Ang bango naman niyan," aniya ko at naupo sa kaniyang tabi. Inakbayan naman niya ako kinuha ko kaagad ang kubyertas at sinimulan ng kumain.

"Oh baby slow down or else you'll get an upset stomach." Bilin niya sa akin pero ngumiti ako tapos kumain lang ng kumain.

"Ang sarap what kind of food is this? Hindi familiar sa akin," aniya ko sa kaniya mg makalahati ang nasa malaking plate.

"It's bicol express." Napatango ako.

"Ah from bicol?" 

"Yup, your brother ordered that." Tukoy niya pa at inayos ang buhok ko kaya naman hindi ko na siya sinagot at kumain pa.

"Gutom na gutom ka baby ah," aniya niya kaya naman tumango tango na lang ako.

Lumipas ang sampung minuto ay naubos ko na lahat kaya naman napalunok ako at nilingon si Luke. "Did you eat na ba?" Tanong ko.

"Not yet but don't worry," wika niya at ngumiti.

"Sorry baby.." Mabilis kong sabi.

"Akala ko ka—"

"No problem baby, don't worry." Natatawa niyang sagot ngunit mabilis naming nilingon ang pinto ng may kumatok at bumukas ito.

"Kent Axel," wika ko ngumiti ito sa akin tapos ay inabot ang dala dala niyang maliit na lagayan kay Luke kaya naman lumingon ako muli.

"Alis muna ako balik ako mamaya," saad niya.

Nang lumabas siya ay mabilis kong sinilip ang baunan na nandito kaya naman binuksan ni Luke pero ganun na lang ang pagkunot ng noo ko ng sandaling mabahuan ako rito.

Tumayo ako ng naramdaman ang pagloloko ng aking tyan na para bang biglang bumaliktad dahilan para naisin kong tumakbo papuntang CR.

"Mia." Rinig kong tawag ni Luke.

Mabilis kong niyuko ang sink at doon dumuwal ng dumuwal, huminga ako ng malalim at mabilis na nagmulumog at nag mouthwash.

Napapikit ako maya-maya ay naramdaman ko na ang paghagod sa likod ko dahilan para umayos ako ng tayo. "What happened?" Tanong ni Luke nagtataka.

"Hindi ko gusto yung amoy ng letchon paksiw, panis na yata." Sagot ko pero makahulugan akong tinitigan ni Luke ng may pagtataka.

"B-Bakit?" Tanong ko.

"Nothing baby.." Matipid niyang sagot at inayos ang buhok ko.

"Kagigising ko lang inaantok na naman ako," wika ko at napa-yawn.

"Baby are you pregnant?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Luke.

"Of course not!" Mabilis kong sagot.

"Hmm.."

"Hindi nga Luke ang impossible—"

"What's impossible? We didn't use any protection baby." Mahinang sabi niya at bahagyang ngumisi dahilan para kabahan ako.

"H-Hindi." Sagot ko at naunang lumabas ng banyo, bigla ay kinabahan ako bigla akong natakot.

Hindi ko alam ang dapat maramdaman. "Baby.." Pagtawag niya sa akin.

"Mm?"

"I'm a doctor," wika niya at tinitigan ako kaya naman napalunok ako kinakabahan.

"It's not yet sure, baka sa byahe lang." Sagot ko.

"Mia," wika niya kaya naman tumikhim ako at naupo sa kama namin.

"Wala lang ito ano ka ba," mahinang sagot ko.

"Baby.." Pagkuha niya sa aking atensyon ngunit hindi pa kayang tanggapin ng tenga ko ang gusto niyang sabihin. Ilang buwan muna bago ako umapak sa twenty-three ano kayang sasabihin ng magulang ko sa akin?

"I'll marry you," anas niya.

"I can be a daddy and a husband." Napatitig ako sa kaniya.

"It's not yet confirmed." Mahinang sabi ko sa kaniya at tsaka mariing pumikit.

"Then let's confirm it and tell to your parents." Suhestyon niya na lalong nagpakaba sa akin.

"Ano naman saabihin ni mommy?" Tanon ko.

"I don't know but I'll stay by your side." Sagot niya at kinuha anng kamay ko.

"Natatakot ako," aniya ko at ipinakita sa kaniyang kinakabahan ako.

"Don't be, wala naman tayong problema so stay calm. Hindi kita iiwan Mia," Aniya niya at hinalikan ako sa noo.

"Bago natin sabihin sa kanila, come with me today. Let's see a doctor," anas niya at inalalayan ako pero tumanggi ako.

"I'll try pregnancy test, Bumili ka na lang ng iba't ibang klase." Bumuntong hininga si Luke ngunit kalaunan ay tumango tango rin.

"Kung ganun hintayin mo ako rito, huwag kang lalabas, huwag kang magpapagod okay?" paninigurado niya kaya tumango ako at humingi ng malalim.

Hindi na ako muling nagsalita at hinintay siyang makabalik at habang ginagawang maghintay ay inisip ko ang mga posibleng senyales.



'Hays mukhang hindi nga siya sumablay, I want mommy to know about this.'



Tumayo ako at dahan dahan na lumabas ng kwarto upang makausap si mommy tungkol rito bukod sa akin at kay Luke siya ang isa sa mga gusto kong makasama ko sa ganitong lagay.

Kinakabahan at marahan akong kumatok sa kwarto nila at hinihiling ko na sana wala si daddy rito sa kwarto, ng buksan ko ang kwarto ay nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si ommy na busy sa kaniyang laptop ngunit nilingon niya rin ako.

"Oh anak may kailangan ka ba?" tanong ni mommy.

"Mommy gusto ko sana kayong m-makausap sa room ko," aniya ko kinakabahan.

Tinitigan ako ni mommy at sinuri pero kalaunan ay tumango tango rin siya at tumayo.

"Let's go," saad niya at hinawakan ang nanlalamig kong kamay.

Sabay kaming naglakad ni mommy papalabas ng kwarto nila ni daddy kaya naman habang naglalakad sa pasilyo ay abot abot ang kaba ko sa lalamunan sana ay masabi ko sa kaniya ang nais. Nang makapasok sa kwarto ay itinuro ni mommy ang silya.

Naupo kami doon at ang kamay kong nanlalamig ay pinagkiskis ko ito, sinuri akong muli ni mommy habang kalmado ang mukha nito. "M-Mommy.."

"Hmm? What about it?" Sa unang tanong pa lang niya ay hindi ko mawari ngunit nais kong umiyak at sa hindi ko inaasahan ay bigla akong naluha.

"H-Hey don't cry anak, tell me ano ba iyon?" Tanong ni mommy sa akin.

"M-Mommy m-may nangyari sa amin ni Luke." Pagkasabing pagkasabi ko nun ay bigla akong yumuko sa mga palad ko at doon umiyak.

"I'm so sorry mommy.." Mahinang sabi ko at ng tignan siya ay parang biglang nawala lahat ang natural na emosyon sa isang tao dahil hindi ko siya kakikitaan ng seryoso ngunit takot na takot ako sa kaniya ngayon.

Ang mga titig niya ay hindi ko alam kung ano at kung ano man ang nararamdaman niya ngayon ngunit nanatiling deretso ang titig niya sa akin habang bahagyang nakaawang ang labi.

"W-When?" Nang i-tanong niya sa akin iyon ay kinabahan talaga ako.

"A month ago m-mommy," wika ko nauutal. Pinaghawak ko ang mga kamay dahil walang masabi.

Nag-iwas tingin siya at huminga ng malalim, nakagat ko ang ibabang labi. "A-Are you having a b-baby?" Sa kaniyang tanong at titig ay napayuko ako kaagad.

"I-I d-don't really know yet mommy," saad ko at lumunok.

"Tell me the signs," asik niya.

"What are the signs?" Dagdag tanong niya pa.

"I hate some scents mommy, I'm always feeling sleepy and tired. H-Hindi ko po napapansin yung iba but I'm 2 weeks delayed." Nang tignan ko si mommy ay seryoso na itong nakatingin sa akin.

"Let's go to a doctor then," wika niya.

"I'll just use some pregnancy test mommy," saad ko.

"I'm so sorry mommy, Sorr--"

"Stop apologizing hija If you're having a baby then It's a blessing you're not a kid anymore." Nang sabihin yun ni mommy ay sinapo ko ang mukha at derederetsong umiyak sa palad ko.

"Shhh stop crying maii-stress ka niyan anak," nang tignan ko si mommy ay tumayo siya at naupo sa tabi ko dahilan para yakapin ko siya.

"M-Mommy.." 

"Shh wag ng umiyak, ang mahalaga ma-confirm natin yan at maingatan kayo okay?" Lumabi ako at tumango tango naramdaman ko naman ang labi ni mommy sa aking noo.

"W-What about daddy m-mommy?" Kinakabahan kong tanong na ikinatigil ni mommy.

"Let's confirm it first, A-Alam kong sa una ay magtatampo sayo ang daddy mo dahil ang gusto no'n kasal muna hindi ba? ngunit naiintindihan kita." Nang ngumiti si mommy ay sumandal ako sa kaniyang dibdib ngunit ilang sandali ay bumukas ang pinto ng kwarto at nakita ko si Luke na halatang nagulat.

"T-Tita," aniya ni Luke.

"Give me that and lock the door first." Utos ni mommy kaya kinakabahan akong sumuod kay mommy ng yayain ako nito.

"Hihintayin ka namin dito, do it anak." Tumango ako at kinuha ang paper bag tapos pumasok ng banyo.

Nang matapos ko ang proseso ay hinintay kong lumabas ang resulta at pumasok na rin si mommy sa loob habang tinitignan ang mga pregnancy test na nakalapag sa malapad na sink naka linya.

"I hope it's a baby boy." Nakangiting sabi ni mommy dahilan para maramdaman ko ang haplos sa dibdib ko.

"Mommy ikaw ang tumingin," kinakabahan kong sabi sa kaniya at bahagyang umatras.

"I have the result na.." Tinitigan ko si mommy tapos kinakabahang tinignan siya.

"Oh my gosh baby! magkaka-baby na ang panganay ko!" Nanlaki ang mata ko ng happy pa si mommy.

"I hope it's a baby boy!" Masayang sabi ni mommy at halos mahigit ko ang hininga ng napatalo pa siya at niyakap kaming dalawa.

"I'm so happy for the both of you! congratulations babyyyyyyyy!" At dahil sa saya ay napaluha na lang ako.

"What are you celebrating for?" Pare-parehas kaming natigilan ng marinig ang boses ni daddy na sobrang seryoso.

"P-Pregnancy test?" Hindi makapaniwalang sabi niya at makahulugan akong tinitigan.

"Kailangan nating mag-usap ngayon Mia, Luke." Seryosong sabi ni daddy dahilan para nag-aalala kong titigan si mommy na bumuntong hininga lang.



'Daddy will hate me for sure..'




///

@/n: I'm not sure po kung ako lang pero hindi ko po mai-bold ang dialogues pero sana mabasa niyo pa rin, enjoy sorry for super duper late update lovelots!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro