Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

Mia Jasmin's POV.



Inis akong naupo sa backseat katabi si Luke habang nasa harap si Kent at Zai, si Zai ang ginawang driver eh.

"Don't take this off again, Mia." Malakas na sabi ni Luke kaya lumabi na lang ako at tsaka napairap.

"And stop rolling your eyes, nakakabulag yan." Lumabi na lang ako sa sermon niya, kanina pa siya a Emergency room.

Habang umaandar ang sasakyan ay mabilis na lumipas ang oras ng hindi ko man lang namamalayan. "Bro, stop over muna tayo sa hotel. Kingina antok na antok na 'ko." Kinusot ko ang mata at tinignan ang labas.

"Sige." Matipid na sagot ni Luke at tsaka sinenyasan na sila kaya naman ng bumaba na sila ay nahuli ako, kamusta naman kaya si Min-min? Iniwan nila.

Pinagbuksan ako ni Luke kaya nakanguso akong lumabas habang ang noo naman ni Luke ay nakakunot ang noo. "Si Min-min?" tanong ko at bahagya siyang tiningala dahil sa tangkad niya.

"Pinaalaga ko muna kay Dr.Althea at Nurse Chi," saad niya at kinuha ang bag ko kaya naman ng hawakan niya ang kamay ko at maglakad na ay wala akong nagawa kundi sumunod.

Si Zai at Kent ang humarap sa receptionist, halatang inaantok na nga sila dahil panay hikab na habang ako ay nakanguso pa rin. 

'Parang bata na tatakas dahil hawak ni Luke ang kamay ko.'

"Oh kayo magbayad ah." Sinabayan ni Zai ng hikab ang pagsabi non kaya naman inabot na ni Luke ang susi at hindi nagsalita.

"What about my room?" Kwestyon ko.

"You're with me, let's go." Umirap akong muli sa sagot ni Luke at nagpatangay na lang sa kaniya, Alas dose na rin kasi ng madaling araw.

Nang makarating sa kwarto na tutuluyan namin ay basta-basta na lang sinarado ni Luke ang pintuan at mabilis nag-alis ng kaniyang Hospital Coat at isinampay iyon sa cabinet.

"Tumungo ka na do'n," wika niya tinuturo ang kama kung kaya naman ay sumunod na ako.

Ngunit napatingin ako sa damit ko na madungis kaya naman bumuntong hininga ako at nilingon ang banyo nandoon naman siya kung kaya ay sinimulan kong i-unbotton ang long-sleeved polo na suot ko.

Naka sando naman ako sa loob kaya ayos lang, nakagat ko ang ibabang labi tapos ay kumuha ng pamalit sa bag na dala-dala ko ngunit mabilis kong nayakap ang sarili ng biglang bumukas ang pinto ng Cr.

Ngunit naalala ko ang kagaguhan kaya dahan-dahan kong inalis ang kamay dahil gulat niya akong tinignan sa mukha. "May maisusuot ka ba?" Tanong ko.

Umiling siya, "Wala but I'm fine."

"I have my hoodies here, kasya yun sayo dahil same size lang naman tayo ng hoodie," aniya ko tapos ay napalunok ng humakbang siya papalapit sa akin.

"Kukunin ko lang," aniya ko at tsaka muling tinalikuran siya para hanapin ang pwede niyang suotin.

'Akala niyo ba hoodie lang ng lalake pwede ipasuot! Tse!'

Nang makuha ay kumarap na ako sa kaniya pero ganun na lang ang gulat at panlalaki ng mata ko nang marahan niya akong itulak sa cabinet na bukas pa.

"Y-Ya.."

"Should I boss around?" He questioned.

I gulped as I can smell his mint breath, he's so close to the point that I can also sniff his scent. "W-What do you mean?" Napaiwas tingin ako ng mautal.

"I don't grip on you, I keep on distancing myself so you could still be free but you're making me want to be possessive." Lumunok ako sa kaniyang sinabi at iniiwas ang tingin sa kaniya ngunit gamit ang daliri niya ay muli niyang kinuha ang atensyon ko.

"P-Possessive?"

"Don't act like you don't know it baby, you love teasing me right?" Umawang ang labi ko sa kaniyang tanong.

"Hindi na n-ngayon," wika ko.

"Talaga?" Tumango ako sa kaniyang tanong.

"M-Mag-bihis ka na, s-shower lang ako." Hinayaan niya akong itulak ko siya kaya nagmamadali akong pumasok sa bathroom at ni-lock ang pinto.

'Pag galit ako ito yung ayaw ko eh, nakakainis ang hirap-hirap magmatigas pag siya na.'

Sinadya kong bagalan sa banyo, siguro ay mahigit bente minutos bago ako lumabas paniguradong tulog na yu— gising pa!

"You look like a sneaking cat," napairap ako at matuwid na tumayo.

"Matulog ka na nga," aniya ko pa at tsaka lumabi.

"Hindi pa kita naki-kiss." Napa-ubo ako ng sabihin niya iyon kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata.

"Hindi tayo bati huwag ka ngang ano diyan papansin ka." Inis kong sabi sa kaniya.

"I don't care," aniya niya kaya tumaas ang kilay ko.

"Hahalikan mo ako tapos ano?" Tanong ko sa kaniya.

"Then let's do what you want us to do." Nanlaki ang mga mata ko at tsaka ko naramdaman ang pag-init ng mga pisngi kasabay ng katawan.

"Wala naman akong gustong gawin." Mariin kong sabi.

"Let's sleep," wika niya at nahiga na lang pinanood ko siyang ipikit ang mga mata kaya naman dahan-dahan akong naglakad papunta doon sa kama tapos ay ihiniga ang katawan.

"Hug me then if you don't want my lips," he whispered.

"Ayoko rin," pagmamaktol ko.

"Ang art— joke." Mabilis niyang pagbawi ng hahampasin ko na siya.

"Your slap, I can still feel it. It's the first time you slap me baby, I don't want to feel it anymore." Bigla ay na konsensya ako.

"I didn't mean to d-do it, I'm sorry." Mahinang sabi ko at nag-iwas tingin na, pakiramdam ko ay naramdaman ko ang sama ng loob niya sa akin.

"It's fine, that's normal. Ang hindi normal ay ang pagbuhatan mo ng kamay ang babae, depende sa ibang parte." Nanlaki ang mata ko at hinampas siya sa bandang tyan.

Natawa naman siya, "Totoo naman." Pabulong niya pang sagot.

"Kaya kailangan sabihin?" Inis kong sabi.

"Gawin ba dapa—"

"Luke!" singhal ko nagbabanta.

 "Just kidding baby," asik niya tapos ay siya ang lumapit sa akin.

"I miss sleeping beside you." He whispered.

"Psh."

"I'm serious." Mariing sabi niya pa.

"Okay."

"Rest, it's already late." Mahinang sabi niya muli.

"Night." Bulong ko at hinayaan siyang yakapin ako pero bahagya siyang lumayo at hinalikan ako sa noo.

"Goodnight." He added and I closed my eyes as his eyes stuck on my lips.

"W-Well.." Narinig kong mahina niyang sabi at maya-maya ay naramdaman ko na ang palad niyang malamig at ang labi niyang mainit sa labi ko.

Marahan niyang iginalaw ang labi, banayad at may respeto. Ang kamay niya ay dahan-dahan na hinaplos ang pisngi ko, bahagyang umawang ang labi ko dahilan para magawa niya ang nais.

Naglibot siya sa loob ng labi ko dahilan para mapakapit ako sa kaniyang braso, nang bahagya siyang umatras ay awtomatiko akong napahabol ngunit agaran ring nahiga.

Halatang nang-aasar siya ngunit dahil hindi pa rin naghihiwalay ang labi namin kaya panay pa rin ang pagtugon ko. Naramdaman ko ang pag-ngisi niya dahilan para mahina ko siyang kurutin.

Nang humiwalay siya ay napalunok ako at tsaka nagmulat upang makita siya ngunit ang ngisi niya ay nagdala ng nakakairitang pakiramdam sa akin.

"Bwisit ka," wika ko.

"Oh? Bakit?" Tanong niya kaya umirap ako.

"Nakakainis ka nga." Sagot ko.

"Bakit nga?" Balik tanong niya kaya umirap ako.

"Bitin ka?" Inambahan ko siya kaagad pero tumawa lang siya at napaawang ang labi ko ng hapitin niya ako sa bewang at pagdikitin ang katawan namin.

"O-Oh you're not wearing something inside?" Nag-init ang mukha ko sa kaniyang sinabi dahilan para mabilis ko siyang itulak palayo at yakapin ang sariling katawan.

"B-Bigla ka kasi— aish!" reklamo ko at tsaka ngumuso na lang.

"Tulog na." Mahina kong sabi tapos ay kinuha ang unan at tsaka niyakap iyon.



GRS HOSPITAL



Nakabusangot akong nakikinig sa sermon nila ngayon, halos lahat sila may baon na sermon habang ako busog na busog.

Habang ngisi naman ng ngisi si Luke na para bang natutuwa sa nangyayari dahil hindi siya gaano nanermon, bawing bawi siya ngayon. "Huwag ka ng uulit, Doctor Mia." Nakanguso akong tumango sa kanila.

"Opo boss."

"Opo."

"Yes po."

Nang umalis sila ay mabilis kong pinulot ang tsinelas at binato sa kaniya na mabilis naman na tumama sa kaniya. "Asar ka pa sige!" bulyaw ko na ikinatawa niya.

"Takas pa kasi." Inis ko siyang sinamaan ng tingin.

"Alam mo Luke, punyeta ka!" Sigaw ko.

"Pogi naman," aniya niya sabay kindat kaya napairap ako.

"Hindi ka pogi!" 

"Kaya nga kahit sino nagkakagusto sa akin hays sorry marami ka tuloy kaaga—aray! Doctor mo 'ko bakit ka nambubogbog!" Sigaw niya pero patuloy ko siyang hinabol ng hinabol.

"Pag ikaw inatake ng hika! Isa Mia!" Sita niya sa akin kaya na ka-nguso akong tumigil.

"Hinding hindi na talaga kita papakasalan Luke Garcia! Bahala ka sa simbahan!" Bulyaw ko habang humahangos.

"You can't escape me baby." Nang-aasar niyang sabi kaya sumama lalo ang mukha ko.

"Hinding hindi tayo magkaka-anak!"

"Imposible yun! Ikaw nga nag-aaya sa akin! Alam ko ang kasal muna bago yon dahil kung hindi patay ako sa tatay mo baka paulanan ako ng bala—"

"Ang kapal-kapal talaga ng mukha mo!" Gigil na gigil kong sabi habang hiyang hiya rin.

"See, namumula ang mukha m— Oo na! Oo na ako na! Ang sakit ng tsinelas mo ang mas mabigat pa ata sa cellphone ko!" Sininghalan ko siya.

"Hindi ka nakakatuwa Garcia!"

"Hindi naman kasi biro— Oo na nga! Lagi ka naman panalo." Nakalabing sabi nito at inalis ang stethoscope sa kaniyang leeg.

"Isakal ko sayo yan eh." Saad ko.

"Ikaw nga may pa-Choke me daddy p— JOKE LANG!" At dahil pikon na ako sa kaniya ibinato ko na talaga ang isang pares at tinamaan lamang ang kaniyang braso.

"Isa pa Luke Garcia!" Sigaw ko.

"Oo na, ano ba yan. Nawawala yung ka-astigan ko sa babae na 'to ang bru— ang ganda." Pag-aayos niya kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"Sige na tumawag ka daw kay Tita Miyu. Pag ako talaga napilay at hindi ko nagagamit ang maganda kong kamay sa operation room nak—" Hindi pa man niya natatapos ay sinamaan ko na siya ng tingin.

"-makakapagpahinga ako." Ngingiti ngiti pa niyang sagot.

"Sige ha, Sa emergency room muna ako and please wear bra—"

"Kahit kailan talaga gago kang nobyo—"

"I know, hehehehehe." Mabilis kong tinignan ang paligid at ng muli ko siyang tignan ay nanlaki na ang mata niya at mabilis na lumabas ng kwarto.

'Sakit sa ulo, ang lakas mang-asar.'

Naupo na ako sa kama upang tawagan si mommy at sabihin na mabuti ang kalagayan ko, nang kaniya itong sagutin ay napangiti ako. 

"How are you anak?" 

"I'm okay mommy, sorry."

"No problem It's okay It's alright."

"Mommy, Kilala ko na po yung lalake how about the lady?" mahina kong tanong.

"What? H-Hindi mo alam anak?" Halata ang gulat sa tinig ni mommy.

"Opo, hindi ko nga po alam. Wala po akong idea kung sino ang pwede kong pagkatiwalaang babae." Napanguso pa ako sa pagsagot.

"So you don't trust yourself? Ang babaeng tinutukoy ko Mia ay ang sarili mo anak. Bago ka magtiwala sa iba dapat nagtiwala ka muna sa sarili mo." Bigla ay natulala ako.

"P-Po?"

"Anak trust yourself more than anyone, hindi ako makapaniwalang hindi mo alam." 

"A-Ako po yung babaeng sinasabi niyo?" Gulat kong tanong.

"Oo anak. Ikaw lang wala ng iba." Natulala ako at tsaka napatingin sa cellphone ng maputol ang call.

'Ako?'

'Kinulang nga pala ako ng tiwala sa sarili, ang bilis ko kasing sumuko hindi ko naisip ako pala yun.'



√√√

@/n: Diba sabi sa inyo eh, mahirap hulaan at safe ang age ko hahahaha!
Okay guys grade 2 po ako 😂

Answer: Walang iba si Mia lang talaga HAHAHA

Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro