Chapter 33
Luke's POV.
We rushed to the hospital, my heart won't stop on beating fast. I gasped as we're closer to the emergency room, my lips are trembling. Arrhythmia is fatal, it can kill you when you lack in blood because of slow heart beats.
When too fast it can cause high blood that can lead to stroke same with slow heart beats. "Where's noona?" Kent Axel questioned.
"Hanapin na lang natin." Mahinang sabi ni Zai at tsaka sinenyasan na ako kaya naman ay naglakad na kami, nakasuot pa kami ng Hospital Coat ni Zai while Kent is wearing his hoodie.
"Mia Jasmin Sandoval?" tanong namin sa Nurse Station.
"Nasa Emergency room po." tukoy ng isang babae kaya lumunok ako, sana sa GRS na lang nila itinakbo.
"Bed 12." Tumango lamang ako at naglakad na papasok, ng marating ang hospital bed ay napabuntong hininga agad ako.
"Mia." Pabulong kong tawag sa kaniya.
"Mamaya na tayo, tara." Hiniklat ni Zai si Kent papaalis kaya naman ng isarado nila ang kurtina ay huminga ako ng malalim.
"Alam mo ang sakit mo, bakit kailangan mong umalis? Gusto mo ba mamatay na lang ng walang ginagawa Mia?" Iniiwas niya ang tingin sa akin.
"Kung sesermonan mo lang ako—"
"Kung ayaw mo sa sermon matuto kang makinig." Mariing sabi ko.
"Umalis ka na." Madiing sabi niya.
"Mia," saad ko.
"Ayaw ko kayo makitang lahat," aniya niya at iniiwas ang tingin sa akin.
"Mia naman," mahina kong sabi at naupo sa gilid ng kaniyang kama.
"Ayaw ko nga," ani niya halatang nagmamatigas kaya bumuntong hininga ako at tsaka ko siya pilit na iniharap sa akin.
"What do you want me to do then?" Mahinang tanong ko ng maiharap siya sa akin.
"Should I just surrender myself and get killed? Is that what you want me to do?" Napatitig siya sa akin ng masama.
"Should I just die? Would you be satisfied? Could you forgive me after my death—" Mariin akong napapikit ng unang beses kong maramdaman ang palad niya sa mga pisngi ko.
'Ang sakit pala sa pakiramdam.'
"Sinabi ko bang gusto kong mawala ka?" Dahan-dahan akong nagmulat upang tignan siya ngunit nanlalabo ang aking mga mata.
Parang may nakaharang na sa kung ano sa lalamunan ko at gusto kong i-ubo ngunit hindi ko magawa. Nagsimulang lumuha ang mata niya.
"Gusto ko lang na hindi ka na mag sinungaling sa akin, na itigil niyo na ang pag-plano ng hindi ko alam." Nanunumbat niyang sabi dahilan para tumango ako.
"I feel so weak, weak and tired Luke. I kept asking myself what did I do wrong?" Tumango tango ako at pinunasan kaagad ang luha na tumulo sa mata ko.
"Nothing," wika ko.
"Wala kang ginawang mali," saad ko.
"I'm sorry, We're sorry. Hindi ko alam biglang hindi ko naunaawaan ang lahat, pagod ka na? Pagod na pagod na rin akong kalabanin ang lahat manatiling buhay lang." Pinahid kong muli ang luha sa mata.
"Kung madali lang sanang sukuan ang lahat matagal ko ng ginawa, Mia. Kasi pagod na pagod na rin ako, hindi ko na alam kung saan pa ba ako kukuha ng lakas." Napatingala ako upang pigilan ang luha.
"Pagod na rin talaga ako, gusto ko na lang magpahinga. Pero nasaan ba ang pahinga ko? Tinakasan pa 'ko." Mahinang sabi ko at pekeng tumawa. Nang magtama ang paningin namin ay ngumiti ako at pinunasan ang luha sa kaniyang mata.
"Kung hindi ka na masaya sa akin. Nauunawaan ko." Isinilid ko ang buhok niya sa gilid ng kaniyang tenga at tinitigan siya sa mata.
"Ako mismo ang susuko, kung hindi ka na sumasaya sa akin. Pagagalingin lang kita, hayaan mo lang akong gamutin ka pagkatapos non ako na ang aalis ako na ang lalayo." Bigla ay naging emosyunal ako sa sinabi.
"A-Ayokong nahihirapan ka." Lumunok ako at nag-iwas tingin upang hindi niya makita ang luha sa mga mata ko.
"Hindi ko intensyong pahirapan ka." Pabulong kong sabi upang maiwasan niyang marinig ang aking pag-iyak.
"Hindi ko intensyon na mahirapan ka h-hayaan mo, maghintay ka l-lang. Gagaling ka at pagtapos mo gumaling sasaya ka na." Nginitian ko siya tapos ay hinawakan ko ang likod ng kaniyang ulo at inilapit sa akin.
Pumikit ako ng sandaling dumampi ang labi ko sa kaniyang noo, narinig ko naman ang pag-iyak niya na para bang bata.
"E-Excuse me si— doc, ibibigay ko lang po ang gamot niya." Dahan-dahan akong lumayo at simpleng tumayo tapos tinalikuran muna sila upang ayusin ang sarili.
Isinilid ko ang dalawang palad sa bulsa ng aking suot at tumikhim. "Kayo po ba yung doctor from GRS?" Nilingon ko ang nurse at tumango tango.
"A-Ako nga." Tumikhim ako ng sandaling malatin.
"Kayo po pala si Doctor L? Yung famous cardiologist from GRS hospital?" Tipid akong ngumiti.
"Cardiologist lang, hindi famous." Sagot ko.
"Ililipat niyo daw po kasi siya sa GRS hospital, waiting po tayo for another ambulance—"
"Hindi na kailangan ng ambulansya, sa sasakyan na lang nila." Mahinang singit ni Mia kaya napatango ako.
"Sure ka po ma'am?" tanong ng Nurse.
"I can handle." Pagsagot niya at hindi ako magawang tignan.
"Okay po ma'am, let's wait for fifteen minutes lang po and then pwede na kayong mailipat." Nakangiti pang sagot ng nurse.
"Thank you."
"Police ba ang nagtakbo sayo rito?" Tanong ko.
"Sila ang nakakita sa akin." Matipid niyang sagot.
"Why did you take off your pulse watch?" Kwestyon kong muli tumikhim siya at sinuot na lang yon kaya tumikhim rin ako.
Maya-maya ay pumasok si Zai at si Kent na salubong ang kilay. "Ano erp? Takas pa." Singhal sa kaniya ni Zai kulang na lang ay batukan niya na si Mia.
"Papatayin mo ang lahat sa kaba kahit si Dr.Romeo na nasa operasyon pinakaba mo." Dagdag pa ni Zai.
"Tumigil ka na nga kakasermon, ako nga hindi nakasermon tapos ikaw gagawa." Inis kong sabi kay Zai agad naman ako nitong sininghalan.
"Ayan i-spoiled mo pa yang nobya mo, buti na lang hindi kita nobya dahil kung hindi mabilis akong tatanda baka kumupas pa ang kagwapu—"
"Mangarap ka, hindi kita gagawing nobyo." Paninira ni Mia sa sinabi ni Zai na ikinasama at ikinalukot ng mukha nito.
"Pota, Magka-ugali kayong dalawa." Singhal ni Zai.
"Kayong tatlo." Dagdag pa niya.
"Luh? Ako na naman." Bulong na sabi ni Kent tapos nag-iwas tingin.
"Akala mo ba makakalimutan ko yung ‘yet you said something’ mo!" sinenyasan ko si Zai na tumahimik kasi nasa emergency room kami.
"Ha?" Tanong ni kent.
"Sabi ko hindi ko makakalim—"
"Hakdog." Nanlaki ang mata ni Zai at aambahan na sana si Kent ng may pumasok muli na nurse.
"Paki-ayos na po yung bill ni ma'am para po aalis na lang kayo mamaya." Maayos na sabi ng nurse kaya tumango kami.
"Kent Axel ikaw ang kapatid, halika." Hinablot ni Zai ang hoodie ni Kent at tinangay papalabas ng Bed ni Mia.
"Did you tell mom about this?" Tanong ni Mia.
"Hindi sila ma-contact," saad ko.
"Hmmmm.."
"Are you hungry?" Mahina kong tanong.
"Ani," aniya niya. (No)
"Arasseo," wika ko naman at tumikhim muli. (Okay)
"Anong meron?" Tanong ni Mia kaya kagat labi kong ibinulsa muli ang mga kamay ko sa Bulsa ng suot na pang ibaba.
"Ewan ko ba kung anong meron, hindi ko na nga alam kung meron pa ba akong ikaw." Sa sagot ko ay naningkit ang kaniyang mata at siniringan ako.
"Water." Utos niya kaya naglakad ako at kinuha ang water bottle tapos basta lang pinasalo sa kaniya at dahil sa ginawa ko ay mukhang hindi siya natuwa.
"You're so ungentleman." Dismayado niyang sabi kaya ngumisi ako.
"It looks like you hate that side, I'm just trying this side." I mentioned.
"You also hate it? Or maybe you hate me." Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya tumikhim ako at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng white coat.
"Could you remember the first time we met, five years ago?" Tanong ko sa kaniya, bumuntong hininga siya.
"Yeah." sagot niya.
"I'm watching you from afar on your graduation day, did you receive the gift?" bigla ay halatang natigilan siya inalala ang mga sandaling iyon.
"Y-You mean the little g-glass bottle and t-the syringe?" napangiti ako nang maalala niya ang kahon na iyon.
"It's nothing but a simple gift, you wanted to be a doctor. Ayokong may kaparehas ako that's why I gave you that." Halatang halata ang gulat sa kaniyang mukha kaya matipid akong ngumiti.
"Y-You mean that box is from you?" Nakangiti muli akong tumango.
"What kind of liquid is that?" Tanong niya pa.
"It can make your heartbeat stop. Yun yung sinaksak sa akin ng mangyari ang harapan sa Isla, sa loob ng pitong minuto bigla ulit titibok ang puso mo." Sagot ko.
"Do you know everything? Back then?" napaisip ako sa tanong niya, ano naman kaya ang problema?
Mia Jasmin's POV.
I knew it! Ito yung sinasabi ni mommy! Bakit hindi ko naalala ang regalong ito? Akala ko kasi ay wala-wala lang na para bang pinagtitripan ako.
Kaya pala walang label ang bottle, Kung siya na ang lalakeng pagkakatiwalaan ko sino yung babae? Sino siya?
Papaano ko malalaman kung sino ang babae na iyon? Anong koneksyon niya sa akin? Anong koneksyon niya sa amin?
'Ang sakit sa ulo isipin kung sino ba yung babae na yun…'
√√√
@/n: Ahem, sino kaya yung babae? Any guess? 😂
Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro