Chapter 32
Mia Jasmin's POV.
Nang makabalik sila ay naabutan nila ako sa sofa, nakaupo habang hawak-hawak ang cellphone. Nagulat si Luke nang makita niyang hawak ko ang cellphone.
"M-Mia," saad niya nagtataka at mukhang kinakabahan.
Nang nagtama ang paningin namin ni Kent Axel ay mas napabuntong hininga ako pero pinili kong manahimik.
Ayokong marinig ng magulang ko ang kumpirmasyon na gagawin ko sa kapatid.
"Mauuna na kami anak," wika ni mommy tapos ay humalik sa pisngi ko at yumakap.
"I still don't get it mommy," mahina kong bulong pero ngiti lamang ang ibinalik niya.
"Magpagaling ka anak. Sa muli," aniya ni daddy at hinalikan ako sa noo kaya ngumiti ako.
"Ingat po," ani ko at nginitian sila ng makalabas sila ay tinignan ko kaagad si Luke at si Kent.
"Cellphone ito ng pinatay hindi ba?" tanong ko at pinakita ang cellphone sa kanila.
"Why do you have that?" tanong ni Luke at mabilis na inagaw ang cellphone.
"Nakita ko na yung laman niyan," saad ko halata naman na kinakabahan sila sa tono ng pananalita ko.
"Zai, out of the room." Utos ko bumuntong hininga naman ito at tumango tango na lang rin.
Nang makalabas siya ay inutusan kong i-lock nila ito sumunod naman si kent at tsaka ko sila sinenyasang dalawa. Lumapit sila sa akin mukhang kinakabahan tumikhim ako tapos ay tinitigan ang dalawa.
"Now I want to know what happened." I asked.
"I don't have to explain." Luke stated.
"Kent, start explaining things now." Nabalisa kaagad ang kapatid ko ngunit tinitigan ko lang siya.
"Wala siyang alam rito," aniya ni Luke tapos ay tinapik si Kent kaya bumuntong hininga ako at inagaw ang cellphone, dumeretso ako sa Recording app and played the last part.
"What's that?" gulat na tanong ni Luke.
"A record, while he's talking about killing me ni-record niya ang usapan niyo to frame you up in the end. Alam niyang hindi mo ako kayang saktan kaya sa oras na siya ang pumatay sa akin lalabas na ikaw ang gumawa because he can edit this record," natigilan sila.
"I heard everything, those clips I even watched my own clip while naked. I'll kill him too for sure, but you can do it using our law." Napatitig lamang sila sa akin, ina-absorb ang sinasabi ko.
"Luke, tell me the scenario. Kayo lang ba? o may iba pa kayong kasama?" ngayon ay ang tinatanong ko walang iba kundi si Luke.
"Kaming dal'wa lang ang nag-uusap non, nagalit ako kasi sa ginawa niya and everytime I think about that video naiinis ako lalo," saad ni Luke kaya tumikhim ako.
"That asshole deserve to be in hell," gigil kong sabi.
"Nasaan ang baril na ginamit mo? kanino?" tanong ko kay Luke.
"Baril ng lalake na yun, yung itinutok niya sa akin ay pinatikim ko sa kaniya." Sagot ni Luke, tumango tango ako.
"Magkaharap kayo kung ganun?" tumango si Luke.
"Saan ang tama niya, hindi ba't inoperahan siya rito?" tanong ko.
"Bullseye." Luke Answered.
"Sentido?" tanong ko.
"Yeah, on his left." Nang yun ang isagot niya ay inaalala ko ang tunog na narinig sa Record it was on left too.
"My mom told me to pick who's worth my trust and either one of you don't fit in it." Diniinan ko ang sinabi tapos tipid na ngumiti.
"Your lies, all of you are liars. Kailan ba ako nagsinungaling sa inyo?" Hindi ko mapigilang maluha.
"I'm so tired of this, I'm so tired of everything. Gusto ko lang naman maging isang doctor bakit ako nandidito sa sitwasyon na ito ngayon?" Ikinuyom ko ang kamao at masama silang tinignan.
"Kent Axel, kapatid kita why do you have to lie? Sa lahat ng inaasahan ko na hindi magsisinungaling ay kayo mismong kadugo ko." Napayuko sila sa aking sumbat.
"Ang sama ng loob ko, sinasabi ko sa inyo baka hindi na lang arrhythmia ang sakit ko baka susunod because of trauma broken heart syndrome na ang matamo ko dahil sa ginagawa niyo!" Sigaw ko sa kanila.
"Bago ko kayo tinanong alam ko na ang sagot." Mahina kong sabi sa kanila.
"Bago ako nangwestyon huli na kayo, Kent Axel you know what is right and wrong.." mahinang sabi ko, nadidismaya ng sobra.
"I'm so sorry, Noona." Lumunok ako dahil lumuha siya.
"Now tell me papaano mo ito aayusin? paaano natin ito aayusin?"
"Stop blaming him, That man was about to send your video to all Mia." Awtomatiko kong nalingin si Luke habang nanlalaki ang mata.
"Kung hindi nagawa ni Kent, I'm sure kalat na ang video na yun ngayon. Kahit saang bansa ka pa pumunta," napabuntong hininga ako lalo.
"I'm so sorry noona, you should be respected because your a lady and you're the founder of Sanez.." naitikop ko ang bibig at bumuntong hininga, panay ako buntong hininga hindi makasagot.
"This is enough for today, hindi ko alam kung papaano ko aayusin. Gusto kong magpahinga." Mahina kong sabi sa kanila at tsaka ako bumalik sa kama.
'Pero hindi ako makakaisip ng solusyon kung nandito sila sa paligid ko, pag nandidito sila at binabagabag ako, ang ibinigay na sulat sa akin ni mommy, lahat.'
Lalong hindi ko pababayaan ang kapatid kong maipit dahil nakapatay siya dahil sa mga masasamang tao, ayoko na wala akong magawa. "Kent, magpahinga ka muna siguro." Nalingon ko si Luke na nagsalita kaya bumuntong hininga ako at nagtalukbong ng kumot.
'Tamang timing lang kailangan ko, para maisagawa ang Plano.'
Luke's POV.
Lumabas muna ako ng kwarto ni Mia at hinayaan ang sarili kong mamroblema, hindi ko pwedeng burahin ang laman ng cellphone at isa pa hawak naman ni Mia yun pagpapahingain ko muna siguro siya.
Nang makalabas kami ng ospital ay inakbayan ko si Kent na halatang natatakot."Kalma lang, kailangan lang ng noona mo na mag-isip. Nasisigurado kong galit siya sa lahat ngayon." Patuloy kami sa paglalakad pakakainin ko muna siguro si Kent.
"Anong gusto mo?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko alam hyung, wala akong gana kumain ikaw na lang," saad ni Kent kaya bumuntong hininga ako.
"Kailangan mong kumain huwag mong paabutin sa punto na sabihin kong ‘pag hindi ka kakain, hindi rin ako kakain’ wag ganon bruh." Natawa si Kent sa sinabi ko at tsaka napailing iling kaya naman ngumiti ako.
"Lilipas ang galit no'n huwag kang mag-alala." Nakangiting sabi ko sa kaniya at tsaka umorder na lang ng kakainin namin, bibilhan ko na lang si Mia upang kumalma at mabawasan ang galit niya.
***
Pabalik ako sa ospital dahil si Kent muna ang pinagamit ko ng kwarto sa bahay naming mga doctor habang naman malapit na sa kwarto ni Mia.
Dahan-dahan akong pumasok ngunit nakita ko siyang nakahiga pa rin kaya naman naupo muna ako sa sofa at inayos ang pagkain ni Mia.
Makalipas ang kinse minutos ay tumayo ako upang silipin si Mia sa kaniyang pagtulog ngunit ganun na lang ang gulat ko ng mahawakan kong hindi tao ang nakakumot, hinila ko ang kumot at nakita ko ang unan na nakahugis.
Kinabahan ako at mabilis na kinuha ang cellphone ko upang tawagan siya, lumapit ako sa cabinet upang tignan ngunit nakita ko na wala ang ibang gamit niya rito kaya naman lumabas ako ng kwarto ni Mia.
"Nurse, did you see Dr.Mia?" tanong ko rito.
"Hindi doc eh," saa nito dahilan para dumeretso ako sa control room at mabilis na ginalaw ito at nakita ko ang maingat na pagtakas ni Mia kahit ang mga doctor at nurses ay hindi nga siya nagawang pansinin.
Nakagat ko ang ibabang labi sa pagkairita ng hindi niya sagutin ang tawag, kaya naman tinawagan ko na si Kent at Zai upang ibalita ang pagtakas niya.
"Fuck! may sakit ka nagawa mo pang umalis ng ospital!" gigil kong bulong tapos ay lumabas ako upang magpatulong sa iba na hanapin si Mia.
"What!?"
"Seryoso ba yan!? tumakas siya bakit!?" gulat na tanong ng kapwa namin doctor.
"Papaanong nakalusot siya."
"Parang ang imposible naman na hindi namin siya napansin?" aniya ni Nurse Chi.
"Pakalat kalat ako rito." Napakamot pa sila sa mga batok.
"Dinala niya ang mga gamit pero wala man lang kahit anong sulat ang iniwan." mahinang sabi ko.
"Nag-talo ba kayo?" tanong ni Dr.Lucille kaya mabilis akong umiling.
"Hindi," wika ko ngunit ang totoo ay hindi ko alam sa dami ng problema.
"Where's noona?" napatingin ako kay Kent tsaka ako bumuntong hininga.
"Hindi pa namin alam." Sagot ni Zai.
"Hindi rin ma-contact si mom at dad." dagdag ni Kent kaya napaupo ako at napahilamos sa aking mukha.
"Papaano na lang kung umatake ang sakit niya." Bulong ko.
"Kumalma ka muna doc.." aniya ni Dr.Kiro.
"Sana ay ayos lang siya, pwede niyo ba siyang tawagan? Subukan niyo lang." Pakiusap ko, sinunod naman nila ako at sinubukan isa-isa.
Matapos ang ilang minuto ay wala kaming natanggap na sagot dahilan para gamit ang numero ng lalakeng nag-utos sa akin ang tinawagan ko.
Ngunit umbis na hayaan mag ring ay pinatay niya ang tawag, End call agad. Bumuntong hininga ako sa panlulumong nararamdaman.
'Bakit kailangan niya pang umalis?'
"Hyung! Hyung!" agad kong tinignan si Kent Axel na kinakabahan akong tinawag.
"Bakit?" tanong ko, nag-aalala.
"M-May pulis na tumawag gamit ang cellphone ni noona! Si noona daw hyung.." ang kaba sa dibdib ko ay mas lumala ng marinig ko ang kaniyang sunod na sinabi.
"Si noona daw hyung inatake ng sakit sa puso.."
√√√
@/n: Pabitin muna ha, enjoy! Sowwey wuv you all mas habaan ko update bukas 😳
Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro