Chapter 31
Kent Axel's POV.
Sandali akong nabalisa ng maalala ang nangyari kanina, gusto kong lumuha bigla.
=FLASHBACK=
"H-Hyung.." kinakabahan kong sabi at tinignan ang lalakeng nabaril ko.
"Kumalma ka, ang nangyari ngayon mananatili lamang sa atin. Nauunawaan mo?" pag-aalo ni hyung at tinapik tapik ako sa aking mga braso.
"Itatago ko muna ang baril mo, sa akin na muna ito at magtiwala ka sa gagawin ko." tinitigan ko lang si hyung, takot na takot ako.
'Hind mahirap magpaputok ng baril, pero mahirap pag nakapatay ka..'
Kinuha niya ang baril ng lalakeng iyon at ganun na lang ang pagtataka ko ng parehas kami ng baril, pinanood ko lamang si hyung.
Napalunok ako ng ilabas niya ang magasin ko at ang magasin ng isang baril bago niya ito pagpalitin ay hinaluan niya rin ng bala ng baril ng lalake ang magasin ko.
'He's trying to manipulate the game..'
"Z-Zai will find out about this, and I want you to stay out of this Kent Axel. Wala kang aaminin, wala kang sasabihin, wala naiintindihan mo?" kinakabahan kong inilingan si hyung.
"I'm the one who did it hyung, sino ang pagbibintang—"
"Ako, ako na." sagot niya dahilan para manlamig ang aking katawan.
"P-Pero—"
"Wala ng pero pero, akin na ang panyo mo." inabot ko ang panyo kay hyung.
Pinunasan niya ang baril at yun ang pinanghawak niya, nagtataka ko siyang pinanood ng Ipahawak niya ang baril na yun sa lalake na nakahilata at panay dugo.
"His fingerprints are all over the gun handle, even on the reloader." explain ni hyung.
"You'll soon to be a lawyer Kent, watch how things manipulated and apply it on your mission soon." mahinang sabi ni hyung.
Matapos nun ay hinila ako ni hyung at ang dala ko na inilapag ay hinablot niya rin. "Sumama ka muna sa akin." saad niya at tsaka ako iginaya sa kung saan.
"Hyung, h-hindi mo dapat akuhin ang kasalanan ko—"
"You saved your sister, that man is nothing. Think of this as a self defense." sagot ni hyung dahilan para bumuntong hininga ako.
"H-Hyung.."
"Ako ang bahala sayo, kahit kanino huwag mong sasabihin ito." mahinang sabi ni hyung kaya bumuntong hininga ako muli.
Dinala niya ako sa Ramen House, pinakain at maya maya ay sunod sunod na tumunog ang cellphone ni hyung. "Sino hyung?" kinakabahan kong tanong.
"Zai." sagot ni hyung.
Ng sagutin niya ang tawag ay napalunok ako, sandaling kinabahan. "Yes, Zai?" he answered.
"Yeah, punta ako diyan." sagot niya pa muli at ng ibaba yon ay nginitian niya ako.
"Tara na doon, isagot mo na kadarating mo lang malinaw?" tanong ni hyung jaya kinakabahan akong tumango.
Nang marating namin ang kwarto ni noona ay binati lang ako ni Hyung Zai. "Luke, ano na naman ba?" mariing sabi ni Hyung Zai kay hyung.
"That's your last offense! Pumatay ka na naman!" mariin at saktong bulyaw niya.
"Sana naman hindi ka na umulit! Habang tumatagal ka hindi ka na karapat dapat na maging leader pa ng Luna." napalunok ako at lalong nakonsensya.
"Hindi kawalan ang Luna sa akin, Zai. Ako ang kawalan sa inyo dahil ako ang nakakaalam ng lahat." mariing sagot ni hyung.
"Maaring hindi malalaman ng mga tao na normal ang pagpatay sa lalakeng iyong pero sa underground oo!" sigaw ni Hyung Zai.
"Pag nalaman pa ni Mia at ng magulang niya hindi ko na lang alam sayo Luke!" napayuko ako at napahilamos ng mukha.
'Ako ang may kasalanan nito, bakit kailangang si hyung ang managot..'
=END OF FLASHBACK=
At ngayon ay nagtataka kami ni Hyung Zai kung bakit ang tagal nila mag-usap, nag bugbugan na ata sila kinakabahan tuloy ako. Hindi ko kayang magsinungaling lalo na sa ganitong paraan lalo na't capital offense ang ginawa ko kung sakaling batas mismo ang usapan at hindi ang batas namin.
'Gusto kong magmaktol..'
Mia Jasmin's POV.
Nakabusangot ako habang nakaupo sa kama ko, habang si Luke ay pasulyap sulyap sa aking gawi. Hindi ko talaga tinanggap ang sing sing ng matuto siya at hindi na umulit.
"Where's Kent?" tanong ko kay Luke.
"With Zai, kumakain sila. May pinabibigay wala si Tita Miyu kaya nandito si Kent, ikaw lang daw ang bumasa at tumingin niyan." Saad ni Luke t ngumisi tapos ay inabot sa akin ang paper bag kaya naman tinanggap ko ito.
Ng binuksan ko ay dumistansya siya kaya naman nagtataka kong kinuha ang maliit na hindi naman sobrang liit na kahon.
'Weird bakit naman ako padadalhan ni mommy ng ganitong bagay na dapat ako lang makakakita.'
Ang pagtataka ko ay nasagot ng makita ko ang isang envelop kaya naman inuna ko ito dahil note ito para sa akin. Ngunit natigilan ako ng unang mabasa ang note, kinabahan ako at napalingon sa buong paligid nagtataka naman akong tinitigan ni Luke.
"Why? what's the matter?" tanong niya at akmang lalapit pero mabilis ko siyang pinigilan.
"Stay there." aniya ko.
Lumunok ako at muling pinasadahan ng tingin ang note.
'First Born, I'm so sorry if I have to do this. Ikaw ang panganay ko kaya magtitiwala akong kaya mong lampasan ang lahat ng nangyayari, gusto kong kahit anong mangyari magpakatatag ka. I know that depression is really something, It can destroy you but you are something you, you're indestructible.
The underground is targetting you, that's why I want you to be careful who you trust. From now you can only trust 2 person, That two person is a she and a he that's the only clue. Open the box, be careful. We're in a dungeon, but i want you to keep your brother's safety.
Mahal na mahal namin kayo ng kapatid mo.'
Kinakabahan ako sa letter kaya kinuha ko ang isang kahon na tinutukoy ni mommy at binuksan iyon, napalunok ako at tinitigan ang laman niyo. It's a little glass bottle.
A little glass bottle and a syringe, napalunok ako at tinitigan ang bote na nasa kahon mismo.
'This to someone you trust, the one you choose to trust. Someone who knows everything, Suspicious but worth to trust.'
Kung ang isa ay babae at ang isang dapat kong pagkatiwalaan ay lalake, kanino ko ito ibibigay? too much logic, si mommy naman magbibigay na ng warning balak pa akong pag-solvin.
Sa lalake I know my choices but to girl sino? hindi ko maintindihan. "Are you alright?" tanong ni Luke kaya itinago ko na ang kahon sa dati nitong lalagyanan at tsaka ako tumikhim.
"Yeah." sagot ko.
"Anong iniisip mo?" tanong ni Luke.
"Mom send me a note and a little gift, nasaan si Zai at Kent?"
"I don't know yet, baka kumakain pa rin." sagot niya at kinuha si Min-min na tulog sa sofa inilipat iyon ni Luke sa kaniyang kulungan.
Iniisip ko pa rin ang sinabi ni mommy, parang pala-isipan eh. Dalawang tao, babae at lalake sino naman kaya ang tinutukoy ni mommy na nakakaalam ng lahat?
***
Nandidito ngayon si mommy at daddy, I wanted to question them about the dungeon they're talking about but I have a bad feelings about it. "What did we just heard Luke?" She asked.
My mommy sounded so serious. Luke sighed and answer the question, "I accidentally pulled the trigger tita."
"Pulled the trigger? without thinking what would've happen?" My mother questioned.
"Usapan ay usapan Luke, bakit mo ginawa ulit na para bang hindi tayo nahihirapan na unawain ka? may batas at ang batas na iyon ang dapat nating sundin!" Nauubusang pasensya ni Mommy dahilan para bumuntong hininga ako.
"Sorry tita," aniya ni Luke kaya napaiwas tingin ako dahil nakakatakot ang magulang ko ngayon.
"Ilang beses ka ba naming dapat sabihan hijo? Suway ka nang suway." ubos na ubos ang pasensya ni daddy kay Luke habang si Kent ay tahimik na nakayuko na ipinagtataka ko.
"Paumanhin, Tito Vince." He sincerely apologized.
My father hissed because of irritation, "I don't want to stress my daughter, let's talk in the car."
"Aalis pa kayo daddy?" aniya ko.
"Yeah, Kent Axel sumama ka rin at ikaw Zai," utos ni daddy sa kanila kaya naman pati si mommy ay sumunod sa kanila hanggang sa maiwan akong mag-isa.
Iniikot ko ang paningin sa buong kwarto ngunit ganun na lang ang pagtataka ko ng makita ang cellphone na hindi pamilyar nakatago ito ngunit matalas ang paningin ko para mapansin.
Tumayo ako at naglakad papalapit sa taguan na yun, takang taka kong dinukot ang cellphone at binuksan.
Ngunit ganun na lamang ang pagtataka ko ng sandaling mapansin na cellphone ng hindi ko kilala ngunit pamilyar na lalake ito may bakas pa ng dugo at mukhang kinuha lang ni Luke bago niya barilin ang lalake.
'What makes me think that you're hiding this phone because of something you don't want others to see.'
Kinakabahan kong tinignan ang last open, it was earlier. Mula ng mangyari ang incident ay halatang hindi pa rin binuksan ito kaya namab ay kinalikot ko.
'Huwag sana siyang magalit sa akin.'
Napatingin ako sa Recent Open app na nandidito, it was the gallery and a recording app inuna ko ang recording app dahil pakiramdam ko ito ang dahilan ng galit ni Luke.
I played the last clip, ngunit ganun na lamang ang ang kaba na idinulot nito sa aking dibdib..
"Things are easier with anger, what makes you want to kill your first love?" It was a voice of a man that is about forty years old?
"It's none of your business, what makes you come here?" Luke replied.
"Ang tagal ng progress, bakit mo ba kailangang patagalin ang pagpatay sa first born? Mahal mo siya ano?"
"Mahal mo nga! Hindi ka sumasagot eh!"
Natigilan ako ng maputol ang recorded clip na ang Oras ay nandidito pa. Pinindot ko ang kasunod at pinakinggan.
"Ano ba talagang gusto mong gawin ko para mapasunod ka! Kung unahin kaya kita at isunod ko ang first born!" ang boses na iyon ay galing sa lalakeng hindi ko wari kung sino.
"Papatayin mo lang ang first born kapalit ang buhay mo! Hindi mo pa magawa agad! Nagdadahilan ka lang ata na gusto mo siyang patayin pero ang totoo ay may sarili kang plano!" napalunok ako sa narinig.
"Hindi mo ba alam? Pinasusundan ko ang nobya mo na iyon, gusto mo bang ikalat ko ang hubad niyang litrato habang nasa banyo? Nandidito nag-iisang kopya." nanlaki ang mata ko at bigla ay napayakap sa sarili.
"Ang sabi ko misyon ko na siya bakit kailangan mong gawin 'to!" narinig ko ang boses ni Luke ay napaluha ako ng sa mismong record marinig ko ang boses ko na halatang nasa banyo.
"Hindi ka patas! Hindi mo dapat ito ginawa—" napapikit ako ng marinig ang tunog ng baril, ang pagputok nito.
"S-shit—" the record was automatically stopped
Ang pamamasa ng mata ko ay umagos sa pisngi ko, nanginginig ang kamay kong pinindot ang Gallery. Kinakabahan kong pinindot ang play button ng video.
Nang I-play ay nakagat konang ibabang labi ng makita ang Video, kung ganun may nakakita na ng katawan ko at ang matandang ito pa!
Mariin akong pumikit at tsaka niyakap ang cellphone. There's a clip already, of my naked body yet Luke didn't play this video and didn't open this phone because he knows..
Agad akong natigilan sa pagluha at inulit ang Recorded Clip sa huling parte kung saan pumutok ang baril, ganun na lang ang pagtataka ko.
'Hindi malapit sa nagrerecord ang putok ng baril, nasa kaliwang parte niya ang putok ng baril at malayo.'
Mali ang iniisip ko, sobrang mali dahil ang alam ko Hindi si Luke ang bumaril, hindi siya ang may gawa ngunit ayoko ring isipin ayokong tanggapin ang nasa isip.
'Si Kent Axel..'
√√√
@/n: Stay Tuned, Soon i-pupublish ko na rin po ang Book ni kent na sana ay suportahan niyo rin salamat! Stay safe!
Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro