Chapter 29
Mia Jasmin’s POV.
"I'm calling off the wedding." Pagka-alis ko ng sing-sing ay inabot ko iyon sa kaniya.
“W-Wait, M-Mia.” mabilis niya akong pinigilan, iniiwas ko ang tingin sa kaniya kasabay ng pagluha, ayokong gawin, ayokong magdesisyon agad pero nilinaw niya mismo.
“Now, you have to face your consequences.” mariing sabi ni Zai at umalis na kaya naman binawi ko ang kamay ko tapos naglakad papabalik sa mismong kwarto ko.
“M-Mia--”
“Wala tayong pag-uusapan.” mariing sabi ko at tsaka pumasok na sa loob ngunit sumunod pa rin siya sa akin hanggang sa loob, hawak hawak niya ang sing-sing.
‘Extermination pa nga na nalalaman.’
“I d-don't want to see you a-anymore. You don’t need to be my exterminator, just let me leave and I'll die as fast as you think.” mariing sabi ko, ang mga titig niya ay naipukol niya lamang sa akin.
“M-Mas gugustuhin kong mamatay ng dahil sa sakit ko, hindi dahil sayo. M-Mas hindi ko kayang tanggapin L-Luke.” yumuko ako at sinapo ang mga mukha kasabay ng pag-luha na hindi ko na magawang awatin pa.
“H-Hindi ko maunawaan, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang marinig lahat. Una pa lang, akala ko mali ako ng dinig dahil nagtiwala ako sayo.” pinahid ko ang luha.
“Bakit mas masakit ito, bakit kahit atakihin ako ng Bradycardia mas dama ko pa rin yung sakit na emosyunal.” napa-iling na lamang ako dahil sa sumasabay ang paghikbi ko habang nagsasalita.
“Gusto kong kwestyunin kung papaano ka ba mag-mahal.”
“Ipinagtataka ko kung bakit mo ako nais patayin, kung bakit ako nais patayin ng taong pinagkatiwalaan ko bukod sa magulang ko--”
“L-Luke tama na, kung hindi mo ako mahal sabihin mo. Nag-propose ka pa sa akin para ano ha?” kwestyon ko.
“Para maisagawa mo ang plano? Sinong nag utos sa’yo?” lumuluha kong tanong at sinalubong ang kaniyang mga tingin.
“R-Rest,” napaawang ang labi ko ng iyon lang ang isagot niya sa akin.
“You think I can rest? After this happened? Now you know the reason why I don’t want to breathe again; I feel so betrayed.” mahina kong sabi.
“You told me; you trust me. Now, what kind of trust do you have?” natigilan ako sa paghikbi dahil sa kaniyang tanong, nangunot ang aking noo ngunit hindi sapat iyon para tumila ang tila ulan kong luha sa pagbagsak pababa sa aking pisngi.
“I hate you.” mariing sabi ko na halatang ikinagulat niya base sa kaniyang mga mata.
‘Nakakalito sa mundong iniikutan ko, gusto ko na lang lumisan at magpakalayo.’
“It’s not the first time that I heard you said that, it feels like a curse but it’s not. Hate me then,” matapos niyang sabihin yun ay tinalikuran niya ako at ibinulsa ang sing-sing dahilan para mapatingin ako sa aking kamay.
Ng tignan ko ang kamay ay awtomatikong bumalik sa isip ko ang lahat, kung papaano niya isinuot sa akin iyon.
Gustong gusto kong maging bata at magmaktol ng magmaktol dahil sa wala akong magawa kundi masaktan.
Inabot ko ang bag ko ng pakiramdam ko ay aatakihin ako ng Hika inalog kong sandali ang inhaler bago ko ito ibinuga sa bibig dahil kinakapos ako.
Maya-maya ay may pumasok muli pero ganun na lang ang pagtataka ko ng suot suot nito ay face mask, at eye glasses.
Sa pangangatawan niya ay nakilala ko siya kaagad, ngunit takang taka ako ng igiya niya ako sa kama at pahigain tapos ay suotan ng oxygen mask.
“B-Bakit?”
“I’m not Luke.” umawang ang labi ko sa kaniyang sagot.
“I-I don’t understand--”
“Wala kang dapat isipin kundi mag-pagaling.” tugon niya, malamig man iyon ay pumikit ako dahil sumisikip ang aking paghinga.
“Proper breathing exercise.” mahina niya iyong sinabi habang hindi ako tinitigan.
“Why are you still doing this?” mariin kong sabi
“I’m your doctor, it’s inappropriate to ask personal questions.” lumunok ako sa sagot niya.
“So now you’re using your profession towards me?” I questioned.
“I’m a doctor.” mariing sabi niya.
“I’m a patient.”
“I don’t care.” he replied that’s why I rolled my eyes and take-off my oxygen mask.
“I don’t care about you too, You can now leave.” mahina at may halong sama ng loob kong sabi.
“Leave.” mariing saad ko pa.
“I’m not Luke, I’m your doctor.” sagot niya pa kaya umirap ako.
“If you’re not Luke then who are you?”
“Doctor M--”
“Stop fooling around!” inis kong sabi.
“Just your doctor,” sagot niya pa.
“Stupid, get lost. From now on si Zai na lang ang doc--”
“Stupid, he’s not a cardiologist.” sagot niya.
“Then, Dr.Romeo.” suhestyon ko pa.
“Not availabl--”
“Ayoko na gumaling, alis!” inis kong sabi at tsaka tumayo.
Pinanood niya naman akong tumayo papunta sa cabinet ng mabuksan ang cabinet ay mabilis kong hinanap ang kung ano mang nais kong mahalungkat.
“May nawawala ka bang panty?” nanlaki ang mata ko sa tanong niya.
“Fool.”
“What? I waas just asking in a nice--”
“But I don’t care.” I replied.
“Makakaalis ka na, salamat.” mariin kong sabi.
“Is this ring yours?” napatingin ako kaagad sa kaniya ng sambitin niya ang ring, ng tignan ko ay nasa palad niya iyon.
“Before.” sagot ko.
“Mm.”
“Leave, I want to rest.” utos ko sa kaniya at tsaka ako huminga ng malalim at dumeretso sa aking kama.
“Ayoko marinig ang boses mo, alis.” maarte kong sabi.
“I’ll stay here, I’m--”
“I can handle, Tatawagin na lang kita pag kailangan ka niya. Doctor L,” napatingin ako kaagad kay Zai dahilan para mangunot ang noo ko.
“Arasseo,” Luke answered and stood up.
“Take Care,” he lastly mentioned and left the room.
“He’s weird!” inis kong sabi kay Zai.
“Kingina, nakakapikon yung gagong yun.” saad ni Zai at inis na tinignan ang buong paligid.
“Nag-kikiss ba kayo dito?” sa tanong niya ay mabilis na namula ang mukha ko at nanlaki ang mga mata.
“Ang straight to the po--”
“Sagot,” saad niya.
“Yeah.” nahihiya kong sagot, tumango si Zai at tsaka bumuntong hininga at naupo sa sofa.
“Papipiliin kita ngayon Mia, alam kong mahirap at lalong hindi madali ito para sayo.” panimula niya kaya naman lumunok ako.
“To hate him or to love him?” umawang ang labi ko sa kaniyang tanong.
“A-Ano ba naman yan, tanong ba yan ha? Hindi pa ba sapat ngayon na nasassaktan ako kasi sa narinig ko?” inis kong sabi.
“Pakiramdam ko nga, bibigay ang puso ko ngayon.” saad ko.
“Sometimes, options are not favor to us. So pick.” he mentioned.
“Love--”
“Palabasin mong hindi mo siya mapapatawad, madalas gipit at pressure ang kailangan para lumabas ang katotohanan. At yun ang gusto nating malaman.” mahinang sabi ni Zai.
“Papaano kung iyon ang katotohanan?” I questioned.
“Impossible, maybe he has a plan; or maybe he’s being used.” saad ni Zai kaya bumuntong hininga ako.
“Don’t tell mom and dad about this.” mahinang sabi ko.
“Why not?” tanong pa ni Zai.
“Ayoko lang,” sagot ko at nag-iwas
tingin.
“Napipikon ako sa gagong iyon, hindi ko mabasa-basa ugaling masked man talaga.” inis na sabi ni Zai.
“Sakit nga eh.” sagot ko.
“Normal na yan sa’yo, may sakit ka sa puso ‘diba?” tanong niya kaya umirap na lang ako at nahiga sa kama ko.
“Wag mo na ipamukha, dalian mo na. Matutulog ako.” saad ko.
“Wag kalimutan huminga,” paalala niya at sumandal sa sofa kaya naman bumuntong hininga ako.
Kent Axel’s POV.
“Yes mom, ipapadala ko ito kay Noona. Okay na?” sabi ko habang nasa telepono ako, papasok pa lang ako ng GRS hospital.Kaya pinatay na niya yon at ako ay napanguso.
Nakalimutan ni Mom yung kailangan niyang ibigay kay noona noon, hindi ko alam kung ano ito eh pero mukhang importante.
Papasok pa lang sana ako pero nakita ko si Hyung Luke at ang hindi kilalang lalake, nanlaki ang mga mata ko ng makita kong naglabas ng Baril ang hindi kilalang lalake at itutok iyon kay Hyung kaya mabilis akong bumwelo at ibinaba ang dala-dala.
“Ano ba talagang gusto mong gawin ko para mapasunod ka!” sigaw ng lalake kay hyung.
“Kung unahin na kaya kita at isunod ko ang First born!” sigaw ng lalakeng iyon.
“Papatayin mo lang ang first born kapalit ang ang buhay mo! Hindi mo pa magawa agad! Nagdadahilan ka lang ata na gusto mo siyang patayin pero ang totoo ay may sarili kang plano!” sigaw ng lalake na kaharap ni hyung dahilan para manlaki ang mga mata ko.
“Hindi mo ba alam? Pinasusundan ko ang nobya mo na iyon, gusto mo bang ikalat ko ang hubad niyang litrato habang nasa banyo? Nandidito nag-iisang kopya.” doon ay nagalit ako.
“Ang sabi ko misyon ko na siya bakit kailangan mong gawin ‘to!” sigaw ni Hyung halatang galit na galit naikuyom ko ang kamao sa galit.
‘Wala kayong karapatan na bastusin ang First Born.’
Hinugot ko ang baril sa kinalalagyan nito at tsaka ko mabilis na inasinta ang lalakeng iyon, minabuti kong naka silencer ako dahil nasa halos likod lang kami ng Ospital.
Sa galit ko ay basta ko na lamang inasinta ang lalakeng yun at ganun na lang ang gulat ni Hyung Luke ng makitang bumulagta ang lalakeng iyon.
Natigilan ako at napatitig sa baril na hawak ko.
“Ultimate-- a-anong ginawa mo?” gulat niyang tanong kinuha niya ang cellphone ng lalakeng iyon at tsaka mabilis na inagaw ang baril sa akin.
“Are your bullets licensed?” mabilis akong umiling at natulala.
“D-Did I kill him, h-hyung?” kinakabahan kong tanong napatitig sa akin si Hyung Luke.
“F-Fuck...” rinig kong bulong niya.
√√√
@/n: Luh kayo diyan basta ako ano ah, By the way hahaha sobrang natatawa ako sa Mga names niyo may Lobster ni Kent pa kaya naman Enjoy! Stay tuned!
Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro