Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Mia Jasmin's POV.


"Marry me," nanlaki lalo ang mata ko ng ulitin niya iyon, hindi yun tanong para bang isang batas na obligado akong sundin.

Hindi maalis ang paningin ko sa kaniya, sinisigurado ko kung totoo ba 'to. "Niloloko mo ba 'ko?" kwestyon ko ngunit ngayon ay nasa amin na ang buong atensyon.

"Nope," he answered.

"Luke?" seryoso kong sabi, seryoso ang kaniyang mukha at ang kaniyang abong mata ay nakatitig sa akin.

"Fine," nangunot ang noo ko ng tamad na tamad siyang tumayo at naglakad pa upang mas makalapit sa akin dala dala ang kahita.

Nakagat ko ng mariin ang labi ng iluhod niya ang isang tuhod. Hindi maalis ang titig ko sa kaniya at kahit na ganoon ay nag papalakpakan at nag kakantyawan ang mga nanonood sa amin.

"Should I command or should I ask nicely?" tanong niya pa kaya naman napalingon ako sa paligid.

"Seryoso ka ba?" nakita ko ang pag ukit ng ngisi sa dulo ng labi niya at tinignan ang singsing tapos tinignan ako muli matapos titigan iyon.

"Marry me, baby." he said.

"Marry me, I can be your husband for the rest of your life. I will be your husband until my last breath, Time is really short to think it will last forever.." hindi ko siya makapaniwalang tinitigan ng emosyunal niyang sinabi yon.

"Woooooooh! Say yessss!"

"I envy them!"

"WOOOOOOH!"

"L-luke," hindi ko inaasahan ito!

"Falling in love has a similar neurological effect as getting high on cocaine, I want to be your doctor, your baby, your husband and of course I want to be your last." nag sigawan ang lahat sa sinabi niya.

"So, can I have the permission to marry you Mia Jasmin Sandoval?" sobrang bumibilis ang tibok ng puso ko dahil napakatamis ng pag sabi niya.

"SAY YESSS!"

"Will you marry me?" nakagat ko ang labi at saka dahan dahan na tumango.

Ang mata niya ay nanlaki kasabay ng pag laki ng itim niyang mata o tinatawag nating Pupils. Ngumiti siya tapos Inalis ang singsing sa kahita at saka inabot ang kamay ko.

Ng maisuot yon ay tumayo siya at mahigpit akong niyakap. "Thank you so much baby," he emotionally whispered.

"Parati mo na lang akong binibigla.." mahinang sabi ko at pinalo siya sa Likod mahina naman siyang tumawa tapos kahit na sobrang dami ng sigawan sa crowd ay siya lang ang naririnig ko.

"I'm so happy, Baby." umirap ako sa sinabi niya.

"Don't you ever give up, without my permission Abo." inis ko pang sabi na ikinatawa niya lalo tapos hinarap ang nga nag cheer sa kaniya at nag pasalamat.

Kaya naman naupo kaming dalawa pero this time tinabihan niya na ako. Kasasabi lang na wag marupok Mia, yes yes ka agad ah.

"Abo, it is Gray baby. Not me." pag mamaktol niya kaya umirap ako ulit.

"Baby, stop rolling your eyes." sita niya at iniakbay ang kamay sa balikat ko tapos tinitigan ang daliri kong may suot na singsing kaya naman tinitigan ko ito.

May malaking bato sa gitna at maliliit na bato sa Paligid ng singsing sa mismong singsing kaya naman ng tignan ko si Luke ay nakangiti itong nakatitig sa akin.

"Now that i am wearing your ring, you can't escape anymore." mariing sabi ko sa kaniya ngumiti siya at tumikhim tapos hinawakan ang kamay ko.

"I love to have babies that just look like you, baby." sa sinabi niya ay napalunok ako.

"I'm just twenty-two." sagot ko.

"Hindi ko naman sinabing ngayon, relax." he playfully said.

"Hindi pa alam ni Mommy at dadd—"

"I already told them, they already know about this. That's why they send them to keep an eye and protect us." explain niya

"G-ganun ba,"

"Ma'am, sir here's your food." ng dumating ang Waiter ay umayos si Luke ng upo at nakapandekwatrong babae, lintek na legs yan may lahi ata 'tong tipaklong.

••

Nandito kami ngayon sa Hotel room habang ako tulala pa rin ngayon iniisip ko kung nangyari nga ba talaga ang Proposal na iyon. "Baby," nalingon ko kaagad si Luke.

"Hmm?"

"May problema ba? Kanina ka pa tulala diyan," aniya niya at tinabihan ako sa kama kaya naman huminga ako ng malalim at humiga ng nakatihaya.

Ginawa kong unan ang mga braso at tumingin sa kisame, "Iniisip ko kung papaano kita ipaglalaban sa lahat." sagot ko sa kaniya.

"Hindi mo kailangang gumawa ng kahit ano, hindi naman ako takot sa kamatayan." mahinang sabi niya at saka tinitigan ako.

"Ako, takot na mawala ka ulit sa akin. I heard your conversation with tita Elizabeth, unang dahilan para hindi ko muna naising makipag-ayos." mahabang sabi ko na halatang ikinagulat niya.

"Wag, Luke. Yun lang ang pakiusap ko sayo, wag na wag mong gagawin yun." lumapit siya sa akin ay nahiga sa bandang tyan ko kaya naman huminga ako ng malalim.

"I will always love you baby, i'm sorry." mahinang sabi niya kaya naman hinaplos ko ang buhok niya.

"Do you know that, Falling in love with someone's eyes is the only thing that will never change. Hindi ko man nakita ang mata mo, inaamin ko na ang ganda ganda b—"

Naputol ang sasabihin ko ng mabilis siyang bumangon at halikan ako sa labi sa ganitong pwesto sa kung saan nakaupo siya habang ako ay nakahiga sa unan.

Ang palad niya ay prenteng nakapatong lamang sa bandang tyan ko. Marahan at hindi nambibigla ang pamamaraan niya ng paghalik.

Sinakop niya ang ibabang labi ko at mahinang kinagat iyon kaya naman dahan dahan akong napamulat ngunit sinalubong ako ng mga abo niyang mata.

Kaya naman dinampian niya ang labi ko at nakipagtitigan sa akin. "I want you to fall for this eyes, Mia. Matagal ko ng gustong aminin sa'yo na ako si Masked Man at hindi ako tutol sa underground kung saan ka kabilang." napatitig ako sa kaniya.

"Dahil kabilang ka rin sa Underground." sagot ko.

"Ang mga Luna, kilala mo ba sila?" tanong niya kaya dahan dahan akong tumango.

"Pamilyar, hindi naman ako madalas sa underground tulad nila mom." sagot ko.

"Alin ka ba sa mga yon?" tanong ko sa kaniya.

Nangunot ang noo niya. "Hindi mo pa rin alam?" gulat niyang sabi sa akin.

"Narinig ko na ata, pero hindi ko maaalala." sagot ko at tsaka nag isip.

"Hulaan mo," sagot niya kaya umirap ako at hinawakan ang pisngi niya at pinisil iyon pero halos masabunutan ko siya ng isubsob niya ang mukha sa leeg ko dahilan para makiliti ako.

"Luke! Isa!" sita ko pero kingina sa tangos ba naman ng ilong niya.

"Baby!" bulyaw ko na at doon ay tatawa tawa siyang lumayo.

"Oy ngingiti na yaaaa— aray!" hinampas ko lang naman siya sa legs malapit doon at di ko naman sinasadya eh.

"Para-paraan ka ah." sambit niya kaya umirap ako at ngumiwi.

"Baby," tawag niya kaya naman nilingon ko siya, parang bata eh.

"Sino ka nga sa mga Luna?" tanong ko.

"Just the cutie, founder." nangunot ang noo ko sa sagot niya kasi parang hindi siya seryoso sa sinasabi.

"Yung totoo kasi?" Kwestyon ko.

"Grab your phone," he command kaya naman mabilis akong sumunod kasi masunurin talaga ako jowk!

Ng hawak ko na ang cellphone ko ay tinignan ko siya sa paraan na nag tatanong kung ano ang sunod kong gagawin. "Tawagan mo ang Luna Underground," sumunod ako ulit at saka ko dinial ang Lunatics.

"Ano sasabihin ko pag sinagot?" tanong ko habang pinakikita sa kaniya ang screen ng cellphone ko.

"Tanong mo kung sino si Masked Man," utos niya kaya ng mag ring yon ay tinapat ko kaagad sa tenga ko at pinakinggan ang sumagot.

"Hello, Lady Mia?"

"Who's the founder of Lunatic?" tanong ko sa kabilang linya.

"Masked Man, lady." napalunok ako sa sagot ng lalake kaya naman tumikhim ako.

"Ganun ba, sige." sagot ko at mabilis na binaba ang tawag tapos hindi makapaniwalang tinitigan si Luke na maganda ang ngiti habang titig rin sa akin.

"TCH ano pa bang di ko alam sayo aber?" tanong ko nag susungit.

"Kung ano yung size ko," sa sagot niya ay nanlaki ang mata ko at mabilis siyang hinampas sa braso.

"Bastos ka talaga!" bulyaw ko pero nangunot ang kaniyang noo.

"Size ng paa," sa sagot niya ay umirap ako.

"Mukha mo paa!" masamang tingin ang binigay ko sa kaniya, pero ngumisi siya.

"Hindi pa nga tayo kasal iba na ang size na nasa isip mo," he teasingly said at pinch my nose a bit.

"Papansin," inis kong sabi at umirap.

"Irap ng irap oh, totoo naman ang sinasabi ko." Sagot pa niya kaya naman umayos ako ng upo sa kama at saka ko inabot ang remote para manood na lang ng Movie sa television.

"Galit ka ba?" mabilis akong umiling sa tanong ni Luke at saka ko siya hinila sa tabi ko.

"Sandal ako ah," paalam ko at isinandal ang likod ko sa Dibdib niya tapos nilipat ang Pinanonood.

"Any suggestion?" tanong ko pa, ang isang kamay niya naman ay iniyakap niya sa akin at kinuha sa kamay ko ang remote kaya pinanood ko lang siya.

"Uy, gago ka naman eh. Dadalawa lang tayo tapos Rated SPG pa papanoodin," sita ko pero inilayo niya sa akin ang remote at saka mahinang tumawa.

"Luke, ang bad mo." Saad ko at tinitinga siya para makita.

"What? Bakit ako eh yung movie ang SPG," depensa pa niya sa sarili kaya umirap ako.

"Iyon na rin yun, hindi ka pa lang nanood ng porn." Suhestyon ko pa ngunit may bahid ng sarkasmo.

"Pwede rin t—"

"Nakakainis ka!" saad ko pero tumawa lang siya.

"Wag gayahin ang napapanood ah." Aniya ko pa kaya mas lalo siyang natawa.

"I'm a good boy," he teasingly said and squeeze my waist.

"Good boy tapos may papisil sa bewang? Pwede ba yun ha?" tanong ko.

"Well, I didn't do anything inappropriate naman ah?" conyo niyang sabi kaya umirap ako at halos batukan siya kung hindi lang siya matangkad psh.

"Luke, order ka ng milktea." Suhestyon ko niyuko niya naman ako para silipin, tutok na tutok kasi siya sa palabas.

"Ayaw mo milktea ko?" sa tanong niya ay kinurot ko siya sa legs na agad niyang ikinaawang syempre mahapdi eh.

"Anong milktea mo naman yan ha? Puro ka kalokohan Luke ah simula ng maging Masked Man ka jusko 'tong virgin na 'to." Ang ngisi niya ay nawala tapos pinause ang pinanonood kaya naman napalunok ako.

"Joke lang, hehehehehe." Naiilang kong sabi at iiwas tingin na sana ng mahuli ng daliri niya ang baba ko at igawi pa rin sa kaniya kaya kinabahan ako.

"Who's virgin?" he questioned kaya nataranta ako, lintek na dila ang meron ako talagang kailangan ng tabasin eh.

"Me." Sagot ko kaagad na ikinasingkit ng mata niya kaya naman kinabahan ako.

"Mia Jasmin Binez Sandoval, what makes you say that without even getting shy?" lumunok ako at hinawi ang kamay niya at babangon n asana sa pag kakasandal sa kaniya dahil nasa pagitan ako ng legs niya dahil may unan naman doon.

"Baby, wala." Mahinang sagot ko.

"Virgin, so what? I'm just twenty seven and you're twenty two." Lumunok ako sa sinabi niya lalo na ng abutin niya ang kamay ko na nanlalamig.

"I love you, wala." Alam kong walang connect yung sinabi ko.

"Ang tapang tapang mo ng ako si Masked Man at ngayon ay natataranta ka sa harap lang ng isang Luke Garcia?" umirap ako at saka mabilis na lumayo sa kaniya.

"K-kasi nga wala! Luke Milk tea na." reklamo ko pa at saka inabot sa kaniya ang cellphone niya napangiti siya at inabot yon.

"What flavor?" tanong niya pa sa akin.

"Cream cheese oreo! Yung pinakamalaki." Sagot ko kaagad at tumbi sa kaniya upang makisilip kung papaano siya oorder.

"Yun lang? what about food baby?" mahinang tanong niya tapos sinulyapan pa ako kaya naman napaisip ako.

"Cheesy fries? At saka macaroni cheese." Tumango tango siya habang kinocontact ang number ng shop.

Nang makaorder siya ay nag hintay kami ng Ten Minutes yun kasi ang sabi ng shop at sila na mismo ang mag hahatid, iniwan ko muna si Luke doon sa loob ng kwarto tapos kumuha ako ng tubig sa ref rito.

Habang umiinom ay huminga ako ng malalim dahil naramdaman ko ang pag sikip ng dibdib sa hindi maunawaang dahilan, hindi naman ako pagod, hindi rin ako inaatake ng Asthma.

"Ayos ka lang?" umakto ako ng normal ng marinig ang tinig ni Luke.

"Ah oo, ikaw ba?" tanong ko.

"I'm good," sagot niya.

"Baby, you sure you're okay?" tanong niya pa kaya pinilit kong ngumiti.

"Oo, ako pa ba." Sagot ko at pekeng tumawa.

"I love you, sure ka?" pag uulit niya at kahit na nararamdaman ko ang pag sikip ng dibdib ay pinakita kong ayos na ayos ako, ayoko siyang mag alala sa akin.

"Opo,"

'Wala lang naman 'to diba? Normal lang ito alam ko, baka naexcite lang ako?'

///

@/n: Pasensya na po at matagal nakapag update, masama ho kasi ang pakiramdam ko kaya Keep safe po sa inyo! Salamat sa suporta at sana patuloy niyo pong suportahan ang mga sinusulat ko Lovelots!

Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro