Chapter 14
Mia Jasmin's POV.
Umawang nang kusa ang Bibig ko nang makitang sapakin si Daddy para gisingin at Buhusan si Mommy nang tubig dahilan para magising sila.
"Mia! Kent axel!" mabilis na tawag saamin ni Mommy, Basang basa siya ngayon at dahil sa Puti niyang damit ay Bumakat ang katawan at dibdib niya.Nanlaki ang mata ko nang may lalakeng mukhang manyakis ang lumapit kay Mommy, dito ay sabay sabay kaming gigil na nag pumiglas ni Dad at ni Kent.
"Fuck you! Touch her and i'll fucking kill you, once I get out of here!" gigil na gigil na sigaw ni Dad.
"Wow, Virgin ba to para ganyan kayo magalit?" umawang ang labi ko sa Inis.
"Kingina!" inis na bulyaw ni kent.
"Edi wag, Don nalang ako sa Babaeng anak mo. Mas fresh, mas bata." napalunok ako tila gustong takpan ang katawan ngunit dahil sa nakagapos ay wala akong magawa gawa.
"Wag na wag mong gagalawin ang anak ko!" sigaw ni Mommy.
"Kingina mong manyakis ka! Puputulan kita nang dalawang ulo sa oras na makawala ako dito!" sigaw ni Daddy pero tinitigan ko lang ang lalake nang sobrang sama.
"Mag hanap ka nang aso! Wag ang noona ko! JUICEMOTHER!" My eyes literally widened as I realized what my brother just said!
A literal curse in english. "Juicemother? Anong pauso yan bata?" tanong nitong lalakeng Manyakis! Nakaka-gigil.
"JuiceMother you." Siguro kung sa mga oras na wala kami sa Ganitong Sitwasyon matatawa ako nang Husto sa sinabi ni kent.
"What? Is that an english curse?" Ngumiwi si kent sa tanong nang lalake.
"Yeah so understand it yourself." saad ni kent.
"Tell me." inis na singhal nang lalake.
"Sure ka?" tanong ni kent at nilingon ang Ama at Ina.
"Sabihin mo!" gigil na sigaw nito.
"Tang Ina Ikaw." nakagat ko ang ibabang labi sa naging sagot niya, Gusto kong tumawa pero ikaw kaya makidnap ng kakaibang tao na hindi ko mawari kung ano ang pakay sayo.
Tapos yung kapatid mong abnormal mag mumura nang JUICEMOTHER YOU pa ang nais Tangina ikaw lang pala ang meaning, feel na feel pa nang sabihin.
"Aba bastos kang bata ka ah!" sigaw nang lalake.
"Nag tanong tanong ka tapos magagalit ka." pabalang na sagot nang kapatid ko, kapatid ko nga siya. Manang mana siya sa Kapilosopohan ni Mommy.
"Mas bastos ka, Mahilig sa Boobs." dagdag pa ni kent nang marinig ko ang tawa ni Zai ay nakagat ko ang Dila.
"Sinong tumawa!?" sa sigaw ng lalake ay tumikhik ako, nang malingon si Masked Man ay nag-aalala itong nakatitig saakin.
Tipid ko siyang nginitian tapos iniiwas na ang tingin. "Sinusubukan niyo ako kung ganun tignan niyo ang gagawin ko sa babaeng ito!" nanlaki ang mata ko nang Hiklatin niya ang damit ko at mapunit iyon dahilan para makita ang Cleavage ko at ang Katawan.
"Gago ka!"
"Tangina mong manyakis!"
"Kingina to ah!"
"Mamatay ka na!" gigil na sigaw ni Daddy.
Nanlaki ang mga mata ko ng titigan niya yon not until likod ng isang matangkad na lalake ang nakita ko. "Get off." nanginig pa ang boses ni Masked Man.
"Oohh, ang yabang mo porket nakawa—"
"Go to your fucking line, Dirty old man." mariing sabi ni Masked Man.
"Dirty what? Gusto mo bang masaktan! Wag kang mag tapang wala kang armas!" sigaw ng lalakeng iyon napalunok ako nang makita na lang ang likod ni Masked Man na walang damit.
Hinarap niya ako at saka niya isinuot ang damit sa akin. "Chill, Baby." napalunok ako sa sinabi niya tapos ngumiti pa siya.
Ng harapin niya ang lalake ay Nanlaki ag mga mata ko kung papaano niya nagawang patayin ang Lalakeng iyon matapos Baliin ang leeg nito tumunog pa!
Napaluhod ang lalake at basta basta nalag bumagsak. "I'm not in my formal attire, Bigla bigla kayong nangingidnap eh." saad ni Masked Man dahilan para bumilib ako sa kanya.
"Masked Man." naninitang sabi ni Daddy. Na para bang mag kaibigan silang dalawa o mag-ama.
"Nakapatay ka na naman!" pag extra ng babae.
"Ano naman sayo?" tanong ni Masked Man.
"Tandaan mo, Ang First Born Sandoval ang papatay sayo! Kumpirmado yan base sa Dalawang Lider ng Sanez!" sigaw ng babae.
"Pakawalan mo kami rito nang maglaban tayo nang patas!" gigil na sigaw ni Dad.
"Wag kayong duwag!" dagdag pa ni Daddy.
"Wala na kayong magagawa, dahil sa oras na mareveal sa inyo kung sino si Masked Man ay Papatayin niyo siya!" sigaw ng babaeng epal.
"Takot ba akong mamatay?" sumbat ni Masked Man.
"Bago ako mamatay, Mauuna kayong lahat." saad ni Masked Man kaya naman kinabahan ako.
Ngunit agad akong natigilan nang maamoy ang damit niya, na nakasuot sa akin. "L-luke.." mahinang sabi ko pero na patingin ako kay Masked Man pero nakatingin na rin siya sa akin.
Sinuri ko siya nang mabuti, pinagmasdan nag baka sakali kung— pero hindi, malabo. Kulay pa lang ng mata niya hindi na. "Daya naman makipaglaban, nakatali ampota." rinig kong bulong ni Loki.
"Mga weak." gatong ni Zane.
"Ano bang gusto niyong mangyari?" tanong ko.
"MAWALA KAYO."
"Bakit hindi niyo ginagawa?" hamon ko.
"Mga Baliw e." saad ni Zai kaya huminga ako nang malalim.
Luke's POV.
Kinabahan ako ng sambitin niya ang pangalan ko, kaya naman nang mag tama ang mga mata namin nila Tita Miyu, at Tito Vince ay batid kong pati sila ay kinakabahan para sa akin.
Dahil kamatayan talaga ang kabayaran nang pag patay. "Tumigil ka na, sa pag patay Masked Man." agad akong Napalingon sa likuran ko.
Natigilan ako nang mapagtanto na Lider nila ito dahil lahat sila ay nag si yuko, babae ito at base sa tinig nang awtoridad niya ay Malakas rin siya.
"Kayo ang tumigil." mariing sabi ko.
"Wala na kayong ibang ginawa kundi Pahirapan ang mga hindi dapat nag hihirap! Dahil mga sakim kayo!" gitil ko, sumama ang tingin nila sa akin.
"SAKIM? bakit hindi mo tanungin ang mga kinabibilangan niyong Underground!? Minamaltrato niyo kami at minaliit!" balik sigaw niya.
"Lalo na ang SANEZ!"
"Dahil hindi niyo matanggap ang pagkatalo! Dahil hindi niyo kami malamangan! Hindi kayo marunong kumilala Hannah!" sigaw ni Tito Vince kung ganun mag kakilala nga sila.
"Mabuti kang kaibigan noon! Anong hindi mo matanggap?! Minaltrato!? Minaliit! Alam mo ang kamalian mo!" sigaw ni Tita miyu.
"Bakit si Masked Man?! Pumatay siya! Hindi ba't labag yon sa batas?!" halata ang hinanakit sa dibdib nitong sinasabi nilang Hannah.
"Pero mag-kaibang mag-kaiba kayo! Pumatay siya para protektahan ang mahal niya!" sigaw ni Tita Miyu.
"At sino yon?!"
"Kung ganun kilala niyo kung ano ang tunay niyang Pagkakilanlan?!" naikuyom ko ang kamao..
"Sino ang pinoprotektahan niya sa inyong lahat?!" sigaw ni Hannah kaya tumikhim ako.
"Lahat sila." sagot ko.
"Huwag mo kong lokohin! Huhulaan ko tutal una pa lang parati na kayong mag kasama." nakakalokong sabi niya at nag lakad hawak hawak ang kanyang Espada rin ngunit para itong may kakaiba sa Tulis.
Kumuyom lalo ang kamao ko nang pumunta siya sa Tabi ni Mia at itutok ang espada sa Mismong leeg niya. "Ito ba?" nakagat ko ang ibabang labi.
"Lahat sila." sagot ko.
"Your pupils dilated," nakangisi niyang sabi dahilan para maiiwas ko ang mata sa kanya.
"Sa tingin mo ba maloloko mo ko?" sumbat niya sa akin.
"Alisin mo ang Maskara mo." utos niya, na palunok ako.
"Sino ka para sundin ko?" sumbat ko at tinatagan ang titig sa kanya.
"Sino ka ba? Kilala mo ba ako?" hamon ko sa kanya.
"Sa pag kakaalam ko, ako ang nagpatalo sayo at nag patalsik sayo sa Pangawalang rangko." gulat ang nakita ko sa Mukha niya.
"Isa kang Luna?" tanong niya.
"Tuna daw? Isda?" nalingon ko si kent nang mag isip pa siya habang sinasabi ang Tuna.
"Tuna.."
"Tuna, Century Tuna?"
"555 Tuna?" nadismaya ako dahil hindi mailugar ni kent ang ugaling iyon.
"Take off your Mask." utos ni Hanna at nakita ko ang Espada na halatang may Pahid, yun ang ikinababahala ko.
"Akala ko ba ay wala ka nang Puso? Mukhang Pinatibok muli, Masked Man." kumuyom ang kamao ko sa sinabi niya.
"I was a good person before, I fell in love with the lady i'm still in love with right now," panimula ko dahilan para pag tuunan ako lahat nang pansin.
"Kung alam kong mamamatay rin pala ako sa Huli, Sana nag pakilala nalang ako sakanya, sana sinulit ko na lang ang mga pag kakataon na meron ako. Ngunit sulit ko yon, nag papasalamat ako." mariing sabi ko.
"I don't listen to dramas." mariing sabi ni hannah.
"I don't listen to dramas too, not until our love story became a tragic love story." May diin kong sabi sa kanya.
"Love makes me weak, and strong at the same time. Love made me do everything.. Protecting my love ones even if it fucking hurts. It hurts so much, Hannah. Do you know how it feels?" Ito na ata ang pinaka emosyunal kong nasabi bilang Masked Man.
"No, Because LOVE is a weakness." sagot niya.
"Because LOVE is a Curse. I-it feels so nice at first yet so cruel in the end." aniya ni Hannah, tipid akong ngumiti.
"I Agree, It's so cruel. Because they're people like you, Living and making us feel real Hell." mariin kong sabi.
"Let's end the chitchat! Take off your mask!" sigaw ni Hannah nakita kong nahihirapan si Mia dahil konting galaw sugat ang leeg niya.
Nang tignan ko sila Tita Miyu at Tito Vince ay hindi nila alam amg sasabihin, Ngunit ang tingin ay nag susumao. "Tungkulin ko naman talagang iligtas siya hindi ba—"
"Masked Man ano ba!" sigaw ni Zai.
"Sa oras na makilala ka wala ka nang takas!" sigaw ni Zai kaya naman bumuntong hininga ako.
"This mission is Made by me to protect the Young Lady. What's my purpose of breathing if this mission Failed Zai?" Pinanonood nila akong lahat.
"Maybe there's a way?" nalingon ko si Kent.
"What kind of Way?" tanong ko.
"Para hindi mo kailanganing alisin ang maskara mo." sagot niya.
"Alisin mo na Masked Man binabantaan kita!" sigaw ni Hannah.
"Patagalin mo pa at ubusin ang Pasensya ko! Minuto lang aabutin nang Babaeng ito at mawawalan na siya ng pag asang Huminga at mag mulat pa nang mata!" banta ni hannah kaya kabang kaba ako.
"Bakit ba kasi kailangan mo pang gawin to! Hindi ko maintindihan!" sigaw ni Mia.
"Anong misyon?! Bakit mo ko gustng protektahan!?" nag tatanong na sigaw ni Mia.
"Boba ka ba! Mahal ka niya!" sigaw ni Hannah.
"Pero hindi sapat yon para Ibuwis niya ang buhay niya! Walang patutunguhan dahil may iba akong napupusuan! Si Luke lag yon na Pinatay niyo!" sigaw ni Mia halit na galit kaya nanlumo ako.
"Wala kaming pinatay na Luke! Ibang kalaban niyo yon!" sigaw ni Hannah sa kanya.
"Enough!" sigaw ko.
"Lumayo ka na sa kanya! Aalisin ko na!" sigaw ko pa, Saka ko Inihanda ang Pag aalis sa Likod nang Maskara ko.
"Masked Man, You don't have to do it!" sigaw ni Mia.
"I will do it, Baby." mariing sabi ko na ikinalaki nang mata niya..
√√√
@/n: Hihi ano kaya ang sunod na mangyayari, syempre alam na dis Enjoy reading! Add me on Facebook po or on my other social Media Accounts may Group Chat rin po sa kung saan mga Luxians at ang ibang Rp nang characters!
Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro