Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Mia Jasmin's POV.

Pagkarating na pagkarating sa Bahay ay pagod na pagod kaming ibinagsak ang sarili sa Sofa habang si Kent ay ihiniga na ang sariling katawan sa Carpet.

"Pero sino ba ang pinatay mo Masked Man?" nakakabagabag na tanong ni Zai, Nag tataka at tila hindi naniniwala.

"You'll know it soon." aniya ni Masked Man dahilan para suriin ko siya, sa pag suri ko sakanya ay si Luke talaga ang nakikita ko.

Nang lingunin ako nito ay mabilis akong nag iwas tingin at pekeng umubo ubo. "Oh noona, Yung baga mo ah." tipid kong nginitian si kent sa paalala niya saakin.

"Exercise." nang marinig si Masked Man ah lumunok ako, Mukha at boses nalang niya ang hindi ko kilala HINDI SA SINASABI KONG DAPAT KONG MAKITA ANG LAHAT AH!

iba yon..

"Great, Let's go." saad ko tapos Kinuha ang pang ipit nang buhok at mataas ko itong ipinuyod. Huminga ako nang malalim at saka sinenyasan sila.

"Ngayon?!"

"Luh kauuwi lang Noona." saad ni Kent at ni Zai.

"Oh? Akala ko ba—"

"Later." sa sinabi ni Masked Man ay inirapan ko siya tapos bumalik sa pag kakaupo.

"Kung magiging Lawyer ka Kent, ipaglalaban mo ba ako kahit na pumatay ako?" tanong ni Zai kay kent, Napaisip naman si kent.

"Hinde." sa sagot ni kent ay natawa ako lalo na nang makitang nadismaya si Zai.

"Pota. Napakasama mong nilalang." dagdag ni Zai.

"Luh, Ako na naman." nakangusong saad ni kent.

"Eh ikaw Masked Man, ano ka ba pag hindi ka si Masked Man?" tanong ni Zai rito, dahilan para mapalingon ako may Masked Man.

"Tao." sa sagot niya ay inis na inis na tumayo si Zai.

"Bahala nga kayo diyan!" nag dabog ito at pumasok sa Kwarto kaya natawa ako.

"Wow, Tao ka pala." asar ko pa.

"Pwede ring Asawa mo kung papakasalan mo ko—"

"Over my dead body, Duh!" saad ko at Umirap.

"Ang attitude nang ate mo, Psh." reklamo ni Masked Man kaya mas umirap ako lalo.

"Noona, Baegopa.." nang tabihan ako ni kent ay ngumiwi ako, Gutom daw siya.

"I'm craving for mom's Lava Cake." reklamo nito sa akin.

"Anong gagawin ko?" takang sabi ko.

"Bake some.."

"Ako ba si Mom?" ngiwing sagot ko.

"But she tell you the recipe when—"

"Oo na, Oo na. Then go and take Zai buy some recipes." ngumiti ito at saka mabilis na kumaripas nang takbo papunta sa kwarto ni Zai at saka ako napangiwi.

"Pwede rin mag request?" sa tanong ni Masked Man ay mabilis ko siyang nalingon pero agad akong napalayo nang mag tama ang ilong namin kahit na naka Maskara pa siya.

"Ang lapit mo naman!" saad ko.

"Is there any problem para dumistansya pa ko?" natatawa niyang sagot.

"Meron, Kaya layo!"

"Ang sungit mo naman, Request ko lang yung Spaghetti meatballs." nakangiti pang sabi niya dahilan para ibaba ko ang Zipper non.

"Just to be safe." dagdag ko pa.

"Utusan mo yung dalawa Bumili." saad ko.

"Ako na mag luluto." dagdag ko pa.

"Nice, Thanks ba—"

"Back off." pag putol ko sa sasabihin niya at tumayo na tapos nag lakad ako para dumeretso sa Kwarto ko.

Nang makapasok nang kwarto ay napangiwi ako nang may kumatok, maraming katok hindi tatlo o lima mga kingina talaga. "Pasok!" sigaw ko.

"Noona."

"Mia."

"Oh?" tanong ko kay Zai at Kent.

"Kase wala kaming pera—"

"Huh?! Papaanong wala?!" gulat kong tanong sakanila.

"We left our ATM cards on our hotel. Plus the cash that we have is already Vanished." ngumiwi ako sa Explanation ni Kent at kinuha ang wallet ko.

"Wag na." sa sinabi ni Masked Man napalingon ako sakanya, hawak hawak niya ang limang libo ay inabot niya yon kay Zai.

"Buy anything we need." saad nito.

"Wow! Big time!" asar ni Zai rito.

"Pang Spaghetti Meatballs, wag kalimutan." bilin nito kaya mahina akong natawa.

Punyeta, Ang laki laki nang katawan MAHILIG SA SPAGHETTI..

"Spaghetti pampa—"

"Pampahaba nang Etits." sa sinabi ni Zai ay halos maibato ko ang wallet sakanya habang si kent at masked man ay natatawa.

"Mga bastos! Labas!" sigaw ko.

"Kaya pala favorite Masked Man ah, Ikaw ha." napapikit ako nang mariin sa pag ka-inis sakanila.

"Labas!" mabilis silang nag sunuran at saka sinarado ang pinto. Napairap nalang ako dahil pinaiiral nila ang kagaguhan.

Iisang sasakyan lang ang Meron kami at pag aari ito ni Masked Man, makalipas ang ilang minuto ay naisipan kong maligo ulit dahilan para kumuha ako nang damit pamalit at lumabas pero nakita ko sa sala si Masked Man na may kausap.

"Extermination, That's the only process." nang marinig ang sinabi niya ay nanlaki ang mata ko, may ipinapapatay siya.

Nang makita niya ako ay Tipid lang siyang ngumiti. "Yes, Exterminate then leave a Code." saad niya habang nakatitig saakin.

"Okay, I'll wait for an update." nang ibaba niya ang cellphone ay nakatingin pa rin siya sa akin.

"Why?" he asked. Kinabahan naman ako dahil sa mga narinig pa rin but I acted so calm.

"I'm about to take a bath.." sagot ko

"And you want me to join you?" nanlaki ang mata ko nang pilyo siyang ngumiti at sinabi yon.

"No!"

"Of course not!"

"What were you thinking! Asshole!" inis kong sabi at saka ko siya Nilampasan not until he reached my wrist and grab it so i can face him again.

"W-what?" naiilang tanong tanong.

"You're blushing." natatawang asar niya kaya binawi ko ang Pulsuhan.

"Bilbil mo blushing." nanlaki ang mata niya sa sinabi ko kaya Inirapan ko siya at nag mamadaling pumasok sa Banyo.

Panay kagaguhan. "Feel mo gwapo ka? Gwapo ka? Piste!" inis kong sabi.

"I can here you!" nagulat ako nang marinig ang boses niya sa mismong pinto nag banyo.

"Pervert!" bulyaw ko.

"Handsome!" sigaw niya pabalik.

"Baboy!"

"Hoy may abs ako!" sigaw niya ulit.

"Abs! Absent!" dagdag ko para mainis siya pero bakit ako ang naiinis.

"Tutulo na nga laway mo eh." asar niya.

"Bahala ka sa buhay mo!" bulyaw ko at saka dumeretso na sa Shower, ayoko mag Bath tub nakakatamad.


Nang matapos ay simpleng cotton short at longsleeve lang ang suot ko malamig rin kasi e. Pinatuyo ko kaunti yung buhok ko bago lumabas nakita ko siyang nasa laptop na kakaiba, nakatutok sa pag titipa.

Dahil Chismosa ako ay lumapit ako dahan dahan para sumilip, nang makasilip ay napangisi ako dahil para iyong site kung saan nag hahack siya.

Isinandal ko ang siko sa Sandalan nang Sofa dahil nasa likod niya ako, Focus na focus siya eh. Nakita ko naman na magaling rin pala ang isang ito sa ganitong gawain just like my dad.

Nang lumingon siya ay awtomatiko kong nailayo ang mukha at agad niya namang naisarado ang Laptop. "You're naughty." ngiwi niyang sabi kaya tumayo na ako sakto namang bumukas ang pinto nandidito na sila.

"Nakabili na kami!" masayang anunsyo ni kent kaya sinenyas ko ang kusina at sumunod na rin ako.

Nang mailabas nila ang lahat ay pinanood ko sila at tinulungan na rin. "Kanina pala, May aksidente diyan sa malapit saatin. Binaril, dead on the spot agad." sa sinabi ni Zai ay agad kong natignan si Masked Man.

"Bakit daw? Sino bumaril?" tanong ko.

"Sabi sabi diyan sa labas eh, may utang daw ata yon sa isang Loan shark ayon di nag babayad pinapatay. Bata bata pa eh nasa bente otso." aniya ni Zai.

"What's bente otso?" tanong ni kent.

"twenty-eight." sagot ko.

"Loan shark, Ilang minuto bago ang aksidente?" tanong ko.

"15 minutes ago." saad nito kaya nilingon at sinulyapan ko si Masked Man na saktong sipol lang habang hawak ang mansanas.

"Okay, Tulungan niyo na ako. Kayo taga whisk." utos ko sa kanila.

"Kuha kayo nang bowls." utos ko sumunod lang sila sa mga sinasabi ko kaya naman habang nag whiwhisk ay yung tatlong lalake nasa harapan ko.

nag whiwhisk din sila pinanonood ang ginagawa ko. "Noona, Patikim nga nang sayo parang iba saamin." sa sinabi niya ay using the Spatula ay tinapat ko ito sa bibig nila.

"Bat iba?" reklamo ni Kent.

"Mas masarap yung kay Noona amp." reklamo niya.

"Parehas lang naman, kailangan mo lang haluin mabuti." aniya ko pa.

"Ako rin patikim." nanlaki ang mata ko nang hawakan ni Masked Man ang kamay ko at saka nilagyan nang Chocolate at tikman sa daliri ko.

"Luh.."

"Wala kaming nakita." saad pa ni kent.

Umawang ang labi ko. "H-hoy!" hindi makapaniwalang sabi ko at mabilis na Dinuro siya.

"Sweet." he said, kaya naman kinuha ko ang malinis na spatula at Hinabol siya hanggang sa mag ikutan kami sa Kitchen stall.

Kung hindi pa kami aawatin ay hindi talaga ako mag papaawat, Nakakainis ka talagang Masked Man ka punyeta! Ang sarap isigaw out loud.

Kaya naman nag luto na kami at hindi ko nalang siya Pinansin napipikon ako todo todo ang asar niya bwisit. "Noona naibake ko na." saad ni Kent.

"Sige, Ngayon bumola kayo nang Meat balls." utos ko sakanila.

"Yes madam!"

"Galingan niyo." aniya ko pa.

Kaya naman sinimulan ko nang lutuin ang Pasta at ang Sauce, pinag krus ko ang braso at saka pinanood ito. "Noona doon kami sa Sala para habang nanonood." paalam ni kent kaya tumango nalang ako.

"Bori—"

"Bored?" napapitlag ako nang magsalita bigla sa likod ko si Masked Man.

"Hindi." sagot ko nalang then i remember the accident earlier.

"Ya, You're the one who exterminated that Civilian?" Tanong ko sa kanya, tipid niyang ngumiti tapos ay tumikhim.

"Yeah." he answered.

"Bawal yun diba?" tanong ko.

"Says who? Wala naman akong batas na sinusunod kasi nasimulan ko na." sagot niya pa at pinagkrus ang mga braso.

"Psh." 

"Masama yun."

"I can face the consequences after this." sagot niya dahilan para mapairap ako pero meron sa akin na kinakabahan at natatakot sa pwede niyang matamo.


Nang matapos kong maluto ang Spaghetti ay niluluto ko na ren naman na ang Meat balls kontng minuto nalang ay kakain na rin kami. "Shet, naamoy ko na." aniya ni Zai.

"Sus, Patay Gutom." nanlaki ang mata ni Zai sa Sumbat ni Kent.

"Akala mo ikaw hindi ah!" singhal ni Zai.

"Hindi naman." sagot pa ni kent.

"Di daw! Kung di nga tayo kukulangin kanina dadampot ka pa manok!" singhal ni Zai.

"Tama na yan, Kakain na." inis na sabi ni Masked Man.

"Okay." reklamo nang dalawa kaya naman naupo na kami.

Nasa Ref na ang Lava cake ni Kent kaya naman kumain na kami nang Spaghetti. "Spaghetti pampahaba nang—"

"Shut up, Zai." banta ko.

"Buhay kase hyung! Hindi etits!" sa sinabi ni kent ay nasapo ko ang ulo.

"Kent Axel—"

"Luhhhhh! Ako na naman!?" napapikit ako nang sinabi niya ang linya niyang iyon na madalas niyang isumbat.

"Bwisit ka." saad ko.

"Parati nalang ako ako ako—"

"Yang bibig Kent Axel ah." ngumuso na lang ito at kumain na kaya naman maayos na kaming kumain lahat.

Habang kumakain ay napansin kong busy si Masked Man sa pag kain nang Spaghetti, with tunog pa.. Bwisit silang tatlo kakain parang nang gagago pa e.

May pahigop.

"Saraaap."

Makalipas ang sampung minuto ay may kumatok kaya naman nag insist si Zai na Buksan ang Pinto kumain lang kami nang mabulunan ay inabot ko kaagad ang Tubig.

"Guys!"

"May—"

Nang maputol ang sasabihin na yon ni Zai ay napatayo kami ka agad ngunit halos maubo ako nang mag bato sila nang Pausok. "N-Noona I can't breathe." saad ni Kent.

"Nakakahilo." sagot ko naman.

"Shit, We're doomed." sa sinabi ni masked man ay nanlabo ang mata ko at parang gumagalaw ang paligid ko hanggang sa mahirapan akong huminga.

"Business Done." nang marinig ang boses na yon ay saka ko naramdam ang pagtumba..


√√√

Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro