Luha Ni Ulhan
Noong unang panahon, may diwata na nagngangalang Ulhan na naninirahan sa mahiwagang gubat ng Adrestea. Ang gubat na ito ay nakatago sa likod ng isang talon at hindi nakikita o mapasok ng mga mortal. Tahimik ang paligid at ang mga naninirahang mga mahihiwagang hayop at nilalang dito ay masaya.
Masayahin ang diwata at tila walang prinoproblema. Ang kaniyang buhok ay kulay pilak at ang kanyang mga mata ay asul. Sa loob ng matagal na panahon ay hindi siya lumabas sa nasabing gubat. Ni isang beses ay hindi siya pumunta sa mundo ng mga mortal.
Isang araw, naging interesado siya sa buhay ng mga mortal na tao kaya naman ay naisipan niyang lumabas at maglakbay sa mundo ng mga mortal. Nagpaalam siya sa iba pang mga diwata at mga mahiwagang nilalang bago umalis.
Nagkatawang tao siya at sinimulan ang kanyang paglalakbay. Ilang daang taon niyang pinagmasdan ang pagunlad ng mga tao. Paminsan minsan ay umuuwi siya sa kanyang tahanan ngunit agad din siyang bumabalik. Nakita niya ang kanilang kabutihan at kasakiman.
Isang araw ay may nakilala siyang mandirigma na nagngangalang Janus. Mabait siya sa lahat at masiyahin. Maari mo siyang ihalintulad sa anghel dahil sa kanyang kabutihan kaya unti-unting nahulog sa kaniya ang diwata. Tahimik nitong inibig ang lalaki at hinayaan na maging magkaibigan lamang sila. Pinakilala rin ni Janus si Ulhan sa kanyang mga katribo. Mababait sila at agad tinanggap si Ulhan.
Isang araw, bumisita si Ulhan sa Adrestea at nanatili roon ng pansamantala.
Nang bumalik siya sa tribo ni Janus ay nagulat siya sa kaniyang nakita. Sunog at wasak ang kapaligiran, nagkalat ang amoy ng dugo, at nakita niya ang mga pugot na ulo na nakasabit. Isa na rito si Janus.
Napaluhod siya at pinuno ng galit ang kaniyang puso. Unti-unti siyang umiyak, at kasabay ng kaniyang paghagulgol ay ang malakas na pagpatak ng tubig mula sa langit na tila umiiyak din. Humangin ng napakalakas at sinumpa niya ang mga pumatay kay Janus at ang kanilang lahi, na sa bawa't taon ay uulan nang napakalakas bilang tanda ng kaniyang poot.
Bumalik siya sa Adrestea at hindi na tumapak pa sa mundo ng mga mortal kailanman. Masyado nang maraming galit ang nakatanim sa kanyang puso.
Tinawag na ulan ang sumpa ni Ulhan at luha naman ang tinawag sa tubig na lumalabas tuwing tayo'y umiiyak.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro