Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Tenth Dream

Tenth Dream

Nakatayo ako ngayon sa gitna ng hilera ng mga cherry blossoms.

Tinitingnan ko ang kapaligiran. Nasaan na ba si Caleb? Naglakad ako papunta sa may soccer field pero wala siya roon. Kahit sa park o doon sa parte na puro pine trees at nag-i-snow ay wala rin siya. Tiningnan ko siya sa lanai, sa may mga gazebo. Umakyat ako sa classroom maging sa rooftop pero wala si Caleb.

Pumunta ako sa cafeteria. Wala rin siya. Napatingin ako sa paligid. Wala ni isang tao.

Kailan pa nawala ang mga estudyanteng binuo ko sa panaginip na 'to? Bakit hindi ko na sila ibinabalik dito? Kasi nandito si Caleb?

Napahinga ako nang malalim. Parang naninikip ang dibdib ko. Alam ko naman na aalis at aalis siya. Hindi naman niya sinabing permanente siyang mamamalagi rito sa panaginip ko. Isa pa, hindi biro ang ginagawa niyang paghihintay sa dilim. Naiintindihan ko.

Pero sana hindi niya sinabing maghihintay siya sa akin.

Naupo ako doon sa isa sa mga silya sa cafeteria. Ang bigat bigla ng pakiramdam ko. Karaniwan, lagi akong masaya sa panaginip ko. Pero ba't ngayon iba ang nararamdaman ko? Bakit ako nalulungkot na naiinis?

Bwiset na Caleb 'yun. Sabi na eh, delubyo lang talaga ang dala niya. Sinira niya ang nag-iisang lugar kung saan ako nagiging masaya.

Ipinikit ko ang mga mata ko at unti-unti kong ibinalik ang mga tao sa kapaligiran. Nakakarinig na ako ng kwentuhan, masasayang tawanan at ingay ng mga estudyanteng kumakain.

Hindi ko iminulat ang mga mata ko. Pinakinggan ko lang ang nasa paligid ko. Maingay. Maraming tao. Naririnig kong nagkukwentuhan sina Lilian. Nagtatawanan. Tinatawag nila ang pangalan ko.

"Angelique! Saan tayo mamaya sa birthday mo? Feeling ko may surprise para sa'yo si Owen!" dinig kong sabi ni Amanda.

Hindi ko inintindi. Ipinikit ko lang ang mata ko.

Kasi ewan.

Kahit gaano kaingay ang kapaligiran, ramdam ko pa rin na nag-iisa lang ako.

"Nice hair clip."

Biglang napamulat ang mata ko nang marinig ko ang boses na 'yun. Sa harap ko ay nakita ko si Caleb na nakangiti sa akin.

Biglang nawala ang mga estudyante. Natahimik ang paligid.

Tanging si Caleb lang ang naiwan kasama ko.

Ang ganda ng ngiti niya. Ang sarap tingnan.

"Caleb!!!" masiglang-masigla kong bati sa kanya at halos mapayakap pa ako kundi ko lang napigilan ang sarili ko.

Akala ko talaga hindi na siya magpapakita sa akin. Ewan ko pero kinabahan ako ng husto.

"Ba't parang nag-e-emote ka kanina? Bad day?"

Umiling ako, "Hindi! Ang ganda ang araw ko!" masaya kong sabi sa kanya.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya.

"Really? Pwede mo bang ikwento sa akin? At saan galing ang clip mo? Ngayon ko lang nakita na suot mo 'yan ah."

Hinawakan ko ang clip sa buhok ko nang nginitian ko si Caleb, "Gift sa akin ng kuya ko."

"Gift? Birthday mo?"

Tumango ako sa kanya.

"Why didn't you tell me?!" tumayo siya bigla. "Kailangan natin mag-celebrate! Kahit sa panagip kailangan mag-celebrate ka. Wait, gusto mo ba ulit mag-travel sa ibang panaginip?"

Inilingan ko siya, "Hindi. Pero gusto kong magpunta sa beach."

"Beach? Paano tayo pupunta doon?"

Nginitian ko siya ng malawak, "Caleb, panaginip ko 'to."

I saw his eyes brightened and then he grinned.

"Tara sa beach!" masigla niyang sabi at hinawakan niya ang kamay ko habang hinihila ako palabas ng cafeteria.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may something na gumagalaw sa tyan ko. Parang nakukuryente ang kamay ko na hawak-hawak niya.

Okay. Okay. Okay. Anong nangyayari sa akin?

Bakit ganito mag-respond ang katawan ko sa lalaking 'to?

"Wow," sabi ni Caleb ng makalabas kami ng school at nakita niya ang asul na asul na dagat sa harapan namin.

Napangiti ako.

White sand. Blue sea. Clear sky. May isang bangka sa isang side nung dagat. Pero walang tao sa paligid. Kami lang ni Caleb.

Tahimik.

Tanging pagaspas lang ng hangin at alon ng dagat ang naririnig namin.

"Angelique, ang ganda-ganda nito," sabi ni Caleb habang manghang mangha siyang nakatingin sa dagat.

Kitang-kita sa mata niya ang saya.

Hinarap niya ako, at nagulat ako nang bigla niya akong buhatin.

"H-HOY! Ano ba?! Ba't mo ako binibuhat! Caleb!!!"

Tumawa siya, "Syempre beach 'to! Kailangan natinng mag-swimming!"

"W-what?! T-teka hindi ako marunong lumangoy! Seryoso ako! Caleb!!"

Hindi niya ako pinansin at tumakbo siya palusong sa tubig habang buhat-buhat ako. Nang nasa dalampasigan na kami, inihagis niya ako sa tubig kaya naman basang-basa agad ako.

"Wow! Talaga naman! Ang ganda ng regalo mo sa akin!" sabi ko na natatawa at naiinis na ewan.

Si Caleb naman, tawa nang tawa!

"Ikaw ang kulit mo! Natatakot ka sa sarili mong panaginip?" tanong niya habang inaalalayan ako na tumayo. "Para namang may mangyayari sa'yo rito. Lahat nako-kontrol mo."

"Maliban sa'yo!" sabi ko sa kanya.

Nginitian niya ako ng nakakaloko, "Don't worry. Hindi kita pagsasamantalahan sa panaginip mo! Nene ka pa eh!"

Kinunutan ko siya ng noo, "Nene? Makapagsalita ka parang hindi tayo magka-edad ah?" bigla akong napatakip ng bibig dahil may na-realize ako, "w-wait. Wag mo sabihing nabubuhay ka na ng ilang libong taon?"

"Mukha ba akong sinauna? E di sana malalim ang pananalita ko sa'yo."

Napasimangot ako. May point siya. Inglisero pa nga siya kung magsalita eh.

"Eh ilang taon ka na ba?"

Napatingin si Caleb sa malayo na para bang may malalim siyang iniisip.

"Hindi ako sigurado," halos pabulong niyang sagot.

"Huh?"

Nilingon niya ako at nagulat ako nang bigla niya akong sabuyan ng tubig sa mukha.

"Sabi ko ang pangit mo!" natatawa-tawa niyang sabi.

Ginantihan ko nga, "Ang kapal ng mukha mo ha! Gwapo ka ha? Gwapo ka?!"

Nag-pogi sign siya sa harapan ko, "Bakit hindi ba? Crush mo nga ako eh!"

"A-ano?! Hindi ah! Crush kita? Assuming ka ganun? Ha! Kapal mo ah! Excuse me ha! I have standards!"

Nilapitan ako ni Caleb at tinitigan ako sa mata habang nakangiti siya ng nakakaloko. Nakatingala na ako sa kanya habang siya naman ay nakayuko sa akin.

Ang tangkad pala ng isang 'to! Nakaka-stiff neck pag nakikipaglabanan ako ng tingin sa kanya. Mas lalong lumapit si Caleb. Napaatras ako.

"A-ano? B-ba't ka ganyan?" nauutal-utal kong tanong.

Kasi naman ang lapit-lapit niya! Ang tibok ng puso ko, parang nagkakarera sa bilis!

Napatitig ako sa mga mata niya. Dahil ang lapit niya, doon ko lang napansin na brown pala ang kulay nito at hindi itim. Mula sa mata ay napababa ang tingin ko sa labi niya na kasalukuyang nakangiti nang nakakaloko.

Mas lalong nagwala ang puso ko.

Ay tipaklong! Ba't ganito ako?

"You have standards ba kamo?" he asked me with a playful tone. "May mas gu-gwapo pa ba sa akin?"

"S-si O-o-owen," nauutal-utal kong sagot.

Pero come to think of it, hindi ko sigurado kung mas gwapo nga ba si Owen sa kanya.

Tinaasan ako ng kilay ni Caleb, "Yooon? Mas gwapo sa'kin? Talaga lang ah!"

"B-b-bakit ba?!"

Itinulak ko siya papalayo sa akin at tinalikuran ko. Pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko eh. Siguro dahil sa araw. Oo, dahil sa araw.

"Uy joke lang! 'To naman!" natatawa-tawa niyang sabi at hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ko na aasarin ang crush mo!"

Sinimangutan ko siya. Bwiset 'to.

"Stop pouting. You look so cute," nakangiti niyang sabi.

"H-ha?"

Napakamot siya bigla sa ulo niya, "Sabi ko gawa tayo ng sand castle!"

Binitiwan niya ang kamay ko at nauna siyang bumalik doon sa dalampasigan.

At ako, sa hindi malamang kadahilanan, eh napangiti ng malawak.

~*~

"Masaya ka naman ba?" tanong niya sa akin habang inaayos niya ang sand castle na ginagawa namin.

Hindi nga lang ito mukhang sand castle. Parang malaking bundok lang na sinaksakan namin ng kung anu-anong kabibe at maliliit na sanga ng kahoy.

"Oo. Sobra," nakangiti kong sagot.

Ikinuwento ko kasi sa kanya ang mga nangyari kanina. 'Yung akala ko, nakalimutan na ng pamilya ko ang birthday ko. 'Yung binigyan ako ng kapit-bahay namin ng cake. Pati 'yung panlilibre ni Owen sa amin at nung hinalikan niya ako sa pisngi.

Inangat ni Caleb ang tingin niya sa akin at nginitian niya rin ako.

"Sabi sa'yo eh. Kailangan mo lang i-appreciate ang mga magagandang bagay sa paligid mo. Minsan kasi nate-take for granted na natin ang magagandang bagay na 'yun kaya hindi na natin na-a-appreciate."

Yumuko ako at nagdagdag ng buhangin sa sand mountain na ginagawa namin, "Tama ka nga. Maganda rin naman pala ang reality ko."

Ibinalik ni Caleb ang tingin niya sa ginagawa namin at finlat niya ang tuktok nung mountain.

"Uy ba't mo fina-flat?!" tinabig ko ang kamay niya. "Hindi na siya bundok kung flat 'yung tuktok!"

"Akala ko ba sand castle ang ginagawa natin?" at muli niyang finlat 'yung tuktok.

"Eh mas madali 'yung bundok," sabi ko naman at inuubok ko ulit 'yung finlat niya.

Nagtama ang mga daliri namin. At nagulat ako nan bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"C-Caleb?"

Tiningnan niya ako sa mata. This time seryoso na ang expression niya.

Wala yung mapang-asar at nakakalokong ngiti.

Instead, parang ang lungkot niya.

"Angelique, ma-mimiss kita."

Napalunok ako bigla. Bakit parang may nakabara na naman sa lalamunan ko? Bakit parang nag-iinit 'yung mata ko?

"Nagpapaalam ka na ba sa akin?"

Binigyan ako ni Caleb ng isang malungkot na ngiti at umiling siya, "Hindi. Alam kong malapit mo nang matapos ang paglu-lucid dream mo."

"B-bakit naman?"

"Angelique, napakaganda ng reality mo. At alam ko, mas magiging maganda pa 'to."

"At pag naging maganda na ba ang reality ko, mawawala na ang ability ko sa paglu-lucid dream?"

Umiling si Caleb, "No. Hindi mo na kakailanganin pang mag-lucid dream. Dahil 'yung mga panaginip mo, 'yung mga pangarap mo, tutuparin mo na lahat nang 'yun sa reality mo. At wala ka nang dahilan pa para mag-lucid dream."

Pwede namang ikaw ang dahilan ko.

I almost blurted out. Pero pinigilan ko ang sarili ko.

Dahil hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang naiisip ko.

Kung bakit naging si Caleb ang dahilan ng pagbalik ko sa mga panaginip ko.

Ano ba 'tong pakiramdam na 'to?

"Angelique."

Mas lalong humigpit ang hawak ni Caleb sa kamay ko. Pero naramdaman ko na parang may inilalagay siya sa palad ko.

Nginitian ako ni Caleb, "Syempre may gift din ako para sa'yo!"

Binitiwan niya ang kamay ko at tiningnan ko ang inilagay niya rito.

Isang kwintas na may crescent moon at star na palawit.

"Caleb... Ang ganda..." manghang-mangha kong sabi habang nakatingin doon sa kwintas.

Lumapit siya sa akin at kinuha niya ito sa palad ko.

"Isusuot ko sa'yo."

He leaned forward at isinuot niya ang kwintas sa leeg ko. At for a moment, bumilis ang tibok ng puso ko.

"There you go," nakangiti niyang sabi.

Kinapa ko 'yung kwintas.

"Thank you Caleb! Pero 'wag mo munang isipin na ititigil ko ang paglu-lucid dream ha? Babalik at babalik ako. Pwede namang maganda ang reality ko at the same time, nananaginip pa rin ako eh."

Umiling si Caleb. "No, Angelique. I want you to face your reality at maging masaya ka na hindi mo na kinakailangan ang panaginip mo. At alam kong mangyayari iyon. Pero sa ngayon, hangga't bumabalik ka pa, hindi ako mawawala rito. I'll still wait for you."

"Pero Caleb—!"

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil bigla na lang niyang hinalikan ang noo ko.

I was taken a back.

"Happy birthday, Angelique."

Ayun ang mga huling salitang narinig ko. Dahil bigla na lang akong nagising.

Napahawak ako sa may dibdib ko at kinapa ko ang kwintas na ibinigay sa akin ni Caleb. At bigla akong napabangon nang makapa ko ang kwintas. Agad akong tumakbo papunta sa harap ng salamin. Nasa leeg ko pa rin ang kwintas. Pero paano nangyari ito? Ibinigay niya sa akin 'to sa panaginip! Paanong napunta ito sa reality ko?!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: