TWENTY TWO
Puyat man ay maaga pa rin akong gumising. Inignora ko ang pumipintig na hilo galing sa inuman kagabi. Hilamos lang ng tubig sa mukha ay naibsan na ito at naging normal ulit ang aking pakiramdam.
Gutom akong lumabas ng kwarto. Bago tinungo ang kusina ay sumilip muna ako sa kwarto ni mama.
Kaunting siwang lang at kita kong bakante ang magulo niyang kama. Nasa sahig pa ang ibang unan at gusot na gusot ang top sheet. May ibang amoy rin ang sumingaw na nagpangiwi sa akin. Amoy pawis, kalumaan at alikabok.
Pinakiramdaman ko ang paligid. Walang senyales ng presensya niya. Ilang sandali pa akong naghintay bago sumuko't sinara na ang pinto. Nagtungo na ako sa kusina.
Gumawa ako ng kape at binuksan ang tupperware na may lamang sliced bread. Umupo ako sa isa sa mga tatlong silya at tahimik na kumakain, kasing tahimik ng bahay namin ngayon.
Inalala ko kung kailan ako huling kumain na kasama sina mama at papa. Walang imaheng nagpakita sa isip ko na parang hindi ito nangyari. But deep inside, I have the memory in my heart. I could feel it.
Pinagana ko nalang ang aking imahinasyon. Nasa gitnang silya si papa, usual na pwesto ng mga padre de pamilya. Nasa tapat ko naman si mama, ang imahe ko sa kaniya ay iyong bago pa siya nalulong sa droga. Nagtatawanan kami habang kumakain ng agahan.
Nag-imagine pa ako ng isang bata sa tabi ko para kunwari may kapatid ako. We are one small but happy family right at this table. Right at my imagination.
Tumingala ako upang paatrasin ang luha sa aking mga mata. Nag-huling subo na ako sa tinapay at inubos ang aking kape. Hinugasan ko muna ang baso bago umakyat muli sa aking kwarto. Tatapusin ko ang design na ipapakita ko bukas sa studio.
Napahinto ako nang may maapakan. Inalis ko ang aking paa at nakita ang gunting sa sahig. Kunot noo ko itong pinulot at ibabalik na sana sa tukador nang may mahagip ulit ang aking mga mata sa dulo ng kama.
Mga hibla ng buhok. Sigurado akong hindi ako ang nagmamay-ari niyan dahil hindi naman itim ang buhok ko.
Lumapit ako at pumulot ng ilang hibla. Bumuhos bigla ang nangyari kagabi. Tila binagsakan ako ng kung ano habang inaalala ang lahat at napakagat ako sa aking kuko.
I'm not that drunk dahil naalala ko pa naman ang mga nangyari. Maybe going there. Nawalan lang ako ng kontrol sa sarili. Shiit...ano pang mga ginawa ko kagabi, or...kanina? madaling araw na yata akong nakauwi.
Ginupitan ko siya, naalala ko iyon. gamit ang gunting kong ginugupit ko sa mga papel. Umupo ako sa kandungan niya. Napasapo ako sa aking ulo sa kahihiyang iyon. Bakit ko iyon ginawa? Bakit naman kasi siya nandito?
But then...kung hindi siya, baka si Evan ang ginupitan ko. Mas malala yata iyon!
Okay, magpapanggap akong walang naalala. Now that I'm sober, ikinakahiya ko ang ginawa ko. Iba talaga ang nagagawa ng alak.
Sana hindi ko siya nakalbo. Sana trim lang ang ginawa ko.
Kinuha ko ang cellphone kong tumutunog sa ilalim ng aking unan. Nag-text siya. Hindi siya galit?
Jax:
Nandiyan mama mo?
Nakahinga ako ng maluwang pagkatapos ko itong basahin. Ayos lang naman siguro ang pagkakagupit ko kaya hindi siya galit.
Ise-send ko na sana ang reply ko ngunit nag-fail. Nakalimutan kong magpaload. Mabuti na lang at matalino si Jax dahil ilang sandali lang ay tumawag siya. Agad ko iyong sinagot.
"Wala akong load, 'di ako maka-reply," bungad ko.
"Alam ko, kaya tumawag na ako. Ano, nandiyan mama mo?"
Okay...hindi siya nag-open up tungkol sa buhok niya at sa...pag-upo ko sa kandungan niya. Ako lang naman ang naaapektuhan dahil may gusto ako sa kanya.
Mas nakumbinse ko ang sarili na ayos ang pagkakagupit ko. Pero may nakainom bang maayos gumupit?
"Wala. Bakit?" Pinaglalaruan ko ang hibla ng buhok niya sa isa kong kamay.
"Punta kami diyan," aniya. May narinig pa akong boses maliban sa kanya. Sounds like Denver dahil kumakanta ito. Nagtaka tuloy ako kung nasaan sila ngayon.
"Puntahan mo girlfriend mo uy!" sabi ko.
"Review sila ngayon sa school niyo."
Oo nga pala. Kahit Linggo may review class ang mga nursing students.
"Kaya nangto-two time ka ngayon?" biro ko sa kanya.
Humalakhak siya. "Punta kami diyan ni Denver. Maghanda ka, aalis tayo."
"Saan—"
Biglang naputol ang tawag at dinala ako sa busy tone. Sinilip ko ang screen ng cellphone at hindi na nga on-going ang tawag. Hindi ko naman matawagan pabalik dahil wala na nga akong load.
Ilalapag ko na sana sa kama ang cellphone nang mag-ring ulit. Isang ring lang at sinagot ko agad.
"Hello? Bakit naputol?"
May narinig akong busina at piano music sa kabilang linya kasabay ang pagkanta ni Denver. Siguro bumibiyahe na sila.
"Ewan," ani ni Jaxon. "Bihis ka na. Sige, iyon lang. Bye!"
Binaba na niya ang tawag. Natawa ako dahil iyon lang ang dahilan ng muling pagtawag niya. Pwede namang hindi na ako sabihan, magbibihis na naman talaga ako!
Mas excited akong gumala ngayon kesa gawin ang sketch design. Tutal hindi naman talaga required ito bukas. At saka pwede ko rin namang tapusin mamaya kung may oras pa. Nasa shading part na rin naman ako tapos ay kukulayan ko na.
Winalis ko muna ang mga nagkalat na hibla at tinapon sa basurahang nasa kusina. Kinuha ko na ang tuwalya at pinawi ang pawis sa pagligo. Namili na ako ng susuotin pagkatapos sa inaanay kong cabinet.
Wala namang binanggit si Jaxon kung saan kami pupunta kaya iyong puti at maluwang na sleeveless top na lang ang kinuha ko at itim na skinny jeans na medyo lumulubad na.
Linya ng eyeliner sa itaas na bahagi ng aking mga mata na dinisenyuhan ko ng buntot, at mascara naman sa mga pilikmata ko sa ibaba ang tanging nilagay kong make-up sa mata. Black lipstick ang in-apply ko sa aking labi.
Hanggang balikat na ang buhok ko. Balak kong gumawa ng double French braid. Ginawan ako ni Tori noon at na-engganyo ako kaya nagpaturo ako sa kanya. Hinati ko aking buhok sa gitna at sinimulan na ang pagtirintas.
Nanakit ang mga braso ko pagkatapos. Pagod ko silang binaba at nagpahinga muna bago ko sisimulan sa kabilang hati ng buhok. Sinaksak ko ang plug ng electric fan at binuhay ito. Tinapat ko ang hangin sa namamawis kong mukha.
May dalawang beses na bumusina sa labas. Nagtungo ako sa bintana upang sumilip at nakita ang pagparada ng Tesla kasunod ang pagbaba ni Jaxon sa passenger's side.
Naka-white baseball cap siya. Parang alam ko na kung bakit.
Hindi ko na sila binaba. Diretso lang naman iyang pumapasok rito sa kwarto.
Bumalik ako sa silya sa harap ng salamin. Nasa pinto ang mga mata ko, hinintay ang pagpasok ni Jaxon. Narinig ko na ang paglangitngit ng pinto sa baba.
"Davina?" tawag niya.
Hindi ako sumagot. Nagpatuloy ang mga yapak niya na papalapit nang palapit rito sa kwarto ko.
Bawat hakbang, hindi ko alam kung bakit nagdadala iyon ng kaba sa akin na para bang sa mga yapak niya nakasalalay ang tibok ng puso ko.
Sa paghinto ng kanyang maiingat na yapak, parang huminto rin ng ilang segundo ang pintig ng lahat ng mga bagay na tumitibok.
"Vin...?" Sumilip ang ulo niya sa pinto. "Ba't hindi naka-lock ang pinto sa baba?"
Unang dumapo ang paningin niya sa kama. Nang makitang bakante iyon ay lumipat na dito sa direksyon ko. Humagod pa ang mga mata niya sa akin mula ulo hanggang paa bago siya tuluyang pumasok at sinara ang pinto.
" 'Di pa ako tapos," ani ko habang pinapanood siyang lumapit. Huminto siya sa likod ng aking silya. Bagay sa kanya ang naka-cap. He looked like a hot equestrian. Naka-shirt nga lang siya at semi-fit na dark jeans.
Nagkatitigan kami sa salamin habang sinusuklay ng mga daliri niya ang buhok kong hindi ko pa na-braid.
"You want me to do it?" Nag-angat siya ng isang kilay.
"Marunong ka?" Angat ang dalawang kilay ko.
Tipid na ngiti at tango lang ang sagot niya habang kumukuha na nang hibla upang simulan ang pagtirintas. Paano siya natuto kung ganon? Wala naman siyang kapatid. Ginaganito niya mama niya?
Habang busy siya sa buhok ko ay inaabot ko sa ilalim ang aking boots. Inipit ko sa daliri ng aking paa ang sintas saka hinila. Isang paa ko ang nakapatong sa silya at sinuot na ang boots.
"Okay na kayo ni Denver?" tanong ko habang nagsisintas.
"Okay naman kami," aniya.
Napahinto ako sa ginagawa at nag-angat ng tingin sa kanya sa salamin. Nasa buhok ko ang buong atensyon niya, seryosong nagtitirintas. Sineryoso niya talaga.
"Muntik mo na siyang suntukin kagabi," paalala ko.
Hindi ko makalimutan ang kaba na naramdaman ko nang muntik na niyang masaktan ang pinsan. They have fun together a lot. They're like brothers! Tapos sa isang biro lang ay doon sila magkakasira?
Nagsalubong ang kilay niya, mukhang lumalayo na sa ginagawa ang kanyang atensyon. Umigting ang maangulo niyang panga.
Kaba ang unang nagiging reaksyon sa tuwing ganito siya. It's like the movement of his jaw is a warning of either good or bad.
"He called you one of his girls," malamig niyang sabi. Naging maingat ang tingin niya sa akin sa salamin, may nabasa rin akong takot. "You're not his girl, right?" nangangamba niyang ani.
"Nagbibiro lang naman siya—"
"Tsk, let's not talk about it." Walang emosyon niyang binalikan ang buhok ko. Napahigpit ang hila niya kaya napanganga ako't muntik nang magpakawala ng daing. "Basta okay kami."
Nanahimik na lang ako. If he says so. Basta okay sila, e 'di okay. Kung hindi sila maayos ay hindi niya sana ito kasama ngayon.
Kung mga babae lang siguro sila, baka next year pa sila magkakabati.
So he got mad last night because his cousin pegged me as one of his girls? Inalala ko ang sinabini Denver kagabi. Never had he mentioned that I am one of his girls! Saan sa statement ni Denver na binanggit niya iyon? Na-misinterpret lang marahil ni Jaxon ang sinabi ng pinsan niya.
Ang pinaglalaruan kong pampusod ay walang sabi-sabi niyang kinuha at nilagay na sa dulo ng tirintas. Tinignan ko sa salamin ang finish product. Napangiti ako. Marunong nga siya. At ang linis ng pagkakagawa! Parang hindi gawa ng kamay ng lalake.
"Saan ka natuto?" tanong ko at tumayo na.
Hinawakan niya ako sa balikat. Ang isang thumb niya ay paikot-ikot na humahaplos sa rose tattoo ko sa braso. His platonic touches again...
Isang beses ko pang sinuri ang buhok ko bago siya hinarap kasabay ang pagkakaalis ng kanyang kamay sa balikat ko. Nakaramdam ako ng kawalan.
"Girl cousins," aniya.
"Sa kanila kay nakikipaglaro rati?" Tumawa ako. Ngumuso si Jaxon at hinila ang isang braid ko.
Inalis ko ang kanyang baseball cap. Otomatikong lumipad ang kamay ko sa aking bibig nang matunghayan ang hindi nagpantay niyang bangs. Sobrang pangit ng pagkakagupit ko!
Nasa gitna ng noo niya ang hindi pantay na trim. May parte pa roong halos umabot na sa kanyang anit ang gupit. Mukha siyang sinuotan ng lampaso!
Hindi ko alam kung tatawa ako o magi-guilty. Mas gusto ko ang tumawa kaya iyon ang ginawa ko.
"Sorry..." tawang-tawa kong sabi habang tinatakpan ang aking bibig.
Ang pangit talaga ng gupit. Nahiya ako sa sarili ko! Parang ayaw ko nang pagkatiwalaan ang mga kamay ko. Ayaw ko nang mag-drawing!
Inirapan ako ni Jaxon sabay pasida ng kamay sa buhok niya. Binalik niya ang baseball cap at this time, pabaligtad na niyang sinusuot ito.
"Samahan mo ako sa barber shop," seryoso man ang pagkakasabi, may nagtatago namang aliw sa kanyang ekspresyon.
Sa muli niyang pagpasida sa akin ay huminto ang tingin niya sa aking leeg o...sa mas mababa pa roon. Sinundan ko ang direksyon ng mga mata niya.
Nahigit ko ang aking hininga nang lumapat ang kanyang daliri sa aking collar bones. Pabulong ang haplos niya, at mas nahirapan lang akong huminga. Binalot ako ng kuryente na bahagyang nagpanginig sa akin. Naestatwa ako sa kinatatayuan.
Sumakit ang mata ko nang aking dinungaw ang nanindig kong balahibo sa braso.
"God, Vin...lumamon ka ba ng hanger? Look at your collar bones! Halos lumuwa na!"
He's freaking out. Labis ang pangungulubot ng kanyang kilay. Naghihisterikal na rin ang kanyang paghinga.
Humalukiphip ako. "Actually agahan ko siya kanina. Wanna try?"
Walang aliw siyang nagpakawala ng isang tawa. Nakaawang ang kanyang bibig. He cringed again. Umiling siya't hinila ang guhit ng pagkabahala sa aking mukha.
"Kumain na lang muna tayo bago tayo pumuntang barber shop," aniya.
Umakyat ang mga mata ko sa kanyang cap. Sumilip ang ilang hibla ng kanyang buhok. Kinagat ko ang aking labi, buong lakas na pinigilan ang muling pagtawa.
Ang hirap talagang magseryoso sa tuwing dumadapo ang paningin ko sa buhok niya.
He still looked good actually, it never made him look less good looking. Nakakatawa lang talaga ang kanyang buhok. And it's my damn fault.
"Barber shop muna," suhestiyon ko. Hindi ko tinatantanan ang kanyang buhok. "Hangga't ganyan ang hairstyle mo, ayaw kong tumabi sa 'yo. Itatanggi kong kilala kita."
Kiniliti niya ako sa tagiliran. "Friendship over tayo niyan, Vin."
Tumitili akong kumaripas ng takbo palabas ng kwarto nang akma niya akong kikilitiin ulit. Malapit na ako sa pinto nang naalala ko ang naiwan kong gamit. Hinahabol pa rin ako ni Jaxon hanggang sa makalabas ako ng bahay.
"Iyong pinto niyo, hindi mo ila-lock?" sigaw niya malapit sa likod ko.
Huminto ako't pumihit sa direksyon ng bahay. Nakatayo na si Jaxon sa pintuan na bahagyang humihingal at nakaangat ang gilid ng labi. Inangat niya ang kanyang kamay kung saan nakasabit ang strap ng maliit kong bag at sa isang daliri ay pinaikot-ikot ang bilugang chain ng susi ng bahay.
"Tumabi ka diyan!" Sumenyas ako.
Lumawak ang kanyang ngisi.
"Punta ka rito," isang beses niyang tinungo ang ulo. "I-lock mo pinto niyo."
Nag-alinlangan pa akong lumapit. Wala akong tiwala sa tingin niyang iyan. Matatagalan kami kapag aangal pa ako kaya humakbang na ako. May pagbabanta siyang umabante kaya mabilis akong umatras. Yumugyog ang balikat niya sa paghagikhik.
"Jaxon kasi! Ikaw na mag-lock na sa 'yo naman ang susi!" sigaw ko.
"Punta ka kasi rito. Sasakay lang ako sa kotse," natatawa niyang saad.
Hindi agad ako kumilos. Nang pakiramdam ko'y hindi na siya mangingiliti ay humakbang na ako.
Nanatili ang titig namin sa isa't isa. May pag-iingat ang sa akin, may kapilyuhan naman ang sa kanya. Panay ang hagikhik niya habang pinapanood ako, mukha naghahanap ng tiyempo.
Dumaan ang dulo ng dila niya sa siwang ng kanyang labi at pormal na pumagilid.
"Huwag ha, Jaxon? Friendship over tayo."
Inipit niya ang labi niya. Sumilay pa rin ang kanyang ngiti. Binigay na niya sa akin ang susi at siya ang nagsuot ng bag ko.
Sabay kaming naglakad papunta sa Tesla pagkatapos kong i-lock ang pinto ng bahay. Natatanaw ko sa driver's seat si Denver na kunot-noo kaming pinagmamasdan. Ginawa niyang unan ang kanyang mga braso.
"Oy, Davina! Ang aga naman yata niyang pange-escort mo? Ganon ka siguro ka in-demand, ano? Manang-mana ka talaga sa malandi mong ina!"
Nilingon ko ang matinis na boses ng kapitbahay namin kasama ang maiingay niyang mga kumare na nagtatawanan. Buhaghag ang buhok nitong parang kinuryente ang pagkakakulot at inuuban.
Binitawan ko ang pinto at matapang na umabante.
"Aling Beng, kesa buhay ko ang pakialaman niyo, asikasuhin niyo nalang po 'yung anak niyong nakulong dahil nang-rape ng menor de edad, ha? Kung makahusga ka kala mo wala kang anak na kriminal. Sana talaga mapatupad na ang bitay!"
Nagmistulang uod ang mga kilay niyang namimilipit sa galit. Tumayo siya't nanginginig akong tinuturo. "Aba't walang hiya kang bata ka—"
"O sige, sige! Sugurin niyo ako para magsama na kayo ng anak niyo sa bilangguan!" ganti kong sigaw.
Hawak ni Jaxon ang mga braso ko at pinipigilan ako. Napalabas na ng sasakyan si Denver.
"Tara na Vin, hayaan mo na..."
Hinampas ni Aling Beng ang mga de-alambreng bakod nila. "Akala mo hindi ko alam na gumagamit ng droga 'yang ina mo? Isusumbong ko iyan sa mga pulis nang mapatay na!"
Naluluha at nanginginig ako sa galit. Parang umuusok na ang ilong ko sa bayolente kong pakiramdam. Uminit ang buong mukha ko at susugurin na sana siya kung hindi lang ako pinigilan nina Jaxon at Denver.
Nagsisigaw na rin doon ang mga tao sa kanilang pagkampi kay Aling Beng.
"Makukulong ka rin dahil kasabwat mo ang mama mo!" deklara ng isa sa kanila roon. "Alam mong gumagamit siya pero hinahayaan mo lang! Kaya makukulong ka rin, Davina! Kayo ng ina mo ang magsasama—"
"Tama na!"
Nilingon ko ang pagsigaw ni Jaxon. Nanatili siyang nakahawak sa braso ko. Lumelebel na rin siya sa galit ko.
"Kayo po ang ipakukulong ko kung patuloy kayong manggugulo sa kanila," matigas niyang sabi." Pwede po iyong mangyari kaya tumahimik na lang po kayo kung ayaw niyong may mawalan ng respeto sa inyo."
Mukhang natakot sila sa banta ni Jaxon kaya sandali silang tumahimik. May isa pa rin doong bumubulong-bulong habang binalikan ang mga braha niya. Nauwi na sila sa pagbubulungan. Kahit ano pang binubunganga ni Aling Beng habang lumalayo na sa bakod.
"Let's go, Vin..." Hinila na ako ni Jaxon papasok sa kotse.
Tinabihan niya ako rito sa backseat kaya wala tuloy katabi si Denver. Kung hindi lang dahil sa nangyari, marahil nagrereklamo na siya.
Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko mag-isa ako roon kanina kahit may dalawa naman akong kasama. Pero kasi mas marami sila laban sa akin. At totoo ang mga sinasabi nila kaya talo ako. Talo kami.
Alam kong kami pa rin ang laman ng usapan ng kapitbahay base sa kibot ng kanilang mga bibig habang pinapanood ang pag-alis ng kotse. Inaamin kong natatakot ako sa banta nilang magsumbong sa kapulisan. Natatakot ako para kay mama. Kung may magawa lang talaga ako upang tumigil na siya.
Napalingon ako kay Jaxon sa pagtapik niya sa kamay ko. Nanatili ang hawak niya.
"Huwag mo na silang isipin. Hindi sila ang problema mo," aniya. Sa harap siya nakatingin.
Kinagat ko ang labi ko at bumaling muli sa labas ng bintana. Oo, hindi nga sila ang problema ko pero ang mga sinasabi nila ang ikinabahala ko.
"Does your mother really..."
"Denver." May bantang pumalibot sa tono ni Jaxon. Umiling siya habang tinitigan ang pinsan sa rearview mirror.
Nagbaba ng tingin si Denver at binaling sa harap. Tumango siya, naiintindhan ang ibig sabihin ng pinsan.
Buong biyahe ay iyon lang ang laman ng isipan ko at kahit saan na napupunta, lumalayo ang daloy hanggang sa nailiko na palayo sa kanina na para bang hindi na nila kayang sundan ang utak ko.
Naiwaglit ko sila. Nagawa kong kontrolin na huwag na iyong isipin kaya iyon ang nangyari.
Salon sa isang kilalang mall kami unang nagpunta. Baklang may blonde highlight ang buhok at kasing kapal ko ng lipstick ang sumalubong sa...kay Jaxon, dahil nasa likod ko naman kasi si Denver.
"Good afternoon Sir, ma'am."
"Haircut," ani Jaxon sabay pasida sa ulong may-cap pa. Nilingon niya ang pinsan niya sa likod ko. "Ikaw, Denver? Baka gusto mong magpa-pedi?" ngumingising tanong ni Jaxon.
Tumawa iyong bakla at isang babeng may kinukulayang buhok ng matanda.
Inikutan siya ng mata ni Denver. "Later."
Natatawa si Jaxon na giniya na nang bakla sa salon chair. Kami ni Denver ay umupo sa mga waiting chairs dito sa likod kaya kaharap namin ang malaking salamin. Agad siyang kumuha ng magazine sa katabing shelf.
Tinatanong na nang bakla ang gustong style ni Jaxon. Kunot noo lang si Jax na parang hindi naiintindihan ang sinasabi ng bakla. Pinagtawanan pa siya nito pagkatanggal niya sa kanyang baseball cap.
"Pinag-tripan kasi ng isa diyan," ani Jaxon. Nagtama ang mga mata namin sa salamin. "Anong bagay sa 'kin, Vin?"
Nagkibit balikat ako. "Kahit ano."
Mas lumukot ang mukha niya. Umusli ang mukhang malalambot niyang labi. Man, I was semi drunk last night and I could still feel that soft pinkish lips!
"May bangs o wala? Kaso ayaw ko na kasing may bangs. Mainit," reklamo niya.
"E 'di huwag kang mag-bangs! Bakit ako tinatanong mo?" natatawa kong sabi.
Parang baliw lang 'tong si Jaxon! Pati si Denver ay napahalakhak sa tabi ko.
Walang pinagbago ang pinta ng mukha niya. Parang ang laki nitong problema para sa kanyang kinabukasan.
"Ano kasi mas bagay sa akin?" tanong pa niya.
"Guwapo ka naman, kaya bagay sa 'yo kahit ano. Kahit magpakalbo ka pa diyan," sabi ko.
Honest lang ako. Bagay naman talaga kahit ano. Mamahalin ko pa rin naman siya kahit wala siyang buhok.
"Nako sir, ang sweet ng girlfriend niyo..." maarteng ani ng baklang tagagupit.
Humigpit ang titigan namin ni Jaxon. Tikom ang bibig niya. Bigla akong nailang sa sinabi ng bakla habang mahinang tumatawa si Denver sa tabi ko.
Palibhasa, may alam ang isang 'to, e. Siniko ko siya at mas lalo lang bumungisngis.
Hilaw akong tumawa at umiling. Hindi ko matignan si Jaxon na hindi man lang tinama ang sinabi ng bakla.
"Hindi niya ako girlfriend. May girlfriend na iyan eh, pero hindi ako..." Sinubukan kong hindi ipahalata ang kabiguan ko habang sinasabi ito.
Namutla ang bakla't napatakip sa bibig. Kita ko ang mahahaba niyang kuko na kulay blood red. "Hala , sorry..."
Binalot pa rin ako ng ilang. Pakunwari kong pinagkakainterasan ang binabasa ni Denver. Wala akong maintindhan kahit English naman ang nakasulat. Nanatili ang binabasa ko sa iisang salita.
"Ikaw sir, may girlfriend na?"
Doon lamang ako muling napangiti nang tinanong naman nito si Denver. Nako ateng, marami iyan!
"Wala rin e, liligawan ko kasi 'to." Inakbayan niya ako.
Inalis ko ang braso niya saka siya sinuntok sa braso. Ikinatawa niya ito ng husto, kabaligtaran sa nasasaktang pinta ng mukha niya.
"Don't dare, Denver."
Pinutol kami ng nagbabantang boses ni Jaxon. Hindi ko makita ang ekspresyon niya dahil natatakpan ng kanyang tagagupit pero sa tono pa lang niya, pinapaalahanan ako nito sa muntik nang mangyari kagabi.
"Bakit?" natatawang tanong ni Denver. "Seseryosohin ko naman si Davina, e."
"Maniwala ako sa 'yo!" Sinakyan ko na lang siya kesa intindihin ang maaaring gawin ni Jaxon.
Hindi naman siguro niya susugurin ang pinsan dito sa pampublikong lugar. He has enough good upbringing.
"Parang soulmates na tayo, Vin. Pansin mo, sa letter D nagsisimula ang mga pangalan natin? We'd create double D's!" Ngumisi siya.
"You're talking about tits."
May lutong ang kanyang hagalpak.
"Kaya nagkakasundo tayo, e." Mahina niya akong siniko saka binalikan na ang binabasa.
Nagbabasa lang kami ng magazine habang naghihinatay matapos si Jaxon. Inalok pa kami ng isang baklang employer na mukhang naniwala sa sinabi ni Denver na magpa-pedi. Tinawanan lang niya iyon at umiling.
"Magagalit si mama, " ani Denver.
Hind ko mapigilang tumawa. Ganoon ang palagi niya nira-rason sa tuwing may tinatanggihan siya.
"Ikaw ma'am?" Hinagod niya ng tingin ang mukha ko. " Ang galing ng make up niyo. Pwede kayong ma-hire dito. I'm sure malaki ang iiwan sa inyong tip."
Umiling lamang ako at tipid na ngumiti. Mas hilig ko pa rin ang pagdo-drawing kesa ang mag make-up. Lalo na ang mag make up ng ibang tao. Sarili ko lang naman ang inaayusan ko.
Hindi yata umabot ng thirty minutes ay natapos na si Jaxon.
Pagkahawing-pagkahawi ng bakla sa itim na cape kay Jax ay pinigilan ko ang pagtakas ng aking singhap. Bigo ko namang naitago ang aking gulat at pagkamangha.
Goodbye bangs. Sa bagong style niya ngayong undercut at may bahagyang spike sa parte ng makapal na parte ng buhok niya, I think mas dadami lang ang magkakagusto sa kanya.
Mas nadepina nito ang hugis ng kanyang mukha at panga. His thick and trimmed brows, and even the shape of his eyes. It defined his whole manly features! It made him look more intense than his usual innocent and soft. I can't believe a haircut could do this to him!
Lubog na lubog na ang laban ko sa ibang magkakandarapa sa kanya. As if naman may laban ako.
Pansin ko ang nagsisik-sikang mga employers sa gilid. Nagbubulungan sila at kay Jaxon nakatingin. May sinabi pa sila sa baklang gumupit nito kung gaano ito kasuwerte.
Sinusuklay ni Jaxon sa kanyang mga daliri ang bago niyang buhok. Sandali niya itong sinuri bago hinila ang paningin sa akin. He really doesn't care that much about his hair.
"Bagay..." tanging nasabi ko.
Mami-miss ko ang bangs niya pero...bagay talaga sa kanya ito. Nanggigil ako sa kanya!
Ngumiti siya saka tumayo at lumapit na sa amin. Ngayon pa lang natapos si Denver sa pagbabasa.
"Holy shit, man? Uusungan mo na naman ako! Huwag ka na nga lang lumabas! Manatili ka sa kotse mo!" bulalas ni Denver.
Tinawanan lang siya ni Jaxon at tinapik sa balikat. Hindi nito napawi ang inis ni Denver.
"Magc-cr lang ako. Ayoko nang sumama sa 'yo. Hmp!"
Naghagikhikan kami habang pinapanood si Denver na lumabas ng salon. Pakiramdam ko rin maiihi na ako, at sure akong hindi dahil sa lamig ng aircon.
"Kung nanliligaw kami ni Denver sa 'yo, sino sa amin ang sasagutin mo?"
Hindi ko maitago ang labis na pagtataka sa random niyang tanong. I have to act like a friend than someone who is attractive to him.
"May girlfriend ka, bakit kita sasagutin?" sabi ko.
Mas lumapit siya at mapanuri akong dinungaw. Mas tumangkad pa nga yata siya sa bago niyang hairstyle.
"Kunwari nga lang," aniya.
Nag-iwas ako at bumaling sa gilid. Pinagtitinginan pa rin siya ng mga employers at mga babaeng customers na nagpapakulay ng buhok at nagpapa-rebond.
"May sablay kayong dalawa, kaya wala akong sasagutin sa inyo."
Nilingon ko siya dahil sa kanyang pagbuntong hininga. Ngisi niyang kinagat ang ibabang labi saka ito binitawan upang makapagsalita.
"Kunwari nga lang, Vin. We're both single. We're both serious. So sino sa amin?" Nag-angat siya ng kilay.
Bakit ba niya pinipilit na malaman? Anong gagawin niya kung hindi ko sasagutin? E 'di siyempre, tulad ng dati ay pipilitin niya hanggang may makuha siyang sagot!
Minsan talaga hindi ko siya maintindihan. Bigla na lang siyang magtatanong ng kung ano ano na malayo sa pinag-uusapan namin.
Taas-kilay pa rin siyang naghihintay sa sagot ko.
"Ikaw," pa-inis kong sabi. Hindi ko siya tinignan. Pinaglakad-lakad ko ang mga daliri sa counter top ng salon.
"Talaga?" May panunuya sa kanyang tono.
Kalmado akong tumango. Pero sa kalamnan at dibdib ko'y may nagwawala na. Uminit yata bigla? Hininaan ba ang aircon o nag-brown out?
Parang may humihila sa aking tignan siya. may pag-aalinlanagn pa pero sa huli ay nagawa ko ring ibaling ang aking paningin sa kanya.
Gusto niyang ngumisi, pero pinipigilan niya sa mariing pagkagat ng ibabang labi. Ang ngiti sa mga mata niyang nakatitig sa akin pabalik ay kumikislap.
Hindi siya nag-aalis ng tingin habang nilabas ang kanyang wallet at dumukot ng pera. Mahinahon niya itong nilapag sa counter top.
"Bayad, ate. Keep the change. Iyan na ang tip niyo," aniya.
Tinignan ko ang perang binigay niya. He gave a one thousand peso bill. Two hundred fifty ang paggupit, a?
"So, sa ibang pagkakataon, baka girlfriend na kita, Davina..."
Hindi ko alam kung paano ako nabingi sa sinabi niya. Dahil ba sa hina ng kanyang boses, o dahil sa malakas na kalabog ng puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro