Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWENTY THREE

Lutang akong nakabuntot kina Jaxon at Denver na sinuyod na yata ang buong supermarket. Naiwan pa ang diwa ko sa parlor. Hinihila ako ng sinabi ni Jaxon na para bang dapat akong mamuhay sa katotohanang iyon.

"Saan tayo after?" tanong ni Denver habang kumukuha ng freshmilk. Binasa niya ang likod nito. Ang isang kamay niya'y nakahawak sa handle ng cart na may cereal na at ibang healthy foods.

Tumabi si Jaxon sa kanya at nakangusong hinagod ang tingin sa nakahilerang orange juice containers. Nakapamaywang siya.

"Bahay...tattoo parlor...kina Davina..." wala sa sarili niyang sabi, mukhang hindi pinag-isipan ang sagot.

Nakaside-view siya galing dito sa kinatatayuan ko. Humantong ang mga mata ko sa mas na-anggulong linya ng kanyang panga dahil sa bagong gupit nito. Napabuntong hininga ako.

Bakit pakiramdam ko ang hirap na niyang abutin kahit bagong gupit lang naman siya? Ganito ba talaga? O ako lang ang nakakaramdam ng ganito?

Nang mahimigan kong lilingon si Jaxon ay nag-iwas ako at umikot. Namili ako ng pupuntahang shelf. Basta may mapuntahan lang ay nagtungo ako sa mga shampoo.

Wala naman akong bibilhin, titingin lang ako para may magawa.

Kinalabit ang paningin ko ng mga nakahilerang hair coloring products. Dinala ko ang sarili doon at kumuha ng isang box. Puro dark colors naman ang narito, balak ko pa namang magpa-dye ng silver. I want a silver hair.

Ramdam ko ang presensya ni Jaxon sa aking likod dahil sa pag-atake agad ng pabango niya. Tumabi siya sa akin at kinuha ang box na sinuri ko kanina. Sandali niya lang itong tinignan bago binalik sa lalagyan.

Pinaglalaruan niya ang nalagas na parte ng price tag sa shelf.

"Kanina ka pa tahimik, " puna niya saka ako nilingon. "Gutom ka na ba? Kain na tayo?"

"Busog pa ako," wika ko, pinuwersang hilain ang paningin sa kahit saan maliban sa mga mata niya. Ang hirap huminga.

Clearly, what he said earlier didn't send a single effect on him. Ako lang ang tinapunan niya ng epekto.

Dumating si Denver tulak ang cart. May nadagadag doong tatlong freshmilk at iyong OJ's na sinuri ni Jaxon kanina.

"Anong meron dito?" kunot-noong tanong ni Denver, halata ang pagtatakang ginala ang mga mata sa mga shampoo. "You use girly shampoo, Jax?" May disgusto siyang tumitig sa buhok ni Jaxon. "What the fuck?"

Napailing si Jax at mahinang pinalo ang tiyan ni Denver. Lumipat siya sa kabilang shelf kaya sumunod na rin kami.

"Tapos ka na ba mamili? Ang dami na niyan." May reklamo sa likod ng boses niya.

"May hinahanap pa ako, e." Pinahaba ni Denver ang leeg at tinanaw ang shelf malapit sa cashier...o baka isa sa mga cashier ang tinatanaw niya?

"Kanina pa tayo rito, hindi mo pa nahanap?" Nagtapon si Jaxon ng bulak sa cart.

Kumunot ang noo ko. Ano kayang paggagamitan niya niyan? Para first aid kit? Face cleanser?

"Hey, Jaxon!"

Sabay naming nilingon ang boses ng babaeng may foreign accent.

"Hel...lo?" Mukhang hindi sigurado si Jaxon habang tinitigan ang babae, inaalala pa yata kung saan niya nakita ito.

"I'm Minka. Ako iyong pinapalitan mo palagi sa radio station." Ngumiti siya. Dalawa ang dimples niya sa magkabilang gilid ng bibig.

Sumipol si Denver sa likod ko at mabagal na bumuntong hininga. Right, this is Denver's type. Her skin tone's a concoction of cream and coffee, brown round eyes and prominent cheekbones. She's a bangs girl, too dahil sa kanyang thick fringe. Naka-high ponytail ang mahaba at brown niyang buhok.

Nilingon ako ni Jaxon na walang pinagbago ang kalituhan. Para bang kino-konsulta niya sa akin kung nagsasabi ba siya ng totoo. Mukha bang alam ko? Does she even look like one of my people?

Hindi niya hinila ang reaksyon kay Minka imbes ay gumawad lang siya ng hilaw na ngisi.

"Hi, sorry..." pinaikot-ikot niya ang hintuturo sa buhok ng kausap. "Hindi agad nag-register sa 'kin. Siguro dahil...sa bangs mo."

"Yeah!" Tumalon pa talaga siya habang natatawa, nasiyahan yatang napansin iyon ni Jaxon. Medyo napawi ang ngisi niya nang umangat ang tingin sa buhok nito. She pouted her natural pink lips. "But you cut your hair. I thought pa naman we'd be a bangs couple."

Oh. My. God. She likes him. Ma-threaten ka na Gwyneth, wherever you are.

With Jaxon's new haircut, dark blue V-neck that showcases his firm and lean body, ang pagkaka-compliment ng kulay nito sa kanyang skin tone...who wouldn't get fucking attracted to that?

"Jaxon naman, may hawak ka pang napkin pero nakahatak ka pa rin? Palibhasa bagong gupit. Un-fucking-fair!" Marahas na bumubulong si Denver sa likod ko. "Nakaka-turn on ba ang napkin?"

Sinilip ko ang nahulog niyang feminine wash. Pinulot niya iyon at binalik sa lalagyan.

Binalikan ko ang mas kumuha ng aking interes. Lumobo ang pisngi ko 't pinigilan ang tawa. Siniko ko si Jaxon, nang ako'y nilingon ay ninguso ko sa kanya ang hawak niyang napkin.

Tinignan niya rin iyon, pero hindi man lang siya nagulat. Kalma lang siya.

Pinaningkitan niya ako. "Akala ko wala ka nang napkin? 'Di ba fourth week of the month ang menstruation mo? So this week na."

Literal akong napanganga. Gusto kong magsalita ngunit sumabit ang boses ko sa aking lalamunan. Nga-nga ako! Confident pa talaga siyang alam niya ang tungkol diyan.

Ginawa itong oportunidad ni Denver upang magpakilala kay Minka. Sumingit siya sa pagitan namin ni Jaxon na kakalagay lang ng napkin sa cart.

"Jax, saan nga ulit kayo magde-date ni Gwyneth this Friday?"

Napaikot ako sa aking mga mata nang may mahimigan sa sinabi ni Denver. And wait...date? Magde-date sila this Friday? Well...okay. Fine. Sila na naman, so normal lang na mag-date sila.

Hindi ko na tinignan ang reaksyon ni Jaxon. Sa ibang pagkakataon...well hindi ito ibang pagkakataon.

"Y-you have a girlfriend?" Mas bumilog ang mga mata ni Minka.

Bumaling siya sa akin. Napaawang siya't biglang namutla. Bumalik ang tingin niya kay Jaxon saka nahihiyang kinagat ang labi. I could see her sorry and disappointed eyes.

"He has, as of the moment." Si Denver ang nagkumpirma. "And I'm Denver by the way. Twenty and single. Ikaw? Well you're alone, I guess you're single, then. Put us two together, then we're a couple." Pinagaspang niya ang kanyang boses.

Lumayo na ako roon at nagtago sa kabilang shelf. Wala naman akong bibilhin kaya tumitingin-tingin na lang ako sa mga produkto.

Segundo lang ang tinagal ay sumunod si Jaxon. Tinabihan niya ako, kapwa kami tahimik habang pinakikinggan si Denver sa kabila.

Inignora namin ang isang customer na weirdo kaming tinitignan. Nakayuko lang naman kasi kami ni Jaxon, para kaming taimtim na nagdadasal sa harap ng mga sabon at lotion.

"Huwag na nga kayong magsama ni Denver. Insecure 'yung tao," ani ko, wala sa sarili akong kumuha ng whitening soap at inamoy. Naalala ko tuloy ang pangsha-shoplift namin nina Charlie at Angelov.

Kumuha siya ng papaya lotion at binuksan ang takip upang amuyin.

"Wala pa rin ako kay Evan," aniya at binalik ang kinuhang lotion.

"Kinumpara mo pa sarili mo! May lumapit na nga sa 'yo." Humakbang ako sa gilid upang suriin pa ang ibang produkto.

"Atleast kakilala. Kapag si Evan kasi, lumi-level sa artista. Kahit hindi kilala lumalapit sa kanya."

Inalala ko ang mga araw na nangyari iyon. Tumango ako't napasang-ayon. I can't blame the girls.

"Pinamana ba iyan ng mga ama niyo sa inyo?" biro ko, bahagyang natawa.

Nilingon ko ang kanyang pananahimik. Binalikan ko ang sinabi ko. Shoot! Agad dumapo ang kamay ko sa aking bibig. I've just touched a no-go-area topic right there. Hindi ko dapat binanggit ang tungkol sa ama niya.

"Sorry..." mahina kong sabi.

Marahan niya akong siniko, pinarating sa akin na okay lang. But I know it's not. Kung ganitong usapan na ang ginagalaw hindi ito magiging okay lalo na kung hindi pa man ito naaayos ang gusot nila.

Kahit ako, sa tuwing nababanggit ang aking ama ay tumatahimik rin ako. Wala naman akong maikwento dahil wala akong alaala sa kanya.

"Ano pala ang brand ng tampons mo?"

Nagtinginan kami ni Jaxon nang marinig ito mula kay Denver. Mahigpit kong inipit ang aking labi. Lasang-lasa ko na ang pait ng aking lipstick.

"I'll suggest you have this. This would absorb better and would never leak in the panty lines. Scented pa!"

Tinago ko na ang mukha ko sa braso ni Jaxon at pinaghahampas ang kanyang likod. Sumakit ang tiyan ko sa pagtawa. Tumakas ang hagikhik ni Jax kasabay ang pag-alog ng kanyang balikat. Napa-face palm pa nga yata siya.

Mukhang nakuha na ni Denver si Minka dahil sa narinig naming tawa nito. Nanatili kaming nakikinig sa kanila. Mayamaya lang ay sumilip ang bulto niya sa dulo ng shelf. Nakangisi siyang lumapit, pinaharap sa amin ang kanyang Iphone.

"I got her number..." mala-demonyo siyang humalakhak sabay taas-baba ng kilay.

"Oh! Tapos 'yong cart mo, nasan?" aroganteng tanong ni Jaxon.

Biglang napahinto si Denver sa gitna ng paglalakad.

"Hala! Shit!" Namilog ang mga mata niya't kumaripas pabalik sa kabila. Pagbalik niya'y binibilang niya ang laman ng cart habang tinutungo na namin ang counter.

Binabayaran na nila ang pinamili. Si Jaxon lang naman ang mapanuring nagtsi-tsek sa bawat item na kinukuha ng cashier habang si Denver ay tutok na tutok sa kanyang cellphone, mukhang ka-text na si Minka.

Tumuro si Jaxon sa isang item at may tinanong tungkol rito. Nautal pa iyong cashier at saglit napatunganga. Inulit ni Jaxon ang sinabi at doon pa lang naggising ang babae't sinagot ang tanong nito. Mas pumula pa ang blush-on niya.

Hinatid muna namin ang mga groceries sa kotse bago naisipang gumala sa department store. May bibilhin na naman daw kasi si Denver.

Nagrereklamo na siya ngayon dahil hindi na nagre-reply sa kanya si Minka. Hindi siya naniwala sa hinala naming wala itong load.

"Alam kasi nila reputasyon mo, Den. You're a playboy," sabi ko nang nagmaktol siya kung bakit mas nilalapitan sina Evan at Jaxon. Riley's an exception dahil hindi naman 'yon palaging naglalabas ng bahay.

Sumandal si Denver sa gilid ng escalator. Nasa taas siya, tatlong baitang ang pagitan sa amin ni Jaxon. Dinikit ko ang aking boots sa hilera ng brush sa gilid.

"Nami-misjudge lang nila ako. I'm not a playboy. I'm just playful."

"Tss..." Napailing si Jax.

Nasa dulo na kami at humakbang sa third floor. Dito ang karamihan sa mga boutique. I'm not really a mall girl, sa mga ukay-ukay naman kasi ako namimili. Mas mura kesa sa mga mamahaling brand dito kahit parehas lang naman ang style ng damit. Sa brand lang naman kasi nagiging mahal.

"I mean, what is he, a bait to a school of fishes of women? And I'm the what? The fisherman? Because apparently, the fishes don't get attracted to the fisherman but to the bait!"

Patuloy pa rin siya sa pagra-rant . Akala ko tapos na siya?

"You're such a whiner, Den," ani Jax, nakatingin sa display ng kilalang brand ng pambabaeng damit. Ganyan ang klase ng mga sinusuot ni Gwyneth. Floral dresses.

I don't wear dresses. Puro skinny jeans lang ako at denim shorts. So definitely, hindi ako nasa isip niya nang tinignan iyon.

Dinidikit ko lang sa isip kong in case makalimutan kong huwag umasa. Hope might be a positive word, it is sometimes a disguise. It can break you, not make you.

"Remember Sinulog?" halos natatawang sabi ni Denver. Hinintay pa niya kami ni Jaxon na pumantay sa kanya para makasabay sa paglalakad. Pumagitna siya sa amin ni Jax. "The girls were asking about him! Kaya iyon, nauwi siya sa paghahabol kay Scarlet pauwi." Malademonyo siyang tumawa. "That's what he gets."

Lumipat si Jaxon sa gitna at tinulak si Denver sa pwesto nito kanina. Bahagya akong napalayo sa kanila dahil may sumalubong. Agad akong hinila ni Jaxon palapit na parang takot siyang maligaw ako sa mall.

"Why do you hate Evan? Wala naman siyang ginawa sa 'yo," wika ni Jax.

Madramang pinaikot ni Denver ang mga mata niya.

"I don't hate him. It's just...he always gets the attention as if his balls are on fire! Kaya ayokong sumama sa kanya. His presence makes me feel bad about myself. Kung sa banda pa, siya ang mas pinagkakaguluhan dahil siya ang guwapong bokalista. Itsapuwera kaming drummer at guitarist."

Bahagya akong natawa. Umikot kami at mula rito natatanaw ko ang ilang mga boutique na bahagi na nang NorthWing. Akala ko ba sa department store kami? Bakit dito na kami napunta?

"Si Riley naman, kahit walang pasok mukha pa ring nag-aaral. May eskwelahan ba sa bahay nila? The last time I checked, it's just a house! Walang ngang flagpole doon!"

Napatingala si Jaxon sa pagtawa sa sinabi ni Denver. Umani iyon ng atensyon sa iba lalo na nang mga kababaihan kaya nanatili ang tingin nila sa kanilang dalawa.

Sinundan ko ng tingin ang isang babae na kahit lumagpas na ay nakalingon pa rin ang ulo kina Jaxon o Denver o isa sa kanila. Resulta, nabangga ang tuhod niya sa cube na upuan sa gitna. Ouch.

May naistorbo pa siyang mag-irog doon at nasabuyan ng Starbucks ang damit ng babae.

Patuloy ang biruan ng magpinsan sa gilid ko. Kung pagsamahin ba naman ang dalawang madaldal talagang walang katapusan ang usapan nila.

Napabagal ang aking lakad dahil may tinignang display sa stall ng mga sunglasses. Nagandahan ako sa mga disenyo, pero may pera o wala ay hanggang tingin lang ako. Ang dami naman kasi nilang nakapalibot sa stall, hindi ako makasingit.

Tinawag ako ni Jaxon na humila sa aking atensyon paalis doon. Nakatayo sila ni Denver, at hinihintay ako sa harap ng bagong bukas na clothing brand boutique. Isang beses pa akong sumulyap sa stall bago sumunod.

Humakbang na sila papasok nang makitang papalapit na ako. Hindi ko sinadyang maibaling sa ibang direksyon ang aking paningin dahilan kung bakit may nahagip akong pamilyar. Naningkit ang mga mata ko.

Medyo malayo ito galing sa aking kinatatayuan pero malinaw sa akin ang mukhang naka-side view na kakapasok lamang sa isang boutique.

Imbes na sumunod kina Jaxon ay doon ako nagpunta. Bawat hakbang ko ay naging mas desperado. Hindi ako nag-aalis ng tingin sa pinasukan nila.

Huminto ako sa pintuan at hinanap ang pamilyar na mukha. Mas umusbong lang ang kaba ko nang makumpirmang si mama iyon. Kaba ito sa ginhawa na ayos lang siya.

Kapit-tuko ang isang braso niya sa lalakeng ngayon ko lang nakita. Matangkad, mukhang mayaman, edukado, negosyante at medyo singkit. Base sa gintong kwintas niya sa leeg, masasabi ko ang estado nito sa buhay.

Nag-ayos si mama. Fitted red dress at fuck-me heels na hindi ko alam kung paano niya nabili. Hindi halata ang epekto ng droga sa kanya, tinakpan ng make up. Katulad ko na tinatakpan ng kolorete sa mukha ang katotohanan.

Ngiting-ngiti siya sa ginoo habang pinapakita nito ang napusuan niyang pulang dress. Seryoso lamang tumatango ang ginoo, mukhang hindi pa kinikilala ang pag-ngiti. Sobrang tuwid ang tindig nito, parang may kung anong bakal na naka-plaster sa likod.

Alam kong ganito ang ginagawa ni mama sa tuwing wala siya sa bahay dahil na rin sa mga kwento ng kapitbahay namin. Ngayon ko lang siya nahuli ng aktwal.

Nagtatalo ang isip ko kung lalapitan ko siya o mananatili na lang sa panonood sa kanila.

Ramdam ko ang bigat ng aking paa na humakbang hanggang sa namalayan ko na lang na unti-unti na pala akong lumalapit. Kailangan na niyang umuwi. Ilang araw na siyang hindi umuuwi. May pagkain na naman kami sa bahay. Puno na ang ref namin, kaya hindi na niya kailangan pang manghingi sa iba. Sa mga lalake niya.

Huminto ako sa kanilang likuran. Mas naaninag ko ang maayos na pagkakakulot ng buhok ni mama. Pinapa-parlor pa yata ito.

Pakiramdam ko ang liit-liit ko, na isa siyang bagay na hindi ko pwedeng hawakan dahil may bayad ang bawat lapat ng kamay ko sa kanya. Ganito na kalayo ang agwat namin ni mama, na titingalain ko na lang siya't panonoorin, hindi pwedeng kausapin. Ganito ang pinaparamdam niya sa akin.

"Ma..."

Walang laman ang salita ko kung 'di hangin. Lumalawak ang guwang sa tiyan ko habang hinihintay siyang lumingon.

Huminto siya sa ginagawa at nanigas.

Unang bumaling sa akin ang ginoo. Matalim ang paraan ng pagdungaw niya sa akin na para bang isa akong langgam at siya ang aapak sa aking tigre. May kasamang panghuhusga, katulad ng iba.

"Sino siya Julieta? Akala ko ikaw wala anak?" May rahas ang kanyang pananalita. Halata na hindi ito gaanong bihasa sa aming lenggwahe.

Lumingon si mama at mas nanliit ako sa sarili ko dahil walang bahid ng pagkilala ang tingin niya sa akin. Isa akong hamak na estranghero sa kanya.

Nagtaas lang siya ng kilay at pinagpatuloy ang paghagilap sa susunod niyang mapupusuang damit.

Mas lalo akong nanlamig. Pakiramdam ko sumisikip ang pader sa paligid at iniipit ako, nilalagutan ako ng hininga.

Masyado mo namang kasing pinaasa ang sarili mo, Davina. Sa bahay nga ay halos hindi na niya ako kilalanin, magtataka pa ba ako na pati sa pampublikong lugar ay ganon din?

"Hindi ko siya kilala. Marahil namamalimos lang..."

Nanlalabo ang aking paningin sa yumayabong na luha. Namamanhid na ang mga paa kong nabibigatan sa kung ano mang hapding binabagsakan ako.

"Sigurado ka?" dudang tanong ng ginoo. "Baka ikaw paakuin ako responsibilidad. Ako hindi gusto ganon."

Hindi rin naman gusto ni mama ang responsibilidad. Ito siguro ang kailangan niya sa buhay. Ang may katulad niyang prinisipyo. Katulad niyang ayaw sa kargada katulad ko.

"Hindi nga, bigyan mo na nang makaalis," matalas niyang sabi saka lumipat sa kabilang hanay ng mga mamahaling damit.

Nanginginig ako sa kalamigan, salungat sa mainit kong luha na pinapaso na ang mga mata ko. Bakit ba hindi ko magawang magalit sa kanya?

Wala akong tinagpong niisang mapanuring mga mata. Inignora ko ang lumapit sa aking saleslady.

Hindi na ulit lumingon si mama tulad ng inaasahan ko. Kahit kailan naman hindi kami nagkaroon ng matinong usapan. Ang tipo ng heart to heart talk namin ay buong pusong sampalan, sigawan at sabunutan.

Binunot ng ginoo ang kanyang wallet at naglabas ng libo nang hindi man lang ito binibilang.

Bago pa niya mailahad ang mga iyon sa akin ay lumabas na ako ng boutique. Ina ko ang kailangan ko, hindi ang pera niya!

Ipinagtaka ko kung bakit hindi pa ako tumitiklop at bumagsak dito sa sahig sa pangangatal ng aking mga tuhod. Mahigpit ang tikom ko sa aking bibig habang pinipiglan ang pagtakas ng luha.

Hinanap ko ang elevator at doon nagpunta imbes na balikan sina Jaxon. Halos nabubunggo ko ang mga taong nadadaanan dahil sa aking pagmamadali. Gusto ko nang umuwi, hindi ko kayang masabayan sila sa saya nila.

Kahit anong pagpapanggap kong magsaya ay mauuwi pa rin naman ako sa pagiyak at pag-iisip kung bakit ganito kagalit sa akin ang ina ko. Ano ba talagang ginawa ko? O ano ang hindi ko nagawa? Kailangan ko bang mamatay sa harap niya upang mahalin niya ako?

Mas lalong sumisikip ang aking pakiramdam pagkapasok ko sa elevator. Mga kasama ko ay purong magkaka-pamilya. They're all happy. Complete. Maingay sa magandang paraan.

Bumaling ako sa pader at itinago ang pagpunas ng luha. Mamamatay yata akong hindi magkakaroon ng ganoong klaseng pamilya. Why do some of us have to come from broken families? If God wants us to love, should it come from within the family and to ourselves? Kaya bakit hinayaan pa Niyang may mamuhay galing sa sirang pamilya? Saan na kami dapat matututong magmahal niyan?

People like me, maybe we'll learn how to love eventually, but then that kind of love would turn out wrong kasi magmamahal kami sa maling paraan.

Like right now, I am in love, hindi ko iyon itatanggi. Pero dahil sa pinagdadaanan ko, sa kung anong klaseng pamumuhay at ina meron ako, siguro magiging mali itong pagmamahal ko. Mahahantong marahil ito sa kasamaan.

Sa pagtatagpo ng dalawang pinto ay may biglang sumulpot at nais pang pigilan ito.

Nagtagpo ang mga mata namin ni Jaxon. Taranta niyang hinahampas ang pinto na hindi na niya nagawa pang pigilan ang pagsara.

Lumabo ang pagsambit niya sa pangalan ko sa tuluyang pagdikit ng dalawang pinto.

Hinanap ko agad ang Tesla pagkabukas ng elevator dito sa parking lot. Nang mahanap ay mabilis ang lakad ko itong nilapitan. Wala sa akin ang susi, kaya umupo ako sa hump at tinitigan ang plate number ng sasakyan ni Jax.

Sinubukan kong ilagay ang sarili sa lugar ni mama. Siguro hindi kami magkatulad ng pakiramdam. That's what the drugs do to her. They hinder you to feel. They invite you to stay numb and not mind other people's feelings. They make you feel high and selfish.

"Okay ka lang, miss?"

Nag-angat ako ng tingin sa ginang. May hawak siyang bata na nasa lima o anim na taong gulang pa yata. Tipid ko siyang ningitian at tumango. Umalis na rin sila pagkatapos.

Salamat sa concern, manang. Buti ka pa, kahit hindi ko ina ay tinatanong ako niyan.

Sa pangalawang pagkakataon ay iyong guard naman ang nagtanong kung okay lang ako. Nag-tumbs up ako. Nilagpasan na niya ako at nagpatuloy sa pagmatyag sa ibang parking spaces.

"You're being abused like that."

Kaba ng pag-asa ang pumalo sa akin nang marinig ang boses ni Jaxon. Paglingon ko sa likod ay seryoso siyang nakatayo, humaharang sa daanan.

"Ano?" Napupuna ang kawalaang gana kong magsalita.

Nagsimula na siyang maglakad kasabay ang pagpindot ng alarm. Tumunog ang kotse. Walang Denver na nakasunod sa kanya.

Binuksan niya ang pinto sa passenger's side. Tinignan niya ako. Sa paraan ng pagkakatingin niya'y parang hinihinatay niya akong kumilos kaya tumayo na ako't pumasok sa loob.

Pagkasara niya ng pinto ay umikot siya't pumwesto sa driver's seat. Sinaksak niya ang susi sa ignition at pinaandar ang makina pati na ang aircon.

"Tinatanong ka nila kung okay ka lang. You say yes, tapos aalis na sila at tatanggapin ang sagot mo. Hindi nila inaalam ang totoo."

Napaisip ako. Sa totoo lang ngayon ko lang din napansin, at may napagtanto ako.

Iniwas ko sa kanya ang aking paningin at siniksik ang aking likod sa backrest. May kaunting hapdi akong naramdaman sa aking dibdib na marahil dahil sa pagpipigil ng iyak.

"Ano naman kung malalaman nila? May magagawa ba sila? May maitutulong ba?" tanong ko.

"Try me, Vin," seryoso niyang sabi, bahagyang naghahamon.

Nalilito ko siyang nilingon.

"Okay ka lang?" mahinahon niyang tanong. May kaunting gaspang sa kanyang boses.

Nalilito pa rin ako. Titig na titig pa rin siya sa akin, hinihintay ang sagot ko. Kahit hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang iparating ay tumango na lang ako.

"Inuulit ko, Davina. Okay ka lang?"

Hindi na ako nakasagot. Ngayon nakuha ko na ang ginagawa niya. May namumuo sa loob ko, sa bandang dibdib na umiikot sa aking tiyan. Iniimpluwensyahan nito ang aking mga mata na nagsisimula na namang uminit.

Mariing pumikit si Jaxon. Sa muling pagbubukas ng mga mata niya'y naging mas maigi ang mga ito at desperado.

"Again, Davina. Okay ka lang?" mas mariin niyang pagtanong, dahan dahan , parang pilit niyang pinapapasok sa utak ko ang bawat salita at pakiramdam na nakabalot sa kanyang tanong.

Ramdam ko ang pagkakalukot ng aking mukha sa pagsubok kong magpigil ng iyak. Nauwi ako sa pag-iling at tinakpan ang aking mukha. Buong-buo kong pinakawalan ang kanina ko pang pinipigilang hagulhol. Malakas na hagulhol.

Kaagad kong naramdaman ang pagtalukbong ng yakap ni Jaxon at mas hinila ako sa kanya.

"Why Vin? Tell me please..." nabasag ang kanyang boses, nagsusumamo.

Hindi ako makapagsalita ng maayos. Nabubulunan ako sa bawat pagsubok ko. Yumakap ako pabalik nang sobrang higpit kasama nito ang pagmamahal ko Jaxon, sa sakit dahil kay mama, at sa paglabas ng kinukulong kong pakiramdam.

Kumakapit ako ng maigi sa yakap niya't gigil na gigil iniyak lahat ng sakit. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro