TWENTY SIX
Bigat ng aking katawan ang una kong namalayan pagkagising. There's no proper coordination between my eyes and brain. Gusto pang pumikit ng mga mata ko habang ang diwa ko'y atat nang bumangon. Hindi ko nga alam kung umaga na o madaling araw pa.
Ilang oras ba akong tulog? Nakatulog nga ba ako?
Fragments of last night...party, booze, Nolan, Tori...stroke my brain and reminded me of yesterday.
I graduated.
Agad lumipad ang kamay ko sa locket at hinaplos ito. Pakiramdam ko napunan ng isang piraso ang buhay ko dahil sa kwintas na 'to. My father's face is here. It's like having a glimpse of my life way back at may mukha na siya sa mga imaginations ko.
Siya naman siguro 'to, alangan namang ama ito ng ibang bata.
But his identity remained a colossal question mark. Kahit ang hindi niya pagpapakita. Bakit ayaw niyang makita ko siya?
Uminit ang pakiramdam ko nang maisip si Jaxon. He wasn't able to attend pero hinatid niya ako...
Dumilat ako at agad nanlaki ang mga mata. Bumati sa akin ang bago kong kuwarto at agad siyang hinanap. Inalala ko ang pagsakay ko sa Tesla niya, bago iyon ay humiga pa ako sa gilid ng Fuente Circle. I called him while I was half-tipsy.
May kung anong kumirot sa dibdib ko nang maalala ang langitngit ng kama sa kabilang linya. He was with Gwyneth. Okay, I'll skip that part. Basta ang ending, hinatid niya ako hanggang dito sa kwarto.
But he's not here, making all my memories of last night a dream. Isang paghahanap ko pa sa kanya ng ganito, babansagan ko na ang sarili kong dependent. I'm used to handling things alone! I am independence. Bakit pagdating sa usapang puso ay humihina ako?
I used to run. But I'm a cripple when it comes to Jaxon.
Tinitigan ko ang nilagay kong glow in the dark na moon at stars sa kisame. Kahapon ko sila dinikit. Sa kalagayan ko kagabi ay hindi ko sila nagawang pagmasdan kaya hindi ako makapaghintay na gumabi para matignan sila. I hope they would glow brightly.
Babangon na sana ako nang bumukas ang pinto. Hindi ko natuloy ang paglayas sa kama at umupo na lang. Pumasok si Jaxon na may dalang paperbag na naman ng fastfood.
I froze. W-wait...Bakit siya nandito? I—I thought...
Hindi ba siya umuwi?
Pinanood ko siya na umupo sa paanan ng kama at nilapag ang dala niya. Hindi ba talaga uso sa kanya ang cheap? Kailangan may brand? Kahit pandesal at three in one na kape lang ay okay na ako. Pero siya, bumibiyahe pa sa malayo makabili lang ng mahal kahit may malapit namang mas mura.
Nilabas niya sa paperbag ang mga pagkain. Kay laking burger naman niyan! Pati fries, large size! Gutom yata siya ngayon. Anong oras na ba?
Inayos niya ang nakabalot na cardboard sa styro ng kape saka inabot sa akin.
"One tall three in one coffee without whip for...you," aniya.
Tinanggap ko iyon na hindi nag-aalis ng tingin sa kanya. Inaantok pa ang kanyang mga mata. Moisturized ang mala rosas niyang labi at medyo oily ang matangos niyang ilong. Ang buhok niyang medyo humahaba na at tinubuan na naman ng bangs ay magulo.
He looks stressed. Pero tangina, ang guwapo pa rin! Umaga pa lang iyan. Hindi pa naliligo.
"Hindi ka umuwi?" tanong ko. Binuksan ko ang butas sa takip ng styro at inihipan ang mainit na kape roon. Ang isang kamay ko'y hinagilap ang aking cellphone na nasa bulsa ko lang pala.
Umiling siya habang binubuksan ang lalagyan ng burger. "I said I'll stay."
I remember he said that. Akala ko lang hindi niya tutuparin. I woke up without him so iyon agad ang in-assume ko. Akala ko aalis na siya kapag nakatulog na ako.
Turns out, not all guys break promises. Well, he didn't even promise. He just stated it, pero tinupad pa rin niya kahit hindi pangako iyon. How much more if he's promising already?
Tumayo siya't tinahak ang banyo. Rinig ko ang ragasa ng tubig sa gripo. Bumalik siya't muling umupo sa pwesto niya. Tinuyo niya ang kamay gamit ang tissue bago hinawakan ang burger at sinubo.
Hindi pakitang tao ang finesse niya sa pag kain. Kahit kaming dalawa lang, nagsusumigaw ang layo at agawat naming dalawa sa paraan ng kilos niya.
Muli siyang kumagat sa pagkain. Napangiwi ako. Ang laki talaga ng burger. Ngayon lang siya nag-order ng champ. Kadalasan kasi ay regular lang.
"Hindi masisira ang diet mo niyan? 'Di ba nagji-gym ka?" usisa ko.
Ngumunguya siyang tumingin sa 'kin at kumindat. "Cheat day."
Tumango ako. Pansin ko nga. Kada Linggo ay kumakain siya ng marami. Sundays lang naman kasi kami nagkikita dahil busy rin siya kapag weekdays.
"Saan ka natulog?" muli kong untag. Humigop ako sa kape dahil mainit pa rin. Napaso ang dila ko!
Ngumuso si Jaxon sa baba ng gilid ng kama. Dumungaw ako at nakita ang nakalatag na puting kumot na sinali ko sa pagdala rito sa aking bagong tirahan. Walang unan doon pero nagkalat ang mga papel at tatlong ballpen. Naroon din ang laptop niyang may kinagatan na apple sign. Sa nakabukas na binder notebook, kung ano ano ang mga scribbles na nakasulat. May bullet points pa. He's busy.
He's working on that while I was asleep? Hindi ba siya natulog? Ako ang napuyat sa naisip nga ganon nga.
But I'm truly glad he stayed. Ngunit may karapatan ba akong hingin ang oras niya? He has a girlfriend! Dapat naroon siya sa kanya at hindi rito sa akin. Sino ba naman ako? I'm just Davina Roux Claravel. Misfit.
I feel bad kahit wala pa namang nagbibintang sa akin. Sometimes we create our own omens, because we know where these ramifications of our actions would lead us. But we still do it anyway for our own benefit.
I want Jaxon with me because I like him. I want his concern. I want to be the flesh of his worries, smiles and heartaches. I want him. I want him to want me!
Pero mali. Sobra. Even these thoughts of mine about him are already wrong!
"Eat your burger, Vin," ma-otoridad niyang sabi.
Binalingan ko ang hindi ko binabawasan na burger. Ang kapal sa dami ng sahog, at ang laki talaga! Hindi magkasya sa bibig ko.
Isipin ko pa lang na nguyain iyan ay nangangalay na ang panga ko.
Malungkot ko itong tinignan, nasasayangan ako. Bakit ba kasi ito ang binili ni Jaxon? Regular naman ang nakaugalian niyang bilhin.
"Hindi ko maubos..." malungkot kong sabi. "Ang laki kaya. Hati na lang tayo sa kinakain mo." Ngumuso ako sa burger niya.
Umawang ang bibig niya, parang gusto niyang tumawa. His eyes sparked with amusement.
Sa huli ay iling niyang binaba ang pagkain sa lalagyan. Sinalihan pa niya ng bahagyang tawa. Inusog niya ito sa pagitan naming dalawa.
Hinubad niya ang kanyang sapatos upang tuluyan na siyang makaupo sa kama kaharap ko. Umusog ako para bigyan siya ng espasyo.
We're both sitting with our legs crossed. Facing each other. At the middle of my bed.
Gamit ng plastic fork ay hinati niya ang burger. Pumuslit siya ng fries at sinubo sa 'kin habang hinahawakan ko na ang kalahati na burger.
"Mag-usap tayo, dahil hindi ka makausap nang matino kanina. Are you sober?" mapang-akusa niyang tanong.
Muntik na akong matawa. Ngayon niya pa talaga itatanong iyan? Kanina pa kaya kami nag-uusap. And I'm sober!
Tahimik akong tumango habang ngumunguya. Sumabit pa iyong gulay sa ngipin ko.
"Bakit hindi mo sinabing graduation mo kahapon?" Uminom siya sa kanyang iced coffee.
"Monthsary niyo nga ni Gwyn," giit ko. Natanong na niya iyon sa akin at nasagot ko na rin.
Tumigil siya sa pag-inom at masungit akong tinignan.
"I'll make a way to go, Vin! Palagi naman kaming magkasama ni Gwyneth! Hindi pa pumunta mama mo, so mas kailangan mo ako! Monthsary is nothing compared to a college graduation."
Nagbaba ako ng tingin na parang anak akong pinagalitan ng ama. Palihim kong dinungaw ang oras sa phone ko. Maga-ala una na ng hapon.
Masaya akong marinig iyon kay Jaxon. What could it have been?
Pero kasi...hindi tama sa paningin ng iba at pati na sa perception ko na mas dinaluhan niya ang okasyon ng kaibigan niyang babae kesa sa monthsary ng girlfriend niya. Sa panahon ngayon, tila ba nagiging batas na na una ang kasintahan kesa sa kaibigan. That's like a rule to every committed relationship. Panghuhusga agad ang kinalalabasan kung hindi matupad iyon. He knows how judgmental the world is nowadays. There were even killings about certain groups. Siya ang dapat mas nakakaalam niyan. He's a masscom student. He's connected to the news affairs!
"Who's with you?" mas mahinahon niyang tanong. Seryoso pa rin.
"Charlie," tugon ko. Dahan-dahan kong dinaluhan muli ang pag-kain.
Hindi sumama sa amin si Charlie sa Mango kagabi. Umuwi pagkatapos ng program dahil tinawag ng stepmother niya. Hindi kasi siya nakakagala kapag wala ang kanyang papa.
Bumuntong hininga si Jax matapos naghuling subo sa piraso ng burger. Nilapag niya sa sahig ang inumin pagkatapos uminom saka pinunasan ng tissue ang bibig at mga kamay.
"Pwede pa kaming magkaroon ng monthsary celebration next month. Pero ang graduation mo, Vin, hindi kada buwan." Nagpatuloy siya sa kanyang sermon.
Mukha talagang suwail niya akong anak na pinagsasabihan niya. Sorry na po, dad.
So sure na talaga siyang magtatagal sila ni Gwyneth? Sa dami ng sinabi niya ito lang talaga nahuli ng pandinig ko? Na may next month pa sila?
Magtataka pa ba ako? Bakit naman siya papayag na wala na sila next month? Ano iyon, mas matagal pa siyang nanligaw kesa sa naging sila? Hindi papayag si Jaxon ng ganon!
"Huwag mo nang gawing big deal, Jax. Graduation lang iyan, hindi end of the world." Ngumisi ako.
"I'm serious here, Davina." His sharp and serious tone could stab my gut.
Ang talim ng tingin niya'y tinurukan ako ng kaba. He's dead serious. His temper's a bit short today, siguro dahi kulang sa tulog. I could make out the dark shadow underneath his eyes. Pero hindi nito binawasan ang pagkagandang lalake niya.
Napatungo ako at hindi siya kayang tignan pabalik. Ngayon lang yata ako napasunod ng isang lalake. I wasn't even Charlie or Angelov's bitch! I'm the alpha female on those two. Pero kay Jax? Nagiging alipin ako!
Bumagal ang pagnguya ko habang pinapanood siyang nililigpit ang mga pinagkainan at sinilid sa paperbag. Iniwan niya ang fries at burger ko na hindi man lang nabawasan.
"Finish your food. Maligo ka pagkatapos. When you're done, uuwi na ako. Tatapusin ko pa 'tong sa thesisi namin," seryoso niyang sabi saka sinulyapan ang kalat niya sa baba.
Nagpipigil siya ng hikab. Pinuyat ko pa nga yata siya sa pagpapasundo ko kagabi. Ano kaya ang naging excuse niya kay Gwyneth? Kung ako ang dinahilan niya, pumayag ba si Gwyn?
Kung ako ang girlfriend, hindi iyon pwede sa akin. Walang ibang babae ang dapat makakapagpa-alis sa boyfriend ko sa aking tabi. If he's with me that night, he should remain to be with me the rest of the night! Maliban na lang kung kamag-anak.
"Kailan ka babalik?" God, Vin. Why sound so pathetic?
I shouldn't demand it. Hindi ako ang girlfriend dito! Gumraduate lang ako, naging ganito na?
Umalis siya sa kama at tumayo. Dumadaing siya habang nagi-inat siya. Umangat ang kanyang shirt at sumilip ang pormado niyang V-line at happy trail. Kahit ang mamahaling brand ng kanyang boxer ay sumulyap sa waistband ng kanyang dark jeans.
Naalala ko ang nakita ko sa tattoo parlor. The masterpiece behind that cloth. The wonders of Muay Thai to his damn sexy body.
Agad kong iniwas ang mga mata roon at biglang inisang subo ang burger. Ayan, ubos ko na!
"You want to see me everyday?"
Nagka-instant blush on yata ako sa naaaliw niyang tono. He's teasing me!
Umiling ako habang umiinom sa aking kape. "Hindi. Nakakasawa na ang mukha mo."
Tumawa siya. Medyo namamaos pa ang boses niya dahil sa antok.
"I'll just come unannounced, 'kay?" he assured, his voice suddenly sweet. Ang sarap ng daloy nito sa aking tenga.
Tumango ako. Hindi naman talaga siya nagsasabi kung kailan siya pupunta. Susulpot na lang siya bigla sa tattoo parlor na may dalang pagkain.
"Congratulations," mahina niyang sabi. Mukhang dinibdib pa rin talaga niya ang hindi pagpunta sa graduation ko.
Nanahimik ako. Nililigpit na niya ang kanyang mga gamit sa sahig at sinilid sa kanyang black knapsack. Siguro nasa Tesla na niya iyan at inakyat lang rito upang magawa ang mga dapat niyang gawin.
Tinupi rin niya ang kumot at nilagay sa gilid ng aking kama.
Ang galing niyang tumupi. Pantay ang mga edges, hindi minamadali. Ako nga kung tinutupi iyan ay parang kinulang ako ng limang daliri sa kamay. Hindi ko maayos-ayos.
"Hindi ko pa rin tanggap na hindi ako nakapunta sa graduation mo. I wasn't able to witness your success, Vin."
Umupo siya sa kama at pabagsak na humiga, nasa sahig pa ang mga paa. Ginawa niyang unan ang mga kamay at sa nangyari, muling umangat ang kanyang shirt.
Tiningala niya ako.
"Sorry na..." sabi ko. Nag-iingay ang pagsipsip ko sa kape. Hindi na siya gaanong mainit.
Lumambot bigla ang puso ko sa pamumungay ng mga mata niya. His soft browns really could affect me so bad. I break and heal at the same time.
"Would it be unfair kung hihilingin kong sana pupunta ka sa graduation ko this Saturday?"
It's like he's not just asking me. May nasusungkit akong pangungumbinse sa likod ng kanyang tono.
Matagal bago ako nakasagot. Iniisip ko kasi kung may gagawin ako this Saturday which is alam kong hindi ako busy dahil wala na akong klase. Sa tattoo parlor lang ako but no appointments. Siguro mga walk-in customers lang ang meron.
I can't blame him kung hindi niya ako iimbitahan sa graduation niya. But then, wala naman kasi akong errands, unlike him yesterday. Ako pa nga yata ang naging unfair dahil hindi ko siya sinabihan.
"It won't be unfair, Jax."
Ngumiti siya. A close-lipped smile but a sweet one.
"I expect you to be there. Maghihintay talaga ako, Davina."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro