TWENTY SEVEN
Naging abala ako pagpatak pa lang ng Lunes. Sa rami ng mga fresh graduates ngayon, aba'y dagsa ang mga malaya nang makapagpa-tattoo!
Ilang araw ko ring pinupuno ang isip ko sa ibibigay na regalo kay Jaxon. Nasa kanya na naman kasi halos lahat. Name it, car...good looks...branded clothes...beautiful girlfriend... Wala akong maisip.
Gusto ko iyong may katuturan, hindi basta may maibigay lang. I want it not to be too expensive dahil maliban sa hindi ko afford, hindi naman kasi sa mahal iyan ng regalo, as long as it comes from heart. I want to do something for him with a hell bunch of effort.
Kasi kung may effort, pinaghihirapan ko. Meaning, sincere ako.
Humila ang kaabalahan hanggang Huwebes ng umaga. Sinabi ko na rin kasi kay Charlie na hindi ako pwede sa hapon dahil sa graduation ni Jaxon. Gagawin ko pa iyong regalo ko sa kanya.
"Pupunta ka? E hindi nga siya pumunta sa graduation mo," maktol ni Charlie habang nagwawalis sa sahig.
"Hindi naman kasi niya alam," rason ko.
Hindi naman ibig sabihin na dahil hindi siya nakadalo sa graduation ko (which is understandable dahil huli na nang malaman niya), at pagpapakain lang sa akin ng champ burger ang handa niya sa akin, ay hindi na ako dadalo sa kanya.
Friendship isn't about doing a payback. It's doing a thing for a friend because you want to, not because you have to. Atleast, that's what I learn while growing up.
If he won't be able to know about what I feel for him, I'll make him feel through giving him a gift. Pero ang pakiramdam na ipaparating ko sa kanya ay iyong na-appreciate ko lahat ng ginagawa niya sa akin. That's through giving him a simple present.
Simple kasi hindi mahal. I'll make a bandana art for him!
Ginuhit ko muna ang magiging design ko sa sketchbook. Nagmakaawa pa ako sa kompanya ng pinago-OJT-han ko noon na hihiramin ko ang studio nila para maisagawa ko ang art. Mabuti na lang at pumayag at hindi na nagpabayad kahit nag-insist ako.
Nag-search ako ng mga illustrations sa internet na konektado sa success at journey in life. I thought about designing a motivational quote inside a graduation cap. Maglalagay rin ako ng banner design sa gilid bilang border na ihahanay ko sa bawat side ng tela.
Ilang scratch paper din ang kinumpol ko't tinapon sa pinakamalapit na trash bin bago ako nakuntento sa nais kong disenyo.
Lately, I've been making colorful arts. I'm not fond of those. Surreal art pa rin naman ang forte ko but as a graphic design graduate soon to be artist. Hopefully. I have to be flexible. Hindi naman kasi lahat ng magiging kliyente ko ay gusto ng surreal art. Currently, pastel colors are all the rage, so I have to adapt on what's in.
Marami pa akong ginawang edits sa sketch. Tinesting ko pa kung babagay ang design sa kulay ng tela na binili ko. It's a plain white and square cloth.
Inikot ko ang aking ulo at hinaplos ang batok ko. Sumasakit na ang batok ko sa matagal na pagkakayuko. I've been here since...ten in the morning. Hindi pa ako nag-lunch.
Ilang minuto pa at nagsimula na ako sa inking process. I outlined the pencil sketch with a ball ink pen. Pinipino ko ang bawat detalye. Tracing every bits and pieces of the design. Screw the nape pain!
Tiningala ko ang wallclock. Maga-alas tres na! Two o'clock ang start ng program at babiyahe pa ako sa Coliseum kung saan gaganapin ang okasyon. I'm late!
Ayaw ko namang madaliin ang pag-trace ng ink dahil baka magkamali pa ako. Todo ang pagpuwersa kong kumalma. Pero tignan ko pa lang kung gaano pa karami ang babakasin ko ay bumabalik ako sa pagiging taranta.
Halos thirty minutes o lagpas ang tumagal saka ako natapos. I scanned the final design sa PC, I did a couple of clean-ups then sent the final copy sa baba through email para ma-print na nila sa tela.
Sumandal ako upang pawiin ang sakit sa batok kasabay ang tamad kong paglapag sa sketch pencil. Limang minuto akong nagpahinga, wala rin namang magbabago dahil late na ako.
Bumaba na ako pagkatapos upang tunghayan ang printing process.
"O, Vin., Hindi patapos?" tanong ni ate Sienna, isa s amga staff ng studio. Nakatayo siya sa aking likod at tinignan ang printing process.
"Malapit na yata..." ani ko habang pinapanood ang paglalagay ng tela sa ilalim ng glass at sinabuyan ng ink sa gilid.
I tried not to mind about the time. Alam ko na kasing late ako pero natataranta pa rin ako. It's like I'm betraying Jaxon for not showing up in an earlier time. Inasahan pa naman ako nun.
Sinuri ko ang finish product pagkatapos ng proseso. Nakuntento ako kaya binalot ko na sa brown box na nabili ko sa isang craft shop.
"Saan ba ang graduation ng friend mo? Pupunta akong Sto. Niño," ani ate Sienna habang sinisilid ko na ang regalo sa bag at handa nang umalis.
Napasinghap ako't hinarap siya. "Makiki-hitch ako!"
Ginalingan ko ang pagtupi ng tela. Ang simple na nga ng regalo ko hindi ko pa aayusin ang pagkakatupi. Hindi ko na nga nilagyan ng card o letter. Mapaghahalataan pa ako. Sapat na ang quote na naka-printa roon.
Wala pa kami sa downtown ay humirit na ang traffic. Kaya mas lalo akong hindi mapakali dahil sobrang late na talaga ako.
"Dito na lang ako, ate Sienna," sabi ko sabay turo sa intersection. Mahirap na kasi kapag ihahatid niya pa ako sa Coliseum. Matatagalan pa siya sa lakad niya.
"Sige..." aniya.
"Salamat!"
Tinakbo ko ang distansya galing sa pinagbabaan papunta sa Campus kung saan naroon ang Coliseum. Nakahilera sa bawat sulok ang mga sasakyan. Marami sila ngayon dahil kasabay nila sa graduation ang ibang courses.
Papasok na sana ako nang hinarangan ako ng batuta ng guard. Head to foot niya akong pinasidahan at bumalik ulit sa pink kong buhok. Dudang tingin ang hinagis niya sa 'kin.
"Mamaya ka na pumasok Miss. May okasyon sa loob."
Kaya nga ako nandito para sa okasyon na iyan. Tapos hindi pa ako papapasukin?
"May kakilala ako sa loob. May regalo pa nga ako, e," sabi ko.
"Hindi nga pwede miss," pilit niya.
"Hindi ko naman kasi pipigilan ang graduation!" pumadyak na ako. Napatingin sa 'kin 'yong tindero ng tempura sa gilid.
"On-going pa ang program. Tsaka mga parents lang ang pwede. Siksikan na sa loob," ani ng guard.
Dumungaw ako sa loob at natatanaw ang malawak na soccerfield at sa gitna ang main building. Pumapagilid doon ang mga malalaking puno. Nasa likod yata ang Coliseum. I've never been inside the Campus so the hell I know?
"Mag-isa lang naman akong papasok. May lumabas pa nga, o! So kasya pa ako sa loob!" Tinuro ko iyong isang ginang na lumabas na may katawagan sa cellphone.
Umiling lang ang guard, paghahanda na rin yata niya iyang sagot sa isang pagpilit ko pang pumasok. Tinignan ko ang batuta niya na agad niya uling hinarang. Kung sa kabilang gate kaya? Ang tanong kung may isang gate pa.
"May nakabantay sa kabilang gate kaya hindi rin pwede. Maghintay ka nalang," sagot niya sa lihim kong tanong.
Sumuko na ako't piniling maghintay. Umupo ako sa sidewalk sa bandang may puno upang masilungan ako. Nilabas ko ang aking cellphone.
Ako:
Nasa labas na ako. Hindi ako pinapasok ng guard.
Pinapakinggan ko ang ingay sa loob na hindi naman malinaw dahil sa distansya ng entrance at ng Coliseum. Pinindot ko ang phone upang tignan ang oras. Maga-alas singko na.
Inisip ko ang ibibigay kong regalo. Jax is just a simple man pero hindi bagay sa kanya ang simple lang kaya gusto kong dagdagan ang ibibigay ko sa kanya. Hindi ko naman afford ang kahit anong mamahaling gamit.
Huminto ang paningin ko sa manong na nagtitinda ng balloon. Ngumiti ako. Ano kaya magiging reaksyon ni Jax kapag bibigyan ko siya ng balloon? 'Di ko mapigilang matawa dahilan upang mahila sa 'kin ang atensyon ng guard.
Hindi ko siya pinansin. Bahala siya. Kapag ako nakapasok, irap siya sa 'kin.
Tumayo ako't hinabol ang nagtitinda ng balloon. Tinuro ko ang kulay white pagkatapos malaman ang presyo. Ang linis kasi ni Jaxon. Parang motto na niya ang 'Cleanliness'.
Tinali ko ang string ng balloon sa box na regalo ko. Ilang sandali pa ay kinalabit ng pandinig ko ang umaalingawngaw na ingay sa loob.
Bumalik ako sa entrance nang makita ang ilang naglalabasan nang mga naka-toga at nagkalat sa soccerfield. May magkaibigan pa roong hinagis ang mga cap nila sabay jumpshot. Tapos na ang ceremony.
"O miss, pwede ka nang pumasok," sabi ng guard pagkabalik ko.
"Heh! Ngayong tapos na? Sabi nang hindi ko pipigilan ang graduation, e. Hindi naman iyan kasal," bumubulong bulong ako habang pumapasok na.
Binabakas ko kung saan ang nilabasan ng mga tao. Tumakbo agad ako roon. Paingay nang paingay habang papalapit ako kaya nasisigurado kong iyon ang papunta sa Coliseum.
Agad kong hinagilap si Jaxon sa dagat ng mga fresh graduates. Madali naman siyang makita dahil matangkad siya. Mahihirapan nga lang ako dahil hindi lang naman siya ang matangkad at naka-cap pa halos lahat sa kanila.
Inignora ko ang karamihan na pinasidahan ako dahil sa pink kong buhok at hawak na balloon. Pake nila? Bili silang balloon. Pakulay din sila ng pink sa buhok.
Napapangiwi ako sa bawat pagbangga ko sa mga balikat nang mga tao rito. Nanlulumo ako na baka hindi ko mahanap si Jaxon. Nabuhayan naman ako nang maalalang tinext ko pala siya kanina. Hindi pa siya nag-reply. Ewan ko kung dala niyang cellphone niya.
Nakahinga ako nang maluwang nang makawala sa siksikan. Whew!
"Akala ko gumaganti ka dahil hindi ako nakadalo sa graduation mo."
Sumabay ang paghuhurimentado ng puso ko sa aking pagpihit upang maharap siya. He looked even taller in his dark green toga. Hindi niya suot ang cap niya.
Hinatak ang paningin ng malaking medal na nakasabit sa kanyang leeg.
"Kanina pa ako sa labas, tinext kita." Ginulo ko ang pink kong buhok.
Walang tuldok ang pagsuri ng mga tao sa akin. May nahagip pa akong bata na tinuro ako sa mama niya, akala siguro cosplayer ako.
Wait. Akala ko parents lang pwede, bakit may bata? Naloko talaga ako ng guard. Sana umakyat na lang ako sa bakod ng Campus.
"Hinintay kita," aniya at humakbang palapit. Natigil iyon nang mapansin ang hawak kong balloon na ngayo'y inaakyat na ng kanyang paningin. Kumunot ang noo niya, nahihiwagaan.
Saglit akong natigilan upang damhin ang malubhang bugso ng epekto ng sinabi niya. Matagal bago ako nakapagsalita. Hindi ko dapat bigyan iyon ng kahulugan.
Pinaaalahan ako ang sarili na hindi lang kami ang tao rito at matagal kaming nagkatitigan. Ilang gramo ng lakas rin ang hinila ko bago ko nagawang umimik.
"N-natagalan kasi ako. Tinapos ko pa kasi 'to." Nanginginig ang kamay kong inabot sa kanya ang aking regalo.
Nanlaki ang mga mata niya habang tinatanggap iyon. His expression is priceless! Naku, Jax, huwag masyadong umasa at baka mabigo ka lang sa ka-cheapan ng regalo ko.
Tiningala niya ang balloon na nakatali sa box at parang bata siyang ngumisi. Nahawa ako at ngumisi na rin. Hindi ko alam kung bakit. Basta, nakakahawa siya!
Tinanggal niya ang tali saka binulsa ang box.
"Buksan ko 'to mamaya," aniya saka inabot sa akin ang tali ng balloon at ang kamay niya. "Itali mo sa wrist ko."
Hanggang kisame yata ng Coliseum ang inabot ng pag-angat ng kilay ko.
"Itali mo na..." natatawa niyang pilit at mas nilapit pa ang kamay.
Umiling ako at natawa na rin habang kinukuha ang tali at ginapos sa kanyang palapulsuhan.
"Congrats," sabi ko nang matapos sa pagtali.
Bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila. "Alika, pakilala kita kina mom at dad."
Hinampas ko siya sa balikat. "Hoy! Baliw 'to! Bakit pa kasi?"
Salubong ang kilay niya akong nilingon saka kami huminto. "Bakit ba kasi hindi? Anong problema kung ipakikilala kita? Pag-aawayan na naman natin 'to, Vin? Bawal na naman? Isulat mo nga iyang rulebook mo't bibilhin ko."
Hindi agad ako nakaimik. O-okay...kung about lang naman sa pagkakaibigan walang kaso sa 'kin. Basta ba walang maqagrabyado.
"Pakilala bilang kaibigan, ha?" sabi ko.
Tumawa siya at muli akong hinila. "Oo. Alangan namang asawa!"
Panay ang tawa ko habang pinagmamasdan siya. Siya lang naman kasi ang may balloon at nakatali pa sa kamay niya. Ang tangkad pa niya, matikas, guwapo...Mas pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao. Pinagtitinginan na kami sa ka-weirduhan namin.
Ginawa ko pa nga yata siyang katatawanan. Pero wala naman siyang angal.
Sa gitna ng pakikipagsiksikan namin ay may biglang humarang na dalawang babae. Naka-toga rin.
"Hi, Jax! Papicture!" ani ng isa. Kita ang kaputian ng ngipin dahil sa sobrang pula niyang lipstick.
"Pa-picture din ako Mr. Cum Laude," sabi ng katabi niya sabay taas ng DSLR.
Ngiting tumango si Jax at pinaunlakan sila. He did a close-lipped smile. Inabutan pa ako ng isa sa kanila ng camera para ma-picturan ko silang tatlo. Nasa gitna si Jax.
Bigla kong naisip si Denver at kung ano ang sasabihin niya. For sure, he's going to bitch about this.
"Thank you, Jaxon! Congrats!" anila saka umalis na't pumunta sa nag-aabang na nilang grupo. Pinakita nila ang picture nila with Jaxon at sumunod ang tilian nila. Tss.
"Cum Laude ka?" tanong ko nang magsimula na kaming maglakad.
Nag-angat siya ng kilay sa akin at nagkibit-balikat, like it's not a big deal to him. Hindi ako na-shock, alam ko naman kasing kaya niya. I was able to witness his sleepless nights dahil sa ilang page na readings na kailangan niyang tapusin.
"Bakit hindi mo sinabi? 'Di sana hindi lang isang balloon ang binili ko."
Tumawa siya.
"Wala naman kasing dapat ipagmayabang doon. I'm Cum Laude, so what? Recognition isn't everything, remember?" His left thick brow raised, as if making his point.
Tumahimik na ako. I know, may point siya, pero kasi...it's something to be proud of! It's an achievement to have that recognition. Nagsimula kang makilala sa school mo sa isang major award, how much more kung nasa working place ka na. That would be an edge on his chosen career.
Paniguradong malayo ang mararating ni Jaxon. All the more for him to be out of reach from me. He'd probably be out of his depth on his chosen field.
Habang ako'y mananatili sa lupa, siya ay lagpas langit na. Sira ang hagdan upang magpangabot kaming dalawa.
Gwyneth's familiar figure caught my eye. May kinakalikot siya sa puting DSLR. Napaka-feminine niyang tignan sa suot na white peplum dress at champagne lace pumps. Bumagay ang suot niya sa kumikinang niyang floral headband.
Ngayon ko lang natunghayan ang haba ng kanyang buhok dahil palagi naman kasi siyang naka-hairnet noon. It's wavy from the middle down to where it ends which is on her slim waist.
Nang mag-angat siya ng tingin at nakita si Jaxon ay sumalubong siya sa kanya. Ngumiti siya nang mahagip ako at agad ring dinirekta ang paningin kay Jax.
"Davina's here. Si mama? Dad?" tanong ni Jaxon.
Pumulupot ang braso ni Gwyneth kay Jaxon. I don't think she's trying to clue me in about something. She knows I'm just a friend at mas may karapatan siya. But what she did is a sign of marking her territory.
Bigla kong gustong lumabas. Pakiramdam ko hindi magandang ideya na nandito ako.
Takang tinignan ni Gwyneth ang isang kamay ni Jax saka bumiyhe sa tali paakyat sa balloon. Hindi na niya inusisa pa at binalingan na lang ulit ang nobyo.
"Your dad's talking to a friend na isa sa mga admin ng school. Your mom's waiting for you. Tara, let's take a picture together!" masigla niyang sabi.
Dumulas ang kamay niya pababa sa kamay ni Jaxon. Their fingers intertwined. They held hands together. Agad kong inalis ang paningin doon at sumunod na sa kanila. Ngumangawa ang lubak sa tiyan ko. Nanghina ang aking mga tuhod.
Saglit akong nilingon ni Jax at ningitian habang hila siya ni Gwyn. Tipid ang sinukli ko. I couldn't even pull a real full blown smile while feeling the punch to my gut. Ang hirap magpanggap!
"Mom!"
Humarap ang babaeng tinawag na mom ni Jaxon. Mukhang kanina pa naghahanap sa kanya. She's a beautiful and elegant woman. Classic. Her eyes are round and wise, unlike Jaxon's soft browns. Siguro nagmana si Jaxon sa daddy niya.
The cleanliness though, mukhang dito niya minana sa kanyang mommy.
"Oh, son. Saan ka ba galing?" May pagka-strikta ang boses niya. It's a warning for me.
"Si Davina ma, friend ko." Hinila ako ni Jax sa tabi niya. "She's late, hindi na nakaabot sa program. Look what she got me." natatawa niyang inangat ang kamay kung saan nakatali ang balloon.
Agad akong pinasidahan ni Mrs. Montero. Gusto kong umatras. Sa paraan ng pagsuri niya'y animo'y kailangan ko pang mag-ayos upang bumagay sa kanila. I don't need her approval since I'm just a friend of his son, but it felt like I have to step in her standards.
Tipid niya akong ningitian. It's kind of a clipped smile so hindi ko masabi kung napipilitan siya o naiilang. Either way, ningitian ko pa rin naman siya pabalik. I'm intimidated, most probably.
Binalingan na niya sina Jax at Gwyn. "O, ano. Picturan ko na kayo."
"Si dad, saan?" tanong ni Jaxon.
"He was here..." Pinahaba ni Mrs. Montero ang leeg at sinuyod ang paningin. May tinuro ang daliri niya. "There, talking to an admin staff. A friend. Anyways, we can start without him."
Sinuot ng mommy ni Jax ang cap kay Jaxon saka na sila pumwesto. Si Gwyn ang kumuha sa kanila ng litrato. Nasa gilid lang ako at pinanood sila.
"Tayong tatlo naman po. Where's tito na para sana apat tayo," ani Gwyneth.
"Hayaan mo muna, baka 'di pa tapos sa chikahan nila ng kaibigan niya." bumaling si Mrs. Montero sa akin. "Davina, dear..."
Mukhang akong naggising sa isang panaginip at tarantang humakbang upang kunin ang camera. Pumwesto na silang tatlo sa harap. Jax is at the middle and his hands were at her mother's and girlfriend's waists. He towered over the two important women of his life.
"1, 2, 3..."
Tatlong shots pa ang kinuha ko bago nila ako nilapitan upang tignan ang shot.
"Tayo, Vin. Picture tayo!"
Tinignan ko sila isa-isa, hinihintay ang kanilang reaksyon. Ako lang yata ang nagulat dahil kalma lang ang kanilang mga mukha. Even Gwyneth smiled at me at tinango ang ulo sa harap.
"Kayo ni Gwyn?" untag ko kay Jax na umaasa na ang mga mata. Mali yata na kami ang may picture tapos sila wala.
"It's okay. Save the best for last," ani Gwyneth. Nakakasakit ng damdamin ang kagandahan niya. Lubog na talaga ang self-esteem ko.
Naiilang akong humakbang sa tabi ni Jaxon na nauna nang pumwesto. Tinanggal niya ang kanyang cap at isinuot sa aking ulo.
Kinunutan ko siya ng noo. Hindi niya nakita dahil inaayos niya ang tali ng balloon sa kanyang kamay saka siya humarap at inakbayan ako.
"Kita ba ang balloon, Gee?" tanong niya.
Bumungisngis ako. Ang balloon talaga ang pinoproblema niya.
Natatawang tumango si Gwyneth pati ang mama niya. Hindi nakatakas sa akin kung paano ako tignan ni Mrs. Montero. Para bang hindi siya sigurado sa presenya ko, o baka pakiramdam ko lang iyon?
"Smile!" Buminat ako ng ngiti nang sinabi ito ni Gwyn.
Hindi ko naayos ang pagkakangiti ko dahil sa awkwardness. Ang higpit pa ng akbay ni Jaxon sa akin. Halos hindi ko matignan sina Gwyn at Mrs. Montero pagkatapos ng isang shot.
Naunang lumapit si Jaxon sa nobya upang tignan ang kuha namin.
"Uhm...picturan ko na kayo," sabi ko nang makalapit. Binigay ni Gwyneth sa akin ang camera.
Nagawa ko pang tignan ang shot namin ni Jaxon. Ang laki ng ngiti niya, at naisama talaga ang balloon! Ako nama'y halata talagang naiilang. Halos hindi umangat ang labi ko.
Sandali ko pa iyong tinitigan upang idikit sa memorya ko bago binalik sa camera icon at nilapit ang lens sa aking mata. Hawak na ni Gwyneth ang diploma ni Jaxon at nakayakap na siya sa baywang nito.
"Ang cap, isusuot mo, Gwyn?" tanong ko, hawak na ang cap kung sakali.
"Sure!" ngiti siyang lumapit. Tinanggal ko ang cap at binigay sa kanya.
Agad niya iyong sinuot habang nagmartsa pabalik sa tabi ni Jax. Yumakap ulit siya sa baywang nito habang si Jaxon naman ay nakaakbay sa kanya. Bahagya niya pang hinilig ang ulo kay Gwyneth.
They're all smiles. All happy.
I took their perfect shot despite my trembling hands. Sinikap kong maayos ang kuha at baka pagkamalan pa akong bitter. I'm not.
"Oh perfect! Sa susunod nito ay kasal na!" masiglang ani Mrs. Montero.
Namula ang mukha ni Jaxon at nahihiyang kinamot ang batok. Natatawa si Gwyneth sa reaksiyon nito at hinalikan siya sa pisngi habang nakahawak ang isang kamay sa kabilang pisngi.
I took a picture of it. It would be great memory for them.
Tinignan ko ang shot nila. Yeah. So perfect. Both smart and beautiful. They'll create beautiful and smart babies, too.
Sige Davina. Isagad mo pa! Saktan mo pa ang sarili mo. Masokista kang dakila, e.
Malugod na lumapit si Gwyneth. Napasinghap siya nang makita ang recent kong kuha sa kanila.
"Wow! Gusto ko iyan. Ang ganda ng timing mo!" maligaya siyang tumatalon-talon sa tabi ko.
"What is it?" tanong ni Jaxon habang papalapit ito sa amin. May kinomento rin ang mama niya sa likod ko.
"She took this great shot of us," Tinuro ni Gwyn ang camera. Binigay ko na iyon sa kanila. It's their shots there so I should be out in the picture.
"Cr muna ako," sabi ko sa nanunuyong lalamunan.
Tumalikod na ako at nagmartsa papunta sa unang mahahanap kong c.r. Hindi ko na hinintay kung sino sa kanila ang unang magsasalita. They're busy looking and doting on the pictures anyway so walang mag-aabalang mag-alala sa 'kin.
And besides, this is not my day.
Mas lalong nanghihina ang tuhod ko. Mas binilisan ko pa ang paglalakad sa kabila nito.
My being here is really not a good idea. Not a good idea for me and for my fucking heart.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro