TWENTY ONE
Ilang sandali pa ay natatanaw ko na ang pagbabalik ni Jaxon mula sa loob. Sinisilid niya ang cellphone sa kanyang bulsa. Nang makarating sa mesa ay hindi na siya umupo ulit sa silya. Ininuman niya nang kaunti ang kanyang beer.
Hinawi niya pataas ang kanyang bangs saka tinukod ang kamay sa sandalan ng aking silya.
"Nagpapasundo na si Gwyneth. Kakatapos lang nila sa kanilang thesis," aniya saka ako dinungaw. Isang beses siyang nag-dip sa kanyang baba. "Tara, Vin."
Inakbayan ako ni Denver. "Dito muna siya."
Kumunot ang noo ni Jaxon at nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ng pinsan niya.
"Den—"
"What?" Halos matawa siya at hinigpitan ang akbay sa akin. "Kung maka-react ka naman Jax parang gagahasain ko si Davina."
Tumawa si Evan. Si Riley ay nakalublob na ang mukha sa kanyang mga brasong nasa mesa, tulog na yata.
Hindi pa rin umaalis si Jaxon. Nakatitig siya sa akin na parang ginagayuma akong sumama sa kanya.
"Vin..." tawag niya at muling nag-dip sa baba. "Tara na..." mahinahon niyang pilit.
Natutukso na akong sumama sa kanya sa tono niyang iyon. Isa o dalawang kalabit na lang at mapapatayo na ako.
"Isasabay na namin siya, Jax," prisinta ni Evan. Sandali siyang nilingon ni Jaxon.
"You don't trust me, Jax? How could you do this to me?" madramang tanong ni Denver.
"Talagang hindi!" Muling tumingin sa akin si Jaxon. Desperado na siya. "Sabay ka nalang sa 'kin, Vin. It's getting late," pamimilit niya. Mukhang ikamamatay niya kung hindi ako sasama.
Then what, Jax? Sa backseat lang naman siguro ako uupo kung sakali. That thought alone is already a stab to my heart, I don't need to experience it firsthand in actuality.
Wala namang kaso sa akin kung sa backseat ako. Ano, mag-iinarte ako ng ganon? Ayoko lang mapanood ng VIP ang relationship goals show niyo ni Gwyneth.
"Ihahatid nga namin, Jaxon. And it's like Davina can't manage herself. Talo mo pa presidente sa pagpapatupad mo ng curfew niya," maktol ni Denver.
Muling tumawa si Evan habang nagsasalin ng whiskey sa kopita. Umiling siya't kinagat ang ibabang labi. Namumula na rin siya.
"Tsk, tsk...Danger, danger..." aniya.
Kumumpas si Denver, parang pinapalayas na si Jaxon.
"Puntahan mo na nga girlfriend mo! Hindi mo naman nobya si Davina, e." Inuugoy niya ako sa akbay niya. Lumutong pa ang tawa ni Evan.
Tiningala ko si Jaxon na bigo ang mukha. Naiinis ako sa konsensya na umusbong sa akin at halos tumayo na ako upang sumama sa kanya. Dinikit kong maigi ang boots ko sa lupa na pilit hinihila ng paraan ng tingin niya.
Maybe it's not the guilt. It's in the way I like to be with him. Pero disiplina, Davina. Hindi mo man mapigilan ang nararamdaman, pwede mo naman makontrol ang mga kilos mong hindi makasira ng ibang relasyon.
Bumukas ang bibig niya at nagsara rin. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi, pinipigilan ang pagsasalita. Nauwi siya sa pagngatngat nito at hindi na ako magtataka kung magkandasugat sugat iyang labi niya.
Binalik ko ang mga mata ko sa mesa. Pumulot ako ng mani sa platito at kumain. I don't have to see that. Huwag mo akong pakitaan ng ganyan, Jaxon. Please stop it. Please...
"Kapag iyan hindi nakauwi..." banta ni Jaxon, pero ramdam kong hindi iyan ang sanang sasabihin niya kanina.
"Kailan pa ba ako hindi nagpapa-uwi ng babae, Jax? I always take my girls to their homes...sometimes," panunuyang ani ni Denver at binuntutan ng tawa.
Biglang natumba ang silya sa likod ni Jaxon kasunod ang pagsugod niya kay Denver. Tumayo ako't pinigilan siya bago pa tumama ang kamay niya sa pinsan. Nilingon ko si Denver na hindi inasahan ang nangyari. Namutla siya sa kanyang silya at gulat na gulat. Nagulat kaming lahat.
My hands, both on Jaxon's chest. Inaanod ang kamay ko sa malakas na kalabog ng puso niya habang labis ang pag-taas baba ng kanyang dibdib at balikat. He's angry. Very angry. His heat brought by anger could almost burn my palms.
Halos magdugtong na ang mga kilay niya. Ang marubdob niyang mga mata na nakadirekta sa likod ko, kay Denver, ay hindi maitatanggi. Hindi na gawa ng alak ang pamumula ng buo niyang mukha at leeg. His veins are blatantly showing.
Ewan ko kung saan galing ang ganitong galit niya. Alam naman niyang nagbibiro lamang si Denver!
Dahan-dahang naggising si Riley sa pangyayari at nagtaka. Ang nakatayo na ring si Evan nagtungo sa likod ni Jaxon. Hinawakan niya ito sa balikat at marahang pinaatras.
"Calm down, Jax. I'll be with them, okay? So she'd be safe," mahinahong ani ni Evan sa gumagaspang niyang boses. Ramdam ko pa ang kaba niya.
Salita lang ni Evan at kumalma na si Jax at nagpakawala ng hininga. Tinatantanan na niya ng tingin si Denver. Mariin siyang pumikit, parang hindi makapaniwala sa ginawa niya.
Sa kanyang pagdilat ay dumirekta ang tingin niya sa 'kin.
"Diretso sa bahay ha, Davina?" nanginginig pa ang boses niya.
Hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Doon ko namalayang nasa dibdib pa niya ang aking mga kamay kaya mabilis ko itong binaba. Naialis rin ang hawak niya rito.
Tumango ako. "Puntahan mo na si Gwyneth..."
Matagal pa niya akong tinitigan. Inaanod ako at binibingi ng bayolenteng kalabog ng puso ko sa kulungan nito. Bawat buto sa aking dibdib ay tinatamaan.
Tinulak ko ang aking paningin sa aking boots, hindi ko kayang pasanin ang mabigat na emosyong nakikita ko sa mga mata niya. He's like chastising me about something. Humalo rin ang pagiging seryoso at disappointment. Disappointment from what? Anong ginawa ko?
Huminga ako nang malalim nang gumlaw na ang paa niya sa harap ko tanda ng kanyang pagtalikod. Nanatili ako sa ganoong posisiyon hanggang sa tinapik ako ni Evan sa balikat. Bumalik ako sa pagkakaupo sa aking silya at ipagpatuloy ang pagkalma.
" Why did he suddenly go apeshit? He's not even drunk! Hindi nga niya naubos 'yong isang bote," maktol ni Denver na parang walang nangyari.
Ganyan siya kakalma eh kanina lang tinakasan ng kulay ang mukha niya!
Kung natuloy man ang suntukan nila, aba'y mas agrabyado si Jaxon! He's equally lean as Evan. Sa kanilang apat, pinakamalaki ang katawan ni Denver kahit siya pa ang pinakabata.
Binalingan ko ang bote ni Jax. Sobrang kaunti nga ang nabawas. Alam niya sigurong ihahatid pa niya si Gwyneth pauwi.
"Ginagalit mo kasi." Bumalik na si Evan sa kanyang silya.
Namilog ang mga mata ni Denver, handang idepensa ang sarili. "Walang masama sa sinabi ko, a? Bakit ikaw? Hindi ka nga nagalit."
Napailing lang si Evan. May look of disapproval siya sa pinsan.
Nagkamot ng pisngi si Riley habang humihinto ang paningin sa bawat isa sa amin.
"Bakit? Anong nangyari?" pagtataka niya, medyo lasing pa rin. Kinukusot niya ang antok sa strikto niyang mga mata.
Kinuwento ni Evan ang mga na-miss ni Riley dahil tulog ito. Ang kwentuhan nila ay nauwi sa isang seryosong usapan na sumalamin sa seryoso nilang mga mukha. Si Riley na lang ang umiinom ngayon dahil ipagmamaneho pa ako ni Evan.
I don't know Riley that much, dahil siya nga ang pinakailap sa kanila at less-friendly. Pero ang makita siyang nagpupunas ng kanyang mga mata ay ikinalukot ng puso ko.
I am sensitive, kaya madali akong naaapektuhan sa emosyon ng iba kahit anong haligi ang tinatayo ko sa aking sarili at sa ibang tao.
But then, these people here are inching their way to become one of my people now. Regardless of their being high-maintenance. Walang pinipiling estado ang impluwensiya ng tao sa 'yo.
Sinabunot ni Riley ang makapal niyang buhok, Nanatili siya sa ganoong posisyon, nakayuko upang itago ang kanyang mukha. Kasabay nito ang pagyanig ng kanyang mga balikat.
I've seen men grovel over their women but not cry over them. Pinipigilan kong tumakas ang luhang namumuo na ngayon habang pinapanood siyang halos humahagulhol na.
He looked tough on the outside, but he's got a soft heart for just this one woman. Nakakabilib. Nakakamangha. May lalake pa rin talagang iniiyakan ang babae. Akala ko mga babae na lang ang umiiyak ngayon. My faith in men was somehow restored through this act. I salute and respect these men.
I have nothing against them in general, sa kabila ng karanasan kong hindi na kami binalikan ng aking ama. Siguro dahil buong buhay ko, puro mga lalake ang nakapalibot sa akin. Not all of them deserved the abhorrence.
Tahimik lang tinatapik ni Evan si Riley sa likod. Didikit pa rin naman kasi ang sakit nang pangmatagalan at walang pang-makatang mga salita ang makapagpapawi nito. No matter how good you are in counseling, in these situations, advices would just be damn useless. We just have to listen to understand. Not listen to respond.
Tumayo si Evan at nilagay ang isang braso ni Riley sa kanyang balikat. Hirap siyang patayuin ito dahil nakainom at nanghihina. Nilingon ko si Denver sa tabi ko na nakabaon na ang mukha sa mga braso sa mesa. Tulog.
Ako na ang tumayo at tinulungan si Evan. Nasa kabilang side ako ni Riley habang pinagtulungan namin siyang madala sa loob ng kanilang bahay.
"Ang bigat niya..." Hindi ko mapigilan ang pagngiwi.
Bahagyang tumawa si Evan. "Ang tangkad kasi."
Sa sofa na lang sa sala namin siya nilagay. Mahihirapan kami kapag iaakyat pa namin sa kwarto. Tignan ko pa nga lang ang malaki nilang hagdan ay napapagod na ako.
"Whew!" hinga ni Evan pagkatapos. Nakapamaywang niyang dinudungaw si Riley. "Ang bigat mo, tol!"
Mahinang daing ang isinagot ni Riley na nilipat ang posisiyon ng ulo sa kabilang gilid. Nagkamot siya ng dibdib at pinanatili roon ang kamay. Kita pa ang bakas ng luha sa ilalim ng kanyang mga mata. Basa rin ang pilikmata niya.
I don't have to ask what happen. Ang pag-iyak niya ay sapat nang kaalaman para sa akin na nasasaktan siya. Words would just be empty. Mas pinapanindigan talaga ang katotohanan sa kilos at hindi sa salita.
Hindi man lang nagbago ng posisyon si Denver nang bumalik kami sa garden. Ayaw ko pang umuwi. Ako lang naman kasi ang mag-isa sa bahay.
Umupo ako sa silyang inupuan ni Jaxon kanina. Ako ang umubos sa beer niya. I didn't mind having the taste of his lips through the bottle of his beer.
Nasundo na kaya niya si Gwyneth? Magtatagal kaya siya sa kanya? Will he stay with her tonight? Sleep...? Mariin akong pumikit at lumaki lang ang mga paglagok ko. Pinipiga ang puso ko sa naisip na nagsanhi ng panginginit ng aking mga mata.
Gusto kong umiyak, pero wala namang luhang lumalabas. Gusto ko ring paluin ang dibdib ko hanggang maalis ang mabigat na pakiramdam na 'to. I need the physical pain to shake off the emotional ones. I hope it's easier that way.
I hate this love, Jaxon. And I hate that I can't be like her.
"Iyakin ba si Jaxon?" bigla kong tanong.
"Huh?" Ipinagkata ni Evan ang tanong ko."No. hindi nga raw umiyak iyan noong pinanganak eh. He's more of quickly getting his dander up than being a crier." Sandali niya akong sinulyapan saka binalik ang paglalagay ng ice cubes sa baso niya. "Why ask?"
Umiling ako. I don't know what made me ask. Siguro dahil sa nakita kong pag-hikbi ni Riley.
So tendency...wala pa siyang iniyakan. Eventually, kung si Gwyneth man iyon, ang swerte ni Gwyneth.
"Para kang si Scarlet."
Ako naman ang nagtaka sa sinabi niya.
Malalim siyang nag-isip habang nakatitig sa kanyang baso. Nagreplika ang kulay amber na inumin sa kanyang mukha. His brown eyes turned even more brownish.
"No offense pero, I'm not suicidal," sabi ko.
Nabanggit sa akin ni Jax ang tungkol sa babaeng nagugustuhan ni Evan. Knowing Jaxon, medyo may pagkamadaldal iyon.
"I know...marami lang kayong pagkakatulad. She hates herself because she thinks she isn't good enough." Pinadapo niya ang nanunuri niyang mga mata sa akin. "You Davina, why do you hate yourself?"
Hindi lang pala tungkol sa iba nagkukuwento si Jaxon. He told Evan about me! At sino pa ang sinabihan niya?
Pinatong ko ang aking mga paa sa mesa at pinag-krus ang mga iyon. Sumandal ako sa backrest ng silya. The cold metal of the seat somehow made a dent at my back.
"Eto ba talaga pag-uusapan natin?" tanong ko. This is somehow a no-go-area for me. Masyadong personal.
Lumipat ang tingin ni Evan sa boots ko at kinunutan ito ng noo. Matagal na nanatili ang mga mata niya roon bago inangat ang paningin sa akin. Lumuwang ang mukha niya.
"Since depressing naman ang mga topic, why not? This is a pity party anyway."
Wala akong sinagot. Pinakawalan ko na naman kasi ang issue na iyan. Jaxon's company has been making me feel good about myself. Pero...hindi rin maiiwasan na nararamdamn ko ulit ito minsan. It's like a certain type of cancer that recurs anytime it wants.
"Do you like my cousin?"
Hindi ako nagpakita ng reaksyon, pero nagulat ako sa naging tanong niya. Ikinabog ito nang husto ng puso ko!
Ayoko siyang sagutin ngunit ayoko rin namang mag-asume siyang oo, gusto ko ang pinsan niya.
"A-akala ko depressing 'yung topic?" subok kong iwas.
Mas sinandal niya ang sarili sa mesa, pinangalandakan niya ang aliw sa pagkakautal ko. Oh...come on! Magpipinsan nga kayo!
"Just hold on to the previous question, but do you like my cousin?" Mas nanunudyo pa siya.
"No." Matigas ang aking pagkakasabi, tinatakpan ng animo'y haligi ang katotohanan.
Mas tumubo lang ang ngisi ni Evan. "Kung wala siyang girlfriend, ide-deny mo ba?"
Nakaipit pa rin sa akin ang pader ng gulat, hindi ako pinapakawalan. H-how in the hell...
Gumapang ang makahulugang ngisi ni Evan.
Inangat niya ang kanyang kopita bago ito ininuman. Suminghap siya pagkatapps saka dinilaan ang likidong tumakas sa kanyang labi. Nakakabingi ang katahinikan maliban sa kabog ng puso ko at sa mga paglagok ni Evan.
"Good luck hiding it Davina, while nurturing it."
Oh believe me, I already have warned myself. Warning bells are actually still ringing. Hindi nila ako lulubayan hangga't nasa malapit lang si Jaxon.
Muli niyang sinalinan ang kopita. His moves are confident, like Jaxon. Denver's sort of arrogant while Riley's are formal.
"Wala ka bang ibang nagugustuhan? Mahirap magkagusto sa taken na, Vin," kaswal niyang wika, na para bang hindi ito masakit para sa akin. We can't just talk about pain and heartache in a casual way!
Manhid-manhiran lang, Evan? You took fucking Psychology! Sa kadaldalan ni Jaxon ay nalaman ko ang tungkol diyan.
Ang kibit balikat ko'y tanda ng pagsuko. "I'm too busy liking your cousin for me to find someone else to like."
Ramdam kong sa akin siya nakatingin kahit nakayuko ako't kunwaring pinagkaka-interesan ang imported na brand ng beer. It's made in UK. Ano bang meron sa UK?
Mababa ang bahagyang tawa ni Evan. Nahuli ko pa ang tingin niya sa 'kin bago siya tumayo at niligpit ang mga platito at mga ubos na bote.
"I'll get more beers," aniya habang nagliligpit. Pumasok na siya sa bahay pagkatapos.
Huminga ako ng malalim at mas binaon pa ang likod ko sa backrest. Thank God hindi na siya nagtanong pa. It's enough that he knows at hindi na siya nangu-usisa.
Mas nararamdan ko ang pamamanhid ng aking kalamnan at mga binti sa kaba at pagkabahala. May alam na si Evan and he's Jaxon's cousin!
I can't entertain more questions. Nakaka-pressure! Ganito kaya nararamdaman ng mga artista? Somehow, I sympathize with them.
But so what if Jaxon would know from Evan? Would it make a difference? Muntik na nga akong umamin kanina, 'di ba?
Mas nahihilo lang ako kung lalaliman ko pa ang pag-iisip sa mga mangyayari. I don't want to worry about the tomorrows. I don't want to worry about Jaxon and him staying with Gwyneth at home. I don't want to think of him kissing her goodnight. Her kissing him back. They're together. Kahit gusto lang niya si Gwyn, it doesn't mean that he can't kiss her.
Ang sakit na nga sa ulo, sakit pa sa puso. So ano 'to, double kill?
"So you like Jax, huh?"
Nilingon ko si Denver na nanatili ang mukha sa gitna ng mga braso. 'Di nagtagal ay sumilip ang mukha niya mula rito na may nanunuya nang ngisi, like a villain who discovered about your dirty laundry.
Fuck. This. Shit.
Nagtiim bagang ako. All along he's awake. Pumapangalawa pa naman siya kay Jaxon sa pagiging madaldal.
Hindi ko na iyon kailangan sagutin. Narinig na niya. Nalaman na niya. Dalawa na sila. Pero ang alam nila ay gusto ko si Jaxon.
I wonder how they would have reacted knowing that I'm in love with their cousin. Not just 'like'. Fucking love!
"Kaya ka pala payat. You're losing your weight due to running away from your feelings..." inaantok siyang tumawa.
"Dati na akong payat," malamig kong sabi.
"Your secret's safe with me, mi chica." Garalgal ang boses niya. Ngumisi siya bago nagbalik sa posisyon niya kanina.
Tuloy-tuloy na ang pagtulog ni Denver habang kami na lang ang natitirang nag-iinuman ni Evan. Well...tagasalin lang pala siya, ako lang ang umiinom. Now knowing my secret, hinahayaan niya ako.
Hindi na namin ginising si Denver nang napag-desisyunang aalis na kami. Sa pagtayo ko ay muntik na akong natumba. Agad ko namang naitukod ang sarili sa katabing silya. Mabilis rumisponde si Evan at binalanse ako.
"Are you okay? Kaya pa? Dito ka nalang mag-stay kung hindi na kaya."
Umiling ako. I have to go home. Hindi ko rin naman maiisip na mag-isa ako dahil nalulunod na ang utak ko sa alak, kaya madali na lang akong makakatulog. Hindi ko na kailangang paidlipin ang sarili sa pag-iisip ng kung ano-ano.
Ni-asistihan ako ni Evan papunta sa sasakyan niya. Hilong-hilo kong sinandal ang ulo sa headrest. Nanghihina ang buo kong katawan. This is good. I'm an inch closer to the state of unconsciousness.
Masaya ang naging araw ko ngayon so I don't need the negatives to ruin the happy thoughts for me.
May katawagan pa sa cellphone si Evan bago kami umalis ng bahay. Sunod kong namalayan ang mahinang pagyugyog sa balikat ko.
"We're here, Vin." Tinanggalan niya ako ng seatbelt.
Naningkit pa ang mga mata ko nang dumilat. Sandali akong nanatiling umupo at pinahupa ang alon ng hilo bago ako kumilos. Pikit-mata akong lumabas ng sasakyan. Narinig ko ang pagbubukas ng pinto ng kotse sa kabila.
"O, bakit ka nandito? I thought..."
Kumunot ang noo ko. Hindi ko maidilat nang mabuti ang aking mga mata kaya hindi ko makita ang dahilan ng pagtataka ni Evan.
"Just checking. Si Denver? Ba't ang tagal niyo?"
Bago pa ako makaisang hakbang at matumba ay may sumalo na sa akin. Tumama ang mukha ko sa matigas na dibdib ng kung sino. Bayolente ang pagpalo ng puso ko sa kulungan nito nang maamoy ang pamilyar na pabango. Bakit siya nandito?
"Nakatulog si Denver kaya ako na lang ang naghatid. Maraming ininom, e." Boses ni Evan.
"Salamat," ani ng baritonong boses. Of course I know who owns that.
"Huwag kang magpasalamat. Hindi naman ikaw ang hinatid ko." Bahagyang tumawa si Evan.
"Thanks for keeping her safe."
"Tss. Tara na nga. Maghahating gabi na."
"Iakyat ko muna. Can you wait for...ten minutes?" Bumaon ang kamay niya sa aking buhok sa likod ng aking ulo. Matibay na braso naman ang pumulupot sa aking baywang. Parang pinoprotektahan ako sa kung ano.
Lupaypay ang katawan ko nang binuhat ni Jaxon. Hindi ko maiangat ang mga kamay ko upang sana'y ikabit sa leeg niya. Mabango man ang kanyang pabango, nahihilo pa rin ako rito kaya nilayo ko ang mukha ko sa kanyang dibdib sabay angal.
Kumapit ako sa kanyang balikat nang binaba na niya ako. Binalanse niya ako sa paghawak sa magkabila kong baywang. Tiningala ko siya, saktong maliwanag sa pinagbabaan sa akin dahil tinamaan ng ilaw ang mukha niya galing sa poste sa labas.
Kaya pala naka-brush up siya kanina, humahaba na kasi ang kanyang bangs. Tinatakpan na rin ng buhok ang tenga niya. He needs a haircut. Humagikhik ako.
Kumunot ang noo niya. "What's funny, Davina?"
Umalis ako sa harap niya't tinungo ang aking tukador. Kinalat ko ang mga gamit roon hanggang sa may makapa akong hugis gunting. Kinuha ko iyon at sinuri. Gunting nga.
"Davina, what are you doing?"
"Upo." Tinuro ko ang kama.
Nang humarap ako'y nakatayo siya nang sobrang lapit sa aking likod. Ang sabi ko'y upo! Bakit hindi siya umupo?
Tinulak ko siya hanggang tumama ng likod ng tuhod niya sa gilid ng kama at napaupo. Naaninag ko ang gulat sa mukha niya pero hindi ako nagpapagil. He needs a damn haircut!
Walang sabi sabi akong umupo sa kanyang kandungan at inangat ang gunting sa kanyang buhok, sa bangs na part.
"Davina—"
"Shh...quiet." Nilapat ko ang aking hintuturo sa kanyang labi. Humagikhik ako. "Ang haba na nang buhok mo..." bulong ko sa kanya saka humagikhik.
"Magpapagupit ako bukas—"
"Shh..."mariin kong pinisil ang thumb ko sa kanyang labi. "Ang daldal mo!"
Mahigpit niyang tinikom ang kanyang bibig. Nanigas siya sa kinauupuan. Ngumiti ako at inangat muli ang gunting. Nagsimula ako sa bangs. Hinila ko ang mga mahabang hibla na umabot na sa kanyang mga mata saka ko ginupitan.
Suminghap si Jaxon. Dumaing siya at mukhang gusto niyang umiyak.
Nilapit ko sa namumungay kong paningin ang nagupit kong makapal na hibla.
"Wow...ang dami kong naputol..." mangha kong sabi sabay kawag sa aking mga paa.
Marahas suminghap si Jaxon. Humigpit ang kapit niya sa aking baywang. Ngumiwi ako dahil masakit, parang kinukurot na niya ang balat.
"Vin, baba na," nagtitimpi niyang sabi.
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Hindi naman ako umakyat. Bakit ako bababa?"
"You're in my lap, Vin."
Tinitigan ko siyang mabuti. Maingat ng tingin niya sa akin pabalik na parang pinaghahandaan ang susunod kong gagawin. Nakaawang na ang bibig niya at pinapaypayan ang mukha ko ng mabilis at mainit niyang paghinga.
Gamit ng isa kong kamay ay inipit ko ang kanyang labi. Nagsalubong ang kilay niya sa ginawa ko pero hinayaan niya lang ako.
He's got soft lips. Nakanguso ako habang pinipisil pisil ko ang kanyang labi. Pikit mata kong inamoy ang kanyang ilong. Hindi siya umatras kaya tumama ang ilong ko sa labi niya.
"Vin..." may banta na sa boses niya kasabay ang malakas niyang paghinga.
Tinapon ko ang gunting pati na ang hibla ng buhok at binagsak ang ulo ko sa kanyang balikat. "Antok na ako..."
Nadala ang ulo at katawan ko sa ginawa niyang malalim na buntong hininga. Umabot ang hininga niya sa aking batok.
Mas sumiksik ako nang humigpit pa ang pagpulupot ng mga braso niya sa aking baywang. Naramdaman ko ang baba niyang pumatong sa aking balikat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro