Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWENTY NINE

Sinalubong ni Jaxon ang nagsidatingan niyang mga kaklase at iba pa sa kanyang mga kamag-anak including Riley. Tahimik niya akong tinanguan saka binalingan ang pinsan at binati. Kasama niya ang kanyang parents.

He's going to be very busy entertaining his visitors. Hindi niya naman siguro mamamalayang aalis ako. Kaso ang rude ko naman kung hindi ako magpapaalam.

Hinubad na ni Jax ang toga niya. Nakapaloob sa kanya ang fit niyang light blue button down na nakatupi hanggang siko at khaki chino pants na nagpatuldik sa mahaba niyang binti. Mas lalo tuloy dumikit si Gwyneth sa kanya na para bang may magnet ang suot ni Jaxon.

"Saan galing 'tong balloon? Hinihingi ni Onika," ani Denver at iaabot na sana ang balloon sa kapatid niyang handa nang tanggapin ito.

Agad iyong inagaw ni Jaxon at dinala kasama ang toga niya sa pag-akyat sa kanilang hagdan. "Bigay 'to ni Davina."

Nanlaki ang mga mata ni Denver nang nilingon ako at animated na tumawa. Nanghingi siya ng high five na pinagbigyan ko naman.

Muli akong lumingon sa hagdan. Sumama si Gwyneth sa kanya sa pag-akyat. By now ay nasa kwarto na si Jax. With Gwyneth.

Nanlamig ang kalamnan ko. Bumigat ang mga paa ko na halos hindi na umaalsa ng hakbang dahil gusto ko na talagang umalis dito.

Nilingon ko si Denver na nagpapakain ng cupcake sa kapatid niya. Magsasalita na sana ako nang tinawag naman siya ng kanyang daddy. Galing siya sa pagtawa. Mukhang nagkakasiyahan na sa yard.

"Where's Jaxon?" tanong niya saka bumaling sa bunsong anak. Denver's telling her to clean up dahil nagkalat na ang icing ng cupcake sa paligid ng bibig nito.

Para talaga siyang lasinggero na hindi. Namumula kasi ang mukha niya na sumalungat sa moreno niyang kutis katulad ng kay Denver. And his voice is raspy. Wala siyang bilbil, but he's just really bouncy for me. Siguro dahil sa muscles. Like Denver, isa siyang machong teddy bear.

Tumuro si Denver sa taas at binalikan na ang kapatid. Kumuha siya ng wetwipes sa harap at inisang punas ang mukha ni Onika. Halos umiyak yung bata sa diin ng pagpunas niya.

"Pababain niyo na. May hinandang presentation sa kanya ang mga bata." Tumuro siya sa labas.

"Me, daddy?" Umaasang tanong ni Onika at tumayo. Si Denver sa gilid ay ngumingiwing pinupunasan ng wetwipes ang mga kamay.

"You will dance too, baby," Kinuha ng daddy ni Denver ang kamay ng bunsong anak. Lumingon siya sa amin habang naglalakad pabalik sa yard. "Sumunod na rin kayo. Tawagin niyo na si Jax."

Sandali ko pa silang pinanood na lumayo bago ako tumabi ako kay Denver. Kinakain niya ang cupcake na hindi naubos ng kapatid niya.

"Denver, uwi na ako," sabi ko.

"Ha?" ngumunguya niya akong binalingan. "Mamaya na. And I'm sure Jax would agree with me."

Suko akong sumandal sa backrest ng sofa. Nang mamalayan ang ginawa ko ay mabilis akong tumuwid ng upo at tumayo. Ayoko maging feel at home, lalo na't hindi naman ako bagay rito.

Tumayo na si Denver at pinagpag ang kamay sa jeans.

"Cr muna ako. Ikaw na tumawag sa kanila," aniya.

Bumigat ang paa ko. Tinanaw ko ang kitchen kung saan abala naman ang mga katulong.

"Saan iyong kwarto?" tanong ko.

Tumitig si Denver sa 'kin habang nag-iisip. Kinumpas niya ang kanyang daliri. "Hagdan, then turn left. Pinakadulo na pinto."

Pagkatalikod niya ay umakyat na ako. Wala na naman kasing ibang mapag-utusan at kami lang ang narito sa loob. Nasa yard silang lahat.

Natanaw ko na ang pinakadulong pinto. Habang papalapit ako roon ay palakas nang palakas ang pagwawala ng puso ko. Naririnig ko na ang hangin na naglalabas pasok sa aking ilong. Naghalo ang lamig at init sa aking sistema.

Pinilig ko ang aking ulo. No, Vin. That's too cliché. Hindi lang naman iyan ang pwedeng gawin sa kwarto. Malay mo, baka nanonood lang sila ng tv or...or...naglalaro ng chess.

Pinakawalan ko ang mabigat na hangin at tatlong beses kumatok. Nag-uusap ang boses nila sa loob. May pahilang ingay ng tsinelas saka bumukas ang pinto.

Sa mukha ni Jaxon nanatili ang mga mata ko at bahagya pa akong tumingala upang hindi matuksong magbaba ng tingin. He's topless, tanging white towel ang nakapulupot sa kanyang baywang. His hair and eyelashes are wet at may tumulo pang tubig sa gilid ng kanyang mukha.

"O, Vin." Hinilamos ng kamay niya ang kanyang mukha at piningot ang namumula niyang ilong.

Sumisingaw ang amoy mayaman niyang bango. Siguro mahal ang sabon niya. Saglit akong sumulyap sa baba at dinaplisan ng tingin ang V-line doon na natatakpan pala ng tuwalya.

Umasa pa ako. Binalik ko rin agad ang mga mata sa mukha niya.

"Baba na raw kayo. May presentation para sa 'yo." Napamahalaan ko ang tono kong maging pormal.

Tumango siya saka may tinuro sa likod. "Nag-cr lang saglit si Gwyneth then baba na kami."

"Okay..."

Mabilis akong tumalikod at nagmartsa na. Sa dulo ng pasilyo bago makaapak sa hagdan ay narinig ko ang pagsara niya ng pinto.

Ayokong isipin kung ano man ang ginagawa nila o gagawin pa lang sa kwartong iyon. Marahas akong umiling, inaalis sa isip ko ang pilit kumakalabit na pag-aakala. Sumisikip na ang dibdib ko. Ayoko na. Uuwi na talaga ako!

Hindi kaagad ako lumabas sa yard na ngayo'y nagkakatuwaan na. Sumilip ako rito galing sa kusina. Nag-page na sa microphone ang daddy ni Denver na pababain na sina Jaxon. Naroon na ang lahat maliban sa mga katulong.

Hindi man ito isang engrandeng selebrasyon, pero kung sino man ang bibigyan ng ganitong party ay siguradong makakaramdam na espesyal siya. Mahalaga. Ganon marahil ang pakiramdam ni Jaxon. He's an only son, so definitely he's special.

Wala naman talaga iyan sa pagiging engrande. Basta pinaparamdam lang sa 'yo na mahalaga ka ay espesyal ka. Mali man Jaxon pero, naiinggit ako sa buhay mo.

Bumukas ang pinto ng cr at lumabas si Denver. Pinahid muna niya ang sapatos sa floor mat.

"O, Vin. Tara sa labas."

Sumunod na ako sa kanya. Nag-insist akong sa pinakalikod kami at tinupad niya nga talaga . Nangangati na nga ako dahil sobrang dikit ako sa mga halaman dito sa pinakalikod.

Maya-maya lang ay bumaba na sina Jaxon. Bumaha agad ang cheers at may nagpasabog pa ng confetti. Tuwang-tuwa si Jaxon na hawak ang kamay ni Gwyneth. Masaya niyang sinasalo ang mga nagbagsakang confetti at tumili nang may sumabog na namang panibago.

I want to be happy for him. I am happy. Atleast, that's what I think. Ang hindi ko maintindihan ay kahit masaya ako, may nararamdaman pa rin akong kirot at guwang. Am I really happy for him? O baka pinipilit ko lang na masaya ako? Maybe, I am happy for his success, but the rest, I feel null.

Sumasayaw na ang mga bata kabilang na ang kapatid ni Denver. Pumunta pa siya sa harap upang kunan siya ng picture.

Everybody is laughing for the cute kids. Wala akong nakikitang pilit na kasiyahan. Hindi pa nga tapos ang gabi, but I could already sum up today's celebration through the smile and laughters on their faces.

Ayaw kong magkaroon ng dahilan ang kasiyahan ko. Pero kadalasan ay iyon ang nagiging sitwasyon. We always have a reason for everything. Happiness. For sadness. For despair. For a celebration.

And for loneliness.

Minsan, kahit ang dami nating kasama, ang daming nakapaligid na mga tao, nararamdaman mo pa ring nag-iisa ka. Binibigyan mo ng dahilan ang sarili na hindi ka nabibilang sa kanila. May it be that you're feeling out of place, dahil lahat sila sa paligid mo ay nagsasaya. They've got nothing to worry about.

Minsan naman hindi mo alam kung bakit. Why do emptiness takes place? I wish happiness would happen that way. Iyong mapapatanong ka nalang na bakit ako masaya? At ang isasagot mo ay 'Hindi ko alam. Masaya lang ako. Iyon lang'.

Not in my case. I always have to do certain things that make me happy. If not, hindi ako magiging masaya sa araw na iyan. I don't like it that way. Pero iyon ang nagiging buhay ko. Hindi pa kailanman ako nakasagot na hindi ko alam kung bakit ako masaya. I still have yet to feel it. It is still yet to come. Sa pag-iisip ba talaga iyan? Your way of positivity?

Back to the loneliness at the middle of happy people. Maybe it's a realization that we need to be alone sometimes. To have time to appreciate and enjoy having yourself as your own company. Alone but not lonely.

Nasa table ng mga kaklase niya sumapi si Jaxon pati na si Gwyneth. Humaba ang leeg niya at kunot noong sinuyod ang paligid, huminto ang paningin sa bawat table.

Ako ba ang hinahanap niya? Kahit iyon ang sa tingin ko'y mas dumikit lamang ako sa halaman.

Naputol ang paghahanap niya sa pagkalabit sa kanya ni Gwyneth, May binulong siya rito saka sila nagtawanan. Hindi na siya bumalik sa paghahanap.

Isang batang lalake ang lumapit at may hawak na laruang cellphone. Kunwari niya akong pinicturan at ningitian saka siya kumaripas ng takbo. Baka akala niya higanteng toy figure ako.

Tinawag ang mga kaklase ni Jaxon upang magbigay ng message. Host ang daddy ni Denver na hindi kami binigo sa entertainment. Tinakpan ni Jax ang mukha at tumingala, nahiya bigla dahil hindi niya inasahang may ganitong segment pa sa celebration para sa kanya.

Tumayo iyong patpatin na lalakeng kausap niya kanina sa school. Nagbabanta siyang tinuro ni Jaxon habang tumatawa.

Pagkatapos ng message na puro pagbibiro ay tinawag si Mrs. Montero. Kahit malayo ako sa harap ay mahahalata na naiiyak siya habang nagsasalita. He's absolutely very proud of her one and only son.

"You're still my baby boy, at sana tuloy tuloy na ang success mo. In your career, and of course, your love life, dear."

Sumali ako sa pagpalakpak pagkatapos ng kanyang mensahe. Tumayo si Jax at sinalubong ang kanyang mommy upang yakapin at halikan sa pisngi. She affectionately tapped Jaxon's cheek saka bumalik sa table nito kasama ang mommy ni Denver.

Gwyneth was called next. She's still able to look as fresh as she was like a while ago in school. Malakas ang palakpakan at may sumipol pang kaklase ni Jax habang naglalakad si Gwyn papunta sa harap. She stood there with poise and elegance.

"Hi everyone. Good evening!" maligaya niyang bati. Hinaplos niya ang buhok at humila ng hibla upang itakip sa kanyang balikat. Tumila na ang mga cheers nang siya'y magsalita.

Kahit nasa likod ako, mahahalata ko ang umaasang mga mata ng mga bisita. They're all smiling, happy to see their golden boy's girlfriend.

"Doctor daw ang ina, then her father's a businessman. Ilang branch na rin ng malls ang naipatayo dito sa bansa." Nahagip ito ng aking pandinig. Isa sa mga bisita ang nagpahayag. I don't think they're relatives but probably friends of Jax's mother.

"They look good together. Nagmo-model din daw iyan," sabat ng isang ginang na mukhang taga tikim ng pagkain sa isang cooking show. "Ang ganda. Balita ko sasali ng Miss Cebu next year."

"So I heard. Dean's lister din, so talagang bagay. Matatalino ang mga magiging anak nila!"

Nagtawanan sila, nasisiyahan sa kanilang mga imagination.

Mas lalo akong nanliit sa sarili ko. Their praises and approvals just fed my low self-esteem. Napasandal na ko sa makati na halaman sa likod ko dahil sa panghihina.

"So iyon, wala na akong masabi kung 'di Congrats and...I love you!"

Sumabog ang hiyawan at asaran ng mga bisita lalo na sa table ng mga kaklase ni Jaxon. My automatic reflex reaction is to smile and clap.

Tinaas ni Jaxon ang mga kamay niya at gumawa ng heart sign kay Gwyn.

Isang iglap ay napahinto ako sa lahat ng ginagawa ko. Bumagsak lahat habang unti-unting kong nararamdaman ang guwang sa aking kalamnan. Tinutusok ko sa matulis kong mga kuko ang aking palad upang maramdaman ang pisikal na sakit.

It's game over, Davina.

"Kiss! Kiss!"

Tumayo si Jaxon at sinalubong ng yakap ang papalapit na si Gwyneth. Lumingon si Jaxon sa mama niya, mukhang nanghihingi ng permiso.

Tumawa si Mrs. Montero at tumango sabay palakpak.

Humihigpit na ang mga lubid sa tiyan ko kasabay ang paninikip ng aking dibdib.

Nakangiting tiningala ni Gwyn si Jaxon na kinukuwadro na ngayon ang kanyang pisngi. Pumikit siya nang unti-unting lumalapit ang mukha ni Jax. Lumakas ang hiyawan ng mga tao.

My heart screamed NO. At walang makakarinig nito kahit sino man kung 'di ako lang!

Tumalikod na ako at umalis bago ko pa makitang magdikit ang mga labi nila. Dumaan ako sa gilid kung saan may stone pathways patungo sa labas ng yard.

Nanginginig pa ang mga mga binti ko habang tumatakbo palabas ng gate. Mga kamay ko ay namamanhid, at lahat na yata ng parte ng aking katawan dahil sa pagpipigil kong umiyak.

Sobrang hirap huminga isipin ko pa lang ang nangyari bago ang hiyawan at palakpakan na sumasabog na ngayon sa loob. Parang kasal lang ang tinunghayan ko. Iyon nga ba ang susunod?

Bayolente ang aking paghinga habang naglalakad na palayo sa bahay. Makailang ulit kong hinahampas ang dibdib ko dahil ayaw mapawi ang panghahapdi. Tinutusok na ng init ang aking mukha at mga mata.

Please stop hurting. Utang na loob, tama na!

Putol-putol ang lumalabas na hikbi, pinipigilan ko pa rin hangga't sa makakaya. Ngunit bigo ako dahil sa bawat pikit ng mga mata ko'y ang eksenang iyon ang lumilitaw. Dilat man ang aking mga mata, nanatili ang imahe. His heart sign for her.

Mahal na niya si Gwyneth.

"Davina!"

Nilingon ko ang mababa at striktong boses. It was Riley.

Hingal siyang huminto sa harap ko. Mukhang kanina pa ako hinahabol.

"Saan ka pupunta? Your name will be called after Denver para magbigay ng message."

"Pwedeng pahatid, Rai? Please..." halos hindi ko iyong mailabas dahil sa hikbi na nakikipag-agawan sa mga salita.

Lumunok ako upang paatrasin ang gumagapang na hikbi sa aking lalamunan. Mariin kong kinagat ang aking labi.

Matagal akong tinitigan ni Riley, binabasa ang aking reaksyon at wala akong nagawa upang itago iyon sa kanya. Nakuha niya agad ang ibig sabihin ng kinikilos ko ngayon. Now he knows, too.

Nang makuntento sa nalaman sa pamamagitan lang ng pagtitig ay tumango siya.

"Dito ka nalang maghintay. Kunin ko lang ang kotse," aniya saka tumalikod. Hindi na niya nakita ang pagtango ko.

Umupo ako sa sidewalk at tumunganga. Mas mabuting blanko ang isip ko kesa sa may laman at iaanod lang pabalik sa kanina.

Hindi na naman siguro ako hahanapin ni Jaxon. Sa dami ng maiingkwentro niyang bisita ay mawawala na ako sa isip niya. He's too happy tonight to even think about me. Mahal na naman pala niya si Gwyneth, kaya wala na siyang aalahanin pa.

Ang ikinabahala ko lang ay hindi ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos.

Mas masakit ang magpaalam. Kaya mas mabuting manahimik na lang.

Kinuha ko ang aking cellphone saka pinatay ito. Tatawag siya panigurado at hindi ako handa. Mag-huhukay pa ako ng rason sa biglaan kong pag-alis.

Huminto ang itim na kotse sa tapat ko. This is Riley's for sure. Tumayo ako't nagpagpag saka umikot sa front seat. Pinatakbo agad ni Riley ang sasakyan pagkasakay ko.

Komportable ako sa katahimikang binahagi ni Riley. I'm thankful he's a silent type. Wala rin naman akong ganang magsalita ngayon. Salungat sa utak kong ganadong mag-isip.

Binalik ako nito kanina. The balloon, our picture that I couldn't keep, iyong parang bata niyang ngisi habang tinignan ang balloon, iyong paglagay niya ng cap sa ulo ko like I was one of those who became a big part of his achievement...

Memories triggered fucking tears. Tinagilid ko ang aking ulo sa bintana at tahimik na pinunasan ang naglandas na luha.

"Jaxon knows?"

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Riley sa tanong niya. Jaxon knows what? Na uuwi ako, o mahal ko siya?

Umiling ako at suminghot. 'Hindi' rin naman ang sagot sa parehong tanong.

Wala nang naging palitan ng mga salita at reaksyon pagkatapos kong sabihin ang subdivision na tinitirhan ko. It's either Riley respects my need of silence, o hindi lang talaga siya palasalita ngayon.

Tinuro ko ang bahay nina Angelov kung saan sa gilid nun ay ang inuupahan ko.

"Mum's the word?" tanong niya pagkatapos iparada ang kotse.

Tamad umangat ng ngiti ang labi ko. "Alam ni Evan at Denver."

Nag- ring ang cellphone ni Riley. May kung anong elemento ang pinipilit akong idikit sa upuan at ayaw pa akong palabasin ng sasakyan. Dapat lumabas na ako!

"Hello, Jax?"

Tumitig si Riley sa akin habang pinapakinggan ang nasa kabilang linya. Sanay na ako sa malamig niyang tingin. Normal na iyan sa kanya.

"Hindi ko alam. May kinuha ako sa bahay at babalik din agad. Why? Wala siya diyan?" Umangat ang labi niya.

Ngumuso siya at naningkit ang striktong mga mata. "Tawagan mo na lang. Pabalik na ako."

Sandaling nanatili ang phone sa tenga niya saka siya tumango at natapos ang tawag.

"He's looking for you," aniya habang nagtitipa ng mensahe.

Kaunti lang ang inalsa ng aking pakiramdam. Mas mabigat pa rin ang sakit kaya nadaganan ang kaginhawaan. Nandito pa rin ang hukay sa kalamnan ko.

"Salamat. Pasensya na sa abala," sabi ko saka bumaba na.

Tinanaw ko muna ang paglabas ng kotse sa subdivision bago ako tuluyang pumasok sa bahay.

Pagod akong sumampa sa kama. Dinirekta ang paningin ko sa glow in the dark sa kisame. Matagal ko iyong tinitigan at sa 'di malamang dahilan ay bumagsak ang luha sa gilid ng aking mga mata. Tumayo ako't pumasok sa banyo upang makapaghilamos.

Nag-angat ako ng tingin sa salamin at hinarap ang walang make-up kong mukha. My eyes are deep and hollow. The dark shadows underneath speaks volumes. Hinaplos ko rin ang pink kong buhok. Everything is just a façade. The edge of dark make-up, gone. This is the real me. Raw and empty.

Pumikit ako't hindi na nagbalik tingin sa salamin sa pagsampa ko muli sa kama. Binuksan ko ang cellphone at binati ng samo't saring unread messages at missed calls. Binura ko lahat at kinontak si Tori.

Namumuo na ang aking hikbi habang nagri-ring. Mababaliw yata ako kapag wala akong mapagsabihan nito. I have to let this out bago ako sumabog.

"Dabeng!"

Nagsalita si Nolan sa kabilang linya. May ingay rin ng tv. Natigil ang hagikhik ni Tori nang magsalita ako. Hindi naman kasi maipagkakaila ang aking tono.

"Tori...I'm just a friend. Ayaw kong iyakan. Wala namang kami, bakit ako iiyak?" sabi ko habang nagpupunas ng luha.

Gusto kong pagtawanan ang sarili. Para akong baliw na umiiyak at nagpumilit tumawa. But the hurt never subsides! Dumidikit ito at pinipiga ang puso ko pati na tear glands ko.

"You're in love with him, Dabeng. Oh my God. You don't cry for someone you don't love! I knew you love me dahil teary eyed ka noong nagtampo ako sa 'yo..."

Napangiti ako habang inaalala iyon. Ayaw ko kasing tanggapin ang binigay niyang mga make-up sa 'kin.

"Dabeng, ang mga taong nasasaktan ay may karapatang umiyak. So you have all the right to cry over him. Ang bawal lang ay ang lumagpas ang gagawin mo sa pagkakaibigan niyo lalo na't may karelasyon siya. But the rest, go! Do it. Love him all you want, cry all you want because you have the right. Because you love him. Because you're hurting."

Umiling ako. "Ayoko...I can hurt all I want, too?"

"Hindi. Iwas nalang, Dabeng," malungkot niyang sabi.

That sums up every advice that anyone could give me. Iwas. Distansya. Dapat noon pa.

Siguro kung nagawa ko lang iyon ay hindi ako mahahantong sa ganito. Kung alam kong dito ako dadalhin ng nararamdaman ko, inipon ko na sana lahat ng lakas sa mundo upang makaiwas.

Pero nagpatianod ako sa atraksyon ko sa kanya. Ako ang bumitaw sa lubid na maglalayo sana sa amin at nahila niya ako.

"Do you want me to go there? Pupunta kami diyan ni Nolan..."

Mahina silang nag-uusap ni Nolan, siguro tungkol sa planong puntahan ako.

Umiling ako kahit hindi niya nakikita iyon. Ayokong sirain ang saya nila na pinutol ko kani-kanina lamang.

"It's okay, Tori. Salamat. Matutulog na rin ako...."

Hindi ako sigurado kung makakatulog nga ba ako. Pain can make you insomniac.

Tinapos ko na ang tawag sa kabila ng pagpilit nilang puntahan ako. Napilit ko rin silang huwag na noong sinabi kong makikipagkita ako sa kanila this week.

Mas marami pa akong dapat problemahin kesa sa pagmamahal na ito. May mga kaibigan akong kailangan ang tulong ko at hindi ko alam kung magagawa ko dahil katulad ko, nawalan sila, nasaktan, lumihis ng landas, hinuhusgahan.

Hindi sapat ang mga salita upang pagaanin ang loob nila. Hindi kami magkatulad na kaya nilang bumangon galing sa pagkakabagsak dahil lumaki silang may nagmamalasakit sa kanila. Mahirap tumakas sa nakasanayan mo na. Sanay silang may nagmamahal sa kanila.

Mahal ko si Jax, pero hanggang doon lang iyon sa pagmamahal ko sa kanya. Hindi nito kayang abutin siya, hindi nito kayang bumanat sa puntong maibabalik niya sa 'kin ang pagmamahal na iyon.

Noong una naisip ko na hindi sapat ang nararamdaman ko, dahil bakit hindi niya maibalik? Bakit walang reaksyon? Siguro nilagpasan siya nun at binalikan ako ng pagmamahal ko sa kanya na hindi dala ang pagmamahal niya sa akin dahil may pasan siyang pagmamahal para sa iba.

Hindi niya kayang pasanin ang nararamdaman ko. Masyado yatang mabigat.

Sinuko ko na lahat sa isang buo at gigil na paghagulhol. Accepting that I'm hurting means I'm giving in to the depth on how I feel for him. Wala na akong pagkakapitan. Hulog na hulog na ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro