TWENTY FOUR
Umuwi si mama dalawang araw matapos ko siyang makita sa mall. Wala siyang binanggit tungkol doon. Hell, she won't even make eye contact to me. It's not guilt. I'm a stranger to her. Or worst, a ghost.
Maybe I could never earn her love back. Or I could never earn her love at all. Memories of maternal affection was tamped down. Kung meron mang masasayang nangyari sa amin ni mama, natatakpan na nang mga araw na sinasaktan niya ako.
Physical pain is a crock of shit. It's superficial. Emotional ones dig the deepest. Mas pipiliin ko pang magkandasugat sugat ang buong katawan ko kesa ang itakwil ng sarili kong ina. I made that bargain with God, but I think He has other plans.
I call my friends or 'my people' a family. Pero iba pa rin talaga kapag totoong pamilya. The blood related. O baka iba lang para sa akin dahil ito ang pinagkait. Hinahangad natin kung anong wala tayo. Meron din namang meron ako na hinahangad ng iba. We would never really get satisfied as long as we live.
This is what I hate the most. The urge to seek for more even when we already have enough.
I don't know if I could still call that motivational drive or selfishness.
Hindi na nalaman ni Jaxon ang dahilan ko. He just let me cry in his arms and shoulders. Hindi na rin niya ako pinilit na sabihin sa kanya. He understood, and that's what only matters to me.
Binisita ko si lola sa St. Camilus at inasahang kakamustahin niya si mama. Hinanda ko na ang isusumbong ko tungkol sa kanya ngunit tulog siya nang maabutan ko.
"Nakikipagtawanan pa iyan sa ibang matatanda sa labas. Hinintay ka yata..." pahayag ni nurse Gemma.
"Sayang, nag-praktis pa naman akong maipanalo ang chess game namin," biro ko.
Nilapag ko na lang ang dala kong banana cue sa bedside table para malaman niyang bumisita ako.
Mas naging abala ako dahil sa papalapit naming graduation. Minsan na rin kaming nagkikita ni Tori dahil iba ang inaaplayan niyang OJT. Sila ni Nolan ang magkasama. Mas lalo akong na-stress dahil sa hindi ko matapos tapos na portfolio na siyang requirement.
Hindi naman sa tinamad ako, hindi lang inspired. I don't treat art that way na gagawin ko lang dahil kailangan. I create art because I love to, not because I have to. Pero wala namang pake ang eskwelahan kung inspired ka o hindi basta makapasa ka lang ng requirements!
Ni wala nga akong ganang mag-tattoo kaya ako muna ang assign ngayon sa counter. Abala si Charlie sa pagpi-piercing sa lalakeng customer na may Mohawk na buhok. Tungkol sa babae ang pinag-uusapan nila.
Inabot ko ang tuner ng stereo na nasa gilid lang ng PC. Nilipat ko ang station at huminto sa mga nagpapatugtog ng 90's songs.
"Charliemagno! Ako sunod ha? Sa pusod," sabi ko, nasa counter top ang pinagkrus kong mga paa habang nakatingala, umaasang mahahanap ko sa kisame ang mood kong gumawa ng art.
I need it like my body needs blood. Para sa portfolio. Para sa toga!
Lumabas si Angelov sa kanyang workroom. Hindi ko siya nilubayan ng tingin hanggang makapasok siya sa banyo. Nag-lock siya ng pinto.
Lately napapansin kong may nag-iba. Hindi na nga siya pumapasok sa OJT. He's tied up on some furtive things. Noong una ay naiintindihan ko pa lalo na't kakamatay pa lang ng mama niya dalawang buwan na ang nakakaraan. Pero habang tumatagal, he's slowly...drifting away from us.
May ideya na ako kung anong meron sa kanya, tinatanggi ko lang. Ayaw kong tanggapin dahil kaibigan ko siya. Pinapanatili ko ang aking paniniwala na hindi niya iyon magagawa.
But his off-movements speak for themselves. And he's Angelov. He's dark like that. Wala na akong nakikitang emosyon sa mga mata niya. Mas lalo siyang nagiging intense.
Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin siya lumabas. Nakupirma lang nito ang hinala ko.
Nagpasalamat na ang customer ni Charlemagne at nagtungo sa harap ng counter upang magbayad. Binigay ko sa kanya ang sukli ng kanyang isang libo. Hinintay ko muna siyang makalabas bago ko pinuntahan si Charlie sa workroom niya.
"Bakit?" untag niya habang naglilinis ng mga gamit.
Sumilip muna ako sa cr bago siya binalikan. Umupo ako sa reclining chair upang masimulan na ang pag-piercing.
"Wala ka bang napapansin kay Angelov?" mahina kong tanong at maingat.
Tumingin siya sa labas saka binalikan ang binubutingting sa work table. "Wala naman. Bakit?"
"Sure ka?"
Walang aliw siyang ngumisi. "Alam mo naman niyang si Angelov, mas naiintindihan ko pa ang drawing niya kesa sa utak niya."
Knowing Charlie, he doesn't really judge right away unless nasa harap na niya ang ebidensya. Kaya hindi niya nakikita ang nag-iba sa kaibigan namin sa kabila ng haba ng panahon ng samahan nila. They were already close friends before I came in the picture.
"Sinisisi pa rin ba niya ang sarili tungkol sa mama niya? Ayos na ba kayo nina Lemuel?" usisa ko.
Nanigas ang balikat niya. Kaharap ko ang kanyang likod kaya hindi ko makita ang kanyang ekspresyon.
"Hindi na ako naglalapit sa kanila, Vin," malamig niyang sabi. "Pati si Angelov lumalayo na rin pagkatapos mamatay ni tita Angelique. Kung hindi siya close sa kanila, hindi siya pag-iinitan ng mga kaaway nina Lemuel."
Tumatango ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan may madamay pang ibang tao. Angelov's mother, to be honest, was better than my mother. Sa pagkakaalala ko, dalawa o tatlong beses ko pa lang siyang nakasalamuha and I could already say that she's one fine amazing woman. Iniwan nga lang ng Kastila niyang asawa na ama ni Angelov. And now she's dead.
Why do most good people suffer worse than the bad ones? Most bad people live with comfort. Dahil ba mas agresibo silang makuha ang gusto nila?
Humarap na si Charlie at lumapit sa akin. Nakasuot na siya ng itim na gloves at hawak ang cotton bud. Tinaas ko na ang aking shirt sapat upang malinisan ang pusod kong paglalagyan ng piercing.
Pagkatapos maglinis ay dinispatsa na niya ang bus saka kinuha ang clamp para guide sa pagbutas ng aking tiyan.
"Masakit ba?" tanong ko.
Nagkibit balikat siya. "Mas masakit yata ang tattoo."
Walang niisang tattoo si Charlie. Kahit piercing ay nada. Negosyo lang talaga ang habol niya rito sa tattoo parlor.
Bumukas ang pinto ng banyo at agad sumingaw ang amoy ng sigarilyo. Kapwa kami natigil ni Charlie. Pinakiramdaman namin ang presensya ni Angelov. Nasa bukana ang paningin namin, inaabangan ang kanyang pagdaan.
Sumisinghot-singhot siya papasok sa kanyang workroom. Sandali pa kaming nanahimik, pinapakinggan ang kilos niya sa kabilang kwarto. Lumangitngit ang reclining chair, siguro umupo siya. Wala naman kasi siyang customer ngayon.
"Pakiramdam ko gumagamit siya. Ganyan si mama,e." Hininaan ko ang aking boses.
Tiningnan ako ni Charlie at kita ko ang sumisingaw niyang kaba.
Tumitig ako sa pader na naghihiwalay sa dalawang workrooms. "Ang tagal niya kaya sa cr."
Dahan-dahang nilalapit ni Charlie ang clamp sa aking belly button. Sa kapal ng tensyon ay atleast nagbigay ng komportableng pakiramdam ang lamig ng alcohol sa aking balat.
"Baka naman iba ang ginagawa niya." Bahagya siyang tumawa pero alam kong pilit lang. May kaba sa tono niya.
"Seryoso, Charlie." Napailing ako. "Kakausapin ko iyan mamaya."
Sana lang mapatigil ko siya. Sana hindi siya katulad ni mama.
"Mahihirapan ka lang, Vin. Hindi mo nga napatigil mama mo, si Angelov pa kaya? You know how stubborn he is," ani Charlie.
Susubukan ko lang naman. Tsaka magkaiba si Angelov at mama. He seems normal, kaya malaking bahagi sa akin ang umaasang lalayo siya sa kung ano mang bisyo niya.
Tumunog ang chimes sa entrance kaya naudlot na naman ang procedure. Lalabas na sana si Charlie upang salubungin ang customer nang biglang sumulpot si Jaxon na napahinto sa hallway pagkakitang nasa workroom ako ni Charlie. Akala niya siguro ay nasa workroom ko ako.
Hindi na kami masyadong nagkikita kapag weekdays dahil wala ako sa school. Hindi ko inasahan na magpapakita siya ngayon, I mean...ano bang meron? Ordinaryong araw lang naman 'to so I don't see why he's here.
Tila sinasakal ako ng sarili kong balat dahil sa sumisikip na pakiramdam. Hinuhukay ko pa sa utak ko ang rason. Umabot na sa underground ang hukay at wala pa rin akong nakuha.
Kalmado siyang pumasok at may dala pang paperbag. Ano na naman kaya iyan? Noong huli naming pagkikita ay kinuha niya ang luma kong boots at dinala sa station building kung saan siya nago-OJT. Tinupad niya ang sinabing ido-donate niya ang luma kong sapatos. It's for a good cause kaya hinayaan ko siya.
Halos mag-isang linya ang kilay niya pagkakita sa nakaangat kong shirt at lalo na sa kamay ni Charlie na binalikan ika-clamp na ang pusod ko.
"Anong ginagawa mo?" marahas niyang binaba ang shirt ko.
Tarantang nag-angat ng tingin si Charlie at bahagyang lumayo. Mukha siyang batang pinagalitan dahil nakabasag ng baso.
"Magpapa-piercing ako!" Muli kong inangat ang aking shirt pero binaba ulit ni Jaxon.
"May piercing ka na! Bakit kailangan mo pa dagdagan?" inis niyang sabi. Dinutdot niya ang stud piercing ko sa ilong.
Hinawi ko ang kamay niya. Nagtagisan kami ng tingin. Mahigpit na nag-isang linya ang kanyang labi. Naalala ko tuloy ang striktong mukha ng pinsan niyang si Riley sa tingin na tinatapon niya sa akin ngayon.
Despite his soft eyes, he can be as intense as a thunder when irritated.
Una akong nag-iwas dahil hindi ko kinaya ang bigat ng tingin niya. Hindi ko kayang pasanin. Nangalay ang mga mata ko sa bigat. Gusto ko siyang titigan hanggang sa mapasa-akin siya pero hindi pwede. Hinding- hindi!
Matiyagang nakatayo si Charlie sa gilid. Awkward niyang pinaglalaruan ang tela sa worktable niya.
"Bakit ka ba nandito? Linggo ngayon, a?" sabi ko nalang kay Jax.
"Oo nga. Tapos bukas, Monday," pamimilosopo niya. Naghila siya ng isang silya sa tabi ng worktable at pinuwesto sa gilid ng hinihigaan kong reclining chair.
Umupo siya kasabay ang paglapag sa dalang paperbag.
Napairap ako. Sumenyas ako kay Charlie na ipagpatuloy ang pagbutas sa aking tiyan. Medyo naluha pa ako dahil sa pumasok na eyelash sa kaliwa kong mata.
"Vin," may pagsusumamo sa tawag ni Jaxon.
Natatawa ako siyang nilingon. "Ano? E 'di huwag kang manood!"
Sinimulan na ni Charlie ang pagbutas. Pinahinga niya ako ng malalim sabay clamp. Napangiwi ako at napasinghap. Mariin kong kinagat ang labi at pinikit ang mga mata.
Magandang dahilan ito para hindi ko na rin ulit matignan si Jax. Pakiramdam ko bawat lapat ng paningin ko sa kanya ay palalim ako nang palalim sa hukay ng nararamdaman ko.
Nakakatakot sa sobrang lalim dahil alam kong wala akong hagdan pabalik sa taas.
Nakaka-adik, tinumbasan pa nga yata ang paghithit ng droga ni mama.
Kaya hila-tulak ako sa kanya. Hinihila ko ang sarili palayo para bumuo ng distansya. I burn some parts of the bridges to create a distance. Pero minsan hindi ko mapigilang maitulak ang sarili ko palapit.
I tried to defy the gravity. But man, he's a magnet.
"Shit!" Napangiwi si Jax at pikit matang nag-iwas tingin sa tiyan ko nang pinasok na ang needle kasabay ng piercing jewelry. Naka-clamp pa rin ang belly button ko.
Nagtawanan kami ni Charlemagne. Mas mukhang takot si Jax habang pinapanood ang procedure. When in fact, this only paled in comparison to having a tattoo. Mas masakit kaya iyon!
"Saan ka ba galing?" tanong ko at pinasidahan siya. Nakabahagi ang kanyang binti at nasa gitna ang mga kamay niyang hawak pa rin ang handle ng paperbag na nakalapag sa sahig.
Lumuwa ang kanyang biceps sa suot na white sando at turquoise cargo shorts. He's only in his sandals. Ang linis ng mga kuko niya sa paa! The hair on his legs made him more manly.
O, Vin, akala ko hindi na tititigan? Ipokrita! Traydor ang mga mata ko!
"Kulang na lang sa'yo salbabida, a?" biro ko sa kanya.
Tinignan niya ang sarili saka ngumisi. May pinagpag siyang dumi sa bandang dibdib niya. "Galing akong gym."
Hmm...kaya pala kanina ko pa naaamoy ang pakalat-kalat na bango ng kanyang bodywash. Siguro nag-shower siya roon.
"Ikaw lang mag-isa? Si Denver?" muli kong tanong.
Hindi siya sumagot kaya nilingon ko. Kinunutan niya ng noo ang ginagawa na ngayon ni Charlie sa pusod ko. Tinignan ko na rin iyon at nakita ang finish product. Ganon lang kadali?
Kinalabit ko siya sa binti ngunit hindi talaga siya nag-aalis ng tingin sa mga kamay ni Charlie na naga-after care na sa aking tiyan.
"Pinauwi ko..." wala sa sariling sabi ni Jax.
"Ba't mo pinauwi? Paniguradong nagmaktol iyon dahil hindi nakagala. Lakwatsero pa naman iyon."
Tinignan na niya ako at mas nagsalubong lang ang kanyang kilay. Minsan naging kamukha niya si Denver sa ganyang ekspresyon. Malaki ang kontribusyon ng hairstyle niya. That made him even more...sexy?
"Bakit ba siya ang pinag-uusapan natin?" Nababakas ko sa kanya ang inis. Don't tell me nag-away na naman sila?
"Kasi siya ang wala rito," agaran kong sabi. Mahinang natawa si Charlie na nag-alis na nang gloves.
"Ayusin mo 'yan Charlie," biro kong banta. "Huwag kang tatawa tawa diyan."
Mas lalo lang siyang natawa.
Haay...hindi dapat ako nagsasaya ngayon dahil hindi pa ako tapos sa portfolio!
"Ba't 'di mo pala sinama ang girlfriend mo?" Tinago ko ang pait sa aking tono.
Sumipol si Charlie. Saglit niya akong nilingon upang ipakita ang pagta-taas niya ng kilay. Umiling siya't binalikan ang ginagawa.
"Review class," tugon ni Jaxon.
"Oo nga pala. After nun, wala na kayong gagawin?" tanong ko nang may mapag-usapan. Ba't ba bigla akong dumaldal ngayon? I'm not this interrogative.
Again, Jaxon's making a vow of silence. Nang binalingan ko'y seryoso siyang nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit. Para bang may mali akong nasabi.
Ano nga bang mali? Normal lang naman ang naging untag ko. Alangan namang itanong ko kung naghiwalay na sila. Iyon ang gusto niya?
Umigting ang panga niya bago sumagot. "Gabi na sila natatapos kaya pagod na siya pagkauwi."
"Hindi mo ba siya ihahatid pauwi mamaya?" patuloy kong tanong.
Iyon naman ang gawain niya. Boyfriend duties. Sa term pa ni Denver, 'Butler duties' since bossy raw masyado si Gwyneth kay Jaxon.
Meaning...under siya? Kung si Jaxon ay may batas, aba'y si Gwyneth ang Korte Suprema!
Kaya ayaw kong utusan si Jaxon,e. Galing pa kasi siya sa duty niya kay Gwyneth. Extra OJT service. Kawawa naman iyong tao, apat na taon na ngang nanligaw.
"Bakit ba ibang tao ang pinag-uusapan natin?" Sinundan niya ito ng buntong hininga at inadjust ang pagkakaupo.
"E sino ba pag-uusapan natin? O, si Charlie." Ngisi akong pumalakpak. "Alam mo si Charlie? Hindi pa naka-get over sa ginintuang pag-ibig niya kay Tori! May kakilala ka bang chicks? Iyong marunong manligaw, a? Wala kasing alam 'to, e."
Mahinang hinampas ni Charlie ang tiyan ko sabay mura. Sobrang bukaka ng bibig ko sa pagtawa.
"Hindi ka ba kumakain? Your stomache's too flat," puna ni Jaxon.
Dalawang kilay ko ang umangat. So ito ang gusto niyang pag-usapan, ang tiyan ko? Kailan pa naging magandang topic ang tiyan?
"Huwag ka, may abs to!" Hinaplos ko ang aking tiyan.
Hindi ko pa binababa ang shirt ko dahil mahapdi ang after effect ng pagbutas. Ilang days pa raw bago mapawi kaya hindi muna ako magsusuot ng mga tight shirts.
"That's not abs, those are your muscles. Ang payat mo kasi," ani Jaxon.
Inabot ko ang shirt ni Jax at inangat nang kaunti. Holy hell! May biglang kumiliti sa tiyan ko.
Huli na nang pagsisihan ko ang aking ginawa. I acted without even thinking a tad. Nagmumukha akong manyak! But Jaxon's just sitting there na as if hindi ko pinagnanasaan ang abs niya. He's not that overly conceited. Nanigas pa nga siya sa kinauupuan.
It's not the clichéd six pack or eight pack but it is very toned and firm enough to be called 'abs'. May indention, bumps at V-line. This masterpiece surely overqualifes to be in fucking GQ!
Hindi ko pinahalata sobrang apektado ako. Because, heck! Who would not call sweating as being not affected?
"O Charlie, hindi ka ba nainggit?" Pinakita ko sa kanya ang abs ni Jax bago binaba ang shirt . "Puro bumps 'yung tiyan ni Jaxon. Si Angelov meron din. Ikaw? Wala kang abs. Pilikmata mo lang yata ang puhunan mo, e."
Hinaplos ni Charlie ang tiyan niya saka pinagpatuloy ang pagliligpit ng gamit. "Flat naman tiyan ko. Okay na 'to."
"Pero may umbok sa puson!"
Sumabog ang tawanan namin.
"Atleast may happy trail!" giit pa niya.
Bigla kaming natahimik nang marinig ang tunog ng chimes. Patay na rin ang tugtog sa stereo. Sunod umigting sa aming pandinig ang ugong ng pick-up ni Angelov at ang pag-alis nito.
"O, saan na papunta 'yung crush mo?" Kaswal ang pagkakatanong ni Charlie. Nahimigan ko iyon ng kuriosidad ang pagdududa.
"Baka kakain, uwi bahay o...Samara. Nasa tatlo lang..."
Wala na sa aming nagsalita pagkatapos. Si Jaxon lang na nagtatanong kung kumain na kami. Sa tingin ko pagkain ang laman ng paperbag.
Ang hilig niyang magdala ng pagkain. Parang may dinadalaw lang. Mukha ba 'tong ospital?
Gusto ko ulit linisin ang pusod ko kaya nanghingi ako ng cotton buds na may alcohol.
Nagpaalam si Charlie na umuwi saglit upang kumain ng lunch. Nagpaiwan ako dahil tapos na rin naman akong kumain at para may bantay rin dito sa parlor. Iyon nga lang, wala munang piercing services.
So this leaves me with Jaxon. Kahit malinis na ang pusod ko ay patuloy pa rin ako sa paglilinis nito. Mas lalo tuloy humapdi. Why do we suddenly be at a loss of words when you're with someone you're attracted to?
Hinablot niya ang cotton bud sa aking kamay at tumayo. Tinapon niya ito sa trasch can na nasa ibaba ng worktable.
Nakaramdam ng kakulangan ang kamay ko. Iyong cotton bud lang ang susi ko upang itakwil ang pagka-ilang!
"You like Angelov? Bakit hindi ko alam iyan?"
Mukha pa siyang nagtampo sa tono niya.
"Hindi ka nagtanong." At hindi naman niya kailangang malaman. Why is he interested by the way?
I guess this same goes with me asking about Gwyneth. But his interrogation bordered in curiousity than asking for the sake of conversation.
"Does he know?" patuloy niyang usisa.
Tumango ako. Hindi sikreto iyon, at hindi rin namin siniseryoso. Wala naman kasing dapat ipagtaka kung bakit ako nagkaka-crush sa kanya. Girls dig badboys like him.
"How did he take it? Does he like you back?"
Hindi ko mapigilan ang pag-ikot ng mga mata ko. Ano 'to, Jaxon, interview? Kinareer mo masyado ang pagiging MassCom student mo. Pinagpapraktisan mo yata ako, e.
Walang permiso niyang kinuha ang alcohol na nasa worktable ni Charlie at binuhos sa kanyang palad. Nakatingin siya sa akin sa salamin habang mabagal na tinatakpan ang alcohol at binalik sa table.
Naglakad na siya pabalik sa silya habang kinakalat ang alcohol sa kanyang kamay.
"Bakit bigla ka naging interesado?" ganti kong tanong. Marahil ito ang nararamdan niya nang magkasunod ang mga tanong ko tungkol kay Gwyneth kanina.
"I'm just asking. He likes you back?" ulit niya sa tanong. Tumaas ang tono niya.
So what if he likes me back? Ano naman iyon sa 'yo, Jax? Kainis rin 'to, e.
"Magkaibigan lang kami. May gusto siyang iba." Dulong hibla ng shirt ko ang aking pinaglalaruan.
"Are you hurt?"
Hindi ba talaga siya titigil sa pagtatanong? Walang ibang topic?
"Hindi no! Crush lang iyon, ano ka ba," sabi ko.
Inusog niya ang silya papalapit sa reclining chair. "Paano ka ba nagpapansin sa kanya?"
Nangilabot ako sa hininga niyang tinamaan ang braso ko. Tumindig agad ang aking balahibo na para bang hininga niya ang amo nila't sinusuwelduhan sila.
"Hindi na kailangan. Magkaibigan kami kaya napapansin niya ako. Tsaka kung gusto ko ang tao, hanggang doon lang. I don't pursue."
Maliban sa 'yo, lumagpas pa sa gusto. But still, I don't pursue. I won't!
"Hmm...if you like me, Vin, paano mo ipapakita sa 'kin iyon?" Naging maingat ang tono niya.
Hindi ko siya matignan pero masasabi kong cautious ang paraan ng pagtitig niya. Pinapaso nito ang pisngi ko.
Why, Jaxon? Why ask about this? Sa ibang pagkakataon na naman ba ito? Gumawa na lang kaya tayo ng ibang mundo at doon, pwede maging tayo.
Nanginig ako bigla sa iniisip ko. Mas kiniliti nito ang aking tiyan. Apektado pati piercing ko!
"Depende. How do you like me to show you that I like you?" Tumikhim ako. Pinapatulan ko pa talaga ang mga tanong niya.
"Diskarte mo na iyan. Ikaw ang may gusto, e." Bahagya siyang natawa. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang kaba na nakatago roon.
Hindi ko talaga alam. Wala naman sa bokabularyo kong magpapansin. I can already catch anybody's attention just by the color of my hair and dark make up. No flirtations needed.
"Siguro...I'll appreciate your asset." Siguro lang, I mean, I do that all the time secretely.
"Like what? What's my asset?"
Dinaplisan ko siya ng tingin at nakita ang pagpipigil niya ng ngiti. Gumagalaw pa ang nakanguso niyang labi. Angat ang dalawa niyang kilay habang hinihintay ang sagot ko.
Nag-iisip ako ng pagkakaabalahan para hindi siya matitigan. Kinalabit ang mata ko ng aking lace garter tattoo sa aking binti. I'm wearing my tattered denim shorts.
Binakas ng daliri ko ang malaking ribbon doon sa tattoo.
"Lips mo. Pinkish at mukhamg malambot. Mga mata..." pahina nang pahina ang aking boses. Malalagutan na ako halos ng hininga.
Tinukod ni Jaxon ang mga braso sa binti niya at bahagyang yumuko. Hinila niya ang ilang tassel ng short ko't pinaglaruan. Bumulong ng haplos ang daliri niya sa aking balat.
What the fuck? Manhid ba siya na may epekto sa akin ang ginawa niya?
"How are you going to appreciate my asset?" mahina niyang tanong sa gumagaspang na boses.
Ay naku, bahala ka Jaxon. Kung ito ang gusto mo, hala sige! Bira!
"Compliment...kiss..." wala sa sarili kong sabi. Basta may maisagot lang, iyon na iyon!
"Really?" May panunuya iyon.
Ayoko nang patulan. Tumango ako nang hindi siya tinitignan. Gusto ko nang umalis dito pero hindi ko naman maiangat ang pwet ko paalis sa upuan. What's the problem with my ass right now?
"How about you? How do you like to be appreciated, Vin?" Garalgal na ang kanyang boses.
I shrugged. "Ganon din siguro."
Ulo niyang tumatango ang tinitignan ko. Diniin ko ang aking kuko sa aking binti.
My edgy make-up is just a façade. I'm not that tough. Sa simpleng kagustuhan kong padaanin ang kamay ko sa malambot niyang buhok, mas pinapatunayan ko lang sa sarili kong hindi ako katapang tulad ng inaakala ng iba. Hindi ko man lang magawa ang nais kong haplusin ang buhok niya.
Kaya, pero hindi pwede. Hindi dapat.
Nasa tassel ko pa rin ang mapaglaro niyang mga daliri. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko gumagawa siya ng braid.
"Compliment...kiss...how many boys have kissed you, Vin?" Hindi siya nag-angat ng tingin. Focus siya sa tassel-braid na ngayo'y sigurado akong ginagawa niya.
"None. Sa dark lipstick ko, may gusto bang humalik sa 'kin?" pataray kong sabi.
Napatigil siya at tiningala ako. Mas malapitan kong natitigan ang mga mata niya. It's full of life, wit and gentleness. Could be intense, depends on the circumstance. Oh my soft browns, that's how I like to call them. And that feathery sweep of his long and heavy lashes.
Humantong ang mga mata niya sa labi ko. Buntong hininga siyang umayos ng upo at sumandal sa backrest ng silya na hindi nag-aalis ng tingin doon. Nanatili ang init ng hininga niya sa nasabuyang parte ng katawan ko. It made my hackles rise.
Inangat ko ang kamay ko't tinakpan ang aking bibig. Binaba iyon ni Jaxon.
"Your heart-shaped lips are your asset. So kung ako sa kanila, hahalikan pa rin kita kahit itim ang lipstick mo. Lipstick is just a shade anyway, who knows what's behind that soft lips..."
Electric current made a trip to my every nerves and cells. Natuyo bigla ang labi't lalamunan ko sa sinabi niya. Ang hirap lumunok. Ang pwet ko nama'y namamanhid na sa reclining chair.
Imaginin ko pa lang ang sinabi niya ay parang ginagawa na niya ito sa akin.
"Sa ibang pagkakataon?" mahina kong tanong, hindi sigurado kung dapat ko bang itanong iyon. Hindi pa rin ako pinapakawalan ng kuryente.
Mabagal siyang tumango. "Sa ibang pagkakataon..."
Umigting ang panga niya habang seryosong nakatingin sa labi ko.
Inadjust ko ang pagkakaupo. Umiinit na ang balat ko sa leather ng upuan. Hindi ko alam ang sasabihin. I'm all nerves and shivers. No words. Blanko. Iyon lang ang laman ng utak ko.
"Shut up, Jaxon," matigas kong sabi.
Hinihiling ko na sana tapos nang kumain si Charlie at bumalik na siya rito. Interview with Jaxon is such a sweet torture.
Mariin na ninga-ngatngat ni Jax ang ibabang labi. May kislap sa mga mata niya. Aliw at panunuya.
Sumakit ang bibig ko sa pagpigil ko nitong umangat ng ngiti.
"Shut up," mariin kong ulit.
"I'm shutting up!" natatawa niyang ani. Umalog ang kanyang balikat.
Lumala ang tawa niya nang tinakpan ko na ang mukha ko sa aking mga kamay. Bullshiit! Nanggigil ako sa 'yo Jaxon! Now what?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro