TWENTY FIVE
Pilit tinatanggal ni Jaxon ang kamay kong nakatakip sa aking mukha. Tumatawa pa rin siya na mas lalo lang na nagpakain sa hiya ko. I could have done the opposite. Kaya kong magpanggap na hindi naapektuhan, ngunit ngayon ko lang napagtanto na iyon nga dapat ang ginawa ko.
Umangat ang aking kaluluwa nang sa wakas ay tumunog ang chimes kasunod ang boses ng kumakantang si Charlemagne.
"O, saan ka pupunta?" tanong ni Jaxon nang tumayo ako.
Charlie's voice is my salvation! Like the way of getting out of the trance. Mabilis akong lumabas ng workroom.
Nagtatanong ang mukha ni Charlie nang magkasalubong kami.
"Dito ka lang, Jax. Ikaw na bahala sa kanya Cha," sabi ko. Alam na niya kung saan ako pupunta.
Maliban sa gusto kong makawala kay Jaxon, kailangan ko rin puntahan si Angelov. I'm hitting two birds in one fucking stone!
Ewan ko kung bakit nahiya ako bigla. Tinutugis yata ni Jaxon ang mga nililihim kong sagot sa mga pagtatanong niya kanina. Was that a trap? O sadyang matanong lang talaga siya ngayong araw? Either way, I'm still embarrassed.
Sumenyas lang ako sa guard ng subdivision at pinapasok na ako. Kilala naman niya kami, tumatambay pa iyan minsan sa tattoo parlor. Nagbaka sakali akong nasa bahay nila si Angelov kaya doon ko naisipaing tumungo.
Natatanaw ko ang pick-up niya dahilan upang ako'y mapatakbo hanggang nasa harap na ako ng pinto.
Walang sumagot nang ako'y kumatok kaya dahan dahan kong inikot ang doorknob. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Siguro ayaw kong may madatnan na hindi ko gustong makita.
Ang dilim ng bahay nila kahit umaga. Mukhang ilang taon nang hindi tinitirhan. Maybe it has something to do with the emptiness, like how I always find Angelov for these past few days. Wala nang kabuhay -buhay.
"Lov..."
Kalat sa mesa ang mga ubos na bote ng beer at upos ng sigarilyo. Ang hirap huminga! Parang alikabok ang nalalanghap ko sa bawat pasok ng hangin sa aking ilong. Ang mga picture frames sa isang shelf ay nakataob lahat. Kumikirot ang puso ko sa nakita.
Lumabas si Angelov galing sa kusina nila. Sandali niya lang akong tinignan saka yumukong nagtungo sa sofa. Gulong-gulo ang kanyang buhok at ang band shirt niyang yumakap sa lean niyang katawan noon ay medyo lumuluwang na ngayon. I don't call him skinny, he just lost some weight.
His piercings and tattooes are still intact, making him all kinds of bad.
"Bakit ka nandito?" malamig niyang tanong at sumampa sa sofa.
Kinuha niya ang box ng Marlboro sa mesa at tinaktak sa palad niya. Humugot siya ng isa sa mga stick na lumabas at nilagay sa kanyang bibig. He lit the stick with a white lighter.
Kunot noo siyang humugot ng hangin at bumuga ng usok. Dinala niya ang tingin na iyon sa 'kin. He's not the same friend we used to know.
Muli kong tinignan ang mesa. No trace of any illegal possession. I know better. Tinatago ni mama sa kwarto ang mga stash niya and It's no different with Angelov. Dinaplisan ko ng tingin ang kwartong maaaring pinagtaguan ng mga stash niya.
"Lov, tapatin mo nga ako." Lumingon ako sa likod upang tignan kung may ibang tao. Binalikan ko si Angelov sa naniningkit kong mga mata. "Are you on drugs?"
Hindi man lang siya nagulat sa tanong ko. Patuloy siya sa pagbuga ng usok. He's not even using vape anymore. It's all cigarettes and who knows kung anong meron sa sigarilyo niya.
His eyes, all hollowed and glazed, stared back at me.
Nagbaba siya ng tingin at sinuklay ang magulo niyang buhok. Bumabalik ang hibla sa kanyang noo, ayaw sumunod sa direksyon ng pagsuklay ng kanyang kamay. Tamad siyang sumandal sa sofa.
"Alam mo naman pala, nagtanong ka pa." Tumutusok ulit ang lamig sa kanyang boses.
Pumapalo ang sakit sa dibdib ko dahil naalala ko si mama sa tono niya. What they have been taking really makes them numb with other people's feelings. It's a division, making relationships turned into being strangers to each other.
"Bakit nagkakaganyan ka, Lov? Alam naming nagluluksa ka pa sa pagkawala ng mama mo pero...huwag naman ganito. Pwede kang magluksa pero hindi sa ganitong paraan."
Kinuha niya ang sigarilyo't inipit sa isang daliri. Frustrated na hinilamos ng kabila niyang kamay ang mukha niya kasunod ang paghilot niya sa kanyang mga mata.
"Hindi mo ako naiintindihan," nanggigigil niyang sabi. "I'm not only mourning, Davina." Inis niyang kinamot ang buhok at tumingin sa akin sa namumungay niyang mga mata. He's a broken man. "Look, I trust you as my friend. Pero hindi niyo na problema ang problema ko, okay? Just let me. You can't save me."
Bigong-bigo ang itsura niya. Tila natalo sa isang malaking laban at sumusuko na siya.
Kung ganito lang ang ginagawa niya, how was he able to provide for himself? Saan siya kumukuha ng panggastos? He's not even studying anymore! Sayang. Sabay pa naman sana kaming ga-graduate.
"Gusto mo bang mamatay? Sige, humithit ka sa harap ng Mayor. Tignan natin kung hindi iyon magpatawag ng pulis at paputukan iyang ulo mo!" sermon ko, nangilabot ako sa sinabi.
Mapait siyang tumawa. "I don't need to die, Vin. I just have to suffer."
Mabigat akong nagpakawala ng hangin. Out of all the choices, why did he have to choose suffering? For what? As a punishment?
Ganito rin ba si mama? Is she punishing herself? Para saan? Bakit kailangan kong madamay?
Humakbang ako papalapit pero nanatiling nakatayo. I'm the higher one here. I'm not here to be a friend anymore. I am here to understand things. Bakit sila gumagamit ng ganito? Kung hindi ko makausap si mama upang ipaintindi sa akin ang lahat, siguro mapapaintindi sa akin ni Angelov.
I don't think people take drugs just for the hell of it. May dahilan. Can drugs do something that other people can't do? Alam nilang mali, ngunit bakit iyon pa ang pinili nila kesa sa mga bagay na hindi nila ikapapahamak?
"Bakit, Angelov...?" Nabasag ang boses ko. Bakit, Ma?
Sapo ang nakayuko niyang ulo habang umuusok pa ang sigarilyo na iniipit ng mga daliri niya, desperado siyang umiling. Hinintay kong may isasagot siya ngunit wala siyang pinatakas na salita.
"Hindi ko nagawang sagipin si mama sa nangyari sa kanya, sana sa pagkakataong ito Angelov hayaan mo kaming pigilan ka.Ilegal iyan. Droga, Angelov! Mapapahamak ka sa ginagawa mo!" bulalas ko.
Marahas niyang inangat ang ulo at sa ginawa niya'y muntik na akong mapaatras. His eyes are still devoid of life. If there is one, that would be intensity because of anger. Iyon ang klaseng pagtitig ang iniipit ako ngayon.
Tinuro niya ako gamit ng mga daliri niyang may sigarilyo. Umigting ang panga niya at doon ko nahalata ang paglubog ng kanyang pisngi. Nanatili ang tuwid kong tindig, hindi nagpapatinag. Hindi niya ako sasaktan.
"This just goes back to you, Vin. You failed saving your mother kaya kung makukuha mong pigilan ako, that would be your redemption, na nagtagumpay ka. And you won't be a failure. See? Human fatal flaw. Selfishness. You don't want to be a failure, so now you don't want to fail saving me not like how you failed saving your mother!"
Marahas ang kanyang pagkakasabi. Iyan lang yata ang hindi nagbago sa kanya. Pero ito ang unang pagkakataon na ginamitan niya ako ng ganyang tono. He only uses that to his adversaries.
Pero hindi lang naman dahil sa pagiging marahas niya. What he just said is a sharp shot to my heart! It rendered me motionless, tila ba may lason ang mga salita at sinisira ang kakayahan kong kumilos.
"Tama ako Davina, 'di ba?" mapaghamon niyang sabi.
Ang arogante niyang ngisi at pag-angat ng isang kilay ay ang nakukumpiyansa niyang reaksyon na may katotohanan ang kanyang sinabi.
Tinanggal niya ang sigarilyo sa bibig at ngumuso sa pagpapakawala ng makapal na usok. Dito napunta lahat ng binuga niya sa direksiyon ko.
Tumalikod ako at mabillis na nagmartsa palabas ng bahay niya. Hindi ko na tinama o kinumpirma ang kanyang sinabi. Hindi na kailangan dahil alam na naman niya. Tumpak niya. Tumpak na tumpak at tinatanggap kong masakit iyon. I'm useless! I couldn't save my mother and now, I failed saving my friend!
Alam kong hindi ko kasalanan dahil sila ang nagdesisiyon na gawin ang mga pagkakamali. Ang sa akin lang, nagkulang ako dahil hindi ko naagapan. Kinukuwestiyon ko kung anong klaseng tao nga ba ako. Am I good enough? Bad?
Kasi pakiramdam ko ang sama ko. Sa buhay na meron ako ngayon kung saan pakiramdam ko'y pinaparusahan ako. Ang sama ko na hindi ko nagawang magsakripisyo para kay mama. Sakripisyo sa sarili para lang matigil na siya. I only suffer, not sacrifice.
Pero ano nga bang gagawin kong pagsasakripisyo upang tumigil na siya? She's relentless! Insurmountable. Bulletproof.
Doon nga ba natutukoy kung anong klaseng tao ka? Kung gagawa ka ng mabuti, mabuti din ang magiging pamumuhay mo? At kung gagawa ka ng masama, magiging masama ang paninirahan mo sa mundo? Ganon nga ba?
I tend to question life in general.
Nakalabas man sa maalikabok na bahay ni Angelov ay hindi nito pinagaan ang aking pakiramdam. Mas bumigat lamang ito dahil wala akong nakuhang sagot. Why can't they just tell me the reason why they choose to do those illegal bullshit than choose to do something more legitimate? Bakit iyon pang isang bagay na alam nilang makakasira sa kanila?
Ayaw pala nilang mamatay. They want to suffer? Hell! We already suffer in life. Life is a struggle. Life already fucks us up!
Umupo ako sa sidewalk, humihingal dahil sa mabilis kong paglalakad at dumagdag pa ang frustration.
I am my mother's daughter. By blood. Angelov's the guy version of me. I am his girl version. Konektado silang dalawa sa akin. Nakapaligid. Halos araw araw ko silang nakakasalamuha. We don't differ that much when it comes to our pasts. We live in the same present time.
Would I be like them? Would I walk the same path? The same direction? The same fate?
I only inherit my mother's face, but not her fate. Not her ways. Not her life. Magtatayo ako ng sariling mapa ng buhay ko at iibahin ang aking landas. I'm not going to end up like her! Kung ano ang puno, magiging ibang bunga ako!
May umupo sa tabi ko. Hindi ko na kailangan lingunin dahil kita ko naman ng sandals niya pati na ang kanyang braso at Fossil na relo na lumilingkis sa kanyang palapulsuhan.
Mas lalo akong nanlumo sa sarili ko. Ang sitwasyon ko ngayon, mas pinapatunayan nito sa akin kung paano ako ibang-iba sa kanya. He lives in a clean environment. I'm in a riotous one.
"Hinding-hindi ako mababagay sa mundo mo, Jaxon. Iba ang ginagalawan kong patag. Puro illegal ang nakapalibot sa akin. Hindi ko naman kasi maiwan dahil alam kong dito ako nababagay. Dito ako sanay. Hindi ko maiwan si mama at ang mga kaibigan ko. Ang mga katulad nila ang tanging tatanggap sa akin," matigas kong sabi.
Bumuntong hininga siya at mas umusog pa. Magkadikit ang mga braso at binti namin. Pati na ang gilid ng aming mga sapatos. Kahit ngayong problemado ako ay hindi nito napipigilan ang epektong meron siya sa akin.
"You don't have to leave them, Vin. You can stay at both worlds. Yours and mine. At hindi ang mga iyan ang makakapaglayo sa akin sa 'yo. You can't make me leave. You can't make me stay away. Kasi nakasanayan ko na ring mamuhay sa mundo mo, Davina. Ayaw kong magbago iyon. I don't want to leave your world, too. And I want to remain being one of your people. I want that to remain constant."
Wala akong maisip sabihin sa naging pahayag niya. Kung gaano nito napapablanko ang utak ko ay salungat sa naging reaksyon ng puso ko. Words in my brain went straight to my heart and turned it into full bottled emotions. It even leaked.
Nag-uumapaw na gusto ko nalang umiyak.
Should I say thank you? But his words didn't ask for a gratitude. Ano nga ba ang hinihingi ng mga sinabi niya? What kind of give back or appreciation?
Ningitian ko siya, at sinigurado kong totoo dahil kulang pa rin ang ngiti bilang bayad. Sobra pa dapat ang matanggap niya.
He's the better one here than me. Kaya siguro mas pinagpala siya.
"Anong gagawin mo sa April 16?" tanong ko.
Humangin nang may dumaang sasakyan at inihipan ang maitim niyang buhok. Kumalat din ang bango niya't sumiksik sa ilong ko.
"Depende kung walang lakad si Gwyneth. Bakit?" Tinanggal niya ang pampusod ko sa buhok at hinawi ang tumakas na hibla. Sinali niya ito nang tinali ulit ang aking buhok.
Walang araw sa pagkikita namin ang hindi binabanggit si Gwyneth kaya nasanay na ako. Sa sobrang sanay parang hindi ko na ramdam ang sakit. Alam ko naman kasing mas prioridad siya kesa sa 'kin. Hamak na kaibigan lang kaya ako.
Kung gusto kong maging first priority, aba'y maging girlfriend muna ako.
Umiling ako at pinagmasdan na lang ang magkatabing boots ko at slip-on sandals niyang gawa sa brown leather. Buti pa ang mga 'to, pwede pang magkatuluyan.
"Wala. Natanong ko lang..."
Ayaw ko nang sabihin. Ayaw ko namang pumapel kung sakaling may lakad sila ni Gwyneth sa araw na iyon. It's a weekend so hindi malayong meron. What I have from Jaxon, it's just probably residual feelings for his admiration towards Gwyneth.
Kaya hindi na ako maghahangad ng mas sobra kung alam ko namang sa huli, sa ibaba pa rin ang bagsak ko. I'll never be the first priority. I'm not bitter, I just accept that this is the extent of my rank on other people's lives.
Kung sino man ang gagawin akong numero uno bilang prioridad, ang sarili ko iyon.
Pumatak ang buwan ng April. It's graduation month kaya mas lalo kaming naging abala. Sa kabutihang palad ay nagawa kong tapusin ang aking mga portfolios at naipasa sa takdang deadline. I was able to make a video, book cover, a band gig poster and some illustrations.
Hindi isinatinig ni mama ang pagtataka niya kung bakit puno ang aming ref at may pagkain na kami sa mesa. She knows nothing about my benefactor. Hindi ko nga alam kung dapat ko siyang hatian sa padalang pera, but I did.
May nilalagay naman akong pera sa kwarto niya. Patago kong ginagawa. Ngunit kadalasan talaga ay ninanakawan niya ako kaya hindi ko na wini-withdraw agad ang mga padala.
Isang linggo bago ang graduation ay sinabihan ko siya tungkol ngayon Sabado. Kumakain siya ng niluto kong de lata at kanin. Sa palagay ko marami siyang pera dahil hindi siya masyadong umaalis ng bahay.
"Graduation mo?" Umismid siya, mukhang nabulunan kahit hindi naman isda ang kinakain niya. "Pwede ka na palang lumayas dito. Mabubuhay naman ako nang wala ka. Mabubuhay ka naman siguro nang wala ako, 'di ba?"
"Hindi po kayo pupunta? Kahit...ngayong graduation lang. Last na naman 'to."
Wala kang pinuntahang niisang graduation ko. Noong mga nakaraang graduations ay nanghiran lang ako ng magulang para may sumabit ng ribbon at medal ko.
Tumayo siya at nilagay ang plato sa hugasan. "Hindi. May lakad ako."
Yumuko ako at tumango. Kahit nasanay na sa pang-ilang pagtanggi niyang pumunta ay pumatak pa rin ang luha ko.
Pagod na akong intindihin kung ano ang naging kasalanan ko sa kanya na sa kahit simpleng kahilingan ko lang ay hindi niya matupad. What is so complicated about attending your only daughter's college graduation?
Kung Cum Laude ako, dadalo kaya siya? I've never been a valedictorian. But I also never fail in my studies. I was an honor student in elementary. Kahit isang recognition day ay wala rin siyang pinuntahan. It's like a parent never exists in my life. At. All.
"Charlie, hindi ba busy papa mo ngayong Sabado? Hindi makakapunta si mama, e."
Inabala ko na ang kaibigan ko tatlong araw bago ang graduation.
Nalukot ang mukha ni Charlie na tinignan ako sa salamin sa harap namin. Sinamahan niya ako sa parlor para magpagupit ng buhok ko at magpakulay na rin. I want a dark pink hair for my graduation. Katabi ko siya na nagpapagupit din.
"Ano ba naman iyang mama mo, Vin. Ina mo ba talaga siya? Parang hindi."
Natawa ang baklang gumugupit sa buhok niya.
Tumahimik na lang ako. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Parang hindi ko siya ina.
"Hindi pwede si papa, e. Nasa Leyte siya ngayon, dadalo sa libing ng kamag-anak niya. Linggo pa ang uwi." Malungkot akong tinignan ni Charlie.
Umusli ang ibabang labi ko. Ngayon pa walang dadalo sa akin na huling graduation ko na sa buhay ko? Kaninong magulang ang hihiramin ko ngayon?
"Ako. Pwede naman sigurong hindi magulang, 'di ba? Ano bang gagawin ko sa Sabado..." Tumingin siya sa taas, nag-iisip. Umiling siya. "Wala naman...so pwede ako. Ayaw mo?"
Tinaas-baba ko ang kilay ko dahil hindi ako makatango. "Sige, ikaw. Okay na."
"Si Jaxon, hindi pwede?" tanong niya sabay bahagyang tawa, nanunuya.
Inirapan ko siya. "May Gwyneth na 'yon."
"So naiintindihan mo na ang nararamdaman ko? Sakit noh?"
Nagtawanan kami dahil totoo. Alam ko na. Iisang bangka na ang sinasakyan namin ni Charlie.
Nang gabing iyon ay nagkita kami ni Angelov. Nabanggit ko sa kanya ang paghahanap ko ng paupahan. Araw araw ako tinatanong ni mama kung kailan pa ako lilipat na para bang hindi na siya makapaghintay na mawala ako sa buhay niya.
Kung saan siya masaya, e 'di iyon ang gagawin ko.
"Iyong katabing bahay sa amin, bakante iyon. Doon ako natutulog kapag nag-aaway sila mama't papa rati," inaantok niyang sabi.
Namumungay ang mga mata niya. Mukhang kakahithit pa lang.
" Hindi ba iyon pauupahan sa iba kasi sa subdivision pa rin iyon?" tanong ko.
"Sa amin iyon. Kung may magtanong, sabihin mo live-in tayo."
Medyo natawa ako. Umangat ang labi niya ngunit bahagya lamang. Atleast Angelov still has a heart to keep himself sane. Atleast he still has a heart! Malaki nga talaga siguro ang nagawa ko kay mama dahil hindi niya ako matrato nang ganito.
"Sabay sana tayong ga-graduate," sabi ko. Nalulungkot ako dahil sayang talaga.
Angelov has a lot of potential. I could say na mas magaling siya kesa sa akin. Mas matalino. Sa maling paraan naman niya ginagamit ang katalinuhan niya.
Tumango lang siya. "Congrats."
Hapon ang schedule namin sa graduation. Sa school lang naman ginaganap dahil hindi kami ganoon karaming mga graphic design students. Sa hallway ng grounds sa school ay nakaposisyon na kami dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na.
Panay ang pakuha ng picture ni Tori. Nautusan pa niya si Charlie. Hindi siya makatingin nang diretso sa kaibigan ko! Struggle na struggle akong hindi siya asarin!
"Dito ka, daddy!" sabi ko sa kanya at hinila siya sa tabi ko para magpakuha ng litrato.
Mukha rin siyang Papa sa suot niya. Pormal na light blue button down at dark jeans.Nakaayos din ang kanyang buhok. Pwede nang magmay-ari ng kompanya! Pa 5-6 na business, Arabo kasi ang beauty niya.
Si Tori ang kumuha ng picture namin habang akbay siya ni Nolan na sinusuot na ang kanyang cap.
"Smile lang, daddy Charlie. Sa camera tumingin, hindi sa taong kumukuha ng litrato," pang-aasar ko sa kanya.
Siniko niya ako saka inakbayan. Nag-pose na rin kami pagkatapos.
Hindi ko tinitignan ang karamihan na nagpapakuha sa kanilang mga magulang. Nakakainggit lang. Ayaw kong mainggit ngayong araw. Graduate na ako, iyon na ang ipinagpapasalamat ko.
Naputol ang pag-uusap namin ni Tori nang kinalabit ako ng kaklase ko.
"May nagpapabigay sa 'yo." Inabutan niya ako ng maliit na box.
"Kanino galing?" pagtataka ako. Inalog ko ang box, munting tunog ang narinig ko.
" 'Yong guard ang nag-abot, e nang pumasok kami. Para sa 'yo raw."
Nagkatinginan kami ni Charlie. Tinango niya ang entrance, hindi ko na kailangang tanungin kung para saan ang senyas niya. Tumakbo ako papunta roon at umaasang maabutan ko pa ang nagpabigay sa akin ng box.
I thought about Jaxon. But then, hindi naman niya alam na graduation ko ngayon. Abot-abot ang kaba ko.
"Kuyang guard! Kanino galing?" Tinaas ko ang box.
Nagkamot siya ng ulo. "Ay nako naka-shades 'di ko kilala. Pero ang gara ng kotse! Mayaman."
"Bata pa ba? Babae or lalake?" tanong ko.
"Matanda na, e. Lalake. Akala ko nga papa mo."
Umakyat yata ang kaluluwa ko. Nanindig ang balahibo ko sa batok. Si papa kaya?
Sinuri ko ang paligid. "Anong itsura niya?"
"Nasa kotse siya nang binigay niya kaya hindi ko masyadong namukhaan."
Bigo man pero nasiyahan pa rin ako. Nabibingi ako sa kalabog ng puso ko. Muntik na, e! Nandito siya! Bakit ba ayaw niyang makipagkita?
Hindi ako mapakali habang binubuksan ang box. Nakapaloob ang isang maliit na gold pouch bag kung saan may maliit na card at nakasulat ang 'Congratulations'. Nanginginig ang mga kamay kong niluwagan ang tali saka nilaglag sa palad ko ang laman.
Isang gold locket necklace ang nahulog sa aking palad. Binuksan ko ito at nakita ang baby picture ko sa gilid at sa kabila ang pictuire ng isang lalake na may maamong mga mata. Medyo hawig ko siya ng ilong at labi.
Lumipad ang kamay ko sa aking bibig kasabay ang pagpapakawala ng hikbi. Nanginginig na rin ang mga tuhod ko.
"Vin..."
Bago pa ako bumagsak ay ay nasalo na ako ni Charlie sa gilid. Nag-aalala niya akong tinignan.
"Charlie, si papa! Narito siya bigay niya 'to!" Nakangisi at humihikbi akong tumalon habang pinapakita sa kanya ang locket.
"Akin na..." Kinuha niya ang locket at pinatalikod ako. Sinuot niya ito sa aking leeg. Nanginginig pa rin ako. Hindi ko mapahinto ang mga luha ko!
Binuksan ko ang locket at pinakita sa guard ang picture ng lalake sa gilid nito.
"Ito ba iyong nagbigay?" Sumisinghot pa ako.
Naningkit ang mga mata niya habang tinitigang mabuti ang litrato. Dahan dahan siyang umiling saka umayos ng tayo.
"Parang hindi, e. Iba hugis ng mukha," aniya.
Napawi ang ngiti ko at sinabay nito ang aking pag-asa. Kung hindi si papa, sino? Baka iyong benefactor ko. Pero bakit may picture siya ni papa? Bakit may picture ko siya? It isn't just a recent one but a baby picture!
Tumigil na ako sa pagluha ngunit pumapaligid pa rin ang emosyon na hindi ko mapangalanan dahil naghalo na lahat. Maybe I'm just overwhelmed. Hindi ako makaiyak nang maigi sa dami ng tao rito ngayon.
Inakbayan ako ni Charlie. "Okay lang, Vin. Atleast alam mong iyan ang itsura ng papa mo. Ang guwapo pala."
Bahagya akong tumawa. Kahit ano pang mga pagbibiro ang sinabi niya upang manumbalik ang mood ko kanina. Sa pagbabalik namin sa gym ay binunot ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe kay Jaxon.
Ewan ko pero gusto ko siyang itext ngayon. Sasabihin ko na rin sigurong graduation ko. Ipapakita ko sa kanya ang picture ni papa.
Ako:
Saan ka ngayon?
Pumipila pa rin kaming mga graduates. Pumwesto na ako sa aking designated line. Hindi ko kilala ang nasa likod at harap ko dahil alphabetical kami. Nasa parents area naman si Charlie at nakipag chikahan sa kakilala niya roon.
Jax:
Ayala. Why?
Lumukso ang pulso ko. Malapit lang sa school. Isang sakay lang!
Excited akong nagtipa ng reply. Sa sobrang sigla at gigil ay napakagat pa ako sa labi ko. Mali pa ang mga napipindot kong letters.
Ako:
Busy ka?
Wala pang sampung segundo ay tumunog muli ang cellphone ko. Ang bilis ng reply, a? Siguro naglakad-lakad lang siya sa Ayala. O kaya ay nakaupo lang, kumakain.
Jax:
Gwyneth. Bakit, Vin?
Tila may bumagsak sa aking kalamnan at nabutas ito. Nakaramdam ako ng panlalamig.
Ako:
Date kayo?
Mabuti na lang at text 'to, hindi niya makikita ang bigo kong mukha.
Hinawakan ko ang locket sa aking kwintas. Hindi ito ang araw na dapat akong mabigo. Graduate na ako, at may remembrance pa ako galing sa ama ko.
Jax:
Yeah. Monthsary.
Fuck! No, No...Vin. Don't be upset! Today's not the day to be upset!
Pero hindi ko mapigilan ang pagdiin ng guwang sa aking tiyan. Mas lalo akong nanlamig. Walang nagawa ang kainitan ng toga ko.
Jax:
Bakit, Vin? Saan ka?
Mariin akong pumikit at nagpakawala ng mabigat na hininga. Bumalik ang emosyon ko kanina. Mas bumigat nga lang ngayon at naiiyak na naman ako. Damn sensitivity!
Nangangatal ang mga kamay kong nagtitipa ng mensahe. Pinatay ko ang cellphone pagkatapos. Tatawagan niya ako panigurado dahil sa naging reply ko.
Ako:
Wala. Nagtanong lang. Enjoy! :D
Pinilit kong hindi na isipin at mas pagtuonan ang okasyon ngayon. Ngunit pilit tumutulak ang paninibugho sa akin pababa. Bakit ba kasi mas naiisip natin ang mga bagay na makakasakit sa atin kesa sa mga masasayang pangyayari? Tangina, bakit?
Sumusuot ang panlalamig sa aking tiyan ngunit umiinit naman ang batok at mukha ko, lalo na ang aking mga mata. Ang bilis na nang aking paghinga. Nangangati ang mga paa kong kumaripas ng takbo sa cr at iiyak lahat!
The more na puwersahin kong pigilan ay doble ang sakit na dumidiin.
Today is April 16. January 16 siya sinagot ni Gwyneth. Naging sila. That's my birthday. Today's my college graduation.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro