TWENTY EIGHT
Tulala ako sa loob ng cubicle. Pinapahupa ko ang alon ng emosyon na binibigwasan ako kani-kanina lamang. I seized this moment to take a breather. Baka sumabog pa ako roon nang wala sa oras. I've already caught attention with my physical get-up, ayokong dagdagan sa pagbi-breakdown ko.
Dapat talaga hindi na ako pumunta. Ako ang nagpapahintulot sa sarili kong masaktan. I could have declined Jaxon tutal may mga nandirito naman para sa kanya. His girlfriend is even here! That alone is already screaming at me that I should be out. Epal lang ako rito.
He could live through the day without my presence. He could still celebrate without me. He's with his family and girlfriend, so parang wala akong kontribusyon dito.
Aalis na ako pagkatapos. Naibigay ko na rin naman ang regalo ko kaya hindi na ako magtatagal.
Lumabas na ako nang makalma. Malalim na buntong hininga ang aking pinalayas habang tinitignan ang sarili sa salamin.
Graduate na nga ako, pati siya, pero pakiramdam ko hindi pa rin pwede. Maliban sa may karelasyon siya, sa estado pa lang ng mga buhay namin, doon ko pinagbabasehan ang aming pagkakaiba. Ang aming agwat sa isa't isa.
Matayog pa rin siya. Tinitingala ko pa rin. This is either a crooked perception regarding myself or a fact that I have already accepted.
Look at you, Davina. Iyan ba ang bagay kay Jaxon? Kahit kaibigan nga lang ay hindi pa rin ako bagay. Hindi ako bagay sa buhay niya.
Then do something, Davina! Do something para maging karapatdapat ka sa kanya!
Bakit pa? He's in a relationship. Bakit ko pa ipipilit ang sarili ko? If I have to change myself, If I have to make myself worthy, I'll do it for myself and not for other people. Oo, magiging inspirasyon ko ang ibang tao para magawa ang hakbang na 'to. But I'll just dedicate this to them, they won't be the reason for my changes.
Panibagong buntong hininga ang aking pinakawalan saka nilabas ang aking lipstick. It's blood red for today. I didn't risk wearing the black one.
Inisang gulo at suklay ko ang aking buhok sa aking kamay at nagmartsa na palabas ng cr. Pumagilid ako sa pagpasok ng magkakaibigang graduates bago ako tumapak palabas.
Nakasandal sa pinaka-gilid ng pader si Jaxon at seryosong pinaglalaruan ang tali ng kanyang balloon. Kumunot ang noo ko. Paano niya nalaman na dito ako nag-cr? Nag-iisang banyo lang ba 'to?
May dumaang patpatin at matangkad na lalake na inabot ang balloon niya saka tinapik. Nag-angat ng tingin si Jax at tinanguan ang lalake. Sandali silang nag-usap. Classmates maybe.
The lanky guy is blocking me from Jax's sight, kaya nang umalis siya'y nakita ako ni Jaxon. Ilang beses pa siyang kumurap bago makumpiramang ako ang nakita niya. Hinila niya ang sarili paalis sa pader at nilapitan ako.
I could never get over his art of walking with confidence. He's capable of being shy, pero ang lakad niya'y nagsusumigaw na para bang siya ang hari ng daan. Kahit may balloon na sumasabay sa galaw ng kanyang kamay habang naglalakad, hindi ito magiging isang turn-off.
It's like he's in a fashion show, at iyang balloon ang binabandera niya.
He's really a king. Cum laude. While his toga is billowing on his frame making him look like a fucking royalty.
I'm the slave. Dahil alipin na ang turing ko sa sarili ko sa 'yo, Jaxon.
I'm trying to convince myself that I should change for me, but for the life of me, it would always go back into making me change for you. Sole inspiration, Jax. That's what you are.
Nalusaw ang baluktot niyang ngisi nang nasa harap ko na siya.
"You okay?" pagtataka niya. Pinaloob niya ang ibabang labi at ilang beses kinagat bago pinakawalan. Namula iyon at nabasa.
Mabilis akong nakabawi. I've been staring at him for...I don't know. A minute? Humahalungkat ako ng sasabihin habang tumatagal ang pagtataka niya. Nagpapansin ang balloon kaya iyon ang ginawa kong dahilan.
"Hindi mo talaga tatanggalin ang balloon? Mukhang kang bata," pang-aasar ko.
Ngisi siyang nag-angat ng tingin sa balloon, pinapanood ang pagsayaw nito pagkatapos niyang kalabitin ang tali. "Ngayon lang kaya ako nabigyan ng balloon."
May bumuhos na kung ano sa dibdib ko na nagparamdam sa akin ng kapunuan. Pinigilan kong ngumiti. Parang gusto kong maging proud sa sarili na ako ang unang nagbigay sa kanya ng balloon. Pwede ba iyon?
"Sabay ka na sa 'min. May celebration sa bahay," aniya.
Bumagsak ang kung ano mang umalsa kanina. Kakasermon ko pa nga lang sa sarili na hindi ako magtatagal. Tapos iimbitahan niya akong sumama sa bahay nila?
Mabilis akong umiling.
"H-hindi na siguro ako pupunta..." pagtanggi ko saka nag-iwas ng tingin. Alam ko na ang ipupukol niya sa aking tingin sa pag-awang ng bibig niya.
"Ha? Bakit? Sige na, parang celebration mo na rin. Binilhan mo pa ako ng balloon."
"Kaya nga. May regalo na naman ako sa 'yo kaya hindi na. Nandyan naman si Gwyneth kaya hindi na..." humina ang boses ko. Tinignan ko ang boots kong may tinadyakang maliit na bato.
Hindi agad nakasagot si Jaxon dahil sa pagdaan ng kakilala at binate siya. Inimbitahan niya ito sa kanilang bahay.
See? He has a lot of friends! Bakit kailangan nandoon pa ako?
Hinila niya ako sa gilid dahil humaharang kami sa cr.
"I will only accept your rejection unless you tell me your reason. Valid reason, and when I say valid, dapat may emergency, Davina," mariin niyang sabi.
His serious expression is trying to persuade me. Sa pagiging expressive ng mga mata niya ay mabilis ka talagang makukumbinse nito. No words need to be said, his eyes could talk to you.
Ipares pa sa makapal niyang kilay na nagsalubong at sa mahigpit na tikom ng medyo manipis niyang labi.
Nai-intimidate ako. Kunot noo, at ngumuso siya, kinakagat niya yata ang loob ng kanyang ibabang labi.
Mukhang binabasa niya ang iniisip ko. I'm such an open book to him when I'm trying to be a close one to other people. Kaya hindi ako makakapagsinungaling. Wala rin naman akong masabing emergency.
Nagbaba ako ng tingin at tinatapak-tapakan ang wrapper ng candy sa nag-aagawang mabatong lupa at madamo. Hindi yata alam ng nagtapon nito kung nasaan ang trash can.
"You don't need me there, Jax..." sabi ko, as if makukumbinse siya nito. This is nowhere near an emergency excuse.
"That's it?" matinis siyang tumawa. Walang humor. "Do you think I need some of those people there, Davina? Mas kailangan pa nga kitang nandoon kesa sa mga taong naroon na ngayon sa bahay."
Tinakwil ko ang panibagong makahulugan niyang mga salita. Anong pangangailangan niya sa akin? Kailangan niya akong mag-serve ng pagkain para sa mga bisita niya?
"Makakapag-celebrate ka naman nang wala ako," patuloy kong pagrarason kahit wala itong patutunguhan. Ramdam ko nang salungat sa gusto ko ang mangyayari. Pero malay natin, baka mapilit ko siya.
"Pag-aawayan ba talaga natin 'to, Vin?" inis niyang tanong at hinila ako. "Tsk. Sumama ka na. Huwag kang kj."
Nagpatianod na ako. Hindi ko matanggal ang kamay ko dahil sa higpit ng hawak niya na tila ba gawa sa bakal ang kanyang buto. I'm sure his hold is going to leave a dent on my delicate skin.
Bago kami nakalabas sa gate ay tinanaw ko ang pinagdausan ng okasyon. Malawak na ang pagkalat ng mga tao. I thought about his father na hindi nakasali kanina sa picture.
"Nakapagpa-picture ba kayo ng papa mo?" mahina kong tanong. Naglalakad kami sa sidewalk papunta sa pinagparkinagn ng kanyang sasakyan. Hindi na gaanong mainit dahil hinog na ang hapon.
"Yeah," maikling tugon ni Jax.
"Kayong apat?"
Tumango siya.
Doon ko na tinuldukan ang pang-uusisa. He doesn't want to talk about it base sa ikli ng mga sagot niya. Atleast nag-effort pang pumunta ang papa niya. Kung ako, basta lang nakita ako ni mama na umakyat sa stage, ayos na sa 'kin.
Malayo ang pinagparkingan ng sasakyan. Akala ko ay sa Tesla kami sasakay pero isang puting Renault Scenic ang binuksan niya at pinapasok ako saka siya sumunod.
Nasa front seat na si Mrs. Montero. Si Gwyneth ay nasa ikalawang seat kaya doon ako sa likod dumiretso.
Si Jaxon, saan pa ba? E 'di tatabi sa girlfriend niya. Magmumukha lang akong tanga kung aasahan kong sa akin siya tatabi. Mangarap ka, Davina. Iyon, libre lang hindi mo na kailangan magbayad ng mahal.
Lumarga na ang sasakyan. Tumingin ako sa driver's seat at ipinagtaka ang itsura ng dad ni Jaxon. He has a beer belly at manipis ang buhok na nakapaligid sa kalbo na parteng gitna ng kanyang ulo. And he has a round face! Far from Jax's angled one.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nagtipa ng text.
Ako:
Daddy mo ang nagda-drive?
Natigil ang pagtatalak ni Jaxon sa pag-vibrate ng kanyang cellphone. Yumuko siya at binasa na ang text ko. Biglang siyang bumungisngis na humatak ng pagtataka galing kay Gwyneth.
Jax:
Hindi! Hahaha! Si kuya Nel yan, driver nila Denver, hiniram muna namin.
Napa-face palm ako at natawa na rin. I knew it!
Ako:
Saan papa mo? Nasa ibang wheels?
Umadjust si Gwyn sa pagkakaupo kasabay ng pag-akbay sa kanya ni Jaxon. Humilig siya sa balikat nito.
Yumuko na ako at binasa ang message niya.
Jax:
Bumalik siya sa kampo. Emergency. He never really stays that long
Ako:
Sundalo siya?
Jax:
Yeah. Admin works. I highly doubt sa kampo siya pupunta. Baka sa ibang pamilya niya.
Kumunot ang noo ko. Baka? So hindi sure.
Ako:
Sure ba iyang may ibang pamilya siya?
Jax:
Hindi. Mom thinks otherwise, though.
Inangat ko ang paningin sa upuan sa harap ko. Ganon pa rin ang posisyon nila. Hindi ba siya nagtataka na text nang text ang bf niya? At nasa likod pa ang katext! Mukha naman kaming may secret affair niyan.
Ako:
Kung pupunta ang papa mo sa celebration sa bahay niyo, ok nang umuwi ako?
Sumampa sa balikat ni JAxon ang baba niya nang nilingon ako. Nakaakbay pa rin siya kay Gwyn. Kinunutan niya ako ng noo.
"No," he mouthed. Nagtagal pa ang matalim niyang tingin bago bumaling sa harap.
Inayos niya ang pagkakahiga ng ulo ni Gwyneth sa kanyang dibdib saka siya humilig. Sumunod naman ang balloon sa bawat galaw ng kamay niya. May pinag-uusapan silang hindi malinaw sa akin. Medyo may garalgal pa sa boses ni Jax dahil sa pagsubok niyang pagpapahina nito.
You've got everything now, Jax. From looks, to a girl friend you'd been pursuing for years, highest award and a college degree, family...wala na Jaxon. Wala ka na yatang mahihiling pa.
Dinala ko na ang mga mata ko sa labas ng bintana at hindi na sila tinignan pa muli.
Tinunghayan ko kung paano inagaw ng gabi ang hapon hanggang sa unti-unting bumagl ang takbo pagtungtong ng sasakyan sa harap ng kulay kremang gate na binubuksan na ngayon. Ngilan din ang nakaparadang mga sasakyan sa labas at may mga nagtatakbuhan pang mga bata. Siguro mga kamag-anak ni Jaxon o kapitbahay nila.
Nanliit ako nang makita ang bahay sa harapan. Nang bumaba na kami ay mas lalo pang dumiin ang pakiramdam na iyon. Pero hindi ko pa ring mapiglang mamangha.
"Wow..." bulong ko sa sarili.
Their house is Victorian style. Reminds me of a gingerbread house pero mas moderno itong kina Jaxon. Iba iba ang taas ng mga bubong na puro hugis tatsulok. May isang bahagi ng bahay na gawa sa dark gray slate stones. All in all, mukha siyang simbahan. Ang dami rin kasing bintana.
"Ang liwanag ng bahay niyo. Kayo ba may-ari ng Meralco?" ani ko na ikinatawa nina Gwyneth at Jax. Nauna na ang mommy niya para batiin ang ilang nauna nang mga bisita.
Pagkabukas pa lang ng pinto ay sinalubong agad kami ng isang arch doorway na panimula sa isang malawak na foyer. Sa gitna nakalagay ang bilog na mahogany table na pinatungan ng flowervase. Sa tapat na ibabaw nito ay isang eleganteng chandelier.
May carpet na nakapailalim sa mesa. Pati na rin sa bawat baitang ng hagdan na kaharap namin ngayon. Katapat ng gilid ng hagdan ay panibagong bukana na pinasok na namin ngayon. Infront of me is their sala.
Ang kulay krema at matatabang sofa ay pinapalibutan ang isang glass table. Makapal na kurtina naman ang nasa bintana na tila isang ballgown dahil sa kapal at disenyo nito.
Everything screams Victorian. Common kasi ang mga arch doorways at carpet sa ilalim ng mesa, ganon ang napapansin kong style sa mga Victorian-inspired homes.
The lighting fixtures don't feel heavy in the eyes. Mukhang magaan itong tirhan dahil sa light colors. From the walls, lights, even the furnitures are luxuriously exquisite. Almost every color of the interior is white and cream. Katulad lang din sa foyer.
Ayaw kong hawakan ang mga gamit, kahit sa picture frame lang ay natatakot ako. Pakiramdam ko may bayad bawat lapat ng kamay ko sa mga kagamitan nila. Kahit halaman pa iyan o fake na bulaklak.
Umingay nang sinalubong si Jaxon ng ilan sa kanyang mga kamag-anak. Umatras ako at pumagilid sa isang mesa. Ni ayaw kong may makabunggo na isa sa kanila. I'm not being an anti-social pero pakiramdam ko talaga, basura lang ako rito. The house even looks more expensive than me!
Nilingon ko ang katabi kong mesa at nakita ang kanilang family picture. Beside it is his childhood photo. Humila pa iyon hanggang sa recent age niya and it's with Gwyneth. Dagat ang kanilang background at magkaakbay sila katulad ng pose nila kanina sa school. They look happy, like they've been in a relationship for years.
Jaxon's an only child kaya karamihan sa mga kasama niya sa ibang picture ay sina Evan, Rai at Denver. May isang pa roong nag-wacky pose sila, and they're all topless in that one picture. Pwede na silang gumawa ng boyband! Napangiti ako roon.
Humakbang ako upang tignan pa ang ibang mga kuwadro. Three pictures with his family at nakita ko na rin ang daddy niya. Sa kanya nga nagmana lalo na ang mga mata. Kaso mukhang bata pa siya sa picture na iyon. More or less thirty something.
"Vin, tara..."
Nilingon ko ang pagtawag ni Jaxon. Tumanaw ako sa likod niya at nakitang nauna na si Gwyneth kasama si Mrs. Montero at ilang kamag-anak.
Tumango ako at sumunod na sa kanya.
Dito pa lang ay rinig na ang mga tawanan sa hapag. Nasa bukana pa lang kami ay nag-angat na nang tingin ang isa sa kanila. Tumayo ang isang ginang at niyapos si Jaxon.
"Tita! Si Evan po?" tanong ni Jax pagkabitaw sa yakap ng tita niya. Nakikita ko ang pagkakahawig niya sa ama ni Jaxon.
"Ayun, nagkukulong pa rin sa kwarto."
"Is he okay?"
Umiling ang tita ni Jaxon. "Not for now. Anyway, congratulations iho."
"Thank you po."
Nasa kalagitnaan pa ako ng pagtataka tungkol sa nangyari kay Evan nang may panibagong mga boses ang sumugod. Kasabay nito ang ingay ng pambatang sapatos. Iyong parang squeeze duck na ingay.
"Jaxon, mah boy!"
Napalingon kami sa ma-ugong at matipunong boses. Nangunguna sa paglalakad ang hindi ko kakilala pero pamilyar na mukha.
"Tito Denson!" Masayang sinalubong ni Jax ang lalakeng may malaking gold na kwintas sa leeg. Bukas ang unang dalawang butones nito sa white polo.
Hindi na ako magtataka kung kaninong ama iyang nakipag high five kay Jaxon ngayon saka nag-bro hug. Mukha pa lang at ang pagiging cheerful nito, kopyang kopya! Like father, like son. Pati laki ng katawan ay minana. Napaka-bouncy siguro niya kung pagugulungin.
Nakasunod sa kanya si Denver akbay ang mama niya na may pagka-mahinhin. Hawak ng isa niyang kamay ang batang babae na nasa seven or eight years old. Sa sapatos niyang Barbie na umiilaw ang suwelas nanggaling ang ingay.
Napangiti ako. May kapatid pala 'tong babae.
Tinanguan ni Denver si Jax at tinapik sa balikat. " 'Grats."
Namilog ang mata niya nang makita ako. "Mi chica! You're here!"
Agad niya akong nilapitan at inipit sa mahigpit na yakap. Sa kabilang dako ay pinapakilala ni Jaxon si Gwyneth bilang girlfriend nito. Sumunod ang mga pagpuri at pang-aasar ng mga tito at tita niya. Meron pang nagtanong kung kailan sila ikakasal.
Diniin ko ang aking tenga sa dibdib ni Denver hanggang sa humupa ang tawanan nila at mag-anyaya na ng kainan.
May glass door sa kitchen na maghahatid sa amin sa yard na nasa likod ng bahay nila. Nakalapag na ang mga bilugang mesa na pinapalibutan ng mga silya. Sinama ako ni Denver doon at nagtungo kami sa malaking speaker. Nilabas niya ang ipod niya at namili ng mga kantang patutugtugin.
Siya na rin ang kasabay ko sa pagkuha ng pagkain. Panay ang biro ng dad ni Denver sa kanilang table sa labas. Doon na sana ako uupo dahil doon din si Denver.
Papaapak pa lang ako sa yard nang tinawag ako ni Jaxon.
"Vin, dito ka." Nasa dining room na sila. Tinuro niya ang silya sa tapat niya sabay upo.
Nag-aalinlangan pa ako. Pinakiramdaman ko ang aking ayos lalo na ang aking kasuotan at pati mga ito'y iniipit ako ng sigaw na hindi ako bagay roon. Kahit mesa at silya lang ang mga iyan ay kaya nitong pababain ang sarili ko.
Tinignan muli ako ni Jax nang hindi ako gumalaw sa kinatatyuan. Kumunot ang noo niya.
"Upo ka na, Vin," aniya. "Anong gusto mo?" Tinawag niya ang katulong. "Manang, pakilagyan ng juice at tubig dito, please." Tumuro siya sa tapat kung saan niya ako gustong maupo.
My God, Jaxon. Why are you doing this? Hinang-hina na ako.
Tinignan ako ng mama ni Jax at tipid na ningitian. I think that's an 'okay' sign pero hindi pa rin ako kumbinsido. Ano bang dapat kong isipin para lang magawa kong magtagal rito? Because if I think about something positive, it's like I'm assuming something that isn't true. I feel welcome here but...I just really don't belong.
Uminat ang baga ko sa ginawang buntong hininga saka tumungo na sa upuan at umupo.
Humihigpit ang mga ugat ko sa pagka-ilang. It's like I'm in a wrong set of company. Mas komportable ako roon kina Denver. Sa tingin ko lang mas gusto ni Mrs. Montero na silang tatlo ang narito at hindi na ako isama. She just agreed for me to be here because her son asked for it.
"What's your plan now, Jaxon? Huwag mong gamitin ang pagiging Cum Laude mo sa pipitsuging trabaho lamang," ani Mrs. Montero pagkatapos ng ilang sandaling random na usapan.
Nilunok muna ni Jax ang ningunguya at uminom ng tubig bago nagsalita. His eyes suddenly turned witty.
"I want to take Masterals muna. Probably in Cebu Normal. Then if makapasa, I'll start on small jobs. Probably a year or two, I'll apply in a major broadcasting company," aniya saka nagbalik sa pag kain.
His mother did the same before speaking. May naging training yata sila about dining etiquette.
"You're a Cum Laude, son. I'm sure matatanggap ka na agad sa isang malaking trabaho," pagmamalaki ni Mrs. Montero. Sinulyapan niya si Gwyneth upang abangan ang approval nito at hindi naman siya nabigo.
Lihim akong sumang-ayon.
Mariing umiling si Jaxon. "No, ma. Not that way. Baby steps. Hindi naman kasi lahat ay nata-tackle sa school. Basics lang kasi sa eskwelahan, unlike when you're in the actual setting where complex situations are encountered. Experience is still the best teacher and learning ground. I need to have an experience before jumping to a much high-end career."
Parang lumobo ang puso ko sa sinabi niya. Why do I suddenly feel so proud? Sumisikip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.
"Papahirapan mo lang ang sarili mo, Jaxon," giit ni Mrs. Montero. "You can have an experice naman sa hindi masyadong maliit na trabaho." Napailing siya habang hinihiwa ang karne sa plato.
Huminto sa ere ang sana'y pagsubo ni Jaxon sa pagkain at tinignan ang ina.
"Why?" natatawa niyang tanong. "Kailangan naman talaga nating paghirapan ang mga bagay na gusto nating makuha, ma. I want to work hard for something I desperately want. I want to feel the struggle so I could say that it's worth it. It's a fulfillment for me."
Somehow he has a point. Mas fulfilling nga naman talaga ang pakiramdam kapag pinaghirapan mo ang isang bagay kesa ang minamadali ito. Blood and sweat kind of hardwork. Jaxon notched up both fulfillment in his studies and...love life.
Napangiti ako. I am really proud of him. Pakiramdam ko ako ang nagpa-aral sa kanya.
Ambisyosa ka, Davina. Siya nga nagbayad noon sa pang-midterm mo.
Nahuli ni Jaxon ang pagngiti ko. Ningitian niya ako pabalik sabay taas-baba ng kilay. Ngumisi na ako.
"Just like how you had pursued me for four years, Jax?" sabat ni Gwyneth at bahagyang tumawa.
Nilingon siya ni Jax at tinitigan. Mukhang may hinahanap ito sa mukha niya hanggang sa gumapang ang ngiti sa kanyang labi. Mabilis siyang hinalikan ni Gwyneth sa chin saka hagikhik na nagbalik sa kanyang pagkain. Pinisil ni Jaxon at pisngi nito.
Hindi ko na kayang lunukin ang kinakain ko. Every part of me instantly malfunctioned. Maliban sa puso kong pilit nang kumakawala sa kumukulong nitong hawla. Ito ba ang dapat kong matunghayan saka ko maisipang umalis?
"Gwyn, 'di ba kakagraduate mo lang din?" tanong ni Mrs. Montero.
"Yes tita, nauna lang ng one week kay Jaxon."
Tinawag ni Mrs. Montero ang isang katulong at nagpadagdag ng ulam at pitchel ng juice sa hapag. Binalikan niya si Gwyneth.
"So what's your plan after the graduation?"
Uminom ng juice si Gwyn bago sumagot. Kahit siya'y mukhang sumali sa dining etiquette lessons nila Jax. She adapted the same gestures of him when eating.
"This June I'd be taking a board exam. Hopefully kung makapasa, I'll apply in ChongHua."
Tumango si Mrs. Montero, may pagsang-ayon sa namilog niyang mga mata. "I'm sure mapapasa mo iyan. Ikaw pa."
"But I think hindi rin ako maga-apply rightaway, tita. Sasali po kasi ako sa Miss Cebu pageant kaya next year pa ako maga-apply so I can focus wholly on the pageant then on the job thereafter."
"Hmm...that's nice. How about you, Davina?"
Sumabit ang mga salita sa lalamunan ko. I know what answer to put in my mouth pero pakiramdam ko hindi magiging tama ang aking sagot. Para bang kailangan kong magsinungaling at sabihin ang tipo ng sagot na aabot sa standard nila.
"She's a tattoo artist, ma." Si Jaxon na ang sumagot sa tagal ng hindi ko pag-imik. "She did Evan's tats. Ang galing! I saw her drawings and it's the exact replica of the real ones."
Lahat kami ay napatingin sa kanya. Lumobo ang baga at puso ko sa pagmamayabang niya tungkol sa akin. Kinumutan ako ng hiya. Nanlalamig ang kamay kong kinuha ang baso ng tubig at uminom.
"What?" pagtataka ni Jaxon.
Nagkatingininan kaming tatlo maliban kay Jaxon na ganadong kumakain. Ano nga ba? Bakit nga ba kami biglang natahimik? Ako may clue na kung bakit, ewan ko lang sa kanila. Baka rin pareho kami ng iniisip.
Sandali pang tumambay ang katahimikan bago nagsalita si Mrs. Montero.
"That's the only thing you do? Tattooing? You never go to school?"
Nabahiran ko ng pang-aakusa ang kanyang tono. It's like she's judging me. Humantong ang paningin niya sa aking buhok. Nanliit ang mapanuri niyang mga mata sa mata ko at makapal na lipstick.
I'm in my dark green and black checkered flannel and skinny jeans kaya natatakpan ang aking mga tattooes. Mas lalo yata akong makakatanggap ng mapanghusgang tingin kung sakali mang makita niya ang mga iyon. It would surely raised a brow.
This makes me want to judge myself, too. Ganon na nga lang ba ang gagawin ko habang buhay? I've been thinking about upgrading myself pero sa ngayon, hindi ko pa talaga alam ang gagawin. I feel so lost.
Inalis ko sa pagtikhim ang makapal na humaharang sa aking lalamunan.
"I graduated last week. Graphic design," mahina kong tugon.
"Oh! You're working now?" patuloy niyang usisa.
"Maga-apply pa po. Sa ngayon ay nagta-tattoo muna ako..." mahina kong sabi. The pride I just had minutes ago subsided.
Tumango siya at pinakawalan na ang topic tungkol sa akin. Lumipat muli siya kina Gwyneth at Jaxon.
Nagpatuloy sila sa magiliw nilang usapan. Nakikinig lamang ako, hindi nagi-interact. Mabilis kong naubos ang kakarampot na laman ng aking plato.
This whole scene is screaming at me. Misfit. I don't belong here.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro