Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TWENTY

Sa pagmamadali ni Denver ay hindi ko na nagawang magbihis. Pinuwersa ko ang pag-iwan ng kaba sa bahay na siyang salin pa sa naudlot kong pag-amin kanina.

Oddly, relief has found me. Kanina lang ay atat akong isatinig ang totoo pero ngayong hindi ito natuloy, ewan ko kung bakit mas guminhawa ang aking pakiramdam. Para bang bibitayin ako sa oras na ibulgar ko ang totoo.

Aminin ko man kasi o hindi, wala rin namang magbabago. He's still going to stick around with Gwyneth. She'd still have the receiving end of Jaxon's affection.

Siguro itong hindi ko natuloy na pag-amin ang mas nararapat sa ngayon. This made me feel lighter. Isipin ko pa lang kasi na kung natuloy ang sanang sasabihin ko, mas marami ang mangyayari. The surge of feelings...it's like breaking the high thick walls and the all primed and feral battalion is charging with their horses, ready for a bloodbath.

Nasa loob na nang passenger's seat si Denver. Papasok na sana ako sa backseat nang binuksan ni Jaxon ang pinto sa side ni Denver.

"Si Davina diyan. Sa likod ka," pautos niyang sabi sa pinsan, tinango ang backseat.

Tahimik man, nagsusumigaw naman ang simangot ni Denver. Inikutan niya ng mata ang Jaxon at kamot-ulong lumabas. Ningitian niya ako habang binubuksan ang pinto at pumasok na sa likod.

Tinignan ko si Jaxon. Hindi ko mabasa ang pinta ng mukha niya pero may salin pa rin iyon ng ekspresyon niya kanina. Pinanatili niyang bukas ang pinto sa passenger's seat habang pinaikot-ikot sa isang daliri ang chain na pinagkabitan ng susi.

Ngumuso siya sa loob sabay tango rito.

Tahimik akong sumunod at pumasok. Pagkatapos isara ang pinto ko ay umikot na siya sa hood ng sasakyan. Nang makaupo ay binuhay niya ang makina at lumarga na kami.

That scene dragged into my thoughts. Kung narito si Gwyneth, ganon pa rin kaya ang gagawin ni Jaxon? Paupuin ako sa passenger's seat?

Come on! Sarili ko pa ba ang niloloko ko? Malamang hindi. Sa backseat ako panigurado! I'm the backseat girl. That's my only place when the owner is around. Nakihiram lang ako ng trono ngayon.

Our friendship remains, while feelings change making this much deeper. Kung gaano kalalim ito bumabaon, ganoon rin ang tutumbas nitong sakit. Ngayon pa nga lang ay sinimulan na ang pagba-barena sa damdamin ko.

Iiwas ba o manantili? Siyempre, pipiliin kong umiwas. That's more beneficial. What's at stake of avoiding is our friendship. It would surely be in ruins. Hindi naman siguro didibdibin iyon ni Jaxon. Ako lang.

Ngunit sa isang linggong hindi namin pagkikita, akala ko'y magtutuloy-tuloy na hanggang makalimutan ko ang nararamdaman ko. Then suddenly he's just going to knock on my door, suotan ako ng boots at isasama ako sa bahay ng kamag-anak niya! My distancing away from him crap just skyrocketed out of nowhere.

Now I even find it harder to stay away. It's like, sa dalawang pagpipilian mong escape route, out of order ang isa habang maling labasan naman ang pangalawa. So I'm left with no choice but to stay right at this ground.

Hanggang plano lang naman pala ako. I don't do well on execution. 

Pero mas mabuti talaga iyong wala akong utang sa kanya. Turns out, may panghahawakan pa siya sa akin sa halagang isang libo.

Napaigtad ako nang maramdaman ang kamay sa aking tuhod. I know it's Jaxon's hand, dahil sa ilang beses na akong nagkakaganito, siya ang gumigising sa akin. I am accustomed to his platonic touch.

For him it is platonic but for me, the effect of it is nowhere near platonic.

Agad din niyang binalik ang kamay sa steering wheel. Nag-iwan ng init ang parte ng binti kong hinawakan niya. Kinabahan ako bigla sa naisip. Kill the haze, Davina! May girlfriend siya!

"Huh?"

Bahagya siyang sumulyap saka nagbalik tingin sa daan. "You're lost again. Pero nahanap pa rin naman kita. Nahanap ulit kita."

Bumaling na rin ako sa harap, iniiwasan ang mga salita niyang tila may ibang kahulugan para sa akin. Nasa loob na kami ng downtown Cebu.

"What are you thinking again, Vin...?"

Sa nahimigan ko sa kanya, hati ang kanyang atensyon sa pagtatanong sa akin at sa pagmamaneho.

"Hindi lahat ng iniisip ko ay dapat mong ikabahala," simpleng sabi ko.

Napangiwi ako sa pag-overtake ng isang truck na ang kapal ng ibinubugang usok. Tinakpan ko pa ang ilong at bibig ko at na-realize na hindi pala nakakapasok ang usok dito sa kotse. Ang tanga lang, Davina?

"But most of your thoughts are consist of what-if's and whatnots that feed your anxieties."

Hindi man taon ang itinagal bago kami naging malapit, Jaxon addresses things about me and my thoughts like he already knew me at the back of his hand. Yes, he does know me that well. Mabilis niyang nasasaulo ang ugali ko. It's like he has known me for years.

"Inisip ko lang kung anong mga inumin ang hinanda ng pinsan niyo," sabi ko, kahit niisang beses ay hindi ito dumaan sa isip ko ngayong araw.

"Inisip mo iyan nang ganon katagal?" hindi makapaniwala niyang tanong.

"Siyempre hindi lang iyon. Other things..." Simangot ko siyang nilingon. "Hindi na ba ako pwedeng mag-isip?"

"Pwede..." he stalled, mukhang nag-iisip ng idudugtong. Kinakagat-kagat niya ang ilalamin ng kanyang pisngi. "But not about things that make you worry a lot. It worries me, too." Humina ang boses niya. "A lot..." bulong niya.

Pinalagpas ko ang makahulugan niyang pahayag, pero hindi naman maiwasan ang pagdaan nito sa dibdb ko't maghatid ng epekto. Uminit ito at tila gasolina ang bulong niyang iyon upang mas mag-apoy at mag-huramintado ang puso ko.

Hindi ito napakalma sa aking pagbuntong-hininga. Halt the double meanings, Jaxon. Please lang!

"Paano kung nag-iisip ako ng solusyon sa problema ko? Hindi pwede?" patuloy kong tanong.

Bumagal ang takbo ng kotse nang may lumikong truck sa intersection. Tuluyan kaming huminto dahil may sumunod pang ibang maliliit na sasakyan.

"Think about the solution, not the problem," ani Jaxon.

"How can I think of a solution if I don't think about the problem?"

Iling at ngisi ang naging tugon niya. If I didn't know better, I would have thought he's given up. But knowing him, paraan lang niya ang gawin akong argumentative laban sa kanya upang ilayo ako sa mga negatibong pag-iisip. Gusto niya akong mas dumaldal imbes na manahimik.

Silence invites unwanted thoughts daw kasi, sabi niya.

Nabigla ako sa paglapit ng mukha ni Denver at nilakasan ang boses sa pagkanta, sinasabayan ang kanta sa stereo. Sinabunot ko ang buhok niya na nagpa-tili sa kanya't nagpabalik sa kanyang pwesto. Tamad siyang sumandal at tinatambol ang mga kamay sa hita. Hindi na inayos ang nagulong buhok.

Sa  isang subdivision sa Talisay ang bahay ng pinsan nila na nagluluksa ngayon sa break-up. Natatanaw ko na ang bibig ng tunnel na maghahatid sa amin sa SRP bridge.

Tumuwid ako ng upo saka may pinindot upang maibaba ang bintana.

Huminga ako ng malalim, nag-iipon ng hangin. Nang pumasok na kami sa tunnel ay dinirekta ko ang aking mukha sa labas at malakas na sumigaw, sinigurado ang pag-echo ng aking boses sa buong tunnel.

"Rararaaa...!"

Gumaya si Denver na sa kabilang side idinirekta ang sigaw niya. Mas malakas at malalim ang kanyang boses kasi nga lalake. May kasama pang mura.

Si Jaxon lang yata ang hindi sumigaw sa amin. Para kaming mga anak niya na ngayon lang nakalabas ng bahay. And he's our very well disciplined dad.

Hinila ko ang sigaw hanggang sa makalabas na kami ng tunnel. Hingal na hingal ako. Gumaan ang loob ko pagkatapos ginawa iyon. I feel like I'm floating, and the sense of high is still buzzing all over me.

Umayos na rin si Denver sa likod at maginhawang huminga. Nag-extend ang katawan niya sa dashboard upang abutin ang tissue box. Kumuha siya ng ilang piraso at pinunas sa pawisan niyang mukha.

Hindi ko muna inangat ang bintana. Nang humantong na kami sa pinakagitna ng bridge ay nilabas ko ang kalahati ng aking katawan. Agad sumunod ang pagpu-putangina ni Jaxon sa loob.

Nag-sway pa ang sasakyan kasabay ng pagmumura niya. Hinagilap ko agad ang car handle sa  loob a kumapit rito.

"Wohoo...!" sigaw ko, nakataas ang isang kamay. Ginawa kong komportable ang sarili sa pagupo ko sa bintana.

Inalis ko sa aking bibig ang hibla ng buhok kong sumisiksik rito dahil sa malakas na hampas ng hangin. Binagalan ni Jax ang takbo ng kotse.

Binusinahan kami ng nakasunod na sasakyan sa likod, o baka ako ang pinaratingan niya. Kinawayan ko lang iyon na gumanti muli ng busina.

Nilalanghap ng mga mata ko ang tanawin dito sa SRP ngayong gabi na. From the modern establishments to the lights and to the moon and stars above. May dumaan pang eroplano. Mas nanaig talaga ang dilim lalo na sa parte ng karagatan. This is very nostalgic for me. Matagal rin ang huling punta ko rito. And it's with Jaxon.

Tumigil ang aking mga mata sa natatanaw na SM Seaside. Mistula itong barko na ginawang mall. Nanatili ang paningin ko sa malaking cube na sumasayaw sa pag-iiba ng kulay.

"Hottie," rinig kong sabi ni Denver mula sa loob na sinundan niya ng sipol.

"Stop staring at her behind, Denver!" pagalit na sita ni Jax.

"What?" tawa ni Denver. " I love looking at all the beautiful things! Ganoon ko ginagamit ang mga mata ko, Jax."

Hinayaan ko sila sa kanilang pagtatalo. Sanay na ako. They're boys, kahit anong away pa  'yan, nagkakasundo rin naman agad. Lalo na kay Denver na kadalasang nagbibiro. Boys aren't that dramatic. I've been surrounded by them all my life. 

Dalawang kamay ko na ang kinakapit ko sa handle nang mangalay ang isang braso ko.

"Get inside, Vin! Ano ba!" may galit at takot sa boses ni Jax. Hinihila niya ang paa ko at medyo nag-sway ulit ang sasakyan.

May gustong mag-overtake na truck at binusinahan si Jaxon. Parang sa harap ng mukha ko dumaan ang truck dahil sapol sa akin ang hangin ng tambutso nito. Nakakairita ang init at alikabok! Bumitaw si Jaxon  sa paa ko upang ayusin ang pagmamaneho.

Sa bagal ng kanyang pagpapatakbo, nilagpasan kami ng mga sasakyan na sinamahan pa nila ng busina. May sumita pa sa akin sa isa sa kanila.

"Ayala! Talamban! Aloguinsan!" malakas kong anunsyo, nagpaka-konduktor. May nakita akong pumara, ang iba ay kumakaway, gusto yatang sumakay.

Nang magsawa ay siniksik ko na ang aking sarili pabalik sa loob pero imbes na umayos ng upo, humiga ako sa upuan at nilabas ang aking mga paa sa bintana.

"Whoah!"  Amazed na reaksyon ni Denver.

Marahas na suminghap si Jaxon. Tagos sa buto ang nararamdaman kong pagmumura niya sa loob ng reaksyon niyang iyon.

"Bago ang boots ko!" tumatawa kong sigaw, kinakawag ang aking mga paa sa labas.

Kung may pangalawa mang Davina at nakaharap siya sa akin ngayon, paniguradong sasabihin niyang baliw na ako sabay turo sa 'kin.

Sa aking tattered skinny jeans, sumusuot  ang hangin sa bandang tuhod kung saan may punit doon.

Denver's laughing his guts out. Hindi niya kasi magaya kaya tawa na lang ang magagawa niya.

"Mahuhuli tayo sa ginagawa mo, Davina!" Nagtitimpi nang galit si Jaxon sa kanyang tono.

Ngunit  nang sinilip ko sa nakabaliktad kong posisyon, hindi ako nagkakamali sa nakitang multo ng ngiti niya. He's amused, I could tell.

Nasa harap ang kanyang mga mata. Hindi nakatakas sa paningin ko ang kalahating segundo na pagdungaw niya sa 'kin.

Inabot ko ang kanyang pisngi at kinurot. "Kunwari ka pa!"

Ang lambot ng pisngi niya, regardless of his angled jaw and almost hollowed cheeks.

Hinabol ng bibig niya ang kamay ko upang kagatin. Mabilis ko itong nailayo at sinundot siya sa tagiliran. Natatawa siyang umiwas.

"I'm driving, Vin!" tawa niya.

Umayos na rin ako nang makalagpas sa bridge. But the craziness didn't ease up. Si Denver naman ang nag-iingay na sinasabayan ang rap song sa radyo hanggang sa makarating kami sa subdivision ng kanilang pinsan.

Pumarada ang sasakyan sa harap ng isa sa mga pinakamalaking bahay na nakita ko rito sa subdivision. Nang bumaba kami ay matagal ko itong sinusuri. Sumakit ang leeg ko sa pagtingala.

It's just a really huge house. Modern at two storey na may halong Spanish style. Gawa sa tinted glass ang mga bintana. Ang matataas na bakod ay pumantay sa taas ng gate. Nililinyahan ito ng landscape na may lipumpon na mga bulaklak at halaman.

Dumaan si Denver at naunang maglakad papunta sa gate. Halos madulas siya dahil sa natapakang balat ng saging.

"Aray ko put—ah..." Dumungaw siya sa kanyang paa. Matalim ang tingin niya sa balat bago ito pinulot at tinapon sa asul na trashcan sa gilid lang ng gate. "Hindi naman mahilig sa saging si Riley, ba't may balat niyan dito?"

Tinanaw niya ang mga bahay sa tapat na parang ito ang pinagbibintangan niya bago niya binuksan ang gate.

Hindi agad ako sumunod. Ngayon lang ako nakuhang kainin ng ilang at pag-aalinlangan. Bakit ako nandito? 'Di ba dapat si Gwyneth dahil siya ang girlfriend? I'm just a friend.

But so what, Vin? Girlfriends lang ba ang dapat dalhin sa bahay ng pinsan ng lalake? Hindi pwede kaibigan? I'm overthinking again.

"Ako lang yata ang naiiba..." sabi ko habang tinitignan ang pagkatok ni Denver sa higanteng double doors.  Inanunsiyo nito ang pagdating namin.

Mainit ang braso ni Jaxon na pinaso ang balikat ko sa ginawang pag-akbay.

"No, you're not. Evan knows you. Riley though, he doesn't mind. He's okay with everything. Walang arte iyon," aniya, sinama ako sa kanyang paglalakad papasok sa gate.

Nakasama ko na naman sila sa ilang bondings, but definitely never been to their houses.

Nilingon kami ni Denver na hindi pa tapos sa pagkatok. Nahagip ko sa gilid ng pinto ang doorbell. Bakit hindi niya ginamit iyon?

"Kahit naman sinong babae hindi niya pinapansin maliban kay Amber," aniya.

Sa muli niyang pagtama ng kamao niya sa pinto ay bumukas na ito. Dinura nito si Evan. He's in his casual v-neck kaya sumilip sa collar ng shirt niya ang gawa kong tattoo. He's holding a beer, and looking all gorgeous and charming in his messy hair.

Hindi ko tuloy matukoy kung sino ang pinakaguwapo sa kanila. They're all equally handsome. Sa height lang nagkakaiba, pero matatangkad pa rin naman. Riley's the tallest. Nakakasalubong ko kasi siya sa hallways ng school at classmates pa sila ni Charlie sa isang minor subject.

"Finally! Ba't ang tagal niyo?" bungad ni Evan. Tinapik niya si Denver sa likod kasabay ang pagpasok nito sa bahay.

Rumehistro ang gulat ni Evan nang makita ako. Bahagyang napaatras ang ulo niya. "You're here! Come in, come in!"

Sumenyas siya sa bakanteng kamay upang ako'y papasukin. Nanatili siya sa gilid upang panatilihing bukas ang isang higanteng pinto. Mukhang ang bigat nun dahil sa laki nito at gawa sa makapal na kahoy pero nakaya niya. Nag-strain pa ang bicep niya sa ginawa.

Pinauna ako ni Jaxon sa pagpasok. Narinig ko ang paghinto niya sa pintuan.

"SI Rai?" tanong niya. Pumihit ako at nakitang magkaharap sila ni Evan.

Tipid na may tinuro si Evan sa likod ng bahay. "Garden."

Pansin ko na kaswal lang sila. Naka-tsinelas nga lang si Evan, si Jaxon naman ay nagpalit ng sandals na palagi niyang baon sa kanyang sasakyan. Ako lang ang bihis na bihis ngayon para sa isang pity party. Bago pa ang boots ko!

"Sina tita?" tanong na naman ni Jax. Ang daldal talaga nito, palaging nagta-tanong!

"Wala, e" Inalis na ni Evan ang kamay sa pinto. Pagkasara ay kinabit niya ang lock. "Kaya nga ngayon niya naisipang magpa-pity party."

Walang aliw na tumawa si Jaxon. "Oh, you know it's Denver's idea."

Tumalikod na ako't humakbang nang magsimula na silang maglakad. Pinanood ko ang boots na lumalapat sa makintab na sahig gawa sa hardwood. Sa gilid ko ay isang eleganteng hagdan na may stilong paliko. Hindi ko na matanaw kung saan ang dulo nito dahil natatakpan ng ceiling na may chandelier.

Sa kaliwang gilid ko naman ay nadadaanan ang malawak nilang sala. May pagka-vintage ang mga kagamitan nila roon na may modern lighting.

Unti-unting lumalakas ang mga boses na nag-uusap habang papalapit kami sa garden.

Samantala, patuloy pa rin ang diskusyon nina Jaxon at Evan sa likod ko. Mukhang sila ang mas nagkakasundo sa kahit anong usapan pero pagdating sa hindi gaanong seryosong mga bagay, sina Jaxon at Denver.

"Tandaan mo 'to Denver, makakahanap din ako ng babaeng magpapatino sa'yo..." Mabigat na ang paghila ni Riley sa mga salita niya.

Sa itim na circular table, naroon ang iba't-ibang klaseng inumin at dalawang platito ng mani at fries.  Tatlo na roon ang ubos na bote ng beers na iba ang brand. Imported. Magkaharap sina Riley at Denver.

Tinuro ni Denver sa sarili. "Matino naman ako. Ang kailangan mong hanapin, ay babaeng magpapalambot ng puso ko."

"Cold-hearted ka ba, Den?" singit ni Jaxon. Humalakhak si Evan sa tabi niya.

Doon na napabaling sa amin si Riley. Mukhang kanina pa nga siya nakainom dahil pumipikit-pikit na ang mga mata niya. His whole face and neck are flushing, even his arms.

Lumapit si Jaxon at tinapik si Riley sa likod sabay tipid na panlalakeng high five.

"Dito ka, Vin." Hinila ni Denver ang bakanteng silya sa tabi niya. Umupo ako roon.

Nahagip ko si Riley na pikit matang tumango sa direksyon ko. Ako ba talaga ang tinanguan niya? Is that his acknowledgement of me? If so, then I think I am welcome here.

Umupo na si Jaxon sa kabilang tabi ko. Sa kanan niya ay si Evan na nagbubukas ng mga pawisang beer gamit ang mga tansan nito. He's such a man.

Noong una kong pakikipag-bonding sa kanila ng ganito, na-intimdate pa ako. Ang sososyal naman kasi ng mga pinupuntahan nilang bars. Swerteng nilibre ako. Pakiramdam ko hindi ako nababagay dahil iba ang mundo nila sa aking mundo. I live with all the cheap thrills while they're all high-maintenance.

Bagsak na nilapag ni Riley ang kanyang bote. Tumingala siya't tamad na umupo upang maisandal ang ulo sa dulo ng backrest ng silya. Tamad niya kaming tinuro lahat nang hindi kami tinitignan.

"Makakahanap din kayo ng babaeng magpapaiyak sa inyo. Girls that are worth your tears and drunken nights for drowning your sorrows. Lalo ka na, Den. What I'd give to see you cry over someone!" Lasing siyang tumawa, nakapikit ang mga mata.

Hindi ko alam ang buong storya kung bakit siya nagkaganyan. Ang alam ko ay tungkol sa babae. Magkakaganyan din kaya ako dahil kay Jaxon? I think I almost did.

"I already found her," pigil-ngiting sabi ni Evan. Tinapik siya ni Riley.

Humila ang paningin nila kay Jaxon na parang hinihintay nila ang testimonya nito. Tumingin na rin ako sa kanya.

Walang emosyon siyang nagbaba ng tingin at nagkibit balikat. Tinungga niya ang kanyang bote.

"Anong tawag mo kay, Gwyneth?" natatawang tanong ni Denver.

Tinutusok ni Jax ang dila sa loob ng kanyang pisngi. He's eyeing his bottle beer. "Girlfriend. But it doesn't mean that I'll shed a tear for her. Hindi naman lahat ng girlfriend iniiyakan."

"Mukha rin namang hindi ka niya iiyakan, e. Quits lang kayo."

Nagtawanan kami sa sinabi ni Denver. Si Riley ay nakatingala pa rin, tinatakpan ng braso ang mga mata. Nanginig ang balikat niya sa bahagyang pagtawa.

Naging seryoso bigla si Denver. Suplado siyang tignan sa ganyang ekspresyon. Na-highlight ang dark features niya from his jet-black hair, black brows and lashes. Itim ang buhok nilang lahat.

"Pero apat na taon, Jax. How come...?" Denver trailed off. Gumuhit ang kalituhan sa kanyang mukha, o humuhukay siya ng idudugtong sa kanyang tanong.

Kinumutan kami ng katahimikan. Hindi man natapos ni Denver ang nais niyang itanong, alam namin ang ibig niyang sabihin. Nanatiling tikom ang bibig ni Jaxon.

"Ba't ka nagsayang ng apat na taon? You could have had any girls you want!" Suminghap si Denver at hinilamos ang mukha. In-adjust niya ang sarili sa pagkakaupo at tumuro sa labas. "Tangina, maglakad ka lang diyan sa labas, Jaxon, girls panties were already dropping on the floor! Ako ang tagapulot! And you wasted four godforsaken years for the girl you don't even love? Bullshit!"

Parang gusto nang mag-wala ni Denver at pinipigilan lang. Malalaking lagok ng beer ang ginawa niya.

Tumatango ako sa aking isip. Denver just voiced out my unspoken question.

"Courting someone doesn't mean insta love, Den. Nanliligaw pa lang ako noon, do you think I'll fall that easily and hell-for-leather?" katwiran ni Jaxon.

"But four years—"

"Hindi issue dito ang apat na taon," putol ni Jax kay Denver.

Hindi ko alam ang iisipin. I admit, I was surprised. Akala ko sa pagtitiyaga niyang manligaw sa kanya ay minahal niya ito. Ganon katigas ang puso ni Jax na hanggang sa pagkakagusto lang siya kay Gwyneth? Somehow, I'm siding with Denver here. 

At hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang ang reaksyon ni Denver na parang isa itong suliranin ng buong mundo na dapat niyang sugpuin. He must really care about Jax so much.

"Sa mga taon na iyon, hindi mo talaga minahal, Jax? That's impossible!" Napailing si Denver.

Pasulimpat kong tinignan si Jaxon. Binabakas ng kanyang hintuturo ang bibig ng bote ng beer. Hindi ako nakapagpigil at tinignan ko ang kanyang mukha. Bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay, malalim ang iniisip.

"Love is learned, not forced. And I failed..." binulong niya ang huling salita.

Biglaan ang pagkalabit ng kung ano sa tiyan ko. Kumirot ang init sa aking likod at mukha at tinutusok ako upang ako'y pagpawisan.

No, Davina. Huwag ka munang umasa. He's still learning, but it doesn't mean he's gonna give up on Gwyneth. There's what you call 'try again'.

"If you failed in that learning department, you could have learned loving someone else," sabi ni Denver. "Baka nga meron na e, nasa paligid lang. Bulag-bulagan ka lang!"

Hindi ko alam kung bakit mas ikinainit ito ng pisngi ko na para bang ako ang pinapatamaan ni Denver.  Gusto kong magtago!

God, Davina! Feel mo ikaw iyon? Huwag kang assuming, hindi bagay sa 'yo! Ilugar mo ang pagka-assuming mo, ha?

Mukha akong nakalunok ng balloon kaya kakaibang hangin ang ramdam ko sa aking tiyan nang bumuntong hininga. Ramdam ko ang pag-inat ng baga ko. Mabuti na lang at stretcahable ang baga, kung hindi ay baka sumabog na ito sa aking dibdib.

Sa pag-angat ko ng tingin, nasalo ko ang namumungay na mga mata ni Riley na katapat ko. Ngumisi siya, parang may nalaman na sikreto, saka binalik ang tingin sa pinaglalaruan niyang kopita.

Masasabi kong mas suplado ang mga mata niya kesa kay Denver. Kahit namumungay pa ang mga ito.

"Sinimulan ko na ang panliligaw ko noon, paninindigan ko hanggang huli."

Naparami ang inom ko sa aking beer. Humahapdi na ang aking lalamunan.  Sobra ang panginginig ng mga kamay ko kaya may lumagpas na likido. Pinunasan ko iyon sa likod ng aking kamay. Why the hell am I shaking?

Sa beer. Tama. Dahil sa beer.

"Pinaninindigan mo ang babaeng hindi mo mahal? Double bullshit, Jaxon! That's a crooked logic you have there. I thought you're a smart ass!" bulalas ni Denver.

Denver took PolSci, kaya naiintindihan ko kung bakit ganito siya mangatwiran.

"Coming up with the wrong decision doesn't mean he hasn't been thinking it through, Den. Jaxon just overthinks sometimes. Some factors affects his decisions, he doesn't just decide purely from his emotions," natural at ekspertong wika ni Evan.

"So you're just going to let it be? Ganon lang iyon?" halos paghi-histerikal ni Denver.

"Wala ka sa lugar niya. I'm sure you would have done the same if you're Jaxon," wala sa sariling sabat ni Riley sa magaspang na boses. Tumikhim siya saka uminom sa kanyang kopita.

"No. I won't." Umiipit ang pagiging seryoso ni Denver. "Kung sino man ang mahal ko, I'm gonna rip my guts out for that woman! Hindi sa taong hindi ko mahal!"

Mapang-akusa niyang tinignan si Jax.

"Ngayong sinagot ka na, tapos na ang paninindigan mo. " dagdag pa niya. "E 'di hiwalayan mo na! Hindi naman mawawalan si Gwyneth. Marami siyang pwedeng gawing utusan!  Hindi lang ikaw. Ipa-hire mo sa kanya 'yong yaya niyo."

Tinakpan ko ang bibig ko't kinuyumos. Pinigilan kong magpatakas ng tawa. 

Nilingon ko si Jax upang tunghayan ang kanyang reaksyon. Mukhang gusto niyang sugurin si Denver sa tinging ginagawad niya rito.

"Don't say something like that , Den. Wala siyang ginawa sa 'yo. She told me what you did to her in Sinulog," akusa niya.

Pasukong nagtaas ng kamay si Denver sabay kibit balikat. "Guilty."

Umusog ang upuan ni Evan palapit sa mesa. Kumunot ang noo niya at nagpakita ng interest.

"Bakit, anong ginawa niya?" Tumingin siya kay Jaxon tapos ay kay Denver.

Hindi sumagot si Jaxon. Hindi niya tinantanan ng iritadong pagtitig ang pinsan.

Na-insulto siya para kay Gwyneth. Ganon ang pagkakabasa ko. He may only just like her, but he still has feelings for her. He's insulted for her. He feels for her.

I don't want to entertain the hurt that seeps within. But the hurt itself has entertained me. Ako ang umiiwas, ito naman ang sunod nang sunod! Unless this feeling isn't omnipresent, I never would have felt this.

"What did you do, Denver?" mas seryosong tanong ni Evan.

"I just crushed her ego." Pinakita niya sa amin ang halos pinagdikit niyang thumb at forefinger na parang may pinipisil siya rito. "Just a...lil' bit."

Just a little bit? Halos tumiklop na nga ang tuhod ni Gwyneth pagkatapos niyang sabihin iyon! Memoryado ko pa ang naging reaksyon niya.

"You won't understand, Denver unless you're in his place. Kailan ka pa ba kasi magtitino?" Sumabat na ako. Mapaghahalataan ako kapag mananatiling tahimik.

"Matino ako, kasi hindi ako nagloloko. I flirt, but it doesn't mean that I break their hearts. I assure them not to expect for something more. It's never a game for me. It's damn practicality, man."

Jaxon made a dubious sound. Duda niyang tinignan si Denver.

Tumuwid siya ng upo at tinuro ang sarili. "Sinong valedictorian noong highschool?"

Nagtawanan kami maliban kay Jaxon na napailing.

"Valedictorian ka? Hindi halata," natatawa kong sabi.

"Nagulat nga kami, e," sabi ni Evan at pinadulas ang basong may bagong laman na inumin sa harap ni Riley. "I thought tita Lacy was just trolling us noong tinawagan niya sina mama at tito announcing Denver's award."

Nagtawanan sila ni Riley habang inaalala iyon. Umiling lang si Denver at binalewala sila.

"Riley, maghanap ka ng babaeng magpapalambot ng puso ko, hindi 'yung magpapatino sa 'kin. I know I have to hammer away on being righteous, but that's not the priority. I should prioritize that something I haven't bred in my bone yet."

"Walk your drunk ass home, Denver.  Tawagan mo na nga si tita Lacy, Jax, " ani Evan sabay kuha ng bowl at binuhos ang natirang fries sa kanyang palad.

Napaigtad si Jaxon sa tabi ko sa biglang sa pag-alingawngaw ng kanyang ringtone. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at dinungaw. Tumayo siya at sinagot ang cellphone habang naglalakad papasok sa bahay.

Nakaramdam ako ng kawalan. Si Gwyneth lang ang tatawag sa kanya ng ganitong oras. I have that code memorized.  Isang malambing lang niyang 'Hello', hukay na sa tiyan ko.

Inubos ko ang natirang laman ng aking bote. Hindi nagtagal ay nagbukas si Evan ng panibago at inabot sa akin. Kinindatan niya ako at may pag-intindi siyang ngumiti.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Ngumisi siya at pumulot ng mani sa isang platito. "Wala..."

Para sa akin ay hindi iyon 'wala'. There's something in the way he reacted.

Doon ko na lang sana itutuon ang aking atensyon kung hindi lang talaga umabot hanggang dito ang boses ni Jaxon. Hindi nga lang malinaw sa akin ang sinasabi niya. Para siyang nagpapaliwanag.

Lumingon ako sa loob, hindi ko siya nakita. Siguro nasa gilid siya o sa kusina.

Dumadaing na si Denver sa tabi ko at nag-iinat ng braso.

"Pag-ibig nga naman, nakakalasing. A hard-on is better to endure than a heartache. Damn!"

Bahagyang nagtawanan sina Evan at Riley sa sinabi niya. I think they agree. 

Ako, well I'm not a guy but I still agree.

A tattoo is better to endure than a heartache. Yeah...damn.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro