TWELVE
Kaagad umuwi si Jaxon pagkatapos niya akong ihatid. Suwerteng tulog si mama nang mga oras na iyon kaya hindi niya kami namalayan. Binuhat niya ako para mas makabawas sa ingay saka nilapag sa aking kama. Huli kong alaala bago naka-idlip ay ang ugong ng umaalis niyang sasakyan.
Parang kiti-kiti si Tori na hindi mapakali sa kanyang upuan nang makita akong pumasok sa classroom kinabukasan.
"Makati ba pwet mo?" Natatawa akong umupo sa tabi niya.
"No..." maarte niyang sabi habang may dinudukot sa bag. Pansin kong wala si Nolan sa tabi niya.
"Boyfriend mo?"
Ngumiwi siya. "Ewan ko sa lalakeng 'yon! Bigla na lang hindi namansin. Bahala siya."
Ngumisi ako. This isn't the first time they've had a lover's quarrel. Hindi na ako nanghihimasok kung ano ang kanilang pinag-aawayan. I take it that it's not that hefty dahil nagkakabati rin naman sila agad.
May nilapag siyang tatlong kulay na mga manicure sa mesa ko.
"Wear it tomorrow, okay? Bagay ang mga ito sa'yo for sure," masigla niyang sabi, ginagamit ang kanyang pagse-sales talk.
"Anong meron bukas?" Kinuha ko ang manicure at binasa ang nasa likod. Mukhang maganda nga 'to sa kuko ko. Imported din ang brand.
"Duh? Acquaintance party natin. Nagbayad ka kaya. Ito nga dala ko iyong mga passes mo..."
May nilabas siyang notebook at binuksan sa pahinang iniipit niya ang mga passes. Tatlo ang binigay niya sa 'kin sa kulay na red, orange at green.
"Kahapon ito pinamigay, ako na ang kumuha ng sa'yo dahil absent ka."
Tamad kong sinusuri ang mga passes. "Ayaw kong pumunta."
Pumalatak siya. "You will go, Vin. Ako bahala sa costume mo."
Kinunutan ko siya ng noo. "Costume?"
Tumango siya. "Punta ka! Last na natin 'to. Tsaka marami tayo kasi ifu-fuse tayo sa ibang allied course."
Pwede naman talaga akong hindi dumalo. Itong mga passes lang ang kailanganin dahil isa ito sa mga requirements for next semester. Ito lang naman ang binayaran ko at hindi ang pagdalo sa party.
"Try ko ha? Pag-iisipan ko." Walang conviction ang aking tono. Wala sa sarili kong binabasa ang mga nakasaad sa passes.
"Ngayon ka na mag-isip! So, ano na?"
Pinandilatan ko siya. "Hindi pa nga ako nag-isip!"
Hanggang sa huling klase namin ay kinukulit pa rin ako ni Tori. Nagkabati na lang sila ni Nolan ay wala pa rin ako naging desisiyon.
Hindi ko talaga feel pumunta. Feel ko papalapit na ang red days ko kasi lately, I've been bitch-slapped by my mood swings.
Hindi kaagad ako umuwi nang hapon na iyon. Dumiretso akong St. Camilus sa Talamban, isang home for the aged. Walang buwan na hindi ako pumupunta rito upang bisitihain si lola Mabel, ang ina ni mama.
Tatlo ang mga kapatid ni mama na kapwa nangibang bansa kaya wala nang mag-aalaga sa kanya. Maagang namatay ang lolo ko dahil sa atake sa puso. Hindi ko na siya naabutan.
Maliban kay mama, si lola na lang ang natitira kong kamag-anak rito.
Tinanguan ako ng guard pagkapasok ko sa gate. Bumungad sa 'kin ang mga matatandang naka-wheel chair na pinapasyal ng mga student nurses nila sa labas ng building. Hindi ko nahagip si lola kaya marahil nasa loob.
Kinawayan ako ng kakilala ko roong nurse. Kumaway ako pabalik habang nilalapitan siya. Kasalukuyan siyang nagpapakain sa matandang mukhang sinusumpong.
"Si Emerson, ang anak kong si Emerson!"
Inipit ko ang aking labi nang marinig ito mula sa matanda. Mukhang mestisahin ito noong kabataan.
"Opo lola, mamaya dadating si Emerson ha? Kaya kumain ka muna para masigla ka kapag nakita ka ni Emerson..." Sinubo ni Nurse Jane ang lugaw ngunit umiling muli ang matanda at iniwas ang mukha sa kutsara.
Pagod akong tinignan ni Jane.
"Si lola?" tanong ko.
Hindi ko mangitian dahil sa pagod niyang mukha. Parang kanina pa niya ito pinapakain, nahagip ko pa ang namamwis niyang leeg at may towel sa kanyang likod.
"Sa taas, tulog yata," aniya.
"Salamat! Good luck diyan!" Ninguso ko ang matanda.
Nadaanan ko ang student's lounge at narinig ang tawanan ng mga student nurses sa pagtahak sa hallway papuntang second floor. Ipinagtaka kong nandyan sila samantalang nasa labas ang iba nilang kasamahan.
Sumilip muna ako sa kwarto ni lola bago ako pumasok. Nakaharap siya sa bintana, kinakamot ang kaliwang braso. May tirang apple at orange sa kanyang bedside table at isang malaking mineral bottle laman ang nangangalahating tubig.
"La..." bumubulong ang boots ko sa puting tiles sa malamyos kong mga yapak.
Sa kanyang pag-lingon ay agad naningkit ang kanyang mga mata. Sinusundan niya ako ng tingin hanggang maupo ako sa tabi niya.
"La, si Davina po ito..."
Lumalim ang salubong ng kilay niya. Habang pilit niya akong kinikilala ay hinahanapan ko naman siya ng mga pagbabago. Ganoon pa rin. Hindi naman nangangayayat, mabuti siyang naaalagaan dito.
Umakyat ang dalawang namumuting mga kilay niya sa napagtanto. Hindi nagmana si mama sa kanya dahil wala silang pagkakahawig maliban sa matangos nitong ilong.
"Oh, Davina!"
Nangingilid ang kanyang mga luha habang ngumingisi, nasisiyahang makita ako. Inangat niya ang mga kamay upang ako'y mayakap. Amoy pulbo ang suot niyang duster, medyo may naaamoy rin akong white flower oil mula sa kanya.
"Kumusta ang mama mo?" tanong niya saka bumitaw sa yakap.
Iyan ang palagi niyang tanong sa tuwing pumupunta ako rito.
"Walang pinagbago..." sinasabi ko ito habang inaalala ang nangyari noong isang araw. Na dumugtong naman sa imahe ni Jaxon dahil kasama ko siya nang araw na iyon.
Sukong napabuntong hininga si lola at muling hinarap ang bintana. Nilingon ko na rin iyon, nagtataka kung bakit ang hilig niyang harapin ang bintana. Hinahanapan ko ito ng mga bagay na maaari niyang pagkainteresan.
"Kung mas malakas lang ako katulad noong kabataan ko, ako papalo diyan sa mama mo. Ikaw na mismo ang nagpalaki ng maayos sa sarili mo, Davina."
Medyo natawa ako sa sinabi niya. Baka hindi iyan ang magiging pahayag mo lola kapag nalaman mo kung anong gulo ang pinaggagagawa ko.
Pinili kong ilihis ang usapan palayo kay mama. Inayos ko ang collar ng duster niyang nalaglag sa kanyang balikat.
"Sensya na La, hindi ko nadala ang paborito niyong banana cue. Hindi ka pa kasi nagpadala sakin, eh."
"Apo," inakbayan niya ako, " hindi nga ako ang nagpapadala sa 'yo. Sasabihin ko naman kung ako. Paano ka ba nakapagbayad sa exam mo?"
Napangiti ako sa talas pa rin ng memorya niya. Hirap lang siya sa pag-kilala sa 'kin noong una dahil sa panlalabo ng kanyang paningin.
"May tumulong na kaibigan. Kunin ko lang 'yong laruan mo."
Tinungo ko ang nurses station rito sa taas upang hiramin ang chessboard. Sa edad niyang eight nine ay mahilig pa rin siyang maglaro ng board games.
Humilig ako sa counter at inangat ang dalawa kong paa. "Gemma!"
"Ay jusko po!" Napaigtad ang isang kakilala kong nurse, mukhang sumablay pa sa pag-sulat ng monitoring. Gulat niya akong binalingan.
"Ikaw pala!" Hinampas niya ako sa braso. "Kakatakot talaga 'yang makeup mo, Davina."
Binaba ko na ang dalawa kong paa at umayos ng tayo. "Natakot ka eh nakangiti ka nga diyan."
Yumuko siya at may binuksan sa ilalim ng mesang pinaglalagyan ng mga chart clipboards.
"Pero ang galing talaga ng curve ng lips mo eh, iba talaga kapag magaling mag-drawing noh? Magaling ding mag make up." Inabot niya sa 'kin ang chessboard.
"Make-upan kita minsan!"
"Sige sige!" excited niyang sabi.
Tumawa ako't tumungo na pabalik sa kwarto.
Sa kada buwan kong pagpupunta rito ay sanay na sa 'kin ang mga nurses. Halos kabisado ko na nga ang kanilang mga patakaran, kulang na lang maging empleyado rin ako rito.
Pero sa palagay ko hindi ako pwede. Sa kapal ng make up ko, mapagkamalan pa akong aswang at basahan ako ng latin na pampabugaw ng mga halimaw.
"La! Seven times seven?"
Sumampa ako sa bed at binuksan ang board. Habang nilalabas ang mga pawns ay pinagmamasdan ko siyang nag-iisip. Tutok na tutok siya sa ginagawa ko habang malalim na nagsasalubong ang mga kilay niya.
"Forty nine..."
Ngumiti ako. "Wow...ang talas pa rin ng utak niyo, a."
Ina-assemble ko na ang mga gamit sa laro. Hanggang sa paga-assemble lang ako magaling, pero palagi akong natatalo ni lola dahil hindi talaga ako mahilig sa board games.
Minsan inaantok pa ako, hindi na ako nag-iisip at diretso tira lang. Pinapagalitan pa ako minsan dahil hindi ko raw pinag-iisipan ang mga taktika ko.
Wala naman kasi akong tactic dahil hindi talaga ako nag-iisip!
Nahuhulog na ang mga mata ko habang hinihintay siyang umatake. Ilang black pawns na ang nakuha niya galing sa 'kin. Ako, dalawa pa lang.
"May nahanap ka na bang kapalit ni lolo dito, La? Ang daming mga ginoo sa baba! Ihanap kita, gusto mo?" Basag ko sa boredom.
Tumawa lang si lola, medyo hinihingal na dahil sa katandaan.
"Check mate!"
Naningkit ang mga mata ko sa board. Wala talaga akong alam sa chess kaya hinayaan ko siya. Ewan ko lang kung totoo bang na check mate na o niloloko niya lang ako dahil alam niyang hindi ako marunong.
"Sure ka, La? Parang hindi." Napakagat ako sa aking kuko habang ina-analyze kung paano na-check mate.
"Mas marunong ka pa sa 'kin? Eh natatalo nga kita!" panenermon niya na siyang ikinatawa ko.
Giniba ko na ang mga pawns at muling nag-assemble. Sa kanya naman ang black.
"Lola Mabs!"
Nilingon ko ang hindi pamilyar na boses na pumasok sa kwarto. Salungat sa pagiging pamilyar ko sa kanyang mukha. It's Gwyneth.
Pinagtagpi-tagpi ko ang nangyari. Right, nursing student siya, may duty sila sa mga home for the aged institution bilang parte sa kanilang curriculum.
Ningitian niya ako nang magtagpo ang aming paningin. Tipid lamang ang aking sinukli. She seems nice, walang panghuhusga sa kung paano niya ako pinaunlakan.
Ngayong nakikita ko na siya nang malapitan, walang pagdududa kung bakit nagtiis si Jaxon sa panliligaw sa kanya ng apat na taon. She's the very opposite of me. Natural mestiza beauty.
In her upturned eyes, isang linya ng liquid eyeliner lang ang tanging nilagay niyang make-up. The rest are natural, even her rose pink lips and cheeks. She's very feminine too at nababasa ko sa kilos niya ang katalinuhan at pagiging responsable. May ambisyon sa buhay...
"Hello, ako pala naka-assign sa kanyang student nurse." Her voice is soft spoken and caring.
"Apo niya ako," tipid kong sabi, nai-intimidate sa totoo lang.
Bigla akong pinanghinaan ng loob sa pagkukumpara ko sa sarili sa kanya kahit hindi naman dapat.
"Ah, ikaw si Davina? Palagi kang kinukuwento ni lola Mabs."
Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad. Amoy alcohol pa iyon saka malambot.
She's very nice, Jaxon. Now I finally get to understand your chosen four year struggle.
Nagtungo siya sa bintana at sumandal sa pader katabi nito. Ngiti niyang tinitignan si lola na siyang nag-assemble para sa panibago naming laro.
Masasabi kong bagay sa kanya ang kinuhang kurso dahil mukhang ito talaga ang gusto niya. The performance could tell how you love your job. I've seen that from her.
"Pinakain ko siya ng fruits kanina, ayaw niya noong una kasi hinihintay raw niya 'yong dala mong banana cue. Pero napilit ko rin naman sa huli, iyon nga lang, hindi naubos."
Nilingon ko ang mga tirang slices ng prutas sa bedside table. Isang ngiti lamang ang ibinalik ko sa kanya. Wala akong masabi. Gusto ko nalang maiyak sa kabaitan at kagandahan niya.
Ano, Davina, makikipagkompetensiya ka pa sa katulad niya? Walang-walang ako kumpara sa kanya!
Ngayon pa lang, tatanggapin ko nang hanggang pagiging kaibigan lang talaga ang hangad ni Jaxon. Huwag na akong umasa.
"Binihisan ko rin siya kasi naka-ihi siya sa kanyang shorts kanina," mahina niyang pahayag.
Gumapang ang ilang sa sistema ko. Binalingan ko si lola na hindi na umiimik.
"Lola naman, bakit ka umihi sa shorts mo? Si nurse ganda tuloy nagbihis sa'yo," biro ko sa kanya.
Tumawa si Gwyneth. "Okay lang, normal na rin naman sa age nila. I have my lolo rin kasi at minsan ako ang nag-aalaga."
Tumango ako, tinatanggap ang pagkukuwento niya. Na-meet na kaya ni Jaxon ang pamilya niya kahit manliligaw pa lang? It's not impossible.
Hindi ko alam kung paano suklian ang mga binibigay niyang friendly gestures dahil hindi ako sanay makihalubilo sa mga tulad niya. Because like Jaxon, she seems high maintenance, too.
Tori is one of those people, pero kasi may mga tao talagang pakiramdam natin ay nai-intimidate tayo. I was intimidated by Tori at first, but she seems persistent in being friends with me kaya nag-click kami.
But Gwyneth here...parang hindi rin ako ang tipong sinasali niya sa kanyang mga circle of friends. Mga sosyalin kasi, hindi ako maka-relate.
"La," malamyos niyang tawag, "gusto mo mamasyal sa labas? Aalis na kami maya-maya lang...pero babalik naman kami sa Lunes."
Tinignan ko ang puti niyang sapatos at binakas ang haba ng kanyang kabuuan. Matangkad rin siya. Pero mas matangkad ako. I think mag-kasing katawan lang din kami. May kaunting shade ng brown ang kanyang buhok. I don't know if that's natural but it seems like it dahil mestiza siya.
I heard she's a model. Freelance, from what I've heard. Sa facebook at instagram naka-post ang mga pictures niya, and I don't have any of those accounts.
"Dito na lang ako," ani ni lola.
Nilingon namin ang impit na tilian ng mga babae kasunod ang pagpasok ng dalawa sa kanila. Mga kasamahan ni Gwyneth. Dala na nila ang kanilang mga bag.
"Gee! Nandiyan na ang sundo mo! Ayiieehhh..." Tumatalon-talon pa ang isa at ang laki ng kanyang ngisi.
"Pa-hitch ulit kami sa wheels ni Jaxon, Gee, ha?" ani ng isang nasa likod.
What? Jaxon's here? Well of course, Davina. Nandito ang nililigawan niya!
Wala ba siyang schedule sa radio station ngayon?
Ngumiti si Gwyneth at namula ang buong mukha kasali ang leeg niya. Nilapitan siya ng isang kaibigan at nilingkis ang braso nito sa kanya. Bahagya niyang tinulak ito patagilid gamit ang baywang.
"Nasa kanya na lahat Gee, ba't hindi mo pa sagutin? Kung sa 'kin manligaw 'yan hindi ko paaabutin ng apat na taon!"
Naghalakhakan sila. Hindi ako makapaghintay na sitain sila ng nurse dahil nag-excess na ang mga nandito sa room.
Mas lalo akong nakaramdam ng ilang batong nagsibagsakan sa aking dibdib na halos hindi ko magawang huminga. Kakaiba ang kung ano man itong pumilipit sa aking tiyan. Hanggang dito ba naman ay susundan ako ng katotohanang 'yan? Na may iba siyang gusto?
"Shh...huwag kayong maingay mapalabas pa tayo." Sita sa kanila ni Gwyneth ngunit ngumingiti pa rin.
That gesture alone, masasabi ko nang may nararamdaman din siya kay Jaxon. Kung gusto pala niya ang lalake, why not say yes to him already? Is four years not enough for her?
But then...hiniling ko pa rin na hindi muna.
Pero naisip ko rin ang mararamdaman ni Jaxon kapag hindi siya sasagutin matapos ang apat na taon niyang pagsa-struggle.
Haay...hindi ko na alam kung ano ang hihilingin. Ayoko namang maging makasarili at hindi papakealaman ang mararamdaman ng ibang tao. As if naman sa 'kin mapupunta si Jaxon if ever lang na hindi siya sagutin ni Gwyneth.
Hagikhikang lumabas sina Gwyneth na may binanggit tungkol sa pakikipag-usap niya sa clinical instructor para sa kanilang groupings. Umalingawngaw ang mga boses nila sa hallway at umabot pa rito sa kwarto.
Nanlulumo kong binalikan si lola na tapos na sa pag-assemble. Naglaro ulit kami. Mas lalo lamang akong matatalo dahil sa nararamdaman ko. Bigla akong nawalan ng gana sa lahat. Ang sigla ko kanina pagpunta rito ay parang kandilang nauupos.
"Apo naman...mag-ensayo ka nito para hindi kita palaging natatalo..." kamot ulong sermon sa 'kin ni lola.
Patay na tawa ang naisagawa ko. Walang pag-iisip kong inabante ang isang pawn na siyang kinuha naman niya pagkatapos.
Iling siyang pumalatak dahil halos matatalo niya na ulit ako.
Nangalay ako sa aking posisiyon kaya dumapa ako sa kama. Kaharap ko pa rin ang chess board habang si lola naman ay nanatiling naka-upo. Nakapalumbaba ako.
"Pag-isipan mong mabuti , Davina..." may banta sa tono niya.
Kunwari akong nag-isip sa gagamitin kong pawn. Kukunin ko na sana ang napili ko nang may ibang kamay ang nag-move sa pawn na wala akong balak galawin saka niya kinuha ang isa sa mga black pawns ni lola. Napabalikwas ako sa kama at nilingon ang taong iyon.
Dumoble ang aking gulat nang makita kung sino ito.
"Jaxon?"
Nabibingi ako sa matinding tibok ng puso ko. Halo ang gulat at pagkamangha na nagkikita kami rito ngayon. In this random day, and in this random place.
Kaswal niya akong ningitian na para bang hindi kagulat-gulat ang mga pangyayari. Paano ba siya napunta rito? Dapat sa labas siya naghihintay! Hindi naman siya visitor. Tagasundo lang naman siya ng nililigawan niya.
Nakapamulsa siya. He's in his uniform. Hindi ko alam kung bakit parang kulog at kidlat ang impact ng pagwawala ng puso ko sa kulungan nito sa tuwing nakikita ko siyang naka-uniform.
"Lola mo pala ang na-assign kay Gwyneth."
Hindi ako sumagot. He's not even asking, he's more like stating it.
Umikot siya sa bed at humantong sa harap ni lola na nanliliit ang mga matang sinusundan ng tingin ang bisita. Dahil 'yan sa panlalabo ng kanyang paningin, hindi naman pwedeng aalahanin niya dahil ngayon lang naman niya nakita si Jaxon.
I'm always in awe of the way Jaxon walks. Punong-puno talaga ng confidence. Nakakamangha ang tikas. Pwede siya maging modelo, and he's the hottest masscom student I've seen.
"Magandang hapon po, lola..." Nagmano si Jaxon kay lola.
Like...what the—
Nanlalambot ang puso ko sa ginawa niya. Hindi ko alam kung mananatili akong nakanganga, ngingiti o maiiyak. Pero mas nanaig ang kagustuhan kong magtatalon-talon sa kama!
He is that respectful despite of his situation at home. Kung hindi man mga magulang niya ang nagturo sa kanya ng magandang asal na iyan, then whoever that person is, I salute you.
"Magandang hapon rin sa'yo..." nanliliit pa rin ang mga mata ni lola na hinaluan na nang pagtatanong ang ekspresyon.
Ningitian ako ni Jaxon, parang hinihingi ang approval ko sa ginawa niya. Hindi ko magawang ngumiti pabalik dahil sa pagkamangha at gulat ko. Ni hindi ako makagalaw sa nakakangalay kong posisiyon.
I can't move on from what he did. Damn!
"Kaibigan po ako ng apo niyo..."
Napanguso ako. Akala ko sasabihin niyang manliligaw siya ng student nurse niyo, La.
"Ah...kaibigan," nagtataka akong nilingon ni lola, "ngayon lang nagdala ng kaibigan si Davina rito..."
Pinaglalaruan ko ang kaisa-isang pawn na nakuha ko mula kay lola. Wala akong tinitignan sa kanila.
"Hindi ko po siya dinala..."
Which is true. Mag-isa lang kaya akong nagpunta rito.
Bumitaw na si Jaxon sa kamay ni lola. Tinanggal niya ang isang strap ng kanyang bag upang makasandal siya ng maayos sa bintana.
"May pinuntahan lang po ako rito tapos nagkita kami...pero magkaibigan po talaga kami ng apo niyo," ani ni Jaxon.'
Ramdam ko ang panginginit ng kabilang pisngi ko sa pagtitig ni Jaxon. I know he's staring, kita ko sa gilid ng aking paningin habang kunwaring nilalaro ko ang pawn.
Humigpit ang pulupot sa tiyan ko nang lumapit siya at binigay sa 'kin ang kinuha niyang pawn kanina. Hindi na lang niya binagsak sa board, kinuha pa talaga niya ang kamay ko at nilagay ang pawn sa aking palad.
Sa kabila ng ginawa niya ay hindi pa rin natatanggal ang bato sa dibdib ko sa sinabi niya kanina. May pinuntahan siya rito. Oo nga naman. At hindi ako iyon.
Pinuwersa kong alisin ang walang hiyang bato sa maingay na buntong hininga saka ko giniba ang laro.
"La, tinalo niyo na naman ako, bagong laro ulit, ha? Isang daang banana cue na ang utang ko sa 'yo," sabi ko.
"Banana cue?"
Hindi ko pa rin tinitignan si Jaxon. Bahagyang sulyap lamang sa kanyang paa na parang iyon ang kausap ko.
"Paborito niya iyon..." sabi ko habang ina-assemble ulit ang laro.
"Talaga?" Bahagya siyang tumawa. " 'Di bale lola, bukas dadalhan kita ng isang basket ng banana cue."
Huminto ako sa ginagawa at 'di napigilang lingunin siya. "Hindi ka nagbibiro?"
Ngiti siyang umiling. "No, I'm serious."
Nag-iwas ako at pinagpatuloy ang pag-asemble. "Hindi mo naman kailangang gawin 'yan Jaxon."
Bago pa siya makapagsalita muli ay pumasok si Gwyeth at nagpaalam kay lola at sa akin na rin. Tumango ako at tipid siyang ningitian.
Hindi ko pinadapo ang paningin ko kay Jaxon. Hindi ko tinitignan silang magkasama at kung paano niya kinuha ang bag ni Gwyneth upang siya ang magdala nito. Pati na rin ang paglapat ng kamay niya sa baywang ni Gwyneth. At ang ngitian nila sa isa't isa.
"Vin, 'di ka sasabay?" tanong ni Jaxon.
Sa gilid ng aking mga mata ay kita ko silang nasa pintuan na ng kwarto.
Umiling ako, kunwaring focus sa pag-assemble ng mga pawns kahit sa totoo lang hindi ko na alam kung saan ito ilalagay. May nalagay pa akong pawn sa dapat sanang posisyon ng King at knights.
"Hindi na..."
Sandali pa silang nakatayo roon, para bang hinihintay na magbago ang isip ko. Pero hindi na nangyari.
Sa huli ay si Gwyneth na ang tumawag kay Jaxon upang makaalis na sila.
Doon pa lang ako bumaling sa pinto nang tuluyan na silang mawala. Natanggal nga ang animo'y bato sa dibdib ko at lumuwang ang pilipit sa aking tiyan ngunit napalitan naman ng kawalan.
"Mabait ang kaibigan mo na iyon, apo...Mga katulad niya ang dapat na mapapangasawa mo."
Tanging nagawa ko ay ang magpilit ng ngiti. Dapat ba talaga walang dahilan ang kasiyahan? Kalungkutan at kabiguan? Hindi man natin kailangan alamin ang mga rason pero lahat ng pangyayari ay may dahilan.
Bigo akong aminin na hindi ang mga tulad ko ang nagugustuhan ng mga katulad niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro