THREE
Nagsimula na sila sa pagsusulit nang dumating ako sa classroom. Sinundan ako ng tingin ng proctor namin pagkapasok ko. Pinakita ko sa kanya ang resibo na may tatak na valid for midterm.
"O Ms. Claravel, akala ko hindi ka makaka-take ng exam? Saan ka nakakuha ng pambayad?" tanong niya habang inaabutan ako ng test paper.
"Nang-holdap ako ma'am."
Nagtawanan ang mga kaklase kong nakarinig sa aking sinabi. Huli ng aking pandinig ang maarteng tawa ni Tori.
Napailing na lang ang proctor namin, sanay na sa ugali ko. Pumihit na ako't tinungo ang aking pwesto sa tabi ni Tori. Dinukot ko ang aking baon na bubblegum, binuksan at ninguya upang pawiin ang gutom. Hindi pa ako nag-agahan.
"Saan ka nang-holdap?" bulong ni Tori habang kunwaring binabasa ang papel niya.
"Diyan lang sa baba." Bulong ko pabalik. Tinakpan niya ang bibig upang itago ang kanyang tawa.
Sinita siya ni Nolan na hindi nag-aalis ng tingin sa kanyang testpaper.
"Stop talking. Eyes on your paper," sita ni Ms. Silvano.
Sa amin siya nakatingin. Tumikhim ako at umayos ng upo. Binasa ko ang unang question, hindi ko maintindihan kaya nag-skip ako hanggang umabot ako sa question number eleven, doon ko pa lang nakuhang sumagot.
Babalikan ko rin ang mga hindi nasagutan. Importante eh. Ganyan naman talaga, babalikan ang mga importanteng bagay. Iiwan naman ang mga hindi.
"Bumalik na si mom, may dala ulit mga lipstick. Bigay ko sa 'yo yung tatlo," bulong ulit sa 'kin ni Tori.
Tinatapik niya ang ballpen sa armchair niya upang hindi mahalata ng iba ang sarili naming discussion.
"Ang dami mo nang binigay na hindi ko pa nagagamit—"
"I said quiet! The examination is on-going so focus on your papers. Stop talking."
Nag-angat ng tingin ang mga kaklase ko upang tunghayan kung sino ang pinaparatangan ni Ms. Silvano. Kailangan pa ba nilang itanong? Obviously. Do I have to point a finger to myself?
"Iyan, mag-shut up ka nalang kasi," bulong ko kay Tori.
"Final warning, Ms. Claravel." Mahigpit na anunsyo ni Ms. Silvano.
"Wala pa ngang semi-final, final na agad," bubulong-bulong ko. Narinig iyon ni Nolan at nagpakawala ng hagikhik.
Nag-behave na ako pagkatapos noon. Nakapatong ang isang binti ko sa isa at ginagalaw-galaw ito habang sinasagutan ang testpaper. Masyado akong inaantok upang sipaging basahin ang mga tanong kaya ang iba ay diretso kong binilugan ang sagot.
Tumayo ako upang magpasa ng papel.
"Hintayin ko kayo sa labas," ani ko kina Tori. Kapwa sila tumango ni Nolan.
"Ang bilis, a."
Nilingon ko si Angelov na sa pinakalikod ang silya. Matangkad kasi, kaya diyan siya nilagay. Kinakagat-kagat niya ang dulo ng ballpen niya habang ningingisihan ako.
"Inggit ka? Bilisan mo rin."
Iling siyang nagbalik tingin sa papel niya.
"You're done Ms. Claravel? Nag-iingay ka na ulit."
Hinarap ko na si Ms. Silvano. Ang igsi talaga ng pasensya ng matandang 'to. Natitigang na yata eh.
Ako ang unang nakatapos. Pagkatapos ilapag ang testpaper ay lumabas na ako, Walang panghihinayang sa mga maling sagot ko. Idadahilan ko ba ang antok ko? Iba naman kasi ang katamaran kaya masasabi kong hindi ako tinatamad.
Sumandal ako sa ledge sa labas ng classroom. Tumitingin sa mga dumadaang estudyante rito sa hallway. May naligaw pang dalawang nursing student eh nasa fifth floor ang test room nila.
Pinanood ko silang may hinahanap sa loob ng room. Nang mag-angat ng ulo si Angelov ay naghagikhikan sila at dali-daling umalis.
Sus, kaya naman pala. Kamandag mo, Angelov, nakakasira ng self-esteem sa mga lalake.
Hindi nagtagal ay tumayo rin siya at sunod na nagpasa ng testpaper. Ginulo niya ang kanyang buhok saka inayos ang pagkakasabit ng bag sa kaliwang balikat.
Paglabas niya ay tumuro siya sa third floor. "Charlie."
Tumango ako. Sandali ko siyang pinanood na naglakad papuntang hagdan. Nasa fourth floor ang testroom namin kaya bababa pa siya upang hintayin si Charliemagne.
Sila ang nagsasabay kumain kasama ng iba pang mga lalake, minsan kasama si Nolan. Pero ngayon, kung nasaan si Tori, naroon si Nolan kaya kaming tatlo ang nagkakasama.
Matagal na minuto rin ang hinintay ko bago nag-ring ang bell. Nagkakamot na nang ulo si Tori saka pinaypayan ang sarili. Napailing na siya at dali-daling binilugan ang sagot saka tumayo sabay kuha ng shoulder bag. Pero bago pa niya masuot ay kinuha na iyon ni Nolan at isinuot sa balikat niya. Sabay silang nagpasa ng papel.
Padulas akong nilapitan ni Tori at nagtaas ng dalawang kamay. "Oh my God ang hirap!"
"Ikaw, ang bilis mo, a," ani ni Nolan.
Nagkibit-balikat ako. "Inantok ako, e."
Sinang-ayunan ito ng aking paghihikab.
Inayos ko ang pagkakasuot ng knapsack ko. Binunggo pa ako ng isang kaklase kong nagmamadaling bumaba. Hindi mapigilan ang gutom, ate?
"Bag ko." Rinig kong sabi ni Tori sa likod. Nauna ako sa kanilang naglalakad kasabay ng mga estudyanteng nagtatawanan.
"Ako na, nandito rin 'yong book ko e. Mabigat," sabi ni Nolan.
Ang ingay ng hallway. Puro tungkol sa exam ang pinag-uusapan. Nakikinig lamang ako sa kanila upang matuon ang atensyon ko palayo sa mga balak kong isipin. I have the tendency to over think, at nagpa-panic ako bigla.
Pagbaba namin sa third floor ay nadatnan namin si Angelov kausap si Charlemagne. Pinuntahan ko sila pero siya namang paglalakad ng dalawa.
"Oy!" tawag pansin ko sa kanila ngunit sa ingay ng hallway ay natatabunan ang boses ko.
"Davina."
Natigil ako sa mga hakbang ko't nilingon ang nagmamay-ari ng boses. It's Jaxon. Imbes na una kong aalahanin ay ang ginawa niya kanina, pinangunahan ito ng aking paghanga sa kanya.
Umalis siya sa pagkakasandal sa ledge at inalis ang kamay sa bulsa. Sa paghakbang niya palapit sa 'kin ay halata ko ang pag-ikot ng ulo ng mga kababaihan sa kanya, may narinig pa akong nagtanong kung ano ang course niya.
Tanong ko rin iyon. Dito ba siya nag-aaral? Kung ganoon bakit ngayon ko lang siya nakikita? He should be a familiar face to me. At hindi basta-basta nababalewala ang ganyang kaguwapuhan.
May confidence ang paglalakad niya. Lalakeng-lalake. Confident and relaxed all at the same time.
"Maniningil ka na? Wala pa talaga akong pera eh. Bukas ko pa ulit itse-tsek ang atm ko kung may padala," sabi ko, binalewala ang aking kaba.
Mahina siyang nagpakawala ng tawa. Mukha siyang nahihiya na hindi.
Dinungaw ko ang hawak niyang cellphone na pinaglalaruan ng mga kamay niya bago ito sinilid sa bulsa sa likod ng kanyang jeans.
"Lunch tayo. Ngayon pa lang kasi magsisimula ang exam ng pinsan ko,"nakangiti niyang anyaya.
Lunch? Kami? Sa dinami-daming tao na pwede niyang imbitahang mananghalian ay ako pa talaga na may utang sa kanya?
"Uh..."
"Vin! Let's—Oh!"
Nahinto si Tori nang makitang may kausap ako. Palihim niyang pinisil ang aking tagiliran.
"Hi!" maarte niyang bati. Napangiwi ako sa tinis ng boses niya.
Ngumiti si Jaxon at tinanguan siya. He's a bit friendly.
"Sabay kasi kami—"
"Oh no!" putol sa 'kin ni Tori sabay akbay sa balikat ko. "May pupuntahan pala kami ni Nolan and I'm sure hindi mo magugustuhan doon. Walang alak. Mauna na kami. Sabay ka nalang sa kanya, ha? See you mamaya!"
Kumaway siya bago ako iniwan. Tumingin dito si Nolan saka sinundan ng tingin ang papalapit niyang girlfriend. Inakbayan niya ito. I'm sure may kinukuwento na sa kanya si Tori.
"Sabay na ako sa inyo!" habol ni Angelov sa kanila ."Ngayon pa lang mage-exam sina Charlie, kanina pa ako gutom."
Pinanood ko silang bumaba sa hagdan bago ko binalikan si Jaxon na matiyagang naghihintay. Ngumiti siya nang tinagpo ko ang kanyang tingin.
"Saan tayo kakain?" bigla kong tanong.
Ako ba dapat magtanong noon o siya? I think ang kapal ng mukha kong itanong iyon sa kanya as if naman ako magbabayad eh naka-utang nga ako sa kanya ng mahigit sampung libo.
"Ako na bahala. Kumakain ka naman ng kahit ano, di ba?" Nagsimula na kaming maglakad.
Bahagya kong nilalayo ang sarili sa kanya kaso sa nagsisiksikang mga tao rito sa hagdan ay nadidikit ako sa kanya. Ramdam ko ang kalambutan ng suot niyang shirt at pati na ang kanyang bango na sumasalakay sa ilong ko. His scent is manly and a little bit minty, with a dose of freshwater in it.
"Basta nakakain," maikli kong tugon.
I've never been asked by anyone for lunch. Well, my flings do ask me for a movie, gala, punta sa park. Hah! Natatawa nalang ako. Sa park nila ako dadalhin? Oh, wrong move my friend. Never ask me to go in a park.
If they want to make me happy, dalhin nila ako sa lugar na may inuman. I need a place to numb my thoughts, not to worsen my way of thinking.
Sa isang fastfood chain kami nagtungo na nasa tapat lang ng university building. I've been here once pero noong birthday ko lang iyon dahil wala akong pang-handa. Sa mga karinderia naman kasi kami kumakain nina Tori.
Pinauna niya akong makapasok, which is hindi na naman ako sanay. I've never gushed towards a guy doing some sort of chivalry. Ang mga kaibigan ko? Asa pa akong magpapaka gentleman sila sa 'kin. Si Nolan lang, pero kay Tori lang naman. Kanya-kanya lang kami niyan.
Mahaba ang pila sa bawat counter dahil lunch time. Ngunit hindi iyon ang inaalala ko kung 'di ang pag-tunog ng aking tiyan. Tanging bubblegum lang agahan ko.
"Hanap ka na ng seat," ani ni Jax na pumipila na.
Is it weird na kahit kanina pa kami magkasama ay ngayon ko lang pinuna kung gaano siya katangkad? I mean, I am or almost 5'10 pero hanggang baba lang ako ni Jaxon. Dinaramdam ko ang boots kong walang takong.
"Burger iyong sa 'kin. 'Yung plain lang," sabi ko.
Mas mura kasi ang plain burger. Huwag na iyong may cheese dahil abot ng isang daan. Nakakahiya na sa kanya.
Tinanggal ko ang isang strap ng knapsack ko upang kunin ang aking coin purse. Inabutan ko siya ng five hundred.
Tinitigan niya lang iyon. Naglo-loading pa ba siya kung ano itong hawak ko o sinusuri pa niya kung magkano itong pera?
Kunot-noo siyang nag-angat ng tingin sa 'kin. Muling nagtagpo ang pinto ng kanyang mga pilikmata sa ginawang paninigkit ng mga mata niya.
Bahagya akong pumagilid nang may dumaang bata, pero hindi ko binaba ang kamay kong may hawak ng pera.
"Ano 'yan?" tanong niya.
"Pera."
May ngiti ang buntong hininga niya. Humalukiphip siya at sumenyas sa isang kamay sabay iling.
"Just find a seat. Ako na bahala."
"Burger ha?" paalala ko saka ako tumalikod at naghanap ng bakentang mga silya. Binalik ko sa purse ang pera.
Gusto ko sana sa pinakasulok, iyong hindi ako makikita ng mga mapanghusgang mga tao sa ayos ko dahil dito pa lang pinagtitinginan na ako. Sa mga mata pa lang nila, senyales na iyon sa 'kin na tinatakwil ako.
What? Bawal ako rito? Ano ba ang lugar na 'to, simbahan?
Kaso ang tanging nahanap kong bakante ay iyong nakadikit sa window wall. Wala na akong choice kaya doon nalang ako pumuwesto.
Binagsak ko ang sarili sa upuan. Hinubad ko ang aking knapsack at nilagay sa aking kandungan. May dumaan na magbabarkada sa labas na kung tignan ako'y parang salot na ako sa lipunan. Yumuko ako at tinakpan ng kurtina ng aking buhok ang aking mukha.
I let them see me this way. I let them judge me this way. Sila naman kasi ang mamomroblema at hindi ako. Kahit naman hindi ganito ang ayos ko, may manghuhusga pa rin. Judgements don't choose on who to judge. Negative or positive, we're all going to be handed with criticisms.
Bumalik si Jaxon dala ang tray ng mga order. Nagulat nalang ako nang may nilapag siyang chicken at rice sa harap ko. May fries pa! Nasaan na iyong burger?
Tulala lang ako habang pinagmamasdan ang mga paglalapag niya ng mga pagkain.
"Sa 'yo iyang isa," pahayag niya.
Dinungaw ko ang pagkain sa harap ko. Magkano kaya 'to?
Kinuha ko ulit ang natirang five hundred ko sa coin purse at inabot sa kanya. "Ang laki na nang utang ko sa 'yo."
"Hush..." tamad niyang kinumpas ang kamay, iniitsapwera ang salita ko. "Don't mention it. Eat, Vin."
Napaatras ang ulo ko, bahagyang nasurpresa sa itinawag niya sa 'kin. "Vin?"
Sumisipsip siya sa straw ng drinks niya habang tinitignan ako. Lumunok siya saka nagsalita.
"Mhm, your name is Davina, right?" Turo niya sa 'kin gamit ng plastic fork. Naglalaro ang dila niya sa loob ng kanyang pisngi.
Tango ang sagot ko sa tanong niya.
"So, Vin. Eat." Turo niya sa pagkain ko.
Matagal ko siyang tinitigan. Bakit niya ito ginagawa? if this is because I'm a charity case for him ay marahil pipilitin kong huli na itong ibibigay ko sa kanyang kalayaan na magpakita sa 'kin ng kabaitan.
I don't want to depend myself on good people. Sa oras na mawala ang kabaitang iyon, paano ka na? Wallow yourself in self-pity because the good ones were taken away from you?
Then doon na papasok ang perception mong 'I don't deserve the good things'. Believe me, I've been there and it's never a good place. The journey is good, but once na matapos ang paggala na iyon, wala na . You're left with nothing but your negative belief.
It's hard to start again. To let new good people come in your life. I'm content with the kind of friends I have. They're not perfect, and I like it that way. I don't deserve the perfect things.
"Okay, Jax..." ani ko.
Sa pagngiti niya, parang gusto kong bawiin ang mga sinabi ko.
But remember your life, Davina. Nasaan ka ngayon? You don't just pull good people in your life and affect their light in order to put light in your dark. That's selfishness, Vin. Stay out of it.
Umalis siya at nagpunta sa wash area. See Vin? That guy is high-maintenance. Doon pa lang magkaibang-magkaiba na kami. I don't belong to his clique of people. He doesn't belong to what I call my people.
Pinagmasdan ko siyang nagbalik sa katapat kong upuan. Parang isang rehearsed na sayaw lang ang galaw niya. Smooth. Walang ilang. No calculation of movements, komportable siya sa bawat galaw niya. He's being himself.
Sinipsip niya ang kanyang thumb pagkatapos niyang hawakan ang chicken na mainit-init pa dahil biglaan ang pagkakabitaw niya nito.
May tunog pa ang pagsipsip niya. The perfect angle of his jaw was defined with that slight movement. Hindi rin nakatakas sa 'kin ang nguso ng pinkish niyang labi. They're not super plumpy, pero malaman pa rin. Kissable I could say. Sapat na upang panggigilan mong kagatin.
I'm probing on his features. Hindi ako magsasawang puriin ang taong 'to. I'm never new into admiring boys. Hell! Crush ko nga si Angelov at hindi ko itatanggi iyon!
But this guy? Iba eh. Marami na akong nakakaharap na mga guwapo pero iba si Jaxon sa kanila. Iba ang dating niya sa 'kin. He's got his own style. His own persona.
He's got a bad boy's face but a soft brown eyes. He's like the love child of Gap ad catalogue and GQ magazine. Simple, casual but high fashion. Hindi katulad ng iba na trying hard kung makasuot ng mga jacket eh hindi naman bagay.
Sa kanya, effortless, kahit anong unang mapupulot na shirt kapag isusuot niya ay ang lakas pa rin ng dating.
Not to mention that lean, muscular body na masasabi mong may hubog sa loob ng suot niyang gray shirt. I could imagine abs. Ngayon pa lang binibilang ko na.
Well does that mean you're crushing on him too, Davina?
Why not?
"Are you okay?"
Ginising ako ng boses niya. Ilang beses akong napakurap habang tinitignan ang pagtataka sa kanyang mukha. Uminit ang sulok ng dibdib ko at mga braso sa naramdamang kahihiyan. Did he catch me ogling at him?
Mukha namang hindi. Kung mahuli niya man ako, he wouldn't smile about it. Probably he would be more into being crept out because of me. Hindi ko siya masisi kung ganoon ang iisipin niya. It's normalcy. I creep people out.
"You seem to be deep in thought," puna niya. Curious ang mga kilay niyang nagsalubong. They're attractively thick.
I'm deep thought-ing you...
Tumikhim ako sa naisip na term. Deep thought-ing, Vin? Buti hindi sumablay at nasabing deep throating. Bad, bad, bad. Nasa harap ako ng pagkain.
Pero ilang sandali lang ay siya naman itong nahuli kong nakatitig.
"Bakit?" Halos hindi ko manguya ang kinakain ko. Kailangan kong umiwas pero pinapairal ko ang pagiging walang hiya ko.
Pigil-ngiti siyang ngumunguya. "Wala. Mukha kang model."
Binalot ko muna sa utak ko ang sinabi niya, nakikipagtalo kung totoo ba ang narinig ko o namamalik-tenga lang ako. Pero ang makita ang pigil niyang ngiti ay naga-anunsyong totoo ang narinig ko.
Napatingala ako sa ginawang paghalakhak. Anong klaseng paningin ba meron siya? Hinuhusgahan na nga ako ng mga tao't lahat lahat tapos siya model ang tingin sa 'kin? Awa lang iyan, Jaxon.
"Yeah, seriously." Bahagya na rin siyang natawa at umiling nang tipid. Pinadaan niya ang dila sa gilid ng kanyang ngipin. "The kind na nakikita sa Tumblr. I don't know if you're into that."
So we have the same thoughts. I've just thought that he's in a sort of magazine.
"Wala akong social media kaya hindi ko alam ang sinasabi mo," ani ko. Uminom ako ng sofdrinks dahil sa hirap sa paglunok.
"Kahit isa?" Nag-taas siya ng kilay, hindi makapaniwala.
Why o why even his eyebrows are attractive? Gusto ko siyang iguhit.
Tumango ako saka nag-iwas ng tingin. Hindi ako maka-concentrate tagpuin ko pa lang ang tingin niya. Kahit isang sulyap lang iyan pakiramdam ko nauuhaw ako.
Kahit sa straw siya sumisipsip, pakiramdam ko tubig sa katawan ko ang hinihigop niya. What a way of words, Vin.
Imbes ay sa mga kilos niya ako nakatuon. Tinignan ko ang kamay niya, those are very manly hands. Simple lang ang itim niyang leather watch pero ang rangya na nitong tignan sa malinis niyang mga kamay. Parang hindi pa siya nakakahawak ng lupa.
Naisip ko tuloy paano siya maghugas ng pwet pagkatapos mag-poop?
Ano ba iyan Davina kumakain ka!
"Diyan ka nag-aaral? Ngayon lang kita nakita." Usisa ko. Ayokong maging tahimik ang bibig ko. Kahit ano kasi ang naiisip ko. I want to keep talking, do anything to keep me from thinking uninvited thoughts.
"Hinintay ko lang talaga ang pinsan ko. Akala ko sabay kaming pupunta sa studio, same way lang kasi sa pupuntahan niya para sa kanilang research," aniya.
Bumagal ang aking pag-nguya. Hindi ako nakatiis at natignan siya. Mahirap sa 'king hindi tinitignan ang kausap ko so I have to look at him.
"Studio? You're working?"
Umiling siya, pinausli ang ibabang labi. Cute. Hot. Cute.
"MassCom student. Nagi-intern ako sa isang radio station as a disc jock."
Mangha akong tumatango. So he plays songs. Nice one. I listen to the radio more than watching tv. Pero doon ako sa mga nagpe-play ng indie songs. I hate mainstream nowadays.
"So maganda pala boses mo." Huli na bago ko pinag-isipan ang sasabihin. Yet I'm not even sorry about it. Ayaw kong pagsisihan ang mga sinabi ko. This is the way I am.
He smiled lazily. "We're having a conversation right now. What do you think?" Tumikhim siya. "Okay ba?" pinalalim niya ang kanyang boses.
Inadjust ko ang sarili sa aking kinauupuan. Dinungaw ko ang nanayong balahibo sa braso ko. Hinaplos ko ang aking batok upang pakalmahin ang pananayo rin ng buhok doon. Boses pa lang iyan, Davina.
Natawa siya sa naging reaksyon ko. Oh, he's enjoying it, huh? Nilantakan ko ang chicken upang itago ang ngiti ng aking kahihiyan.
Tikom bibig akong ngumunguya. Iniingatan kong hindi mabura ang dark kong lipstick upang hindi mahalata ang sugat sa labi ko.
"May pasok nga ako mamayang hapon, e. Baka may gusto kang i-request na kanta?"
"Hindi sikat, baka wala sa file niyo," sabi ko.
"Okay lang. I'll play anything. Greet pa kita on-air." Ngumisi siya na parang ang laking tulong na nito sa 'kin.
Lumunok siya at muling sumubo sa piraso ng manok na tinuhog niya sa plastic fork. 'Di ba naghugas siya ng kamay?
I look at my hands. Ako 'tong hindi naghugas pero ang lakas ng loob kong kamayin ang manok. Sinipsip ko pa ang gravy.
Bigla akong nahiya sa sarili ko. Pinunasan ko ng tissue ang aking mga kamay saka kinuha ang mga plastic kubiyertos.
"Vin?"
Nag-angat ako ng tingin kay Jaxon sa pagtawag niya. Umalsa ang isang makapal niyang kilay habang mabagal na ngumunguya, parang may hinintay siyang sasabihin ko. Then I remembered his statement.
"Jesus Christ by Brand New," wika ko.
Simula nang marinig ko ang kantang iyan sa isang ipod ng customer ko sa tattoo parlor, hindi na ito nawala sa isip ko.
Huminto sa ere ang plastic spoon ni Jaxon. May panunuri niya akong tinignan. Para bang binabasa niya ako base sa klase ng kantang nire-request ko.
"I know that song. Sige, I'll play it. Kailan ba out mo?"
"Matatapos ang exam namin ng four." Uminom ulit ako sa sofdrinks sa klase ng tinging pinupukol niya sa 'kin.
Don't read me like that, Jax. Hindi mo magugustuhan ang mababasa mo. I'll scare the shit out of you.
"Hanggang six lang ako sa station.I'll play your song bago ako mag-out," mas malamyos niyang ani.
Hingal na hingal akong pumasok sa tattoo parlor. Diretso akong sumakay ng jeep pagkalabas pa lang ng university pagkatapos ng exam. Ni-hindi na ako nakapag-paalam kina Tori.
Binuhay ko ang radyo at nilipat sa station kung saan on –air si Jax. Ibang-iba ang boses niya. And yes, maganda ang boses niya; Malamig, malalim, ang layo sa boses na kausap ko kanina. May accent ang ingles, umuugong sa tanang sulok ng dibdib ko ang may pagkamababa niyang boses.
It's deep and rich. Kung nakakapagsalita lang ang dark chocolate, si Jaxon na iyon.
"This last song before Junie's gonna kick me out of this throne goes out to my friend whom I hope has made it out on time from school. So if you're listening, Vin, this is for you."
Buntong hininga akong sumampa sa bench at humiga habang pinapakinggan ang intro ng kanta. Nilulunod ako nito at wala akong gustong gawin ngayon kundi ang ulit-ulitin ito.
Do you believe you're missing out?
That everything good is happening somewhere else
With nobody in your bed
The night's hard to get through
Tumayo ako at hinanap sa logbook ang pangalan niya. Nang matagpuan ay tinipa ko ang numero niya sa phone ko.
Do I divide and fall apart?
'Cause my bright is too slight to hold back all my dark
Me:
Thank you for playing my request :)
Tinitigan ko ang aking mensahe. Nalilito pa ang labi ko kung ngingiti o kakagatin ang sarili. This is the right thing to do, right? To thank him? Baka hindi na kami magkit—oh well, posibleng magkikita pa kami dahil sa utang ko sa kanya but still, being grateful is the least that I could do to him sa lahat ng nagawa niya sa 'kin ngayong araw.
I pressed send. Pinapanood ko ang lumilipad na envelope sa screen.
Message sent.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro