THIRTY TWO
Nasa panghuling lapat na ako ng aking lipstick nang pinasabugan ako ng busina galing sa labas. Sina Tori na siguro iyan. Sa isang birthday party sa resort daw kami ngayon.
Hindi na ako iniipit tungkol sa pag-uusap namin ni Gwyneth kanina. Hindi siya priority sa mga concerns ko. At mas lalong mababaon ang mga pangyayari nitong nakaraan sa mga inuman mamaya!
Inadjust ko ang aking shorts saka tinago ang strap ng itim kong bra sa strap ng spaghetti top ko. Kahit hindi ito umabot ng one hundred pesos ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon. Minsan ko lang kasing sinusuot.
"Dabeeeng!" kanta ni Tori mula sa labas.
Sinuot ko na ang maliit kong bag at lumabas na nang kwarto. Hindi pa ako nakaabot sa pinto ay bumukas na ito't pumasok si Tori. Ipinagtaka ko ang pagiging taranta niya.
"Wait lang! Saan iyong cr?" Sapo niya ang kanyang puson at namimilipit ang mukha.
Buhaghag ang medyo kulot niyang buhok at namamaga ang mga labi. Pinigilan kong ngumiti sa napagtanto.
Tumuro ako sa aking kwarto. Sira kasi ang cr na nasa may kusina. Dali siyang tumakbo roon at kahit anong pinagsasabi na hindi ko maintindihan. Gumagawa pa siya ng umiihi na tunog.
Sa labas ko na siya hinintay. Mula rito natatanaw ko ang nakaparadang Hi-lux ni Nolan. Tumango ako nang bumusina siya. Balita ko ay nakapag-aplay na siya sa isang kompanya kung saan siya nagde-design ng logo.
Hindi ko iyon ikinainggit. I'm happy they've found a job. Ang sa akin lang, nasasabi ko na... mabuti pa sila, alam na nila ang gusto nilang gawin after graduation. Ako, kuntento muna sa tattoo parlor.
Ewan ko kung bakit hindi ko iyon maiwan-iwan kahit hindi naman ako ang may-ari. Siguro dahil sa comfort na dala nito. Walang pressure.
I don't even mind the salary. Basta gusto ko ang trabaho ko, kahit kakarampot lang ang sweldo ay okay na. Ngunit sa praktikal na buhay ngayon, maraming kumukuha ng trabahong hindi nila gusto basta malaki lang ang kinikita.
Lumabas na si Tori na halata ang maginhawang pakiramdam. Ni-lock ko na ang pinto.
Hinila niya ang dulo ng spaghetti top ko at in-insert sa aking shorts. Humarap ako at hinayaan siya sa ginagawa. Inangat niya ang shorts ko hanggang baywang.
"This should be like this, Dabeng. Show your curves! Your body's a slender coca-cola bottle wonderland!" aniya. Ngumisi lamang ako sa kabaliwan niya.
Tinungo na namin ang sasakyan ni Nolan nang matapos niya akong sermonan tungkol sa mga fashion ideas. Dapat daw naka boots ako, mas bagay sa outfit. Beach ang pupuntahan namin, magbu-boots ako?
"The house is not bad, kahit kaunti lang ang mga gamit. You won't need a lot of furnitures naman," pahayag niya nang mapunta ang usapan sa aking inuupahan.
"Basta may bubong, ayos na," sabi ko na ikinatawa niya.
Bigla niya akong niyakap patagilid at inakbayan."Aww...I missed you, Dabeng. Na-miss ko na rin magpunta sa school kahit hindi naman ako masyadong nag-aaral nun."
"Mag-aral ka nalang ulit!"
Nagtawanan kami. Pumasok na kami sa kotse at bumiyahe na.
Walang tahimik na moment sa buong magdamag na biyahe. Kinuwento ni Nolan ang mga nagagawa niya sa working place. Si Tori ay hindi pa rin nakahanap ng trabaho, may nakahanda na rin namang posisiyon sa kanya sa kompanya nila sa Amerika. Mahilig siya sa make-up, kaya I'm sure magiging successful siya.
"Dalhin kita roon, Vin! Gawin kitang model ng make-up brand namin!" masiglang wika niya. Tumalon talon pa sa kanyang upuan.
"Ako, babe, hindi mo ako dadalhin? Pwede rin naman ako maging model, a?" tanong ni Nolan.
"Make-up? Anong make-up ang imo-model mo?"
"Pwede rin naman kayong mag-add ng mga non make-up products as long as it's still about vanity. Gel, for example. Or perfume!"
"I'll suggest that to Mom." Kinurot niya sa pisngi ang nobyo. "You're so smart."
Nag-ngiting ako si Nolan saka bumaling na sa harap.
"Gusto mo namang pinupuri ka, Nolan?" pang-aasar ko.
Tinignan niya ako sa rearview mirror at kinindatan. Napailing ako sa kanila.
I've seen a lot of love being professed to each other. Tori and Nolan for example, and love in any other forms. Friends, couples, a man to a dog...I guess we don't have to feel it within ourselves. Sa pagpapakita pa lang ng affection ng ibang tao, nararamdaman natin na mahal nila ang isa't isa. We could feel other people's deep affection towards their significant others.
Pero kung nakikita natin ang pagmamahal ng mga tao sa paligid natin, bakit hindi natin nakikita na mahal tayo ng isang tao? Bakit hindi nakikita ni Jaxon iyong nararamdaman ko? Is there some psychological explanation to that?
O siguro, hindi niya naramdaman dahil hindi ko naman pinaparamdam. Iyan! Iyan ang sagot, Davina!
Private party yata ang dinadaos dahil panay ang tango at bati ni Nolan sa bawat taong nakakasalubong namin. Puno ang parking lot, mukhang hindi lang yata birthday ang dinala rito, lahat na nang okasyon!
"Angelov'e here. Tutogtog kami," ani Nolan, hawak ang kamay ni Tori.
"Kaya pala walang tao sa bahay niya. Sino ba may birthday?" tanong ko.
Natatanaw ko na ang mga naliligo sa pool. May nagkakasiyahan ding mga bisita sa dalampasigan. Or are they even visitors of the celebrant? Or resort guests?
Maliwanag sa halos lahat ng bahagi ng resort puwera sa mga cottages na dimlight lang. Tumabas ang paningin ko sa stage nang tumunog ang feedback ng microphone, nagsa-sound check na sila sa mga instrumento.
This, I think, is going to be a fun and wild night.
Hindi na nasagot ni Nolan ang tanong ko sa paghigit sa kanya ng kakilala. Tinignan ako ng isang kasama niyang lalake at ningitian. I smiled back.
Sana hindi siya natakot, naka-dark make up pa naman ako ngayon. Some people find my smile creepy when I'm sporting a black lipstick.
Nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin. Pagkalingon ay namilog ang aking mga mata. Damn it.
"Bakit ka nandito?" Halos kapusin ako ng hangin.
Sarkastiko siyang ngumisi, bahagya siyang tumungo. "You know me, mi chica. Ako ang hinihila ng party!"
Tinitigan ko siya, hindi pa nakawala sa gulat at sa mga senaryong naglalaro na sa isip ko ngayon. The question stirred above my head creating a halo.
Nabasa niya ako na pinakita niya sa isang makahulugang ngiti. "Yes, he's here."
As if that wouldn't make my hiding away futile.
"Shit." Marahan akong pumikit. Nagtago pa ako, dito rin pala niya ako makikita. Ngayon ko lang ikinainis ang kaliitan ng mundo.
"Hey, soul brother!" Dinala ako ni Denver sa akbay niya habang nakikipag-high five siya kay Nolan. Mula roon ay nagsimula ang kanilang kwentuhan at biruan.
Hindi ako tumitingn sa ibang direksyon, natatakot na si Jaxon ang makabangga ng aking paningin. Nakikinig lamang ako kina Denver at Nolan na hinugot pa sa diaphragm ang mga tawanan.
Uwi na lang kaya ako...
Siniko ako ni Tori na nahalata ang problemado kong mukha.
"Nandito siya," naghihina kong pahayag. I got even weaker acknowledging the truth through saying it.
Umangat ang dalawang kilay niyang maarte ang guhit. "Bedroom eyes?"
At marahil hindi lang siya kung 'di baka si Gwyneth din. Which reminds me of a while ago.
Ngayong alam ko na ang ginagawa niya, hinding–hindi ako makikipagngitian sa kanya. I'm may be hidden behind the chemicals of make-up, but I'm definitely not made of plastic.
Pinulupot ni Tori ang kanyang braso sa braso ko habang ang isang kamay ay nakahawak pa rin kay Nolan. Tori has always been clingy and touchy.
"Well then...mingle with the boys! I'll ask Nolan to introduce you to his other friends." Nakanganga niya akong kinindatan. Nagtawanan kami.
Sumama si Tori kay Nolan na pumuntang backstage para makapaghanda na. Susunod na sana ako dahil nakakapit pa rin sa akin si Tori ngunit hinigit ako ni Denver.
"She'd be with me," aniya.
Bago pa ako makapagdesisyon ay tumango na si Tori at kumaway habang hila hila ni Nolan.
"Huwag mong palapitin iyan sa pinsan mo! Brokenhearted iyan!" sigaw pa niya saka tumawa at masiglang sumakay sa likod ni Nolan.
Nagsipulan ang ilang kakilala na nakakasalubong nila.
"Aww...relationship goals. Ganyan din tayo, Vin!"
Inirapan ko si Denver. Iniiwasan ko na nga ang pinsan niya, mas malaki pa ang tsansang magkalapit kami dahil pinapasama niya ako sa kanya. I should be there backstage being introduced to some of Nolan's friends! Iyong walang koneksyon kay Jaxon.
"Oh, come on! You've already tortured him enough. Pasulyapin mo naman nang kaunti si Jax sa 'yo. I won't make him talk to you, promise. I'll keep you occupied," paniniyak ni Denver.
"Siguraduhin mo lang...." bulong ko. "Ayaw kong makasira ng relasyon."
Tumawa lang si Denver at paakbay akong hinila. He's been like a brother to me, like how Charlie and Angelov have been. Nagpahila ako hanggang sa tuluyan na akong sumama sa kanya.
Pinatay na ang speaker at pumaibabaw ang boses ng host sa microphone upang kantahan ng happy birthday ang celebrant. Nakikanta ako kahit hindi ko kilala. Lumakas ang mga boses nang papalapit na sa ending ng kanta.
Mas umingay pa pagkatapos lalo na sa pagsisimula ng banda na pinapangunahan ng kumakanta ngayong si Angelov. He's high, I'm sure. Napaka-energetic nitong tumatalon sa stage na sinasabayan ng mga tao sa baba. Girls went gaga over there!
Ewan ko kung namamalikmata ako, pero parang may naghagis ng panty. Pinulot iyon ni Angelov at sinampay sa balikat niya. Humiyaw ako't natatawa.
Nolan's playing the drums. Nakita ko pa ang pagsilip ng ulo ni Tori sa backstage. Kumaway siya at mabilis muling nagtago.
Dinala ako ni Denver patungo sa isang cottage na nakikita kong nagkakasiyahan na. Bigla akong huminto. Kumakapit na sa lalamunan ko ang pagsusumbong tungkol sa pagkumpronta ni Gwyneth sa akin kanina.
"Huwag mo na lang tignan, Vin. Jax would respect it if you don't want to talk to him. Basta nakita ka lang niyang okay ka, matatahimik na iyon," aniya.
Hindi ko alam. Sana nga ganon si Jaxon lalo na't nandito marahil si Gwyneth. I don't know kung okay na sila. If ever she's here, then I guess they're good.
Habang papalapit kami ay pahina nang pahina ang lakas ng aking mga tuhod. Umiinat ang aking baga na punong-puno na nang hangin, nagmamatigas kumawala.
Taas noo ako nang marating namin ang cottage, pinuwersa ang ulo kong hindi sila balingan.
Tumayo ang ilan sa mga lalake roon at nakipag-high five kay Denver. Sa gilid ng aking paningin, nakikita nito si Jax. Indeed, he's with Gwyneth. Naririnig ko ang mahinhing boses niyang tumatawa sa kung anong sinabi ng katabi niyang babae.
"Uy! Bago na naman, Den?" tanong ng isa sa mga lalake. Hirap akong saulohin mga pangalan nila.
"Just a friend, guys. Davina here." Pakilala ni Denver sa 'kin.
Ilang kaway at shake hands ang nangyari. Ang daming kaibigan nitong si Denver. Kahit saan yata may kakilala siya. Siya na Mr. Congeniality.
Umusog sila para mabigyan kami ng espasyo sa halos puno nang upuan.
"Just a friend daw...."ani ng isang lalake. I think his name is Joon? Siya lang ang naging pamilyar sa akin dahil sa features niya. He seems half-Korean. Ang kinis din kasi ng mukha niyang namumula. He reminds me of a popular Korean actor.
"You don't keep girls as friends, Denver," ani pa ng isa na sinang-ayunan ng katabi niya.
"Hindi na ba ako pwedeng magbago? Bago na ang administrasyon ngayon, so I'm changing, too!"
Nagtawanan kami sa sinabi niya. Inabutan niya ako ng beer na agad kong sinunggaban. Puro alak ang nasa mesa at ilang softdrinks din. May tatlong plato roon laman ang mga ulam at desserts. Walang kanin.
Nanginginig ang mga kamay ko sa pag-ihip ng hangin dala ng dalampasigan at sa iba pang dahilan. Jaxon's cold stare, maybe? Ilang linggo kaya akong hindi nagpakita at umaakto akong parang wala lang. Well, I have to!
Nasa harap ko siya katabi si Gwyn. Ni daplis ay hindi ko ginawa. Paa lang niya ang binisita ng paningin ko. He's wearing his expensive brand of leather sandals. Dikit ang mga binti nila ni Gwyneth na naka-shorts din.
Seeing them skin to skin, lalong ngumangawa ang guwang sa tiyan ko. Bigla akong nawalan ng gana at gusto ko dumuwal.
Ayoko nang tignan. Alam ko namang masasaktan ako bakit ko pa gustong malaman ang mga bagay na alam kong makakasakit sa akin? Dedma is divine. Kaya dedma, Davina!"
Huminto sa labi ko ang bibig ng bote sa paglapit ng mukha ni Denver sa aking tenga.
"I'm just gonna warn you, Vin. There would be times that I'm gonna touch your thighs. Affectionately." He emphasized the last word.
Hinila ko ang aking ulo upang matignan siya. "Bakit mo naman gagawin iyon?"
Nagkibit balikat siya ."Trust me..."
Hinalikan niya ang bibig ng bote at uminom mula rito.
"Ikaw ang mapapahamak, Denver," sabi ko. Hindi ko alam pero, pakiramdam ko magre-react si Jaxon. Ayaw ko namang asahan iyon.
Malanding tumawa si Denver habang nilalapit muli ang bibig sa tenga ko. Kiniliti ako ng hininga niya. "I know..."
Suminghap siya't hinalikan ang aking buhok. Tinuro kami ng katabi ni Joon at sumunod ang mga pang-aasar nila.
Sa ginawa kong pagtingala upang madala ang likido sa aking bibig, nagkatitigan kami ni Gwyneth. Parang nagtatalo pa ang mga bibig namin kung mag aangat ba kami ng ngiti sa isa't isa. Talo ang unang ngingiti.
Pinulupot niya ang braso kay Jaxon at niyakap ito. She smiled at me. Fake.
There, Davina! You just saw firsthand on how she fences her territory. I'm just an interloper into their steady relationship. Siguro ay okay na sila ngayon. I should not care.
Nararamdaman ko ang pagtusok ng paningin ni Jaxon sa aking gawi. Hinihila man ako nito upang matignan siya pabalik, nagmatigas ako. If I can't hide, I could just simply avoid him.
He's not at fault for anything. The situation itself actuates my actions. My actions triggers for him to do what he's done. What he's done affected Gwyneth. We are personified dominoes.
Pinanindigan ni Denver ang banta niya kanina. Now he's squeezing my thighs like it's a stress ball. Binabakas din niya ang lace tattoo ko roon. Minsan ay humahantong sa baywang ko ang mga kamay niya pero wala namang lumagpas. He upholds to his promise.
"Ikuha kita ng pagkain, gusto mo?" aniya.
"Sama ako."
Tumawa siya't muli akong binulungan. "Hindi ka niya lalapitan, Vin. Nakabakod, e."
Tumatawa pa siya nang tumayo. Pinanood ko ang kanyang pag-alis papunta sa mahabang mesa na malapit sa pool. May malaking cake pa roon na walang bawas at de-fountain na lalagyan ng mga cupcakes.
Tinanaw ko ang stage na patuloy pa sa kantahan. Magaspang ang boses ni Angelov na humalakhak sa gitna ng pagkanta dahil sa isinigaw ng isa sa mga audience na babae.
"So Davina, how did you meet Denver?"
Nilingon ko si Joon na mas dumikit sa akin habang nagtatanong. His breathe reeks of whiskey mixed with coke. Pinaiinit nito ang mukha ko at tinatakpan ang amoy ng dagat.
"Nagpa-tatoo yung pinsan niya sa akin," sabi ko.
Nanlaki ang singkit niyang mga mata.
"You're a tattoo artist? Whoah!" Labis ang pagkamangha niya at agad siniko ang katabi upang itsismis ang nalaman. Binomba na ako ng mga tanong at binaha ng reserved appointments.
"Sinong nagpa-tats sa'yo? Jax?" tanong ng isa sa kanila.
Siniko pa siya ng katabi niya na ginantihan niya ng hampas sa tuhod. Ang kukulit nila. They're around Denver's age.
"Evan," tugon ko.
Sabay sila sa kanilang baritonong 'aww' at pagtango. Tumitig sila sa rose tattoo ko sa braso at may tinanaw rin ang lace garter tattoo ko sa binti. Natutuwa ako sa mga pagpuri nila. I also told them about our piercing services.
"Isn't it unsafe? Maraming health risks ang tattooing. You wouldn't know, baka may aids iyong tinutusukan ng needle, then you're going to use the same needle to another person. Is that same needle you use on your tattooes?"
Hinila ang atensyon ko sa nilahad na opinyon ni Gwyneth. Oh, so she wanted to carry on grilling me here?
She's not Miss Pinky today. Pinagtambal niya ang high-waist shorts at puting midriff top. Tinalo ang spaghetti top ko.
Dumapo ang paningin ko sa brasong nakaakbay sa de-freckles niyang balikat. Saglit lang iyon at pinuwersa ang aking mata na manatili sa mukha ni Gwyneth, hindi sa katabi niya na pinapaso ako ng tingin.
"Nope," sarkastiko kong sabi. Sa matigas na ingles. "And besides, we're not that dumb not to sterilize the needles."
Akala niya siya lang marunong mag-ingles. Kaya ko rin iyan!
Her upturned eyes narrowed. Wala siyang make-up. Nilagay niya sa isang balikat ang hibla ng maalon niyang buhok na nililipad ng hangin dalampasigan. She crossed her legs.
"What kind of sterilization? Dahil kung ibabanlaw lang sa boiling water, it's not enough. It's not guaranteed that it's safe." Her confidence was meant to downgrade me.
Napawi ang ingay ng mga lalake na ngayo'y nakikinig sa amin ni Gwyneth. They have no idea what's going on.
"We use an autoclave, Gwyn. The one you use in the hospitals to sterilize the operation tools? Why are you worried, anyway? Magpapa-tattoo ka ba?" inosente kong pagtanong.
Nagpilit siya ng ngiti at umiling. "No. I'm just concern sa mga future customers mo."
Ginagalaw-galaw niya ang paa na nakapatong sa isa niyang binti habang pinaikot ang baso ng juice na may payong. Nag-iwas siya't pinagmasdan ang inumin.
Hindi ako nagpapa-apekto sa sinabi at inaasta niya. Jaxon's not even stopping her! So ito ang gusto niya? Ang mainsulto ako ng iniirog niya? Fine!
"Nakatapos ka lang ng nursing, but you're not the DOH secretary. Kaya huwag mo nang problemahin ang mga customers ko," sabi ko at ngumiti.
"Vin..."
Hindi ko pinansin ang may bantang tono ni Jaxon.
Rinig ko ang pinipigilang hagikhik ng mga lalake sa tabi ko. Pinigilan ko na ring matawa. God! Ilang bote na ba ang nainom ko? Hindi ko makontrol ang bunganga ko ngayon. Ako pa yata ang nagpakapal sa tensyon.
Bumalik si Denver dala ang isang malaking plato puno ng pagkain. Naghiyawan ang mga boys sa tabi ko.
"Get your own food. Sa amin lang 'to ni Davina," ani Denver na nagpatahimik sa kanila.
May isang tumayo at siya ang nagprisintang kumuha ng pagkain nila.
Ilang palitan ng biruan ang naganap. Nilapitan kami ng celebrant. He's friendly. Ningitian niya ako after ko siyang batiin kahit hindi niya ako kilala.
"Bakit ang daming tao? I think this is too much as a birthday party," satinig ko sa pagtataka.
Pinapanood ko ang mga nagtitiliang mga babae sa dalampasigan at ang iba'y hinahagis sa pool. Hindi kami umiwas ni Denver nang mag-splash ang tubig.
"Sinabay na sa farewell party. Magma-migrate na kasi ang celebrant," aniya.
"Eh bakit ka nandito?" tanong ko. Palapit na kami sa mas dinudumog na stage.
"Sinama ako ni Jax. Ano ba kasing gagawin ko sa bahay? I'm not gonna play barbie with my sister. Sinulit ko na rin ang bakasyon. I'm going to be back on my struggle once the class kicks in."
Hinila na niya ako upang makiisa kami sa mga audience na nagtatalunan. Iba na ang kumakanta sa stage ngayon but I could still see Angelov playing the electric guitar. High nga talaga siya.
"Angelov!" tawag ko.
Awang ang bibig niyang nag-angat ng tingin at hinanap ang pinanggalingan ng boses sa dagat ng mga nagsisiyahang audience. Kumaway ako.
"Ang guwapo mo, Angelov!" muli kong sigaw saka tumawa nang hindi pa rin niya ako makita. Nang matagpuan ako'y tumango siya't kumindat.
"Anong name niya, miss?"
Nilingon ko ang nagtatanong na babae. Kita ko ang namamawis niyang labi. Ang gulo na ng buhok niya. Kanina pa siguro 'to dito. Miski ako nagsimula nang pagpawisan dahil sa siksikan.
"Sino?"
"Iyong kumanta kanina, tapos iyang nagigitara ngayon." Turo niya sa stage. Tumatango ang katabi niyang babae at umaasa ang mga mata, hinihingi rin ang sagot ko.
Napangisi ako. "Angelov."
Agad niyang sinabihan ang katabi na hindi narinig ang sinabi ko. Nag-impit tili sila't tinaasan ang pagtalon sabay kaway.
"Angelov! I'm here! Meet me later!"
Narinig ng kaibigan ko ang pangalan niya dahil sa muli niyang pag angat ng tingin. He smiled evilly. Sumbong ko 'to kay Samara, e. I wonder if she's here. Kung oo, saan? Sinong kasama niya? Sana nasa backstage siya at in-entertain ni Tori.
Flirty Denver mode is on. Yakap na yakap siya sa akin ngayon, tinatago ang mukha sa leeg ko. Medyo kumuba pa siya dahil sa tangkad niya. He's damn taller than Jaxon.
Bumabalik kami sa cottage upang uminom. Mga ilang shots saka ulit kami bumabalik sa stage upang sumayaw, depende sa kanta. Hindi ko na mabilang kung nakailang shots ako. I could say ten. Naghalo na ang tequila at whiskey. Nag-beer pa ako kanina.
The next thing I knew, me and Denver are grinding at each other. I'm still sane, but not sane enough. I'm uncontrollable. Tumawa ako nang bininyagan kami ng beer.
Inangat ni Denver ang dulo ng sando niya upang punasan ang halong pawis at beer sa aking leeg at mukha. Tumingala ko upang mas maisagawa niya iyon. Pumikit ako sa kalangitan habang sumasayaw at dinadama ang beat ng music.
Dumilat ako nang maramdamang wala na ang kamay ni Denver sa aking baywang . Kinabahan ako nang makitang si Jaxon na ang nasa harap ko. Gumagalaw ang panga habang masamang tinitigan ang pinsan. Mahigpit ang kapit niya sa balikat nito.
"What?" Halata ang pang-aasar ni Denver.
Babalikan pa sana niya ako ngunit pinigilan muli siya ni Jax at malakas na tinulak. Umabante ako upang pigilan sa maaari niya pang gawin.
"Stop it. Pwede naman kayong sumayaw nang hindi ganon kadikit!" sermon ni Jax.
Lumukot ang mukha ko. Bakit ba nangingialam siya? Hindi ko mapigilang pumagitna.
"Nasa party tayo Jaxon, wala sa simbahan! Anong gusto mo, mag cha-cha kami rito?"
Ito ang unang buong salita na binungad ko mula noong hindi ako nagpakita sa kanya. Unfriendly and irritated.
Nagbangga ang paningin namin. Matigas ang ekspresyon niya na kahit yata bato ay hindi siya kayang galusan. Rinig ko ang malakas at mabilis niyang paghinga.
So this is how we're going to see each other again, huh?
His eyes and nose are red, and his breath leaks of whiskey. Mas nakikita ang kalakasan niya sa tuwing nakainom. Kita ko ang pag-igting ng leeg, panga at balikat niya. The veins in his neck moved like there's been a rush flow of blood.
There's no gentleness anymore. He's covered in wrath and confusion. Ngayon pa lang niya ako tinitigan nang ganyan. Muntik na akong umatras.
"Nakainom ka, Jax. Girlfriend mo ang paglabasan ng galit mo. Get a room with her." Humalakhak si Denver na medyo nakainom na rin.
Pinaigting lang nito ang iritasyon ni Jaxon. His semi-thin lips now very thin and tight.
Dumaing ng mura si Denver sa higpit ng hawak ni Jax sa balikat niya. May puwersa at gigil at kita sa namumuti niyang kamay. Pinanlakihan ko iyon ng mata.
"Jaxon!" sita ko sa kanya.
Hinawakan na ni Denver ang kamay ni Jax upang tanggalin ito.
"Fuuck!"
Ang higpit ng hawak niya sa pinsan at higpit ng tingin sa akin ay pinagsabay. Fine! He's mad at me. Magalit na siya sa akin pero huwag siyang mandamay ng iba!
Binalingan ko ang ibang nakapansin na sa nangyari. Lalo kong kailangang pigilan si Jaxon. Nag-impit sigaw na si Denver.
"Jaxon, bitaw!"
Kinagat niya ang ibabang labi, indikasyon sa panggigigil niyang pagsira sa balikat ng pinsan. Pagkabitaw ay mabilis siyang tumalikod at nagmartsa palayo. Tensed ang kanyang mga balikat. Kuyom ang mga kamao sa gilid. May nabangga pa siyang nagsasayawan ngunit dirediretso lang ang lakad niya.
Dinama ko ang aking kaba at pagpalo ng pulso sa aking ulo. Sumisikip ang dibdib ko sa bawat hingal.
"He's been straining too much in th gym. Damn his Muay Thai workouts." Ngumingiwi si Denver habang hinahaplos ang parte ng balikat niyang inabuso ni Jax.
Tinitignan ko lang siyang inaamo ang sakit sa balikat. Kinuha ko ang braso niya't hinila siya palabas sa dagat ng mga nagsasayawan.
"May clinic ba sila rito?" tanong ko nang makalabas.
Tumawa siya, may kaunting ngiwi pa rin. "It's okay, Vin. Balik nalang tayo sa cottage."
Binitawan ko ang braso niya. "Mauna ka na. CR muna ako."
Hindi ko magawang bilisan ang paglalakad upang sana'y mas lumakas ang hangin na pinapawi ang aking pawis. Nanghihina pa ang mga tuhod ko habang binabalikan ang nangyari. The way Jaxon reacted...
Pahampas kong binuksan ang pinto ng last cubicle at pumasok. Nilabas ko ang halo-halong klaseng alak na nainom. Kaunti lang ang pumarito upang umihi, may dagat naman kasi at pool.
Nang makalabas ay saglit akong nanatili. Tinignan ko ang sarili sa salamin. Hindi ko ma-imagine ang mukha ko nang magkaharap ulit kami ni Jaxon. I felt nothing but longing. Naiintindihan ko kung galit siya sa akin dahil sa pag-iwas ko. Pero sana huwag na niyang idamay si Denver.
Hindi agad ako bumalik sa cottage. Naglakad-lakad muna ako at sinusuri ang ibang entertainment. Nahagip ko ang hilera ng mga private rooms. Dalawa lang ang may ilaw.
Suminghap ako't napaatras nang may mabangga. Tiningala ko ang nagmamay-ari ng matigas na katawan.
"Rex?"
Antok ang mga mata niya nang ngumisi. "Davina..."
Hindi siya mukhang nagulat. Para bang kanina pa niya ako inaabangan. But he's Rex, I can just easily manhandle him.
"Bakit ka nandito? Kilala mo ang nag-birthday?" Pumagilid ako upang maiwas sa nakaharap sa aking sinag mula sa ilaw sa stage. Sa may halamanan ako lumapit. Sumunod si Rex sa likod.
"I'm with Angelov." Suminghap siya. "You're getting hotter than ever."
Inirapan ko siya. "Mukha akong halimaw kaya huwag mo akong bolahin."
Kinabahan ako sa kung paano niya ako tignan. He's blatantly staring at my chest. Katulad lang kung paano niya tignan ang mga babaeng naikama na niya. His glazed eyes are like Angelov's sa tuwing...
Hindi ko na kailangan hulaan na hindi lang siya nakainom.
"Your edginess is hot." Humakbang pa siya palapit. Umatras ako. "Nagpa-reserve ako ng room. You know, to stay the night. Would you like to come? Magpapa-order ako ng drinks then we can talk things out."
Tumawa ako, hindi pinahalata ang kaba. "Fuck yourself, Rex. Uuwi na ako."
Pinigilan ako ng mariin niyang hawak sa aking braso bago pa ako makaisang hakbang. Muli niya akong inatras.
"Oh come on, Vin." Marahan siyang tumawa. "For old time's sake. You broke up with me without letting me get past the third base with you. Such a tease."
Tinitigan ko siyang mabuti, his eyes are bloodshot. Iba na ang kanyang ngiti. Mas lalo akong kinabahan at kahit ano ano na ang hindi magagandang pangyayari ang naglalaro sa isip ko.
Ginawa ko itong bala upang mas pursigidong makalayo sa kanya.
"Maghanap ka ng ibang bibigay sa tawag ng laman mo." Marahas kong pinalis ang hawak niya, desididong makawala at iyon ang nangyari.
Kung magpapakahina ako, mas lalo lang akong makukulong sa binabalak niya.
Niyakap ko ang braso kong halos baliin na niya kanina. Sa laki ng katawan ni Rex, tumumbas nito ang kanyang lakas.
Malapit na ako sa parteng may sinag ng ilaw nang pumulupot ang matigas niyang braso sa aking baywang at walang kahirap-hirap akong inalsa. Bago ako makatili ay natakpan na niya ang bibig ko sa kamay niya.
Sinubukan kong tanggalin ang kanyang braso, mas lalo lamang itong humigpit. Hindi siya natinag sa mga tadyak ko sanhi ng pagkalaglag ng aking mga tsinelas.
Ang isang kamay ko'y sinubukan siyang abutin upang makuyumos ang kanyang mukha. Napadaing ako nang kinagat niya iyon. Nauwi ako sa pagpuwersang tanggalin ang kamay niya sa aking bibig at baywang. Dumudulas lamang ang kamay ko dahil sa pamamawis nito.
Kinakain na ako ng kaba at takot. Hindi ako makasigaw. Hinihiling kong sana'y may dumaan upang matunghayan ito't mapigilan.
Nanlaki ang mga mata ko at mas lalo akong nanlaban nang marinig ang pagbukas ng pinto. Naiiyak na ako sa takot. Sumasakit ang lalamunan ko sa pagsigaw sa abot ng aking makakaya, ngunit hindi pa rin iyon sapat na marinig ng iba dahil mariin ang pagtakip niya sa aking bibig.
Sinara niya ang pinto at sinandal ako sa pader kasunod ang mga paghalik niya sa leeg ko. Pinakawalan na ako ng epekto ng alak, ngunit hindi ibig sabihin nun na hindi na ako manghihina dahil mas malakas si Rex sa akin.
"Ano ba!" Sinabunot ko ang buhok niya't tinulak ang kanyang ulo.
Nag-angat siya ng tingin kasabay ang pag-abot niya sa ilaw. Sa nanlalaki niyang mga mata, mas naging malinaw lang sa akin ang naging kutob ko.
"Matagal na talaga akong nagtitimpi sa 'yo, Davina. Don't test my patience. Pa-bitin ka, e!"
Hinigpitan niya ang kamay sa aking bayawng. Dumaing ako't napangiwi sa sakit. Halos hindi ako makahinga sa pagkakaipit ng katawan niya.
"Ano ba Rex, bitawan mo ako!" iyak ko.
"Nagpapatakam ka lang, pero hindi ka nagpapatikim. Come on, Vin. Just one..."
Sigaw ako ng sigaw habang sinusuntok siya. Humalakhak lamang si Rex at binuhat ako saka hinagis sa kama. Gumulong ako paalis ngunit agad niya akong nadakip at muling pinatihaya at dinaganan.
"Tulong!" Paulit-ulit ko iyong sinasambit. Nais kong mas mabingi sa sigaw ko kesa marinig ang mga gutom na ingay ng paghalik niya sa leeg ko. Mga ungol niya habang dinadama ang balat ko sa ilalim ng aking kasuotan. Walang nagawa ang mga kamay kong pigilan ang mga kamay niyang tinatanggal ang butones ng aking shorts.
Inipon ko ang natitirang lakas at sinuntok ang kanyang ulo at mukha. Huminto siya, pagkakataon ko na iyon upang kumawala. Ngunit nagpakain pa iyon sa galit niya na nagresulta ng kanyang sunod na kilos.
Tinakasan ako ng hangin nang sinuntok niya ako sa tiyan. Tatlong beses. Nanginginig ang mga binti't kamay ko, nauubusan na nang lakas upang makawala. Hirap akong humila ng hangin sa aking baga.
Nanglalanta ako nang kanyang itinayo at tinulak sa pader. Hindi pa ako bumagsak ay hinila na niya ang hibla ng aking buhok at ilang beses niyang pinalo ang aking ulo sa pader.
"Tama na..." nanghihina kong sabi, naiiyak, nahihilo. Umalog ang utak ko nang ako'y kanyang sinampal at sinuntok sa mukha. Ang hapdi at sakit ang nagpaiyak sa akin ng husto.
Nawalan na ako ng pag-asang makatakas. Napasinghap ako nang hinagis niya muli ako sa kama at dinaganan. Doon niya tinuloy ang balak at sa bawat tulak ko'y suntok at sampal ang kabayaran.
Ang kakayahan kong sumigaw ay pinakawalan na ako. Wala akong nagawa kung 'di ang humikbi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro