THIRTY THREE
Kinakain na ako ng sakit ng katawan at panghihina. Walang magagawa ang pag-iyak ko. Kailangan kong sumigaw! Kailangan kong gumawa ng ingay!
Pinuwersa kong ilingon ang aking ulo sa kabila ng pananakit ng aking leeg at pisngi. May ashtray sa bedside table. Abala si Rex sa mga paghalik niya sa tiyan ko. Napangiwi ako sa pagkasuya at sa nanginginig kong kamay, kinuha ko ang glass ashtray.
Gamit ang natitirang lakas, tinapon ko ito sa bintana. Napapikit ako sa ingay ng alingawngaw at ang pagkabasag nito sa sahig.
"Tulong!" subok kong sigaw sa basag kong boses.
Huminto si Rex, dumilat ako at nakita ang nanggagalaiti niyang mukha sa basag na ashtray sa sahig. Hinila niya ang galit sa akin at inangat ang kamao. Pumikit ako, inasahan ang tama ng panibagong suntok sa aking mukha nang padabog na bumukas ang pinto.
Mabilis akong dumilat kasabay ng pag-alsa ng aking pag-asa. Suminghap ako't sumuko sa paghikbi nang makita si Jaxon. Ang pagtataka niya'y agad ding naglaho nang magbangga ang paningin namin.
Tinignan niya ang posisyon ni Rex, sa nakataas kong damit at bumakas pabalik sa umiiyak kong mukha.
"Jax..." Sobrang hina na ako lang ang nakarinig.
Halos mag-isang linya ang nanginginig niyang kilay kasabay ang marahas niyang hingal. Malalaki ang hakbang niyang sinugod si Rex at hinila saka binalibag sa pader.
Bago pa siya makabawi ay nakalapit ulit si Jaxon at walang habas siyang pinagsusuntok. Nagsihulugan ang mga gamit sa mesang nasa tabi nila. Nilingon iyon ni Jaxon, at sa hindi inaasahan ay tinapon kay Rex na walang naiganting depensa.
Ikinagulat ko ang nangyari at 'di napigilang sumigaw. Sinikap kong makatayo upang sugpuin ang pangyayari. Ngunit sa nakikita ko'y parang si Jaxon ang kailangan kong pigilan. This is not him!
Pulang pula na ang buong mukha, leeg at braso niya. Kahit nakatalikod sa akin ay makikita ko kung gaano kalakas ang binibitawan niyang mga suntok. Sa bawat tayo ni Rex ay tama ng kamao ni Jaxon ang sumasalubong sa kanyang mukha na duguan na ngayon.
"Anong ginawa mo?" sumabog ang sigaw ni Jaxon sa buong kwarto. Hawak niya ang collar ng shirt ni Rex at gigil na inaalog at muli na namang ginulpi. Nagsilabasan na ang mga ugat sa braso at sentido sa kanyang panggigigil. Halos mapigtas na ang bawat litid sa katawan niya sa mariing pagpuwersa.
"Jaxon, tama na..." umusog ako sa paanan ng kama, sapo ang humahapdi kong tiyan.
Gusto ko siyang pigilan ngunit parang may salikmata na puwersang bumabalot sa kanya na kung hahawakan ko man lang ang dulo ng kanyang damit ay tila natatapon na ako sa kabilang dako.
Bumagsak si Rex sa sahig, namimilipit at wala nang kalaban-laban. Hindi pa nakuntento si Jaxon at walang awa niya itong tinadyakan.
Rex has a wider built than Jaxon. Pero galit ang naging puhunan ni Jax upang magawa niyang patumbahin ang may mas malaking katawan kesa sa kanya.
This is the first time I've seen him went this far. He's like looking for a bloodbath! Parang gusto na niya pumatay ng tao.
Namilipit ang lubid sa tiyan ko at mas nagimbal pa nang makita ang dugo na nagmantsa sa puting marmol na sahig.
"Jaxon!" Pikit mata kong sinigaw ang pangalan niya sa sumasakit kong lalamunan ngunit hindi siya nakikinig!
Dinaganan ng isang tuhod niya ang dibdib ni Rex na sumusuka na ng dugo. Napapahikbi na ako sa takot. Ayaw kong matakot kay Jaxon ngunit hindi ko mahanap ang aking sarili na lapitan siya.
"Gago ka!" nanggagalaiti niyang sigaw, buong pwersa na parang sasabog na ang ulo niya sa sobrang galit!
Hinampas niya ang ulo ni Rex sa sahig. Nanglalanta na ito at hindi ko na makilala ang mukha. Umiiling ako habang isinisigaw ang aking pagtutol sa ginagawa ni Jaxon. Nanginginig ang mga kamay at braso niyang inuulit ang paghampas.
"Jax!"
Pumasok si Denver kasunod si Joon, huminto pa sila sa pintuan ngunit dali dali ring pinuntahan si Jaxon nang makita ang ginagawa nito.
Nagpumiglas si Jaxon at muling sinugod si Rex. Panay ang sigaw niya ng mura sa kanya. May mga pumasok na tauhan ng resort upang rumisponde sa pangyayari.
Sumunod si Tori na diretso akong pinuntahan, dinaanan lang ang nagkagulo. Lumipad ang kamay niya sa bibig nang makita ang aking kalagayan.
"Oh my God..." aniya. Inalalayan niya akong makatayo at makaalis sa kwarto. Ilang beses tumiklop ang tuhod ko sa panghihina.
Dalawang security pa ang pumasok upang usisain ang nangyari. Unti unti nang dinumog ng mga tao ang labas ng kwarto. Hindi maipagkakaila na ako ang biktima dahil sa mga pasa ko na sinegundahan ng sakit ng aking katawan.
"Miss, anong nangyari?" rinig kong tanong ng isang usisero habang sumiksik kami ni Tori palabas ng kumpol. Tori's protective arms enveloped over me.
"Hala, siya yata ng binugbog," ani pa ng isa.
Dinala ako ni Tori sa upuan na malayo sa mga tao. Nakayuko lang ako, at gusto nang lumayo rito, lumayo sa mga nang-uusisa. Lumayo sa lugar. Gusto ko ring puntahan si Jaxon.
"Shit, Vin. Anong nangyari sa 'yo?" Hinawi ni Nolan ang humaharang na hibla ng buhok sa aking mukha. Sumingasing siya't nagpakawala ng mura.
Hindi ko alam kung ano ang iisipin. Naiwan ang diwa ko sa nangyari at sa mga maaaring mangyari, sa pagdating ni Jaxon, sa galit niyang mga suntok. Halos patayin na niya si Rex!
"Anong nangyari?" si Angelov at umupo sa harap ko upang silipin ang aking mukha. Iniwas ko ang aking tingin.
"Ipapakulong namin ang kaibigan mo!" sigaw ni Tori.
"Sino? Bakit?"
"That Rex guy. Hindi siya bubugbugin ni Jaxon ng ganon kung wala siyang ginawang masama kay Davina."
Tinago ko ang aking mukha sa balikat ni Tori. Hindi ko kayang makipag usap ngayon sa kahit kanino, ni ayaw ko silang tignan ng mata sa mata. Nahihiya ako sa sarili ko. Nandidiri!
Prinoproseso pa rin ng utak ko kung paano nahantong sa ganito. Rex could be a pervert and all pero ang saktan ako? The effect of drugs on him. Dama ko pa ang mga suntok niya sa akin. Ang mga basa niyang halik sa leeg ko...nandidiri ako sa sarili.
Mas lalo kong tinago ang aking mukha nang masilaw sa flash ng camera.
"Stop taking pictures, guys! Hindi kayo pasisikatin niyan! Fuck off, please!" sita sa kanila ni Tori, sumunod ang mga bubulong-bulong nila ng kung ano-ano.
Sumegunda ng sita si Nolan na hinahawi ang mga taong pumapalibot sa amin.
Nag-angat ako nang nilapitan kami ng isang guwardiya. Tumanggi ako sa pag-sagot ng mga tanong niya. Hinding-hindi talaga nila maiintindihan dahil wala sila sa lugar ko.
"Dadalhin namin ang duguang lalake sa ospital. Wala siyang malay. Irereport niyo ba itong insidente, miss?" untag ng guwardiya.
"Oo naman!" si Tori ang sumagot. "And please, huwag kayong umalis sa ospital hangga't walang police officers na magbabantay sa kanya. He's the suspect here."
Hindi ko narinig na sumagot ang guwardiya at pinagpalagay ko na lang na tumango ito sa pagsang-ayon.
Tumayo si Angelov at hinawi ang ilang pangkat na mga taong umaasa pa ring magsalita ako. Tinanaw ko ang pinuntahan niya. Huminto siya sa tabi ng birthday celebrant kaharap si Jaxon.
Mababakasan pa rin siya ng galit habang nagsasalita. Matigas ang kanyang ekspresyon at marahas na tumuro sa kwarto, parang gigil na gigil sa mga salitang binibitawan. I could still notice his tensed muscles.
Tila dudugo na ang kanyang labi sa paraan ng pagkagat niya nito. Mariin siyang pumikit sa kung ano mang sinabi ng kausap saka nag-iwas, frustrated na pinadaan ang kamay sa magulo niyang buhok at mas ginulo pa. Sa pagtagilid ng mukha niya, sobrang halata ng linya ng kanyang panga dahil sa pag-igting nito.
Dumikit sa pawisan niyang katawan ang kanyang puting shirt na may ilang mantsa ng dugo. He's breathing harshly, at mukhang malalim ang iniisip habang nakatanaw sa malayo.
Ingay ng typewriter ang bago kong hele habang sinasalaysay ang buong pangyayari rito sa police station. Sinubukan kong limitahan ang salaysay sa parte ng pagdating ni Jaxon, baka gagawin pa itong ebidensya laban sa kanya. Ngunit ang sinapit ni Rex mismo ay isa nang sapat na katibayan.
"Itong si Jaxon, saan siya?" tanong ng pulis at isa isa kaming tinignang tatlo. Nagbaba ko ng tingin.
"Papunta na rito," ani Nolan sa likod namin.
Katabi ko si Tori kung saan sa kamay niya ako kumakapit.
"Makakasuhan po ba iyong bumugbog sa kanya? Pinagtanggol lang po niya ako, sana huwag niyo nang kasuhan," agaran kong sabi pagkatapos kong maghain ng report.
Base sa nangyari kanina, hindi malayong malalagot siya sa ginawa kahit pagtatanggol lang iyon sa kapwa.
Inayos ng pulis ang salamin. "Depende kung maghahain ng reklamo ang biktima."
Napangiwi ako. As a human right, Rex is suitable to file a complaint. Pero kung ako ang tatanungin, wala siyang karapatan. Regardless of what Jaxon did to him, he deserved it.
I was in the front seat watching the whole thing unfold. Jaxon was looking for a bloodbath. Para lang akong nanonood ng isang dystopian movie na may gore.
"Hindi siya ang biktima kung 'di ang kaibigan ko, officer! Hindi siya ang pinagtangkaang gahasain," maktol ni Tori saka ako nilingon. "Ano, Vin, are you going to file a case? It's attempted rape!"
Tinignan niya ang pasa ko sa mukha saka bumaba sa tiyan kong sapo ko pa rin ngayon.
Isa pa itong po-problemahin ko. Kung magdedemanda ako, aabot ito sa korte. Depende sa desisyon. Pero kung sakali, Wala akong maipambayad sa abugado.
Nilingon namin ang nagmamadaling mga yapak na pinangunahan ng isang natatarantang ginang. Her elegance is evident by her white chiffon top and beige pant suit, a Louie Vuitton bag hanging in her arm. Dalawang unipormadong lalake ang nakasunod sa likod niya.
Namilog ang kanyang mga mata nang makita ako. Lakad-takbo siyang lumapit. Lumagutok ang takong ng heels niya sa marmol na sahig ng station.
"Are you Davina Claravel?" nanginginig ang kanyang boses. Halata ko ang pamumutla ng kanyang labi sa likod ng lipgloss.
Tinignan ko si Tori na nagtataka rin bago ako tumango sa ginang.
Bahagya siyang pumikit at maluha-luha ang mga mata nang dumilat. Tinignan niya ang katapat kong silya at umupo roon.
Nilagay niya sa kanyang kandungan ang bag saka niya pinakawalan ang hangin ng kaba nang ako'y muling maharap.
"I'm Rex's mother, Sheila Arredondo. I found out what happen, ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ng anak ko. I admit, I was being a negligent mother kaya hindi ko nababantayan ang ginagawa ng anak ko."
Hindi maipagkakaila ang pagmamakaawa sa kanyang mukha. Hindi man niya ako diretsuhin, parang alam ko na kung saan hahantong ang usapan.
"Gusto mo bang itigil ng kaibigan ko ang pagdedemanda?" Si Tori ang nagtanong.
Binalingan niya si Tori saka ako. Naluluha siyang tumango. "Yes please, nagmamakaawa ako. He's critical in the ICU. Ayokong sa paggising niya ay sa kulungan naman siya magdudusa."
"Sinaktan po ako ng anak niyo," halos pabulong kong sabi. Umakyat ang hikbi sa aking lalamunan nang maalala na naman ang pakiramdam na wala akong kalaban-laban.
Tila naramdaman ng pasa ko ang aking mga salita dahil ngumutngot ito sa hapdi.
"I know, kaya ako na ang humihingi ng tawad. Don't worry, I'll pay the damages sa resort, and the hospital bills if ever you want to have your injuries checked." Lumakbay ang mga mata niya sa pasa ko sa mukha.
Mama ba talaga ito ni Rex? He's too harsh compared to his soft-spoken mother with soft features. Siguro mana si Rex sa ama niya.
What would I give to have my mother be like this. To have my mother to be just like her. Paggising ni Rex, may inang handa siyang ipagtanggol sa kabila ng kamalian niya.
Kung si mama itong nasa harap ko, pagbibigyan ko ba? But she has rejected a plethora of favors since childhood up to this day. Siya na lang lagi ang pinagbibigyan ko.
May kung anong kumalabit sa gilid ng aking paningin. Lumakas ang bugso ng aking emosyon nang makita si Jaxon sa bukana ng station. Namumungay ang kanyang mga mata at halata ang pagod.
Isang ideya ang pumasok sa isip ko. Binalikan ko ang mama ni Rex.
"Maghahain po ba kayo ng report laban sa bumugbog sa kanya?" tanong ko.
Sandali siyang natigilan, mukhang ngayon pa niya pag-iisipan. Kinukumbinse ko siya sa gusto kong maging hatol niya sa aking pagtitig.
At tila nabasa niya ang gusto kong mangyari.
"H-hindi..." mahina niyang sabi. Malungkot ang mga mata. "May kasalanan din naman ang anak ko kaya para sa inyo ay nararapat ang nangyari sa kanya. But that's enough, I don't want my son to suffer more than what he's been through right now."
Tinakpan niya ang bibig at nagpakawala ng hikbi. Binatak nito ang kwerdas ng puso ko. My sensitivity would be the death of me.
"Vin..."
Malungkot kong tinignan si Tori na nais igitgit ang demanda. Kulang na lang suhulan niya ako upang ituloy ko ang pagdedemanda.
"Pwede po bang umapila na hindi na magsampa ng kaso?" untag ko sa pulis. Naglalaway na ako sa umuusok niyang kape.
Binaba niya ang mug at dinilaan ang ibabang labi. Namamasa ang bigote niya sa init ng ininom. Mukhang hindi siya nasisiyahan sa tinanong ko. So he wants this case to proceed to the court, too.
"Hmm...kahit i-drop ninyo ang kaso ay matutuloy pa rin ang prosecution kapag sapat ang ebidensiya upang matuloy ito sa korte katulad ng medical report mo, at sa nakikita ko..." sinuri niya ang aking mukha at bahagyang tinuro ng kanyang daliri, "malaki ang posibilidad na hindi ka pagbibigyan ng piskal sa apila mo."
Tinignan ko si Mrs. Arredondo at mabilis ring inalis ang tingin nang makita na parang mahihimatay na siya.
"Maghahain ka rin ng affidavit of desistance. Kung may kaibahan man ito sa pauna mong salaysay," tinuro niya ang typewriter, "posibleng makakasuhan ka kung mapatunayang nagsinungaling ka rito sa report mo. Kailangan may statement kang makakapagkumbinse sa piskal na i-drop ang kaso."
Mas lalo naging problemado ang ginang sa harap ko at napatakip sa kanyang mukha.
"But the prosecutor can drop the charges kung hindi makikipag-cooperate ang victim, right?" tanong ni Tori sa maarteng tono.
Bahagyang yumuko ang pulis at mapanuri kaming tinignan sa likod ng kanyang salamin. Umusli ang ibabang labi niya at dahan-dahang tumango.
Nagkatinginan kami ni ani Mrs. Arredondo. Isang tahimik na pagkakasundo ang tila namagitan sa aming dalawa. Pero kaya ko ba? Masisigurado ko bang hindi siya magfa-file ng report laban kay Jaxon kung gagawa ako ng hakbang upang ilaglag ang kaso laban sa anak niya?
Hirap na akong magtiwala sa iba pagkatapos ng nangyari.
"Ngayon ay may mga opisyal kayo ritong nagbabantay sa ospital upang matiyagan ang anak ko. Is that necessary, officer?" ani Mrs. Arredondo.
"Isang banta ang anak niyo, Madam. Nakitaan siya ng sachet ng droga sa kanyang bulsa," sabi ng pulis.
"Diyos ko po..." iyak ng ginang.
Nagkatinginan ulit kami ni Tori. Nagkibit balikat siya. Si Nolan ay panay na ang pagpapalit ng posisiyon habang nakatayo sa likod namin.
Tumayo ako at nilapitan si Mrs. Arredondo. I don't have a good relationship with my mother, but I can bring the kind of relationship that I want with her through my respect to other mothers even when they're related to someone who did me wrong.
That's the least that I could do.
"Pasensya na po..." mahina kong sabi.
Suminghot siya bago nag-angat ng tingin sa akin. Inalis niya ang puting panyo sa bibig na umabot ang mamahaling bango sa pang-amoy ko.
"No, I understand Ms. Claravel. This is the law. We can't defy it. My son's at fault. Thank you for trying anyway." Tumayo siya sabay bukas sa kanyang bag. Inabutan niya ako ng calling card. "Inform me regarding your check-up bills, okay?"
Umiling ako. "Hindi na po—"
"No, I insist." Malungkot niya akong ningitian at nagpaalam na.
Nakasunod sa kanya ang dalawang body guards. Nakatingin din sa kanila sina Jaxon at si Denver na nasa kanyang likod.
Tinignan ko ang calling card. May logo ng isang kilalang industrial company sa gilid nito.
"Salamat po, chief. Mauna na po kami," ani Nolan, mukhang tinatawag na nang kama dahil humihikab na ito habang nagpapaalam. Mahina akong nagpasalamat.
"Mauna na kayo, sa kotse ko na siya sasakay." Pagod ang boses ni Jaxon, medyo garalgal.
Huminto kami sa bukana kung saan nag-aabang pa rin sila ni Denver. Hindi ko alam kung bakit kami huminto, o sino ba ang nagpasimuno. Baka sabay kami?
"We'll go to the hospital pa," sabi ni Tori.
Kita ko ang pagtango ni Jaxon. Hindi ko siya matignan nang matagal.
"Ako ang maghahatid sa kanya roon," giit niya.
"Pati sa pag-uwi? Is she going to be at the backseat?"
"Babe, hayaan mo na. Backseat din naman siya kanina," si Nolan at hinila si Tori sa kanyang tabi.
"But that's a different story!" pabulong na angal ni Tori.
Hindi ko alam ang ginawa ni Nolan upang matahimik ang nobya.
"Sure, pare." Si Nolan na ang nagdesisiyon at hinigit si Tori paalis. "Una na kami, Vin, Jax, Den!" Kumaway siya hila si Tori na sinenyasan akong mag-text sa kanya. Tumango ako at tipid na ngumiti.
Hinintay ko pang makasakay sila sa Hi-lux. Bumusina si Nolan pagdaan ng sasakyan niya sa harap namin. Muli akong tumango.
"Tara!" aya ni Denver at nauna nang maglakad. Kumilos na kami.
Nais ko mang nasa likod, humihinto si Jaxon sa tuwing nangyayari iyon at hinihintay ako upang magpantay kami sa paglalakad. Sumasakit na ang batok ko sa pagyuko para lang maiwasan ang tingin niya.
Hindi ko alam kung galit pa ba siya sa akin o nagtatampo. Ayaw kong alamin lahat. Sapat na ang nangyari sa gabing ito upang pumasan pa ako ng ibang aalahanin.
Tama bang sa kanya ako sasama? Sa suntok ni Rex sa mukha ko ay pati pagdedesisiyon ko'y nasuntok na rin yata niya paalis.
"Vin, una na ako."
Nag-angat ako at tinanguan si Denver. Tinignan niya si Jaxon at sinitsitan.
"Huy!"
Kumunot ang noo ko at nagtaka na rin kaya nilingon ko na si Jaxon. Halos matunaw ako sa titig niya sa aking walang tuldok, hindi nilingon ang ang pagtawag muli ng kanyang pinsan.
Hindi man lang siya nag-iwas nang mahuli ko siya. Nanatili ang kanyang pagtitig.
May sakit na dumaplis sa mukha niya nang bumaba ang paningin sa sugat ko sa labi. Tila ba siya ang pinasakitan. Siya ang nag-tiis.
Pinaloob ko ang ibabang labi ko at nalasahan pa ang dugo at pagkakahabi ng sugat.
"Alis na ako Jax!" Hindi pa rin niya si Denver, nakikipag-usap pa yata siya sa sugat ko. "Hay naku! Bahala ka nga diyan."
Pinanood ko ang pag-alis ni Denver. Imported siyang nagmura nang matapilok siya sa handle ng isang manhole.
Nakapasok na siya sa sasakyan, at nakaalis na rin ito ay doon pa rin nanatili ang aking mga mata. Pinapaso pa rin naman ni Jaxon ang pisngi ko ng pagtitig niya.
Kung kaya lang pawiin ng tingin niya ang mga pasa ko, baka ngayon makinis na ang mukha ko.
Kahit nasa labas kami ay sumisikip ang hangin sa aming dalawa. Ilang linggo akong hindi nagpakita, at sa ganitong paraan pa kami magkakasalamuha.
I separated myself without a word, we are binded together by a tragedy. I don't think it's irony. It's just...weird. This is bizarre!
"Vin..."
Nanindig ang balahibo ko sa baba ng boses niya. Binalutan niya ng lamig ang hangin na umiihip at tumatangay sa mga tuyong dahon sa sementadong parking lot. Samahan pa ng amoy ng kape galing sa vending machine.
Sa pagtama ng headlights sa mukha ni Jax galing sa kakarating na sasakyan, mas naging malinaw sa akin ang pinta ng kanyang mukha. Hindi lang basta sakit ang nakapaloob. Kinulayan ng lungkot, pag-aalinlangan, pagod...hindi ko matukoy kung alin ang mas nanaig, pero pinipiga nito ang puso ko.
"Let's go," bulong niya.
Sandaling nanlabo ang aking paningin sa pagkapawi ng headlights.
Tumalikod na si Jax nang tumango ako. Nakasunod ako sa kanya papunta sa Tesla.
Naninibago pa ako nang pumasok sa sasakyan. It's like my first time being here kahit ilang beses ko na itong nasakyan. And never had I ever was being in the backseat. I'm claiming my throne here again. Kahit dito lang.
Pagod ang tanging kabuuran ng nangyari ngayon dahil iyon mismo ang kumakain sa akin. Maraming what-ifs ang gumagambala. What if hindi dumating si Jaxon? What if natuloy ang binabalak ni Rex?
Adding to my anxiety issues and the things that could have happened? Hindi ko alam kung saan marahil ako pupulutin. I could expect the support from my people, but would that be enough?
I shut my mind off the same second as I closed my eyes. Madali lang itong kaligtaan ngunit sa mga pasa ko't sakit sa katawan, mananatili akong paaalahanan.
Pain really is an intense reminder. We could deviate the emotional baggages to the physical hurt, but not in my case. Both pain are vying for the coveted price and that is to break me. But to break something is for that thing to be fixed.
Kailangan ko nga sigurong masira upang gumaling. Bakit naman kasi aayusin ang isang bagay na hindi naman nasisira, di 'ba?
How can I be healed, then? Physical is easy. Bruises and scars are just an antbite. Emotional? Hmm...
Hindi ko tuluyang sinandal ang aking ulo sa headrest. Nilagyan pa yata ni Rex ng souvenir na bukol ang ulo ko.
"Don't sleep."
Hindi ko nilingon si Jaxon. Ginalaw ko lang ang aking mga mata upang matignan siya. Nasa harap ang kanyang atensiyon.
"Okay..." bulong ko.
Kanina pa siya tensed mula nang umalis kami sa police station. Panay rin ang maiingay niyang pagsinghap, tila may pinipigilan siyang gawin. Medyo sumiksik ako sa gilid, natatakot sa maaaring mangyari.
Hindi ko alam kung saang ospital niya ako dadalhin upang makapagpa-check up. Hindi pa naman yata kami lumagpas sa municipal hall.
Taka ko siyang nilingon nang hininto niya ang sasakyan sa gilid ng daan. Luminga ako, tinutukoy kung nasaan na kami pero madilim. Mga sumasayaw na puno lang ang naririnig ko at ingay ng madalang na pagdaan ng mga sasakyan.
Inunahan ang salita ko ng matinding gulat nang bigla niyang hinampas ang steering wheel. Tinago niya ang kanyang mukha roon kasama ng isa niyang braso.
"Jax..." subok kong pigil, ngunit nalulunod lang ng mga sigaw niya at malalakas na hampas sa gilid ng manibela na nagsanhi ng mga pag-busina.
May dumaang sasakyan na umambag ng liwanag dito sa loob. Sa panandaliang ilaw na iyon, hindi ko maipagkakaila ang pamumula niya sa gigil at galit. Ang ugat sa kanyang sentido at leeg ay tila sasabog na sa balat nito sa marubdob na emosyon.
Kahit ganon, hindi ako umalis. Walang takot na namuo sa loob ko. Imbes ay humikbi ako at hindi ko alam kung bakit at saan galing ang reaksyon. Siguro para sa mga nangyari ngayon na tuluyan na akong nilulunod, sa pangungulila ko sa kanya, sa lahat lahat na!
"Jaxon..." Nabulunan ako sa subok na sambitin ang pangalan niya.
Napaigtad ako sa muli niyang paghampas sa manibela at nakakabinging sigaw. Inatras ko ang kamay kong handa siyang pakalmahin nang mag-angat siya mula sa steering wheel.
Infront of me, Jaxon in all his vulnerability. Hindi na niya kailangang magsalita. Ikinalala ng hikbi ko ang nakikitang paga-abang ng luha sa gilid ng kanyang mga mata.
"Paano kung hindi ako dumating, Vin?" Nabasag ang boses niya. "Paano kung—" Marahas siyang suminghap at binalikan ang pagmaltrato sa manibela. "Fuck!"
Sinasabayan ng mga hikbi ko ang paglalabas ng natitira niyang galit.
"Mapapatay ko siya, Vin. Mapapatay ko—"
Kinuha ko ang kamay niya at dinala sa aking pisngi. Mainit ito na pati ba iyon ay dinaluyan ng galit. Dinadama ko ang gaspang nito na gawa ng galos at sugat.
"I take full responsibility for my action, Vin. Hindi ko itatanggi ang pananagutan ko sa ginawa ko sa gagong iyon."
Inalis ko ang nanginginig niyang kamay sa pisngi ko at pikit matang hinalikan ang likod ng kanyang kamao. "You don't hurt people, Jax...huli na iyon."
"I will hurt other people for you, Vin. Well, I already did.""
Panay ang iling ko, walang salita ang makakapagtukoy sa nararamdaman ko ngayon, sa kung anong gusto kong sabihin. Gusto ko nalang iiyak lahat hanggang sa gumaan ang aking pakiramdam.
"Vin..." Sumingot siya at pinagdikit ang aming noo.
Naghalo na ang alat ng pawis at luha ko sa aking mukha. Dinala niya ang isang kamay sa kaliwa kong pisngi. Maingat niya iyong hinahaplos.
Pumikit ako at piniga ang mga luhang muling maglandas nang hinalikan niya ang mga pasa ko sa mukha. Slow and sweet like I'm a fragile thing. Nanaig ang pangungulila ko sa kanya kesa sa sakit.
Dinadama ng hinlalaki niya ang ibaba kong labi kung saan nakaratay ang sugat ko roon."I'm sorry...Kung ano mang nagawa ko—"
Umiling ako. "Sorry, Jax. Sorry..." Humagulhol ako at niyakap siya.
Kumapit agad ako nang dinala niya ako sa kanyang kandungan at patagilid na pinaupo. Hinalikan niya ang aking buhok, sentido, tenga, pisngi at mga luha kong walang sawang bumabagsak.
Suminghot siya. Pilit niyang pinapakalma ang boses sa marahang pagbulong. "I missed you..."
Lumutong ang aking hagulhol. Tila ba inaararo na na parang walang bukas ang damdamin ko't pinapahapdi ang aking dibdib. Panay ang pangangapa ko ng hangin dahil sa bumabara sa aking ilong.
Hinubad niya ang kanyang shirt at dinala ang aking ulo sa mainit niyang dibdib. Dinampian niya ang namamasa kong pisngi upang matuyo. Pinisil niya ang ilong ko upang alisin ang sipon. Pinasingha niya pa ako.
Nagmukha akong pariwarang bata na naka-assign sa kanya upang alagaan. I look so lost against his warm durable chest and arms.
Tahimik lamang siya at inuugoy ako hanggang sa makalma. Inabutan niya ako ng tubig nang mapansing ilang beses na akong sumisinok.
This brings a strange feeling, and I don't want to acknowledge it more so with words. I don't want say something. I just want to relish this moment for a while. Dito ko lang nararamdaman ang isang kahilingan kong nagkatotoo. Can I at least freeze this moment? Just us, like this? Oh God, I hope so.
"Are you okay now?" mahinahon niyang tanong. Hinalikan niya muli ang tuktok ng aking ulo at inamoy ang aking buhok.
Hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Malaking parte sa akin ang gumaan dahil sa pag-iyak. Ngunit may hindi ako matukoy na nanatili pa. Pagod na pagod na talaga ako. Gusto ko nang matulog.
Kinuha niya ang pinaglalaruan ko na ngayong shirt niya. Muli niyang dinampian ang aking pisngi.
"Was there a penetration, Vin? Dahil kung meron, babalik ako sa ospital na pinagratayan niya at tatapusin ko na siya."
Kinatakot ko ang banta sa kanyang tono. Humigpit ang isang braso niyang nakapulupot sa akin.
Umiling ako. "Dumating ka, kaya hindi niya nagawa."
Bahagya kong ginilid ang aking ulo upang mabulong ko man lang ng halik ang kanyang dibdib.
Tumama sa ulo ko ang baba niya nang siya'y tumango. Sapat na iyon bilang magandang balita sa kanya. Ngayon ko naitanong kung paano niya ako nahanap. Pero bukas ko na siya kakausapin tungkol doon. I've had too much baggage for today.
This is enough, us like this, for now.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro