THIRTY SIX
Hindi ko alam ang aasahan ngayong araw. Though my subconscious expectation of him is not putting me at ease. Did he really break up with Gwyneth? I don't want to entertain the reason unless manggagaling sa kanyang bibig at hindi sa inaakala ko lang.
He wasn't forthright with his real intentions but asking me to kiss him was already a symptom to the whole 'like' disease. Tumanggi ako, hindi dahil sa ayaw ko. Heck, sino bang aayaw?
We usually feel the thrill finding out that person's feelings toward us. But once we find out, some spark of thrill dies, like a flame of the candle that gutters out. May iba, they feel exalted, habang ako'y takot.
Maybe I was pressured na baka magkamali siya ng inaakala. He likes me today, but what if he finds out something he doesn't like? Mawawala na rin ba ang pagkakagusto niya? Invested feelings would just go down the drain then.
Indeed, the chase was the most exciting part, because you're still riding the journey. At kapag nasa destinasyon ka na. Now what? Where do we go from here?
Lalabas na sana muli ako sa tattoo parlor kung hindi lang nag-angat ng ulo si Angelov. Hindi ko siya nakilala agad dahil sa iba niyang hairstyle. Napahinto ako sa pintuan hawak ang door handle.
He's sporting a semi-buzzcut na mas nagpa-prominente pa ng cheekbones niya at anggulo ng mukha. Tinaasan niya lang ako ng kilay habang maingay na ngumunguya ng bubblegum at binalik ang pagpupunas sa counter top.
Kung dati ay mukha siyang badboy, ngayon ay nagmumukha na talaga siyang rebelde.
"Ba't ganyan na buhok mo?"
Hindi sa ayaw ko, in fact bagay sa kanya. Nagtataka lang ako.
"Pinaglalaruan kasi ni Sam," wala sa sariling sabi niya sabay padaan ng kamay sa ulo.
I don't know what's the score between them, hinala lang namin ni Charlie ay nagkakaigihan sila.
Umupo ako sa bench na hindi nag-aalis ng tingin sa kanya.
"Girls like to play with their guys's hair. Hindi lahat pero...kung ako, I do like it," wika ko.
Umangat ang isang sulok ng labi niya. Angelov's way. "You know what I mean, Vin. I like to feel skin to skin. Sabunutin na niya ang ulo ko, hindi ang aking buhok!" Humalakhak siya.
Hindi na bago sa akin ang mga kahalayang lumalabas sa bunganga ni Angelov. Sa aming tatlo, siya lang ang may subok nang karanasan. Hell! Those girls would even be willing to make babies with his eyes!
Napailing ako at tumayo. "Adik ka nga talagang tunay! Pero ano ba talaga ang mas matimbang? Ang droga o si Samara?"
Lumapit ako sa counter at pumalumbaba sa bandang tapat niya. Tumigil siya sa ginagawa upang pakitaan ako ng kanyang pagkunot-noo. Mas lumalim ang mga mata niya.
"Hmm...sa tingin ko ang pangalawa," dagdag ko. "Hindi mo naman babawasan ang paggamit ng una kung wala kang gusto sa pangalawa, 'di ba?"
"Utot mo Davina amoy Pepperonni 'tsaka Hawaiian!" agap niya.
Bumulanghit ako ng tawa habang tinutungo ang aking workroom. "Bakit kasi wala ka kahapon? Inubos ko tuloy ang dalawang box!"
Hindi na siya nakasagot nang may customer agad na pumasok at nagpa-tattoo sa kanya. Ako ang assign sa counter.
Hindi kami masyadong abala ngunit wala rin naman kaming bakanteng minuto na walang ginagawa. Si Angelov ang humalili kay Charlie sa gustong magpa-piercing. Kung wala akong customer, inaayos ko ang mga tattoo designs sa Adobe upang idagdag sa portfolio namin.
Lumapit si Angelov upang kumuha ng sukli sa kakatapos niya lang tatakan. Umusog ako upang bigyan siya ng espasyo sa paglalagay ng pera sa kaha. Nangangamoy alcohol siya. Ito ba ang ipinalit niya sa paghithit?
Hindi na malimit ang pagtatago niya sa c.r upang magpausok. Akala ko nga ay susuko na siya sa kanyang bisyo, ngunit, binabawasan niya lang. I don't have to wonder Samara's involvement with his gradual change.
"Maaga ako uuwi, ikaw na magsara," aniya saka malakas na sinarado ang kaha na siyang ikinaigting ko. Ang intense talaga ng taong 'to. Lahat padabog!
"Saan na naman lakad mo?" tanong ko, nasa PC screen ang buong atensyon sabay click ng mouse.
"Kailangan mo pa bang itanong? Alam mo na!" sarkastiko niyang wika.
Pinatay niya ang stereo na siyang nagpadomina ng katahimikan sa buong parlor maliban sa PC at pagdaan ng mga sasakyan. Tinanggal niya ang plug sa outlet at pinulupot ang wire sa handle ng stereo. Dinala niya ang buong radyo sa balikat niya.
"Ang damot mo naman! Wala akong music dito," maktol ko.
"May mga download ako diyan sa computer, patugtugin mo." Saglit niyang tinuro ang PC saka tumalikod.
Bago pa siya makalabas ay bumukas ang pinto. Hinihiling kong sana ay magpapa-piercing para hindi agad makaalis si Angelov. Simula noong nangyari kay Rex ay may mga araw na ayaw kong mapag-isa.
Abot abot ang pagtahip sa dibdib ko nang makita si Jaxon at direktang nakatitig sa akin. His face is unreadable.
Nasa bulsa ng itim niyang chino pants ang parehong kamay at humahapit naman ang gray Henley shirt sa tila bihasang nililok niyang katawan.Tupi ang manggas hanggang siko. It's fitting that it hugs him in all the right places. The ridges on his abdominals were even strikingly visible and bodacious.
Kung saan man siya galing ay wala akong ideya. Even seeing his ETQ Amsterdam white sneakers failed in cluing me in.
Dinagdagan naman ang mga tanong ko nang makita ang pasa niya sa kaliwang pisngi. Kumunot ang noo ko.
"Tatoo," kaswal niyang sabi.
"Wala sa schedule—"
"Nagpa-sched ako kanina," agap niya at tinahi ang paningin kay Angelov sa gilid.
Jaxon's blocking the entryway kaya hindi siya makalabas. Sandali niya akong nilingon at maang-maangan akong tinanguan.
"Alis na ako. Ikaw na bahala." Tinaas niya ang isang kamay tanda ng pagpaalam saka lumabas nang pumagilid si Jaxon. Nagawa pang mag-hum ng kanta habang naglalakad palayo.
Matalim kong tinitigan ang sarado nang pinto.
Tss. Traydor! Gumanti iyan dahil inubos ko ang pizza kahapon!
Binalikan ko ang PC at sinave ang gawa ko bago sinara ang ilang mga windows. Sana dinamihan ko ang pagbukas ng windows para marami rin akong isasara!
Alam ko namang posibleng pupunta siya rito ngayon pero wala man lang akong isinigawang paghahanda kung paano siya pakikitunguhan. Blanko tuloy utak ko ngayon habang nagwawala naman 'tong tumitibok sa dibdib ko.
Kumakapal ang hangin ngayong kaming dalawa na lang and naiwan. The room's seems smaller than how it really is. And we probably would squeeze ourselves in kapag nagkalapit kami.
Sa screen man nakatingin, sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang may pag-aatubili niyang paglapit sa counter na para bang takot siya rito. O sa akin.
Gusto kong matawa. Si Jaxon? Matatakot sa akin? Hah!
Wala na akong gagawin sa screen ngunit panay pa rin ang right-click ko sa mouse at paulit-ulit na nagre-refresh. Bumibilis ang click ko habang papalapit siya.
Sa sobrang stiff ko sa pagkakaupo, pakiramdam ko'y sa kaunting kilos o ingay na magagwa niya'y mapapatalon ako sa gulat.
Pinanood ko siyang umalis kagabi pagkatapos pagsarhan ng pinto. Siguro naiintindihan ang ibig sabihin sa pagtanggi ko. Kung may pagpapahalaga siya sa reputasyon niya, hindi siya basta basta tatalon ng ganon lang sa isang relasyon papunta sa isa.
Frankly speaking, I would have been royally disappointed not seeing him today. Hindi naman ibig sabihin na porke't pinagsarhan ko siya kagabi ay ayaw ko na siyang makita, na tinatanggihan ko na siya sa buhay ko.
Now that he's here, with that penetrating stare straight to my black shadow-filled eyes, it's awkward.
I entertained the awkwardness para hindi naman ako magmukhang sabik na makita siya.
Bumunot siya sa bulsa ng kanyang pants at padulas na nilapag ang nakatuping papel sa countertop. Bumaba ng tingin ko roon na hindi man lang dumadapo ang mata sa kanya upang ipakita ang pagtatanong.
Sinulyapan ko ang braso niyang may relo bago kinuha ang papel at in-unfold. Binabasa ko ng aking dila ang nanunuyo kong bibig. Even the sound of unfolding the paper multiplied the awkwardness into tenfold.
Sa isip ko'y hinahalungkat ko na ang pinaglalagyan ko ng maiinom na tubig nang maudlot ito pagkakita sa kung ano ang naka-print sa papel.
Napangiwi ako. "Puno?"
Kahit sino man ang nakarinig sa tono ko ay iisipin na gusto ko itong pagtawanan.
It's a tree! May mga lace banner na nakapulupot sa paligid ng puno. It's a detailed one but it's not manly. This doesn't scream Jaxon! This is the kind of design na pagsisisihan ng mga kliyente ko.
Na miski ako ay ikamamatay ko muna bago matagpuan ang sariling may tatak nito sa balat ko!
"You can extemporize or make some adjustments however you like same as what you did to Evan's," aniya sa magaang tinig, malayo sa kung ano ang hinahatid niyang epekto sa akin.
Mukhang hindi siya apektado sa nangingiwi kong reaksyon. Kalmante lang siya at walang pakialam. Nandito ba talaga siya para magpa-tattoo o excuse niya lang?
Binuksan ko ang drawer at kinuha ang aking sketchbook. I leaf through the pages hanggang sa matagpuan ang hinahanap ko. I've been working this design for quite too long since acknowledging my attraction towards him. Sa tuwing naaalala ko siya ay ito ang pinagkakaabalahan kong guhitin.
Binaligtad ko ang sketchbook upang maiharap sa kanya ang drawing. It's a tribal eagle design. Bahagyang nakayuko ang ulo nito, tila may dinudungaw o naghahamon. Both wings shoot upward, hinahanda ang sarili sa pagdapo. Both claws are out.
The image is in sideview, and the whole form is elongated and abstract-looking, with some sharp and soft spots lalo na sa wings at tail part.
When you're infront of someone you're attracted to, you tend to ache for his validation. Kaya sa bawat minutong sinusuri ni Jaxon ang aking gawa ay tambol ng kahilingan ang pumapalo sa dibdib ko.
Kung mas prefer niya talaga ang puno, it's his choice. But it would leave a trail of question on what's his fetish about the tree. Bakit puno sa dinami-daming design na pagpipilian?
As an artist, I have to consider my client's preference, not just what I want to portray. Pero pwede ko naman lagyan ng 'Davina touch' ang nais nilang design. And I never failed. All my clients never leave this parlor without putting a tip on my jar. They dote on my finish product.
But with Jaxon here, may namumuong kompetisyon sa sarili ko. Biniyak nito ang kumpiyansa ko sa sarili.
Gumuhit ang hindi niya napigilang ngiti, mukhang nahihiya sa pinakita niyang design kumpara sa suhestiyon ko. Aba'y dapat lang! Puno? Seriously?
"This one's better. Si Denver kasi, hindi marunong pumili."
Nairapan ko siya. Sinisi pa ang pinsan. I'm guessing na walang kinalaman doon si Denver.
I wonder if they're okay. Madalas na silang nagkaka-away bati.
"Si Evan sana ang kinonsulta mo." Nilapag ko pabalik ang papel sa counter upang kunin niya at hindi naman niya pinatagal.
"We couldn't get to talk to him."
May kung anong meron sa boses niyang ikina-agap ko ng tingin sa kanya.
Nagkibit balikat siya habang siniksik pabalik ang papel sa bulsa. "Confidential."
Whatever it is, surely hindi ko kailangan manghimasok. Sana okay lang siya. Naging mabait din naman kasi sa 'kin iyong tao.
Sa drawer na ako kumuha ng transfer paper upang iguhit muli ang design. It's not that complex, at hindi rin naman simple lang. It's something in between. Like Jaxon, who is somewhere in between being tender and intense.
"Saan mo gusto kitang tatakan?" untag ko pagkatapos kinuha ang ballpen sa likod ng aking tenga.
Hindi ko pa nakikitang tinatantanan niya ako ng pagtitig. Bawat lingon ko sa kanya ay tila ba nakahanda na ang mga mata niyang banggain ang paningin ko.
"I trust you, so you decide. But I prefer for it not to be on my limbs."
Hmm, I wonder why. Ayaw kaya ng mama niyang may tattoo siya? Sa pagkakaalam ko si Denver lang ang hindi pinapayagan. But judging Jaxon's mother's disposition, she's the kind to yearn for her children to be upright and honorable. And you know how most people judge other people with tattoos.
Galing sa batok ay hinubad niya ang Henley shirt revealing his hard muscles. I've seen it in dimlight. Ngayong maliwanag ang ilaw, I found myself appreciating it even more.
Nilihim ko ang paghigit ng aking hininga.
Bumaba ako sa upuan at tinungo ang pinto upang i-lock. Paraan ko na rin iyon upang itago ang marahil namumula kong pisngi dahil nag-iinit ito ngayon.
Si Jaxon na ang huling kliyente ko dahil lagpas isang oras ang aabutin ng disenyo niya. Hindi ko na rin ma-serbisyuhan ang iba for obvious purposes. Binaligtad ko ang sign at hinarap ang CLOSED sa labas.
Sumunod siya sa akin sa pagtungo ko sa aking workroom. Binuksan ko ang ilaw.
"I want it here." Tinuro niya ang kanyang rib part, left side, the area below his left nipple.
Hindi ko napigilan ang pag-angat ng sulok ng aking labi. Just the way I want the design to harmonize. Kaya nga sinadya ko ang elongated form dahil sa rib part niya talaga ang gusto kong paglalagyan ng tattoo.
"Dito magsa-start." I pointed at his ribs right below his left nipple.
Hindi ko makontrol ang panginginig ng mga daliri kong lumapat sa mainit niyang balat habang binabakas ko ito pababa. May nararamdaman akong gumagalaw sa aking kalamnan.
His body is a work of art. How much more with a tattoo? I want it to be called a masterpiece by then.
Hininto ko ang aking daliri sa pagitan ng gilid ng huling ridge sa abs niyang nagmamayabang at idention sa pelvic bone. I get to trace his V. Unintentionally.
"Dito mo ba gusto mag-end iyong disenyo? The tail part. "
Nasa balat niya pa rin ang daliri kong OA kung mangatal. Isang tasa ng kape lang naman ang ininom ko kanina at hindi ko pa naubos.
Kung ako sa kanya, isusuot ko na pabalik ang shirt niya't tatakbo na paalis sakali mang nakikita niya itong daliri ko. Anuman ang excuse ko'y sigurado akong hindi niya tatanggapin at pagtatawanan niya lang.
One couldn't just trust a tattoo artist with a trembling hand, right?
Hindi na yata ako humihinga nang hawakan niya ang aking kamay at mas binaba pa nang ilang dangkal ang aking daliri.
Nanlaki ang mga mata ko. Please don't go there! Saan mo dadalhin ang kamay ko? What are you doing, Jaxon?
Binawi ko ang sana'y pag-angal ko nang nilagay niya sa kanyang pelvic bone ang aking daliri. Just beside his V-line. His stomach clenched. His ridges moved like a slight earthquake is happening at his abdominals.
"How about here?" tahimik niyang sabi, halos pabulong.
Ngunit kung gaano man ka kalmante ang boses niya'y bayolente ang hinatid nito sa akin. I hate the effect he brought to my flipping stomach.
Hindi ko siya matignan. Pinakawalan ko ang hangin nang binitawan na niya ang kamay ko. Inalis ko na rin ito sa kanyang balat at umayos ng tayo.
"That works. Uhmm..." Tumingala ako sa wallclock. "Apat na oras 'to so..."
"It's quarter to seven. I don't mind staying here 'til eleven or more..."
May pinapahiwatig siya sa boses niyang tinakwil kong bigyan ng kahulugan. Hindi man niya binuksan ang usapan tungkol kagabi, pinapalitan naman ng mga cryptic niyang kinikilos.
Nilunok ko ang makapal na bumabara sa aking lalamunan. Kaya ko ba 'to? Hindi ako confident sa kamay ko ngayon lalo na't sa oras na malapat na ang karayom sa balat niya. I don't trust myself right now.
"Gusto mo bang may kulay or all black?" tanong ko, sinisikap na walang ipakitang emosyon sa aking mukha.
Itinago ko ang aking kaba, dahil kung malalaman ng mga kliyente ang kaba at takot ko, hindi nila ako pagkakatiwalaang mag-tattoo sa kanila.
As being sensitive, I wanna ba trusted.
Bahagyang naningkit ang mga mata ni Jax at tinagilid ang ulo, wari binabasa ako at hindi ko matiyak kung para saan at bakit.
"All black," aniya.
Tumango ako at bumalik na sa counter. Muli siyang sumunod at ginawang komportable ang sarili sa pag-upo sa bench na may malambot na foam.
Binuksan ko ang Itunes sa PC at namili ng mga kanta na download mismo ni Angelov. Hindi ako pamilyar sa iba kaya hindi ko alam kung alin ang ipi-play. Kung nagandahan ako sa intro, e 'di play na ako all the way.
Mabuti na lang at abala ako sa transfer paper kaya hindi ko matignan si Jaxon na ayaw talaga akong tantanan ng titig. Gusto ko na siyang sitahin sa ginagawa ngunit ayaw kong mag-tunog assuming.
Milagro at hindi siya madaldal ngayon. He's talkataive, like a radio jock he used to be that has to avoid a dead air. Pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagsabay niya sa kanta. Minsan ay tinatambol ang mga kamay sa hita at pinapadyak ang mga paa.
Nag-head bang din siya habang pinapaikot ang paningin sa paligid ng kuwarto. Mabilis kong binalikan ang transfer paper nang binaling niya ang ulo sa direksyon ko.
Na-miss ko ang malamig at baritono niyang boses na sa radio station lang yata niya ginagamit. Did he ever miss working there?
Tumayo na ako at pinasunod siya sa workroom nang matapos sa transfer. He strided confidently in his topless form. I want to keep hiding my emotions and keep them undercontrol. Ngunit sadyang may mga bagay talagang hindi natin mapipigilan at mapapaamo.
Pinaharap ko siya muli sa full body mirror na built-in nang dinikit sa pader. Muli kong binakas ang nais niyang paglalagyan ng design.
"Since dito mo gustong hihinto ang disenyo, kailangan mong ibaba nang kaunti ang pants mo." Sinikap kong maging kaswal ang aking boses.
Hindi madaling sabihin 'to, ha? Parang sinabi ko na ring maghubad siya. At bakit iyon ang iniisip ko? Kung tutuusin ay normal lang itong mga salita kung iba ang aking customer.
I have to keep my professionalism. Wala namang ibig sabihin ang gusto kong gawin niya. Well...hindi sa gusto ko but, it's necessary!
He's now unfastening his belt. Yumuko ako at dinungaw ang drawing sa transfer paper, ayaw panoorin ang pagkakalas niya.
"Maghuhubad na lang ako ng pants," sabi niya. I could hear amusement lacing on that tone.
"Depende kung may suot ka pang iba," I deadpanned.
"Wala."
Bagsak ang panga ko siyang nilingon.
Pilyo siyang ngumisi at tuluyan nang inalis ang kanyang sinturon. Amusement glazed on his now impish eyes. Kinagat niya ang ibabang labi, pinipigilang matawa ngunit isang indikasyon na ang panginginig ng kanyang balikat.
Nagtanggal siya ng butones ng jeans at bahagyang binaba ang pants. Sumilip ang gray garter ng boxers niyang may tatak na Calvin Klein.
Damn it. He could really pass as a model in an ad catalogue. Name it, underwear, clothes, swimwear, men's perfume...and I'm trying as hard as I can not to look down further. Sounds tempting but...professionalism, Davina.
Inangat ko ang aking ulo at ayaw ko nang ibaba. What kind of torture is this? Mas uminit ang mukha ko. Kaya ko ba talaga 'to? Huwag na lang kaya?
Ngunit ayaw kong ipakita sa kanya ang panghihina ng loob. Wala rin naman akong maidadahilan upang hindi ito ituloy.
Naghugas ako ng kamay sa cr at nagsuot ng gloves. Pinagpahinga ko kay Jax ang mga kamay sa kanyang ulo upang mas madali sa aking linisin ang area ng balat niya at malapatan ng transfer.
Nag-spray na ako ng green soap sa parteng paglalagyan ng disenyo. Tinuyo ko gamit ang paper towel at saka pinahiran ng Speedstick deodorant.
Habang ginagawa ko ito ay pansin kong nagmimistula na siyang estatwa. I couldn't even feel him breathing. Takot na ba siya? Is he bracing himself for the pain? Hindi ko pa siya nabalaan na isa ang rib part sa pinaka-sensitibong lagayan ng tattoo kaya masakit talaga.
Ang iba kong customer ay bumabalik sa sumusunod na linggo dahil hindi kinaya ang sakit. Siya kaya, kakayanin niya?
"Hindi bawal huminga, Jaxon. Breath...," sabi ko.
Malalim siyang humugot ng hangin at mabagal na pinakawalan. So hindi nga siya humihinga!
Nilagay ko na ang transfer paper, sandaling dinikit saka dahan-dahang kinalas. Nakaguhit na ang disenyo sa kanyang balat.
Napangiti ako. It looks great on him. Tamang-tama lang. I feel proud of it kahit guhit pa lang siya. How much more kung tattoo na, 'di ba?
"Ano sa tingin mo? Okay ba ito sa 'yo?" tanong ko patungkol sa tattoo.
"Maganda," agap niya.
I expect for him to agree, at iyon naman talaga ang gusto kong marinig.
Ngunit sa pagtingala ko ay sumalubong sa akin ang titig niya. Wala ang kanyang mga mata sa disenyong nasa balat niya.
At kailan pa naging ganyan karubdob ang kanyang pagtitig? I've seen him being intense before but not this level of intensity. Does it have something to do with the fluorescent light? Or maybe ito ang nakikita ko simula nang sinabi niya kagabing halikan ko siya.
Whichever it is, hindi niya binibitawan ang ganyang klaseng tingin. Na para bang may tinataling lubid sa akin upang hilain ang mga mata niya kahit saan ako magpunta.
How could other people's words, especially from someone you're attrac ted to, from someone you're in love with!, change the way you perceived things and even making it more overpowering?
"Tignan mo ang design kung okay sa 'yo ang placement," utos ko.
Maagap niyang inalis ang tingin sa wakas at hinarap sa salamin. Lumayo ako upang mas bigyan siya ng espasyo na suriin ang disenyo sa kanyang balat.
Tumango siya at ngumiti. "Just the way I like it."
"Masakit ito, especially sa rib part," babala ko.
"I'm ready," kalmado niyang sabi na may halong confidence.
Of course you're ready. At ikaw, Davina? Are you ready?
Hindi ko naitago ang pagbuntong hininga upang ihanda ang sarili. Pinatunog ko ang aking mga daliri. Gusto kong mag-jumping jacks pero magmumukha lang akong tanga sa harap niya kung gagawin ko.
Tinango ko ang reclining tattoo chair. Nakuha niya ang ibig kong sabihin at umupo roon habang hinanda ko na ang mga gamit kasabay ang paghila ko ng buong paghahanda sa sarili.
"How should I position myself?" tanong niya.
Nilingon ko siya habang inaalis sa pagkapulupot ang wire. Hindi pa nakahanda ang reclining.
"Ibaba mo ang head at backrest then humiga ka side lying," sabi ko at binalikan ang ginagawa. Pinanood ko siyang sinusunod ang instructions ko.
Nakataas ang mga braso niya at pinulupot sa headrest upang iiwas sa parteng nilapatan ng disenyo. Triceps naman niya ang nagmamayabang ngayon without him even intending to brag it.
Pagkatapos ihanda lahat ay inapakan ko ang foot pedal at nang nakuntento sa paggana ng tattoo gun ay lumapit na ako sa kanya.
This is it, Davina. Gagawin ko na talaga. Wala nang atrasan. Whatever the stake is, if my work would turn out horrible, I'll take full responsibility of my malpractice.
Imbes na sa stool chair ako umupo ay sa espasyo ng reclining chair ko nilagay ang sarili since he's in side lying position na mapapadali ang access sa tattoo area.
Kaya magkadikit ang isang hita ko at pwetan niya. So help me, God.
I took my deepest breath bago yumuko upang mas mapalapit ako sa kanyang tagiliran. This is the closest that I have been with Jaxon, not to mention he's shirtless and with semi-open pants. His manly scent and expensive perfume are attacking my nostrils, humahalo sa matapang na amoy ng Speedstick.
Kinakalog ko ang aking kamay, winasiwas ang pangangalay at panginginig saka ako nagsimula. Tinukod ko ang aking kaliwang siko sa tapat ng dibdib niya at hawak sa kamay ang paper towel upang alisin ang excess ink.
He twitched at the initial contact of the needle. Humugot siya ng hangin saka pinakawalan. Iyon lang at wala nang pinakitang reaksyon na nasasaktan siya. Maybe the thickness of his muscles has something to do with his high pain threshold.
Kahit naka-gloves ako ay sumusuot ang init ng kanyang katawan. Mabilis siguro ang metabolism nito.
"You can talk to me while I'm working," sabi ko bago muling inapakan ang foot pedal at umingay ang buzz ng tattoo gun.
This is where the talking starts; Sharing of stories, kung bakit ganito ang pina-tattoo nila, sino ang kadalasang kliyente at kung anu-ano pang tanong. I don't want to touch something personal pero sila na mismo ang nagkukuwento.
I may not be the friendliest person, but I don't want my clients to be uncomfortable. Kaya nakikipagkwentuhan din ako sa kanila without me having to divulge too much about myself.
Inangat ni Jaxon ang ulo niya upang masilip ako at ang aking ginagawa.
"The charges were dropped."
Huminto ako't tinignan siya. Pinagpahinga niya ang ulo sa kamay at tinukod ang siko sa nakababang backrest. Sa aking direksyon naka-anggulo ang kanyang ulo.
"Nagkausap kami ni Mrs. Arredondo. I guess she's close to the prosecutor kaya nabasura ang kaso, besides hindi naman daw ganon ka-grave ito kumpara sa kung rape talaga ang nangyari. Nagkasundo kami but not before I request to file a restraining order for you against his son."
Binaba ko ang tattoo gun habang binabalot sa utak ko ang narinig. Ang kaswal lang ng pagkakasabi niya na parang nagkukuwento lang siya sa buong araw niya.
"Bakit hindi ko alam agad ito? Bakit ikaw ang nag-aasikaso? I was the victim that night!"
Nag-iwas siya at nahagip ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Kinabahan ako. Anong ginawa ko?
"I don't want to stress you too much kaya ako na ang nakikipagkita sa kanila." Sumalamin ang boses niya sa timpla ng kanyang mukha.
Awang ko lang siyang tinignan. I don't want to think about this. Gayunpaman, pinahinahon nito ang loob ko. How thoughtful.
Tinulak ko ang ulo niya upang maibalik sa pagkakahiga. "Ang dami mong alam."
"Hindi lang dapat sa pinag-aralan ko sa University ang extent ng aking kaalaman. I always want to learn. Except tattooing, though. Is there some kind of prohibitions before the session? I came from the gym and drank an energy drink. Hindi ba bawal?"
"Walang bawal." Kinuha ko na muli ang tattoo gun. Sandali akong huminto at sinulyapan siya. "Hindi ka ba takot sa karayom?"
Inapakan ko ang foot pedal kasabay ang buzz ng tattoo gun, pandagdag suspense.
"Depende kung saan ituturok ang karayom. Sa braso ko ba o sa puso?"
Inangat na naman niya ang ulo at dinungaw ang natatakan ko ng may ink.
"Jaxon, ang ulo mo ibalik sa pagkakahiga. Mangangalay ka niyan," sermon ko sa kanya at bumalik na sa ginagawa.
"Gusto kong pinapagalitan mo ako." Nahihimigan ko ang ngiti sa kanyang tono.
"Saan na ba iyong sinturon mo at papaluin kita," I deadpanned. Bumulanghit siya ng tawa kaya nilayo ko na naman ang karayom.
"Huwag malikot! Hmp!" Mahina ko siyang pinalo sa balakang habang gigil na kinagat ang aking bibig. Hindi kami matatapos nang maaga nito kapag hindi siya tumila sa pagtawa!
Ilang beses din akong nag-break upang ipahinga ang nangalay kong kamay. Bandang alas nuwebe, si Jaxon na laging handa ay kinuha ang dalang pagkain sa Tesla at iyon ang naging dinner namin.
Hirap pa rin akong intindihin ang lahat ng ito. Kagabi lang ay nagsisigawan kami, ngayon ay parang kalmante ang hangin dahil sa paglabas ng bagyo ng kahapon.
He didn't open up, I didn't even initiate or invite some hint for him to open up about yesterday. Siguro sa pagsara ko ng pinto sa kanya kagabi, ay naging sarado na rin ang usapan.
So what now? Ganon na lang iyon? Nais kong maklaro kung ano ba talaga ang intensyon niya at para magkalinawan kami.
Mamaya pagkatapos ng session. At habang tinatatakan ko muli siya ay nag-iisip na ako ng panimulang sasabihin.
Sumobra ng minuto sa sana'y apat na oras. Tumayo si Jaxon at agad hinarap ang full body mirror. Habang pinagmamasdan ko siyang hinahatulan ang gawa ko ay nag-inat ako't agad naramdaman ang pangangalay ng aking batok at balikat.
Natagpuan ko na naman ang marubdob niyang titig sa salamin. It's so heated I almost turned liquid and spread along the cement floor. Mabilis kong binaba ang aking kamay at pumormal ng tayo.
Tumikihim ako at pumihit, ginawang dahilan ang pagliligpit ng gamit upang maiwasan ang mga mata niya.
Ngayong tapos na ang session ay uuwi na ba siya? Wait, nakalimutan kong magbabayad pa pala.
Tinanggal ko ang gloves pagkatapos saka nagpahid ng alcohol. Kinuha ko ang ointment at hinarap siya na nanatili pa rin sa kanyang kinatatayuan.
"Lagyan mo nito para iwas infection." Pinakita ko sa kanya ang ointment cream na mukhang sa moisturizer ang lalagyan.
Tuluyan na niya akong hinarap sabay angat niya ng kilay.
"Pwede ikaw ang maglagay?" mahina niyang sabi, tila ba hindi sigurado kung dapat ba niyang hilingin iyon. Ngunit wala akong nakikitang pagsisisi mula sa kanya.
Sa lagpas apat na oras ay wala akong nabuo na panimula kung paano siya kukumprontahin tungkol kahapon. Interesado pa ba siya tungkol doon? Or was it just a plain irrational reaction? Pinagsisihan niya ba kaya ayaw na niyang ungkatin pa?
Thinking about those possibilities just weakened the fire of my interest in opening up. Siguro hindi ko na lang din tatanungin. I'll settle for it to be just an unfinished business.
Naglagay ako ng panibagong gloves sa isang kamay at nag-scoop sa daliri ko ng cream upang ipahid sa newly-inked skin ni Jaxon. I felt the surge of pride enveloping me. I like the finish product myself.
"Hindi ko nakitang naglagay si Evan nito noon after you inked him," ani Jaxon.
"Sa counter niya kinuha ang ointment with the aftercare instruction. Kaka-restock ko lang rito kanina so..." I trailed off. He knows the rest.
"Would I get the instruction, too?" parang bata siyang nagtanong. Inosente at walang muwang.
"Of course. Hindi 'to pwedeng basain. One day lang naman," paalala ko habang maingat na kinakalat ang cream sa namumula niyang balat.
"So hindi ako maliligo?" muli niyang tanong.
Tiningala ko na siya kasama ng aking pagkukunot noo. His lips are pursed and amusement painted on his face.
Sa namumula niyang balat buhat ng tattoo, he never really showed a sign of great torture except wincing noong nasa kalahati na ako ng disenyo.
Binalik ko ang pagpahid ng cream.
"You're smart, Jaxon. You don't have to ask me how to do it. Basta ito lang ang parteng 'to ang hindi babasain," strikta kong sabi.
His stomache clenched again nang humantong na sa kanyang V-line ang pagpahid ko. Ewan ko kung nakikiliti siya o may epekto sa kanya ang ginawa ko.
Hmm...mas gusto ko iyong pangalawa.
Pagkatapos lagyan ng ointment ay binalutan ko ng bandage. Kung plastic wrap kasi ay hindi makakahinga ang tattoo na mas magpapaantala sa healing process.
And by honest mistake, minsan nakakalimutan kong lagyan ang ibang customers ko. Wala rin namang bumabalik upang mag-reklamo so it's a great relief.
Tapos na lahat ng kailangang gawin sa tattoo niya kasama na ang pagbibigay ng aftercare instructions at antibacterial ointment. Ngunit hindi pa rin siya umaalis sa harap ko.
Hindi ko tinatagpo ang tingin na hinihintay niyang igawad ko. Wala ako sa matinong kahandaan ngayon upang matagalan ang matitigan ang intensidad o vulnerability sa mga mata niya.
"Vin, nasasaktan ako..." basag ang boses niyang buo ang desperasyon.
Biniyak ang puso ko sa tinig niya kaya tumalikod ako, atat nang makaiwas agad. Being near him a while ago was already too much to handle. Hindi pa man ako nakalayo ay hinila na niya ako at sinandal sa salamin.
"Masakit talaga ang tattoo," agap ko sa nanginginig na boses. Mabilis ang aking hininga sa magkalapit naming mga dibdib.
Kahit hindi ko siya tignan ay nararamdaman ko ang kanyang pag-iling.
"Alam mong hindi iyan ang ibig kong sabihin," marahas niyang bulong.
"Hindi ko alam ang ibig mong sabihin." Halos hindi ko maibuka ang bibig ko sa kaunting distansya ng mga labi namin.
Pinagpapawisan na ang paligid ng aking bibig sa mainit na hininga niyang pinapaypayan ako. Everything that surrounds Jaxon is always filled with heat. Pati maiinit niyang kamay ay kinakagat nang mahigpt ang braso ko. Para akong tuod na hinahayaan siya sa ginagawa.
Tuluyan na niyang binagsak ang kanyang noo sa akin. Napapikit ako, ngunit hindi bago nakita ang sakit na gumuhit sa kanyang mukha. I could feel his lashes ticked my eyelids. He breathe in and out against my lips. Mahigpit kong tinikom ang aking bibig. Hirap akong makakapa ng hangin.
Ngunit dahil sinimulan na niya ay pinatakas ko na sa bibig ko ang tanong na kagabi pa gumambala sa akin.
"Bakit mo siya hiniwalayan, Jaxon?" out of breath kong tanong at mariin.
"Dahil sa'yo, Vin."
Ismid akong umiling. Ito ang matagal ko nang gustong iwasan. Ang maging dahilan ng kasiraan ng iba!
"Kung hindi mo nakitang naging malapit kami ng pinsan mo, hindi mo gagawin iyon, 'di ba?" Ayaw kong malapatan iyon ng pang-aakusa ngunit kusa itong lumabas.
Hinila niya ang sarili upang matignan ako sa namumula niyang mga mata. Puno iyon ng emosyon na hindi ko matukoy. It's in between steel-determination and intense plead. Hinawakan ko ang braso niya nang inangat ang kamay upang ikuwadro sa aking panga at leeg. Nasa baywang ko ang isa niyang kamay.
"I broke up with her three days ago. Hiwalay na kami bago ko man makita kayo ni Denver kagabi. At matagal ko nang gustong gawin iyon, Vin." May pinalidad niyang sabi.
Bumuka ang bibig ko ngunit walang salitang lumabas. Nais kong may sabihin pero wala akong maisip. Kung gaano ka-blanko ang utak ko ay salungat sa dibdib kong binabalot ng sari-sari't emosyon na hindi ko man lang mailarawan.
Maipaparamdam, siguro iyon ay mas posible pa.
Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa mga mata ko, tila hinahanapan ako ng kasagutan. Ngunit ano nga ba ang isasagot sa hindi naman tanong?
Bumaba ang tingin ko nang dinilaan niya ang ibabang labi na nabasa at namula. Kumuyom ang sikmura ko, tila kumikilos na sa pagtakip sa guwang. Nanindig ang aking balahibo nang hinaplos ng hinlalaki niya ang aking pisngi.
Kumunot ang kanyang noo na parang may pumasok na ideyang hindi niya nagugustuhan.
Marahas siyang umiling.
"Kung iniisip mong mali 'to, hindi Davina. Hindi ako naging salawahan sa nararamdaman ko. Dahil habang nasa piling ako ng iba, habang nasa karapatan ako ng iba, hinihiling ko na sana ikaw ang kasama ko. All the love, the feelings, the rights...everything, Vin...I want you to own me in every possible way that you can. And every single time, how I wish she was you..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro