Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY ONE

"Davina!"

Tila mga higanteng kamao ang umaatake na ngayon sa pinto.

Panay singhot na lang ako at tumutunganga. Hinihintay kong lantakan ako ng pag-idlip ngunit hindi dumating. Mukhang may ibang hinihintay ang mga mata ko.

Bawat pagkatok at sambit ni Jaxon sa aking pangalan ay pumapaloob ang aking mga desisiyon. Alam ko kung alin ang mas tamang gawin, salungat sa dinidikta ng kalooban ko. Kailangan kong panaigin kung alin sa tingin ko ang mas tama.

Nabaling ang buong atensyon ko sa lumalakas na yapak galing sa labas. Wala akong binuksang niisang ilaw rito sa loob, nakikihiram lang ako ng liwanag galing sa poste sa tabi ng bahay ni Angelov.

Silweta ni Jaxon sa labas ng bintana ang agarang nagpalisan sa akin sa kama. Yumukyok ako sa gilid upang makapagtago. Kung kasali lang sa Olympics ang pagtatago, may  gold medal na ako.

"Vin..." Nakikita ko sa aking isip ang paghawi niya sa kurtina.

Gawa sa wrought iron railing ang bintana at ang manipis kong kurtina ang tanging pantakip. Walang bubuksan o isasaradong mamahaling salamin.

Umaakyat-baba na ang itaas na bahagi ng aking katawan sa mabibigat kong paghinga. Binakas ng mga mata ko ang maaari kong daanan papuntang cr. Sana doon na lang ako dumiretso.

Mas yumukyok pa ako nang maka-ilang beses niyang hinampas ang railing na bintana. Napapikit ako sa sakit sa kung ano mang tumusok sa aking braso. Tinakpan ko ang bibig kong muntik nang pinatakas ang daing.

"Hindi ako aalis dito, Davina. I won't make a move hanggang sa hindi mo ako pagbubuksan. Kahit kaunting siwang lang ng pinto, Vin..." buong pagsusumamo niya.

Tinakpan ko ang tenga ko, ngunit naririnig pa rin ng aking katawan ang kanyang presensya.

Tumama ang noo ko sa aking cellphone. Tinitigan ko iyon, biglang naisip na itext si Denver, pero kailangan munang umalis ni Jaxon sa tapat ng bintana bago ko ito maisagawa.

Matagal pa akong dumikit sa ganoong posisiyon hanggang sa narinig ang taginting na gawa yata sa pagtama ng metal sa kanyang relo at bintana. Sumilip ako at nakitang wala na ang anino niya.

Pinahid ko ang pawisan kong mga palad sa aking shirt saka tinext na si Denver.

Den:

Kunin mo si Jax. Please. Nasa bahay ko.

Tumayo na ako at agad naramdaman ang daloy ng pamamanhid sa aking paa. Hindi agad ako nakahakbang. Ilang segundo pa ang aking hinintay tsaka ako kumilos at lumabas ng kwarto. Bawat lapat ng paa ko sa de-kahoy na sahig ay tahimik.

Tahimik akong sumilip sa bintana. Kita ko ang nakatuwid na binti ni Jax at sapatos lang ang inabot ng paningin ko sa isa niyang paa. Masasabi kong nakaupo siya't sumasandal ang likod sa pinto.

"Umalis ka na please...bakit mo ba 'to ginagawa..." bulong ko.

Napatalon ako nang bigla siyang tumayo. Agad akong gumapang at nagtago sa likod ng pinto. Ang talas naman ng pandinig niya kung narinig man niya ang pagbulong ko.

"Vin..." Mahina siyang kumatok. "I know you're there.  Kahit konting siwang lang sa pinto, just let me see if you're okay...Iyon lang at aalis na ako." pagod ang kanyang boses.

Umiling ako, kinukumbinse ang sarili na dapat manatili ako sa aking pasya.

Kinakawag niya ang doorknob. Tinitigan ko lang iyon, hinihintay sa maaaring mangyari. Walang kaba sa puso ko dahil alam kong hindi iyan bubukas.

"Hindi ko alam kung bakit bigla ka nalang hindi nagpapakita. But whatever the reason is, Vin, I'm sorry. Sorry if I have wronged you. Sabihin mo kung anong kailangan kong gawin para mapatawad mo ako sa kung ano mang nagawa ko. Kahit hindi ka na magsalita. Just text it or write it. Vin, please..."

The hurt and plead in his cracked voice...inaamo nito ang mga luha kong bumagsak muli sa aking mga mata. Mabilis ko itong pinalis kasabay ng pagtakwil sa panghahapdi ng aking dbdib na hindi naman nangyari.

Bakit ba mas madali ang magtago? Ang umiwas? Ang dali-dali lang magpakaduwag kesa ang maging matapang. Indisputably, because bravery takes a lot of strength. I find myself lacking. But we also have to find the strength to run away and hide, and this is the kind of potency that I'm an adept at mustering.

Dahan-dahan akong dumulas sa pinto at umupo sa sahig. Niyakap ko ang aking mga tuhod, pinapakinggan ang nagsusumigaw na presensya ni Jaxon sa labas.

At heto ako, nagtatanong kung anong ginagawa niya sa kabilang panig ng pinto na tanging naghihiwalay sa amin maliban sa desisiyon ko. Nakaupo rin ba siya katulad ko? Nakatayo o nagmartsa na paalis?

Hindi ko alam kung mas ikakagaan iyon ng loob ko o dodoble ba ang bigat.

Nasa dulo na ng paglamon sa akin ng tulog nang makarinig ng bumubulong-bulong na boses.

"Ano ba!" iritadong Jaxon ang bumasag sa kapayapaan ng gabi kasabay ang padulas na ingay ng mga sapatos.

Gumapang ako sa bintana at lumuhod upang makasilip. Denver stood with arms akimbo, frowning down at his cousin. Mabigat ang paghinga niya, mukhang kakagaling sa kung anong maaksyon na labanan.

"Umuwi ka na," asik niya.

"Ayoko! How do you even know I'm here? She texted you? So nandiyan nga siya?" akusa ni Jaxon.

Inip na kinakamot ni Denver ang buhok habang nagpipigil ng hikab. "Let's just go, Jax. Hinahanap ka ni Gwyneth sa bahay. Bukas mo na kausapin si Davina."

"I've been doing this for days! Kung bukas ko siya kakausapin, that would drag this no- talking terms into a month!"

Nagulat ako sa pagsigaw niya. Humigpit ang kapit ko sa aking choker sa leeg.  I think I've taken this hiding operation way too far. Pinuwersa kong pababain ang guilt na ginagapang ako't handa nang dumumina.

"What is it to you, Jaxon? Why kick up a fuss about Davina giving you a wide berth? You don't need her, anyway. You have a girlfriend! Huwag mo nang ipilit si Davina sa 'yo! In case you haven't taken out your brain from your ass, I'm telling you, you're not making any sense here, Jax."

Dinadama ko ang paglutang ng mga salita ni Denver na bumalot na ngayon kay Jaxon na nagbunga ng kanyang pananahimik.

"Go home. Your girlfriend's worried that you didn't answer her calls," dagdag pa niya.

Napakagat ako sa aking labi. Ini-imagine ko si Gwyneth sa bahay nila, alalang-alala. Habang nandito ang boyfriend niya't hinihintay akong magpakita. Ang tanging lumusob sa isip ko ay ang tanong na 'Bakit?'.

Ilang tibok ng puso ang dumaan bago nagawang tumayo ni Jaxon. Parang nabibigatan pa siya sa kanyang katawan sa bagal niyang kumilos. 

Tumalikod na si Denver at naunang maglakad. Tamad na sumunod si Jaxon na panay pa ang lingon dito sa bahay, inaasahang bigla akong lalabas. Hinatid sila ng mga mata ko hanggang sa sila'y makaalis.

Hindi na siya bumalik kinabukasan. Nagtatalo ang bigat at gaan ng aking kalooban nang lumipas ang buong araw na hindi ko siya nakikita o marinig man lang ang boses niya.

I have to feel the lightweight, dahil ito naman talaga ang pinakahihintay kong mangyari. Hindi ko ginusto, ngunit ito ang dapat.

"You said you'll meet us that week! Dalawang linggo na ang lumipas, a?" maarteng maktol ni Tori sa kabilang linya.

Naka-loudspeaker ang aking cellphone habang kausap siya. Kakalabas pa lang ng pangatlong customer ko ngayong araw. Unti-unti na rin akong nasasanay na walang laman  na Jaxon ang mga araw ko. Well it's just the superficial dahil laman pa rin siya ng utak ko.

"Busy lang..."

Kung busy ba ang pagtatago, e 'di ang busy ko nga!

Tila nag-leak na fire hydrant ang tunog ng buntong hininga ni Tori.

"How 'bout we go to this party mamaya?  It's a  Saturday. Fun machine!" Humagikhik siya.  Bored na siguro 'to sa bahay nila.

"Hindi ako sure..."  Wala sa sarili kong sabi habang inaalis ang ink sa mga karayom.

"Why oh why? Come on, Vin! I missed our college parties! Hihintayin pa ba nating uugod-ugod na tayo saka tayo magdisco? Duh? I don't want to dance with my cains and walkers! Sige na! Pang-move on mo na rin kay Mr. Bedroom eyes!"

Napahinto ako sa ginagawa. Binalingan ko ang cellphone na parang ito ang may bungangang nagsasalita. "Bedroom eyes?"

"Yeah! Duh? The hottie! Iyong Jaxon mo!"

Sandali akong tumunganga at parang baliw na ngumiti.

Regardless of my anxieties held responsible by the brain, one of the things I love about the organ is its ability to retain memories. The good and the bad. Saulong-saulo ko pa ang mga mata niyang kaya akong palambutin sa isang pagtitig lamang, kahit intense pa o namumungay ang kanyang mga mata.

It burrows down to my soul. Triggers the rise of my hackles. Cripples my bones. Melts my tar black heart.

"Dabeng?"

Ginising ako ng boses ni Tori. Muntik ko nang makaligtaang kausap ko pa pala siya. The power of Jaxon's soft browns. Nakakalimot!

Pinatakas ko ang mabigat na hangin saka binalik na ang mga ink at tattoo gun sa tattoo kit ko.

"Text kita kung pupunta ako, okay? Dalawa lang kasi kami ni Charlie dito. Wala na naman si Angelov."

"Where? In his weed conquests?" Nakikita ko ang pagpapaikot niya sa kanyang mga mata.

Tumawa ako saka nagpaalam na. Sinara ko ang kit saka at nagtungo sa counter. Ubos na ang alcohol ko kaya binuksan ko ang isang drawer doon at kinuha ang bagong bili na sanitizer.

Ramdam ko ang pagod nang umupo. Tumingala ko at pinatong ang pinagkrus kong mga paa sa countertop. Sunod sunod ang dating ng mga appointments kaya hindi ko nagawang makapagpahinga kanina. Kung meron mang break, siguro mga five minutes lang.

Hinihilod ko ang kamay na pinanghahawak ko sa tattoo gun. Kailangan din nito ng pahinga dahil masyadong napupuwersa. Ikinabahala ko na hindi muna ako makakapagguhit ng ilang araw. I need to draw to de-stress.

Umayos ako ng upo nang biglang bumukas ang pinto. Nasilaw ako sa liwanag ng hapon mula sa labas. Nang mag-sara ay doon ko pa naging malinaw kung sino ang pumasok.

Umaktibo ang kaba ko at nangangati ang mga paa kong tumakbo.

"Don't worry, I'm alone," aniya sa mahigpit na tono.

Naka-ballerina bun ang kanyang buhok na tinernohan ng pearl headband. Para siyang lumulutang sa maikling pink mermaid lace dress. Tumakas ang bangs niya sa gilid ng maganda niyang mukha. Pininturahan ng light pink matte ang mapintog niyang labi.

Iyon lang at wala na siyang ibang kolorete sa mukha. She's glowing. Mukhang kakababa lang niya sa langit at nag-abala pa talaga siyang pumarito upang ano? I'm not that important to be visited by an agent from heaven.

Ngunit iba ang tinging tinatapon niya sa akin. Malayo sa nakikita kong Gwyneth tuwing ningingitian ko noong mga naunang engkwentro namin. Malamig at mapang-usisa siya ngayon.

I don't need to ask why.

"Can we talk?" medyo garbosa ang boses niya. Where's the soft-speaking one I'm accustomed to?

Tumagilid ang ulo ko. "Tungkol saan?"

Jaxon, of course. Wala namang ibang nag-uugnay sa aming dalawa.

Taas kilay niyang sinuyod ang mga mata sa loob ng tattoo parlor. A light twitch of grimace passed on her face.

"Not here..." ngiwi niya.

Nairita ako sa natunghayan. Her facial expression is an insult. But I won't judge further on her character. Hindi ko muna babasehin doon ang totoong ugali niya. Initial reactions are not to be judged.

Nagpaalam muna ako kay Charlie bago sumunod kay Gwyneth sa kotse. Baliw na nga siguro ako kung inisip kong ginagamit ni Jaxon ang girlfriend niya para magkausap na kami.

Hindi ko alam kung magagawa iyon ni Jax, pero malay natin,  marami namang mga posibilidad sa mundo.

Sa nakikita kong inasta ni Gwyneth, I don't think dadalhin niya ako kay Jaxon. Dadalhin niya lang ako sa usapan tunkol sa kanya.

Sa isang kilalang coffee shop kami humantong. Pwede naman kasing sa bakery lang, may malapit naman doon sa subdivision. Dapat dito talaga sa mamahalin? Mga sosyal nga naman, o.

"What's your order?" pagod ang pagkakatanong niya, na para bang ilang taon na kaming nag-uusap at sobrang bored na siya.

Tinanaw ko ang menu list sa may counter. Abot isang daan ang mga presyo, pati na roon sa mag nakalista sa chalkboard.

Fifty pesos lang ang dala kong pera. Kahit straw lang nila ay hindi ko yata kayang bilhin. Libreng toothpick, tissue at brochure lang ang makukuha ko rito.

Nilunok ko ang panunuyo ng aking lalamunan kasama na ang panliliit ko sa sarili.

"Tubig na lang."

"Why?" halos matawa siya. "Ako naman ang magbabayad. Unless natikman mo na ang mga kape nila rito. Mahilig manglibre si Jaxon, I'm sure nalibre ka na niya ng mamahaling kape."

Dinaanan ako ng panibagong alon ng iritasyon. Ayaw kong mahantong sa pagkakalunod ito't maging galit. Masugod ko pa siya, ayaw kong makulong. Her family's sort of powerful. Minsan ko nang nabasa sa dyaryo ang pangalan ng ama niya at ibang kasapi ng kanilang angkan.

The way she's looking at me, even without having to say something offensive, she has already downgraded me.

Mabagal kong pinakawalan ang hinigit kong hangin at siniklop ang mga kamay sa mesa. Malayo man ang agwat ng estado namin, kailangan pa ring magkapantay ang aming respeto.

There would seem to be a devoid of logic if one would think that she should acquire more respect than I should just because she' more deep-pocketed. Wala naman sa antas ng buhay ang respeto. We deserve it equally.

"Diretsuhin mo na ako, Gwyneth. Ano ba talaga ang pag-uusapan natin?" Pinanatili kong mahinahon ang aking tono.

May tinawag siyang server o barista at sinabi ang order na kape. Sinunod niya ang nais kong tubig. Nagbalik ang mapagmataas niyang tingin nang matapos.

"Let me lay out my rule," panimula niya. "I don't know you that much so don't call me by my name like we're best friends. Pinapakisamahan lang kita dahil kaibigan ka ng boyfriend ko. Not to mention, a girl. He never had girl friends. He only have me as his closest girl companion." Kumibot sa pagkadisgusto ang kanyang labi at ako'y pinasidahan. "Until you came."

Nanghina ako sa mga sinabi niya. Inalala ko ang mga binibitawan niyang tawa at ngiti noong graduation ni Jaxon. Everything is just a put-on, then.

Kahit kailan ay hindi pa ako nagaganito. All my life, people convey to me their frontal disapproval.  I'm used to it. Hindi iyong...ningingitian ako sa harap at iniikutan ng mata kapag ako'y nakatalikod na.

Well, I guess I wasn't being a good judge of character.   But maybe she isn't this bad. This is just her reaction to this situation. A single negative idiosyncrasy doesn't define the person's whole persona.

"Okay," relaxed kong sabi.

She composed herself. Saglit siyang nagpakawala ng ngiti, parang sinusubukan niya kung gumagana pa ba ang kanyang bibig. Inipit niya ang labi, pinapanatili yata ang epekto ng lipstick niya.

"Is this how you play, Davina?"

"Huh?" Hindi ko tinago ang aking pagtataka.

Sinikop niya ang mga kamay sa ibabaw ng mesa at humilig, sinisiguradong kami lang ang makakarinig sa pag-uusap namin.

Nilebel niya ang maigi at mapang-akusang mga mata sa linya ng aking paningin.

"Nagpapahabol ka. Nagpapahanap. If you want my boyfriend so much, matuto kang pumila. But I doubt your time with him wouldn't take place."

Whoah! Napaatras ako. Malayo ito sa inaasahan kong ipaparatang niya sa akin.

Ako na nga itong lumalayo, ito pa matatanggap ko? Hindi pa ba niya nahahagilap ang pasasalamat? Wow! You're welcome, girl!

"Lumalayo ako sa pila, Gwyneth. Kung may pinagdadaanan kayo ni Jaxon, huwag ako ang kumprontahin mo dahil wala akong ginagawa. Hindi ko naman siya pinilit na hanapin ako. Kung ano mang problema niyo, labas na ako diyan."

Tangina. Anong ba 'tong  iniisip niya? Nagpapahabol? Ako? Hindi nangalahati sa langit ang ambisyon kong hahabulin ako ni Jaxon!

Walang pinagbago kahit isang kalabit ang kanyang ekspresyon. Puno pa rin ng pang-aakusa. Determinado man ang pinta ng mukha ko, hindi niya iyon pinapaniwalaan.

"I want you out of his life. I want you to stop being his friend." Utos iyon. Matapang na Gwyneth ang kaharap ko ngayon.

Tinumbasan ko ang kanyang tapang. Kaya ko siyang harapin nang ganito dahil alam kong wala akong ginagawang masama. Wala akong ginawa na ikakasira ng relasyon nila. Ako na ang umiiwas.

I had my fair share of transgressions but never one of them was to interfere a relationship. Naging third wheel lang ako, hindi third party!

"Iyan na mismo ang ginagawa ko, Gwyneth. Boyfriend mo pagsabihan mo, huwag ako," matigas kong sabi.

Tatayo na sana ako nang pinigilan ako ng mga salita niya.

"Wala siyang sinasabi sa akin but I know it's all about you, Davina. He missed a lot of our dates. He even forgot my birthday last week. Ano ka ba sa kanya? You're just a rubbish- looking friend, and you're not even above his type. Him being a worrywart when it comes to you bothers me."

She's not just bothered. Kitang-kita ko na ang galit niya. Ang mabilis niyang paghinga at pamumula ng mukha na parang pinapatay na niya ako sa kanyang isipan ay isang ebidensiya. Namumuo na ang kanyang luha.

Hindi ako nakaramdam ng awa. I don't know. Naiintindihan ko siya, pero hindi ako naaawa. Siguro dahil sa mas pinapakita niya ang galit imbes na ang pagsusumamo. But then, what is there to beg for?

Sinuyod ko ang paningin sa paligid, so far wala pang nakakapansin sa tahimik naming patutsadahan.

Nagawa kong paamuin ang inis ko.

"Siya ang kausapin mo tungkol diyan." Dahil ako, hindi ko na rin  maintindihan.

Tumayo na ako at tuluyang umalis. Hindi na ako nag-abalang magbigay ng pera, siya naman daw ang magbabayad, at tubig lang naman ang order ko. Barya lang iyan sa kanya.

Naiintindihan ko siya dahil bilang babae, magdududa rin ako. Ganito siya dahil sa boyfriend niya. Okay, hindi nasusukat ang karakter ng tao base sa pinapakita niyang negatibong reaksyon. Galit siya. We're all capable of being angry. May hangganan ang kabaitan ng tao.

Indeed, the dead end of her kindness is her jealousy.

Pumagilid ako sa sidewalk upang maghintay ng jeep. Hindi na ako lumingon pabalik sa coffee shop. Mag-isa siyang magkape roon! Pinaplastik lang naman pala niya ako.

Binunot ko ang aking cellphone sa bulsa at inatake ng aking daliri ang numero ni Tori. Mistulang hinintay niya ang aking tawag dahil sa pangalawang ring pa lang ay sumagot na siya.

"Toreng, I'm in. Saan tayo mamaya?" sabi ko na maligaya niyang ikinatili.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro