Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY NINE

"We can't go with you nga kasi pupunta kaming Dalaguete..."

Lumalabi si Tori nang tinignan ako. Kapwa kami nakalatag sa kama at sumadsad sa sahig ang mga paa. Kanina ko pa siya kinukumbinse na samahan ako sa Music Festival. Timing ang pagpunta niya rito sa bahay dala ang ilang mamahalin niyang mga damit.

"Sige na, Astoria Mae..." Bumaba ako at lumuhod sa gilid ng kama. Pinagsiklop ang aking mga kamay, nagmamakaawa. "Ako magbabayad sa ticket niyo," agap ko bilang pang-udyok.

Bahagya siyang umangat at tinukod ang siko sa kama. Namamangha ang mukha niya.

"Ang yaman, a? But no. Naka-sched na kami ng araw na iyan with Nolan's family."

Hindi ko pinigilan ang gumuhit na kabiguan sa mukha ko, kung sakali mang makita niya ito at pagbigyan ang gusto ko. At anong meron ngayong Sabado't puro pamilya ang mga kasama nila? Si Jaxon din ay hindi ako masamahan dahil may salo-salo sa death anniversay ng kanyang lolo.

"How about Charlie and Angelov?" suhestiyon ni Tori.

Umiling ako bilang kabuuran sa aking tugon. Hindi mahilig sa mga ganoong bagay si Charlie, he prefers a small set of company. Si Angelov naman ay sigurado akong may sariling pagkakaabalahan.

Ayaw ko naman kasing pumunta roon mag-isa. Mas marami, mas masaya! But the thought of going alone drowned the excitement I thought would last long. Kung mapipilit ko lang talaga si Jaxon.

I don't want to deprive him from being with his family. Kahit hindi ko naranasan ang pamilya sa buhay ko, alam ko kung gaano ito ka-importante. A close-family tie is one of the things I want to undergo and I don't want Jaxon to miss those kinds of moments.

Wala sa sarili kong kinuha ang pumaibabaw na lace top sa dagat ng mga damit sa kama. "Bakit ka nga nagdala ng mga damit mo rito?"

Hinila ni Tori ang sarili patayo at isang beses sinuklay ang kulot niyang buhok. Antok niyang tinignan ang damit na hawak ko. Ano na naman kaya ang ginawa nito kagabi at mukhang puyat?

"I'm giving them to you. Hindi na kasi kasya, tignan mo naman ako," lumalabi niyang pinisil ang bilbil sa tiyan, "pinapataba ako ni Nolan."

" Eh 'di mag-exercise kayo." May tinago akong ibang kahulugan sa likod ng aking panunukso.

Tumawa siya. "Mas marami ang pinapakain niya sa akin kesa sa nababawas kong calories."

Hinubad ko ang aking shirt sabay tayo. Sinuot ko ang lace top sa harap ng salamin. Itim ito at kung titignang mabuti, isa na itong bustier dahil humahapit siya sa aking baywang at heartshaped ang neckline.

Kung pagbabasehan sa sukat ng top sa armpit, talaga ngang hindi ito magkakasya kay Tori. I saw her wear this one time noong freshmen year.

"Iyan bagay sa 'yo. Naku! Kung maibabalik ko lang talaga ang alindog ko..." Bumuntong hininga siya, inaalala ang kanyang kapayatan.

Tinignan ko siya sa salamin habang inaadjust ang strap ng top sa balikat.

"Sexy ka pa rin naman, Toreng." Ayon pa kay Denver, voluptuous.

Para sa akin asset niya ang kanyang balakang na pinapaliit tignan ang kanyang baywang. The kind of beauty and curvy body in the 50's. Tori has a vintage kind of beauty. Iyong tipong ihahanay sa ganda nila Marilyn Monroe o kung sino pang mga sex symbols noong dekada singkwenta.

"But not as slender as you anymore. Kung ikaw twenty five ang waistline, ako twenty eight! Pang-plus size na ako kumpara sa Victoria Secret model na alindog mo!"

"Plus size?" Tumawa ako. "OA na iyan Tori, ha?"

Dinala niya ang simangot sa aking tabi. Aliw ko siyang pinagmamasdan na inangat ang kanyang blouse upang ipakita ang baywang niya. Kahit hindi siya magsalita, nakaukit sa mukha niya ang pagre-reklamo.

"Pero proud naman ako sa boobs ko. My twin babies defy gravity and could even align the planets." Hinawakan niya ang dibdib at inalog pa habang malawak akong ningingisihan.

Bumunghalit ako ng tawa kaya hirap akong hubarin ang top upang sana'y sumukat pa ng iba. Sanay man sa bunganga ng kaibigan ay hindi ko pa rin mapigilang magulat sa pinapatakas niyang mga salita.

Maraming dinala si Tori; Midriff tops, highwaist shorts, off-shoulders at kung anu-ano pa na may tatak ng kilalang brand. Nahihiya akong isuot dahil imported, pero dahil sanay na nga ako ay tinatanggap ko. Matampuhin pa naman 'to.

"Anyway...about you and Jaxon, has he seen you without..." Pinaikot niya ang daliri sa kanyang mukha.

Gets ko ang ibig niyang sabihin. Tumango ako.

Nanlaki ang mga mata niyang suminghap sabay tulak sa akin.

"Unfair! Ako hindi ko pa nakita and I'm your bestfriend! Ikaw ha? Porke't may boyfriend ka na..."

Ikinatawa ko ang kunwaring pagtatampo niya. Hindi ko rin naman inaasahan na magagawa ko iyon. Kung walang inamin si Jaxon, marahil si Tori ang mas unang makakita sa aking walang kolorete.

Binuksan ko ang cabinet at kumuha ng face towel bago ako pumasok sa banyo. Naghilamos ako, kinukuskos lahat ng bahid ng kemikal.

Pagkatapos kong magpakita kay Jaxon na walang kolorete sa mukha, nais ko ring pakitaan si Tori ngunit hindi ko alam kung paano. But today is serving me all sets of good timings.

"But I'm happy for you, Vin." Si Tori na siguradong nakaabang sa gilid ng pinto nitong banyo. "Kita ko naman kung gaano ka kasaya ngayon. Dati kasi mukha kang bugnutin. You're so emo."

Kumalampag ang tawa ko sa bawat sulok ng cr. Ngayon ko lang din napagtanto pagkatapos niyang sabihin. Sumasakit na ang panga ko sa kakatawa araw-araw kumpara noong mga nakaraan.

Dinampian ko ng face towel ang basa kong mukha at lumabas na. Halukiphip na umikot si Tori na patagilid sumandal sa pader.

Pinigilan kong matawa sa laki ng pagnganga niya. Tanggap ko nang everything about her is exaggerated. From facial expressions, gestures to her exclamations.

"Secret lang natin 'to Vin, ha? Lalake talaga ako rati, at babalik na naman ako sa pagka-lalake. Because damn it, bitch! Bakit mo tinatago ang ganda mo na iyan! And Jaxon is the only one who was able to see you through beneath!"

I'm not good in taking compliments kaya hindi ko alam kung ano ang ire-react. Ningitian ko na lang siya at umikot sa salamin upang tignan ang sarili. Tinabihan ako ni Tori na hindi kinakalas ang manghang pagtingin sa aking mukha.

"Ang lalim ng mga mata mo, doe-eyed and...may double lid ka." Tinuro niya ang aking takipmata. "Kaya pala ang galing lagi ng eyeliner mo. Kilay is goals! Equal ang taba ng lips. Close to heart-shaped! Nakaka-tibo ka, Davina!"

"Manahimik ka Astoria, ha?" awat ko sa kanya, hindi sanay sa papuri. "Sama ka na sa festival. Ako magbabayad ng ticket niyo, please..." balik ko sa aking agenda.

Tsineck ko muna talaga ang ATM account ko bago ko binalak bumili ng ticket. Itong pagpunta sa festival ang tanging pagagastusan ko na ayon sa pansariling luho. This is like the only gift to myself besides my tattoos.

Pinaikot ni Tori ang mata sabay ismid. "Hindi nga—"

"Please..."

Sandali siyang pumikit, inaasahan kong kinokonsidera na niya. Pinilig niya ang ulo saka dumilat at bumuntong hininga.

"In one condition." May warning na pumaligid sa kanyang tono.

Inignora ko iyon at umaasa siyang hinarap.

"Anything! Ano iyon?" Humawak ako sa nagkrus niyang mga braso.

"Answer me in all honest-to-God truth." Tumango ako. Kumitid ang mapanuri niyang mga mata. "May nangyari na ba sa inyo ni Jax?"

Tinanggalan yata ako ng bibig upang mapawi rin ang aking ngiti. Natilihan ako sa kinatatayuan, hindi alam kung paano sagutin ang tanong ni Tori.

But I don't have to. Sa unti-unting paglaglag ng panga niya'y isang kasagutan na ang nakikitang reaksyon ko lalo na sa sumasabog na init sa aking pisngi nang maalala ang gabing iyon. It only happened one time! But Jaxon surprised me by his being intimate thereafter.

Tumubo ulit ang kwitis sa lalamunan ni Tori. Umikot siya habang nagpatalon-talon. It's like the news was worth for a celebration! Hindi ako magtataka kung tatawag siya ng caterer at magpakain sa buong subdivision.

"Dalaga na si Davina!" Hinarap niya ako at mala-Joker ang ngisi. "I'm so proud of you, darling. I'm sure pagkatapos kang makita ni Jaxon na walang make-up ay doon ka na niya pinasok noh?"

Suminghap ako kasabay ang pagragasa lahat ng dugo sa buong mukha ko!

"Tori! Shut up, please!" Tinakpan ko ang ebidensya ng aking kahihiyan.

"Naku! Kaya naman pala." Inikutan niya ako at patuloy ang patuya niyang mga salita at ekspresyon. "Hindi napigilan ang mangha sa tunay mong kagandahan kaya nag-stand erect agad siya!"

"Tama na, Tori..." Naiiyak na ako't pumapadyak-padyak. Hindi ko rin matukoy kung alin ang dahilan ng panginginit ng mukha ko. Alin lang sa dalawa; sa alaalang iyon, o dahil sa kahihiyan.

"It feels like our first night together..."

Humalo na ang aking tawa nang kumanta siya sa sintunadong boses. May mga bagay na dapat gawing pribado at isa na ang usapang ito. Ngunit kay Tori, tila ba parte ang topic ng isang kaswal na usapan habang nagka-kape. This talk is meant to be in private!

Pero kailan pa ba naging pribado si Tori? As I've said, she's wearing exaggeration like a second skin, and that includes unveiling things you mean to keep confidential.

Umupo ako sa kama nang makalma. Imbes na tugunan ang pang-aasar sa mukha niya ay bumalik ako sa aking sadya.

"Sama ka na sa akin sa Music festival..." muli kong pamimilit.

Buntong hininga siyang tumabi sa akin. I expect for another rejection at patuloy ko rin naman siyang pipilitin. Hindi ako titigil hanggang hindi sila sumama!

Sandali siyang tumunghay, nag-iisip habang lumalabi. Bumaba ang tingin ko sa bago niyang nail-art sa kamay na may mga pink hearts. Sa paa naman ay plain lang na Caribbean blue nail color.

"Ask ko si Nolan..." Dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang denim skirt.

Aniya pa kanina, tulog pa si Nolan nang magpapasama sana kaya siya na lang ang nagmaneho papunta rito.

"Papayag iyon, ikaw pa. Alipin iyong tunay sa 'yo," sabi ko, pinagmamasdan ang pagtitipa niya. Tumunog ang bawat pindot ng letra sa touch screen niyang Samsung cellphone.

"I know. That's why I'm always on top 'cause I am the alpha." Inipit niya ang bibig at nanginig ang balikat.

"Hindi ka ba talaga titigil?" Nagdikit na ang mga ngipin ko habang nagsasalita. Sa huli ay sumuko siya sa paghagalpak.

Ilang sandali lang ay tumunog ang kanyang cellphone. Dumikit ako sa kanyang tabi at sabay naming binasa ang 'Okay' reply ni Nolan.

"Pumayag siya. Cancel na kami sa Dalaguete and it's all because of you!" biro niyang bulalas.

"Yes!"

"Pero hindi pa rin ako maka-get over, Dabeng. Mas matatagalan ang pag-move on ko sa nalamang may nangyari sa inyo ni Jaxon kesa noong nag-break kami ni Nolan noong second year college."

Nagtawanan kami. Tinapunan ko siya ng kakahubad ko lang na crop top at pinulot ang isang midriff sa kama at sinukat. Binagsak niya ang sarili sa kalambutan dala ang malutong niyang tawa.

Dumating ang araw ng Sabado at sa Hi-Lux pa lang ni Nolan, nag-iingay na kami ni Tori. Panay ang sita niya sa nobya na ikabit ang seatbelt nito. Walang narinig si Tori dahil ang lakas ng boses niyang sumasabay sa stereo kaya si Nolan na lang ang nagkabit.

"Ba't wala boyfriend mo, Vin? Naks. Boyfriend," pang-aasar niya, ngising-aso na dinilaaan ang ngipin.

"Death anniversary ng lolo niya," ani ko.

Panay ang text ni Jaxon kanina bago ako sinundo nila Tori. Halos kada minuto yata siya naga-update sa mga ginagawa niya; Kumakain na kami, kausap ko si Denver, nag-misa na si Father, pauwi na kami galing Memorial Park at kung anu-ano pang updates. Hindi ko alam ang isasagot ko maliban sa 'Okay'.

Tinanong ko siya kung ano ang Gospel ngayon since iyon lang yata ang hindi niya pinahayag sa text.

Hindi siya nag-reply.

Muling tumunog ang aking cellphone. Inasahan ko ang reply ni Jax ngunit iba ang text niya.

Jax:

Bring your own bottled water.

Ipinagkibit balikat ko ito. Tinext niya sa akin ito kanina kaya ngayon ay nagdala ako ng sariling tubig.

Naghanap ng parking space si Nolan. Medyo nahirapan dahil halos puno na sa dami ng tao. Mula rito ay naririnig namin ang unang performer. Open space field area ang venue kaya hindi maipagkakaila ang nakakabinging tilian ng mga concert goers.

"Wala pa ba, babe? Nagsisimula na..." Hindi na mapakali si Tori sa kanyang upuan. Tanggal na ang seatbelt niya.

"Wait..." Gumagawa ng tunog sa dila si Nolan nang may umatras na sasakyan sa isang parking space sa dulo. "Here we go..." Dali siyang nagmaniobra at mabilis inunahan ang isang silver Altis. Humalakhak siya sa pagbubunyi.

Patakbo naming sinulong ang entrance pagkababa. Hinihila namin ni Tori si Nolan na nagmadaling pinatunog ang alarm ng sasakyan upang i-lock. Pinagtitinginan kami ng ilang mga taong boring lang na naglalakad.

"Calm down ladies! Nandito na tayo," natatawang sita ni Nolan. Inignora namin siya at pinagpatuloy ang aming mga tawa at takbo, hindi maitago ang excitement.

Kami, at may ilan ding tumitiling tinakbo ang entrance nang marinig ang boses ng paborito nilang banda. Looks like some highschool students.

Pagkatapos ipakita ang ticket ay pumasok na kami at sumiksik sa mga nagtatalunang mga tao sa rock na tugtugin. The venue was jampacked! Kung lalapit pa kami sa stage ay baka mas maiipit kami kaya nanatili kami rito sa likod malapit sa nagtitinda ng mga drinks.

Kumunot ang noo ko sa magkaibigang totoy na nasa harap na namumula ang mga mukha. Nang tumama ang ilaw sa dako namin ay sininagan rin paligid dahilan upang makita ko ang nagkalat nang mga bote. May ilan rin akong nakikitang nakainom na.

If that's how they like to have fun ay hahayaan ko na. Tinaas ko na lang ang mga kamay ko na sinunod ni Tori. We banged our heads up and down. Nasa likod si Nolan at hawak ang baywang ng nobya.

"Ayaw mo roon sa harap, Vin? Punta tayo!" Nakipagkompetenesiya ang sigaw ni Tori sa lakas ng beat. Inalis niya sa kanyang dila ang dumikit na confetti.

"Mamaya na. Fourth band!" ani ko. My favorite band's fourth to perform kaya okay na umalis kami pagkatapos. But then, the next acts are great ones, too.

Tumango si Tori at tinanggap ang sagot ko. Agad rin kinuha ang atensyon niya ni Nolan na may binulong rito.

Iniwas ko ang aking tingin. Kakainggit ang dalawang 'to. Sana talaga pinilit ko na lang si Jaxon.

"Ay! Sorry," ani ng isang lalakeng nabunggo ako.

Bago pa ako maka-react ay nalamon na siya ng crowd. Nag-iwan siya ng bakas ng amoy ng beer halo sa samyo na hindi ko matukoy. Parang inamag na damo, a familiar scent that stuck to me. Lasing na siguro iyon, or probably high.

"Whoahoo!"

Dumidikit na ang maluwang kong sleeveless top sa pawisan kong katawan. Kahit pagpatalon-talon pa ako upang mapaypayan ng hangin ay mainit pa rin dahil sa siksikan ng mga tao. Dagdagan pa ng nag-aapoy nilang mga hininga sa tuwing humihiyaw at tawanan.

"Oh my! Sila pala kumanta niyan?" tanong ni Tori sa nanlalaking mga mata.

Tumalon siya at sinigaw ang lyrics kasama ng iba. Sinabayan na rin din ni Nolan habang nakayakp ang isang braso sa leeg nito at ang isa'y sa baywang.

Napangiti ako na nanghihinayang. Kung narito lang si Jaxon ay marahil ganyan din kami tulad nila Nolan.

Ilang sandali pa ang nakalipas at nagpatuloy ang kasiyahan. Panay ang inom ko ng tubig dahil sa uhaw at bahagyang pagod. Tumila muna ako sa pagtalon at nakiisa sa banayad na parte ng crowd. I'll save my energy for my favorite band. But first, I need an energizer.

Iinom na sana ako sa dalang tubig ngunit wala na akong maramdamang patak mula rito. Nilingon ko sina Tori at Nolan na halos maglampungan na sa dilim.

"Bili ako drinks!" nangingiti kong sigaw sa gitna ng ingay.

Nagtinginan pa sila, tahimik na pinag-uusapan kung sasama o hindi. Nang humakbang na ako ay bumuntot naman sila sa aking likod. Pinuntahan ko ang unang nahagip na stall ng mga inumin.

Habang naghihintay, saglit akong sumulyap sa 'di kalayuan, curious sa tunog ng ambulansya na dumaplis sa mabangis na tugtugan at hiyawan. Dahil sa ilang matatangkad na tao, hindi ko matukoy ang nangyayari, pwede rin namang walang incident at nandiyan lang in case of emergency binalik ko na lang ang tingin sa drinks naming nakalahad na pala. Nag-abot ako ng bayad..

Inabutan ko si Tori ng inumin na nasa cup. Agad niya iyong tinungga. Umiling si Nolan nang siya naman ang nilaharan ko.

"Babe! Try it! Masarap. Kaso medyo mapait," masiglang alok ni Tori sa nobyo.

"I can't drink alcohol tonight. Magda-drive pa ako," aniya saka hinalikan ang kaibigan ko sa sentido.

Masyadong naengganyo si Tori sa inumin kaya siya ang uminom nang kay Nolan.

Naging mabilis ang mga pangyayari. Maybe because time flies so fast when you're having fun. At hindi ko alam kung saan galing ang pinaghalong hilo at kagalakan habang nakiisa ulit kami sa wild crowd. The blinding lights, the defeaning screams, the heat of the bliss that I sweat in my skin is just so gratifying. I couldn't remember a time when I felt this kind of euphoria.

Nakailang balik ako sa stall ng drinks. Cup after cup and then going for another one. I'm boredered to being inebriated at dahil doon, hindi ko na namamalayan kung ano ang pinaggagawa ko. No, that's the wrong way of putting it. I'm still stuck with my cognizance, it's just that I'm out of control and I can't stop it. I'm not thinking straight!

Having a desire to have fun plus alcohol is equals to wildness and madness.

May mga nakakausap akong hindi kakilala, some are foreigners, they're handing me something na ipinagkibit-balikat ko na lang. Tuwing nagsasalita, ramdam ko ang madulas na ikot ng aking dila. I'm slurring, I guess.

"Ano iyan?"

Lumipad ang kamay ko sa parte ng brasong binunggo ni Tori. Hinawakan niya ang nakasarado kong kamay at binuksan.

"Ewan. Sa 'yo na lang." Hinulog ko ang tatlong tablets sa nakatihaya na niyang palad.

Kumitid ang mga mata niyang sinuri ang mga ito. Sa naghalong neon lights, hindi ko matukoy kung ano ang kulay. I see pink, green and blue.

Tinanaw ko si Nolan sa may likod na may kausap na kakilala at hawak ang isang nangangalahating mineral water. Kami lang yata ni Tori ang pasaway ngayon. Mas matino pa ang lalake kesa sa aming dalawa. Natawa ako sa naisip.

"Pampapayat ba 'to?" inosenteng tanong ni Tori.

Nagtawanan kami. Sinubo niya ang isa at sinegundahan ng panibagong cup ng inumin na binili ko.

Nang pasigaw na inanunsyo ang pang-apat na performer ay sinabayan din namin ang emcee. Hindi ko na marinig ang sarili kong boses nang makiisa na kami sa mga tao. Pinagpapawisan ako ng excitement! Sinimulan agad nila sa upbeat na kanta.

Nabigla ako nang umupo si Nolan sa harap ko. Hinila ako ni Tori upang maupo sa balikat ng nobyo niya. Tumili ako nang tumayo si Nolan at nakita ko hindi lang ang buong stage kung 'di ang dagat ng mga tao mismo!

"Whooo!" Halo ang aking tawa at sigaw.

Si Tori sa baba at harap ni Nolan ay tumatalon na. Inabutan niya ako ng bottled water. Imbes na inumin ay winasiwas ko ito na parang binibendisyunan ko ang crowd. Naghiyawan ang ilan sa ginawa ko.

May ilan ring tumulad ko ng posisyon. I wanna crowd surf but I guess that's too much to ask.

Kinilig ako nang tinuro ako ng singer habang inaawit ang favorite line ko sa kanta. Nag-heart sign ako sa kanya. Sorry Jax, pero loyal pa rin naman ako sa 'yo.

"Oh my God!" Tumili si Tori na marahil nakita rin ang nangyari. "Did he just point at you?" Hinampas niya ang paa ko. "Biitch!"

Nagkibit balikat ako at umiling habang sinasabayan ang kanta. Sa gigil ni Tori ay pinisil niya ang balat ko na ikinatili ko lalo.

When was the last time I felt this kind of adrenaline? In concert experiences like these, you don't want to think about anything else but the bliss of this present moment.

Sa sobrang pagka-high pakiramdam mo made-depress ka sa oras na matapos na lahat at babalik-balikan mo nalang ang dinanas mong thrill katulad nito. I don't want to think about being sad when this ends.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone sa bag. Siguro si Jaxon, nakikibalita o naga-update na naman siya. Mamaya ko na tignan dahil hirap ako sa pagdukot sa bag ko.

Sa pangatlong kanta ay doon na ako binaba ni Nolan. Dumaing siya't hinilot ang sariling batok at balikat.

"Thanks!" Tinapik ko siya sa likod. Tumango siya at nag-thumbs up.

The next thing that happned were unexpected. Alisto akong tinakasan ng epekto ng alak upon seeing Tori dancing in wild abandon. Halos magwala na siya at may naagrabyado nang iba sa may pagwawala niyang kinikilos.

Agad rumisponde si Nolan upang pigilan ang nobya ngunit humilig lamang ito sa kanya at humalakhak. Alam kong nakainom ako at namumungay na rin ang mga mata ngunit hindi kasing pungay nang kay Tori. Her eyes are bloodshot.

Kinunutan ako ng noo ni Nolan habang yakap ang nobya mula sa likod upang awatin. Tila ba pinaratanagan ako sa kung ano.

Pinunasan ko ang pawis sa mukha ko sa dulo ng crop top na tila ba iyon din ang paglabas ng kalasingan mula sa aking katawan. Wala na akong kaalaman kung gaano na kami katagal.

Patuloy pa rin ang peak ng kasiyahan lalo na ang pagka-high ni Tori. Yeah, that's what I thought. She's high at alam din ni Nolan iyon.

Naramdaman ko ang pag-akbay ng kung sino. Lumingon ako at nakitang si Nolan ito na inaawat pa rin ang malikot na nobya.

Binuga ko ang bigat sa loob sa isang buntong hininga. Bakit nga ba ako umaasang pupunta rito si Jaxon? At imposibleng makita niya kami sa dami ng tao at nasa unahan pa kami nakapwesto.

"Babe?"

Ikinalingon ko ang sambit ni Nolan s aaking kaibigan. Aasarin ko na sana siya ngunit agad ring binawi ang balak nang mapansin ang nahihirapan niyang ekspresyon sapo ang kanyang dibdib at humihingal.

"Hey, okay ka lang?" kaswal kong tanong. Marahil ay hindi kinaya ang siksikan sa crowd. Napagod din marahil sa pagka-high.

Ngunit hindi na bago sa amin ang pagpunta sa mga ganito. Wala nga lang ito kung ikukumpara sa pakikipagsiksikan namin noong Sinulog.

"I can't breath..." Kumapit siya sa balikat ni Nolan at dumoble pa ang pangangapa ng hangin.

Doon na ako kinabahan. Hindi masakitin si Tori. Ngunit ngayon, kung hindi dahil sa mga ilaw ay siguardo akong kita na ang kanyang pamumutla. Inabot ko ang kamay niya at naramdaman ang lamig laban sa mainit kong balat.

Humalili ang aking pag-aalala. Nagkatinginan kami ni Nolan, hindi ko alam kung saan galing ang takot ko nang makita ang kanyang anyo. Halo ang paninisi at takot sa nagbabadyang masama na pangyayari.

"Na-suffocate lang siguro..." Wala akong nahimigan nk katiyakan sa aking sinabi. Hindi naman ako doctor upang siguraduhin ito. "Lumabas na tayo—"

Naputol ang aking salita sa alarmang pagbaling ni Nolan sa pag-collpase ni Tori sa dibdib niya. Nagimbal ako kasabay ang pagbagsak ng cup at kumalat ang hindi naubos na inumin sa lupa.

Atrasan ang ilang nakapalibot sa amin at kahit hindi ko sila tignan ay ramdam ko ang mga mata nila sa kaibigan ko.

Sa pinaghalong taranta at pagkabigla ay may paligsahan sa isip ko sa kung alin ang dapat unang gawin. Ialis siya rito, gisingin siya, paypayan...

"Tori, babe...." Marahan siyang inaalog ni Nolan. Sa nanginginig niyang boses ay hindi maipagkakaila ang nag-uumapaw na takot. Binahagian niya ako ng pakiramdam na iyon.

"Hala, ganyan din iyong nangyari sa kabila. Dinala sa ospital." Hindi ko matignan ang nagsasalita na sinundan pa ng ilang bulungan.

Imbes na sa maingay na tugtuging umaatake sa tenga ko, nabingi ako sa dagundong ng aking puso. Nais kong tulungan si Nolan sa pagbuhat kay Tori paalis rito ngunit inalsa na niya ang nobya bago pa ako makagalaw.

Agad nagbigay daan ang mga tao. Ang ilan ay kuryoso at nang-uusisa at kung ano pang mga sinasabi na may nauna na ring taong sinugod sa ospital na katulad niya ng dinanas.

Lutang akong nakasunod. Isa lang ang nasa isip ko at iyon ay ang maaaring mangyari sa kanya. Ngayon pa lang ay sinisisi ko na ang sarili ko. Umaakyat na ang luha sa aking mga mata.

Pinasok siya ni Nolan sa nag-aabang na ambulansya, na para bang alam na nilang may mangyayaring ganito. Sa katabing ambulansya ay may sinilid ring babae na sinundan ng mga umiiyak nang mga kaibigan o kaanak.

"Diyan ka. Susundan ko kayo!" utos ni Nolan saka mabilis tumalikod at tinakbo ang kotse.

Pumasok na ako sa ambulansya at sa paunang tunog pa lang ng sirena, doon na ako labis na inatake ng kaba. I can't believe I'm inside the ambulance. I can't believe my bestfriend is lying unconscious infront of me!

Ayaw ko mang istorbohin si Jaxon ay tinext ko siya. Binalik ko sa bag ang cellphone pagkatapos at wala nang balak tignan pa iyon.

Hinawakan ko ang nanlalamig na kamay ni Tori kasabay ng panlalamig ng kalamnan ko, mga binti at pati na ang aking pawis. Inaasahan kong magigising siya sa pagkakahawak ngunit nanatili siyang nakapikit.

Nanlumo akong makita ang pamumutla ng kanyang mga labi na dati'y natural na mapupula kahit walang lipstick. Hindi ito normal na putla lang. Kahit mukha niya'y halos wala nang kakulay-kulay.

Parang kay bagal ng oras papuntang ospital sa sandaling ito. Ayaw kong mag-isip ng kahit ano maliban sa magiging maayos ang kaibigan. Ngunit wala akong mahukay na dahilan upang magpanatili sa akin sa paniniwalang iyon.

"May ganito ring kaso kanina. Hindi na umabot ng buhay."

Hindi sinalubong ng lalakeng nurse sa tapat ko ang talim ng aking tingin sa kanya. Gusto ko siyang sipain sa sinabi niya.

Dapat pinapalakas niya ang loob ko, hindi iyong pinipigsa pa lalo sa pagpapahiwatig na hindi makakaabot ng buhay ang aking kaibigan!

Ilang beses na akong nakapasok sa ospital ngunit ngayon lang ako takot manatili ng matagal. Nais ko nang umuwi at itulog ang bangungot na ito, at bukas gigising ako sa ibubungad na text ni Tori.

But I'm stuck here waiting for either the good or the bad. Wala akong masungkit na positibo, dahil sa natunghayan ko pa lang kanina, sinakop na ng bangungot ang utak at emosyon ko. Nakalimutan ko na ngang nagsaya kami kanina. Tinakluban na ang alaala na iyon ng dilim.

Narito na ang mga magulang ni Tori na kinontak ni Nolan kanina habang nagmamaneho papunta rito.

Wala akong tapang na tagpuin ang kanilang mga mata. Hindi lang takot ang kumakapit sa akin kung 'di guilt. Kung ano mang mangyayari sa kanya ay ituturo ko mismo ang sarili bilang dapat sisihin. Wala ng iba dahil ako ang nagpumilit sa kaniyang sumama noong una pa lang.

Sa tabi ko ay nagsimula nang manginig ang mga balikat ni Nolan takip ang namumulang mukha. Natutukso akong aluin siya ngunit naunahan rin ng pangangambang tatabigin niya lang ang kamay ko.

Suminghot siya sabay hilamos sa mukha at tumayo. Nakayuko siya at bumuntong hininga, pinisil ang namumulang ilong at mariing pinikit ang mga mata na tila nagpipigil ng luha. He looks helpless and hopeless. Every one of us are.

Sabay kaming nag-angat sa pinto nang bumukas ito. Lumabas ang doctor na agad nilapitan nilang tatlo. Naiwan akong nakadikit sa pader at piniling panoorin ang reaksyon nila sa kung ano mang sinasabi ng doctor.

Nabulunan ako kasunod ang paninikip ng aking dibdib, na tila ba pinipisa ng kulungan nito ang puso ko hanggang sa sumabog. Maraming 'sana' ang lumulutang sa aking isip ngunit isa lang ang pumailanlang.

Na hindi nangyari nang nakita kong sinapo ni Nolan ang ulo niya at biglang natulala. Animo'y tinanggalan siya ng buto nang umatras hanggang tumama ang likod sa pader at nanghihinang dumulas.

"No! Tori, anak ko..." Sinalo si Mrs. Sanchez ng kanyang asawa nang babagsak ito sa sahig at humahagulhol.

Malubha ba siya? Comatause? That's a better truth to believe than the other one.

Sinikap kong humakbang sa nanghihina kong tuhod. Hindi ko na maramdaman ang sahig. Lahat ay malamig! Tinatadtaran na rin ng ilang punyal ang dibdib at tiyan ko habang hinahanda ang sarili sa maaaring malaman. Humihigpit ang aking kalamnan.

Hindi pa man ako nakakalapit sa kanila ay bumagsak na ako nang marinig ang sinabi ng doktor.

"I'm sorry, she didn't make it."

Nanlamig ang buong katawan ko habang pinapakinggan ang isa na yata sa pinakamasakit na iyak na ayaw ko na muling marinig sa tanang buhay ko. Ang panangis ng isang magulang para sa kanilang anak. Habangbuhay kong dadalhin ang bangungot na ito at ang bintang sa sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro