Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY FOUR

Minulat ko ang aking mga mata nang maramdamang huminto ang kotse. Babalik na sana ako sa pag-idlip ngunit nasa tapat na pala kami ng gate ng bahay ni Angelov.

Sinamahan ako ni Jaxon sa mga tests kanina sa ospital. Mula roon ay wala na kaming imikan. Ngayon pa lang din yata nag-sink in sa kanya ang nangyari. The caresses and comfort he's shown me. Kaya heto, balik na ulit kami sa dati.

Dire-diretso ang lakad ko papasok sa bahay, hinihila na ako ng kama ko. Subalit hindi ko kayang balewalain ang humahabol na mga yapak ni Jaxon sa likod. 

Pagka-unlock ko ng pinto ay lumingon ako at hinarap siya. Humarang ako sa pintuan.

"Hindi ka pa uuwi?"

Shit. I asked the wrong way. Napangiwi ako sa sariling tanong.

Ikinagulat rin ito ni Jaxon. He froze in place. Sa malamlam niyang mga mata, tumunaw ito't hinalo ang sakit na ikinalukot ng puso ko. Isang kakulangan ang pagbaba niya ng tingin, tila sumusuko sa nais kong mangyari. Bumagsak ang kanyang balikat.

He's damn tired, Davina! Tapos ganon ganon ang itatrato mo? After everything he's done? Ni simpleng thank you nga wala kang sinabi.

"Hindi ko kaya..." basag ang boses niyang bulong. Humigpit ang pagkuyumos sa tiyan ko.

"May girl—"

"Don't—"His voice strained. Mariin siyang pumikit at nag-tiim bagang, mukhang kinakastigo ang sarili. Malalim siyang huminga saka dumilat. Nagsusumamo ang mga mata niya. "Vin, please. Hindi ko kaya...let me stay here."

I hate the fear in his plea. Hindi sa ayaw kong marinig, ayaw ko lang sa hinatid nitong epekto sa akin. I'm a hundred and one ways into being subdued. It's like he has already owned a fragile piece of me and he easily can pass through his way into taming it.

Walang salita akong pumayag nang umatras at tumalikod. Hinayaan kong bukas ang pinto. Hinayaan ko siyang sumunod.

He's just a friend crashing for the night, is all, Davina. Let it be that way.

Paglapat pa lang ng likod ko sa kama ay napapikit na agad ako. Sa pagod at sakit ng katawan, nangangalahati ang lakas kong gumawa nikaunting bagay tulad ng pagbibihis.

Lumubog ang kama sa aking paanan. Dumilat ako at nakitang inaabot ni Jaxon ang aking paa at nilagay sa kanyang binti.

"Don't you want to see a therapist or a counselor?" tanong niya habang inaalis ang pagkakatali ng aking boots.

Tumitig ako sa kanyang mukha, it's shadowed due to the dimlight. Tiredness is highlighted. Siguro mabuti ring dito muna siya kesa magmaneho siyang pagod. It's been a long...dawn.

Humikab ako. "Anong gagawin ko diyan?"

Kinuha niya ang isa kong paa na hindi pa binababa ang isa. Inalis niya rin ito sa pagkaka-tali.

"You were almost raped, Vin. You have to see atleast one counselor. Evan's mom is a therapist. I'll refer you to her."

Umiling ako at muling pumikit. Dumumina ang pagod ko kesa ang isipin ko pa ang mga iyan. Ang mga halik ni Rex na kinadisgusto ko ay tinabunan na nang mga pasa. Panandalian akong na-trauma, but considering violence that has been sucker-punching me all my life? Lindol lang itong nangyari sa akin, hindi pagguho ng mundo.

I'd probably be more devastated if it would happen to someone close to me.

Then a flash of Jaxon's bloody shirt. Mabilis akong napadilat at suminghap.

Animo'y inatras ako sa headboard nang matagpuang nanatili si Jaxon sa kanyang pwesto at hindi inaalis ang titig sa akin. Minamasahe niya ang aking paa.

Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon. His stare did something weird and warm inside me. Nanginig ako. Kumunot ang noo niya, mukhang naramdaman iyon.

Binaba ko ang paningin sa kamay niya. Hindi ito halata sa dilim pero nakabisado ng kamay ko ang kagaspangan doon.

"Wala ka bang betadine at bulak? Kailangan ding gamutin ang kamay mo," sabi ko.

Nilipat niya ang mga paa ko sa kamay saka inayos ang mga boots ko sa baba. Hindi niya ako sinagot.

Tumayo siya at umikot sa kama upang umupo sa kabilang gilid, bahagya siyang yumuko upang hubarin ang kanyang sapatos.

His back muscles flexed at his movements, kita sa paglukot ng body fit niyang white Vneck na pinalit niya sa duguang shirt kanina.

Sa tagal naming hindi nagkita, I even thought his body has developed more into lean and muscular. Years from now, he could surpass being the subject of men's fashion magazines.

Knock knock GQ! Men's health magazine!

Hinila niya ang parte ng shirt niya sa batok at hinubad. Tinupi niya pa ito saka nilagay sa ilalim ng unan bago siya humiga sa tabi ko.

Namilog ang aking mga mata. What the fuck?

Tinakasan ako ng antok. Umupo ako sa kama at pinagmasdan siyang tinatanggal ang kanyang relo. Tumawid siya sa side ko ng higaan upang ilapag iyon sa mesa sa aking gilid saka siya bumuntong hininga at pumikit. Tinakpan ng isang braso niya ang mga mata.

Tama pa ba ito? Bakit hindi ko mahanap ang kamalian ng sitwasyon? I was almost raped! But this is Jaxon. I trust him. Matutulog lang naman siya.

Naglakbay ang paningin ko sa kanyang...abdominals. I think I saw two toned bumps, at habang pababa ay paliit ang dalawang sumunod, until it leads to a happy trail. The indentations that lined his hipbones are more blatant.

His abdominal clenched. Napalunok ako. Sa muli niyang pagbuntong hininga ay lumipad ang paningin ko sa dibdib niya. Those pecs are well-maintained. Ramdam ko pa kung gaano ito katigas laban sa panghihina ko kanina.

Pinilig ko ang aking ulo at nag-iwas ng tingin. Pinakawalan ko ang hangin na kanina pa nakakulong.

"You're lying in my bed. Topless. Si Gwyneth, saan?" Nilunok ko ang panginginig ng aking boses.

He's not Rex. Wala siyang gagawin sa akin.

"She went home early. May duty pa siya bukas," garalgal ang boses ni Jax.

"Hindi mo hinatid?" Niyakap ko ang aking tuhod at tinitignan ang anino ko sa harap.

"Sinundo siya ng kuya niya."

"You should be home. You don't do this, Jaxon. Huwag mong sirain ang reputasyon mo sa ganito. You're not like this. You don't cheat."

"I'm not cheating. I'm just going to sleep here, Vin. Bakit? Hinalikan ba kita? Did I do things that sick fuck did to you? Did I kiss you? Grind with you? Nag-sex ba tayo? Hindi, 'di ba?" may panunumbat niyang sabi.

I winced at his choice of words. Mas lalong hindi ko siya matignan kaya humiga na ako. Patagilid ang aking posisiyon at nakaharap sa bintana.

Kung wala lang akong utang na loob sa kanya, at ilang mga atrasong kailangan ko pang pagbayaran, siguro hindi ko ito papayagan. Pag-apak pa lang ng paa niya sa bukana ng bahay, it has already raised a red flag. O baka nga kanina pa nakataas ang pulang bandera sa kotse niya. The way he held me like a lifeline. Ang pinakawalan niyang salita...

Sure, it didin't mean a thing for someone who has innocent feelings for him. Depends on who's on the receiving end of his words. But mine isn't platonic. I'm not just sheerly attracted to the guy!

"I'll have this space as my side, I promise. Ni kamay ko hindi lalagpas sa linyang 'to ng kama mo," matigas niyang sabi tila mariin akong kinukumbinse.

"Hindi hotel ang bahay ko, kaya sa bahay niyo ka kamo matulog," wala sa sarili kong sabi at pikit-mata. Naalog na nga siguro ang utak ko.

"I'm tired, Vin. 'Di bale, paggising mo bukas ng umaga, wala na ako sa tabi mo..." pahina nang pahina ang boses niya hanggang sa sumali na ang mga salita sa hangin.

Yumakap agad ang kakulangan pagkatapos niyang sabihin iyon. Isipin ko pa lang ay parang ayaw ko nang sumikat ang araw. Mali man ang ganito sa amin, ginigiit ko man ang kamaliang ito sa kanya, hindi naman ako maloloko ng damdamin ko. Itsapuwera ang mga salita kung puso na ang nagdidikta.

Lumulundag ako sa kama sa paggalaw ni Jaxon. Ramdam ko ang bigat niya dahil parang lulubog na ang kutson sa sahig. Has he been gaining weight? Hindi naman siya mataba. Maybe it's his muscle mass.

Kumuyom ang sikmura ko sa pagtama ng mainit niyang hininga sa aking batok. Sumiksik ako sa sarili kong espasyo. I'm like a poor little lamb guarded by the censorious lion.

"Bakit hindi mo ako kinausap, Vin? Weeks. Bakit..." Puwersa niya sa mga salita, na parang mahirap sa kanyang itanong iyon, o ayaw niyang pakinggan ang sagot ko.

"Matulog ka na, Jaxon."

We've had too much for today. His demand for an answer requires a lengthy conversation. That's an excuse for me. Because there's no way that I'm going to tell him the truth.

"Can I at least break a promise?"

Tila ba gasolina sa umiinit kong puso ang bawat pagbulong niya. His voice is home. His every whisper is a soft covering that keeps me warm on a cold rainy day.

Humarap ako sa kanya. Kapwa nakaunan ang mga braso namin sa ilalim ng aming ulo. Nanigas ako nang inabot niya ang aking pisngi. Maingat na hinaplos ng daliri niya ang sa parteng may pasa.

"Huwag mo na akong iwasan. Please..."puno ng pagsusumamo niyang sabi. Tila biniyak niya ang sarili at pinakita sa akin kung anong nasa loob. Like a pandora's box, revealing the dark sides that could jeopardize the world. Now I'm seeing Jax's different side, which could further break me in two.

All his hurt, pain, the longing...it's like having my emotions for these past few weeks mirrored to him and vice versa. Kung hindi niya tinutumbasan ang pangungulilang nararamdaman ko, para naman niyang hinihigitan ito.

And I always come back into asking all the pent-up whys.

"Ganito ka ba sa mga kaibigan mo? Bakit ako, Jaxon? Bakit ka ganito sa akin?"

Wala akong inaasahang hindi masakit na sagot.

Malungkot siyang ngumiti at pinikit ang mga mata. "Masama ba kung sa iyo lang ako ganito?"

Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang pagtakas ng hikbi. Hindi ako nakasagot. Bumalik ako sa aking posisyon kanina at inasahang bumalik ang labis na pagod kanina upang mapabilis ang aking pagtulog.

Binigo lang ako ng aking sarili.

Alam kong wala na si Jaxon sa aking tabi nang ako'y magising. Magaan ang kama at hindi ko naririnig ang hininga at bango niya. Hindi ko namalayan ang kanyang pag-alis, sobra yata akong kinain ng tulog.

Napabalikwas ako dahil sa nakita ko sa mesa. Wala na ang relo niya roon ngunit napalitan naman ng puting styro na nangangamoy pagkain at naka-styro ring kape.

Kinuha ko iyon at binuksan. Kumalam ang tiyan ko sa nakahandang tapsilog. Pinalis ko ang luha ko, hindi ko alam kung bakit ako naiiyak.

"Salamat, Jax..." bulong ko sa hangin. Sana inanod nun ang mga salita at makarating sa kanya.

Habang kumakain ay nagtitipa ako ng reply kay Tori na dahilan sa no space for new messages ko sa inbox ng aking cellphone. Nakalimutan kong itext siya kagabi kaya heto...

Ako:

Nakauwi ako. Safe.

Tori:

Care of bedroom eyes? I'm swooning!

Dinungaw ko ang nakalbo nang styro. Yeah, Tori. You should be swooning.

Ako:

Mukha kang galit sa kanya kagabi.

Tori:

Hindi kaya. I just don't like the fact that he has a gf, is all

Nilagay ko ang ubos nang lalagyan sa mesa at sumimsim sa lumalamig nang kape. Nabusog ako sa guilt na sinali sa recipe ng pagkain.

Ako:

He slept in my bed

Mabilis ang reply niya.

Tori:

WTF?

Ngiti akong nagtipa ng sagot. Hindi ako makatawa nang maayos dahil sa humahapdi kong tiyan.

Ako:

Literally sleep. Mapilit e.

Tori:

Kaya hindi mo na rin pinigilan? Okay ka rin noh?

Sinubukan kong hindi tumawa sa naging reply niya. Nakikita ko ang animated na pamimilog ng kanyang mga mata.

Ako:

Pinigilan ko. But he won over our argument. Pagod din siya, malayo pa bahay nila.

Tori:

Reason accepted.

Nag-ayos na ako pagkataos ng text. May pasa man, hindi ito nakapigil sa aking pumasok sa tattoo parlor. Dahil bago pa, kahit ilang lapat ko ng foundation sa mukha ay hindi naitago ang aking mga pasa. Nahalata ni Charlie kaya wala akong nagawa kung 'di ang ikuwento sa kanya ang nangyari.

"Aba'y gago!" bulalas niya. Nahinto siya sa pag-record sa logbook ng isang nagpapa-appointment. Galit na galit ang mukha niya at nakakuyom ang kamao sa counter top. "Alam ni Angelov?"

"Nasa stage yata siya nang mangyari iyon."

"Mabuti naman pala't pinuruhan ni Jaxon." Iling siyang nagbalik sa pagsusulat. Mas umitim ang paligid ng mga mata niya dahil sa pagdungaw niya sa logbook. "Sana masampahan siya ng kaso."

Pumalumbaba ako at pinanood ang pagre-record niya. "ICU siya ngayon."

"Tangina!" Tumawa siya. "Hahaay...nagagawa nga naman ng..."

"Ano?" tanong ko.

"Wala!" Ngisi niyang sabi at sinara ang logbook. Nilagay niya iyon sa loob ng drawer at kumuha ng panibagong logbook.

"Ano nga Charlie?" pilit ko. Parang may alam siyang kailangan kong matuklasan.

Huminto siya't makahulugan akong tinignan. Kumurap ang sobrang kapal niyang pilikmata. Parang bata siyang ngumiti. Pumaligid muli ang itim sa mga mata niya.

"May napansin lang ako. Sa akin na lang iyon," aniya saka tumawa.

Inirapan ko siya. Ang labo ng Arabo na 'to.

Ilang araw ang pinalipas ko at palagi kong sinusuri ang pasa sa aking mukha. Lumabo na ito at hindi na mahahalata kapag nilapatan ng make up. Sinadya kong maging ganito para hindi mapansin ni Lola ngunit tulog ulit siya nang maabutan ko ngayong bumibisita ako..

"Nakipag-tsikahan ulit siya sa mga matatanda?" tanong ko kay Nurse Gemma.

"Palagi siyang tulog nitong mga nakaraang araw. Wala naman daw siyang nararamdamang sakit sa katawan maliban sa tuhod niya at likod," aniya.

Amoy pulbo si lola ngayon at mukhang bagong bihis ang damit. Mahimbing ang tulog niya, hindi man lang naggising sa mga boses namin.

"Hindi ba siya inatake ng highblood?" usisa ko.

"Normal naman ang blood pressure niya."

Tumango ako. Nais ko sanang gisingin siya para makapag-usap kami. Matagl na rin noong huli kaming nakapaglaro ng chess. Iniwan ko na lang muli ang dala kong banana at camote cue.

"Pakisabi napadaan ako, a?" ani ko nang makalabas na kami ng kwarto. Mula sa baba, umabot rito sa taas ang boses ng mga gising na matatandang nagro-rosaryo.

"Sige, Vin. Ingat!"

Nang araw na iyon ay tinext ako ni Jaxon sa number ng mama ni Rex.

"Iyong damages ba sa resort nabayaran ni Mrs. Arredondo? Siya raw kasi ang magbabayad. Ano ba sabi ng kaibigan mo?"

Kausap ko si Denver sa kabilang linya. Ako lang mag-isa rito sa parlor dahil nagbakasyon sa Singapore sina Charlie kasama ang pamilya. Isang linggo siya roon kaya iniwanan niya ako ng dalawang box ng pizza.

Bahala si Angelov kung nasaan man siya, ako ang uubos nito!

"Anong Mrs. Arredondo? Si Jaxon ang nagbayad!" bulalas niya.

Nahinto ang pagsubo ko ng pizza sa ere. "Ha? Bakit?"

"Ikaw pa? Kahit ano babayaran nun para sa 'yo! Baka nga patayuan ka pa ng bahay, e." Humalakhak siya.

"Seryoso, Den," malamig kong sabi. Binaba ko ang paa sa countertop at nilapag ang pizza sa box. Napainom ako ng softdrinks.

"Oo nga! Itanong mo pa. Ako lang naman ang nakakaalam,e ."

Pinupuno talaga ako ni Jaxon ng utang na loob. Lumiko naman ang isip ko sa bill sa isinigawang tests sa ospital. Siya rin kaya ang nagbayad?

"Nakasira din siya ng gamit Vin kaya inipon na niya ang mga babayarin niyo. Iyong mesa? Hinambalos niya sa Rex na iyon! Nilabas ka na nung chubby mong kaibigan kaya hindi mo nakita."

What? Sa pagkakaalala ko ay nakita ko ang paghampas niya sa mesa...wait. May isang mesa pa ba roon na hinambalos niya?

Ngunit iba ang ini-rect ko na patungkol sa aking kaibigan.

"Hindi chubby si Tori, a! Ang sexy kaya niya," depensa ko. Although inaamin kong medyo nag-gain siya ng laman. But she's not fat!

"O sige. Voluptuous! Happy?" sarkastikong sabi ni Denver.

Binalik ko ang pag-kagat sa pizza. "Palibhasa ang tipo mo 'yung mga payat."

"Katulad mo?"

"Shut up, Den."

Humalakhak siya.

"O, mamaya ha? Punta ka. You watch me win the bet! 'Di bale, walang rapist doon. Gusto mo tawagan ko na iyong security service at mag-hire ng mga bodyguard para sa 'yo?"

"Tang'na mo, Denver," natatawa kong sabi. "Oo na, punta na ako!"

Inimbita niya akong pumunta mamayang gabi sa isang drag racing sa SRP. Hindi ko alam kung pupunta si Jaxon, wala namang sinabi si Denver.

Simula noong ginawa ni Rex, mas naging maingat ako. It's like my freedom was being chained in its other hand to be cautious, while the other was my liberation to recklessness.

So could those crimes being done to us confined us from our freedom? Right now I have half of my freedom. I am being more careful, observant...I begin not to trust that much anymore maliban lang doon sa mga malalapit sa akin dahil subok na ang tiwala ko sa kanya.

But I used to trust Rex. Mukha man siyang basagulero, pero pinagkatiwalaan ko siya dahil hindi ko hinuhusgahan ang pisikal na anyo. But then he failed me. He ruined it just because of his illegal takings.

May iba na hindi agad nakakawala sa trauma. Kaya napatanong ako sa sarili kung normal ba itong pagbabalik ko sa dati kong gawain. I mean, I have to. Hindi habang buhay ay mananataili akong nakakulong sa pangyayaring iyon.

I need to find my strength. Sarili ko lang naman ang makakatulong sa akin. Other people are there to help, but it's me who's going to do tha act and lift myself back up.

Leksyon na rin ito sa akin na huwag masyadong maging mapusok. What happened to me is a warning from God, I guess. Pero Diyos ko, bakit iyon pa ang kailangan mangyari sa dinami-daming pwedeng pangyayari na mararansan ko para matuto? There are infinite ways to learn and of all things, attempted rape?

Ang mga tanong ay hahantong sa mga panibagong tanong, until they'd become a heap of questions that you can't just have a direct answer for a lifetime. Karamihan ay hindi diretsahanag nasasagot, kailangan maranasan para mapagtanto kung bakit ganito at ganyan.

So, God. Tell me, why?

Bumaling ako sa entrance dahil sa ingay ng pagparada ng sasakyan. Ang aga naman yata ni Denver?

Tumayo ako upang salubungin sana siya at asarin na rin ngunit iba ang nagbukas ng pinto.

Nagngangalit na mukha ni Gwyneth ang sumalubong sa akin. Mukhang galing siya sa pagtakbo sa mabibigat niyang paghingal.

"Bakit sa bahay mo natulog si Jaxon?" Nanginginig ang labi at boses niya sa galit.

Hindi ko ipinagtaka ang tanong niya dahil marahil nasabi sa kanya ni Jax. Pero naiinis ako! Palagi na lang ba talaga?

"Bakit ba ako ang panay mong kinokumpronta? Kung kausapin mo kaya boyfriend mo?"

"May nangyari ba sa inyo, Davina? May nangyari ba sa inyo ng boyfrined ko?" mariin niyang paratang, inignora ang sinabi ko.

Napaawang ako. Sa talino niya, ganito kakitid ang kanyang isip? She's not rational enough. Inuuna niya ang emosyon kesa ang mag-isip!.

Umabante ako. Walang takot siyang umatras at taas noo.

"Sex lang ba ang ginagawa sa kwarto, Gwyn? Hindi pwedeng natulog lang? Nagpahinga dahil pagod siya sa biyahe? Huwag kitirin ang utak, ha? Kung ano ang sinabi ko ay ang sinabi rin sa 'yo ni Jaxon, e 'di iyon ang totoo! Kung wala kang tiwala sa sinabi niya, hindi ko na kasalanan iyan."

"I trust him! Ikaw ang hindi ko pinagkakatiwalaan. Your lola talked so highly of you. Huwag mong sirain ang imahe na ipininta niya sa 'yo sa panghihimasok mo sa ibang relasyon!"

Malalim akong humugot ng hangin at pumikit ng mariin, pinipigilan ang sariling hindi siya masaktan. Kailan pa ba ako nanghihimasok sa relasyon nila? Ang babaw ng pananaw niya at sa isang anggulo lang siya tumitingin.

Why not view the other angles? How about giving credits to my staying away and avoiding her boyfriend? Tapos ang sinabi niya, nagpapahabol ako? Lahat na lang ng ginagawa ko, mali?

"I know your story, Vin," dagdag niya. "Your mother is an addict. And the way I see it, you're going to be just like her. You're going to run on her legacy of illegal doings."

Tinitigan ko lang siya. Malamig at walang emsoyon. She should not dare say something about my life. Labas ang buhay ko sa kung anong rason ng ipinunta niya rito.

Siya ang umabante ngayon. Nakahalukiphip habang pinapasidahan ako nang may pagkasuklam. Umangat ang isang kilay niyang may maarteng guhit. Sa kabilang balikat niya nakagrupo ang hibla ng kanyang buhok.

"Look at you...you're full of ink. Don't wait for it that you're going to be full of shit," aniya habang nanunuyang umaabante.

Bahagya akong tumawa.

"Oh believe me, Gwyn, I am already full of shit. And when I mean full of shit, lahat lahat na. Hindi mo alam ang kaya kong gawin."

Umiling siya at ngumisi.

"Wala iyan sa kayang gawin ng pamilya ko. Everything is being run by money. You can't even own a single penny, Davina. Umaasa ka lang naman sa benefactor mo."

Tila bomba ang sinabi niya't pinasabog sa ulo ko. Suki man ako ng katotohanang iyan, iba pa rin talaga kapag isang taong may mas mataas na estado ang nagdidikdik sa iyo sa realidad mo.

Mistulang kuting akong nilulublob sa putik. Walang kalaban-laban. Walang maipagmamalaki. Money is truly power. And I have less to nothing.

Lumawak pa ang matagumpay niyang ngisi nang makita ang ekspresyon ko.

"Oh yes, Davina. Kinukwento sa akin ni Jaxon lahat. We trust each other. He's the man that I'm going to wed five years from now, and I'm sure I am the woman he wants to spend the rest of his life with. Huwag mong sirain ang pangarap namin dahil lang sa baluktot ang pangarap mo."

Her tone is sweet, soft and caring, katulad ng unang impresyon ko sa kanya. She's being sarcastic.

Ngunit yelo at kortapluma ang pinagtambal sa pagsaksak sa akin nang banggitin niya ang kinabukasan kay Jaxon. It may just be a plan, but it's like meant to happen. She says it like it's their destiny. It's their path. Ang mga panagarap na iyan na isinaboses rin ng iba ay hindi na plano kung 'di itinakda na mismo!

Nanghina ako.

"Alam mo? Kung basura ang tingin ninyo sa akin, iyang ugali mo sa basurahan din ililibing," malamig kong sabi.

Hindi ko alam kung paano pa siya labanan. I'm not making any sense at all.

At dagdag bala ito sa sandatang ngisi ni Gwyneth.

"I don't care. As long as I am living the life that you have always envied," pagmamayabang niya sabay hawi ng buhok. Kumalat ang matapang na amoy ng mamahalin niyang pabango.

"Hindi ko ikinaiinggit iyang marangyang buhay mo, Gwyn. " Umiling ako. "Kung iyan lang naman pala ang napala mo sa pagiging mayaman, aba'y makukuntento na ako sa buhay ko ngayon. Hanggang ganda ka lang naman. Your holier-than-thou image is just a cover. Wala kang mararating sa ugali mong iyan.Tutunawin ka lang ng kaplastikan mo at aambag ka pa sa polusyon sa mundo."

Sumingasing siya at inikutan ako ng mata. Inayos niya ang brown niyang Coach bag sa balikat at humalukiphip muli. Matapang niya akong tinignan.

"People nowadays based their judgement on the superficial matter. Huli nang kinikilatis ang ugali." Tinuro niya ang kanyang mukha. "Itong mukhang 'to ang pinagkakatiwalaan." Tinuro niya ako. "Ang katulad mo ang nilalayuan."

Ngumisi ako. "Talaga? E bakit nilalapitan ako ni Jaxon? Lalapitan ka nga ng buong mundo, Gwyn, pero ang boyfriend mo, sa akin lumalapit. Saan ba siya noong birthday mo? Nasa labas ng bahay ko, nagmamakaawa sa aking kausapin siya."

Hindi ko pinaghandaan ang malakas na lagapak ng palad niya sa pisngi ko. Sa parte pang sinuntok ni Rex!

Naluluha ako sa ngumungutngot na sakit. Matagal akong nakabawi sa sakit din sa leeg kong parang iikot na sa likod.

"Putangina mo, Gwyneth," gigil kong dura sa mura. Ayaw ko siyang saktan ng pisikal.

"One last straw, Davina. I have my forces with me, and that includes Jaxon's mother."

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng sinasabi niya pero ramdam kong hindi iyon kagandahan dahil sa banta sa likod ng kanyang tono.

What? Is she going to declare a war? Nang dahil sa lalake, Gwyneth? How pathetic!

Naabutan ko pa ang tinatapon niya sa aking may karubdoban at malamig na ekspresyon bago siya tumalikod at nagtungo sa kanyang sasakyan.

Lumbas ako't sinundan siya, malalawak ang aking hakbang. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. War is what she wants? Hindi ko iyan aatrasan. Sumusobra na siya!

Umandar ang makina at papaalis na ang sasakyan. Bago pa siya tuluyang makasibad ay inalsa ko ang nahagip na malaking bato sa gilid ng paso. Huminga ako ng malalim at buong puwersang hinagis ang bato sa bintana ng kotse niya. Sinabayan ko iyon ng sigaw.

Basag na basag ito. Pumasok ang bato sa backseat.

Hindi pa siya nakakalabas ay tumakbo na ako papasok sa subdivision. Humahalakhak ako habang tumatakbo dahil sa mga galit niyang sigaw na sinusundan ako hanggang bahay.

Hell hath no fury like a woman scorned, too, Gwyneth.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro