THIRTY FIVE
Inayos ko ang collar ng sweatshirt kong dumulas sa aking balikat habang tinutungo ang sasakyan ni Denver. Tiningala ko ang mga bituin sa kalangitan sa hindi malamang dahilan. A weird habitude of mine lalo na kapag sumapit ang gabi.
Pero sa totoo lang, nag-aabang talaga akong makakita ng falling star.
Sumipol si Denver nang sumampa ako sa seat. Mas lalo akong nilusob ng lamig dahil sa naka-full aircon dito sa loob.
"Sexy!" Pinasidahan niya ako.
Kinurot ko siya sa braso. Humalakhak siya at binaba ang handbreak para makalarga na kami.
Saglit kong nilingon ang backseat, hindi sa may inaasahan ako. Expecting for him is not numero uno on my to-do list today considering what happened. Mas inasahan ko pang may kakatok na pulis sa pinto ko.
I never thought twice before breaking Gwyn's car window. Kung magsusumbong siya sa pulis, susuko ako, but I will never be caught dead apologizing to her. Hindi naman siya ang sinaktan ko kung 'di iyong kotse.
Nasa Cansaga Bridge na kami nang umilaw ang aking cellphone. Rumehistro ang pangalan ni Jaxon.
Jax:
Where you?
Hindi naitago ni Denver ang ngisi niya. Saglit niyang tinignan ang hawak kong phone saka nagbalik tingin sa daan. Umiling siya at bahagyang natawa.
Nag-angat ako ng kilay sa cellphone, inignora ang reaksyon ni Denver.
Ilang araw ring hindi nagpakita si Jaxon. Huling text niya ay ang panghingi ng number kay Mrs. Arredondo at huling kita ko ay iyong natulog siya sa bahay.
"Hindi niya alam?" untag ko kay Denver.
"Is it necessary? Kailangan pa ba kitang ipagpaalam?" Bahagya siyang tumawa na parang isa itong napakalaking kahibangan.
"Anong sasabihin ko?"
He shrugged. "The truth. Bakit ka naman magsisinungaling? You have nothing to hide."
Oo nga naman. Why am I even bothering about this? Ano naman kung hindi niya alam at ipapaalam ko sa kanyang kasama ko si Denver? Can't friends hang out with another set of their friends, inasmuch as Denver is one of my people?
Fearing that there might be Rex incident number two, ito marahil ang iisipin niya sa oras na sabihin ko sa kanya kung saan ako pupunta. Dumikit pa rin sa utak ko ang imahe niya nang gabing iyon. I can't almost touch him for fearing he might explode like a bomb in Nagasaki.
Muling umilaw ang aking cellphone. Umakyat ang puso ko sa aking lalamunan nang siya na naman ang nagtext.
Jax:
Please text back.
Uminat ang baga ko nang malalim na humugot ng hangin at pinakawalan. Inadjust ko muna ang aircon dahil ang lamig talaga! Palibhasa, makapal 'tong balat ni Denver kaya hindi natatablan.
Ako:
SRP
There. Wala nang bawian. Na-send ko na. Hindi naman siguro siya pupunta. I'm sure Gwyneth is with him entertaining him for the night.
Or not. Baka nagsumbong na rin iyon sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi kaya nagtext siya sa akin upang puntahan ako at kumprontahin sa ginawa ko sa kotse ni Gwyn?
I'm not scared. Not even a single fucking bunch. I believe what I did is reasonable. Ayaw ko lang kimkimin ang galit ko, so it has to be set free!
Hindi na siya nag-reply kaya siniksik ko na sa bulsa ng aking jean shorts ang cellphone.
Nagkomento si Denver sa size ng sweatshirt ko na tinatakpan ang ikli ng aking shorts. Amoy ukay-ukay pa 'to at medium size kaya maluwang sa akin. Tinali ko na lang sa may baywang para hindi magmukhang wala akong suot na pang-ibaba. Sure enough, that would attract the likes of Rex.
Pagkababa pa lang sa SRP bridge ay simula na nang hilera ng mga magagarang sasakyan na sinisilong sa pinagdikit na mga tents. Thick groups of people were already gathered at nakataas ang mga camera phones.
Umayos na ako ng upo nang pumarada kami sa field. Most people here are surely car enthusiasts, ewan ko lang sa iba. Maybe they love the feel of the crash, the danger, the adrenaline. At katulad ni Denver, marahil ay pumupusta rin.
Dumikit ako sa kanya nang makababa na kami. Inakbayan niya ako lalo na nang lumingon rito ang ilan sa mga lalakeng naputol ang usapan. May kumaway na dalawa na sinuklian naman ni Denver.
"Friends mo?" tanong ko.
Hindi sumagot si Denver. Habang papalapit, naging malinaw kung sino ang pinagkukumpulan ng mga lalake roon lalo na nang may umatras na isa at tumatawa kaya nahila niya ang kasama. Bukas ang hood ng pinapaligiran nilang kotse, sinuro tsini-tsek ang makina.
"Wait... nakita ko siya sa resort, a? Si Joon ba iyan?" Turo ko sa kanila.
Tumango siya. "He'd be betting for me."
Nanlaki ang mga mata ko. "Ikaw ang..."
Hindi ko na natuloy nang muli siyang tumango at ako'y ningitian.
"Magkano?" Tinakpan ko ang isang tenga upang mas marinig si Denver nang madaanan namin ang isang kotse na gawa yata sa speaker. Ito ang responsable sa malakas na kalabog ng music ngayon.
"25k," aniya.
Nabulunan ako sa sariling laway. Paano kung matalo siya? Paglalamayan ang twenty five thousand?
Bakit ba ganito na lang nila ginagastos ang mga pera nila? Ganon nga talaga siguro kapag alam mong may pinanghahawakan ka. You turn to be complacent.
I can't hate these people, and I don't. I just don't agree what they do.
Kung ako lang ang may ilang daang libo, I rather not risk the wager, most of all, to gambling. But what if it's a battle against what you want and what's upright? Taas-kamay ako sa pagsuko. Our ache for recreation overwhelms the morals, humans as we are. Kaya ayaw kong magsalita ng tapos. Wala ako sa lugar nila.
If my life's the other way around, then probably I would have done these things. Maaari ring hindi. Who knows, right? I would have rained myself with the extravagance. But I'm here, this is my say in behalf of those people who are in the same boat as me.
Inangat ni Denver ang nakaharang na banderitas saka kami sumuong para makatawid sa kabila. Hindi malayo mula sa amin ay may sumipol at sumusutsot. Ewan ko kung ako ang subject nila o iyong mga sumasayaw na babae sa tapat. I saw another pair of girls... lip-locking.
Well...we're in the Baywalk strip. Dahil gabi na, ginagap ng mga mata ko ang mga benches na pinagtatambayan namin ni Jaxon noon. Kaso natatkpan na nang dami ng tao.
Nanlaki ang singkit na mga mata ni Joon nang makita kami. Umalis siya sa kumpulan at lumapit sa amin ni Denver. Nagtapikan sila ng balikat.
Mukha siyang nagulat nang makita ako.
"Whoah, Den! Tiniis ka?" Turo niya sa 'kin. inabutan niya si Denver ng racing suit na may disenyo ng iba't ibang brand ng baterya at ilang logo.
"Tss. I'll be good to you dahil sa akin ka pumusta!" Kinuha niya ang suit.
Ninguso ni Joon ang mapupula niyang labi at binaba ang tingin sa braso ni Denver na nakaakbay sa akin.
"So this is how it is, huh? Kung ang pag-aaral siniseryoso, ganon din ang babae," makahulugan niyang sabi.
Naaaliw ako sa pagsasalita niya. He just really looks Korean. Noong una hindi mo maiisip na bihasa siya sa lenggwaheng Pilipino.
"Damn right it is." Denver squeezed me.
Kung pwedeng humiling na magkaroon ako ng kapatid, maliban kina Charlie at Angelov, si Denver ang idadagdag ko sa listahan. He's just so squeezable! Sa body department lang, sa mukha kasi ay suplado siya.
Giniya kami ni Joon sa magarang kotse at agad iyong sinuri ni Denver. Nakikinig lamang ako sa usapang sasakyan nila at ang paninigurado sa kanilang pagkapanalo. How can they be so sure? Eh lagpas yata sa sampu ang mga kalahok dito.
"Dude, this is a Nissan GT-R. Sure win ka na!" kumpiyansang sabi ni Joon sabay tapik kay Denver sa likod. Nilingon niya ang ibang mga lalake sa likod at nag-ingay sila bilang suporta.
Tinukod ni Denver ang mga kamay sa ngayo'y nakasarado nang hood at seryosong nakatanaw sa dagat sa tapat. Nakasabit sa braso niya ang racing suit.
"Sa 'yo ba itong sasakyan, Den?" tanong ko.
Umiling siya at ninguso si Joon. Pinigilan kong matawa, mukhang kinakabahan siya dahil kanina pa siya tahimik.
"Hey, by the way, Vin, okay ka na ba? You know about the..."
Hindi natuloy ni Joon ang tanong sa pagtango ko. Nakuha ko ang ibig niyang sabihin.
"M-m, okay lang naman," sabi ko. Magaan siyang tumango.
Makalipas ang kinse minutos ay pinatawag na sa harap ang mga kalahok. Nasa harap na ang kotseng sasakyan ni Denver na sinilungan rin ng tent bilang tanda ng starting line. Pinaghiwalay ang dalawang kotse ng nakahilerang cone barriers sa gitna ng daan.
I think the event was supported by the government dahil hindi naman maglalagay ng mga tarpaulin dito na may pasasalamat sa mayor kung hindi. I think the city knows, too dahil sa rami ng mga manonood. May nahagip pa nga akong local host ng isang weekend variety show.
"Vin! Wanna be in the passenger's seat?" ani Denver na binubuksan na ang pinto sa kabilang side ng sasakyan.
Napalingon ako kay Joon na ngiti lamang ang binigay. Pwede ba iyon? I want to, pero...
"Hindi ba bawal?" untag ko sabay tingin sa kanilang dalawa.
Bahagyang tumawa si Denver. "Aayain ba kita kung bawal?"
Maagap akong tumango at ngumisi. Pumalakpak ako't tumalon saka pumasok sa loob. Narinig ko pa ang halakhak nila bago ko sinara ang pinto.
Hinagis ni Denver ang racing suit, maybe he doesn't need it. Sa nakabukas na pinto sa side niya ay narinig ko ang chant ng mga kaibigan niya.
"GT-R! GT-R!" sa baritone nilang mga boses. And giving meaning to their brotherhood ay magkaakbay sila habang magkapanabay na isinisigaw ang kanilang suporta.
Malamang! Twenty five thousand kaya ang pinusta sa kanya ni Joon. Gagawain na lahat maipanalo lang ito sa legal na paraan.
Gusto kong itanong kung nagpupunta rin ba sa ganito si Jaxon, pero umatras ang dila ko, at mukhang ayaw payagan ng lalamunan kong magpakawala ng boses. Dinala ko na lang ang mga salita sa beer na iniinom ko at lumunok.
Sumipol si Denver na nakalingon sa babae sa gitna ng dalawang sasakyan.
"Her rack is a world wonder," aniya.
Tawa ako't napailing. Ngunit agad ring natigil nang humarap siya sa daan at naging seryoso. Sumigaw ako nang lumakas ang ugong ng kotse. Lumingon ako sa likod at nakita ang buga ng makapal na usok roon.
Dasal ko na sana mauna si Denver, ako ang nababahala sa pera ni Joon.
But isn't it better to pray for our safety first?
"Whohohh!" halo ang sigaw at tawa ko sa bilis ng pagpapatakbo ni Denver.
Everything I see is like a flash! Dumadagundong ang puso ko sa pinaghalong excitement at takot pero nanaig ang aking sigla. This is adrenaline, baby!
This is a compensation for the bad things that happened.
Nilingon ko si Denver na seryoso at kita ang determinasyon niyang manalo. Kinalabit ng paningin ko ang humahabol sa aming asul na kotse.
"Hala! Bilisan mo pa, Den!" sigaw ko, napapatalon sa upuan.
"I know, Vin..." kalmado ang boses saka tumingin sa side at rerview mirror.
How could he be so calm! Ako na hindi driver ay natataranta na rito! Sayang ang pera ni Joon!
Tumili ang kotse nang ito'y lumiko. Nasiksik ako sa gilid na ikinatuwa ko pa. Binabaliw ako ng race na 'to.
"Oh no..." ani ko. Nauna na ang blue na kotse.
"We're flying, Vin. Tighten your setabelt."
Padabog na inadjust ni Denver ang kambyo, ramdam ko ang inis niya roon. Lumakas ang ugong ng kotse kasunod ang bilis na hindi ko naramdaman kanina. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang speedometer.
Madali kong ginagap ang belt at hinigpitan. Indeed, I fet like flying! Hindi ko alam kung nasaan na kami sa bilis ng takbo ni Denver. Parang sa isang zoom lang ay nagte-teleport kami sa kabilang panig ng siyudad.
Gitgitan na ang dalawnag sasakyan. I could see the tires spark. Nahigit ko ang aking hininga nang ilang pulgada na lang ay magdidikit na sila. I expect for the other car to bump the other side pero bawal iyon.
"Go...Come on!" cheer ko kay Denver. Nagmura siya.
Natatanaw ko na ang mga tao at may ilang nagtatalunan. Malapit na kami sa finish line.
Bahagyang inugoy ni Denver ang sasakyan na hindi natatamaan ang kalaban. Sumigaw ako nang nagawa naming lumagpas. Wala nang nagawa ang asul na kotse.
"Yeees!" magkapanabay naming sigaw ni Denver.
Dinumog agad siya ng mga kasamahan pagkababa namin kasabay ng mga baritono nilang hiyawan. Si Joon ay nasa malapit lang at binibilang ang pera na sinasampal sa palad niya ng isang lalakeng naka-sunglasses. Gabi, naka-sunglasses?
Nagtaas kamao si Denver sa tagumpay at tumatalon-talon. Pumalakpak ako, naubos ang lakas sa kakasigaw kanina. Ngunit laking gulat ko nang kinuwadro niya ang aking pisngi at dinampian ako ng halik sa labi.
Umani iyon ng panibagong hiyawan. Napako lang ako sa kinatatayuan ko, hindi maintindihan ang nangyari.
"Den..."
Unti-unting humupa ang ingay nila nang tinapik si Denver ng isang kaibigan. May tinuro ito sa gilid. Naging seryoso ang mukha nila.
Lumingon na rin ako at nagtaka sa dahilan ng kanilang reaksyon. Namilog ang mga mata ko nang makita ang madilim na itsura ni Jaxon na parang hindi matitibag sa kinatatayuan. Kahit yata sagasaan siya diyan ay hindi siya matutumba.
Tumadyak ang puso ko sa kulungan nito nang malalki ang mga hakabng siyang lumapit. Kuyom ang kamo niya sa tagiliran. Nagsiatrasan ang mga kaibigan ni Denver, nasindak sa reaksyon ng kanyang pinsan.
Humarang ako. Ano na namang problema niya? Ngayon ko pinagsisihan na sana hindi ko na lang tinext sa kanya kung saan ako.
"Trayduran 'to, Denver?" nanginig ang boses niya. Umangat ang isa niyang kilay. Hindi niya pa ako dinapuan ng tingin.
Bahagyang tumawa si Denver sa likod ko. "Bakit naman kita tatraydurin? You're a family, Jax. What did I do that made you say I betrayed you?"
Tinabasan na ako ng tingin ni Jaxon. I swear it's so sharp it could stab my gut. Umalon ang adam's apple niya sa ginawang paglunok.
"Uuwi kang mag-isa, sa akin sasama si Davina," aniya at hinigit ako bigla.
Nag-taas kamay si Denver sa pagsuko at nagkibit balikat. What? Hahayaan na lang niya? Aba't!
"Gusto ko pang manood—"
Hindi ko natuloy ang sasabihin. Binilisan ni Jaxon ang lakad kaya muntik na akong matisod. Inangat niya ang banderitas at pinauna ako sa pagsuong. Muli nyang hinawakan ang kamay ko't hinila ako papunta sa kanyang sasakyan. Kahit sa lakad niya, masasabi ko ang labis niyang inis.
"Slow down, Jaxon!"
Hindi ko na mapigilang isigaw ang iritasyon ko. I like the adrenaline pero hindi itong klaseng pagpapabilis ni Jaxon ng takbo ng sasakyan. This is out of his madness!
Mas binilisan niya pa ang takbo. He's mocking me!
"Bakit hinahayaan mo siyang halikan ka niya, Davina?" sigaw niya. Hindi ko siya matignan. Alam ko na ang itsura niya kapag sobrang galit at ikinakatakot ko iyon.
"Quit the jealousy, Jax." Kahit may seatbelt ako ay kumakapit pa rin ako sa ibang mapagkapitan.
"I'm not jealous..." mahina niyang wika.
"Then stop acting like you are!"
"I'm not! Why should I?" depensa niya.
"My point exactly! Bakit ka galit? Bawal akong makipaghalikan?"
Inasahan kong magkakagalit kami dahil sa ginawa ko sa kotse ng girlfriend niya. But this? Wow!
"Porket malaya ka Davina ay ganon ka nalang magpapahalik sa iba?" may panunumbat niyang sabi.
"E 'di hiwalayan mo si Gwyneth para hindi ka mainggit. Para makahalik ka rin ng iba," ganti ko.
Kapag ako nainis Jaxon ay hindi na talaga kita papansinin kahit kailan.
Ang tanong, kaya ko ba?
Hindi.
"Kung malaya ako, isang tao lang ang hahalikan ko at iyon ay ang babaeng gusto ko! Hindi kung sino sino!"
Halos mabingi ako sa sigaw niya. Nang nilingon ko'y pulang pula ang kanyang mukha. Namumuti ang kamay niyang mahigpit ang hawak sa steering wheel. Naroon pa ang ilang bakas ng galos noong binugbog niya si Rex.
"You can't decide for me Jaxon, " mas mahinahon kong sabi. "Bakit ba nangingialam ka? I know, you're a friend. Pero sobra na! It's not normal anymore."
Kung alipin ang puso ko sa 'yo, ako ang reyna ng utak ko. I'd be the one to decide for my actions, nevermind the heart. Sa'yo din naman susunod ito.
Pinapakalma niya ang sarili sa isang butong hininga. His taut chest rose and fell. Mariin niyang ningangatngat ang ibabang labi.
"I'm not trying to control you here, Davina. Ang sa akin lang kasi huwag nang.." muli siyang bumuntong hininga. Parang pagod siya kahit wala naman siyang ginagawa. Hininto niya ang sasakyan.
Nasa subdivision na kami. Buong biyahe kaming nagsisigawan.
Frustrated niyang sinabunot ang buhok habang nakayakap sa steering wheel. Panay ang iling niya.
Kinabahan ako sa pinanood. Hindi ko alam ang gagawin. Sumasabit ang mga salita sa lalamunan ko na hindi ko magawang itanong kung anong nangyayari sa kanya.
Umiral ang pride ko't walang balak manghingi ng tawad sa aking inasal. Lumabas ako ng sasakyan. Bago ko pa maisara ay bumukas ang kabila at lumabas din siya. Patuloy akong nagmartsa patungo sa bahay. Tiningala ko ang ilaw sa poste dahil sa pagpatay sindi nito.
"Davina!"
Huminto si Jaxon nang humarap ako sa kanya. Nagtagisan kami ng tingin.
"You can have a girlfriend while I can't even kiss a guy? Fuck shit lang, Jax! Magpapahalik ako, at hahalikan ko kung sino ang gusto kong halikan!"
"Bakit hindi ako ang halikan mo? Huh, Davina? Hindi si Denver! Hindi kung sino! Ako!"
Nagimbal ako sa sinabi niya. My eyes widened in horror. Pero wala man lang akong nakikitang pagsisisi sa mula sa kanya. Mas lalo akong nagulantang.
Dahan-dahan akong umiling. "Baliw ka na, Jaxon."
Kinain niya ang kaunting distansya. Hindi ako umatras. Matigas ang ekspresyon niya akong dinudungaw.
"Siguro nga. Nakakainis, nakakabobo, nakakabaliw ka Davina!"
"Hindi kita hahayaang pagtaksilan mo ang girlfriend mo!"
"I broke up with her," mariin at marahas niyang deklara. Like this is the finality. Like that revelation is an order I have to abide.
Shock is wearing me like a second skin. Napaawang ako at nanghina. Hindi ko...wala na akong maintindihan. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga mata niyang hinuhukay ang kaluluwa ko sa determinado niyang pagtitig.
Muli siyang umabante. Ramdam ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya sa sobrang dikit naming dalawa.
"And what I saw...you kissing him, that was the last straw, Vin." Umigting ang kanyang panga. "I am so jealous. Nakakabulag...nakakabulag ang pagseselos ko sa puntong nakalimutan kong magkadugo kami..."
Nanginginig ang boses niya na nasisigurado kong dahil sa galit.
Lumulutang ang utak ko, hindi alam kung ano ang iisipin. He broke up with Gwyn? When? Sinugod pa niya ako kanina and she's still claimed Jaxon as her boyfriend! Ano at sino ang dapat kong paniniwalaan?
Malaking parte sa akin na si Jaxon. I trust him more than her, pinapalastik nga niya ako 'di ba?
I was too consumed by my thought na hindi ko namalayang nakahawak na si Jaxon sa pisngi ko. Inaararo ang damdamin ko sa namumungay niyang mga mata. Nilubog nito ang galit niya kanina.
"Vin, say something..."bulong niya. Humaplos ang hininga niya sa aking mukha.
"Anong gusto mong sabihin ko..." halos hindi na ako makapagsalita sa sobrang kaba. Ilang sandali na lang ay titiklop na ang mga tuhod ko kapag pinatagal pa itong lapit niya sa akin.
Mahina siyang umiling. Pagod ang mga mata niya na amy pagsusumamo."Kahit ano, or just kiss me..."
Tumigas ang mukha ko. Madali mlang ang hinihingi niya, pero hindi ko mahanap ang sarili kong tuparin iyon. kakagaling niya lang sa isang relasyon. This is not the proper way to start this.
"No." Buo at mariin kong pagkakasabi.
Ayaw kong patagalin ang pagtitig sa bigo at pagod niyang ekspresyon. Tinalikuran ko siya at nagmartsa papasok sa bahay.
Nanginginig ang mga tuhod ko. Sapo ko ang aking dibdib sa panghahapdi nito. Ginagap ko ang pendant ng aking kwintas at doon kumukuha ng lakas.
I just left him with the wake of my rejection. Because not now, Jaxon. Not now...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro