Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTY

Nakatulugan ko ang pag-iyak. Mahapdi pa rin ang namamaga kong mga mata na binabalot ng itim na eyeshadow at eyeliner. Sa aga kong nagising ay ako ang nakapagbukas ng parlor alas siyete pa lang nang umaga.

In retrospect, I know I came across as immature the way I acted last night. But do I have to witness more of their professed love to each other? Not all negative reactions are bad; Anger, denial, defense mechanisms...sometimes we all have to take in all of these to take a breather. I just had mine.

Malalim ang atensyon ko sa binabakas na guhit sa kayumangging balat. Ang timpla ng ugong ng tattoo gun at kantang pinapatugtog ni Angelov galing sa kanyang workroom ay nilulubog ang mga alaala ko kagabi.

This is good. This is where I belong. Ngunit sa komportableng hatid sa akin kung nasaan ako ngayon ay pinapaalalahanan naman ako sa makapal na tensyong bumalot sa marangyang bahay nila Jaxon.

Siguro kinukumpara lang ng sarili ko ang pagkakaiba, at the same time, nilulugar ako nito kung saan ako karapatdapat.

There's this odd invisible string that hauls you to where you feel more comfortable. Maybe it's instinct? Or baka iyon lang ang nakasanayan mo.

I was a stranger there. I was no one. Here is my place.This is where I should only be.

"Face down in the dirt she said, 'This doesn't hurt!' she said, 'I finally had enough!' " Nakikipagkompetensya sa stereo ang boses ni Charlie mula sa counter.

Ramdam ko ang pag-inat ng tuyo kong labi sa ginawang pagngiti. Tiningala ko ang binatilyo na kalma lamang natutulog, sanay na sa karayom base sa rami na ring mga tatak sa kabila niyang braso.

Hindi man lang siya kumislot niisang beses kahit sinadya kong idiin ang karayom. Matibay. Wait ko lang kapag ma-brokenhearted ka, kuya.

Ilang shadings saka ako natapos. Pinakawalan ko ang pigil na hininga saka pinunasan ang nag-excess na ink sa balat. Nang makuntento ay tumayo na ako.

"Okay na, kuya." Tinanggal ko ang plug sa power supply at nirolyo ang wire.

Gumising na si boy tulog at tinignan ang gawa ko sa malaking salamin na inookupahan ang buong isang pader.

"Ayos..." aniya.

I should just be contented with this. Iyong nasa-satisfy ang mga customers sa gawa ko, dapat kuntento na rin ako. It's a fulfillment to have done your part very well lalo na kapag nag-iiwan sila ng tip.

Kung ano mang kahulugan nila sa pagbibigay nun, para sa akin ay nagustuhan nila ang ginawa ko. That's an indirect compliment. I've done the job way beyond their expectations.

Hindi man kalakihang trabaho ang pagta-tattoo, sa simpleng bagay na nangyayari ay may magiging impact naman sa buhay mo. You hear their stories. You learn lessons. It's not solely on how monumental or modest the job is, it's on the experience, the environment and on how it would influence you.

Lumabas na ang customer at narinig ko ang pagbabayad niya kay Charlie.

Ngayong wala akong ginagawa at hindi masyadong okupado, mas napagtutuunan ko ang aking panghihina. Mukhang galing ako sa sakit dahil sa panlalambot ng aking mga buto. Crying is exhausting.

Sa fading in effect bilang pagtatapos ng kanta sa stereo, pumalit ang lagapak ng pinto ng kotse. Sumilip ako sa bintana, inaasahan ang bagong dating na customer. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang paglabas ni Jaxon sa Tesla sabay tanggal sa kanyang clubmasters.

Sa isang iglap ay iniwan ko ang aking ginagawa at walang pagdadalawang isip na lumabas ng workroom.

"Charlie! Sabihin mo wala ako!" taranta kong sigaw.

Bago pa maisaboses ni Charlie ang pagtataka ay matulin kong pinasok ang cr at kinabit ang lock. Wala pang limang segundo ay tumunog na ang chimes sa entrance.

Nabibingi ako sa sarili kong mga hingal. Hanggang sa aking ulo ay nararamdaman nito ang malakas na pagpukpok ng aking pulso. Labis ang pangangapa ko ng hangin upang ipakain sa aking baga.

Humina ang music ni Angelov kaya naririnig ko ang mga boses sa labas.

"Si Davina?" Sumabay ang tanong na ito ni Jaxon sa kalansing ng susi.

Niyayakap ako ng pananabik na muling marinig ang boses niya. Huminga ako nang malalim, tinatanggal ang pressure sa naninikip kong dibdib.

Matagal sumagot si Charlie. Bawat segundong katahimikan ay tila ba kakalmahan bago ang bagyo. Mariin akong pumikit, iniisip kung kailangan ko ba itong ipagdasal. Pamamaga ng aking mga mata ang aking naramdaman.

"Hmm...umalis, e." ani Charlie, kulang sa conviction ang tono niya.

Sa panghihina ng binti ko'y napasandal ako sa pader. Pinaypayan ko ang sarili sa init. Tumabas ang paningin ko sa bowl. Binaba ko ang lid at doon umupo.

"Saan siya umuwi kagabi? Galing ako sa tinitirhan niya. Walang tao."

Dinagdagan ng pahayag ni Jaxon ang kaba ko. Kailan siya nagpuntang bahay? Siguro kanina dahil wala naman akong namalayang may dumating na sasakyan kagabi. Kung meron man, tulog na ako ng mga oras na iyon.

"Alam mo ba ang bagong tinitirhan niya? Iyong katabi ng kay Angelov?" untag ni Charlie kasunod ang tunog ng pagtama ng ballpen sa counter top.

"Yeah... doon nga ako galing."

Okay. So kanina nga siya nagpunta. Hapon na rin naman kasi ngayon. Napuyat marahil siya kagabi sa party kaya matagal siyang nagising at ngayon niya ako nagawang hagilapin.

It's not that I'm expecting. I just know that this would be his next action and I don't get why! Bakit, Jaxon? Can you just stick to your girl? You know better than jumping from one girl to another!

"Lov, umuwi ba si Davina kagabi?" pasigaw na tanong ni Charlie. I imagined him being settled on the chair.

Sa simpleng tanong na iyon ay napangiti ako. How could I ever thank you, Charlie.

"Malay. Maaga akong natulog," walang ganang tugon ni Angelov. Mas lalo akong napangisi.

Akala ko ay doon na iyon hihinto. Kinabukasan ay bumalik muli si Jaxon at sa pagkakataong ito, umaga na siya nagpunta. Nagtago ulit ako sa cr at nakinig sa mga pang-uusisa niya sa kaibigan ko.

"Hindi ko siya makontak sa cellphone. She's switching it off, I guess. Same number pa rin ba ang gamit niya?"

Inuusig ako ng guilt sa naringgang pag-aalala galing sa kanya. Sa labis na impact nito ay nagsilang ng luha ang mga mata ko.

Please stop this, Jaxon. Kaibigan mo lang ako! Hindi mo ako dapat hanapin nang ganito. Ayaw kong umabot ang araw na magpapadikit ka na ng mga missing person posters.

Nasundan pa sa pangalawang araw ang pagpunta ni Jaxon. Kambal ang eksena ngayon at kahapon; Jaxon asks, my friends deny, then aalis na siya.

Inuusisa na nga ako ni Charlie sa pinapagawa ko sa kanila.

"Kailangan ko lang umiwas," ani ko habang gumuguhit ng tattoo design sa sketchbook.

Sobrang lutong ng kinakaing chippy ni Charlie. Nakaupo siya sa dulo ng paa ko. We're in the bench. May customer naman ang high ngayong si Angelov.

Hinahayaan ko na siya sa kanyang bisyo . He's got all the hype before doing the procedure. Hindi naman niya kami sinasaktan. Maybe mild lang ang hinihithit niya kaya masasabi kong may sanity pang naiwan sa kanya.

Nag-aalala pa rin kami dahil sa batas ngayon. People like Angelov are in danger. Sinabi ko ngang sumuko na lang siya kesa bala pa ang tatapos sa kahibanagan niya.

"You can't avoid him forever, Vin. He won't stop until he finds you."

Huminto ako, pinoproseso ang sinabi ni Charlie. Tama, hindi ko ito magagawa habang buhay. We can't avoid a situation that needs a confrontation. Hahabulin at hahabulin tayo dahil hindi nila maintindihan at kailangan nating ipaintindi.

I'm not good in words. Sometimes, I just really rather avoid and cultivate my vow of silence.

"Mapapagod din siya..." Hindi ako naniniwala sa sarili kong salita. Malaki ang parte sa loob kong salungat ang mangyayari.

"I highly doubt it."

I ignored Charlie's statement. Kailangan kong paniwalain ang sarili upang mapanindigan ang mga salita ko. Doon, maiilibing ko ang aking kutob.

Hindi ako makapaniwala na umabot ng dalawang linggo ang pag-iwas ko. Kailangan ko pang magbalik tanaw kung tama ba ang aking bilang. And it is. Two dragging weeks!

Tumatanggap lang ako ng customer kapag nakaalis na siya. Ngunit habang wala pa, ay gumagawa ako ng mga designs sa aking sketchbook.

May iba na sa daliri lang nagpapa-tats at saglit lang gawin so kinukuha ko na lalo na't puno ang sched ni Angelov at minsan, nagse-session pa siya.

Tinatakpan ko ang aking bibig at ilong sa amoy ng sigarilyo rito sa cr. Puwersahan ang pagpapalabas ko kay Angelov na umuusok pa ang bibig nang marinig kong muli ang busina ng Tesla.

Hinawi ko sa isang kamay ang lumulutang pang usok na pinapahapdi ang aking mga mata.

"Wala ba talaga kayong alam? Pumapasok pa ba siya rito? It's been weeks!" Hindi na maipagkakaila ang matinding frustration niya. If I have to rate it, it would be an 11/10.

Paano pa kaya kung makikita ko na siya? Sa expressive niyang mga mata, hindi malabong bibigay ako.

Tinatatagan ko ang aking sarili. Hindi ako lalabas. Hindi ako magpapakita. Dikit na dikit ang boots ko sa sementadong sahig ng cr.

"Nandito siya kanina, pero saglit lang. Umalis din agad," agarang dahilan ni Charlie, nasanay na. Actually, na-rehearse na namin ito.

"Saan ba kasi siya nagpupupunta? May iba ba siyang trabaho?" iritadong tanong ni Jaxon.

Namamawis na ang bibig ko sa likod ng tumatakip kong kamay. Inalis ko saglit ngunit naamoy ko pa rin talaga ang usok. Pakiramdam ko nagiging high na rin ako. Would the smoke numb and elate my feelings, too?

"Baka nag-apply," kaswal ang tono ni Charlie.

Mabuti na rin na hindi sila nangulit pa sa pang-uusisa. Kung ano ang sinagot ko sa mga tanong nila, hanggang doon na lang iyon. Tuldok na. They're guys, they're not that curious unlike us girls na palaging humihingi ng updates at may follow-up questions pa.

But there's always an exception.

"Iyong kakalabas na customer, kanino iyon?" Mariin na ang pang-uusisa ni Jaxon. He's in his inquisitive mode.

I almost forgot what course he took and aced upon. Heck! Cum Laude iyan!

"Kay Angelov," muling tugon ni Charlie na walang iniba sa tono.

Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nagpupunas ng counter top? How was he able to dodge Jaxon's inquisitive stare at him?

Maingat at misteryoso ang mga yapak na sumunod. It's Jaxon's. I could see his ETQ Amsterdam sneakers in my Jaxon-induced mind. Naka-tsinelas lang kasi sina Charlie at Angelov.

Nahigit ko ang aking hininga sa paghinto ng hakbang sa harap. Tumama ang ilong ko sa pinto nang hinarap ko ang aking mukha roon. It's as if I could see Jaxon on the other side of this door.

Inangat ko ang aking kamay at nilapat sa pinto saka sinandal ang aking noo. Kung nandiyan ka man sa kabilang gilid, Jax, nandito ako. Ganito tayo, may pader. May harang. May guhit. Hanggang dito lang ako, hanggang diyan ka lang.

Sana maisip mo ito bago ka gumawa ng bagay na ikasisira niyo ni Gwyn.

Bumuhos ang tubig ng katahimikan sa buong tattoo parlor, ngunit hindi nito nagawang lunurin ang preso kong puso na bumabangis ang kagustuhang kumawala.

Ramdam ko ang kaba ni Charlie sa hindi niya pagsasalita. Pawis na pawis na ako rito sa loob. Hirap akong makahinga sa tikom kong bibig kaya umawang ako at huminga ng malalim.

"His workroom is clean, while Davina's nook is...unorganized..." Nanghihingi ng sagot ang pahayag ni Jaxon.

Mariin ang huling salita, binibigkas nang maigi ang bawat pantig. Parang kabilang ako sa pinaparinggan niya!

I knew he would notice. May tinatakan ako kaninang initials sa likod ng kanyang daliri. It's just a prompt procedure kaya kinuha ko na. Bago pa ako makapag-ligpit ay dumating na siya at nagmadali kong hinigit si Angelov palabas at pumasok ako rito sa cr.

Iniba-iba naman kasi niya ang oras ng pagpunta rito, making his visits unpredictable.

Pahila ang ingay ng tsinelas ni Charlie. "Workroom ni Davina ang ginamit ni Angelov."

"Why?" Jaxon asked, quick and curt.

"Ewan ko. Angelov, ba't mo gamit kay Davina?"

"May kurtina. Kailangan ng privacy ng customer ko!"

Pinagpasalamat ko ang katalinuhan mo, Angelov. Pero sana doon ka nalang nanatili sa workroom ko para mas kumbinsido!

"I'll wait for her," malamig ang boses ni Jaxon. May mga yapak ulit ng sapatos saka lumangitngit ang bench tanda ng kanyang pag-upo.

Please sana minuto lang ang itatagal mo, Jaxon. Huwag mo nang paabutin ng oras. Baka adik na ako paglabas ko ng c.r.

Kumakalma na ako rito sa loob ng banyo, hinihintay lamang ang pag-alis niya. Ang kaunting silip ng ilaw ay galing sa maliit na square window sa pinakataas na pader. Hindi pa umakyat lahat ng usok roon. Sementong bakod ang bubungad sa labas at sa likod ay ang mga bahay ng subdivision.

"Can I use the restroom?"

Fuck! No!

Nilingon ko ang direksyon kung saan sa tingin ko naroon si Jaxon. Sa nanlalaki kong mga mata, nakikita ko siyang mapaghinalang nakatitig ng diretso rito. Kung nalaman man niya, paano? O baka hinala lang?

Buong mukha ko na ang aking tinatakpan habang papalapit ang mga yabag niya. Humihigpit ang pulupot ng lubid sa tiyan ko.

Pinagpipilian ko na ang una kong gagawin sa pagbukas ng pinto. Lalabas ako't tatakbuhan siya na pumapangalawa sa pagtatago, o ididikit ang mga paa ko rito't aarte na parang walang nangyari.

Tiningala ko ang square window. Ulo ko lang yata ang makakalabas diyan.

Impit ang tili ko nang bumukas ang cr. Handang-handa na ako sa pagsabog ng puso ko kung hindi lang si Angelov ang pumasok. Nakasubo ulit siya ng sigarilyo. Hindi ko napigilang magmura.

Yayakapin ko na sana siya nang sinilaban niya ang sigarilyo. Inis kong pinatid ang paa niya. Tinumbasan niya ang inis ko. Halos malaglag ang sigarilyo sa bibig niya nang gulat siyang umawang.

"Ipapakita mo pa talaga sa 'kin na gumagamit ka?" marahas kong bulong.

Inirapan niya ako at tinuloy ang pagpapa-usok. Lumubog ang pisngi niya sa ginawa. Nahulog ang hibla ng buhok niya sa kanyang mata.

"Ikaw na nga tinutulungan." Tumango siya sa labas. "Wala na siya."

Sandali akong napatigil, hindi alam kung papaniwalaan siya. "Hindi siya natuloy?"

Tinanggal niya ang sigarilyo at kinalaykay sa kamay ang humaharang niyang buhok sa noo. His eyes are moist.

"Nasa harap na siya, nakatayo lang. Mukhang walang balak buksan ang pinto kaya inunahan ko na."

Tinitigan ko pa si Angelov, hinihintay na may idudugtong ngunit humantong iyon sa pagtataka. He hesitated? Why? Hindi sa gusto kong pumasok siya pero nagtaka lang ako kung bakit siya nag-alinlangan.

Lumabas na ako at ginhawang nakahinga. I could smell his perfume mixed with his manly scent right where I think he stood. Makasarili ko iyong nilanghap hanggang mabaon ito sa aking alaala at ugat ng aking sistema.

Nasa gilid ako ng bintana at hinawi nang kaunti ang manipis kong puting kurtina. Nakatayo pa rin siya sa gilid ng kanyang kotse, sinusuri bawat parte ng tattoo parlor na para bang naghahanap siya ng butas na maaari kong pagtaguan.

Humantong ang mga mata niya sa bintana kung saan ako nagtatago. Nagtagal ang tingin niya na parang alam niyang nasa likod lang ako't pinapanood siya.

Binabalot ng hapdi ang dbdib ko na gusto ko na lang lumabas at yakapin siya ng sobrang higpit. I imagined him hugging me back. So tightly. Iyong tipong ayaw na niya akong bitawan. At hinahalikan niya ang buhok ko, binubulong ang pangalan ko...desperado at nagmamakaawa.

Hinihila na ako ng pagsisisi sa mga ginawa ko nitong nakaraan. Hindi dapat. Wala ako dapat pagsisihan kung umaayon ang kalahatan na ito ang mas tama.

Hindi ko makukuha lahat sa mundo. Palagi ko namang hindi nakukuha o naaangkin lahat ng gusto ko kaya dapat nasanay na ako. Sanay nang hindi nakukuha ang pagmamahal ng aking ina. Sanay nang wala ang ama. Sanay na sa lahat at dapat hindi na tinatablahan pa.

Pero bakit ito? Ito lang yata ang kaisa-isang bagay na kahit maging isang katuparan man ay ayaw ko ng humiling pa ng iba. Iyong isang bagay lang na iyon, sapat na.

I can be brave. I can fight for him. Ngunit paano ko siya maipaglaban kung may mahal naman siyang iba? Mahal siya nito pabalik. I can't make him love me. Hell! I'm not even lovable, or likeable, in the least.

Sa ngayon ay pagtatago muna talaga ang magagawa ko. It's immature. It's pusillanimity. Fine, I don't care. Umiiwas lamang ako, dahil si Jaxon, matigas ang ulo. He doesn't want to stay away it's like his friendship with me is a bonus lifeline that he must keep a firm hold of.

Malungkot at bigo siyang nag-baba ng tingin. Igting ang panga niya habang tinititigan ang isang halaman doon. Ilang mga pagkurap niya ang binilang ko bago niya sinuot ang clubmasters at pumasok na sa kanyang kotse.

Pagkaandar ay hindi agad iyon umalis. Kung tatantiyahin ko malamang mga limang minuto pa siguro ang tinagal bago siya tuluyang sumibad.

"Hindi ka ba talaga magpapakita sa pinsan ko?"

Saglit ko lang sanang bubuhayin ang phone kinagabihan at tignan ang mga messages nang bumungad ang itong tawag ni Denver.

Hindi ko alam kung may alam siya tungkol sa paghatid sa akin ni Riley noong party. But then, I didn't bother ask. It doesn't matter kung malaman ko o hindi. It would only lead to nowhere.

"Hindi niya ikakamatay kung wala ako. We're just friends," pagod kong sabi.

Inookupa ng buong katawan ko ang aking kama. Inaalog ko ang namamanhid kong braso na pinanghawak ko sa tattoo gun.

"My cousin is a fucking disaster right now! Akala ko nga nag-break sila ni Gwyneth." Sobrang ramdam ko ang kagustuhan ni Denver na magwala.

Ba't ba ang init ng ulo niya ngayon? I missed his cheerfulness.

"Baka naghiwalay nga..." nanghihina kong sabi, hindi alam kung matutuwa o malulungkot. More on guilty siguro.

Malay ko ba. Dapat wala akong pakialam. Ngunit dinaplisan ng malasakit ang puso ko sa maaaring mararamdaman ni Jaxon kung sakali. Will he finally cry over someone?

"You know what he told me? Hindi ako pinapansin ni Vinnie...tell me what did I do? May nagawa ba akong mali? What should I do? And blah blah blah!" Bigo siya sa paggaya ng boses ni Jaxon. "It's not that I don't give a zero fuck, but damn it all to hell! What's the motherfucking problem with you two?"

"Wala! Busy ako, iyon lang. Bye!"

Puro pagmumura ang nakukuha ko sa kanya kaya binaba ko na ang tawag!

Kahit may nararamdaman ako sa 'yo Jaxon, naiinis ako! Huwag mo na lang kasi akong hanapin. I want this friendship to stop! To be honest.

To confront this would be eminently painful. To ignore and hide is the closest thing to being safe possible. Hindi na nga ganoon kaganda ang buhay ko, mas sisirain ko pa dahil sa isang kalye na pag-ibig na ito.

Love was never the priority for me. Presently, it changes. And holding the first place is love's ever-loving company.

Nabigla ako sa muling pagtunog ng cellphone dahilan upang hindi ko sinadyang mapindot ang 'accept' keypad.

Numero lang ang naka-register. Kumakabog na ang puso ko kahit hindi pa man nakalapat ang phone sa aking tenga.

"Hello?"

Walang sumagot. Dinungaw ko kung on-going pa ang tawag. Tumatakbo pa naman ang minuto kaya binalik ko ulit ang cellphone sa tenga ko.

"Hello, sino 'to?" Nakatitig ako sa glow in the dark sa aking kisame habang hinihintay ang sa kabilang linya.

"Kailangan ko pa palang mag-iba ng number para lang makausap ka."

Binahagian niya ako ng lamig sa naging tono niya. Binuhos niya ang nagyeyelong boses sa akin. Nakabahid din doon ang kabiguan at lungkot.

Tila gumagalaw ako sa kama, sinasali ako sa mabilis na pagkarera ng puso ko. Nag-uunahan sila ng aking hininga.

"Jax..." Naging hangin ang pangalan niya sa bibig ko.

"Anong problema, Davina? Nasaan ka ba? Wala ka sa bahay mo, hindi kita maabutan sa parlor. You didn't answer any of my fucking calls!"

Nanindig ang aking balahibo sa galit niyang boses. Hindi ko maintindihan kung bakit siya galit. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ikinakagalit ito!

Huminga ako ng malalim. Umupo na ako sa kama dahil sa mas lalong dumadagang bigat sa aking dibdib.

"Ano ba kasi kailangan mo?" Sintigas ng pader ang boses ko.

"Dapat ba may kailangan ako sa 'yo para maging dahilan kung bakit kita hinahanap? Two fucking weeks, Davina! Ikaw ba? Kung ako hindi magpapakita sa 'yo ng dalawang linggo, hindi mo ba ako hahanapin?" Kinulayan niya iyon ng pang-aakusa.

Lulubog na yata ang baga ko sa pagkalunod sa hangin. I took another deep breath.

I don't know, Jaxon. Wala akong maisip kung 'di ang pangangailangan kong maintindihan ito lahat. You really don't have to do this. This is not your responsibility. You don't...

"Bakit ka naman hindi magpapakita?" Halos naging bulong iyon.

Walang kaamor-amor siyang tumawa. Malakas ang radar ng inis doon.

"Malay ko. Ikaw? Bakit, Davina?" sarkastiko niyang tanong.

Ngiwi kong iniwas ang phone sa tenga ko sa lakas ng boses niya. Oo, alam kong galit ka, Jaxon.! Hindi mo na kailangan i-expound sa mga pasigaw mong salita!

"Busy."

"Hah! That's bloody bullshit," malutong niyang mura. "Where are you?" I heard a growl escaped from his throat.

"Wala ako sa bahay, huwag mo akong puntahan."

"Well atleast let me know why you are avoiding me! Anong ginawa ko? Hindi ko maintindihan! Did I do something wrong? Tell me! Mababaliw na ako, Davina..."

Kinalabit ang kwerdas ng puso ko ng pagsusumamo sa kanyang boses.Iyong desperasyon at frustration niyang pinagtambal dahilan ng muntikan ko nang pagsuko. Sinapo ko ang kaliwa kong dibdib, hinihintay madama ang pagpigtas ng kung ano roon.

Imbes na patakasin ang hikbi ay hinanda ko ang sarili sa pagpapakawala ng kinikimkim kong galit sa sarili. Galit sa sitwasyong kinabibilangan ko.

"Stop being clingy, Jaxon! Kaibigan mo lang ako! Hindi ako ang girlfriend mo kaya siya ang kulitin mo! Siya ang problemahin mo! Huwag ako!"

There! Sumabog na ako at hindi na mapigilang sigawan siya pabalik.

Tulad ng kay Denver ay pinatayan ko rin siya ng tawag. Siguro kung mag-aakto akong galit sa kanya ay lalayo na siya. Ganon nga! Dapat matagal ko na itong isinagawa.

Number:

Tell me you're okay. Kahit iyan lang muna ang malaman ko mula sa 'yo.

Trinaydor ako ng luha ko nang mabasa ang mensahe niya. Naririnig ko ang lungkot ng boses niya. Nanginginig ang kamay kong nagtipa ng reply.

Ako:

I'm okay.

Laking pasalamat kong hindi ito tawag.

Number:

Are you sure, Vin?

Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa pagharang ng luha. Nilunok ko ang bumabara sa aking lalamunan at suminghot. Sa nanginginig kong kamay, maikling sago t ang tinipa ko.

Ako:

Sure.

Number:

Talaga bang okay ka?

Hindi ako nag-reply. Pumagilid na ako't binalot ang mukha ko sa aking unan at humagulhol sa pinaghalong mga dahilan. Lahat lahat na yata ay iniiyakan ko na.

Huli na 'to, pangako. Huling buhos na ito. Kung iiyak man ako sa susunod, sana ay hindi na dahil sa kanya. Sa ibang lalake naman.

Hindi nagtagal ay tumunog muli ang phone. Hirap akong huminga dahil sa bumabara sa aking ilong. Inalis ko ang dumikit na buhok sa aking mukha saka kinuha ang phone upang mabasa ang panibago niyang mensahe.

Number:

I knew it! You're not. Fuck this, Vin. Pupuntahan kita!

Umiling ako at pabagsak na binaon ang aking mukha sa unan. Dahil alam kong sa oras na dumating siya, hindi ko siya pagbubuksan ng pinto.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro