Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

THIRTEEN

"Salamat po, kuya!" ani ko sa customer na kakatapos ko lang gawan ng tattoo. Ito 'yong sinuyo sa 'kin ni Angelov na hindi ko alam kung anong lakad ngayong umaga.

"Salamat din!" aniya, saka lumabas ng workroom kasama ang girlfriend.

Inaayos ko na ang aking mga gamit at nilinis ang karayom ng tattoo gun. Pakiramdam ko kapag titigil ako ng isang linggo sa pagta-tattoo ay kakalawangin ang aking kakayahan. So as much as possible, mga tatlong beses sa isang linggo ay kailangan kong gumuhit.

Wala pa rin ako naging desisiyon sa iginigiit ni Tori sa pagpunta ko sa acquaintance party mamaya. Bakit ba kasi de-costume pa? Pwede namang semi-formal katulad ng nakaraang mga taon.

Nasa kalagitnaan ako sa pagbabalik ng mga ink sa tattoo kit ko nang makarinig ng busina. Sumilip ako sa bintana at nakita ang hindi pamilyar na black pick-up truck sa harap ng tattoo parlor.

Tumunog ang chimes sa entrance kaya nasabi kong lumabas si Charlie. Lumabas na rin ako. Hindi ko pa tuluyang nabuksan ang pinto nang marinig ko ang malakas niyang tawa.

Niluwa ng pinto sa driver's seat ang ngising-ngisi na si Angelov. Sinara niya ang pinto at sumandal doon sabay halukiphip. Kinuha niya ang kanyang clubmaster saka nagtaas-baba ng kilay sabay kagat sa earpiece ng sunglasses niya.  Ang yabang ng loko!

"Paano mo iyan nabili? Sinong pinagbentahan mo ng kaluluwa mo?" sigaw ko sa aking tanong.

Sabay kaming lumapit ni Charlie kay Angelov at sa bago niyang sasakyan. Kanya-kanya kaming suri rito. Nagpunta ako sa harap at nakita ang kulay pulang GMC logo sa gitna ng dalawang headlights.

Bumalik ako sa gilid ng sasakyan kung saan sila nakapwesto. Sumilip ako sa tinted na bintana. Walang babae.

"Ang ganda...hulog 'to?" tanong ni Charlie, hinihimas ang gilid na parte ng sasakyan sa likod.

Tumango si Angelov, kinakabit ang clubmaster sa collar ng kanyang V-neck. "Malaki kaya kinita ko sa pustahan sa race."

"Kaya dito mo ginamit? Paano na gamot ng mama mo?"

Tumawa si Angelov. "Iyon kaya una kong binili!" Hinaplos saka tinapik niya ang hood ng kanyang sasakyan, para bang proud na ama sa kanyang anak ang turing niya rito."Gagamitin natin 'to papunta sa party mamaya."

"Pupunta talaga kayo?" bigo kong tanong. Kung sasama sila, ako lang pala rito mag-isa mamaya.

Kapwa nila ako nilingon na parehong nagtataka ang reaksyon.

"Hindi ka pupunta?" Sinundot ako ni Angelov sa tagiliran "Sama ka, Vin! Ano ka ba."

"Libre pagkain doon," ani ni Charlie.

Nagtawanan kami. Pinapagitnan nila akong dalawa kaya naipit ako sa ginawa nilang pagha-high five.

Tinignan ko ang aking boots na parang doon ko dinidepende ang aking desisiyon.. Bakit nga ba ayaw kong pumunta? Sa ngayon dinadahilan ko muna ang katamaran. Sa mga nakaraang taon naman ay dumadalo ako.

"Punta ka na, Vin," panghihimok ni Angelov. "Mawawala rin iyang pagiging wala sa mood mo. Maganda ngayon kasi last na natin. Pinaghandaan talaga ng student council ang event mamaya."

Nilingon ko siya. "Ba't mo alam?"

"Ka-fling niya iyong president ng S.C.," deklara ni Charlie.

Muntik na akong magmura at binatukan si Angelov na hagikhik na umiwas sa mga sapak ko. May kiliti siya sa tagiliran kaya doon ko siya sinundot. Napahiga na siya't namimilipit habang tumatawa. Pinagtulungan namin siya ni Charlemagne.

Pagkapatak ng hapon, nakumbinse na nila ako miski si Tori na nakailang missed calls. Maaga kaming nagsara sa tattoo parlor. Dito ko kasi naisipang maghanda imbes na sa bahay. Dadaanan nalang kami nina Angelov dito mamayang alas sais at iyon din ang oras ng pag-alis namin.

Dumating si Tori bandang alas kwatro dala ang costume. Pawisan siyang pumasok sa tattoo parlor at siya lang mag-isa. Tinanaw ko ang pag-alis ng taxi na sinakyan niya. Siguro susunduin pa namin si Nolan mamaya. I'm not sure.

"I'm so sweaty! Kailangan kong maligo..." Halos masira ang mukha niya sa labis na pagkalukot nito. Binagsak niya ang dalang malaki at matabang  bag sa bench.

"Nandoon ang cr." Tinuro ko ang banyo. "May sabon na rin diyan at shampoo."

Dito rin kasi ako minsan nago-overnight kaya nilalagayan ko na rin ng mga toiletries ang banyo. Ayos lang naman kina Charlie.

Binuksan ko ang bag at hinalughog ang mga damit doon. "Saan  dito ang sa 'kin?"

Inalis ko ang aking kamay sa bag niya nang umupo si Tori sa tabi nito at hinayaan siya ang maghanap sa damit. Nilabas niya ang isang itim na leather suit.

Tinanggal niya ito sa pagkaka-tupi at pinakita sa 'kin ang kabuuan ng costume. "Catwoman suit!"

Kinuha ko ito at sinuri. "Binilhan mo talaga ako ng costume?"

Bahagya siyang tumawa at kinumpas ang mga kamay.

"No...ginamit ko iyan noong nag trick or treat kami sa U.S. I thought it suits you dahil bagay sa slim figure mo. Hindi na kasi kasya sa 'kin. Alam mo na...I'm not slim anymore."

Pinasidahan ko siya. Tori is curvy, saka malaman, but definitely not fat. Ang buhok niyang parang araw-araw na pinapa-parlor ay isa sa kanyang mga asset maliban sa sagana niyang dibdib. Tatlong pulgada yata ang tangkad ko sa kanya which is tama lang sa figure ng kanyang katawan.

"Ano ka?" tanong ko, binaba na ang costume.

Masigla tumayo si Tori at patalon-talon na tinungo ang banyo.

"I'm going to be Harley Quinn! And Nolan's the hot joker." Pinakita niya sa 'kin ang malawak niyang ngisi bago sinara ang pinto ng banyo.

Napatango ako. Bagay...sobrang bagay.

Muling bumukas ang pinto at niluwa ang ulo ni Tori. "Use my boots na rin, bagay sa suit iyon."

Sinara niya muli ang pinto at sumunod ang ingay ng pagragasa ng tubig. Tumili si Tori nang binuhusan na niya ang sarili. Natawa ako sa kanyang kabaliwan. Bagay nga talaga siyang maging Harley Quinn.

Umihi muna ako bago ko sinuot ang costume kasi pakiramdam ko mahihirapan akong magbanyo mamaya. Ngayon pa lang, naisipan ko nang hindi uminom ng maraming liquids; Softdrinks, tubig...so that means no alcoholic drinks?

Sinimulan ko nang mag-make up. Ganon pa rin, dark pati na ang lipstick para terno. Sunod kong sinuot ang pagkataas-taas at tulis na takong ng boots.

"Makakapatay yata ako ng ipis nang hindi sinasadya sa tulis nitong takong, Toreng!" bulalas ko.

Humalakhak siya habang inaayos ang kanyang net stockings. Tumayo siya at nilapitan ako rito sa harap ng full body mirror. Gamit namin ang workroom ni Angelov dahil mas malapit lang sa mga pinaglalagyan ng mga gamit.

"Your kilay is goals, it's so Cara Delevingne. I-emphasize mo 'yan, Vin." Tinitigan niya ako sa salamin.

"Sino naman iyon?" Inayos ko ang pagkaka-guhit ng aking eyeliner, making my eyes more cat-like.

"Ay, hindi ka nga pala nanonood ng tv! Nevermind, ako na ang magkikilay sa 'yo."

Pagkatapos akong kilayan ni Tori ay sinuri namin ang aming mga ayos sa salamin. Bulgar ang makinis niyang binti sa sobrang ikli ng kanyang shorts. Pulang-pula ang may kalakihan niyang labi.

"Papapasukin kaya tayo nito?"

Bahagya kong inadjust ang parte ng aking dibdib dahil kitang-kita ang cleavage ko. The suit has a plunging neckline!

"We're in our costumes, so siyempre papapasukin tayo. And besides, our school is not a Catholic School," ani ni Tori.

Sinuot ko ang cat ears na kasali rin pala sa costume ko. Hinayaan ko na ang maikli kong buhok sa ayos nito. Nagse-selfie na sa tabi si Tori habang hinihintay namin ang pagdating nina Angelov.

Minuto lang ang tinagal bago may bumusina sa labas. Una kong pinalabas si Tori dahil magla-lock ako ng pinto. Cellphone ko lang ang aking dinala na iiwan ko rin mamaya sa sasakyan dahil walang bulsa ang suit.

"Babe!"

Galing sa likod ng pick-up ni Angelov ay bigla na lang tumalon si Nolan na naka-Joker costume na. Sinalubong niya si Tori na malugod na tinakbo ang distansya nilang dalawa. Tumalon siya at sinalo ni Nolan saka binuhat.

"What the fuck, babe?" Hindi makapaniwala si Nolan sa nakita. Who could blame him? Tori is looking great being Harley Quinn!

Humahagikhik si Tori na sobrang pulupot ng mga binti sa baywang ng nobyo.

Siniko ko si Charlie na tahimik silang pinagmamasdan. He's in his suit. CEO costume? Pati buhok niya ay napaka-pormal! Parang a-attend lang ng business meeting.

"Ano ka?" tanong ko.

Hinila niya patungo sa 'kin ang kanyang simangot galing sa nakitang tagpo nina Tori at Nolan.

"Embalsamador ni Angelov. Dracula siya ngayon."

Humagalpak ako at kinaladkad pa ito hanggang sa pagsakay namin sa pick-up. There I saw our driver na gulong-gulo ang buhok at naka-insert ang crisp white button down sa itim nitong skinny jeans.  Katabi niya ang kanyang itim na cape.

Nang siya'y lumingon, kita ko ang trace ng black eyeliner sa kanyang mga mata.

"Dracula ka, Lov? Saan na pangil mo?" tanong ko. Lumalayo na kami sa subdivision.

"Natural na 'tong pangil ko. And girls dig this."

Pinakita niya ang kanyang ngipin. May kaunting tulis nga sa magka-pares na canine parts ng kanyang ngipin. Ito ang kadalasang pinangkakagat niya sa kaniyang piercing. So I think hindi na niya kailangan ng fang props.

Alas siyete ang start ng event. Ngunit sa kada taon naming pagdalo sa party, alam na naming hindi ito agad-agad magsisimula. Kadalasan mga seven thirty o forty five pa bago magsimula ang program.

Maingay kami sa buong biyahe. Naghalo ang pinapatugtog na rock songs ni Angelov sa mga boses naming nagtatawanan at asaran. Hindi ito napawi hanggang sa pagdating namin sa hotel na pagdadausan ng party.

Nag-retouch kami ni Tori bago bumaba ng sasakyan. Kasabay namin ang ilang nagsibabaan sa sinasakyan nilang mga taxi.

"Tignan mo si Angelov, pinipilahan na," ani ni Charlie sa gilid ko. Nakasandal kami pareho sa isang cylindrical pillar.

Bumaling ako sa photo booth at natunghayan ang dami ng mga babae roon. Meron pang sa kabilang section at ibang course. May isa doong nagpapakuha ng picture na kinakagat siya ni Angelov sa leeg. Duguan na ang babae, si bloody mary yata siya.

"Dapat rito kay Angelov ay rockstar. Mas mukha kasi siyang rakista dahil badboy ang dating niya," komento ko. Pati paraan ng paglalakad niya ay ganoon rin ang dating.

"Anong klaseng costume? Pina-Elvis Presley? Pagtatawanan ko iyan kapag nakita kong nagsusuot ng namumukadkad na pantalon!"

Napahalakhak ako sa sinabi niya. Dumami pa ang mga dumumog sa kaibigan namin sa booth.

"Kagatin mo ako, Angelov!"

Ningisihan ni Angelov ang bagong dating na babae na dati ko nang napapansing umaaligid sa kanya. Nangingisay siya nang kinagat na siya kunwari ni Angelov. Kinombulsiyon bigla! Kulang na lang may lumabas na bula sa bibig nito.

Ilang sandali pang pa-picture ay pumasok na kami sa pinaka-entrance at binigay ang mga passes namin upang matatakan. Ibang-iba ang setting ng event kumpara sa mga nagdaang acquaintance party. Mukha nga talagang pinaghandaan dahil bongga ang mga displays.

Binalot ng makukulay na balloons at kisame at ang lights ay nanggagaling sa walls. Nakalinya na ang mga pagkain sa mahabang mesa at may bilugang mga mesa na pinapalibutan ng mga tigwa-walong silya.

Tumungo kami sa may bakante. Sobra ng tatlo since lima lang kaming magkakasama.

Handang-handa na rin ang stage sa harap para sa mga presentations at pageants. May espasyo rin sa gitna para sa disco mamaya.

Hindi pa agad nagsimula ang program kaya humaba ang oras namin sa daldalan. Marami pang mga introductions at presentations bago sinimulan ang pinaka-highlight at ang tanging pinunta rito ni Charlie, ang kainan!

Wala ako masyadong kinain dahil baka mapunit ang catwoman suit sa kabusugan ko. Naki-share nga lang ako ng plato at patikim-tikim lang sa mga dessert.

Ikalawa sa dinner, pinakamatagal natapos ang pageant. Panalo ang babaeng classmate nila Charlie at ibang course naman sa lalake. May isang presentation para sa mga teachers saka sinadyang padilimin nang kaunti ang lights para sa pagbubukas ng dance floor.

"Ano, Charlie, kaya pa? Buhay pa ba ang puso mo?" pang-aasar ko sa kanya.

Bigong-bigo ang mukha niyang pinapanood ang intimate na pagsasayaw nina Tori at Nolan.

Determinado siyang tumango. "Kakayanin ko 'to."

"Utang na loob Charlie, sumuko ka na!" Hinampas ko siya sa braso. "Hindi na maghihiwalay ang dalawang 'yan."

"Dasal lang, Vin."

Tumawa ako. Ipagdadasal ang break-up ng mga couples na gusto mong maghiwalay? Tutuparin kaya ng Diyos 'yan?

"Maging playboy na rin kaya ako noh? Baka may magkagusto pa sa 'kin."

Muli kong binalingan si Charlie na sa isang direksiyon nakatanaw. Sinundan ko iyon nang tingin at nakitang kay Angelov naman siya nakatutok.

Dracula is grinding with an angel on the dance floor!

Pero kabi-kabila pa rin ang pumapaligid sa kanyang mga babae.

"Ba't ba palagi na lang ikaw, Angelov? Nandito ako girls! Pagbigyan niyo naman ang beauty ko! Si Angelov na lang ba ang lalake sa mundo?" taas-kamay na sigaw ni Charlemagne.

"May nagka-crush sa 'yo kaklase ko! Wait , tatawagin ko."

Hinanap ko ang classmate kong nagtanong sa pangalan ni Charlie kanina. Nakita ko siyang nakatayo malapit sa isang mesa kausap ang kaibigan. Ano ba 'yang costume nila, powerpuff girls?

"Miranda!" tawag ko, hinintay ko siyang lumingon. "Si Charlie o, pa-picture daw kayo."

Namula si Miranda at bigla na lang kumaripas ng takbo hila ang kanyang kausap. Napanganga ako.

"Nagkagusto iyon, Vin? Parang takot naman yata 'yon sa 'kin."

Medyo na-hurt ako para kay Charlie. Guwapo naman talaga ang kaibigan kong 'to, mahiyain nga lang kaya hindi nakaka-diskarte. Ewan ko nga kung nakaranas na 'tong manligaw.

"Nahiya lang siya, ano ka ba!" pampalubang loob ko sa kanya.

"Well, atleast may isa," kuntentong sabi niya. May lungkot nga lang na halo roon.

I understand what you feel Charlie, na minsan kailangan nating makuntento sa 'atleast'.

Pawisang bumalik ang magkaakbay na sina Tori at Nolan sa table namin. Hindi talaga mapaghiwalay ang dalawang 'to. Parang pati bituka nila ay magkadikit. Halos nagiging magkamukha na rin sila dahil palaging magkasama.

"Guys! Ngayon pala 'yong highschool reunion namin. Punta tayo! Open house naman, e," anyaya ni Nolan.

Nagkasundo kaming lahat na pumunta sa kabila ng oras. Lagpas hatinggabi na pero betarano na kami sa mga ganito. Minsan inuumaga pa nga.

Ngunit bago pa kami makaabot sa sasakyan ni Angelov ay biglang umatras si Charlie.

"Huwag na kaya? Masasaktan lang ako roon...alam niyo na..." mukha siyang kabado.

Kaming tatlo lang ang nakakaalam sa ginintuang pagmamahal niya kay Tori.

Sinakal siya ng akbay ni Angelov at dinala ito sa paglalakd niya. "Sus, ako bahala sa 'yo. Ihahanap kita ng babae doon!"

"Oy Angelov, baka makabuntis 'tong si Charlie dahil sa pinagagagawa mo," sermon ko sa kanya.

Pinanlakihan niya ako ng mata. "Nakabuntis ba ako?"

"Malay ko?"

Ngiwi siyang umiling. "Palaging doble ang ginagamit kong proteksyon Vin kaya hinding-hindi mangyayari iyang sinasabi mo."

"Tangina mo, Angelov," natatawa kong sabi, halos tadyakan ko siya.

Ganoon nga talaga siguro ang paniniwala ng mga katulad niya. As long as walang mangyayaring responsibilidad, basta't nagpapakasarap ay sige lang nang sige!

Pinipilit pa rin ni Angelov na sumama si Charlie. Tinutulak ko na siya habang hinihila siya ni Angelov ngunit nagmamatigas pa rin ang loyal naming kaibigan at nanatili sa kinatatayuan nito.

"Guys, okay lang kayo?"

Nahinto kami sa paglingon rito sa amin ni Tori. Medyo nalusaw na ang make-up niya sa pawis at nagmantsa na rin ang kanyang shirt dahil sa basa niyang buhok na nilagyan ng post paint na pink at blue.

"We're fine." Hinagis ni Angelov ang susi kay Nolan dahil siya naman daw ngayon ang magmamaneho. Pumasok na silang dalawa.

Samantala, pinagtutulungan pa naming itulak si Charlie papasok sa kotse. Akma kasi siyang tatakas upang mag-abang ng taxi sa labas.

"Charliemagno! Utang na loob mag-uumaga na! Bawal sa 'king maarawan!" Gigil na sigaw ni Angelov.

Pumasok ako sa kotse at mula roon ay hinila ko si Charlie habang tinutulak naman siya ni Angelov mula sa labas. Sa huli, nagawa rin namin siyang pasamahin.

"Whew!"

"Ayos na kayo?" tanong sa 'min ni Nolan, tinitignan kami sa rearview. Sandali kaming sinulyapan ni Tori.

"Ayos na!" sabi ko, mas umusog ako sa gilid upang bigyan ang dalawa ng espasyo.

"Let's go!" Angelov seconded.

Sabay naming nilingon ni Angelov si Charlie na nanatiling tahimik sa gitna namin. Tinapik ko siya sa balikat, tinapik siya ni Angelov sa hita.

"Ako bahala sa 'yo, brad," ani ni Lov. Lumarga na ang sasakyan.

Sa harap ng isang resto bar nag-park si Nolan. Puno ang buong lugar at marami pa ring naka-park na mga sasakyan. Uumagahin yata kami nito.

Hindi pa kami tuluyang nakapasok ay sinalubong na si Nolan ng mga dati niyang kaklase. Pinakilala niya kami sa kanila lalo na si Tori na hindi niya inaalis sa kanyang tabi.

"Astig ang bisita natin ngayon,a? Nandito ang suicide squad!" sabi ng kaibigan niyang lalake.

"Galing kasi kaming de-costume na acquaintance party," ani pa ni Nolan. Sinundan nila iyon ng kamustahan at biruan na nagresulta ng kanilang tawanan.

Masasabi kong they belong to the same flock together, mukhang mga playboy 'to noong highschool.

May bandang tumutugtog sa isang circular stage sa harap. I could smell cigarette and a whole lot of booze. May nakita rin ako sa isang bahagi ng resto bar na nagbi-billiards at videoke.

Sinusundan ko lang sina Nolan dahil wala naman ako ibang kakilala rito. Lumingon ako sa gilid ko at natunghayang wala na sina Charlie at Angelov.

Nilibot ko ang aking paningin at natagpuan sila sa may billiards at nakikipag-usap na sa mga chicks doon. May isang salita rin talaga 'tong si Angelov, e.

Alam kong magiging okupado sina Nolan sa mga highschool friends niya kaya naghanap na ako ng bakanteng silya. May balak sana akong uminom pero wala naman ako dalang pera. Aasa na lang muna ako sa libre ngayon.

Tinahak ko ang daan patungo sa nakita kong bakanteng upuan malapit sa stage. Medyo napapasayaw ako dahil sa pinapatugtog ng banda ngayon.

Liliko na sana ako nang may pumigil sa aking braso. Sa kaba at pagkabigla ko ay hinawi ko ang pagkakahawak niya but not before I heard the familiar baritone voice.

"Vin?"

Sa pag-angat ko ng tingin ay ganon na lang ang panlalaki ng naka-cat eye kong mga mata nang makita sa Jaxon.

Again? Why do we always meet in random places?

Hinahalughog ko sa aking isip ang mga rason...Nolan's highschool reunion, Jaxon's here...what's the connection?

Naghiwalay ang nagdugtong kong mga kilay nang masungkit ko ang dahilan.

Gwyneth. Classmates sila ni Nolan noong highschool. Fuck, ba't ngayon ko lang naisip 'to? E 'di sana katulad ni Charlie ay hindi na rin sana ako sumama!

Hindi rin naitago ni Jaxon ang gulat na makita ako. I blatantly checked him out. My eyes welcomed the comeback of his effortless messy fringe. Pansin ko ang bawas sa gilid ng kanyang buhok na siyang nagpadepina ng husto sa kanyang panga.

His sleeveless denim jacket with a hoodie made his broad shoulders look even stronger and powerful. And that wave on his biceps...

May hawak siyang bote ng beer. Kaunti pa lang ang bawas nito.

"Meow..." Ito ang tanging nagawa ko. It means you're hot, Jaxon.

Aliw siyang ngumisi. His eyes sparkled against the disco lights. Sana hindi niya nabasa ang kahulugan ng ngiyaw ko.

"It's you! Wow..." Pinasidahan niya ako mula boots pataas sa aking cat-ears.

Mukhang hindi siya makapaniwala na nag-apparate ako bigla sa harap niya. Napailing pa siya at awang ang kanyang bibig.

"Meow..."

Nabigla ako nang may bigla nalang umakbay sa 'kin. Naghalo ang amoy ng alak at matapang na perfume galing sa kung sino.

"Hey! Remember, Davina?" Tinuro ako ng nakaakbay sa 'king lalake gamit ng kamay niyang may hawak na beer.

Nilingon ko siya, and I meet the familiar face of  Denver. Namumungay na ang kanyang mga mata, mukhang kanina pa 'to umiinom. Ramdam ko rin ang bigat ng kanyang braso.

"Siya 'yung nag-tattoo kay Evan, di ba? Jax, dude! Ayaw ko na 'tong pakawalan!" Hinigpitan ni Denver ang akbay niya sa 'kin.

Biglang dumilim ang mukha ni Jaxon. I've never seen that dark look on his eyes before. It's cold. Like a murderer.

Sa 'di malamang dahilan ay napaatras ako. Sumama pa si Denver dahil nakahilig na ang mabigat niyang katawan sa 'kin.

"Not her, Denver. And you're drunk!" May talim sa pananalita niya, mukhang hinugot pa sa sikmura ang gigil sa kanyang boses.

"I'm not!" maarteng tanggi ni Denver. "Naka-inom lang, there's a difference. Come on mi chica!" Hinalikan ako ni Denver sa pisngi at giniya ako sa dance floor.

"Denver!" sigaw ni Jaxon. Hindi ko siya malingon dahil sa mahigpt pa ring pagkakaakbay sa 'kin.

"Sasayaw lang kami!" sigaw pabalik ni Denver. Humalo na kami sa mga nagsasayawang mga katawan.

I think I'm safe with Denver, wala naman akong nararamdamng kakaiba habang hinahawakan niya ang aking baywang. I'm sort of comfortable with him unlike my previous flings na iba agad ang pinapahiwatig.

Nilingon ko si Jaxon na nakabaon ang ulo sa kanyang mga kamay. In front of him is his empty bottle of beer. Ganon niya kabilis naubos 'yan? Is he that drunk already? Pang-ilang bote na ba niya? But he didn't seem drunk noong kausap ko siya kanina.

Napaigtad ako sa mainit na hininga na humahaplos sa aking tenga. Hindi ako makalingon dahil mahahalikan ko siya.

"Quit staring at my cousin," bulong ni Denver, mukhang nanunuya. "Malapit na siya maging taken. Kung hindi lang siya nagtiis ng apat na taon e 'di kada taon siyang taken. Baka nga every month." Humalakhak siya.

One or two more bottles of his drink, he's going to be totally drunk.

Nagpilit ako ng ngisi. Kailan ba nila ako titigilan sa pagpapaalala na apat na taon siyang nagtiis manligaw sa iba? Kasi sa bawat paalala nila ay daan-daang talim na sinasaksak sa dibdib ko ang kaakibat nito.

"Hindi ako nakatingin sa kanya. I was eyeing the drinks...gusto ko kasing uminom."

And that was the half-truth. Gusto ko talagang uminom.

Nagkibit balikat siya, parang hindi naniniwala. Pero niluwagan pa rin niya ang hawak sa baywang ko.

"Okay. Let me get you a drink, mi chica..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro