Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TEN

Nilipat ako ni Jaxon sa kanyang kotse nang humupa ang aking iyak. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari dahil nakatulog ako. Huli kong natandaan ay ang pag-alis namin sa bahay.

Humahapdi pa rin ang aking mga mata nang magising. Ramdam ko rin ang pamamaga nito.Sa nanlalabo kong mga mata ay bumungad ang kalmadong si Jaxon na nagmamaneho.

Habang tumatagal ang pagtitig ko sa kanya ay unti-unti ring bumuhos ang nangyari kanina; galing sa aking paggising, kay mama at ang kasalukuyan. I accepted his friendship. He was so intent upon wanting it so I'm sure hindi niya ako hahayaang bawiin pa iyon. It's as if may magagawa pa ako.

Sa sandaling nilingon niya ako ay gumapang ang tipid na ngiti sa kanyang labi. Minsan hindi ko maintindiahn kung extroverted siya o introverted. I'm not really good at reading people, that's not my forte. I just assume base on my first impressions. Yet right now is not the first time. I can say he's in between being mysterious and jovial.

"How are you feeling?" kaswal niyang tanong.

" 'kay..." Napangiwi ako sa gaspang ng aking boses. Doon ko pa lang din naramdaman ang extent ng sakit ng aking lalamunan.

I'm glad na hindi niya ako inusisa pa tungkol sa nangyari kanina at sa narinig niya. Maybe he's buying his time before he'd ask. Hinihintay niya bang ma-good mood ako? I'm not in a bad mood right now. Pagod nga lang.

"I brought food." May inabot ang isang braso niya sa likod. Agad umingay ang paperbag. "Hindi ko alam kung anong hilig mo. Just choose anything."

Tinanggap ko ang paperbag at sinilip ang laman. Umatake ang pagwawala sa 'king tiyan nang maamoy ang bango ng pagkain. Exaggerated man pero naglalaway ako sa gutom.

"Ikaw?" Nilingon ko siya habang kinagatan ang burger.

"I'll eat anything na matitira," simple niyang ani.

Muli akong sumilip sa loob at sinuri ang mga laman doon. Mukha ba akong patay gutom sa kanya na naisip niyang mauubos ko 'to lahat o kaunti lang ang ititira ko? Binili niya marahil 'to habang tulog ako dahil medyo mainit pa ang mga pagkain. Ganon yata ako kahimbing upang hindi iyon mamalayan.

Pumuslit ako ng isang fries bago kinuyumos ang dulo ng paperbag at nilagay sa gilid. Saglit dinungaw ni Jaxon ang ginawa ko bago siya nagpakawala ng ngisi. What? Why the reaction, Jax?

"Iyan lang kakainin mo? May drinks, baka uhawin ka." Mukha siyang nagbibiro.

"Masakit." Tinapik ko ang aking lalamunan. Tinignan iyon ni Jaxon.

May inabot siya sa gilid at binigay sa 'kin ang mineral bottle. "Hm, water."

Tinignan ko iyon, tapos ay ang mukha niya. Nagtagpo ang aming paningin at doon ko pa lang kinuha ang tubig at binuksan ang takip. Bahagya siyang tumawa.

Iba pala maging kaibigan nitong si Jaxon. Ikaw pa pagsisilbihan. Pagbabayarin niya kaya ako sa burger o idadagdag niya ito sa utang ko sa kanya? Animo'y may dumagan sa dibdib ko dahil sa naisip. Ito ang kapalit ng pagtanggap ko sa pakikipagkaibigan niya, iyong pag-aalala ko sa utang ko.

Bumaba ang aking tingin sa kanyang suot habang tinutungga ang tubig. Mabilis akong napalunok na nagsanhi ng pag-ubo nang makita ang mantsa sa harap ng kanyang light-grey Henley shirt. It's my eyeliner and mascara. May lipstick ko pa!

Muli akong napainom sa tubig . "Hindi ka papasok?"

"Hapon pa. It's still..." dumungaw siya sa kanyang relo, "fifteen past nine in the morning."

"Sorry sa shirt mo..." Do I always have to feel guilty kada pagkikita namin?

"It's fine, may extra naman akong dala."

Tumango ako at hinayaan na iyon. Wala na akong magagawa dahil namantsa ko na. Bumaling na lang ako sa labas ng bintana at tinunghayan ang dinadaanan namin. Basa pa ang daan at makulimlim ang kalangitan. Nasa Hi-way na kami at huminto ang sasakyan sa traffic.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Ikaw? Saan mo gusto?"

Nabigla ako nang hinawakan niya ang aking baba at nilingon ako sa kanya. Sinuri niya ang mga pasa ko at sugat sa labi. Umakyat ang paningin niya sa mga mata ko. "Bukas ka nalang pumasok."

Humataw pa rin ang kaba kahit tapos na niya akong hawakan. Malamig man ang kamay niya'y nag-iiwan ito ng init sa aking balat. Nag-iwas ako at pinakalma ang sarili. Hindi ako makapagsalita. Ni hindi ko malunok nang maayos ang kinakain ko sa panunuyo ng aking lalamunan.

Dati na rin naman akong nakakaramdam ng kaba. Dahil sa takot at pagkakabagabag, pero hindi dahil sa isang lalake. I've never had this kind of nerve towards a guy before. I know I have to enjoy this feeling, ngunit hindi ko mapigilang isipin ang hinaharap. Bakit ba palagi na lang akong nag-aalala?

"I lost you again, Davina..."

Ginising ako ng boses niya at napagtanto na masyado na naman akong nalulunod sa sariling iniisip.

"You twirl the strands of your hair with your fingers," patuloy niya.

Tinignan ko ang mga daliri kong pinapaikot ang hibla ng hanggang batok kong buhok. My hair is straight, with a slight wave at medyo dry sa labis na pagkukulay. And of course, blue.

"Ano bang tinatanong mo?" Hindi pa rin ako makatingin sa kanya.

Lumiko ang sasakyan at matatanaw ulit ang linya ng mga sasakyan sa pagtapat ng red light sa dulo. Saan ba talaga niya ako dadalhin? Joyride ba ito? Dagdag na naman utang ko dahil sa pang-gas niya.

"Are you always being treated like that?"

May pag-aalinlangan sa kanyang tono. Tinignan ko siya at nakita na nag-replika ang tono niya sa kanyang ekspresyon.

May kung anong pumigil sa 'king magsalita. Madali lang naman sagutin. Oo. Walang taon na hindi ako sinasaktan ni mama. Pero hindi ko ito maisatinig. Naghuhukay ako ng mga salitang sasabihin upang ipagtanggol siya. Nauwi lamang ako sa wala.

Imbes na sagutin ang tanong ay iba ang aking sinabi. Sinimulan ko ito sa buntong hininga.

"This is the crap that you're going to put up with me, Jaxon. You want my friendship? This is the consequence."

He has been warned.

"I accept the baggage, Vinnie..."

Tinaasan ko siya ng kilay. "With extra mood swings and a bucket full of weirdness. No happy meal."

Gumapang ang ngiti sa labi niya, nanatili ang tingin sa daan. "Have them served to me right away."

"Wala akong maibigay na sukli."

Lumaki ang ngisi niya. "Keep the change."

"Okay, enjoy!"

Nagtawanan kami habang bahagyang umuusad ang sasakyan. I don't know if this is faked happiness. It felt slightly real siguro dahil kakagaling ko lang sa pag-iyak kaya nakaramdam ako ng saya.

Pero wala naman talagang dapat dahilan sa pagiging masaya natin. I laugh whenever I want to kahit walang nakakatawa. I just don't want to be a mood killer for my company.

Dinaanan namin ang university. Naiwan ang mga mata ko sa building habang ini-imagine ko ang classroom at ang setting ng lecture class ngayong umaga pati na ang katahimikan sa mga hallways at corridors. Doon lamang ako nag bitaw ng tingin nang mangawit ang aking leeg. Humila ang biyahe namin na hindi nag-iimikan.

Umayos ako ng up annag bumagala ng takbo ng sasakyan sa harap ng Plaza Independencia. Ayaw kong lumabas ng kotse dahil sa pasa ko. Isipin pa nila na si Jaxon ang bumugbog sa 'kin.

Pinatay niya ang aircon at binuksan ang side ng kanyang pinto. Binuksan ko rin iyong sa 'kin upang mas maaliwalas. Nakahinga ako nang maluwang dahil nanatili si Jaxon sa kinauupuan niya saka kinuha ang papaerbag at kumuha ng kanyang pagkain.

Inadjust niya ang anggulo ng kanyang upuan upang mas mahilig pa ito. Sumandal siya at kumagat sa burger. Tikom bibig siyang ngumunguya, making his angled jaw more defined.

His Henley shirt hugs him in all the right places. From his lean arms, strong and broad-shoulders, the curve on that taut chest...his narrow hips...mapapansin din ang mga alon sa kanyang abdominals. Very tight and firm I could say.

God, Gwyneth! Four years? You keep this man in front of me hanging for you for four years? Hindi man lang siya naghanap ng ibang liligawan at nagtiyaga talaga ng apat na taon!

Kung si Angelov lang iyan, wala pang isang buwan maghahanap na iyon ng ibang liligawan.

Napapailing ako sa aking isip, nanghihinayang.

"Bakit mo dito naisipang pumunta? Dito mo ba dinadala si Gywn?" tanong ko sabay huling subo sa burger. Tinupi ko ang wrapper at binalik sa paperbag.

"She doesn't like parks." Tumigil siya sa pagnguya at nilingon ako. "Do you like parks?"

Hindi ko agad siya nasagot dahil mas inuna kong pansinin ang pagtataas niya ng kaliwang kilay. He does that everytime he asks a question. I don't think sinadya niya. Like me that plays with my hair when in deep thought, that must be a natural mannerism of him.

Bahagya akong ngumuso dahilan upang maramdaman ang pagngutngot ng sugat sa 'king labi. "Hindi naman ako namimili ng lugar. Okay lang kahit saan..."

Naiilang ako sa isinagot ko. Does that make me so much better than Gwyneth, Jax?

Napairap ako sa sariling pag-iisip. Shut your brain, Davina.

Bumaling ako sa loob ng parke habang tinutungga ang tubig. May ngilan na ring naroon sa kabila ng oras. But then, wala naman talagang pinipiling oras sa pagpunta sa parke.

Sa 'di kalayuan ay madidinig ang ingay ng barko. Which brought me into wondering if I have ever been in a ship. Wala kasi akong maalala na nakasakay ako ng barko.

"Bakit hindi mo sinusumbong ang mama mo?"

Nanigas ako sa tanong niya. Hindi ko iyon inasahan. Buong akala ko'y iiwan niya ang usapan na iyan sa bahay.

Magbubukas marahil ng panibagong tanong kung sasagutin ko siya. Babalik at babalikan namin ang usapan na iyan kung manantili akong tahimik. Can we just not talk about it?

Tuluyan na niyang nabalewala ang pagkain nang hinarap niya ako. Inipit ng mga daliri niya ang kanyang ibabang labi upang maalis ang mayonnaise na naiwan doon.

"I'm your friend, Vinnie. You can tell me everything, or...I can manage with just anything you'd tell me. Basta pagkatiwalaan mo lang ako. I won't break your trust. I have all my life to prove that."

Wala sa sarili kong nilagay ang bote ng tubig sa gilid. Mabigat akong nagpakawala ng buntong hininga sabay sandal sa backrest. Sumisikip ang dibdib ko. I don't have trust issues with other people, I only have issues with my self; Kung ano ang magiging epekto ng mga iniisip at ginagawa ko sa ibang tao.

Anxiety, insecurities...anything but trust issues. Naniniwala akong mapagkakatiwalaan si Jaxon, it's just that I don't trust myself around him and whatever the ramifications of this friendship.

I might give myself away too much. Kasi sa dami ng ibibigay mo, sa buo ng pagtitiwala mo, sa oras na mabigo ka, buong ikaw ang masisira sa puntong mawala rin ang pagtitiwala.

But this is Jaxon right here. Everything about him is tempting...but I have to draw a line of my boundaries.

"Ina ko siya. Kahit anong mangyari ina ko pa rin siya. I can't hate her, Jaxon. Ayaw ko siyang magdusa sa kulungan kung dito pa nga lang sa labas ay nagdudusa na siya."

Alam kong hindi ito sapat na rason. Pero ayaw ko siya roon. Walang mag-aalaga sa kanya. Paano kung sasaktan siya ng mga kapwa niya preso? I can't lose another family member.

From suffering with a bad outcome is vile. But from suffering with a good aftermath is noble. I believe that my mother belongs to the former statement.

"Don't you think it's proper for her to pay for what she did? She's taking drugs, Vin! Sinasaktan ka niya and I'm sure that from what I've heard earlier, that was not the first time it happened. That was not the first she did that to you." Marahas at may diin niyang bulong.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lang ang pag-aalalang nababasa ko sa kanyang mga mata. He seems afraid of something.

Matigas ang ekspresyon ko siyang tinignan bago nag-iwas. "Hindi mo na problema iyon, Jaxon."

"It is, Vinnie. Your problem is my problem," seryoso niyang sabi.

Napailing ako, halos maiyak na dahil...

"Hindi kita maintindihan...wala akong maintindihan dito..." Tinakpan ko ang aking mukha habang umiiling.

This is so wrong for me. Gusto ko siya but being near him is so wrong. Very wrong.

"Hindi mo kailangan intindihin. Kailangan mo lang ay ang tanggapin. I'm your friend, accept it."

I already did. And that I'm sure includes accepting every single day being close to him. Masaya ako na nababahala. May ganoon bang pakiramdam? Happy at the same time anxious? Nababaliw na yata ako.

Hinayaan kong daanan ako ng maaliwalas na ihip ng hangin nang sa ganon baka masungkit rin nito paalis ang bigat ng loob ko sa pagkakabahala.

"You're not alone in this, Vinnie. Like you, may issues din ako. My dad is always away, mom suspects him of having an affair dahil palagi siyang wala sa bahay. Mom works all the time so I am left with myself at the end of the day...."

Napalingon ako sa sinabi niya. I didn't expect for him to open up. But then, we're friends.

Pinailalim niya ang mga kamay sa kanyang ulo at ginawang unan. Nakatanaw siya sa harap, nalulunod sa sariling iniisip. Seeing his thick lashes meet halfway I think would be one of my favorite things from him.

"Kaya kadalasan sumasama ako sa mga pinsan ko," patuloy niya. "O 'di kaya ay pinupuntahan si Gwyneth. It's not a joke to always feel alone. I know how it feels. I'm here so..." nakangiti niya akong nilingon, "we're not alone now."

This time I didn't look away. Hindi naman siya naniniwalang gusto ko siya, so I'm going to take advantage of that.

"Did you ever feel grateful na may mga magulang ka?" mahina kong tanong, not wanting to offend him. "Marami kaming naghahangad ng ganyang buhay katulad mo. Walang-wala ang problema mo sa 'kin. Pero siguro, walang magaan o mabigat na problema depende kung paano mo dadalhin iyon, at kung big deal ba sa 'yo ang mga bagay na matatawag mong problema."

I don't call my situation a problem anymore actually. Sa tagal ko nang nagtitiis, parang kagat na lang ito ng langgam. I call it life instead of a problem.

Matagal kaming nagtitigan. Tinitigan ko siya dahil sa ganda ng kanyang mga mata. Really expressive and soft. Dumapo ang paningin niya sa aking pasa sa pisngi at sugat sa aking labi bago muling ibinalik sa aking mga mata.

Mahina siyang tumango na parang may napagtanto kasabay ang paniningkit ng mga mata niya. "I agree..."

Sinandal ko ang aking hindi apektadong pisngi sa backrest, hindi siya tinatantanan ng tingin. Siya nama'y nag-iwas upang uminom sa kanyang softdrinks.

"Namimili ako ng taong pinapapasok sa buhay ko..." pag-amin ko.

Hinarap niya ako, ginagaya ang aking posisyon.

"Sana isa ako sa mga taong iyon, Vinnie..." mahina niyang sabi.

Ang hininga niya laman ang mga salitang iyon ay nagpapainit sa aking dibdib. Ngumuso ako upang pigilan ang paggapang ng ngiti.

"Sigurado ka?" May panunuya ang aking hamon.

Simple siyang tumango. Sininagan ng araw ang mukha niya na nagpa-liwanag sa kanyang mukha at buhok. Itim pa rin ang buhok niya at mukhang malambot. I could imagine its softness in between my fingers.

"I don't think you belong to who I call 'my people'. You're not a misfit. You don't connect with me. You're high-maintenance."

Kumunot ang noo niya at bumaba ang kurba ng labi, pinahalata nitong hindi siya sang-ayon sa sinabi ko. Inadjust niya ang kanyang posisyon.

"Do I have to acquire a checklist and find out my qualifications of being a misfit? And one more thing, you don't need someone to connect with you. Not all the time. You also have to have someone to influence you. You influence them back. We influence each other."

Tumawa ako. "Bad influence ako! Hindi pa ba obvious? You're on the witness stand."

"Then you'd be an inspiration in the least..." Nakaguhit ang pangungumbinse sa mukha niya.

Tumila ang ngiti ko. Animo'y may tumusok sa pagkatao ko sa salitang iyon. Nagbaba ako ng tingin at pinagdidiskitahan ang mahaba at itim kong kuko.

"Inspiration...that's one thing I am not."

"Dahil iyan ang pinapaniwalaan mo. You are what you think, Davina..."

Naghangad ng atensiyon ko ang pahayag niya.

Mas nilapit niya ang kanyang mukha na walang pinagbago sa aming posisiyon. Hindi ako umiwas. It's like a magnetic pull. His expressive and determined eyes told me to eagerly listen to him.

"Besides, Vin, I fit badly among your group of what you call your people. Doesn't that make me a misfit?" Nag-taas siya ng kilay.

Unti-unting gumapang ang aking ngiti.

"Point taken, Jaxon."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro