T W O
All we have is what's left today
Hearts so pure in this broken place
'Cause you are, you are
My saving grace...
-Saving Grace
_________________________________________
Alisto akong bumangon sa kama nang may maalala at agad hinalughog ang aking drawer. Medyo nahilo pa ako sa mabilisang pag-tayo ngunit binalewala ko iyon, abala ako sa paghahanap sa kaban na tinatakpan ng mga damit ko.
Nang mahanap ay dali ko iyong binuksan. Mistulang bumagsak ang kalamnan ko sa nakitang walang laman na kaban. Tinitigan kong mabuti ang kahon na pininturahan ko lang ng puti, umaasang magpakita ang pera ko, pero walang nangyari. Nakuha na naman niya.
Binagsak ko iyon sa magulong tupi ng mga damit sabay buga ng hangin at nag-angat ng tingin. Agad kong iniwas ang paningin ko sa salamin at sinuklay ng kamay ang aking buhok.
Bumaling ako sa pinto sa narinig na matinis na halakhakan. Pinaglalaruan ko ang aking choker sa leeg habang tahimik silang pinakikinggan.
Good morning, mother. Yes, this is my life. Welcome!
Nang unti-unti nang humuhupa ang tawanan at kung ano mang mga ungol nila ay napagdesisyunan kong bumaba. Hindi lang naman isang beses na nangyari 'to, kung tatanungin ako, hindi ko na rin mabilang. I stopped counting when I realized that she's not going to stop. That this is not going to stop. Para saan pa't magbibilang ako? It's vain.
Nakayakap patalikod ang lalake kay mama habang hinahalikan nito ang kanyang leeg. Kapwa silang nasa sofa na kailanma'y hindi ko nagawang upuan. Hindi dumaan sa isip kong umupo roon.
Sa harap nila ay mga ubos na bote ng beer at mga upos ng sigarilyo. May nakita rin akong parang mga puting pulbo na nagkalat sa mesa at sa sahig. It won't take someone dumb to figure out what that white powder –like thing is. And definitely it's not powder.
At si mama ay nandoon at binibilang ang perang tinago ko. Halo ang aking ipon sa tattoo parlor at sa padala ng misteryoso kong benefactor na hinihiling ko na sana'y aking ama.
Bumagsak ang mga hagikhik niya nang mapansin akong nakatayo sa kanyang harapan. Pinagsiklop niya ang pera sa kanyang kamay na parang pagmamay-ari niya ito.
"Hmm... Julieta, kamukha mo pala ang anak mo. Pwede namang tatlo tayo di ba?"
Kahit wala pa akong kinain ay parang gusto ko nang sumuka sa mga mukha nila. Gusto kong ilabas ang bituka ko't ipulupot sa leeg ng lalake niyang mababang tumatawa ngayon. Nanindig ang balahibo ko sa pandidiri.
Matalim siyang tinignan ni mama. "Gusto mo siya? Eh, akin nalang 'tong pera!"
Nilamon lang ng lalake ang labi niya at mas hinapit. Walang pinagbago sa mukha ni mama nang muli niya akong lingunin. Sa katunayan ay mas naging marahas pa ito, na parang isang krimen ang aking presensya.
"O, anong kailangan mo?" singhal niya.
"Tuition ko ang kinukuha mo," mahina kong sabi.
Mapait siyang tumawa, pinalis ang mga braso ng lalake na ngayo'y malinaw ang inis sa pag-tayo ni mama. "Ingrata. So ngayon nagdadamot ka? Ako nagluwal sa 'yo, kaya buhayin mo rin ako. Huwag mong solohon ang grasya , ha?"
"Ba't niyo pa ako binuhay para hindi ka manumbat ngayon. Kasalanan ko pang pinanganak ako," bubulong bulong ko.
"May sinasabi ka?"
Umiling ako. "Wala. Kailangan ko po ng pera ngayon. Exam namin."
"Edi magtrabaho ka ulit sa pa-tattoo mo. Problema ba 'yon?" tumungga siya ng nangangalahating laman ng bote saka pinulot ang umuusok pang sigarilyo at sinubo. Bumuga siya ng usok galing sa nangingitim na niyang labi.
Halos hindi ko na maalala kung ano ang itsura niya bago pa ito nangyari lahat. Malamang kamukha ko, galing sa kulay itim niyang buhok na dati ay malambot at tuwid, na ngayo'y tuyo na at magulo gawa ng bisyo.
Ang bilugan niyang mga mata na dati'y nagpapakita ng malasakit at iba't ibang klaseng emosyon ay hinahamog na nang droga. Parang naka-false lashes siya sa kapal ng kanyang pilikmata, pinamana niya rin sa 'kin 'yon.
Siguro pagkakaiba lang namin ay ang fingerprints dahil pati ang balingkinitan niyang katawan at tangkad ay nakuha ko rin. Ewan ko kung nagustuhan ko iyon, maganda naman si mama, noong hindi pa siya lulong sa bisyo niya.
Tuwang-tuwa akong pagkatapos kong pakulayan ang buhok ko na violet dahil sa wakas ay wala na kaming pagkakatulad. Sa pagpudpod ko ng kolorete sa mukha ko ay wala nang mag-iisip na anak niya ako. Na hindi ako tutulad sa kanya.
Dumoble ang patalim na tinatapon niya sa 'kin sa paraan ng pagtitig niya habang binababa ang bote. Kung ano mang gagawin niya sa 'kin ngayon, nakahanda na ako. Sanay na ako.
"Ba't ganyan ka makatingin? Ano? Pinapatay mo na ako sa isip mo? Ha?!"
Nanatili ako sa kinatatayuan habang malalaking hakbang niya akong sinugod at sinampal. Umatras ako sa bawat tama ng mga kamay niya sa 'kin, sabunot sa buhok at sampal habang sinisigawan niya ako.
"Lumaban ka! Di ba sinasagot mo na ako ngayon? Pinagdadamot mo na sa 'kin ang mga kita mo?! Lumaban ka!"
Sa muli niyang sampal ay natumba ako paatras pero nagawa kong kumapit sa pintuan ngunit tumama naman ang labi ko sa hook ng lock na gawa sa tanso.
Masakit. Oo, masakit, pero kung iiyak ako wala namang magmamalasakit.
Nobody would care. Magtatanong lang naman sila dahil curious sila, but they don't really care. They would extract the information from you para sa satisfaction nilang may nalalaman sila, na nasasagot ang tanong nila. In the end, ikaw pa rin ang lugi dahil hindi mo makukuha mula sa kanila ang malasakit at concern na kailangan mo.
"Julieta...tama na 'yan, may pera na rin naman tayo, alika na..."
Sa kurtina ng violet kong buhok ay nasilip ko pagtayo ng lalake at kinakamot pa ang tiyan nitong medyo lumulubo gawa ng alak.
Uminit at namamawis ang mukha ko, likod, batok at leeg, kumakapit sa hangin na halos nilalayasan na ako dahil pati marahil iyon ay takot sa ina ko.
Dinuro ni mama ang aking sentido sa hintuturo niya at may gigil itong tinulak. "Huwag kang ingrata ha?!"
Pinanood ko siyang binalikan ang pera at sumunod sa lalaki papasok sa kwarto niya, o nila.
Animo'y bumanat ang baga ko sa kanina ko pang tinambak na hangin na ngayo'y maingay kong pinakawalan. Hinawi ko ang tumatakip kong buhok sa mukha saka pinakiramdaman ang sugat ko sa labi. Dinungaw ko ang dugo sa aking hinlalaki. Napailing nalang ako at bumalik sa kwarto.
Dito pa lang sa bahay ay pinapatabi ko na sa akin ang pag-asa ko na sana payagan akong kumuha ng exam mamaya. Dinungaw ko ang oras sa cellphone, alas sais pa lang kaya tama lang na maaga ako para maaga rin ako sa accounting.
Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako. Ngumungutngot pa rin ang hapdi ng sugat ko sa labi na sinubukan kong ignorahin.
Hinila ko ang unang nakitang itim na Ramones muscle shirt, sinuot ang itim na leggings kasunod ang jean shorts na may gutay-gutay sa manggas. Mukhang mamahalin pero sa mga sale ko lang 'to binili pati na ang sneakers ko.
Nilapatan ko ng dark maroon na lipstick ang sugatan kong labi. Kinapalan ko ang shade para hindi halata ang sugat. Sinunod ko ang eyeliner. Hindi na ako nag-blush on, may sampal na ako sa pisngi eh. Thanks, Ma!
Sinusuklay ko ang aking buhok habang tinatanggal ang pagkaka-charge ng aking cellphone. Tinapon ko ang suklay sa kama saka sinilid ang mga kailangan ko sa bag at walang lingon na umalis ng bahay.
Ganito lang ang pagkakalarawan ko sa araw-araw. Kung hindi kami mag-aaway, wala kaming imikan. Minsan kasi wala si mama sa bahay, minsan naman ako itong hindi umuuwi lalo na kapag walang pasok. Sa tattoo parlor ako natutulog at ako rin ang magbubukas nito kinabukasan.
Magta-tatlong sakay ako bago makarating sa pinasukan kong university. Nagulat ako isang araw na enrolled na ako sa kursong gusto kong kunin. Mula nang tumuntong ako ng first year highschool ay mayroon nang nagpapadala sa akin ng pera.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang alamin kung sino siya. Hindi naman ako mayaman upang mag-hire ng investigator. Nagsimula na rin sa mama sa bisyo niya pagkatapos niyang dumaan sa depresyon, pakiramdam ko isa akong failure dahil bilang anak hindi ko siya nagawang iahon sa mga maling ginagawa niya.
Hindi ko na rin pinaalam sa kanya ang misteryosong nagpapadala sa 'kin ng pera. Noong una binigyan ko siya ng kalahati ng padala, eh kinuha naman niya lahat at walang tinira sa 'kin!
Kung sino man ang benefactor ko na 'yon, tahimik nalang akong nagpapasalamat. Magpapakita naman siya kung gusto niya, eh hindi siya nagpapakita, ibig sabihin lang nun ay ayaw niyang malaman ko kung sino siya.
Sana si papa. Libre namang humiling eh.
Tinakbo ko ang Accounting pagkakitang wala pang pumipila. Una kong nakita ang buhok ni Shiela na may pink na clip. Working student siya sa university. Kaklase ko siya sa isang subject ngunit magkaiba kami ng kurso.
"Psst!" tawag ko sa kanya.
Nag-angat siya ng tingin galing sa sinusulat. Binaba niya ang ballpen at nilahad ang kamay. "Oi, magbayad ka na."
Siniksik ko ang aking mukha sa maliit na butas ng glass window upang maramdaman ang aircon sa loob. "Wala akong pera, kinuha ng mudra ko. Promissory note nalang ako."
"Pwede kang mag-promissory, kaso kailangan magbayad pa rin ng kalahati sa tuition mo," aniya.
Tinanggal ko ang isang strap ng aking bag at kinuha ang mumurahin kong coin purse. Pinakita ko sa kanya ang natitira kong pera. "Five hundred lang meron ako. Pautang naman, kahit five hundred lang din."
Ngumuso siya. "Sensya na Vin, three hundred lang 'tong pero ko eh. One week ko na 'to."
Hindi naman sinungaling ang pagkakakilala ko sa kanya. Naging mabait din si Sheila sa 'kin at ilang beses na rin akong napautang. Siyempre binabayaran ko.
"Pakiusap ka nalang sa teacher mo. Sabihin mo wala kang maibigay kahit kalahati. Last resort mo ang dean," suhestiyon niya.
"Matanda na iyon! Kung matanda di ba strikta? Strikta si dean, hindi ako papayagan ni tanda, " iling kong sabi.
Tumawa siya. "Buang ka talaga! Geh na, pakiusapan mo nalang 'yung teacher mo."
Ginawa ko ang sinabi niya. Umakyat ako sa faculty room kung saan naroon ang facilitator namin sa exam. Sana lang magdilang anghel at payagan akong kumuha ng exam kahit wala akong maipangdagdag sa five hundred kahit isang kusing. Kahit 'yong barya na may butas sa gitna ay wala ako!
Sana lang tatanggap sila ng five hundred. Uutang nalang ako pamasahe pauwi.
Hindi pa kasi nakapagpadala ang benefactor ko. Baka namulubi na rin siya sa kakapadala sa 'kin. Pero atleast sa mabuting paraan naman napupunta ang pera niya dahil ga-graduate na ako next sem.
"Sige na po ma'am..." pakiusap ko kay Ms. Silvano. Matandang dalaga na rin kaya paniguradong strikta. Sa ilang taon ko nang nag-aaral wala akong naikuwentrong mabait na matandang dalaga. Lahat palaging mainit ang ulo!
Binaba niya ang maliit niyang eyeglasses, kasing liit ng mga mata niyang pinapalibutan na nang kulubot.
"Nabasa mo ba ang Student's Manual mo iha? Sabi doon kailangan atleast kalahati ang babayaran mo with your promissory note."
"Any amount nalang po. Ngayon lang po 'to mangyayari, pramis." Hininaan ko ang aking boses sa rami ng mga nandito. Iba pa makatingin sa 'kin dahil sa de-kolorete kong mukha.
"Nandiyan ang dean, baka makita ka pa at siya mismo ang magpapaalis sa 'yo. Sige na, magtake ka nalang ng exam kapag umabot ng kalahati 'yang bayad mo, o kung whole amount na mismo ng tuition, much better."
Bigo akong lumabas ng faculty room. Hindi man kabigatan ang bag ko ay nanakit pa rin ang aking likod. Dala marahil ng pagkakatulak ni mama kanina.
Bumalik ako sa Accounting, sinundan ko sa pila ang isang lalakeng naka-Nursing uniform. Pagkaalis niya ay agad akong umabante at siniksik ulit ang mukha sa butas ng glass window.
"Sheilang! Wala talaga eh. Kailangan atleast half ng tuition. Nandoon pa ang gurang na dean," sumbong ko sa kanya.
"Paano 'yan? Ano pa ang sinabi?" untag niya habang may dini-decode sa computer.
"Balik nalang daw ako kapag may ipambayad na ako atleast kalahati, much better kung whole amount."
Tangina! Eh kung puntahan kaya nila ang nanay ko at hingin mismo sa kanya ang pera? Tignan natin kung masasabi pa nilang balik ako kapag may pera na ako. Kahit one thousand nga ayaw akong bigyan.
Tumigil siya sa pagtitipa. Parang siya pa ang mas maiiyak kesa sa 'kin na may problema. "Sorry talaga, Vin. Alam mo namang pauutangin talaga kita kapag may pera ako di ba?"
"Okay lang...balik nalang ako. Salamat."
Umalis na ako dahil humahaba na ang pila sa likod. Lagpas alas otso na rin kasi at eight thirty ang start ng exam sa allied course.
Umupo ako sa isa sa mga upuang pumapalibot sa haligi dito sa Accounting grounds. Nakatapat ako sa basketball court na ngilan lang ang dumadaan dahil dumudungaw na ang sikat ng araw sa mataas na pader ng university building.
Ramdam ko ang init ng pera sa kamay ko.
Tinukod ko ang aking braso sa aking binti at tinitigan ang dilaw na bill. "May silbi ka pa rin. Tanggap pa rin kita five hundred dahil malaki pa rin ang silbi mo sa 'kin..."
Gigil ko itong pinitik at narinig ang lutong. Bagong-bago pa 'to, kakalabas lang sa bangko.
Napahinto ako sa pakikipag-bonding sa pera nang may naglahad ng papel sa harap ko, tinatakpan ang line of vision ko sa dilaw na bill.
Valid for Midterm.
Hinding-hindi ako pwedeng magkamali. Ito ang nakalagay na tatak sa espasyo sa ibaba ng nakarehistrong total amount ng binayaran. Kita kong naka-type ang pangalan ko. Imbes na matuwa ay nagulantang ako.
Nag-angat ko ng tingin sa naglahad sa 'kin. Alam kong lalake dahil sa panlalake niyang relo na gawa sa leather ang itim nitong strap.
Hindi ko maipagkaila ang aking gulat kung sino ang lalakeng 'yon. It was him!
Ningitian niya ako as if wala lang sa kanya ang ginawa niya. Tinanggal niya ang kanyang aviators. "Bayad ka na. Take ka na ng exam."
Gusto ko pa sanang puriin ang kabuuan niya ngunit pumaibabaw ang aking pagtataka. Tumayo ako. "Ba't mo binayaran?"
Nagkibit balikat siya. "Para nga maka-take ka ng exam."
Nilapit niya pa sa akin ang resibo. May pag-aalinlangan ko itong kinuha at muling tinignan ang mga nakalahad doon. Binayaran nga niya. Ganon ba siya kayaman na tuition ng iba ay kaya niyang bayaran?
Sa bagay, porma pa lang niya ay halata naman. Hindi na siya kailangan maglahad ng pera para ipangalandakan ang pagiging marangya niya dahil sa tindig at mukha ay halata na. His totality's giving it away!
But I'm not a charity case. Hindi ako umaabuso sa yaman ng iba. Oo, inuutangan ko sila pero binabayaran ko rin naman pagkatapos.
"Problema ko 'to. Pero di bale, babayaran kita kapag nagpadala na si..." iniisip ko kung ano ang sasabihin. Definitely not secret benefactor. "Papa."
"Kung saan ka masaya," aniya.
Hindi ko maiwasang titigan ang mga mata niyang maamo. Katulad ng sinabi ko, parang ginuguhit ito sa mukha niya upang pagkatiwalaan mong titigan. He has trusting eyes, maganda, striking. Pwede itong magmukhang inosente lalo na kapag naniningkit at tumatawa siya. Pwede ring magmukhang marahas kapag tititigan ka nito ng marubdob.
Hindi ito kasing bilugan ng mga mata ko. Bumababa ang dulo nito kaya natural ang pagkaka-malamlam ng kanyang mga mata.
Ginulo ng hangin ang medyo wavy niyang bangs na effortless ang pagkaka-side part sa kanyang noo. Doon ko mas naaninag na sobrang itim pala ng kanyang buhok. Silky pa. Nagko-contrast at bumabagay sa katamtamang kulay ng kanyang kutis. Kasing-itim rin ng makapal nitong kilay kung saan tumatama ang ilang hibla ng kanyang bangs.
"Salamat," mahina kong sabi.
Yumuko ako at tinignan muli ang resibo bilang excuse dahil hindi siya nag-aalis ng tingin. Isa rin 'yon, nakakailang ang tingin niya. Intimidating.
"Kumain ka na?" tanong niya.
Tumango ako. But my stomach says no. In other words, I'm lying.
Saktong nag-ring ang bell na nagpaigtad sa 'kin. Ngumiti lang si Jax sa naging reaksyon ko. Naka-casual siya ngayon; Magaan sa paningin ang gray shirt niya na humahapit sa kanyang katawan, may bulsa pa ito sa kaliwang dibdib na parte. Ang dark jeans niyang slim fit ay may tupi sa manggas na nagpapa-highlight ng kanyang tangkad dahil na rin sa suot niyang itim na boots.
Hindi kasing laki ang katawan niya sa kasama niya noong isang araw sa tattoo parlor. Pero may sarili rin siyang tikas. He's lean muscular, too.
With his broad shoulders, mayayakap na niya ako ng buong-buo! Kung ako naman ang yayakap sa kanya, sa tingin ko'y kaunting lapat lang ang magagawa ng mga daliri ko.
"Salamat ulit. Kontakin nalang kita sa number na nilagay mo sa logbook sa tattoo parlor kung sakaling may ipambabayad na ako sa'yo," sabi ko.
Nasa bulsa niya ang isang kamay habang sumaludo naman sa 'kin ang isa. He's all smiles.
"Jax! Tara!"
Kapwa kami lumingon sa likod niya sa pag-tawag ng lalakeng kakabayad lamang. Malaki ang wallet na hawak niya kasama ng resibo ng tuition. May pagka-strikto ang mga mata niyang maliit pero hindi chinito. Mas matangkad nang kaunti kesa kay Jax.
Ngiti siyang nagbalik ng tingin sa 'kin. "Kita tayo mamaya."
Naningkit ang mga mata ko. "Mamaya?"
Ngumisi lang siya at hindi na nakuha pang sumagot dahil paakbay siyang hinila nung lalake.
Ilang sandali akong nakatayo habang pinapanood silang lumiit sa paningin ko at doon ko lang nakuhang gumising nang maalalang late na ako sa unang subject ng examination.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro