Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SIXTEEN

Ayaw ko pang umuwi. I rather be in an endless ride for tonight and leave my negative thoughts in school.

Panay ang mga sulyap ni Jaxon sa direksyon ko na nakikisama sa kawalaang-imikan. Sa tuwing lumilingon ako ay umiiwas siya at agad ihaharap ang mukha sa daan. As if hindi ko siya nahahalata. Hindi ako umangal na lumalayo kami sa daan pauwi. We're heading to the south.

Alam kong kanina pa niya gustong magtanong, but my silence enjoined him to just keep those questions to himself.

"Where do you want to go?" Ngayon lang siya nagsalita mula nang umalis kami sa school.

Hindi rin nakatiis. He really couldn't stand silence. Gusto niya palaging dumadaldal.

"Ikaw bahala." Hindi maipagkakaila ang katamlayan sa aking boses.

Huminto ang sasakyan sa pagtalon ng traffic light sa pula kasunod ang ungot ng handbreak.

"Are you okay?" interesado niyang tanong. Or more like...nababahala.

I knew that question would unfold into the surface.

Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Hinihigop pa rin ang lakas ko sa nangyari kanina. Pakiramdam ko isang detector ang aking boses na matutunton ng mga pinag-iisip ko at gambalain muli ang aking utak.

Maliit na bagay man ito sa iba, pero bilang sensitibong tao, ang mga maliliit na bagay ay big deal para sa akin.

Only sensitive people could understand.

Naiinip ako sa pagiging tahimik kaya 'di ko na napigilang gibain ito.

" 'Di ba dapat si Gwyneth ang sinusundo mo? Hindi naman ako ang nililigawan mo." I failed miserably at hiding my bitterness.

Masyado kang halata, Davina. Kontrolin mo naman!

Umani ng kunot-noo at lingon mula sa akin ang bahagyang pagtawa ni Jaxon.

Saglit niya akong sinulyapan kasabay ang pag-tulak sa handbreak pababa. Umusad ang kotse at doon pa siya sumagot.

"Out nila habang on-air ako."

So he knows her duty schedule, huh? Siyempre, nanliligaw, e. Part of courtship is knowing almost everything tungkol sa taong nililigawan mo.

Dumapo ang kamay ko sa aking tiyan upang takpan man lang ang ngumangawang hukab doon.

"Alam ba niyang ako ang kasama mo?" tanong ko.

"Kailangan ba niyang malaman?"

Awang akong bumaling sa kanya. Medyo napasinghap pa ako.

"Yes! Ngayong manliligaw ka pa lang, atleast patunayan mong hindi ka manloloko! That you can be trustworthy!"

Sinuklay ko sa aking mga daliri ang asul kong buhok tanda ng frustration. Anong klaseng manliligaw 'to? Kaya siguro hindi pa siya sinasagot ni Gwyneth.

Maingay na humugot ng hangin si Jax. Like he's bracing himself fully for another battle of the wits. Sinubukan kong hindi bigyan ng kahulugan ang marahas niyang paggalaw sa kambyo.

"What do you know about courtship, Vin? I'm a guy, I know what I'm doing. Besides, it would be annoying to update her every minute about my whereabouts. Kasi kung ako, if she's going to tell me that she's shopping right now, so what? It's not necessary for me to know about that. It's not my business. And me being here with you should not be her business, too."

Okay! I get it. I get what he meant by that. He's speaking from his viewpoint. Pero ang pinaglalaban ko rito ay ang mararamdaman ng isang babaeng katulad ko!

Siguro nga para sa iba ay palalagpasin lang 'to, but what if Gwyneth is as sensitive as me? We sensitive people know what this could bring into our feelings.

Jaxon doesn't seem annoyed. Siguro dahil nagmamaneho siya kaya bawal mainis. Baka ikabangga pa namin ang pagiging iritado niya kung sakali.

"Anong mararamdaman mo kung may kasamang lalake si Gwyneth ngayon at hindi ka niya sinabihan? You just found out because of a friend."

Hindi ko siya tinatantanan ng tingin habang hinihintay ang kanyang reaksyon at sagot.

Naningkit ang mga mata niya, 'di sigurado kung dahil nag-iisip siya ng sagot o dahil sa ilaw mula sa poste na tumama sa kanyang mukha.

"I have no right to see red dahil hindi naman kami. So kung nalaman niya na magkasama tayo, wala siyang karapatang magalit dahil hindi kami. She can get jealous, though."

Kaswal ang kanyang pagkakasabi. Hindi niya diretsahang sinagot ang tanong ko.

"Magseselos ka ba kung may kasama siyang iba?"

Sa naging tanong ko ay parang pinapangunahan ko siya sa mararamdaman niya, kahit hindi ako sigurado kung magseselos nga siya. Can jealousy be suggested? I don't think so.

Lalo akong naguluhan sa pagki-kibit balikat niya. " I won't question her. Walang kami."

His tone seems to be a finality. Gayunpaman, nakukulangan at naguguluhan pa rin ako.

"Jax...babae kami. Our conceptions differ from you guys. We get paranoid kapag wala kaming update sa mga boys namin. We want the guys to text us first kung ano ang ginagawa nila. Siyempre, slightly pakipot."

"Boys?" Tumawa siya. "So you want to know what I am doing right now, Vin? If ever...?" he trailed off. Suggestive ang tono at the same time ay nanunuya. Isang makapal na kilay niya ang umangat.

Ngisi akong nag-iwas at bumaling sa bintana. "Bakit? Did I site a scenario na kunwari ikaw ang nanliligaw sa akin?"

Nanindig ang balahibo ko sa sariling tanong. Sa paraan ng pagkakasabi ko ay parang minumungkahi ko na iyon sa kanya. I just hope he won't take it seriously.

"Well...let's say I'm courting you..."

Suminghap ako at inabot ang aircon upang i-adjust ang temperatura. His sentence sent more shivers and jitters. Pakunwari kong kinamot ang aking braso na hindi naman makati.

I feel like I'm a porcupine with active spines.

Lumunok ako ng laway upang basain ang tuyot kong lalamunan.

"Kung ako ang nililigawan mo, magseselos ako dahil may iba kang pinupuntahang babae." Marahang kumakaligkig ang boses ko.

"Talaga?"

Ayaw ko mang paunlakan ang nanunuya niyang tono, I can't help but face him. He introduced to me his devilish smirk. Ugh! Such a tease, Jaxon!

Hindi ako mapakali sa inuupuan ko kaya panay ang galaw ko sa aking mga binti. Hindi ito dala ng lamig. Ang mga naglalaro naman sa tiyan ko ay animo'y naglulupasay na sa aking pantog kaya parang naiihi ako.

Nasa tapat na kami ng SM kung saan madalas ang traffic. Mas pinaigting ang gabi dahil sa nagsusumigaw ng mga lights na kumakwadro sa mall. Ikinabahala ko ang pag-ihi rito sa loob ng kotse. Pwede bang pumasok muna ako sa mall at mag-cr saglit?

"Paano kung...hindi mo talaga ako gusto? Gusto mo lang ang ideya na may nanliligaw sa 'yo..."

Umatras ang ihi sa pantog ko. Alisto akong napalingon sa kanya. "Ganoon si Gwyneth?"

"I asked you first," maagap niyang sabi. That tone laced with an authoritative demand.

Hindi ang magiging sagot ko ang aking pinag-isipan kung 'di ang sinaad niyang scenario. I don't want to entertain the possibility na iyon ang sitwasyon niya ngayon kay Gwyneth. Though, I can't help it.

"Kung hindi kita gusto, hindi kita sasagutin. O di kaya'y pahihintuin kita sa panliligaw. Simple," I honestly said.

"You'll do that?" mahina niyang tanong, mukhang nanghihinayang.

Tumango ako. Hindi niya nakita dahil nanatili sa traffic sa harap ang mukha niya.

Mariin niyang pinipisil ang kanyang labi upang pigilan ang silip ng ngiti. Tamad namang hinahawakan ng isa niyang kamay ang steering wheel. Ipinagtaka ko ang reaksyon niyang 'yan.

"Bakit?"

Umiling siya at mas lalo pang pinanggigigilan ng mga daliri ang labi niya.

"Basted na pala ako sa 'yo kung ganon."

Hindi ko inasahan iyon. Saglit kong nakalimutan kung paano magsalita. Tila lumipat ang puso ko sa aking tenga at doon nagsagawa ng malawakang kalabog.

I willed myself to calm down deep inside. I played along with him. That's what friends are for!

"Kung gusto kita, sasagutin naman kita." Ang bintana ang pinagsasabihan ko.

"Gusto mo ba ako?" tanong niya.

Bullshit, Jaxon. Don't...dare!

"Hindi." You're a pretty little liar, Davina.

"O, basted na nga ako." Isang tawa ang pinakawalan niya.

May sariling buhay ang ulo kong lumingon sa kanya. He's firmly biting at his lower lip. Firmly and tightly. Nasa harap pa rin ang mukha niya ngunit nahagip ko ang kanyang mga mata na isang segundong sumulyap sa direksiyon ko. Parang iniiwasan niya akong tignan.

Iihi na talaga ako dito sa kotse mo, Jaxon. Tigilan mo ako.

Sinundot ko ang braso niya na ikinatakas ng kanyang tawa. Nahawa ako't sinabayan siya.

Pumarada si Jax sa malawak na parking lot dito sa Baywalk sa SRP. Pagkababa ay hinintay ko siya sa harap ng sasakyan dahil may kinuha pa siya sa trunk compartment.

Pagkasara ay binuksan niya naman ang pinto sa backseat at mabilis ding sinara, parang tsini-tsek ito. Agad niyang pinatunog ang alarm kasunod ang tunog ng lock habang naglalakad papalapit sa akin. Pinasidahan ng kamay ang kanyang buhok ngunit ginugulo pa rin ito ng hangin.

Tatanungin ko na sana siya kung bakit kami nandito nang dumako ang mga mata ko sa dala niyang paperbag at box ng pizza. Hindi ko na tinuloy ang pagtatanong imbes ay iba ang sinabi ko.

"Pinaghandaan mo ba 'to?"

Ningisihan niya lang ako at nauna nang naglakad. Siya pa ang namili ng bench na uupuan namin.

Mas lumakas ang sampal ng hangin pagkalapit ko. Tinanaw ko ang mga nakahilerang shaded benches na umabot hanggang dulo. Pinaghihiwalay ang bawat benches ng cylindrical-shaped na mga haligi. Puro nakaharap ang mga upuan sa dagat kung saan tanaw na tanaw ang skylines ng siyudad ng Cebu.

May nakita pa akong nagde-date sa isa sa mga benches...wait...date? No. This is definitely not a date. Hang-out lang. We're friends! Friends hang-out. That's all.

Sinubukan kong dungawin ang hampas ng alon sa nakaangat na konkreto pero dahil medyo madilim banda rito, hindi siya gaanong malinaw sa paningin. Ngunit sa ingay pa lang ng hampas, mai-imagine mo na ang imahe nito.

Maingay akong napasinghap sa biglang pagtulak sa 'kin. Agad akong kumapit sa kamay na mahigpit ang hawak sa aking balikat. Pakiramdam ko'y tinakasan ako ng aking kaluluwa at naghanap siya ng ibang katawan!

Umikot ako upang maharap ang tumatawang si Jaxon. That is not funny. Paano kung nadulas ang kamay niya sa balikat ko? E 'di nahulog ako? I don't even know how to swim! And the waves down there are monstrous!

Hinabol ko siya ng hampas na tumtawa lang niyang iniiwasan. Hinuli niya ang palapulsuhan ko't hinila ako papunta sa napili niyang bench. Bumitaw siya nang makaupo na.

"Paano kung nahulog ako?" sermon ko sa kanya. Tinuro ko ang dagat.

Tumatawa pa rin siya. "Hindi naman kita hahayaang mahulog." Bigla siyang naging seryoso. "Pero kung mahulog ka man, sasama ako sa 'yo."

Iba na naman ang kahulugan sa akin ng sinasabi niya. Ganon lang ba talaga o assuming lang talaga ko?

Kadalasan kasi, kung may gusto tayo sa isang tao, binibigyan natin ng kahulugan lahat ng kinikilos nila tungo sa 'tin kahit wala naman talagang ibig sabihin ang mga ginagawa nila.

Hindi ko siya ginawaran ng kahit isang sulyap at uupo na sana nang may mahagip ako sa isa sa mga bench sa dulo. Couples na naghahalikan. Labis ang sabunot ng babae sa buhok ng lalake. Is that one of the reason why boys grow their hairs longer?

Sinipulan ko sila kaya bigla silang naghiwalay na parang napaso sa isa't isa.

Natatawa akong umupo at kinuha ang fries na kakalabas lang ni Jaxon sa paperbag. Akala ba nila walang makakahuli sa kanila dito sa dilim? Napatanong tuloy ako kung pang-ilang beses na nilang ginagawa iyan dito.

"Bakit?" tanong ni Jaxon at lumingon sa direksyon ng kissing couples.

"Wala..." ani ko. Hindi na rin naman sila bumalik sa kanilang moment.

Nagsimula na kaming kumain. Sa gutom ko ay tatlong slice ng pizza ang aking naubos. May fries pa! Hindi na naman kasi ako nakapag-agahan.

Bumagal ang pag-nguya ko dahil mas aktibo ang aking pag-tanaw sa nagsusumigaw na citylights sa harap. May ilan pa ritong kinukuhanan iyon ng picture. Nahinto lamang ako dahil pinigilan ko ang paubos ko nang fries na liparin ng hangin. Kinuha ko iyon at tuluyang inubos.

Pagkatapos inumin ang softdrinks ay dumighay ako. Bahagyang natawa si Jax.

Umikot ang ulo ko sa kanya at nakitang nagpupunas siya ng tissue sa kanyang bibig habang ngumunguya. Even his way of eating is high-maintenance. Tikom ang bibig at mabagal ang pagnguya, para bang pinipino niya nang maigi ang pagkain bago ito lunukin.

Hindi ba 'yan nakakangalay ng panga? And speaking of...I was transfixed by the hard line of his jaw as he chewed.

Bago pa ako tuluyang malulong sa kanyang tanawin ay bumaling muli ako sa nakahilera skyline sa guhit-tagpuan. Marami talagang magandang views kapag gabi especially when it involves a lot of lights.

Cold breeze, noise of the waves, night time plus city lights? Oh, take me back here...

"Ano pala nangyari sa 'yo kanina?" putol ni Jaxon sa muni-muni ko.

Nilingon ko siya.

"Anong kanina?" maang-maangan ko.

Humigop muna siya sa straw saka binaba ang plastic cup. Muli niyang pinunasan ng tissue ang kanyang bibig. Kinuyumos niya ito saka binagsak sa kumpol ng mga tissue na ginamit namin. Sinilid niya ang mga 'to sa paperbag kasama ng aming pinagkainan.

He's very neat and organized. That's screaming trait of his just reminds me on how very contradictory the two of us are. He's positive ion, I am the negative one.

"Tulala ka nang dumating ako. Sa pagkatulala mo hindi mo mamamalayanag nanakawan ka na pala," aniya.

Malungkot na ngiti ang pinakawalan ko. "Wala."

Tumigil ang ingay ng paperbag. Ramdam ko ang higpit ng tingin niya base sa pag-aapoy ng aking pisngi. Hindi ko man nakikita pero minsan nararamdaman kong nangangailangan ng sagot o explanation ko ang kanyang pananahimik.

"Anong silbi ng pagiging kaibigan ko kung hindi mo sasabihin sa 'kin? I'm here, talk to me."

I'm not the 'open-up' type of person. I keep things to myself sometimes. Kaya siguro bumibigat ang loob at isip ko dahil sa nakatambak na mga emosyon at salitang kinukulong ko rito.

But now, what is there to talk about if this is not a problem? Disappointed lang ako sa sarili ko. Iyon lang.

"It's not a problem, Jax," pakawala ko sa aking iniisip.

Muling umingay ang paperbag, pinatong na niya sa ibabaw ng pizza box at nilagay sa likod niya upang mas makatabi siya sa akin.

"Everything that puts a frown in your face is a problem. So what is it?"

He didn't sound insistent, but for me, every question that comes out from Jaxon should always warrant an answer. Para bang nagpapa-guilty siya kapag hindi ko sinasagot ang mga tanong niya.

Inalis ko ang strap sa aking balikat ngunit medyo nahirapan ako kaya tinulungan niya akong hubarin iyon. Pinatong ko ang bag sa aking kandungan at kinuha mula roon ang aking clearbook kung saan ko nilalagay ang aking mga graphic artworks.

May kopya ako ng art kong niladlad last week. Kahit nakita na niya ito rati ay pinakita ko pa rin sa kanya.

"Four years kong pinagtiyagaan ang mga ginawa ko pero wala man lang niisa doon ang nanalo."

Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagpunta sa flashlight app upang ilawan ang tinitignan niya. Matagal niyang tinitigan ang gawa kong nasa exhibit.

"Lahat naman kayo nagsikap," aniya.

"Kaya nga. Pero bakit...anong wala ako? Anong meron sa kanya? What does it take to be a winner? Hardwork? Sacrifice? I did. Hindi ako nagla-lunch makabili lang ng frame. But sacrifice just turned into dust."

Sa ginawa kong pagbuntong-hininga, sana sumama palabas ang mga salita ko na nagbibigay sa akin ng kabigatan ng loob.

"Sa school lang iyang contest. Malay mo , you're meant to win in the whole world with these arts," sabi ni Jaxon.

"Hindi nga ako nananalo sa school, sa mundo pa kaya?" Medyo tumaas ang aking boses.

Hindi siya umimik, mukhang nalulunod na sa kakatingin sa mga arts ko. Humihinto siya sa bawat pahina at tinitignan ito nang matagal. Para bang nagsagawa siya ng sariling kritisismo sa utak niya.

"I like this better." Tinapik ng daliri niya ang isa sa mga ginawa ko noon. It's a surreal art. "This is very Davina. This is your identity. Kapag ito kasing isa," nilipat niya ang pahina sa likod at pinakita ang makulay na graphic art ko roon. Its whole theme is magical and colorful dahil sa mga fairies. "Trademark na ito ng iba. Taken na. Every one of us has our own identity. Walang ibang makakagawa ng ginawa mo kung 'di ikaw lang."

Kinuha niya iyong may fairy na art saka binalik na naman ang clearbook sa pahina kung nasaan ang surreal art. Muli niya iyong tinuro.

" Hindi kaya ng iba 'to, Davina. Let's say may iba na kaya pero...we all have our own appeal. This appeals to me. This defines you. Makita ko lang 'to, alam ko nang gawa mo 'to. This is your art. Own it, not someone else's."

Bawat tuldok sa mga salita niya ay sinasabayn niya ng pag-diin ng kanyang hintuturo sa aking art. Para bang ini-emphasize niyang mabuti sa akin ang kada salita.

"Hindi iyan nanalo. Hindi nga nasali sa top three," pagod kong sabi.

He recoiled. Mukhang nandiri siya sa sinabi ko.

"So you're just going to forget about being yourself just to win? Davina, winning and recognition isn't everything. Don't idolize it too much."

"But it is an achievement on my part, Jax!" giit ko.

Saglit siyang natulala sa sinabi ko.

"Winning isn't just all about achievement, Davina." Mas mahinahon niyang sabi at mas seryoso. "Winning is just a product of your happiness. Kung masaya ka sa ginagawa mo, magbubunga iyan."

Tumuwid ako ng upo at may paghahamon siyang tinignan. "I am happy with what I do."

"But your main focus is winning, not solely your happiness."

Bang! A shot to my heart. To my ego. To myself. Sinilaban ako ng apoy ng kahihiyan dahil tama siya. That was my aim. I was happy making the graphics pero hindi ko mapigilang may hinahangad ako habang ginagawa iyon. Kulang pa ang kaligayahan sa pagguhit ko. I want more from it.

Jaxon didn't brag that he has made his point. Instead, tinignan niya lang ako, hinihintay na kontrahin ko siya o itanggi ang pinupunto niya.

Lies are exhausting, so I didn't bother lie. I conceded through my silence, because he's right.

"You being you is greatness, but you being someone you are not is pointless. So Vin..."

Nilamukot niya ang papel na pinaglalagyan ng fairy art ko. Hindi siya nagtatanggal ng tingin sa akin. Umigting ang panga niya sa bawat pagkuyumos na galaw ng kanyang mga kamay.

Laglag panga ko iyong pinapanood at mas nagimbal pa nang buong lakas at walang pagda-dalawang isip na tinapon ni Jax ang papel sa dagat.

"What the—"

"That is not you." Turo niya sa dagat. "That's the standard that you're trying to follow. That's the trend kaya iyon ang ginawa mo. But don't live to their standards, Vin. Live and do things from here," tinuro niya ang kaliwang dibdib kong pinaghihimlayan ng aking puso, "not from what other people's wants."

Kinain ako ng sariling katahimikan. Pilit akong nilulusob ng mga salita ni Jaxon at sila na mismo ang sumalakay sa utak ko upang aking matandan. Wala akong ibang magawa kung 'di ang sumang-ayon hindi dahil sa iyon ang kailangan. Sumang-ayon ako dahil tama na naman siya.

Naudlot ang sanang pagkuha ko sa aking clearbook dahil sa nakikita kong binabasa ni Jaxon. It was one of my thoughts scribbled in long-hand lettering.

Uninvited thoughts. Like stars that only appear at night. In the dark, they haunt me. In the dark, they whisper in my ear. Messing with my head.

The morning comes and I wake up, they are gone. Like nocturnal creatures who are afraid of the day. Fading into the light of the sun. Turning into dust. Then they light in the dark again when the night's a blanket hovering over me.

"You wrote this?"

Ginising ako ng tanong niya. Agad kong hinablot ang clearbook ngunit pinigilan niya ito. Nanatili ito sa kanyang kandungan at mahigpit na hawak.

"Akin na, Jax," mariin kong sabi, hinihila pa rin ang clearbook.

Hinigpitan niya pa lalo ang kapit dito, kasing higpit ng tingin niya sa akin ngayon. "What are your thoughts, Vin?"

Again. His tone warrants an answer.

Sumuko ako't napasuklay sa sumasabog kong buhok. "I don't deserve the beautiful things."

"We all deserve something beautiful. What is your idea of a beautiful thing?"

"I want contentment, okay?" Halata doon ang aking inis. "Ayokong maghangad na mas sobra pa sa kung anong kaya kong gawin. Nakakasira ng bait dahil sa dami ng kompetensiya! They're better than me! They want their arts than mine! Ako ang may mali dahil ito lang ang kaya ng kakayahan ko. I want to exceed myself."

Naghalo ang gaan ng loob at kagustuhan kong maiyak dahil sa nailabas kong hinanakit. I've never opened up about this to anyone. Ngayong naiintindihan ko na kung bakit marami ang naiiyak sa mga open forums.

Hirap pa ako sa paghinga sa dami ng hanging nalanghap ko. Too much air is suffocating.

"Vin..."

Ang tono ni Jaxon ay kinukuha ang aking atensyon. Nilingon ko siya. Nabasa niya ang iritasyon at disappointment sa mukha ko sa kabila ng kakapusan ng liwanag.

Sinuklay niya ang aking buhok, nilalayo ang mga hibla sa aking mukha. It's somehow comforting. Kinuha niya ang mukhang kable ng telepono na pampusod sa kamay ko at itinali sa aking buhok.

"Being unsatisfied motivates you," aniya. "Kaya may dahilan kung bakit hindi ka nakukuntento. Naghahangad ka ng sobra kaya ginagawa mo ang lahat hanggang makuntento ka sa gawa mo. Hanggang maging sapat ito sa 'yo."

Salungat sa pagwawala ng hangin ang kahinahunan ng kanyang boses. Parang pinapalutang ka nito.

"I still want to be like her, Jax. " I'm talking about Kelsey. "Ano bang meron sa mga nagwawagi? Parehas lang naman kaming tao."

Maraming gusto maging katulad ng hinahangaan nila. They want to be this someone because who they are were never liked. I wanted to be her, I wanted to be him, I wanted to be this and that because who I am is unacceptable. Kung ganito ako, hindi nila ako magugustuhan. Kung maging siya ako marami ang hahanga sa akin. Those kinds of thoughts...

Who I am right now, this limit of my capability, hindi ko alam kung magiging pinaka ito. This is all my brain could afford and I am anxious about that.

"If you want to be someone you are not, you can't. Though, you can be another version of that someone. Your own version. You can be as great as her, or much greater than you could allow yourself."

Kinunutan ko siya ng noo. Saan ba niya pinupulot ang mga iyan? Did he wrote a book about self-help or something?

Hinawi niya ang tumakas na hibla sa aking mukha. May kinuha din siya na kung ano sa ibaba ng aking mata. Kita niya ang pagtatanong sa mukha ko kaya pinakita niya sa akin ang nasa pagitan ng kanyang mga daliri. It's my eyelash, may nakadikit pang mascara roon.

"You are what you think, Vin. If you think you're great, then you are. You are entitled to that. Other people's compliments might matter, but at the end, you own that greatness you claimed that you have in yourself."

Pinatong ko ang aking siko sa sandalan ng bench. Ginaya niya ang posisyon ko. Magkaharap kami. We're mirroring each other.

I want to hear more about his self-help statements.

"How can I feel great if others don't think I am great? 'Di ba mas namo-motivate tayo kung may ibang taong nagsasabi sa 'yong magaling ka? If ikaw lang kasi ang pumupuri sa sarili mo, parang niloloko mo lang ang sarili mo."

Bago ko pa natapos ang aking sinasabi ay tumatawa na ako. Piningot ni Jax ang aking ilong at natawa na rin.

Nakakatawa naman talaga! Imaginin ko pa lang na mag-isang pinupuri ang sarili ko, nagmumukha lang akong kawawa! Parang pinagkaitan ako ng compliment sa buong buhay ko.

Tinapos niya ang pag-tawa sa isang kagat-labi. Nagbaba siya ng tingin at pinaglalaruan ang punit sa jeans ko sa tuhod na parte.

"We love to dwell in compliments." Tumango si Jax, sumang-ayon sa sariling pahayag. "But first, you should learn from the critiques before you expect to be complimented. Although, you can be your own critique, and the rest would compliment you, Vin."

Hearing those statements from him, inuusungan lang nito ang naging standard ko sa mga lalake. I swooned over him. I swooned over my friend.

I never swooned over Angelov. Guwapo siya para sa akin iyon lang, pero kay Jax...there's more to him than the physical aspect. Everything...he's everything...

Napailing ako. Hindi makapaniwala. I'm close into worshipping this guy but I was able to stop myself.

Bumitaw ako sa aking posisyon at hinarap ang dagat. Nanatili ang mga mata ko sa pabago-bagong kulay ng building ng Crown Regency hotel.

Pabiro kong siniko si Jaxon. "You're making me feel inferior. Ang galing mo."

Umayos na rin siya ng upo. Ginagaya na naman ang posisiyon ko. Isa o dalawang pulgada ang espasyong namagitan pero wala pa ring parte sa aming katawan ang magkadikit. Malayang-malaya ang hangin na nakakadaan sa pagitan naming dalawa.

"Kasusuklaman ko ang pagiging magaling ko kung pinapahina lang naman pala nito ang loob mo," aniya.

Ngumiti ako at umiling ako. "Don't, Jax. I like that about you."

And I mean it. I think I'll never meet a man like him. He is Jaxon. He is himself. He's not trying to be someone else. I don't want to settle on meeting just 'someone' like him but I want him myself. Only Jaxon. Only one Jaxon.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro