Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SIX

"Sinabi niya iyon?" malakas na tanong ni Tori. Kakatapos ko lang isalaysay sa kanila ang pag-uusap namin ni Ms. Guillen.

Ewan ko nga kung matatawag na pag-uusap iyon. Parang hindi naman. It's purely an argument laced with insults.

Hindi na ako pumasok sa first subject namin. Nag-lecture lang naman daw ang guro since kakatapos pa lang ng exams week. Tumambay ako sa bakanteng room sa tabi ng classroom namin at pinagluluksa ko ang hindi pagtanggap ng aking artwork.

Biglang inagaw ni Angelov sa mga kamay ni Nolan ang frame ng art ko. Kunot-noo niya itong sinusuri habang kinakagat-kagat ang piercing niya sa lower lip.

"Maganda naman, a?" Taas kilay niya akong binalingan. "Ano ba sabi?"

Binalikan ko ang ginuguhit ko sa sketchbook. "Bad influence daw."

"Hala? OA niya," sabi niya. "Unique nga nito, o. Mas maganda pa 'to sa gawa ko, to be honest lang, Vin."

Hindi na bago sa 'kin ang ganyang tono ni Angelov. Sa tagal ng pagkakaibigan namin, kaunting kaibhan lang sa tono at ugali niya ay mabilis kong nahahalata.

"May hihingin ka, Angelov, " parinig ko sa kanya.

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagbabalik niya ng frame kay Nolan na nagpakawal ng tawa. Kumuha siya ng silya sa likod at siniksik ito sa pagitan namin ni Tori.

Sumampa siya sa silya at kiniliti ako sa tagiliran. "Sige na, crush mo naman ako, e."

Tumawa ako't hinampas siya ng coloring pencil sa ulo. "Ang kapal mo, a!"

Ngumisi lang siya. "Sige na, Vin..."

"Ano nga?"

Binalik ko ang concentration sa paggawa ng outline ng drawing.

"May customer kasi akong may appointment ngayong Sabado, eh may lakad ako. Ikaw muna pumalit sa 'kin. I'm sure kaya mo iyon, magaling ka naman," aniya.

"Saan ka ba pupunta?" tanong ko.

"Basta. Sige na..." Muli niya akong sinundot sa tagiliran.

Nang bumaling ako sa kanya ay nakita ko ang sadyang pamumungay ng kanyang mga mata. This is the kind of look he uses when flirting with his girls. I'm not one of them, hindi rin naman ako apektado sa 'the look' niyang 'yan.

Isa rin 'tong hindi pumasok kanina. Naglaro lang ng online game sa Internet café sa baba ng university building.

"Pumayag ka man o hindi, sasabihin ko pa ring maganda talaga ang gawa mo, Vin. I swear. Cross my heart. Hope not to die."

"Oo na!" Binalikan ko ang ginuhit ko.

"Yon! Bait mo talaga! Ewan ko ba sa Guillen na iyan. Lagyan ko ng tattoo kilay niya, eh. Iyong isang kilay lang." Nagtawanan sila ni Nolan sabay high five.

Maingay siyang umalis sa silya. Tumigil ako sa pagguhit dahil sa paghila niya sa upuan upang ibalik sa kung saan niya ito kinuha kanina.

"This Saturday Vin, ha? Sinabihan ko na rin naman 'yong magpapa-tat na hindi ako pwede. Pumayag naman. Approval mo lang talaga ang hinihintay ko."

Tahimik akong tumango. Tinapik niya ako sa balikat bago siya umalis. Marahil pupuntahan si Charlemaigne.

Lately nagdududa na ako sa mga lakad nitong si Angelov. Kung babae man ang dahilan, hindi ko naman siya nakikitang madalas na may ka-text. Pero pwede rin namang sa internet sila nagko-communicate. Siguro iyon ang pinagkakaabalahan niya sa internet café.

"Saan tayo kakain?" narinig kong pagtatanong ni Tori kay Nolan.

"Kayo?" ganting tanong ni Nolan.

"Kayo? Saan niyo gusto?" tanong muli ni Tori.

"Vin, saan?" si Nolan ulit ang nagsalita.

"Canteen na nga lang ang gugulo niyo!" sabi ko na umani ng tawanan galing sa kanila.

Kita namang nagdo-drawing ako kaya hindi ako makausap nang maayos.

"Puno na sa canteen. Mahal pa," pahayag ni Nolan.

"E 'di huwag na tayong kumain," deklara ko.

Lumala ang tawa ni Tori. Nagawa pa niya akong hampasin sa likod dahilan upang lumagpas ang guhit ko.

"Hala, sorry..." tawa niya.

Napailing ako't binura ang lumagpas na guhit. Pilit kong nilalabas dito ang inis ko sa confrontation namin ni Ms. Guillen kanina.

"Nandiyan na si Miss!" anunsyo ng isa kong kaklase kasunod ang kuskos ng mga sapatos sa pagmamadaling makabalik sa mga upuan nila. May natumba pang silya sa labis na pagmamadali.

Tumahimik na kami nang pumasok ang guro. Sinara ko na ang aking sketchbook at sinilid sa bag kasama ng aking mg coloring pencils. Nilabas ko ang librong gagamitin namin para sa lecture ngayon.

"Ms. Claravel, you're being asked to be in the Guidance office."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Aware akong nasa akin ang mga mata ng mga kaklase ko. Nag-chorus pa sila ng 'hala' at 'uh-oh' kasabay ng kanilang mga bulungan.

"Guidance? Ano ako, highschool?" mahina kong tanong.

Nilingon ko si Tori, rumehistro ang takot at kaba sa mukha niya. Wala namang emosyon ang kay Nolan. Nagkibit balikat ako at tumayo na. Alam ko naman kung bakit ako pinatawag.

Nilipat ko ang aking bag galing sa pagkakasabit sa likod ng silya ng kaharap ko at nilagay sa aking silya.

"Bring your frame with you," dagdag anunsyo ng guro.

Kinuha ko ang frame na nakahilig sa likod ng silya at dinala sa aking paglabas papunta sa Guidance office. Hindi pa ako tuluyang nakababa sa hagdan ay sinimulan na ng guroo ang lecture sa klase namin kung saan hindi na naman ako makakapasok.

Sa dami ng opisina na nasa mezzanine, hindi ko alam kung saan matatagpuan ang Guidance. Mahirap mang paniwalaan pero first time kong ma-guidance. Ngayon pa lang talaga na graduating ako.

May estudyanteng naka-Education uniform ang kakalabas lang ng Student Council's Office. Nasa doorknob pa ang mga kamay niya nang nilapitan ko siya.

"Miss, saan iyong Guidance?"

Ikinagulat niya ang tanong ko. Mukha ring gusto niyang tumawa dahil hindi ko alam kung saan ang opisinang hinahanap ko.

Tumuro siya sa ikalawang pinto mula sa kanyang pinanggalingan. "Tabi lang ng photography studio."

Tinanaw ko iyon bago siya tinignan. "Salamat."

Sandali akong sumilip sa glass wall ng photo studio pagkadaan ko. Maraming mga nursing students sa loob suot ang kanilang mga gala uniform. It's either for their capping photo shoot or graduation.

Nilisan ko ang aking paningin roon at nagpatuloy sa guidance office. Kumatok ako bago binuksan ang pinto. Sinampal agad ako ng lamig ng aircon kaya balak kong magtagal rito sa opisina. Bahala na ang lecture. Ang init kasi sa classroom namin.

Nag-angat ng tingin mula sa binabasa ang medyo chubby na ginang sa likod ng mesa. Naglakbay ang mga mata niya sa 'kin. Sa pagiging sanay ko na, hindi na ako na-offend sa ginawa niyang pagpasida. That's the usual reaction of my beholders.

"You must be Ms. Claravel, Davina?" minuwestra niya ang kamay sa silya na nasa harap niya.

"Yes Ms," binasa ko ang gintong plaka na nasa kanyang mesa. "Mrs. Viola."

Umupo na ako yakap pa rin ang aking pinakamamahal na frame. Sa likod ng katapat kong silya, may bench na tinatakpan ng brown leather cover na sure akong naglalaman ng foam upang komportable ang pag-upo ng mga nasa waiting.

"Why are you not wearing your id?" Iyon agad ang pinuna niya.

Well...hindi kasi babagay sa fashion ko. It would look too off-putting for my liking.

"Ms. Claravel, why are you not wearing your id?" ulit niya sa tanong sa mas mataas na tono.

Tuluyan na niyang binalewala ang binabasa at niligpit ito saka ako pinagtuunan ng buo niyang atensyon. Inayos niya ang pagkaka-anggulo ng kanyang salamin.

"Walang strap," pagsisinungaling ko.

Ang uri ng tingin na binibigay niya sa 'kin ay naga-anunsiyong hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"Hindi ka nakabili ng strap? May school supply shop naman sa baba, hindi mo nagawang bumili?"

Mukhang natatawa siya sa kanyang itinanong. Right, she knows I'm lying. Ayoko talagang magsuot ng ID.

I don't know what's with not wearing id inside the school premises. Hindi pa ba sapat na dala ko ang id ko? na hindi na dapat isuot tutal alam naman nila ang pangalan ko. Do I have to let other students know my name? For what?

Sa huli ay bumuntong hininga siya't umiling, piniling idispatsa ang id topic. We're getting to the main point of my being here now.

Malambot ang ekspresyon niya, hindi katulad ng tigasing mukha ni Ms. Guillen na mukhang constipated. I think I'm going to like her. She's one of my people now.

"I have reached this information from Ms. Guillen regarding your behavior towards her. It's about your art work na hindi niya sinali sa exhibit sa baba?"

"She insulted my art," sumbong ko, inaasahan na makakahanap ako ng kakampi sa katauhan niya.

"Maliban doon, You were aggressively fighting for your work to be included sa exhibit. Why is it such a big deal to you, Ms. Claravel?" Mukha siyang frustrated.

"I worked on this with my own sweat, blood and passion. So I think this deserves the recognition. At saka for opportunity rin po, Madam. I heard that there would be foreign visitors this week, 'yong mga maga-accredit sa school at karamihan sa kanila ay may mga kompanya sa ibang bansa. May chance na makita nila ang gawa ko. My friend was being being offered by some of them but he passed up every offer."

Nanginginig ang boses ko habang nagsasalita. Halos nautal pa dahil hindi ko ito pinaghandaang ipaliwanag ngayon.  Walang organisasyong nagaganap sa utak ko kung paano ko sasabihin in a way na matatanggap niya ang aking paliwanag.

I suck at explanations. I just rather draw what's on my mind.

Sandali siyang natahimik, sa bilis kong magsalita ay malamang hindi niya nahabol ang aking sinabi, kaya animo'y binabasa niya ito ngayon sa aking mukha na para bang nakasulat doon ang aking mga salita.

"May I see your work?"

Inabot ko sa kanya ang frame. Mahal din ang bili ko diyan. Frame lang talaga ang nakapagpamahal. Buti na lang nakabili ako bago pa makupit ni mama ang buo kong ipon.

Sinuri ni Mrs. Viola ang aking gawa. Sa bawat segundong pumapatak ay nagsasagawa ako ng tahimik na dasal na sana iko-konsidera niya ang gawa ko.

Naputol ang pagsusuri ni Mrs. Viola sa pagbukas ng pinto. Lumusob ang ingay ng mga estudyanteng nag-iingay sa mga hallways at corridors pati na ang pagtunog ng bell. Naglaho ang ingay sa muling pagsara ng pinto.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang si  Jaxon ang pumasok. What is he doing here?

"Good afternoon po..." magalang niyang ani.

Napawi ang ngiti niya at napalitan rin ng kahawig kong reaksyon nang matagpuan niya ako. He maintained his bone-shaking, knee-crumbling and gut-wrenching stare at me behind those deep-set but soft brown eyes and thick lashes.

He's in his uniform from another university. May id pa na nakasabit sa strap na may logo ng kanyang school. Nakasabit ang isang strap ng itim niyang knapsack sa isang balikat.

But in all his preppiness, why does he still look so hot? He's a formal hottie; naka-brush-up ang silky niyang bangs at buhok. I don't know what I prefer, this look o iyong magulo niyang bangs. Eitherway, nothing would seem to make him less manly, hot and gorgeous.

Parang tailor-made lang ang kanyang polo at pants. It fits him very well. I could see the curve of his lean biceps oozing from the cuffs of his polo uniform dahil sa paghawak niya sa strap ng bag niya. Nadepina ang kanyang panga sa kapormalan ng ayos niya ngayon at mas lumitaw ang matikas niyang tindig.

We're total opposites. He's in his id, sa ibang school pa iyan. Sa sarili ko ngang school hindi ako naga-id.

"Hm! Mr. Montero, come in. Do you mind if you wait for a moment? Please sit, iho," ani ni Mrs. Viola.

Nagbawi ng tingin si Jaxon at ningitian si Mrs. Viola sa paanyaya nito.  Inalsa niya ang bahagi ng tela sa kanyang tuhod bago umupo sa bench kaya umangat ang manggas ng kanyang pants.

Dumungaw ako sa paa niya, maikli ang kanyang medyas sa itim niyang sapatos. Sumilip ang mamahaling logo na naka-print doon.

He's really high-maintenance.

And I'm on his direct point of view dahil kaharap ko lang ang bench.

Ano ba talagang ginagawa niya rito? Bakit kilala siya ng Guidance namin?

"Going back to you, Ms. Claravel."

Iniwas ko na ang pagsuri kay Jaxon at buong nilingon si Mrs. Viola. Nanakit ang leeg ko sa ginawa. Nakaka-stiff neck ang pagtitig sa kanya.

"May rason si Ms. Guillen na hindi ito isali. Tama, may mga maga-accredit ng university this week, and seeing this," turo niya sa frame, "would probably gain an unacceptable reaction from them. Pero hindi naman sa artworks niyo magbabase ang mga accreditors kung 'di sa university at sa mga facilities natin dito. Most especially the nursing lab."

Tumango ako dahil tapos na siyang magsalita, pero wala talagang pumasok sa isip ko sa sinabi niya dahil iba ang iniintindi ng utak ko. Ang presensya ni Jaxon ang wari pinapakinggan ko ngayon imbes na ang kung ano mang sinabi ni Mrs. Viola.

And is it wrong to assume na parang tinititigan ako ni Jaxon ngayon?

Baliw ka na Davina. Kung titigan ka man niya, siguro dahil naweweirduhan sa buhok mong kulay blue na ngayon na last week lang ay violet.

Atleast tinitigan niya ako. Atleast may parte sa atensyon niyang binahagi niya sa 'kin. Atleast. Sana patuloy akong makukuntento sa hanggang 'atleast' lang.

"You have a great talent," patuloy ni Mrs. Viola. "I hope you'll use that for good. Pag-uusapan muna namin ng mga co-staff ko kung dapat ba itong isali sa exhibit. Probably including the dean. Kilala mo naman si Ms. Guillen, she's full of color,  salungat sa art mo. She doesn't like anything dark and bloody."

Hindi ako umimik. I don't know her personally. Ang alam ko lang, she doesn't know how to see art at its deepest and rawest form.

"What's your religion, Ms. Claravel?"

Katulad ng kombinasyon ng id ko sa aking paraan ng kasuotan, her question's sort of off-putting.

"Required po ba na magkaroon tayo ng religion? As long as I believe in God, I think wala naman pong problema roon," ani ko.

Nilingon ko si Jaxon upang tignan ang reaksyon niya. I feel like I'm needing his approval with my opinion. Ngunit ang tanging natanggap ko ay ang seryoso niyang titig sa 'kin.

Is it his way of approving to my statement?

"Your birth certificate says you're a Roman Catholic," ani ni Mrs. Viola. Binalik ko ang tingin sa kanya.

My birth certificate? Baka iyon ang binasa niya kanina.

Nagkibit balikat ako. "Hindi lahat ng nasa Google ay totoo, sa original document ko pa kaya? It was just written there para lang mapunan ang blankong linya."

Hindi ko nga alam kung totoo ang apelido ko. Malay ko ba kung totoong anak ako ng aking ina. But being a dead ringer to my mother? Walang duda na anak niya ako.

Nang-uusisa ang kanyang tingin. Being a guidance councilor, parte na sa kanila ang psychology so maybe she's reading me.

Sa huli ay mabagal siyang tumango. " We'll talk this out with my co-workers."

"Palagi namang tinatanggap ni Ms. De Mesa ang mga gawa ko—"

"Maawain si Ms. De Mesa. Kahit hindi karapat-dapat ay sinasali niya. But I'm not saying that your work here doesn't deserve the merit. Your artwork here is great."

Nagbaba ako ng tingin. "Okay po..."

"That's it for now. Dito muna 'tong frame mo. I'll call your presence here once may desisiyon na." Bumaling siya kay Jax. "Mr. Montero?"

Kasabay ng pagtayo ni Jaxon ay ang pagtayo ko. Mga manggas ng kasuotan namin ang tanging naglapat sa aming pagsasalubong. Siya ang pumalit sa 'kin sa silyang inokupahan ko kanina.

Pero kahit hindi nagtagpo ang aming mga mata dahil yumuko ako, tinagpo naman ng pang-amoy ko ang bango niya at dinala ko iyon hanggang sa aking paglabas sa office.

Somehow gumaan ang aking pakiramdam. Parang hangin na may chlorine ang aking nalanghap.

Nagsimula na akong maglakad pabalik sa classroom. Susubukan kong makahabol sa lecture sa subject namin ngayon. Kung 'di man ay mangongopya na lang ako ng notes kay Tori.

"Davina!"

Huminto ako at nilingon ang pagtawag ni Jaxon. Kahit sa paglalakad ay nagpapakitang gilas ang matikas niyang tindig. Magaling talaga siyang magdala sa sarili.

Bakit kaya hindi pa siya sinasagot ni Gwyn? Four years? That's something.

But for some reason, masaya akong hindi pa siya sinasagot. At ililihim ko ang kasiyahan na 'to hanggang sa aking libingan.

"Bakit?" umaasa kong tanong, ipinagtaka ang paglisan niya sa office at puntahan ako. Should I be flattered?

Nagpakawala siya ng hangin, it's more of like a relieved feeling na naabutan niya ako. Pinasidahan ng kamay niya ang kanyang buhok kaya lalo itong na-brush up. And take note, walang gel.

Kahit ganon ay tumatalbog pa rin ang buhok niya sa bawat galaw. It's so bouncy!

Mata sa mata niya akong tinitigan.

"I've seen your work. I love it."

Tila ba umakyat ang puso ko sa aking tenga at binibingi ako ng lakas ng pagkabog nito.

"I want to voice out my heartfelt opinion. It's raw, honest, genuine and deep. Adding the message and the lettering below the image, naging kapani-paniwala ang gawa mo. Ngilan lang ang may ganoong talento, Davina.The kind of artist who are able to convey their feelings through art, at nararamdaman pabalik ng mga tao. So I'm one hundred and one percent positive that the viewers are going to like it. Love it, for the most part."

Gusto kong maiyak sa sinabi niya. I've never been complimented by any one like that before. And it's not even because I like the guy. I was moved by his words. At ngilan lang din ang nakakagawa sa 'kin ng ganoon. Siya lang.

"T-thank you..." nanginginig ang boses ko. Nilunok ko ang tila bato na humaharang sa 'king lalamunan.

Tinago ko ang pangingilid ng luha sa 'king mga mata sa pag-iwas ko ng tingin sa kanya.

Mabagal kong inangat ang paa ko upang umatras. I think it's time for me to go? Iyon lang ba ang sadya niya?

Hindi ko pa naangat ang isa kong paa nang tinawag niya ulit ako. Umaasa ang mga mata niya.

Tapos na ba silang mag-usap ni Mrs. Viola? Ano bang ipinunta niya roon sa Guidance?

"Huwag mong sabihing mag-aaya ka na naman ng lunch? Hapon na ngayon," biro ko.

"Dinner?" Nagtaas siya ng kilay. Umangat ang isang sulok ng labi niya at doon pa lang, halata na ang pagkakapantay ng kanyang mga ngipin.

Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. "Ayoko, may girlfriend ka."

"Nanliligaw pa lang."

Mabilis ko siyang binalingan. "Kahit na! Hindi ka dapat sumasama sa ibang babae kung may nililigawan ka."

Ayoko kayang maturingang mistress. O third party. Okay na ako sa fling pero ikalawang babae? Run away to the glowing exit sign, Davina.

"Bawal na bang makipagkaibigan?" He sounded disappointed.

"Oo. Babae ako, lalake ka at may nililigawan. We hang out, people would judge."

And I've been living with judgements all my life.

Pinausli niya ang ibabang labi habang isinagawa ang paghahalukiphip. He adjusted his position.

He looked at me pensively. "Hmm...I don't think so. Mga may makikitid na utak lang ang nag-iisip ng ganyan."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Are you telling me that I'm narrow-minded?"

I'm just stating a fact. People judge. It's a fact. This is how they'll judge. Proven and tested. Kahit nga wala pa akong ginagawa ay hinuhusgahan na sa itsura at ayos pa lang.

"It depends kung ano ang iniisip mo." Isang beses niya akong hinakbang. He towered over me. Those soft brown pools are probing. "So, what are you thinking right now, Davina?"

"That we can't be friends," agaran kong sabi.

"We can," he countered.

Umiling ako. "May limit ang friendship, all the more now that you're on your way into committing to someone. After four years..."

Mas naningkit ang mga mata niya. Ang mga mata niya ay iyong tipong hindi mo basta-basta makakalimutan na hanggang sa panaginip mo'y tititigan ka.

"Ba't mo alam?" May panunuya sa kanyang tanong.

Inayos niya ang pagkakahalukiphip. Natuon doon ang aking mata at nakita ang usli ng kanyang biceps. This guy works out.

"May friend akong naging classmate ang nililigawan mo noong highschool. And one more thing, may utang pa ako sa 'yo. Dapat bayad muna ako bago tayo maging friends."

Mabagal siyang tumatango. Dumapo ang paningin niya sa ibang direksyon at malalim na nag-iisip. Nanatili ang mukha niyang nakaharap sa 'kin.

Bumaba ang tingin ko sa labi niyang kagat-worthy.

Kung ilalapat ko ang black-painted lips ko sa kanya, kahit may itim itong marka ay makikita pa rin ang pagkaka-pink ng kanyang labi. Halatang wala siyang bisyo. Sobrang pupula ang labi niya kung masusunggaban ng halik.

Sa ibabaw ng kanyang labi, binakas ng mga mata ko ang kaka-ahit pa lang na facial hair doon. He's clean shaven. May maliliit siyang nunal na nagkalat sa ibang parte ng kanyang mukha pero hindi ito nakabawas sa kanyang angking kakisigan at kaguwapuhan.

Hindi ko siya tinantanan ng tingin kahit nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Balewala lang naman sa kanya iyon. Baka sanay na.

"Okay, Vin. You say that we can't be friends dahil may nililigawan ako, at dahil iniisip mo pa rin ang utang mo sa 'kin..."

Umatras ako dahil mas lalo siyang umabante.

"How about we forget all of that and start all over? You know, ibahin natin ang sitwasyon kung paano tayo nagkakilala. Erase the tattoo shop. We meet now," may confidence niyang sabi.

Because that composes everything about him. Confidence.

"Oh...kay?" Hindi ako sigurado. Hindi ko masyadong gets unless i-demonstrate niya ang ibig niyang sabihin.

Nagtaka ako dahil bigla siyang tumalikod at naglakad palayo.

What? Iyon na iyon? What happened? Iba ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya?

Naka-limang hakbang pa lang siya nang humarap siya ulit at nagpakita ng gulat na reaksyon.

"Uy! Hi!" Kumaway siya sa 'kin.

Umawang ang bibig ko sa pagtataka, gulat, gustong matawa na pilit kong pinipigilan. What the hell is he doing?

Ngiti niya akong nilapitan. Naroon pa rin ang gulat at para bang ngayon niya lang ako nakita sa personal.

Nilahad niya ang kanyang kamay. "I'm Jaxon Averell Montero. I'm a huge fan of your work. I find it hard to believe that I finally get to meet you personally. Do you mind if I ask your name?Sorry, I only know you as Vin."

Hindi kaagad ako nakasagot. What are you doing, Jaxon?

Ayaw ko siyang pagmukhaing tanga sa paghihintay kaya nagsalita ako.

"D-Davina...?" Hindi ako sigurado sa pagbanggit nito na para bang inaalala ko pa kung iyon nga ba ang pangalan ko. I'm Davina, right?

"Davina...?" umaasa ang mga mata niya, sa baba ay kinakawag na niya ang nakalahad pa rin niyang mga kamay. Pigil ngiti ko itong tinanggap.

Parang ayaw ko nang bumitaw. They're calloused in a way that I'll shiver once it gets to touch other parts of my skin. My waist most especially.

"Davina Roux Claravel," ani ko.

A smile crept at his pursed lips. "Your beautiful name suits you. Hindi mo lang pinapamalas ang artworks mo sa pagguhit at graphic arts, you do a great job on your make up, too. It's to die for among many girls."

"Thank you." Pinilit kong maging confident, but I guess I'm not making a good art at being confident right now.

Sa pagbitaw ng mga kamay namin ay siyang ikinahinga ko nang maluwang. Nakakahingal ang lalakeng 'to.

"So Davina," pumormal siya. " I hope we would really be good friends.  I would like to know more about you." Kumikislap ang karamelo niyang mga mata.

"Likewise, Mr. Montero."

Pinaikot niya ang kanyang mga mata. He made a dismissive gesture of his hands. "Oh, call me Jax. We're friends, so enough with the formalities."

"Okay, Jax." Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang aking hagikhik.

Mukha na rin siyang nagpipigil ng tawa.

"Can I invite you to an interview dinner? I would love to hear a lot more about you and share it to the viewers and readers of my blogsite about my experience in meeting a world-class graphic artist like you."

Kumunot ang noo ko.Parang lumalayo na kami sa kasalukuyan.

"Kunwari lang," bulong niya, nagtaas-baba  siya ng kilay saka nagpakawala ng bahagyang tawa.

"Oh, okay." Tumuwid ako ng tayo at binalak na sumunod sa larong ito. "Uhm, I'm free later at seven. Let's meet in this coffee shop downstairs. It's a great ambience for an interview."

"Seven pm it is." Ngumisi siya. Oh, those perfect teeth.

"Kunwari lang iyon ha? Baka pumunta ka."

Ngiti siyang umiling. "Walang kunwa-kunwari  sa 'kin."

"Jaxon!"

Tumawa siya. "Nice meeting you, Vin."

Gumapang ang pilit kong pinipigilang ngiti sa itinawag niya sa 'kin.

"Nice meeting you, Jax."

Ngayon ay malugod kong tinatanggap na lahat ng bagay ay may dahilan. May dahilan kung bakit hindi sinali ang art ko sa exhibit. May dahilan kung bakit ako nagpunta kay Ms. Guillen, na umabot ako sa Guidance. Sa lahat ng mga bagay na kinukuwestiyon ko, ito lang yata ang pinakagutso kong kasagutan.

"Guys kumain na tayo!" sigaw ko sa buong classroom pagkabalik ko.

"Akala ko ba hindi ka kakain?" pagtataka ni Nolan.

"Kanina iyon." Kinuha ko na ang aking bag at sinuot sa aking balikat.

For some reason ay dumapo ang paningin ko sa strap ng aking bag. Black ang bag ko, black ang bag ni Jaxon. Parang baliw akong ngumingiti.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro