SEVENTEEN
Aking ikinagulat ang paghiga ni Jaxon at ginawang unan ang kandungan ko. Pinapirmi nito ang aking mga binti. Hindi ako nakagalaw at tinitigan lang siya. His eyes are closed, keeping me from seeing those soft browns.
"Jaxon..." mahina ang aking boses na kinabitan ng banta.
"What, Vin?" Hindi pa rin sya dumilat. Halata ang kabiguan sa kanyang mukha. "Bawal na naman? What kind of rulebook of friendship should I read and study? Sige, pag-aaralan ko nang malaman kung ano ba talaga ang bawal sa pagkakaibigan natin."
Tinatakpan ng ingay ng hangin ang tunog ng aking buntong hininga. Maraming bawal, Jax. Dapat ikaw ang unang nakakaalam niyan!
"You're familiar with boundaries," matiyaga kong sabi. " Ito, iba ang iisipin ng mga tao. Bawal ang kiss. Hug...pwede. Friends do hugs."
Anong klaseng pagpapaintindi ba ang kailangan niya? I wasn't able to seek any profound explanation to make him understand. Lahat naman ng sinasabi ko ay sinasangga niya.
All those years pursuing Gwyneth, ganito din ba siya makipagkaibigan sa mga babae? But I haven't seen him with a girl maliban kay Gwyneth at...ako.
This got me outright curious with his real intention.
If this is how he's going to approach this 'being friends' setting, ngayon pa lang, itigil na niya ang panliligaw kay Gwyneth kung pasasakitan niya lang ito sa huli. Ayaw kong isipin na kayang gawin iyon ni Jaxon.
Sa kanyang pagdilat, may talim na sa mga mata niya. Mukhang minumura niya ako sa kanyang isipan. My favorite deep-set and soft browns of his turned deep and somewhat angry. Those perfectly trimmed thick brows almost joined together.
Hinanda ko ang sarili sa maaari niyang gawin because...the way he stares, it's like a warning. Hindi ko akalain na ang ganoong klaseng malamlam na mga mata niya ay kayang saniban ng talim.
Bigla siyang tumayo at walang lingon na naglakad palayo. Mabilis ang mga hakbang niya pero naroon pa rin ang tikas.
"Jax!" Hindi siya lumingon sa tawag ko.
Did he just walk out on me? Iiwan niya ako rito?
Hahabulin ko na sana siya ngunit mga paa ko na ang umatras nang pumasok siya sa Tesla at sumibad. Laglag ang panga kong sinundan ng tingin ang pag-alis ng sasakyan.
Ganon siya kabilis magtampo? You surprise me right there, Montero.
Binalingan ko ang iba pang nakaupo sa mga benches. Mukhang wala lang nangyari dahil nalulunod sila sa sarili nilang mga mundo. Wala na ang dalawang naghalikan kanina.
Marahil naghanap na ang mga iyon ng kwarto.
Ang muling pag-lakas ng ihip ng hangin ay tila kinalabit ako kaya ako humarap muli sa city skylines. Tinahak ko sa aking mga mata ang maaring dinaanan ni Jaxon sa kanyang pag-alis. Hindi ko alam kung saan galing ang pagiging kalmado ko. It's like I was born to have this certain belief about something, at huwag ako dapat mabahala.
A big part of me is telling me that he's not going to ditch me all the way. Ang babaw lang ng mga sinabi ko na iiwanan niya ako ng ganito.
But the 'what if's' are messing up with my head again. What if ganon talaga siya? Nang-iiwan? Sa pag-aakala kong tampo ay baka galit na pala ang nararamdaman niya at wala na talaga siyang balak balikan ako rito?
I don't know what triggered me to think na hindi ito magagawa ni Jaxon. He's going to come back. He's just probably blowing off some steam somewhere.
There are some things that guys can't really understand from girls. May iba rin naman akong hindi maintindihan sa kanila at hinahayaan ko na lang. It's their dictionary. Us girls have our encyclopedia.
Umupo ako sa bench. Nilingon ko ang box ng pizza na iniwan niya. Atleast may puso pa siyang tirhan ako ng pagkain if ever man na balak niya akong iwan dito. Binuksan ko ang box at kumuha ng isang slice.
Inabot ko ang aking bag at kinuha ang aking cellphone. Magpapasundo ako kina Charlie at Angelov. Just in case lang na tuluyan nang lumuwang ang turnilyo sa utak ni Jax. Sa ngayon sa tingin ko ay kasama pa rin nila si Lemuel and friends.
Hindi ko namalayan kung ilang minuto na akong nakatulala o baka nga mag-iisang oras na. Dinidirekta ko ang mga pag-iisip sa school at sa gagawin ko next week sa aking OJT bilang photo retoucher. Okay lang naman lalo na kapag may alam ka sa Adobe.
Hindi na nag-reply ang mga kaibigan ko ni-tawag o texts. Naubos ko nalang ang mga natira na pizza slices.
Habang tumatagal ay nararamdaman ko ang bigat ng aking katawan kaya humiga ako sa bench at ginawang unan ang aking bag.
I looked like a hopeless eloper assaulted by the cold rush of air. Tattered skinny jeans, oversized gray bat wing shirt which exposes my right shoulder, messy blue hair and smudged make-up....halos lumaylay ulit ang swelas ng aking boots. Pinulot ko ang maliit na lagas ng leather mula roon at tinapon sa hangin.
This has somehow reminded me of my father who has never came back. Ganoon rin kaya si Jax? If so, would I end up being like my mother? A junkie? Ikinakatakot kong mangyari na maging magkatulad ang mga landas namin ni mama.
Pero hindi naman sa ibang tao dapat sinisisi ang kinahihingatnan ng mga nasaktan nila. It's with us. We were hurt, ngunit nasa atin na iyon kung babangon tayo o mananatili sa ibaba at ilulong ang sarili sa mga bagay na hindi tama dahil lang sa iniwan tayo.
Self-pity could collaborate with selfishness. Naaawa tayo sa mga sarili natin kaya umiisip tayo ng paraan upang sumaya. We would end up doing all kinds of fun until that kind of fun is not right anymore. We still do it anyway because it makes us happy.
It's dangerous. It could be fatal. This could lead me there. I don't want to end up like my mother... mahal ko siya pero...ayaw kong matulad sa kinahihingatnan niya.
Unti-unti akong hinihila ng dilim sa aking mga pinag-iisip.
Ginising ako ng pag-vibrate sa aking cellphone. Nang tinignan ang tumatawag ay agad akong umupo at sinagot ang tawag ni Angelov. Nakauwi na kaya sila? What took one of them so long to call me?
"Hello, nasan ka?" Iyon agad ang binungad niya. Hinaplos ko ang nangangalay kong balikat dahil sa tigas ng bench.
Medyo nabingi pa ako sa pinagsabay na ingay ng hangin, hampas ng alon at agresibong motor na dumadaan. Hinintay kong marinig ang tili ng gulong at pagbangga dahil sa tulin nang pagpapatakbo ng driver. Sa kabutihang palad ay hindi naman nangyari.
"Uh...SRP." Pinatong ko ang mga paa sa bench saka niyakap ang aking mga tuhod. Ang lamig ng hangin.
"Anong ginagawa mo diyan?" Mukhang gustong matawa ni Angelov.
"Ano kasi..." lumilinga ako, para bang hinahanap ko sa paligid ang susunod kong sasabihin. "Uhm...nakauwi na ba kayo? Sunduin niyo naman ako."
"Papauwi pa lang kami...Cha, lumiko ka. SRP tayo..." humina ang boses niya, rinig ko ang pag-uusap nila Charlie, tinatanong kung saan ako banda. Ilang sandali ay narinig ko ang mahinang kalabog tanda ng pagbabalik ng phone sa tenga. "Saan ka sa SRP? Nasa Seaside ka ba?"
Hindi ko agad nasagot si Angelov sa biglang pagsulpot ng bulto sa harap ko. I wasn't even able to hear his arriving footfalls. I'm sure dahil sa may katawagan ako.
From his Henley shirt na inaanod din ng hangin, which by the way outlines the ridges on his abdominals giving me a preview of what's behind that cloth, my eyes made a trip up to his chest, broad shoulders until I met Jax's stare.
Nakahalukiphip siya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya dahil medyo madilim sa anggulo ng kanyang kinatatayuan.
Lumuwang ang kapit ko sa phone. Kung 'di lang tinawag muli ni Angelov ang pangalan ko marahil tuluyan na itong dumulas sa kamay ko.
"Uhm...Angelov, huwag na pala..."
"Ha? Ano ba talaga?" Iritado na siya.
"Nandito na iyong sundo ko," mahina kong sabi, parang ayaw kong paniwalaan ang sinasabi ko kahit nasa harap ko na ang ebidensya.
Pumalatak si Angelov kasabay ang pang-uusisa ni Charlie sa kabilang linya. "Anong sundo? Anong pinaggagawa mo, Davina?"
"Umuwi na kayo, pauwi na ako..."
Bago ko tuluyang tinapos ang tawag ay rinig ko pa ang mga pagmumura niya at ang pagtatanong ni Charlemagne.
Binalik ko ang phone sa bag saka hinarap si Jaxon na hindi nagpalit ng posisiyon. Para siyang estatwa diyan na binihisan ng totoong damit.
"O, bumalik ka? Iniwan mo na ako, panindigan mo." Nagtatampo kong sabi saka hinila ang paningin sa nakahilerang lights ng Mactan Bridge.
" 'Di kita matiis..." aniya.
Uminit ang dibdib ko, kumalat ang init at tinunaw ang lamig sa aking balat na sanhi ng hangin.
Umupo siya sa aking tabi at inabutan ako ng bottled water. Pinagpapawisan pa ito nang malamig, bagong bili. Amoy ko ang menthol sa kanyang hininga at rinig ang pagkagat niya ng may katigasang candy.
"At may balak ka talagang mang-iwan?" akusa ko sa kanya.
"Bumili lang ako ng tubig," malambing niyang sabi. Buong pwersa kong pinigilan ang pag-ngiti.
"May tindahan na malapit, Jaxon. " Turo ko sa likod. May mga nagtitinda pa nga doong barbecue. "Kailangan mo talagang lumayo para bumili ng tubig?"
Binasa ko ang tatak ng tubig. Anong klaseng tubig ba 'tong binili niya at kailangan sa malayo pa talaga bilhin? May halo ba 'tong kabanalan?
Sumandal siya sa bench at pinagpahinga ang mga braso sa sandalan. Halos naaakbayan na niya ako. Dumekwatro siya at chill na dinadama ang pang-aakit sa kanya ng hangin.
"Nagpunta akong SM, may hinanap din kasi akong libro," pahayag niya.
Kung pumunta lang pala siyang mall hindi pa niya ako sinama. At anong libro? Is he looking for a rulebook? Sa tingin ko mas talamak ngayon ang cookbook kesa rulebook. But who knows, baka nakabili siya.
"Did you really think I would leave you just like that?" Sabay naming nilingon ang isa't isa at nagkatitigan. His deep and soft browns are back. "Like I said, Vin, I'll never fail you. So next time, pagkatiwalaan mo na ako na hindi kita iiwan ng ganon. That was the first test of our friendship. You just got to trust me."
At talagang ngumisi pa siya! Mukhang proud pa sa ginawa at inasahang makatanggap siya ng award. Hindi niya alam ang pinagdaanan kong emotional breakdown nang ilang minuto dahil sa ginawa niya.
"Alam ko namang hindi ka mang-iiwan. But what if umuwi ka talaga na hindi ako kasama?"
I could only imagine. Pero alam kong hindi iyon mangyayari.
Kinurot niya ang pisngi ko. "Don't hold on to the what ifs, it'll just hold you down. Babalik at babalikan kita. Iyan lang tandaan mo."
I believe him. Ngunit kasabay ng kanyang pahayag ay ang linya kung saan ito na mismo ang gumuhit sa pagitan namin. Na hanggang dito lang ako. Being just friends is all we could ever be.
Since that night, he has never broken his vow to never fail me.
Lumipas ang ilang buwan, bawat araw ay mas nadadagdagan ang tiwala ko sa kanya. May kalakip din iyong kirot sa dibdib at guwang sa tiyan dahil sa huli, si Gwyneth pa rin ang priority niya maliban sa pag-aaral.
I hang out with his cousins, he has a few friends pero mas close silang magpipinsan lalo na kay Denver dahil sila ang magka-edad. Pinakamatanda sa kanila si Evan, iyong nagpa-tattoo sa akin.
He hangs out with my people, too. Atleast dalawa o isang beses sa isang linggo ay kasama namin siya sa aming inuman sa tattoo parlor tuwing nagsasara ito ng Sabado ng gabi. Minsan nakakalimutan ko ang estado ng pamumuhay niya dahil nakikisama siya sa amin.
But at the end, there are those moments that always remind me that he owns things that are way up above my pay scale.
Pero hindi lang sa estado kami magkaiba. Halos lahat nagkakaiba kami. We are two opposing poles. The only bond we have that keeps us grounded is our friendship. That's all. That's just it. Our one and only similarity was outnumbered by our sundry discrepancies.
Sumabay sa pagdaan ng mga buwan ang pakiramdam na hindi ko inasahang tatama sa akin. Because I have never been shown with love. Though there are these affection given by my friends. Sincerity. Camaraderie. Trustworthiness.
But love is a strong one. This something going on inside of me that is meant for him is a very strong one. Gusto kong itakwil pero ayaw kumawala.
Sa sobrang lakas ay bumabaon. It hurts deeply. I feel deeply. I fell deeply...
Naliligo na ang utak ko sa alak. The whole city is celebrating, at kanina pa ako nagce-celebrate mag-isa rito sa gilid ng daan, humihiga sa semento at nakatingala sa langit kung saan sumasayaw ang mga ilaw galing sa iba't ibang party venues ngayong Sinulog.
Dito sa Scaffold namin napiling pumunta dahil siksikan sa Mango Avenue. Scaffold's an abandoned warehouse at tanging scaffold ang daan paakyat sa second floor. That's where they got the name. Sa side na kaharap rito sa labas ay walang pader kaya kitang-kita ang mga kaganapan doon; Dancing, chatting with friends, drinking and et cetera.
Nakabukas ang gate kaya nakikita ko mula rito sa hinihigaan kong daan ang mas tumitinding pagpa-party ng mga tao. Mostly my age. The music got louder. Humihiyaw na ang mga party animals at ilang mga nakainom na. May nakikita pa akong nagme-make out sa hood ng pick-up ni Angelov na nakaparada doon sa loob.
"Vin! Ayos ka lang diyan?"
Namumungay ang mga mata ni Angelov na kumakapit ng todo sa gilid ng gate. Nakangisi siya, tumitiklop na ang mga tuhod at papabagsak na sa semento.
Pinakitaan ko siya ng thumbs-up. Gumanti siya ng dalawang thumbs up. Halos napaluhod siya dahil sa pagbitaw niya sa gate. Mabilis din ang nagawa niyang pagbabalik-kapit dito. Tumawa ako ngunit walang buhay. I tried. I tried giving my laugh a life.
Kahit hindi man nahahalata ng mga kaibigan ko pero ako ang nasasaktan para sa kanila. Para kasing naiinsulto ko sila sa mga walang buhay kong tawa. But I tried. I really did.
Biglang sumulpot si Charlie sa likod at inakbayan siya. Hinila niya si Angelov pabalik sa loob at sumunod ang pagsabog ng kanilang tawanan at pagtama ng mga bote sa mabatong lupa. Hanggang gate lang kasi ang sementado.
Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga dumadaan. May mga kantyaw at tawanan na kahit nakapikit ako ay alam kong para sa akin. Hindi ko sila pinapansin. I'm used to their stares and judgments. Hindi na sila mga bala sa akin na masakit bumaon. I have a yet bigger problem that could hurt me like hell ultimately.
Pagkatapos dumaan ng nagsasayang hiyawan ng mga kabataan at sumisigaw ng Pit Senyor, kaagad pumalit ang mga yapak na pamilyar sa akin. Pino, maingat at tahimik pero ramdam ko ang ugong nito sa sementong hinihigaan ko.
Ito ang nanaig na ingay sa kabila ng mas maingay na mga tao sa Scaffold.
Huminto ang mga yapak kaya dumilat ako. Seryosong Jaxon ang tumagpo sa aking paningin. Nasa gilid ko siya, isang tuhod niya ang nakaluhod sa semento.
Kinuha ang atensyon ko ng braso niyang may tribal henna. He's in his muscle shirt kaya maliban sa tinta ay pinangalandakan rin ng braso niya ang magandang resulta ng Muay Thai at lifting weights.
Humila ang paningin ni Jax sa bote ng beer na hawak ko.
"Here to save the damsel under an alcohol's spell?" Lasing akong humagikhik.
Naging isang linya ang kanyang labi. May pagsuko namang lumamlam ang mga mata niya habang umiigting ang kanyang panga.
"Kanina pa ako tumatawag, hindi mo sinasagot," mahina niyang sabi.
It's like he's upset anout something. About Gwyneth ba? Or dahil sa ganitong tagpo na naman niya ako natunghayan? Because this isn't the first time he found me like this.
"Oh! Sorry..." Sinubukan kong umupo. Tinulungan ako ni Jax kahit kaya ko naman. Tinungga ko ang kalahating laman ng bote saka pinunasan ang basa kong bibig sa likod ng kamay ko. "Nasa bag ang phone ko. Pinabantayan ko kay Charlie."
Dahil kung si Tori, hindi niya mababantayan nang maayos iyon. Lalo na't kasama namin si Nolan. Everyone could tell where those two would end up at the end of the night!
Kinuha ni Jaxon ang libre kong kamay at dinungaw ang aking palapulsuhan. May stamp doon ng bar na pinuntahan namin kanina bago kami nagtungo rito.
Bahagya siyang tumango sa harap, sa buhay na buhay na Scaffold.
"That's not the first one..." he stated, his voice cold.
Halos magtagpo na ang kilay niya't guhit ng mga mata sa labis na pag-simangot.
"Free entrance lang kasi. Drinks nalang ang babayaran. Magandang offer na iyon!" Mahina akong tumawa. "Pero puno kaya lumipat kami rito. Care of Angelov's bunch of weed-smoking friends."
Hindi ko na tinanong kung paano niya nalamang nandito ako. Siguro si Charlie ang tinanong niya dahil siya naman ang maaasahang receptionist ni Jaxon sa tuwing hindi niya ako mahagilap o makontak.
Hinila niya ang collar ng maluwang kong shirt at tinago ang strap ng aking bra. The light touch of his fingers to my neck sends shivers on my spine and face. Nakapikit pa akong dinadama iyon. I almost moaned! Damn!
"Bakit?" tanong ko.
"Kita strap ng bra mo," pahayag niya.
Ngumisi ako. "Kung garter ng panty ko ang nakita, Jaxon, anong gagawin mo? Hihilain mo rin ang short ko at itatago ang aking panty?"
Humagikhik ako pagkatapos. Iling siyang nag-pigil ngiti sabay iwas ng tingin. 'Di nagtagal ay napangisi na rin siya na sinabayan ng pamumula ng kanyang leeg at tenga. I smelled the slight scent of whiskey emitting from his breath.
"You're frustrated, Vin." His voice became hoarse.
"I'm always frustrated."
Nagbalik-tingin siya sa akin, naniningkit ang mga mata. "Not that. You're sexually frustrated."
"Oh, can you feel it now?" pang-aasar ko.
Sinalungat ang nanunuya kong ngisi ng sobrang seryoso niyang mga mata. Nagkatitigan kami. His eyes turned intense and heated, not sure if it's from anger, irritation or desire. Iba na rin ang nararamdaman kong init and I am blaming the alcohol for this.
Giniba ang sandaling iyon ng ring ng kanyang cellphone. Mukha siyang natauhan sa nangyari na nagresulta ng malalim niyang paghugot at pakawala ng hangin. Sabay kaming nag-iwas tingin.
May panghihinayang na nagaganap sa loob ko kapag iaalis ko na ang mga mata sa kanya.
Ano ba, Davina? You sound so pathetic and lovestruck! Well, am I not?
Bigla akong tinakasan ng hilo at kalasingan. We're saved by the ring. Hindi rin ito ang unang beses. We've been in this awkward situation too many times before. Wala pa kaming ginagawa pero inuusig na agad ako ng guilt. Or this guilt could be a warning bell for me.
Pinanood ko ang seryosong pagtitipa niya sa cellphone, which I'm sure he's making a reply to Gwyneth. Ganoon pa rin ang itsura niya nang sinilid na niya ito sa kanyang bulsa.
Ipinagtaka ko ang mga kilos niya; He's tapping his feet at iniipit niya ang kanyang labi. Parang ayaw niya akong tignan. Mabigat na hangin ang pinakawalan niya saka pinadaanan ng kamay ang kanyang magulong buhok. Mukha siyang kinakabahan o nababahala.
Nadala ako sa mga kilos niya. Napatigil ako, hinahanda ang sarili sa kung ano man.
Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad saka niya hinila ako upang makatayo. Inubos ko ang laman ng bote at tamad na tinapon sa gilid kung saan naroon na rin ang ibang mga basura.
Pinagpag ko ang aking pwetan. Tumulong naman si Jaxon sa pagpagpag sa aking likod.
Sa magkahawak pa rin naming mga kamay, bigla niya akong hinila at niyakap na dumagdag lang sa mga pagtataka ko.
But still, I relished in his warm embrace and manly scent. His frame is wider than mine, kaya nakukulong ako ng buo niyang katawan. Dapat nakukuntento na ako sa ganito. Napapasaya na niya ako kahit ganito lang.
"Kami na ni Gwyneth..."
Rumagasa ang lamig sa aking sistema, animo'y kinumutan ako ng buong-buo ng yelo. Hindi ko na naituloy ang pag-ngiti sa ibinalita niya.
Sana nabingi lang ako pero hindi. Dumikit sa tenga ko ang sinabi niya habang unti-unti nitong pinoproseso ng utak ko.
It's possible. Of course. Niligawan niya, e, e 'di sasagutin siya.
Namuo na ang kung ano sa dibdib ko sanhi ng npagbabadya ng mga luha. Mahigpit ko siyang niyakap, kumukuha ng lakas dahil sa nagbabantang pagtiklop ng mga tuhod ko. Sobrang higpit ng pagpulupot sa aking tiyan na parng hindi lang puso ko ang sinaksak.
Tuluyan na akong tinakasan ng epekto ng alak. I'm back to normal. Hurting is normal. I want to be numb again.
Nagpakawala ako ng putol-putol na tawa, nagtatalo ang bibig ko kung tatawa ba o hihikbi. Para akong hinihika!
"Vin?" nag-aalala niyang tanong.
Bumitaw ako upang ipakita ang malaki kong ngisi.
"At last! Nagbunga ang pinagsikapan mo nang apat na taon!" Isang beses pa akong tumalon.
Muli ko siyang niyakap at agad sumunod ang pag-takas ng luha sa aking mga mata. Magkasunod at puro mabibigat. Tumitindi ang hapdi sa dibdib ko at mas nag-udyok itong pakawalan ko ang kinikimkim na hikbi.
Magaan ang paglapat ng mga kamay ni Jaxon sa aking likod, mukhang nag-aalinlangan na tumbasan ang higpit ng yakap ko. I want him to choose not to make it tight. Baka kasi hindi na ako bibitaw at agawin ko pa siya kay Gwyneth.
"You're happy for me, Vin?" Mukhang hindi niya inasahan ang naging reaksyon ko. Ngunit may naringgan akong tono na hindi ko maintindihan. It's like he's upset.
I don't want to entertain that tone. Paaasahin lang ako nito. Sila na, e. Ano pa bang aasahan ko?
"Oo naman!" Inuugoy ko siya. Suminghap ako at nakatago roon ang ginawa kong pag-singhot. I'm in my best effort to control my sob.
Hinila niya ang sarili upang makaharap muli ako ngunit hinigpitan ko lalo ang yakap ko sa kanya. Umiling ako, dahil ayaw ko nang magsalita. Ayaw kong sabihin na hindi ko kaya.
Not now, Jaxon. You can't see me like this. Umaakyat na ang hikbi sa lalamunan ko at kung magkaharap tayo, sigurado akong hindi ko mapipigilang umiyak sa harap mo.
"Wohoo!" sigaw ko at sinundan iyon ng tawa, na sinabayan ng panibagong mga butil na tumkas sa aking mga mata.
Pinanatili kong ganoon ang aming posisiyon upang pakalmahin ang aking sarili at hinayaan niya ako. Tahimik niyang sinasabayan ang pag-ugoy ko sa kanya. Mukha kaming nagsasayaw sa malungkot na kanta na kami lang ang nakakarinig. O ako lang.
What a happy birthday to you, Davina. Happy fucking birthday.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro