Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SEVEN

Kinapalan ko ang aking dark maroon lipstick at in-emphasize ang kurba nito sa aking labi. Dito ako dumiretso sa cr upang ayusin ang lipstick kong kumalat dahil sa nabunggo kong nagmamadaling estudiyante kanina.

Wala na ang sugat sa labi ko gawa ng pagkakasampal sa 'kin ni mama. Tulog siya kanina pagkaalis ko. It's a relief for me na makitang wala siyang katabi na ibang lalake.

Sa pagpasok ng grupo ng mga kababaihan ay doon na ako lumabas. Naabutan ko sina Tori sa labas ng classroom namin na nakaupo sa isa sa mga nagkalat na armchairs. Katabi niya si Nolan na nakikipagtawanan kay Angelov. Nakaupo siya sa armrest katapat ng silya nina Nolan at may hawak na gitara.

Pumasok ako sa classroom upang ilapag ang bag sa 'king silya bago ako lumabas at nakisali sa kanila.

"O, Vin! Andyan ka na pala?" puna ni Tori, "'Di kita nakita dumating."

"Nauna ako sa 'yo. Nag-cr lang ako," ani ko.

Imbes na umupo sa isa sa mga armchairs ay sumandal ako sa ledge at pumalumbaba. Sinuyod ng mga mata ko ang hallways ng bawat floor at naghahanap ng pag-aaliwan habang hinihintay ang guro namin. Maaga akong pumasok ngayon, at milagro na ang aga ni Tori.

Huminto ang paglalakbay ng aking paningin sa fifth floor. Otomatikong kumunot ang noo ko.

Sure akong si Jaxon ang nakikita ko sa ledge ng fifth floor. Napapadalas yata ang pagpunta niya rito sa school?

Nag-crisis ba ang eskwelahan nila at dito siya tumatambay?

He's not in his uniform, so siguro wala siyang pasok ngayon. Maybe it's his radio booth day. Hindi na nasundan pa ang pakikinig ko sa kanya sa radiyo after noong pinatugtog niya ang request kong kanta. Gabi na rin kasi ako nakakauwi dahil sa mga six pm classes namin.

Naka-sideview siya, nakatukod ang braso sa ledge kaya kita ko ang banat ng kanyang muscles sa ginawa. Relax siyang nakasandal doon at ngumingiti habang kausap ang nililigawan niyang si Gwyneth na dito nakaharap.

She's gesturing something in her hands na umani ng tawa mula kay Jaxon.

Ramdam ko ang paghihingalo ng puso ko. Ganito ba talaga masaktan kahit admiration lang?  Admiration pa ba ito? Kasi parang ang sakit?

Tangina, hindi na 'to normal. At mahirap itong makaligtaan dahil hindi ito normal sa 'kin.

Lahat ng mga nagdaang encounters namin lalo na ang kahapon ay tila naglaho sa isang tingin pa lang sa kanilang dalawa. Isang bala pa lang iyan ng pangyayari ngunit bumaon na sa 'kin. Diretso sa puso. Tagos sa likod.

Hindi talaga magandang ideya ang pagpayag kong pakikipagkaibigan sa kanya.  But in his every attempt at keeping an inch distance ay tila ba winalis lahat ng mga inhibitions ko.

Kung may nararamdaman ka na (kahit gaano pa kababaw iyan) bago nakapagtayo ng pundasyon ng pagkakaibigan, at sa oras na mamuo na ang friendship na kinabibilangan niyong dalawa, lalago at lalago iyan hanggang sa sumidhi ang damdamin. Hindi iyon napipigilan.

Few are those who get lucky that they feel the same way towards each other. And I'm not one of those few ones. Dahil ngayon pa lang alam ko na na isa ako sa mga karamihang napapabilang sa one way affection.

Bago pa ako iibig sa taong walang kapasidad na suklian ang damdamin ko, ngayon pa lang puputulin ko na ang ugnayan sa kanya. I still carry a lot of  baggage with me. Delikado kapag magpasali pa ako ng panibagong damdamin na alam kong ikakabagsak ko sa huli.

This attraction is running high. I've already came apart at the seams and having Jaxon near me raises a red flag.

Hindi lang naman kasi sa pag-ibig umiikot ang mundo ko. I was able to survive twenty one years of my life without love. I only live with my fundamentals, judgements and friendship.

Habang pinagmamasdan ko sila ay papalapit ang tunog ng gitara sa direksiyon ko kasunod ang boses ni Angelov.

You don't see me that way

You don't see the way I look at you

When you are not looking at me

Nakakamatay na tingin ang tinapon ko sa kanya. Ngisi siyang kumakanta saka siya bumaling sa dalawang taong kanina ko pa pinapanood.

I wish that I could tell you every single thought

I ever have about you and me

But you don't see me that way...

Nag-isang strum pa siya bago tinapos ang kanta. Tinapik niya ako sa balikat, parang nagmamalasakit din sa kabiguan ko.

"Okay lang iyan Vin..."ani ni Nolan mula sa kanyang upuan.

"Aww...Vin." Ngumuso si Tori at parang naiiyak. Bumaling siya sa nobyo. "Nolan, wala ka bang irereto?"

Dinukot ni Nolan ang phone sa bulsa at nag-scroll. "Ubos na! Na-break na niya lahat!"

Nagtawanan sila. Pilit akong ngumisi at nag-balik tingn sa fifth floor. Wala na sila doon. Weird na mas nakaramdam ako ng kagaanan ng loob na hindi ko na sila nakikita.

Tama. Iyon ang dapat mangyari. Sa tagal na hindi mo makikita ang isang tao ay maglalaho ang pinopondo mong feelings. 'Di ba ganoon kadalasan kapag long distance? Sa tagal ng hindi pagkikita, nababaling ang damdamin nila sa iba at hindi na roon sa kasintahan nila.

Iyong iba lang naman. Tulad nga ng sabi ko, suwerte ang napapabilang sa porsyentong nagtatagumpay sa ganoong klaseng relasyon.

Same way lang kahit gusto mo ang isang tao. Maglalaho ang pagkagusto ko sa kanya at 'di magtatagal, mababaling ang pagkagusto ko sa iba.

And it may not be in the same way as how my attraction for Jaxon flows. Iba kasi dating niya sa 'kin kaya hindi ako sigurado kung magkakagusto pa ako sa iba na sobra pa sa pagkagusto ko sa kanya.

Dumaan ang mga naghahagikhikang sina Julissa at dalawa pa niyang kaibigan. Kung ano man ang sinabi nila na nakakapagpa-highblood kay Tori, hindi ko iyon narinig.

" You're on the top of my shit list Julissa! You're such a bitch!"

Nagtawanan kami sa sigaw ni Tori. Mas inakbayan pa siya ni Nolan dahil dito.

"Cheap glitter!" dagdag pa niya.

"Ano ba sabi?" tanong ko.

"Huwag mo nang alamin, Vin." Tumikhim si Angelov at sinilid ang gitara sa case nito.

"Bakit? Tungkol sa 'kin? Sanay na ako."

Hindi na bago ang mga patutsada ng magkakaibigang 'yan.

"Flirt. Puro lalake kasama. If I know, 'di na virgin 'yan..."

Napaawang ako sa narinig ko mula sa kanya  bago siya pumasok sa classroom.

Marahas na suminghap si Tori. "Oh my gosh, Julissa! Mag-shut up ka nalang! Ano bang pinaglalaban mo? Maganda ka nga, bobo naman!"

Tinatahan na siya ni Nolan. Kita ko ang pag-iling ni Angelov  at iritado niyang mukha sabay iwas-tingin sa classroom.

"She didn't even know how to spell fuschia. Wala, putcha nilagay niya! Ganoon ka ka-bobo, Julissa!"

Umani na kami ng atensyon dahil sa pagsisigaw ni Tori. Pulang-pula na ang maputi niyang mukha. Ako nama'y nililihim at iniipon ang inis. Kalma lang, Davina.

Hindi ako nagpapaapekto dahil wala namang katotohanan ang sinabi niya. At wala akong dapat ipakitang pruweba. Bahala silang magmukhang tanga sa mga maling paniniwala nila tungkol sa 'kin. Sila naman ang mapapahiya, hindi ako.

"Saan punta mo?" tanong ni Nolan kay Angelov na sinusuot na ang guitar case.

"En la clase de Español" aniya sabay hampas ng  notebook sa armrest na inupuan niya kanina.

Bahagya akong tumawa. "Ba't kasi nag-drop ka sa Spanish last year?"

Nanatili akong nakasandal sa ledge. Magdamagan naman kasi kaming uupo mamaya kapag lecture na.

Maarteng  pinaikot ni Angelov ang mga mata. "Por favor! Aanhin ko ba ang Spanish sa pagdo-drawing ko? Lagyan ko ng piercing ang dila ni Mr. Facundo, e."

Pumasok siya sa classroom at sa muli niyang paglabas ay dala na niya ang bag niyang hindi ko alam kung may laman ba. Mukhang wala naman.

"Sabay ka sa 'min ni Charlie mamaya?" tanong niya sa 'kin, nakaangat ang isang kilay.

Tumango ako. "Text lang kayo."

Sumaludo siya saka padulas na tumalikod. "Adios mi amigos!"

Sa kanyang pagsigaw sa hallway ay umani ng hagikhikan sa mga nakakasalubong niya. May nilingon siyang babaeng business ad na course na sobrang hapit ng skirt uniform kaya kita ang pormado nitong likod at pwetan.

Napakagat siya sa kanyang piercing sa labi kasabay ang pagbaba ng kanyang paningin doon sa pwetan ng babae. Nagtawanan kami nina Nolan.

"Mata mo, Lov!" sigaw ni Nolan.

Dinikit niya ang kanyang hintuturo sa kanyang labi bago siya humarap sa dinadaanan at bumaba na nang hagdan. Umalingawngaw pa ang mga yabag niyang may pagmamadali.

Nangalay ang paa ko sa kakatayo kaya umupo na ako sa armcahir. Pinapanood ko ang pagne-nail cutter ni Nolan sa mga kuko ni Tori.

Napangiti ako. That kind of relationship they have is one that I'd hoped for. But I don't know if I deserve it. Do I deserve the beautiful things? Kasi kahit may magaganda namang nangyari sa'kin  katulad ng mga kaibigan ko, I just can't seem to be contented. Parang may hinahangad pa ako. At saka mas matimbang ang mga nararanasan kong hindi kaaya-aya kesa sa magagandang bagay.

But I still have to be grateful. Once again, kailangan kong makuntento sa 'atleast'.

Nolan and Tori deserve this. I have already envisioned them getting married someday.

"Vin, just know na hindi ikaw ang umakyat, kami ang bumaba sa 'yo. So no social climbing na nangyayari, okay? Social downing lang. I hate that cheap glitter." Hindi nakatingin si Tori sa 'kin habang sinasabi ito.

Ang kabilang  kamay naman niya ang nilagay sa armrest upang sunod na ma-nail cutter ni Nolan.

"Iyon ba sinabi ni Julissa kanina?"

Instinct ko na ang um-oo bago pa tumango si Tori.

"Ano ba 'yong cheap glitter?" tanong ni Nolan habang seryoso sa ginagawa sa mga kuko ng nobya.

"Nagdadamit mayaman kahit hindi naman. Meaning, siya ang social climber. Hence, cheap glitter."

Iling na napangisi si Nolan.

Nilingon ako ni Tori. "Nakita mo na ba artwork mo sa baba?"

Umiling ako. "Bakit?"

"Nandoon na! Sumilip kasi ako kanina bago ako umakyat dito. Tsineck ko lang kung nandoon pa iyong gawa ko, hindi pa ako makapaniwala hanggang ngayon na kasali ito sa exhibit. Nakita ko iyong gawa mo. Check natin mamaya."

Namilog ang mga mata niya sa excitement.

Umiling ako. Hindi na siguro. As long as kasali na ito sa display sa baba, okay na ako. Nagbunga ang ginawa kong pakikipaglaban na mai-lahok ito sa exhibit.

Kanya-kanya kaming buhat sa mga armchairs papasok sa classroom nang makita ang pagdating ng guro namin. Ang aga niya, hindi pa naman nag-bell.

Inayos ko ang silya sa pagkakapantay nito sa silya ni Tori bago ako umupo.

Hindi pa rin nililisan ng utak ko ang imahe nina Jaxon at Gywneth kanina. Hindi ako makapag-concentrate sa lecture dahil sa bigat ng dibdib ko.

Sana ngayong araw lang 'to. Ayaw kong makaramdam ng ganito sa buong linggo. Kung admiration pa lang 'to, paano pa kaya kung pag-ibig na? Mas malala! Mas dapat kong iwasang mangyari iyon.

Mistula itong multo na pilit akong sinusundan. Kailangan ko ng pangontra.

Natapos ang lecture na hindi ako nagtagumpay sa pag-alis ng imahe ni Jax sa isip ko.

Kailangan ko ng ibang diversion. Iyong intense. Iyong may hype at adrenaline rush. Subok na ang karanasan kong iyon kaya hindi na ako makapaghintay na kitain sina Charlie at Angelov.

Gabi na nang matapos ang huling klase namin ngayong araw. Hindi na naman pumasok si Angelov kaya nag-assume akong sila ni Charlie ang magkasama.

Tinext ko sila na naghihintay ako rito sa harap ng Pharmacy. Tumingala ako sa kalangitan, mukhang uulan pa yata dahil sa pink na mga ulap at panay na pag-kulog. Lumalamig rin ang ihip ng hangin.

Lumabas sina Tori at Nolan sa pharmacy dala ang kanilang pinamili. Nang-aasar ko silang tinignan.

"Condom 'yan noh?" Ninguso ko ang plastic na dala ni Tori.

Tumawa si Nolan. Nilingon ako ng isang estudyanteng nakarinig sa sinabi ko. Pulang-pula ang mukha niyang pumasok sa Pharmacy na umani ng tawa mula sa 'min.

"Bunganga mo, Davina!" ani ni Tori.

Inosente ko siyang tinignan. "Bakit? Nagtatanong lang."

"Nagtanong ka pa, alam mo naman pala!" wika ni Nolan.

Tingala akong napahagalpak. Sunod kong namalayan ang pagpulupot ng braso ni Nolan sa leeg ko saka ako bahagyang sinakal kasabay ang pagkiliti sa 'kin ni Tori. Halos hindi ako makahinga sa kakatawa.

Pinigilan lang kami ng pinababang boses ni Charlie. Humihingal pa ako kahit pinakawalan na ako ng mag-irog.

"Uwi na kami," pahayag ni Nolan.

"Sus, maniwala..." pang-aasar ko.

Umamba siya ng kiliti, pinag-ekis ko ang aking mga kamay. Kumaway si Tori at kumaway ako pabalik sa kanila.

Hinarap ko na ang dalawa na mukhang serysos ang pinag-uusapan.

"Psst! Tara," tawag pansin ko sa kanila.

Hinila nila ang kanilang usapan hanggang sa pagpasok namin sa pharmacy. Kaunti lamang ang mga namimili sa bawat aisle. Sa counter naman ay may tatlo roon na medyo matatanda na ang umo-order ng gamot.

"Adrenaline?" tanong ni Charlie. Code naman ito kapag may gustong gawin ang isa sa 'min na bawal. Minsan ay trip lang dahil bored. Pero ako, for diversion.

"Adrenaline," kumpirma ko.

Tumabi sa 'kin si Angelov sa kabila. "So, how do we start?" Halata ang excitement sa kanyang boses.

Sa speaker ng pharmacy ay naka-play ang sikat na kanta ng isang banda. In-enjoy ko muna ang tugtog bago ako nag-isip. Nasa harap kami ng newspaper stand na patayan na naman ang headline. Naka-display rin ang pang-teenager na  magazine.

"Kuha kayo kahit ano. Kapag nahuli, takbo," mahinang sabi sa 'min ni Charlie.

Tumango kami ni Angelov.

"Let's do this." Ngumisi ako saka kami nagkalat.

Mabagal  ang mga hakbang ko sa ikalawang aisle,namimili ng pagkain. Nilagpasan ko ang hilera ng mga chocolates. I don't like them. Masakit sa lalamunan.

Sa kanan ko ay puro chips. Walang akong nahiligan dito kaya lumipat ako sa drinks area at kumuha ng dalawang rootbeer at Jackcoke.

I wonder kung may whiskey rito.

Nilingon ko sina Charlie at Angelov. Nakatalikod si Angelov kaya si Charlie lang ang  tumagpo sa paningin ko habang mabagal siyang naglalakad sa pangatlong aisle. Makahulugan ang ngiti niya. Siguro may nakuha na siya.

Binuksan ko ang aking bag at doon nilagay ang aking mga kinuha. Mga cup noodles ang naka-display sa kaharap kong aisle kaya kumuha ako ng tatlo, inignora ang flavor.

Huli kong sinilid ang dalawang pack ng cookies at doon na kami sinita ng isa sa mga cashier. Nakita yata kami sa mala-fish eye na salamin.

Unang nakalabas si Angelov dahil siya ang pinakamalapit sa pinto. Eh puro shampoo naman ang nasa first aisle kaya tawang-tawa akong tumatakbo dahil sa naisip. Nakasunod ako kay Charlie na halos pumantay na kay Angelov.

"Hoy! Bumalik kayo rito! Magbayad kayo!"

Patuloy lang kami sa pagtakbo. Nagsimula nang umambon pero hindi kami tumigil.

"Ilan nakuha niyo?" sinigaw ko ang tanong. Bumagal ako nang makaramdam ng panghahapdi sa dibdib.

Bahagyang sumlyap si Charlie sa 'kin. "Tatlo. Kayo?"

"Weak! Walo sa 'kin!"sigaw ni Angelov. Rinig ko ang ngisi niya, mukhang proud pa sa ginawa.

"Madaya! Inakit mo kasi iyong lady guard!"

Tumigil na ako, hingal na hingal. Tinukod ko ang aking mga kamay sa tuhod ko at dinaramdam ang kadesperaduhan ng baga kong makahila ng hangin. Gayunpaman, hindi ko pa rin mapigilang matawa sa ginawa namin.

Huminto na rin ang dalawa. Pagod na umupo si Angelov sa semento at tumingala sa langit. Nakabuka ang binti, tinukod ang mga kamay sa lupa. Nakanganga siya, sinasalo ang patak ng ambon sa kanyang bibig at pumipikit-pikit habang humihingal.

Nanatiling nakatayo si Charlie, nasa baywang ang mga kamay at mabilis ang pagtaas-baba ng kanyang balikat. Nakatalikod siya sa 'kin.

Lumingon ako sa aming pinanggalingan. Sa gitna ng hamog gawa ng ambon ay matagal bago naging klaro sa 'king paningin na wala nang humahabol, pero hindi pa naman kami nakakalayo.

Umayos ako ng tayo. Bahagaya na ang aking paghingal. Dinukot ko ang aking panyo sa bulsa at dinampian ang basa kong mukha sa pinaghalong pawis at ambon. Humakbang ako upang silipin ang naghabol sa 'min.

Kita ko siyang may kausap na nakapayong. Hindi naman ako kinabahan dahil hindi siya mukhang pulis.

Lumingon siya dito sa direksyon ko. Animo'y hinampas ako ng hangin at tinapon sa kabilang sulok nang magtagpo ang mga mata namin ni Jaxon. Sinuntok ako ng sarili kong puso sa lakas ng pagkabog nito sa 'king dibdib. Kumalat ang mga suntok sa aking tiyan kaya ito namilipit.

Binalingan niya muli ang tauhan sa pharmacy. Dumukot siya ng pera sa kanyang wallet at binigay ito sa kanya. Tumatango ang tauhan sa sinabi ni Jaxon bago ito pumasok sa pharmacy.

Papunta na rito si Jaxon. Humahapdi na ang mga mata ko sa pagpatak ng ambon ngunit hindi ako nag-aalis ng tingin.

"Uh-oh...so I guess it's epic fail?" 'Di ko namalayang nasa tabi ko na pala si Charlie.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Angelov. Narinig kong tumayo na siya sa pagkaka-upo sa semento.

Ginawa ko ang bagay na ito upang maiwas ang pag-iisip ko sa kanya. I need the adrenaline rush as a diversion. Ngunit ang tipo ng adrenaline na iniiwasan ko ang siya namang nag-resulta sa sana'y solusyon ko sa pagkakatuon ko ng atensyon palayo sa kanya.

Hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Para bang ito na ang nag-desisiyon sa 'kin na harapin siya imbes na takbuhan ko. Kasi ngayon, mukhang underconstruction pa ang utak ko kaya paa ko nalang muna ang nag-iisip.

Pinapagitnaan ako ng dalawa na wala namang ibang reaksyon, maliban kay Angelov na tumikhim.

Nang humantong na siya sa aking harapan, sinilong niya ako sa kanyang payong at binalewala ang dalawa kong kasama.

Tinitigan niya ako. Agad akong nag-iwas kahit mukha namang hindi siya galit. Ang paraan ng tingin niya'y animo'y binibilang niya sa mukha ko ang mga utang ko sa kanya.

Nararamdaman ko ang pagtibok sa aking tiyan. May pulso ba ang tiyan?

Tinapik ako nina Charlie at Angelov sa balikat bago nila ako iniwan. Sumilong sila sa isa sa mga haligi ng condominium na pinaghihintuan namin kanina. Kapwa sila bumunot ng sigarilyo at nagsimulang magpa-usok.

Binalikan ko si Jaxon na mukhang hindi yata nag-aalis ng tingin. He seems to be frozen in place. Even his eyes remained cut to mine.

"Magkano?" lumiit ang aking boses.

Kumunot ang noo niya. "Huh?"

"Magkano na utang ko?"

He recoiled, hindi inaasahan ang aking tanong. "Hindi ako naniningil, Vin."

Napapadyak ako sa 'king paa. "Kailangan mo akong singilin! Hindi biro ang mahigit sampung libong binayad mo sa exam ko, Jax! Tapos..."

Hindi ko masabi ang ginawa niyang pagbayad sa mga pinuslit namin. Nauwi pa ako sa kahihiyan. We're supposed to have fun, but I ended up in shame. Si Jaxon pa ang witness.

Tsaka sinabi ko bang dapat niya akong singilin? May maipambayad na ba ako? Wala, Davina!

"Hindi naman 'yon isang milyon. Don't fuss about it."

Napairap ako. "Palibhasa ang yaman niyo, nila-lang mo lang ang mahigit sampung libo."

May frustration sa kanyang buntong hininga. Hinawakan niya ako sa braso at hinila ako sa sulok ng isang building kung saan masisilungan kami sa ulan. Niligpit niya ang kanyang payong at hinayaan itong lumambitin sa kamay niya.

Nakikita ko sa inambag na liwanag ng poste ang marahan niyang iritasyon. Humihingal rin siya, dinig ko ang kanyang bawat paghinga. Naaamoy ko ang menthol mula roon.

"Ano bang dapat kong gawin para hindi ako magmukhang mayaman sa paningin mo?"  Nahihimigan ko ang pinaghalong desperasyon at frustration sa tono niya. Nagreplika ito sa kanyang ekspresyon.

"Huwag mo akong tulungan." Walang emosyon kong sabi.

"I can't promise that," mariin niyang wika.

"I'm not a charity case."

"I know. Hindi naman ako naaawa sa'yo. Helping someone doesn't mean you pity them. It could also mean that they care. That I care."

Muli akong nag-iwas. Lumalakas na ang ambon at sa ilang segundo ay bubuhos na ang ulan. Marami na naman kaming magkukumpulan sa sakayan ng jeep. Hirap makahanp ng bakanteng sasakyan kapag tag-ulan.

Ngunit hindi ito ang ikinabahala ko kung 'di ang naging pahayag niya. May kung ano sa sinabi niya na umiba sa pagdagundong sa dibdib ko. Pinagpapraktisan ng ilang kamao ang puso ko bilang punching bag, epekto ng sinabi ni Jaxon.

Unang taong sumagi sa isip ko sa tuwing nakikta ko siya ay si Gywneth. Kahit wala siya ay tila ba sinusundan ako ng kaniyang kaluluwa upang bakuran si Jaxon, upang ipatatak sa isip ko na hindi kami pwede, na hindi ako pwedeng makipaglapit sa kanya.

Hindi naman kasi ako ang makaka-benefit sa ginagawa ko. Ako pa nga ang agrabyado dahil ako ang may gusto!

"Ihahatid na kita," malamyos ang boses niyang sabi na halos naging bulong  ito. Para bang binabawi niya ang iritasyon kanina at nagpapaamo siya sa 'kin ngayon.

"May mga kasama ako."

"Ihahatid ko kayo," tugon niya tila ba obvious na itong sagot.

"Una akong bababa dahil mas malayo bahay nila," pahayag ko. Halukiphip ko siyang hinarap.

"Una ko silang ihahatid tapos ikaw." Hindi siya nag-aalis ng tingin.

Stop doing that, Jaxon! Dinadagdagan mo kasalanan ko!

"Madadaanan ang bahay namin kaya ako ang unang mahahatid—"

"Sila ang una kong ihahatid. Ikaw ang huli. Tapos!" Mariin at may pinalidad niyang sabi. Umigting ang panga niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro