PROLOGUE
Pabagsak kong nilapag sa bar counter ang huling shot ko ng Whiskey na nilibre lang ng kaklase ko. Kasabay ng pag-alon ng aking paningin at kagaanan ng aking ulo, nabibingi na rin ako sa maingay na tugtugin dito sa bar. Kumakabog ang bawat beat ng dance music sa aking dibdib.
"O Vin, ayos ka lang? Isang shot pa!" tinapik ako ni Nolan sa balikat. Marami mang nainom ay walang panama ang alak sa kanya. Matibay ang loko.
Sumenyas ako. "Di na..." Tamad akong nagsalita at gusto ko nang humilata sa kung saan.
Tinulak ko ang sarili pababa sa high chair. Saglit napawi ang panghihina ko nang maramdaman ang aking pagbagsak. Mabilis akong nakakapit sa silya ni Nolan.
"O, hinay-hinay lang." Tumawa siya. "Saan ka ba pupunta? Sasayaw pa tayo ah?"
"Oo nga Vin, let's dance!" sabat ni Tori na tinaas ang mga kamay at humiyaw. Ningitian siya ni Nolan na long time boyfriend niya. Hinapit niya ito sa baywang at hinalikan sa leeg. Tori moaned and giggled. Lasing na rin ang isang 'to.
"Kayo nalang diyan, uwi na ako..." tinanggal ko ang makati kong hairclip sa ulo at inis na ginulo ang buhok kong hanggang batok.
Mahinang tumawa si Nolan, namumungay ang mata niyang galing sa paghalik sa girlfriend. "Uuwi ka na? susunduin ka ng bestfriend mo kuno?"
Hinampas ko siya sa braso. "Shut up."
Lumakas ang kanyang tawa sabay higpit ng akbay kay Tori. May ideya na ako sa patutunguhan ng kilos nilang 'yan. I'm used to it. That's like a Morse code to me.
"Sige sige, congrats sa 'tin." Tinungga ni Nolan ang bote ng beer.
"Geh!"
Nag-fist bump kami saka ko binaling ang kamao kay Tori na pumipikit-pikit na ang mga mata. Tantiya kong sa isang tungga pa niya ng shot, babagsak na 'yan.
"Davina...we'll dance pa..." lasing niyang pakiusap.
"Pauwiin mo na rin 'yang girlfriend mo." Bahagya kong tinulak si Nolan bago ako tumalikod at pasuray na nag-martsa paalis ng bar.
Hindi ito ang unang pagkakataon kong mag-lasing. Hell! It's like my way of life! An immortal habit. Walang buwan na hindi ako nakakatikim ng alak. I guess it's the closest thing to do to drown out every shit, to have as much as fun dahil sa dami ng problema sa mundo, bakit pa ako aambag? So I have to have my own dose of fun, right? Wala namang pumipigil sa 'kin. At kung meron man, hindi rin naman ako nagpapapigil.
Agad sumiksik ang lamig sa aking balat nang makalabas na ako sa lipumpon ng mga tao rito sa Mango Avenue. Maitim pa ang kalangitan pero sigurado akong hindi na kaorasan ng gabi.
Lagitik ng aking boots ang unti-unting pumapalit sa ingay na sumasabay sa 'kin habang palayo ako nang palayo sa dagundong ng bar at tawanan ng mga tao. I'm still tipsy, but I'm still on my right mind. Hindi ko nga lang nakokontrol ang iba kong mga kilos lalo na kapag kalokohan. Minsan, nagda-drunk call pa ako sa mga kaklase ko sa gitna ng madaling araw.
I feel free, kasi nagagawa ko ang gusto ko kahit noon pa man. Kaya hindi na bago sa 'kin ang kalayaang natatamasa ko ngayong graduate na ako ng kolehiyo. Salamat sa misteryoso kong benefactor.
Unlike sa iba, karamihan ay nadadama nila ang thrill ng kanilang kalayaan, na pwede na nilang gawin kahit anong gusto dahil hindi nila ito naranasan noon. Hindi na sila magka-countdown sa itinakdang curfew ng kanilang mga magulang.
Kung sasabihin ng iba na masuwerte ako dahil mulat na ako sa kalayaang nais ng karamihan, they're wrong. Malaya ako sa maling paraan. Malaya ako dahil walang may pakialam sa mga ginagawa ko.
Siguro ang swerte lang sa 'kin ay may kakayahan pa rin akong gumawa ng tama.
Minsan.
Kaya kung may naghihigpit man na mga magulang, aba'y swerte sila dahil may tao pang concern sa kanila. Lucky are those who are being loved, cared and being paid attention to.
Hinigpitan ko ang yakap sa aking denim jacket habang tumtawid sa daan. Lumala ang pagaan ng aking ulo sa panay na pag-daloy ng aking isipan kaya humilata ako sa sidewalk ng Fuente Circle. Walang masyadong tao na dumadaan sa ganitong oras dahil lahat nasa Mango Square at nagsasaya. O nilulunod ang mga problema nila.
Dinukot ko ang aking cellphone sa bulsa ng jacket at nagda-dial ng number na hindi tinitignan ang screen. Isa ito sa mga ginagawa ko sa ganitong kalagayan. If not always, atleast once a month.
"Lo," ani ng baritonong boses sa malamig na tono. Palagi naman.
"Oi Angelov! nakikipaglandian ka na naman sa kamatayan? Tigilan mo na nga yang droga mo!" humalakhak ako. Dumighay ako at nalanghap ang aroma ng Jack Daniels.
Tinapunan ako ng masamang tingin ng taong dumaan sa gilid ko. Nasangga pa ang aking balikat, kita namang nakahiga ako rito sa daan. Hindi marunong umilag, ateng?
"Lasing ka na naman Davina, di kita masusundo."
"Sinong nagsabing magpapasundo ako? Inform ko lang na hindi ako pwede bukas sa tattoo parlor. Si Charlemagne papuntahin mo, panay ang absent ng gagong 'yon." Madulas na ang paraan ng pananalita ko.
"Di siya pwede bukas, namatay ang lola niya," pahayag niya.
"Bakit, close ba sila?"
Rinig ko ang naiinis niyang reaksyon. "Kailangan ko pa bang alamin?"
"Kakagraduate ko lang kanina, atleast I deserve a day off, right?"
Hindi siya umimik. Halos makatulog na ako sa kahihintay saka siya nagsalita.
"Oo na. Sige na, tawagan mo na yung boyfriend mo."
Mga hingal ang naririnig ko pagkatapos. Sumisinghot na naman ang loko.
Bago ko pa siya sitahin sa ginagawa ay naputol na ang linya. Nabasa ang screen ng phone ko galing sa pawis ko sa tenga at gilid ng aking mukha. Pinunas ko ito sa jacket bago nag-dial ng panibagong number.
Wala na akong choice eh. Ayaw ko pero kailangan. Sana this time, may oras siya para sa 'kin. Kahit ngayon lang. Kahit isang oras lang, ayos na.
"Hello...?" namamalat ang boses niya, parang bagong gising.
"Nasaan ka?" mahina kong tanong.
Nag-aalinlangan ako, takot akong hindi niya ako mapuntahan. I'm scared of rejection and he doesn't know it.
"Kina Gwyneth, bakit?" Tumikhim siya.
Para akong binagsakan ng Magellan's cross sa dibdib. Bad timing Davina, nasa girlfriend niya siya! Ang sakit di ba? Unless kung manhid ka.
Sana makahugot ako ng lakas sa alak upang siglahan ang boses ko. "Ah okay, sige bye!"
"Wait lang, nasaan ka? Ba't ka tumatawag? And you sound shit drunk, Davina." Nanenermon ang kanyang tono.
May lumangitngit sa kabilang linya at lagpas dosenang patalim ang animo'y umaatake sa dibdib ko sa naiisip na nasa kama siya ni Gwyneth. Binigo ako ng lakas kong pigilan ang pamumuo ng aking luha.
"Masusundo mo ba ako? Kung hindi, okay lang." suminghap ako. Mapapabilis ang pagtakas ng luha dahil nakahiga ako.
Iyong eyeliner mo Davina, hindi iyan waterproof, baka matanggal...careful.
"Where are you?" seryoso ang boses niya, parang galit. Ayaw niya yata akong sunduin eh. Ba't ba kasi ako tumawag sa kanya?
"Fuente Circle. Hanapin mo nalang ako rito...libutin mo buong circle." Tumawa ako dahil gusto ko o gawa lang din ng alak, at dahil na rin nawala ang hilo ko.
"Anong oras na?" strikto ang kanyang pagkakatanong.
Naglipat ako ng posisyon sa paghiga na parang nakahilata lang ako sa aking banig. Madilim sa loob ng circle. Kita ko ang mga nagkalat pang mga basura sa damuhan doon. Mabuti nalang dito ako sa labas pumwesto.
"Do I look like I know? Mukhang sira naman itong relo ko." Pinanliitan ko ng mata ang tatlong buwan ko palang na relo. Sa Colon ko lang 'to nabili, one hundred fifty isa. "Three, tapos tumapat yung isang kamay sa five..."
Bumuntong hininga siya. "It's three twenty five. Your watch is right, Vin."
Nakikita ko siya sa isip ko na kinukusot ang mga mata. Ayaw niyang naiistorbo sa pagtulog lalo na't hindi naman importante ang rason. Well, I think we all get cranky with that same reason.
Kaya naisip ko kung naiinis siya dahil hindi naman pala importante ang rason ng pagtawag ko.
"Oh...kay..."
May lumangitngit ulit kasunod ang mga yapak at ingay ng pag-bukas at sara ng pinto. Sumunod ang kalansing ng susi.
"Huwag kang aalis diyan, hintayin mo ako," mahigipit niyang sabi.
Parang si Jesus Christ lang na nabuhay galing sa pagkakamatay ang pag-asa ko. Hope, resurrected. Di ko napigilan ang pag-ngiti.
"Thanks, Jax..."
Mabilis humataw ang pulso ko sa di mapigilang saya at dinamay pa ang pagpintig ng aking hilo. Ngunit gayunpaman, nanaig ang saya ko. He cares. He cares for me. Hindi naman siguro masama na hiniling kong pagbigyan kahit ngayong araw lang na iiwan niya ang girlfriend niya para sa 'kin.
This isn't the first time he's driven me home with alcohol running in my blood. Mas malala pa nga noon dahil lasing talaga ako. Unlike ngayon na may tino pang natira sa utak, hindi ko nga lang kayang umuwi mag-isa. Kaya nga ako humiga dito sa sidewalk ng Circle eh.
Pinakiramdaman ko lang ang lamig ng semento. Hindi ko makita ang mga bituin sa taas dahil natatabunan ng mga sanga't dahon ng malaking puno na nakatanim sa gitna ng Circle.
Downtown Cebu is much alive and kicking lalo na kapag weekends. Mango Square is one great example dahil sa nagtitipon na mga bars doon. Isa sa mga masasayang party na naranasan ko ay noong Sinulog na alas sais ng umaga na ako nakauwi. Punong puno ng post-paint ang damit at mukha ko.
And that was just the peak of my friendship with Jaxon. Kakasagot lang din sa kanya ni Gwyneth nang araw na iyon.
Naputol ang daloy ng aking pag-iisip nang makarinig ng bulungan. Sa pag-aakala kong kakilala ay doon ko tinuon ang aking atensyon. Pero isang matandang babae lang na may kasamang bata, mukhang highschool pa.
"Iha, ba't diyan ka nakatihaya? Daanan ito, may bench doon sa loob oh, doon ka humiga, " mahinahon naman ang kanyang pagsita kaya hindi ako nainis.
"Ayos lang ako dito manang..."ani ko.
"Mapagkamalan kang buang o namamalimos diyan," giit niya. Ako pa tinakot, eh nakasanayan ko na 'to.
"Nakainom siya, Ma...lasing na 'yan..." may takot sa boses ng batang babae na pilit hinihila ang braso ng mama niya.
Umiiling-iling na lang si manang. Nagsimula na ulit silang lumayo at pinabayaan na ako.
"Hay...mga kabataan talaga ngayon, kaya ikaw ha? Huwag kang...."
Parang baliw akong ngumingiti habang pinapakinggan ang panenermon ng manang sa anak niya. Swerte mo iha, may pakialam sa 'yo ang nanay mo.
Nakatulog ako sa kahihintay kaya hindi ko namalayan na nakarating na si Jaxon. Nakaparada malapit sa gilid ng hinihigaan kong sidewalk ang kanyang white Tesla. Kanina pa pala niya ako ginigising.
"Bakit nakahiga ka rito? Paano kung bigla ka nalang pagtripan ng kung sinong adik?"
Malinaw sa mata ko ang inis niya. Pero lasing man ako o hindi, iisa lang ang nakikita ko. That expressive and downturned gentle eyes of his, narrow nose and semi-thin lips. In all his hard features, mata lang niya ang maamo.
Hinahaplos ko ang ma-anggulo niyang panga habang tinatawanan ko ang inis niya.
What? I'm just happy that he cares! Atleast sa dami nang tumakwil sa 'kin, may isang tao pang nagmalasakit. I'm totally grateful. Kahit siya nalang ang nag-iisang nagmamalasakit sa 'kin, katumbas na nito ang malasakit ng sangkatauhan sa buong mundo.
"Thank you, Jax..."
Humarang ang bangs niya sa kanyang noo kaya sinabay niya ito sa pagpadaan ng kanyang kamay sa buhok. Pinawi ng panlalambot ng kanyang ekspresyon ang inis niya na nagpaamo sa kanyang mukha.
"Ano na namang ginawa sa 'yo ng mama mo?"
Kung sasabihin niyang pinagalitan ako, dahil iyon naman ang palagi kong sinusumbong sa kanya, well reprimanding me doesn't even cover it.
Hindi na niya hinintay ang aking sagot. Tinulungan niya akong bumangon at inalayan ako sa pag-tayo. Bumalik ang hilo ko pagkapasok sa sasakyan niyang amoy car-freshener.
Gumawa ako ng ingay na dumuduwal. Namumuo ang acid sa bibig ko. Pinatay niya ang aircon at binuksan ang bintana. Inabutan niya ako ng tubig na bagong bili pa dahil sa malamig ito at basa pa.
Binagsak ko ang aking ulo sa headrest habang dinadama ang unti-unting pagbaba ng hilo. Nakatulong ang sariwang hangin na humehele na sa 'kin ngayon.
"Sinaktan ka na naman ba niya?" mahinahon niyang untag habang nagmamaneho. Kalakip ang concern sa kanyang tono.
Tumungga ako ng tubig saka tinakpan ang bote nito. "Hindi, pinaalis lang. Palibhasa graduate na ako, kaya ko na raw mag-isa."
"Graduate? Kailan pa?" mukha siyang nagulat sa pahayag ko. Marahas ang pagpapalit niya ng gear at bumilis ang kanyang pagpapatakbo.
"Kanina. I was celebrating with Nolan and Tori," pagod kong ani. I'm sure wala na sa bar ang dalawang 'yon.
"Pumunta mama mo?"
Ipinagtaka ni Jax ang malakas kong tawa. "Magpapakalbo ako kung pumunta siya." Tinuro ko ang ulo ko. "I'm not bald right now."
Kahit kailan wala namang pinaramdam sa 'kin ang ina ko kundi puro negatibo lamang. Namulat na lang ako isang araw na parang palagi na niya akong tinatakwil. I didn't even know what I did wrong! I was seven when she started lashing at my throat.
"Ba't di mo sinabi na graduation mo kanina?" may guilt sa tono ni Jax.
Sandali ko siyang nilingon at nahagip ang seryoso niyang pagmumukha. Nakatuon siya sa daan.
"Pupunta ka ba? Hindi rin naman di ba? Monthsary niyo ni Gwyneth." Hindi ko pinahalata ang tampo ko.
"Atleast magagawan ko naman ng paraan para makapunta ako. Alam kong walang pakialam sa 'yo ang mama mo. Pasalamat siya nakatapos ka."
I guess it doesn't matter na hindi siya nakapunta kanina. Atleast he's here now, being a knight in shining armor saving a damsel in a whiskey's spell.
Hindi ako lumaking nagbabasa ng fairytales, lumaki akong namulat kaagad sa paniniwala na hindi puro magagandang bagay ang nangyayari sa mundo. Bilang bata, hindi ako nangangailangan ng iba upang tulungan ako. I help myself get through as a kid.
Wala akong barkada, but I have a so called 'my people'. Sila 'yong mga kinokonsidera kong mga totoong kaibigan. Mga taong pili na pinapapasok ko sa buhay ko. I kind of develop this strange thing of classification. I classify people to invade me. Influence me. Not that I have a borderline personality.
Tinuro ko ang direksyon ng bago kong tinitirhan. Hindi ko agad nasagot si Jax sa tanong niya. Hinintay kong makaparada kami sa harap ng bago kong bahay.
Pagkababa ko ay sumunod siya kalahating segundo lang ang pagitan. Sinalubong niya ako sa hood ng kotse at hindi maipagkaila ang pagtataka at iritasyon sa mukha niya. Sobrang salubong ng mabibigat niyang kilay.
Masama man para sa iba, pero nasisiyahan ako sa tuwing ganito ang ekspresyon niya. It means he's really concern and I like it.
Sa akin lang 'yan. Ako ang nagmamay-ari sa concern niya.
Ayoko naman siyang mag-alala, masarap lang talaga sa pakiramdam na may isang taong nag-aalala sa 'yo. We all do.
"Ano 'to? Anong nandiyan?" turo niya sa bahay. Hindi siya kalakihan, kasya sa mga tatlong tao.
"Pinaalis na nga ako sa amin di ba? Kaya diyan na ako titira." Humakbang ako't humawak sa balikat niya. Inatake ako ng natural niyang bango.
Pikit mata kong dinukot ang susi sa masikip kong bulsa. Nahirapan ako sa paglalagay ng susi sa doorknob. Panay rin ang aking pagsuray.
Humahagikhik ako sa bawat bigo kong pagpasak ng susi. I look stupid it's funny.
Nawalan ng pasensya si Jax kaya inagaw niya sa 'kin ang susi at siya na ang nag-unlock ng pinto.
Sumalubong sa ilong ko ang amoy ng pintura. Pinagtulungan kasi naminng i-furnish kahapon ang bahay dahil alam kong palalayasin na ako ng ina ko. Matagal ko na itong pinaghandaan.
"Paano mo nahanap 'to?" untag niya habang inaakyat namin ang hagdan. Mga limang hagdanan lang pataas at may makitid na hallway kung saan nandoon ang aking kwarto.
"Pinapaupahan ni Angelov. Bayad ko rito ay ang kalahati ng sweldo ko sa tattoo parlor," pahayag ko.
Hindi ko na binuksan ang ilaw dahil maliwanag naman sa labas. Nakisiksik ang ilaw galing sa poste sa gate ng tinitirhan ni Angelov.
"Yung adik?"
"Guwapong adik!" tumawa ako at binagsak ang sarili sa kama.
Marahas na sumingahp si Jax na umupo sa gilid ng kama. Kinuha niya ang paa kong nakasadsad sa sahig at nilagay sa kanyang binti. Hinubad niya ang aking boots.
"Vin, bakit naman sa kanya ka pa humingi ng tulong? eh—"
"Hindi ako sasaktan ni Angelov. Ilang beses ko na yang nakitang humihithit, wala naman siyang ginawang kagaguhan sa 'kin." pangangatwiran ko. Si Angelov lang yata ang kilala kong adik na parang hindi adik.
"Kahit na! Adik pa rin 'yon!"
Hindi ko na siya sinagot. Mahirap magpaintindi sa mga taong hindi bukas ang isip. Most people, they create a stigma to the misfits. Hindi naman lahat ng nakikita nila ay iyon agad dapat ang magiging impresyon, they have to seek within that person.
But I can't blame Jax. It's his perception, rerespetuhin ko iyon. It's better to respect other people's opinion than to argue against them. Nakaambag pa ako sa kapayapaan.
Tumayo si Jax at nagtungo sa aking cabinet, may hinahalughog. Naglakad siya sa banyo at kasunod ang pagragasa ng tubig sa gripo. Mahinahon ang tapak ng sapatos niya sa mumurahing tiles ng sahig.
"Sa susunod Davina, huwag mo namang gawing kusina ang Alchology. May bahay ka, dito ka uminom sa kusina. Ibili pa kita ng beer, samahan kita mag-inom."
Napatawa ako sa sinabi niya at dahil na rin sa pagpunas niya sa leeg ko kung saan malakas ang aking kiliti.
Napawi lang iyon nang maramdaman ko ang basang tela sa aking mukha.
"Huwag Jax..." iniwas ko ang mukha ko sabay hawi ng kanyang kamay.
Ramdam ko ang pagod niya sa kanyang buntong hininga, pero alam kong hindi iyon dahil sa pagtawag ko sa kanya sa gitna ng madaling araw.
"Sa tagal na nating magkaibigan, kahit kailan ay hindi mo pa pinapakita sa 'kin ang mukha mo na walang make-up," nagtatampo niyang sabi.
Hindi ko siya tinignan. "You don't wanna look at it without the colors."
Napaigting ako nang hinawakan niya ang aking baba upang mapalingon ako sa kanya. Isa sa mga paborito kong ekspresyon niya ay sa tuwing lumalambot ang kanyang mukha.
He doesn't have any soft features pero ganitong pinta lang ng mukha niya, lalo na sa mga mata niya, napapalambot na ang malamig kong puso.
"I do, Davina. Ano bang meron sa nakatagong mukha mo na ayaw mong ipakita sa mga tao? They think that you are one materialistic bitch because of that façade! Yung kulay dark pink mong buhok, itim na lipstick at makapal na eyeliner, your tattoos and that piercing on your nose...what's really beneath all that?"
That's how people judge. Porket walang make up, sila na ang santa, simple kuno. Utter bullshit.
Iniwas ko uli ang mukha ko. "Salamat sa paghatid sa 'kin , Jax. Makakauwi ka na sa girlfriend mo."
"I'll stay. I'm sorry...I won't treat you any less as a bestfriend kahit ano pa ang ilagay mo sa mukha mo. I don't judge you the way they do, Davina. You know that, right?"
Tumango ako. "Thank you..."
Thank you. Hanggang kailan ba ako magpapasalamat sa kanya bilang kaibigan?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro