ONE
Ugong ng tattoo gun ang nakasanayan kong ingay sa araw-araw. OA man pero hindi nakukumpleto ang araw ko kapag hindi ito naririnig. Isang achievement ang magandang resulta ng gawa mo sa balat nila. Parang pinapalobo naman ang puso ko sa tuwing bumabalik sila rito para magpa-tattoo ulit.
Kasalukuyan kong pinapanood si Angelov sa nth customer niya. Karamihan mga babae, palibhasa guwapo 'tong si Angelov. Maangas. He's got this bad-boy indie-style vibe. Shaved ang isang bahagi ng buhok na may stilong linya sa shaved area at naka side-part naman ang makapal niyang buhok.
Dumagdag sa stilo niya ang ring piercing sa ibabang labi at stud piercing sa ilong na katulad din nang sa 'kin.
Sumasabog ang boses ni Freddie Mercury sa buong room na kumakanta ng Bohemian Rhapsody. It's Angelov's. Minsan ay Radiohead playlist ang pinapatugtog niya.
Bumitaw siya sa pag-apak sa foot pedal kasabay ang pag-hinto ng ugong ng tattoo gun. Sinawsaw niya ang karayom sa tubig upang matanggal ang tinta saka pinahid sa tela katabi nun at binalik ang pag-guhit sa customer.
Umalis ako sa pagkakasandal sa mesa at may tinuro sa maputing balat ng babae.
"Ganda nito oh," turo ko sa palikong disenyo ng pakpak ng fairy. "Tapusin mo na rin 'yong sa 'kin. Last week pa 'to."
"Tapos na 'yan," aniya, concentrate sa pagshe-shade sa pakpak.
Dinungaw ko ang kaliwa kong balikat kung saan nakatatak na pang-habangbuhay ang rose tattoo ko. Plain rose lang siya na may mga vines, walang edge. "Hindi pa, hindi mo nilagyan ng tinik!"
Nilapit ni Angelov ang tattoo gun sa 'kin at akmang itutusok ang karayom sa kamay ko.
"Oy! Huwag!" Mabilis akong umatras at inilagan ang mesa kung saan nakalatag ang mga ink.
Tumawa siya't binalikan ang likod ng customer. Amoy na amoy ko pa ang mint bubble gum na ningunguya niya. Angas talaga.
Naging kilala ang tattoo parlor na 'to dahil kina Angelov at nang isa naming kasamahan na si Charlemaigne na nasa counter ngayon. Sila ang mga founder, bagong recruit lang ako.
Magkaklase kami sa isang unibersidad na kumukuha ng graphic design. Business ad ang kinuha ni Charlemaigne. May franchising rin ng pizza ang ama niya kaya palagi kaming nagpapadeliver sa kanya. Pizza here, pizza there, pizza everywhere and everyday!
Ako lang ang naiiba dahil kapwa sila taga subdivision kung saan katabi nito ang tattoo parlor. Walang mintis akong pumupunta rito hindi lang para mag-trabaho, para na rin takasan ang nanay ko na kompetensya ang tingin sa 'kin.
Nag-angat ako ng tingin sa entrance dahil sa pagtunog ng chimes. May pumasok na dalawang lalake, hindi sila magkamukha pero may isang pagkakatulad. Mga guwapo. Mukhang mayaman. May impact agad sa isang tingin pa lang.
"Good afternoon mga sir," bati sa kanila ni Charlemaigne. Napatawa si Angelov.
Katulad ng ibang mga first timers dito, nilibot agad nila ang paningin sa buong interior. Mumurahing ilaw lang ang nasa kisame pero bumagay naman sa puti nitong pintura. May mga posters ng mga tattoo designs sa pader kung saan may nakasandal nang bench bilang waiting area.
Kailangang lumiko sa hallway upang madatnan ang tatlong mga work rooms maliban dito sa work room ni Angelov na halos katapat lang ng pinto sa entrance. May sari-sariling full body mirror ang bawat kwarto at ang nag-iisang cr ay nasa pinakadulo ng pasilyo.
"Sinong available sa inyo diyan?" tanong ni Charlemaigne.
"Si Davina kakatapos lang sa isang customer," sumagot si Angelov.
"Babae?" tanong ng isang lalake na mas matangkad kesa sa kasama niya. Naka blue sando lang siya at may puting baseball cap. Tinanggal niya ito at pinasidahan ang buhok, nakangiwi. Sobrang init kasi sa labas.
"Kung mas prefer niyo po ang lalake na mag-tattoo, maghihintay pa po kayo ng—"
"One hour pa!" malakas na sabi ni Angelov. Dumapo rito ang tingin ng dalawang lalake.
"Okay lang. Basta magaling." Mahinang tumawa 'yong isa na mas lean ang katawan kesa nung nakasando. Humilig siya sa counter at tumitig sa isang poster design. Tumatambol naman ang kasama niya sa counter top, sinasabayan ang Bohemian Rhapsody.
"Magaling 'yan pre, makakaasa ka diyan. Marami rin siyang customer."
"Huwag mong ngang patabain ang atay ko!" sigaw ko mula rito na umani ng halakhak galing kay Charlemaigne.
"Kung makapagsalita ng customer ni Davina parang nasa bar lang a. Nagpapa-table ka rin ba, Vin?" biro ni Angelov.
Umamba ako ng hampas. "Gagu! Isang beer nga diyan!"
Lumakad na ako palabas ng work room niya. Umalingawngaw kasabay ni Freddie Mercury ang kanyang tawa.
"Dito po tayo," ani ko sa dalawang bagong dating. Hinintay ko silang humakbang upang makasunod bago ako tumalikod.
Nakatapat ang work room ko sa pader na humihiwalay sa dalawa pang work rooms. May kurtina 'yong sa 'kin dahil mas nakakapagtrabaho ako ng maayos kapag may takip ang pinto. Ewan ko ba kung bakit, pati ako nawe-weirduhan din.
Binuksan ko ang ilaw, kaunting silaw lang ang nagawa nito dahil maliwanag pa naman. Tinanggal ko ang pilot ballpen sa tenga ko at hinarap ko sila.
"Ano pong design?"
Dumukot 'yung isang lalake sa bulsa niya. Inabot niya sa 'kin ang nakatuping papel.
"Scripture lang," aniya.
"Para kay babaeng pula iyan noh?" tanong nung naka-sando. Wala na ang cap niya, nakasabit na ito ngayon sa kanyang jeans.
Are they friends? Relatives? Or...nevermind. Sana hindi, sayang naman ang charms nila. Mga matitipuno pa naman. They're not that bulky. Both are lean pero mas muscular lang 'yong naka-blue sando tsaka mas moreno.
"Scarlet pangalan niya. Don't name her just any other nonsense names."
"Sus..." bahagya niyang tinulak ang kasama.
"Iba 'to. Next time na ako magpapa-tattoo para sa kanya." Bumaling 'yong lalakeng magpapa-tattoo sa 'kin. "Ilang oras ba miss?"
Tinignan ko ang litratong naka-print sa papel. It's a Latin quote. "One hour lang 'to."
Pinaupo ko na siya sa reclining chair. Dala ang design niya ay nagtungo ako sa work table at ginuhit pabalik ang disenyo sa transfer paper. Sinet up ko ang mga gamit pagkatapos. Binuksan ko ang tattoo kit at nilabas ang mg kailangan ko.
Tumunog na naman ang chimes sa door entrance. Kailangan pa yatang maghintay ng bagong dating ng ilang oras. Mas maigi na nagpa-appoint nalang siya para hindi na siya mag-aksaya ng oras sa pag-punta rito.
"Nandito lang pala kayo—"
Natigil ako sa pagpasok ng karayom sa grip ng tattoo gun at napalingon sa bagong dating. Lumutang ang ulo niya habang tinatakpan ng kurtina ang buo niyang katawan.
Mukhang nagulat siya na makita ako kesa sa malamang nandito ang mga kasamahan niya. Magkaano-ano ba ang mga 'to?
"Astig noh? Babae. Ganda rin ng tattoo niya, rose. Pa tats ka, Jax?" Si blue sando ang nagtanong.
Tuluyan nang pumasok ang tinawag niyang Jax. Kaswal lang siyang naka v-neck, cargo shorts at tsinelas pero mapaghahalataan nang mayaman.
"Ikaw nalang." Umupo siya sa tabi ni blue sando sabay hablot ng magazine sa isang mesa doon.
Binalikan ko ang pagset-up ng tattoo machine. Inadjust ko na ang haba ng needle at nang makuntento, nilagyan ko ng rubber band ang tattoo gun. Dinugtong ko na ito sa power supply.
"Takot lang kayo sa karayom eh," komento nung magpapa-tats.
"Oy, hindi ah. Baka si Denver."
"Hindi rin. Ayoko lang madungisan balat ko. Baka magalit si mama."
Nagtawanan sila. Pinakamalakas ay 'yong sa bagong dating na siyang may mas light na shade ng balat. Inipit ko ang labi ko upang magpigil ng ngiti.
Tumahimik lang sila nang lumapit ako sa reclining chair. Hindi na ako nagulat nang maghubad ng shirt ang lalake. Ni-lumunok o matuyuan ng lalamunan ay walang nangyari although namangha ako sa katawan niya. Pansin ko ang kaunting mga peklat doon.
Nilinis ko ang area na nais niyang paglagyan ng tattoo which is sa collar bone, pinatuyo ko saka pinahiran ng Speedstick na deodorant. Nilapat ko ang transfer paper kung saan nakaguhit na ang nais niyang design. Pinipisil ko ito upang madikit ang drawing saka dahan-dahan itong hinila.
Nag-react sa mangha 'yong Denver na tumayo pa talaga at lumapit.
"Wow...ganyan lang pala?" Mahina niyang pinatid ang paa ng reclining chair. "O Evan, may tattoo ka na! Tara, uwi na tayo!"
Di ko napigilang sabayan sila sa pag-tawa. Hinila ko ang work table at kinuha ang tattoo gun. Umupo ako sa aking stool chair.
"Virgin pa?" tanong ko saka tini-test ang pag-gana ng tattoo gun sa pag-apak ng foot pedal.
Biglang umubo si Evan. Nagkatinginan sina Denver at Jax saka bumaling sa kasama nila, hinintay ang kanyang sagot.
"Hindi mo pa naano si babaeng pula?" pang-aasar nung Denver.
"Ibig kong sabihin sa virgin ay kung first time pang magpa-tats." Pagka-klaro ko.
Hindi na rin isang beses ko itong naitanong na iba ang nagiging interpretation nila. Minsan ay sinasadya ko pa na hindi kinaklaro ang ibig kong sabihin.
"Ah! Oo first time..." tumikhim siya, biglang namula ang tenga.
Tumawa 'yung si Jax. "Ako rin virgin pa. Ikaw, Den?" Siniko niya ang katabi.
Nakabalik na siya sa kanyang upuan. Yumukod siya't pinagpahinga ang braso sa hita, pinapaikot-ikot ang cap. "Depende kung anong klaseng virgin. Teka, hindi mo pa naano si Gwyneth? Ang hina mo!"
"Nanliligaw pa lang ako!"
Walang minuto na hindi sila nag-sasalita. Parang wala sa bokabularyo nila ang katahimikan. Kahit saan-saan na napupunta ang topic. Pinakamaingay si blue sando o Denver.
Nanahimik naman ang customer ko, hindi na yata makapagsalita sa sakit. Masakit kasi kapag sa mabutong area ang tattoo kesa sa malaman katulad ng sa braso.
I had my first tattoo when I was eighteen. Dahil wala akong debut party di katulad ng mga kaklase kong babae, dumiretso ako rito at tinatakan ako ni Angleov sa likod. Si Charlemaigne naman ay piercing ang ginawa na isa mga services din dito.
That was supposedly to be my birthday gift to myself, nang nalaman nila na kaarawan ko ay hindi na nila ako pinagbayad.
"Masakit, Evan?" tanong ni Denver. "Masakit talaga kapag first time noh?"
Tumawa si Jax. Ngumisi lang si Evan. Parehong naka-relax ang mga kamay sa kanyang abs. Hindi ko kasi 'yon matatawag na tiyan dahil hindi ito tiyan lang!
"Okay lang. Tolerable. Magaan ang kamay niya," nakapikit niyang sabi. Ngumingiwi siya nang konti at mabagal na bumubuntong hininga.
Nalingunan ko si Denver na parang nilalamig sabay haplos ng braso niya na para bang kinikilabutan. Sa kanilang tatlo, siya ang may pinakamalaking katawan pero tulad nga ng sinabi ko, hindi sila bulky. Ang katabi nilang si Jax ay sa tingin ko ang pinakabata dahil sa mukha nito na naghahalo sa pilyo at ka-inosentihan.
"Ganyan ba talaga make-up mo?"
Walang panghuhusga ang tono niya sa tanong. Hindi katulad ng iba na 'Bakit?' agad ang tinatanong na para bang isa itong kasalanan. Siguro nga mukha akong naiiba at alam kong inaakala ng iba na drama 'to o sunod sa uso. Pero hindi nila alam ang mas malalim na dahilan.
They can ask me about my physical get up, but they can't judge.
Isang katauhan ang tinatago ko sa likod ng eyeliner at itim na lipstick na minsa'y iniiba ko sa dark maroon. Pati buhok ko'y hindi natural na kulay violet.
Pinapayagan naman ako ng eskwelahan since allied course ang kinukuha ko. Unlike sa nursing na may standard talaga galing buhok hanggang kuko.
Para sa iba, pinapanindigan ko lang ang tingin nila sa 'kin. Na anak ako ng...sabihin na nating hindi huwaran na babae. Kamukha ko siya noong kabataan. Kamukhang-kamukha. Isa pa gusto kong nakikita ako ng iba hindi dahil sa mukha ng nanay ko kundi bilang ako.
Kompetensya ang tingin sa 'kin ng aking ina, ano pa't magpapaganda ako sa iba? Para makipag-kompetensya rin sa kanya?
So I put on the colors to cover the face behind so that I'm going to hate myself less. Diyos lang yata ang nakakakita sa 'king walang make up.
"Pwede kang umiwas ng tingin kung hindi ka kumportable..." mahinahon kong ani. Minantsahan ko na rin ng kaunting pabirong tono para hindi siya ma-offend.
"Hindi naman. Curious lang ako. Ini-imagin ko mukha mo na wala ang mga 'yan..."
Mablis kong iniwas ang mga mata ko sa kanya. Nanginig ang mga kamay kong nag-outline sa letra.
"Malay mo naman Jax, mukhang birhen. Ano pala name mo?" tanong ni Denver. Umamo ang mukha niya.
Inalis ko ang paa sa foot pedal saka sumagot, "Davina," saka inapakan ulit ito. Hindi kami magkakarinigan sa ingay ng pag-buzz at sa lakas ng speaker ni Angelov.
"Banal na banal."
"Magpapa-appointment ako."
Sandali kong binalingan si Jax na nakadekwatro habang nasa kandunagn ang Ink magazine. Nakanguso siyang nagsa-scan sa mga pahina at tinatapik ang isang paa.
"Pa tats ka? Para kay Gwyneth?" tanong ni Denver.
Binalik ko ang tuon sa pag-outline ng letra sa tattoo kaya hindi ko nalaman ang sagot. Who am I to know about their personal lives?
Pero sa pag-titiwala ng mga customers ko sa 'kin na tatakan ang balat nila, para na rin nilang binahagi sa 'kin ang maliit na parte ng kanilang buhay which is a personal thing. Because tattoos... it's not just there for the hell of it.
Most people decide to have them engraved in their skin permanently because of the deeper meaning of it for them, may it be from their painful experiences which is common, o ang mga turning point sa mga buhay nila like second chances in life.
May naging customer nga ako rati na may near-death experience. It was amazing hearing their stories at mga may kahulugang rason sa kanilang pagpapa-ink.
"Ano 'yan?"
Tinuro ni Jax ang pader na hiniligan ng work table ko kanina. Malapit ito sa bintana kung saan makikita ang mga sasakyang dumadaan sa labas dahil sa tabi ng daan nakatayo ang tattoo parlor.
"Mga designs galing sa mga nagpa-tattoo rito. Dinikit ko 'yong mga nagagandahan ako," pahayag ko.
Nakita ko siya sa gilid ng aking paningin na tumayo at naglakad. Naglikha ng hangin ang kanyang pagdaan sa gilid ko at uminit ang aking likod nang huminto siya. Nilingon ko siyang sinusuri ang mga nakapaskil doon, nasa likod niya ang kanyang mga kamay.
"Ang ganda nga," komento niya.
"Paki-log nalang ng name mo sa logbook then tatawagan ka namin para i-remind sa appointment," ani ko.
Humilig ako sa work table upang maabot ang tubig doon kung saan ko isasawsaw ang karayom. Green soap ang tawag namin dito. Tinuyo ko ang karayom sa tela saka nagbalik-tattoo.
"May kapatid ka?"
Nahinto ang kamay ko sa ere. Bakit niya biglang naitanong? Who knows kung may kapatid ako? Eh wala nga pakialam sa 'kin ang nanay ko at pinapadalhan lang ako ng pera ng ama kong wala namang balak magpakita. 'Yon nalang yata ang tanging bagay na maipagsasalamat ko.
"Only child," walang emosyon kong sabi.
Nadiin ko ang karayom dahilan upang maigtad si Evan. Nanginig bigla ang kamay ko kaya kailangan kong huminto at ipahinga ang nangalay kong kamay.
Magka-ano ano ba kasi sila? Right now they're talking about his mother and his father etc. They seem to know each other's families.
Lumagpas ng isang oras ang session dahil na rin sa pamamahinga ko ng limang minuto. Nililigpit ko na ang mga gamit habang sina Evan at Denver ay nasa harap ng full-length mirror nakatayo, sinusuri ang aking finish product.
Hindi siya exactly katulad nang binigay niya sa 'kin, dinagdagan ko nang light dramatic art para hindi magmukhang plain. I can't help but do something like that, like put additional arts and swirls. Nagugustuhan din naman ng mga customers.
"Dinagdagan mo ng design?" tanong ni Evan. Nakahuad pa rin siya ng pang-itaas.
Sandali ko silang nilingon bago nagbalik sa pagliligpit. "I'm not sorry. Pero same price lang ang bayad."
"Wow..."
"Mas okay pa 'yan kesa sa pinrint mo." Tumawa si Denver. "Inaksaya mo lang 'yung ink ng computer ko eh!"
Napangiti ako. Minsan nakakaramdam ako ng halong lungkot at saya kapag may ganyang klaseng bonding akong nakikita. Kung magkamag-anak man sila, inaamin kong naiinggit ako. Pero ano ba naman ang magagawa ng inggit?
Kaya minsan binabalewala ko nalang para hindi ko na isipin ang mga bagay na wala ako. I feel like I'm at my weakest everytime I get to leak my emotions.
"Salamat ah!" paalam nila nang papalabas na nang work room. Tinanguan ko sila.
Tinanggal ko ang wire sa power supply. Nahagip ko si Jax na nasa loob pa ng work room at akmang hahawiin na ang kurtina. Nasa labas na ang dalawang kasama niya.
"Sigurado ka bang magpapa-tattoo ka?" habol kong tanong sa gitna ng pagbubuhol ko sa wire.
Kita ko ang kanyang paghinto. Pumihit siya't hinarap akp. "Bakit? May problema ba?"
May nilagay muna ako sa tattoo kit bago ko siyang binalingan.
"Sana gagawin mo 'yan hindi dahil sa gusto mo lang. Kailangan may dahilan, 'yung may meaning. Permanente na 'to, baka magsisi ka."
Hindi ko siya binabantaan. Tinutulungan ko lang siyang ma-realize kung ano ang maaaring consequence ng desisyon niya.
Sandali siyang napaisip, dumapo ang mga niya mata sa boots ko animo'y nakikipag-usap 'yon sa kanya. Dito pa lang sa aking kinatatayuan, makikita ko na ang ganda ng kanyang mga mata. Hindi hawig sa mga kasama niyang may pagkamasungit o kay Angelov. Maamo, na parang hinahatak ka nito upang pagkatiwalaan mo.
Kung gaano kabait ang mga mata niya, salungat naman ang ibang parte ng kanyang mukha katulad ng kanyang panga na may matigas na anggulo. His nose is narrow, matangos, katulad din sa dalawa niyang kasama.
Makapal at maitim ang kanyang buhok na tumatakip sa buong ulo niya at may magulong bangs na tinatabunan ang kanyang noo. Pero ito pa yata ang nakakapagpa-attract sa kanya. His body is well-built; Broad shoulders, narrow hips, hawig ng kay Evan at mas matangkad siya ng kaunti. I think he's 5'11 to six. 5' 10 kasi ako.
"Gusto ko," aniya saka nag-angat ng tingin.
"Gusto mo lang?"
Parang pinapalito ko siya sa tanong ko. In fact tinutulungan ko pa nga siya. Kay Evan kasi...sa mga nakikita kong peklat niya sa katawan at sa kahulugan ng Latin na salita ng kanyang tattoo, alam kong may pinagdadaanan siya rati.
Ngunit itong si Jax...parang laki sa layaw. Makinis ang katamtamang kulay ng kanyang balat. Kahit anong isuot ay mukha pa ring mayaman.
"Sana pag-isipan mong mabuti. Kung madali lang sa inyo ang magpa-tats, pwes para sa 'kin kailangan iyan pagdesisyunan ng maigi. Hindi lang 'yan basta tinta ng ballpen na pinapahid sa balat mo," sabi ko.
Tattooing for me is not just a job, an art, or a hobby. It's more than that. More important than that. It's like I'm speaking to their stories and reasons and making them come to life again.
Patuloy siyang nag-iisip, pinipisil ang kanyang labi. Sa sobrang bigat ng kanyang pilikmata na kumukuwadro sa kanyang mga mata ay parang mabilis na bumagsak ang mga ito saka mabagal dumilat upang tignan ako.
O...baka slow motion lang 'yong natunghayan ko?
"So, ika-cancel ko nalang ang appointment?" tanong niya sa 'kin, parang nanghihingi ng payo.
Nagkibit-balikat ako. "Nasa sa'yo iyan."
"How about...reserve appoinment nalang? Tatawag ako kung magpapa-tats ba ako o retreat mission."
Nagpakawala ako ng mahinag tawa. "Ikaw bahala." Saka ko siya inunahan sa paglabas papuntang counter kung saan naghihintay na roon ang dalawa niyang kasamahan.
Sinulat niya ang kanyang pangalan sa logbook. Hindi ko sinadyang mabasa ito. Jaxon Averell Montero.
Full name pa talaga? Okay lang naman kasi kahit Jax lang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro