Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

NINETEEN

Distance. It's a safe word. A safe way to keep things as is. Dahil kapag didistansiya ka, parang sinasalba mo na rin ang sarili mo sa karagdagang pasakit. A threatening downfall.

So as much as possible, I'm taking my gradual steps away from the fire.

If the moth is attracted to the flame, then I guess I'm the only moth that forces itself not to get too dearly attached to the flame. I'm the stubborn moth.

Since Sinulog, I've been trying to stitch some distance. Alam ko naman kung saan at kailan ilulugar ang sarili ko. I do flings—though hindi ko na siya ginagawa ngayon simula nang dumating si Jaxon. So I'll rather make it 'I did flings'. Maybe I cared too much about his opinion of me—but I don't, and I mean will never involve myself in an affair. Kahit girlfriend pa iyan basta committed ang lalake sa iba, maghahanap na lang ako ng iba.

But Jaxon's different. Hindi na ako makahanap-hanap ng iba. It's like he has this invisible shackles on me. Siya ang nagkabit, pero ako ang nag-lock.

He hasn't been contacting me for a week. Umaga na kami nakauwi pagkatapos nang araw na iyon at wala kaming imikan. Si Denver ang panay na kumakausap sa 'kin.

Nangangati man ang kamay kong mag-send ng mensahe sa kanya, nagawa ko namang pawiin ang pangangati. Wala rin naman akong maisip na i-text. Siya naman kasi ang palaging una na nagme-message sa akin.

Ngayong sila na ni Gwyneth, I guess wala na siya kailangan pang involvement sa akin. Pakiramdam ko bumaba ng dalawang level ang bar ng friendship namin. I don't like how it feels, but this has to happen.

Pagkatapos ng shift ko sa OJT, nag-withdraw ako ng kalahating ibabayad ko kay Jaxon sa aking utang. Ito na ang huli, nagbayad na kasi ako ng first batch payment noong nakapag-ipon ako sapat upang mabayaran ang aking Semi-finals exam.

Mas naging maingat na ako ngayon. Hindi agad ako nagwi-withdraw ng pera hangga't hindi pa kailangan, baka makuha ulit ni mama at ipambili niya ng kung ano-ano.

Bumagal ang aking mga hakbang habang pinoproseso ng utak ko at paningin sa kung anong nasa tapat ng pinto ng aming bahay. Tatlong matatabang brown paperbags.

Tumatawa kong tinakbo ang distansiya at sinuri ang mga lamang groceries sa loob.

Matagal rin bago nagpadala ng ganito ang benefactor ko. Alam kong siya dahil noong una niya itong ginawa ay may card. Pangungumusta lang ang laman, hindi ako makaganti ng sulat dahil hindi ko naman siya kilala. Hindi ko nga alam kung lalake siya o babae, ka-edad ko o mas matanda.

Mayaman yata siya ngayong buwan dahil sunod-sunod ang padala niya ng pera at groceries. Siguro napamahagian siya ng bonus.

Binuhat ko na ang mga bags sa loob ng bahay. Tantiya ko ay bago pa lang ito nailapag dahil may naramdaman akong malamig. Agad ko na silang nilagay sa kanilang mga storage areas.

Matagal bago ako natapos. Natunaw ang make-up ko sa pamamawis kaya dinampian ko lang ng aking panyo. Nakapamaywang kong sinuri ang kinalalabasan ng ginawa ko hawak ang mga tinupi kong paperbags. Magagamit ko pa ito sa paggawa ng design.

Napuno ang isang cabinet sa sinilid kong mga de-lata at ilang mga junk foods. Karamihan ay napunta sa ref. Kinuha ko ang ice cream sa freezer at bago sinara, tinignan ko muna ang ref.

I am truly amazed. Parang ang hirap paniwalaan na punong-puno ito ngayon. Minsan lang ito mangyari kaya lulubus-lubusin ko na!

Yakap ang container ng ice cream, papalapit na sana ako sa hallway na maghahatid sa akin sa kwarto nang may kumatok. Kung sino man ito, alam kong hindi si mama dahil diretso lang naman siyang pumapasok.

Binuksan ko ang pinto. Hindi ko naitago ang gulat nang makita si Jaxon na akmang kakatok ulit. Binaba niya ang kanyang kamay at pumormal nang makita ako.

It's been a...week. Magkaibigan man kami, pakiramdam ko ay wala akong karapatan na itanong sa kanya kung bakit hindi siya nagpapakita sa akin. No matter how hard I try to deny it, nauuwi pa rin ako sa pag-amin. I missed him.

Dumadaloy sa buong sistema ko ang pangungulila ko sa kanya. Him having a girlfriend feels like I'm uncontrollably taking a hundred steps back away from him. Kahit wala naman talaga akong karapatan. Mas may karapatan ang kasintahan kesa sa kaibigan.

He looked and smelled fresh. Para siyang bagong pitas na prutas at ready nang i-market sa tindahan. Or maybe sa akin lang iyon pagkatapos kong hindi siya makita ng isang linggo. Naka-brush up ang kanyang bangs. He looked neat.

Ang tanging mantsa lang siguro sa makinis niyang mukha ay ang facial hair sa ibabaw ng kanyang labi, anino ng stubble sa may panga at baba, at nabibilang niyang mga nunal. But those weren't even imperfections.

"Saturday ngayon," panimula ko. Sumandal ako sa pintuan yakap pa rin ang ice cream container. Pinag-krus ko ang aking mga paa.

Tumakas ang ngisi sa labi niya. "Alam ko, tapos bukas Sunday."

Inirapan ko siya at tinalikuran. Iniwan kong bukas ang pinto. Wala pang limang segundo ay sinara na niya ito.

"Ba't ka nandito?" tanong ko. Really, Davina? What's with the attitude? You missed him!

"Na-miss kita..."

Huminto ako at muli siyang hinarap, katuwang roon ang pagpapakalma ko sa pamimilipit ng aking tiyan. Pinakaba naman ako ng pagiging seryoso niya.

Mula noong Sinulog, sinusundan ako hanggang ngayon ng kanyang mga iritadong reaksyon sa tuwing nagtatagpo ang aming mga mata. Kaya parang naninibago ako sa inaasta niya ngayon. Bakit hindi siya nagparamdam ng isang buong linggo?

He's formally standing there in his black bagpack and a paperbag in his hand. Sa tingin ko'y kaka-out pa lang niya sa radio station base sa suot niyang casual dark blue v-neck, which by the way, outlines his broad shoulders and pectorals. Namumula at basa ang labi niya sa panay niyang pagkagat dito.

Bakit ganyan siya ka-preskong tignan? Wala naman sigurong shower sa kotse niya.

"Isang linggo lang tayong hindi nagkita," paalala ko. In case hindi niya namalayan ang linggo. Baka three years na ito para sa kanya.

Isang beses siyang nagpakawala ng tawa. "Sa ikalawang araw pa lang ng hindi natin pagkikita, Vin, na-miss na kita."

O, eh bakit hindi ka nagpakita kung mami-miss mo naman pala ako?

Pinuwersa kong hindi magpakita ng reaksyon. Pero kahit anong tanggi ko, ay may naging epekto ang sinabi niya sa aking kaloob-looban. Nag-wild lahat! Nagpa-party pa nga yata.

Hindi ko alam kung nabasa ni Jaxon ang nasa isip ko o napanood ang pagwawala ng aking lamang loob dahil sa pagguhit ng naaaliw niyang ngsi. Those perfect white straight teeth...

Umupo ako sa isang de-kahoy na silya dahil ayoko sa sofa. Marami nang nangyayaring milagro diyan.

Inalis ko ang takip ng ice cream at sinimulang lantakin. Nanatili si Jaxon sa kinatatayuan at pinapanood ako.

"Mama mo?" tanong niya saka nilibot ang paligid sa tahimik naming bahay.

Humakbang na siya papalapit. May stilo para sa akin ang mga hakbang niya dahil tahimik at parang kalkulado.

Tinunaw ko muna ang nasa aking bibig bago sumagot. "Wala, e. Dalawang araw nang hindi umuuwi.

Kumunot ang noo niya. "You're not worried?"

Nagkibit balikat ako. "Sanay na ako. Noon nga hindi siya umuwi ng isang linggo. Ire-report ko na sana sa pulis pero umuwi naman siya kinagabihan."

At so far, iyon pa lang ang pinakamahabang araw na hindi siya umuwi. Pinakamaikli ay apat na araw.

Sinundan ko ng tingin si Jaxon na sa paggawa muli ng isang hakbang ay lumuhod bigla sa harap ko. Isang tuhod lang niya ang nakalapat sa sahig. Dumukot siya sa dala niyang paperbag at naglabas ng malaki at cardboard brown na shoe box.

Nawala na ang atensiyon ko sa pag-kain ng ice cream. Tinakpan ko ang container at nilapag sa mesa.

Bago ko pa naitanong kung ano ang ginagawa niya, binuksan niya ang shoe box kung saan nakahimlay roon ang pagkabago-bagong itim na boots. Amoy ko pa ang aircon na sa tingin ko'y galing sa kotse niya. May silica gel pang nakasiksik sa gilid.

"Sa 'kin iyan?" I stupidly asked. Feel ko ay para sa akin pero tinanong ko pa rin.

Inalis niya ang mga boots sa lalagyan. "Sira na kasi ang boots mo. You need new pairs."

Kinuha niya ang paa ko at tinanggal ang suot kong luma na boots. Kaka-dikit ko pa lang sa swelas nito kanina kaya ang damage na lang ngayon ay ang mga nalagas na balat nito na gawa rin sa leather.

"Palagi naman 'yang naaayos. Isang lagay ko lang ng rugby okay na," sabi ko.

Tiningala niya ako habang tinatanggal ang boots sa isa kong paa. "To make you feel better, i-donate natin 'tong luma. Wear what I bought for you."

Kinuha ko ang isang pares ng bagong bili niya. "Mahal 'to noh?" Binasa ko ang brand. "Dr. Martens. Doctor ba siya?"

Tumawa siya, naaliw sa tanong ko. "Mura lang iyan, sa ukay-ukay ko lang binili."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ikaw? Bibili sa ukay-ukay? Tss."

I don't believe you, Jaxon. Everything you have is way up above my pay scale. At saka sa raming ukay-ukay na napuntaha ko, wala akong nakikitang boots na ganito ang itsura kapag bago! I bet all my money na sa mall ito binili o sa iabng bansa!

Sinuri ko ang tahi, mukhang matibay at tatagal ng sampung taon.

Mahina siyang tumawa na may kaakibat na pagsuko at kadesperaduhan. "Come on, Vinnie...Wear this." Kinuha niya ang isang pares.

"Baka 'di kasya," sabi ko.

"Size 8 ka?" tanong niya.

Tumango ako.

" 'E di kasya 'yan. This is eight." Kinaway niya ang isang boot.

Tinanggalan muna niya iyon ng tag bago isinuot sa aking paa. Una kong naramdaman ang lamig tapos ay ang paninibago. Sinintasan na rin niya ang boot. Naaaliw kong pinapanood ang mga kamay niyang nag-sisintas.

His hands are always clean, gentle and...large.

Tinanggal ko ang paningin sa kamay niya saka ko kinuha ang tinanggal niyang tag na may flag ng UK. Binasa ko ito at nalula sa nakita.

"Jaxon! May pound sign sa price tag. Mahal to, e!" madrama kong sab

And what's with the UK flag? Sa kotse rin niya ay may UK flag sticker.

Tumawa lamang siya saka umayos sa kanyang posisiyon. He sat on his haunches. Nasa binti niya ang mga kamay.

"Design lang 'yan, Vin. Isuot mo na," aniya.

Ako na ang nag-suot sa isang pares. I can't believe may bago na akong boots! Ginusto ko na talagang bumili ng bago pero nanghihinayang ako sa luma ko.

Parang bata kong kinakawag ang aking mga paa pagkatapos, nakangiting pinagmasdan ang bago kong boots. Bahagyang natawa si Jaxon.

"Para saan 'to?" tanong ko.

"Birthday gift ko sa 'yo," aniya.

Nalaglag ang aking ngiti. Napatingin ako sa kanya. Naalala ko na naman noong Linggo. Guilt ba talaga iyong nakita kong reaksyon niya? And this is his way to overcome it?

"Okay lang naman kahit wala. Hindi nga ako nireregaluhan nila Charlie." Maliban lang doon sa free tattoo at piercing noong nag-eighteen ako.

Inikutan niya ako ng mata kasabay ng kanyang pagtayo. "Ayaw pang tanggapin. Look at that smile, Vin. You're happy. You love my gift."

Humalakhak ako. "Oo na! Thank you..."

Deep inside ay nahihiya pa rin ako. But to top it all, I'm overwhelmed. Ang dami kong natanggap na grasya ngayong araw. I'm taking this as a compensation for the heartache I felt last Sunday.

"Hindi ka talaga sweet." May halong biro ang seryoso niyang mukha. "Wala bang hug diyan...?"

Nahihiya at inosente ko siyang tinignan. Napakagat pa ako sa labi ko.

"Pwede...?" Lumiit ang aking boses.

Humalakhak siya. I missed that baritone laugh. "Bakit naman hindi?"

He gestured open arms.

Tumayo ako at hinakbang ang distansiya namin. Natapilok pa ako dahil humarang ang luma kong boots. Ikinatawa ito ni Jaxon sabay salo sa aking pagkakatapilok at yumakap.

Inangat niya ako kasabay ang pag-anagt ko sa aking mga pa sa likod. Pinaigting ko ang yakap na sa sobrang higpit animo'y dumidikit na rin sa balat ko ang bango at bakas ng ginamit niyang sabon.

I'm thanking him not just for the boots but for everything. I'm not blaming him for my heartache of him having Gwyneth. Dahil wala naman talagang dapat sisisihin. These kinds of things are out of my control. Pero hangga't sa maaari, ililihim ko ang pagmamahal ko na 'to.

Pinatagal ko pa ang yakap, sinasamantala ang pagiging wala ni Gwyneth.

Kahit ano talagang distansiya ang gawin ko, hihilain at hihilain ako papunta sa 'yo, Jaxon. I am indeed a stubborn moth. And you are the irresistible flame.

Ako ang unang nagpahiwatig ng bitaw. Dahan-dahan niya akong binaba kaya naramdaman ko ang init at tigas ng katawan niyang dumudulas sa 'kin. His firm hold on my waist sent warm shivers.

Magkaharap kami at nagkatitigan. May sumisirko bigla sa tiyan ko kasabay ang paghigit ko sa aking hininga. Jaxon froze, too. Namumungay ang karamelo niyang mga mata.

Mas madali kong nako-kontrol ang aking katawan kesa sa aking utak kaya ako ang unang nag-iwas. Umalis ako sa harap niya at tinungo ang pinaglalagyan ko ng aking bag sa kusina. Nangatal pa ang mga binti ko sa sandaling kaganapan na iyon.

Sumunod si Jaxon sa akin at nanatili sa likod ko habang kinukuha ko ang pera. Binilang ko muna ang mga ito bago binigay sa kanya.

Kumunot ang noo niya, he looked confused. Mukha siyang nabibigatan sa kanyang mga kamay kaya 'di niya ito agad naiangat. Kinuha ko na lang iyon at nilagay ang bundle ng libo sa kanyang palad.

"Huling bayad ko sa utang," pahayag ko.

Nanatili ang paningin niya sa bundle ng pera na hindi man lang niya hinigpitan ang kapit. Nakabukas lang ang mga kamay niya na parang iniimbita niya akong bawiin ang pera.

Kung nasa labas lang kami, isang hablot lang niyan ay wala na. Goodbye pitong libo!

"Ayos ka lang?" pagtataka ko. " Bilangin mo, baka kulang."

"Pakiramdam ko nagpapaalam ka na..." Garalgal ang boses niya. Nababakas ko ang lungkot doon at kawalaang pag-asa.

Napanganga ako. Hindi ko mawari kung bakit niya 'yan nasabi. Kailan pa naging isang pagpapaalam ang pagbabayad ng utang?

Gusto kong tratuhin iyong biro ngunit sa lungkot na gumuhit sa mukha niya, ito na mismo ang pumigil sa aking pagtawanan ang kanyang sinabi at weirdong reaksyon.

Suko siyang bumuntong hininga sabay pikit ng mariin sa mga mata. Gumawa siya ng kamao.

"It's like you're giving me back the friendship and..." Mukha siyang maiiyak nang tinignan muli ang perang nalukot na sa nakabukas niyang kamay. "We're over. Bayad ka na sa utang mo. Kami na ni Gwyenth. Friendship over..."

"Wala namang magbabago, Jaxon. Magkaibigan pa rin naman tayo." Sana nakatulong ang pagpapalamyos ko sa aking boses.

"I know, but...iba pa rin ang dating nito sa 'kin, e. Pakiramdam ko lalayuan mo na ako dahil wala ka nang atraso."

Tumango ako sa aking isip. Damn it 'cause you're right, Jax. Actually sinimulan ko na. Because...can't you see? Sure you don't, but I'm just saving myself here. Ito lang ang tanging bagay kung saan kaya at pwede kong masalba ang sarili ko. Because in some of my cases; family, esteem, anxiety...I still have yet to be rescued.

Humila ang paningin niya sa akin. Nagtagal ito na parang nagte-take down notes siya sa kanyang isipan.

Binalikan niya ang pera at kumuha roon ng nalukot na isang libo. Kinuha niya ang kamay ko at nilapag ang pera sa aking palad.

"O, ano naman 'to?" Labis ang pagtataka ko.

"May utang ka na ulit sa akin." Inakbayan niya ako at giniya kami sa paglalakad.

Hindi ko pinakawalan ang pagkunot-noo. "Ba't ba gusto mong nagkaka-utang ako sa 'yo?"

Dinungaw niya ako. "Para may panghahawakan pa rin ako sa 'yo. Your debt is our bond, Vin..."

Pansamantala akong napatigil sa sinabi niya. You're keeping me close to you while I have to maintain a wide gap distance. Because that bond that you want would hurt me, Jaxon. It's such a torture to be near you while you're committed.

Sabihin ko na lang kaya sa kanya ang totoo? Would he believe me? Kasi noong sinabi ko sa kanyang gusto ko siya ay hindi siya naniwala. Just to preserved being friends with me ay binalewala niya ang pag-amin ko and he had even thought it was just a strategy.

Would he believe me? Not to say I like him this time but even more than that.

My nerves tightened with the idea. Pinapahanda yata ako sa isang eksklusibong pasabog.

Humila ang paningin namin sa pagbukas ng pinto. Niluwa nito si Denver na umaalingasaw ang kawalaang pasensiya niya. Naka blue sando ulit siya. Favorite niya talaga iyan.

"Oy! Ba't ang tagal niyo? Tara na!" Hawak pa niya ang door knob. Sa nakabukas na pinto ay kita kong madilim na sa labas.

"Saan kayo pupunta?" tanong ko sa kanila.

"Mag-iinom kami." Si Denver ang sumagot. "Pity party para kay Riley. Sama ka, Vin."

"Wala na talaga sila?" Sa tono ni Jaxon ay parang ayaw pa niya itong paniwalaan.

"Noong sinulog lang. Tara, baka maglaslas 'yon!"

Lumabas na si Denver na iniwang bukas ang pinto. Sumunod si Jaxon ngunit huminto rin bago pa makalagpas sa pintuan dahil sa sambit ko sa kanya.

"Jax..."

Bakas na ang pagtataka sa kanya nang hinarap ako.

"Bakit?" Umangat ang kilay niya sa pagtatanong.

This is it, Vin. Say it. Say it, para matapos na.

"Uhmm..." Huminga ako ng malalim. Dalawang baga ko ang tila lumolobo at pinasisikip lang lalo ang daluyan ng hangin.

"What is it, Vin?" humakbang si Jaxon at tila ba atat marinig ang sasabihin ko.

Mariin akong pumikit at gumawa ng kamao, hinahanda ang sarili sa laban na ako lang ang sumusugod. Nanginginig hindi lang ang aking tuhod kung 'di pati na ang aking mga labi at kalamnan. Ni hindi ko na maramdaman ang sarili kong paa.

"Jax, maha—"

"Tara na guys!" tawag sa amin ni Denver sabay pindot ng silbato.

Dumilat ako. Kapwa kami nanigas ni Jaxon sa aming kinatatayuan.

"What is it?" determinado niyang tanong sabay hakbang ng isang beses palapit sa 'kin.

Naririnig ko ang mabilis niyang paghinga. Mapaghanap ang mga mata niyang nakatitig sa akin sa seryoso at desperado niyang mukha.

Tila nakalimutan ko na ang sasabihin ko habang nakatitig sa kanya pabalik, o ngayon lang dumating ang kaduwagan na labis akong tinatambakan ngayon. May pumipigil sa akin na hindi iyon mamando ng bibig kong sabihin, imbes ay iba ang tumakas sa labi ko.

"W-wala...tara na." Pinahina ko ang aking boses upang itago ang panginginig pa rin nito.

Matagal niya pa akong tinitigan, mukhang may hinihintay siyang idudugtong ako. Pero pinakawalan na talaga ako ng tapang kaya wala siyang nakuhang karagdagang salita. O katotohanan.

May nahagip akong ekspresyon na dumaan sa mata niya. I'm reading that he seems disappointed and...sad. Animo'y pinaparamdam niya sa'king binigo ko siya sa kung ano mang ginawa, o hindi ko nagawa.

Well...shit. Just shit.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro