Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FOURTEEN

Sandali pa kaming nagsayaw ni Denver saka kami bumalik sa aming table. Agad kong ininom ang beer na hinanda niya para sa akin.

The cold drink quenched my thirst, but it did an antipodal effect to my chest. My fast heartbeat felt warm, at animo'y gasoline ang alak na patuloy na pinapakain ang kabog sa dibdib ko. This has nothing to do with dancing.

Kaharap ko si Jaxon na nasa kabilang table, still cradling his head with his hands. Hindi yata siya sanay uminom or maybe he just doesn't feel good today.

Nakikinig lamang ako sa mga pangyayari rito sa loob, just trying to calm me down. Listening to other people's conversations rather than to the voices inside my head is my way of steering clear of my anxieties.

Maingay talaga si Denver, mukhang walang kapaguran. Kahit saan may kakilala tulad nalang ngayon na may kamustahan. Hinanap ko sina Tori at natagpuan sa pinakalikod ng resto bar, katabi pa rin ni Nolan na kainuman ang mga highchool friends niya.

"Jaxon!"

Kinuha ng atensyon ko ang pumaibabaw na boses ng babae. I thought it's Gwyneth but it's another girl in high waist shorts, midriff top and what looks like an ultra matte nude lipstick to me.

Humupa ang boses ni Denver sa tabi ko sa pag-alis ng mga kakilala niya. Ikinalingon ko ang kanyang pag-sipol. Kay Jaxon siya nakatingin na kausap na ang babae. Katabi pa niya.

"Sino 'yan?" tanong ko kay Denver.

Jaxon's tugging at his drink while talking to the girl. Nakikipaghalakhakan na siya rito habang nakasandal sa kanyang silya.

"Kylie, his ex. The second one, I think."

Isang tingin pa nga lang sa kanya, I could see the pattern. Jaxon's into girls with natural beauty. Wala kasi ito masyadong make-up at may pagka-morena.

Another sheer opposite of me.

But realizing this, hindi naman ibig sabihin noon na kailangan ko nang itakwil ang kung ano ako para lang magustuhan niya. Bakit ko pa ipipilit ang sarili ko kung alam ko namang may gusto siyang iba?

Hindi rin naman siya mapapa sa akin. Why bother trying? Sa huli, ako lang din ang babagsak. Alone. Helpless.

Malaki ang ginawa kong pag-lagok sa beer.

"Ilan naging ex niya?" Dumighay ako.

Hindi ko alam kung bakit gusto ko pang malaman. May it be for the sake to keep the conversation going.

Mahinang tumawa si Denver. "Dalawa. Pihikan kasi sa babae, kaya minsan siya na ang nililigawan."

Napailing ako at nag-iwas ng tingin nang lumingon rito si Jaxon. Tinignan ko ang laman ng bote. Sobra na sa kalahati ang nabawas.

"You want more?" tanong ni Denver, nakita yata ang pagtitig ko sa bote.

Umiling ako at sinubukan muling tignan sina Jaxon. He's staring at me, or maybe he's glaring at his cousin beside me. Or maybe both. Pero tumatango-tango naman siya sa sinasabi ng kausap niya na bumubulong sa kanyang tenga.

Seriously? Hinahayaan niya lang iyon?

"The drinks are for free, Davina. It's part of this reunion," pahayag ni Denver.

Bago pa ako makatango ay nagtawag na siya ng waiter at sinabing vodka.

Kumunot ang noo ko sa naisip. All I know ay batchmates lang sina Jaxon at Gwyneth but definitely not classmates unlike nila Nolan. But Denver here...

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

Ningisihan niya ako. "Ang party na mismo ang nag-imbita sa akin."

Humalakhak siya kasabay ang pagdating ng bago na naman niyang mga kakilala kaya mas umingay ang aming table. No wonder, he's a party animal. Umusog ako dahil sa pag-upo ng mga bagong dating. Nakikipag-high five siya sa mga ito saka pinakilala ako.

Nakikinig ako sa mga pinag-usapan nila at nakikitawa na rin. It's easy to get along with them, lalo na dahil kasama ko si Denver na hindi ako hinahayaang ma-out of place. His friends are friendly, too. Ang kukulit!

We trade shots, hindi ko na mabilang kung naka-ilan ako but I know it's more than five dahil bumibigat na ang aking mga mata. Or it could be na may kinalaman dito ang makapal kong eyeliner at mascara.

Nasa kalagitnaan kami ng tawanan nang mahagip ko si Gwyneth. Nakatayo siya katabi ng mesa nina Nolan, nakahalukiphip. She's staring daggers at something...or someone.

Sinundan ko ng tingin ang ginagawaran niya ng talim na iyan and it directed me to Jaxon and the girl. Hindi man lang iniiwasan ni Jax ang panay na hampas ni Kylie sa kanya at hawak sa braso niya.

Ako ang kinakabahan para sa kanya sa talim pa lang ng tingin ni Gwyneth, like she's about to murder someone. Gone is the good girl I met yesterday.

Agad kong siniko si Denver at tinuro sa kanya si Gwyneth. Tumigil siya sa pagtawa.

"Whew! Shit's about to get real," aniya.

"Hindi mo ba pakakalmahin si Gwyneth? Mukhang nagkakamustahan lang naman si Jaxon at 'yang si Kylie."

"Ha! Kamustahan? That's one way of putting it mildly." Tinuro niya sina Jax. " That's not 'kamustahan' anymore."

Clearly, dahil ang lapit mismo ng mga mukha nila sa isa't isa habang nagtatawanan. Mukha ring nakainom na 'tong si Kylie. Miski ako ay naiinis sa nasasaksihan ko ngayon.

My God, Jaxon! How could you be so careless and insensitive?

Muli kong tinignan si Gwyneth na papasugod na sa kanilang table kung hindi lang siya pinigilan ng mga kasama ni Nolan at pinabalik sa pag-upo. Mabilis na ang kanyang paghinga, hindi inaalis ang paningin kina Jax. Buong mesa ay doon na rin nakatuon.

Nahagip ko ang paningin ni Tori. Nagpalitan kami ng kibit-balikat sa isa't isa.

Parang ayaw ko nang lapitan si Jaxon. Pakiramdam ko isang pagkakamali ang maging kaibigan niya.

There's nothing really wrong in friendship as long as you both know the rules. That includes the boundaries. The do's and don'ts. Keeping this with him, I can't promise that I'd be obedient.

Mukhang nakahinga nang maluwang si Gwyneth nang tumayo na si Kylie. Akala ko'y hahabol pa ito ng halik kay Jaxon dahil sa paglapit ng bibig niya sa kanyang mukha ngunit may ibinulong lang siya kay Jax. Tumawa si Jaxon at tumango sa kung ano mang sinabi ng ex niya.

Sumikip ang dibdib ko sa mga sandaling iyon, and having to breathe in relief somehow makes me guilty. Ewan ko kung para saan pero na-guilty ako. Para bang may inaako akong karapatan na hindi naman dapat. Dahil hindi naman talaga dapat!

Tumayo si Jaxon at sinundan ko siya ng tingin. He's making a beeline to our table. Nasa akin ang mga mata niya.

Sa beer ko na ako tumingin. Nararamdaman ko na sa likod ko siya hihinto.

He did, at nagawa pa talaga niyang ilapit ang bibig niya sa tenga ko. Humigpit ang aking sikmura sa ginawa niya, lalo nang malanghap ko ang beer sa mainit niyang hininga.

"Lipat ka ng table," bulong niya sa tenga ko. Mas kumuyom ang aking sikmura sa sensasyong hatid nito.

Nilingon ko siya, nagtataka. "Okay naman ako rito."

Naglaho ang namumungay niyang mga mata sa pumaibabaw na masamang tingin sa lalakeng katabi ko. Bumaba ang tingin niya sa brasong nakaakbay sa sandalan ng aking upuan. The guy's fingers—I think his name is Jules-- are playing with my hair. Kaya pala kanina pa nangingiliti ang anit ko!

Hinila ni Jaxon ang masamang tingin niya sa pagtatagpo muli ng aming paningin.

"Doon ka, samahan mo ako. Ako lang mag-isa," mariin niyang pahayag.

Sandali akong napatanga sa sinabi niya. Ba't hindi si Gwyneth ang puntahan niya?

Nainip si Jaxon sa mabagal kong pag-responde kaya inirapan niya ako. Bigla niyang hinila ang aking braso kaya ako napatayo.

"What the fuck, Jax? Saan mo dadalhin si Davina?" maarteng tanong ni Denver.

"Maghanap ka ng ibang babae, Denver," ani ni Jaxon na hindi tinitignan ang pinsan.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko na siyang ikinainis niya. Tinalikuran niya ako at bumalik sa table niya.

Nilingon ko ang table nila ni Gywneth ngunit wala na siya roon. Bigla akong kinabahan. Bago sugurin niya ako bigla.

Tinignan ko muli si Jax. Ang sama ng tingin niya sa akin at iyon na mismo ang umudyok sa mga paa kong kumilos at dalhin ako sa kinabibilangan niyang mesa. Hindi ako umupo sa tabi niya imbes ay sa ikalawang upuan mula sa kanya.

Umawang ang kanyang bibig at lumalim ang pagsasalubong ng kanyang kilay.

"Bakit ang layo mo?" I could trace the irritation in his tone.

Hinila niya ang upuan sa tabi niya sabay tapik rito. "Dito ka."

"Anong problema mo, Jaxon? Kung nakita mo lang ang itsura ni Gwyneth kanina noong nag-uusap kayo ng ex mo," inis kong pahayag. He's not acting like himself tonight.

He recoiled. Nag-taas siya ng kilay. "How do you know she's my ex?"

Hindi ko siya sinagot. I hate explaining things.

May chini-cheer ang grupo nila Nolan kasunod ang pagtayo ng isa nilang kaibigan at nagpunta sa stage. Nakipag-high five muna siya sa babaeng singer bago kinuha ang mic at nilagay sa stand nito.

Rinig ko ang marahas na buntong hininga ni Jaxon sa gitna ng palakpakan ng mga tao.

"You said it yourself, nag-usap kami. Anong masama roon?" Dumoble ang kanyang iritasyon. Umiling siya saka tinungga ang beer. "I can't believe the exponential increase of narrow-minded people nowadays."

Nagtiim bagang siya. Sa kanyang paglunok ay gumalaw ang kanyang adam's apple. Nanatili lang doon ang paningin ko, na humantong sa mukha niyang iritado habang binabakas ng hinlalaki niya ang brand ng beer sa bote.

Hindi lang yata ako ang may problema sa mood swings. Jaxon seems frustrated tonight.

Tumili ang mic kasunod ang ingay ng drums at dance music. Sumugod ang grupo nila Nolan sa dance floor at mukhang nagwawalang mga hayop na nakalaya sa kanilang mga hawla kung makahataw ng sayaw. Hindi nagpahuli sina Tori and Nolan.

"Wanna dance?" Magaspang ang boses niya.

Medyo ikinagulat ko ang offer ni Jaxon. He's asking me to dance? With him?

Iling akong napatawa. "I don't think pwede tayong magsayaw. It would seem like we're flirting at each other."

Nabigla ako sa paghampas niya sa mesa. Natumba pa ang isang bote roon.

"There you go again! Palagi na lang hindi pwede!"

"That's what you call boundaries!" Hindi ko napigilang magtaas ng boses.

What's his fucking problem?!

Mukhang nanginig ang kilay niya sa sobrang pagkairitado. Pati ako ay nahawa na sa kanyang reaksyon. Ang pamumula ng kanyang mukha ay 'di ko alam kung dahil sa alak o epekto ng kanyang emosyon.

Marahas niyang tinungga ang beer hanggang sa naubos niya ang laman ng bote. Ikinaigting ko pa ang malakas niya nitong paglapag sa mesa.

Lalo akong naweweirduhan sa kanya nang tumawa siya ng bahagya. It's humorless. Namula ang ibabang labi niya pagkatapos niya itong basain at kagatin saka niya ako binalingan.

May pang-aakusa sa tinging tinatapon niya sa kin.

"I would like to hear more of your opinions, Davina. We don't think alike but I like it that way. Go on. Shoot. Why can't two people who are friends dance?" Mabilis siyang nagsalita at may paghahamon sa kanyang tanong.

He chuckled again, still with zero humor. Inilingan niya ang bote na natumba kanina at itinayo ito.

"Have you seen Gwyneth? She's with her guy friends, tapos ako hindi pwedeng makihalubilo sa mga kaibigan kong babae? And it's not that we always have to be near at each other all the time. Nanliligaw pa lang naman ako. She's not mine, anyway. Yet."

Hinanap ko si Gwyneth. Medyo madilim ang bar kaya hindi ganoon kadaling matagpuan ang hinahanap mo. She's nowhere to be found.

"So si Gwyneth ang problema mo?" I concluded. Matabang ang tono ko.

"No. Wala akong problema. You just frustrate me so much, Vin." Nanggigigil ang kanyang boses. Mariin siyang pumikit at mahigpit ang kapit sa bote ng beer.

So I am his problem, then?

Hinukay ko sa aking isip ang pinagbuntungan niya ng frustration mula sa akin. Dahil ba sa pagtanggi kong pakikipagsayaw sa kanya? Iyon lang? That's quite inconsequential to be a problem.

"Is it a positive frustration or negative?"

Strikto niya akong tinitigan. Parang may nasabi akong hindi tama. "Frustration is negative."

Muli niyang tinapik ang katabi niyang silya. The way his eyes are looking at me tells me to sit there beside him. Siyempre umiling ako!

Hindi ko inasahan ang ginawa niyang pagtayo at siya mismo ang tumabi sa akin. Inusog ko ang aking upuan palayo ngunit mariin niya itong pinigilan. The muscles in his lean biceps even strained as he stopped my chair. Wala akong nagawa.

Pinagpahinga niya ang kanyang braso sa sandalan ng aking upuan. Kabado akong tumingin sa kapaligiran hanggang sa nahagip ko ang paningin ni Denver. Salubong ang kilay niya at kinakagat ang bibig ng shot glass.

Sa pag-iwas ko ng tingin ay nabaling ako sa mga nagsasayawan sa harap at nakita sina Angelov at Charlie na kapwa may kasayawan. Job well done, Angelov!

"You know what? Most of the guys I know here are asking for your number and status. Binaha ang inbox ko sa mga nagtatanong sa pangalan mo. I don't want them to assume that you're available."

Jaxon's beer-scented breath tickled my neck. Sa lakas ng music ay kailangan niyang ilapit ang bibig niya sa mukha ko.

"I am available." Nagkibit balikat ako.

Marahas siyang suminghap at inadjust ang pagkakaupo. Bahagya kong nilayo ang sarili dahil nagtatama ang mga braso at binti namin.

Humilig siya sa mesa upang buong ulo niyang maharap ang pagmumukha ko. Seryoso niya akong tinitigan.

"I won't make it seem like it. I don't want you to do flings anymore, Vinnie..."

Pinakita ko sa kanya ang inis ko. We are friends, yes, pero anong karapatan niyang pagbawalan ako sa gusto kong gawin?

"What?" Halos matawa siya. "Pagbibigyan kita sa gusto mong makihalubilo sa ibang lalake tapos ako hindi kita pwedeng isayaw? Un-fucking-fair!"

Marahas niyang kinuha ang isang bote at tinungga. Dumoble ang inis niya nang mapagtantong wala na iyong laman. Nagtawag siya ng server upang kumuha ng beer.

Napailing ako. "You're seriously is having a problem right now, Jaxon."

Tinignan ko ang mga wala nang lamang bote sa mesa. There are four bottles. Hindi ko nga alam kung alin diyan ang naubos niya o 'yang lahat ba. If so, then he must probably be tipsy or on his way to the drunk zone.

"It's just a dance, Davina. Walang mali sa pagsasayaw." May kalakip nang pamimilit sa kanyang tono.

Kinamot niya ang kanyang batok kasabay ang pagtanggap sa dalawang beer na dinala ng server. Nagpasalamat siya bago ito nakaalis.

Pinadulas niya ang isang bote sa direksyon ko. Sinimulan na niyang inumin ang isa.

"Bakit hindi mo anyayahan si Gwyneth?"

Sa simpleng tanong na iyon ay nanuyo ang aking lalamunan. Kinuha ko ang bote sa harap ko at tinungga.

"She's with her highschool friends. Wala naman akong ibang kakilala rito maliban sa grupo niyo," aniya.

But I still couldn't find Gwyneth. Maybe natabunan ng mga nasa dance floor.

"There's Denver," mungkahi ko.

Tumawa siya at tinuro ang pinsan sa katapat naming table."And he's with three women. Now tell me, where do you think should I fit myself in?"

Ang isang babae roon ay nakakandong pa kay Denver. May babae na ring pumalit sa inupuan ko kanina at ang isa'y nasa likod niya. They're laughing their guts out.

Though Denver's suspicious stare remained cut to mine and Jax.

Tumayo si Jaxon at bigla na lang akong hinila patayo. Nagmatigas akong magpatianod sa kanya sa pagpunta sa sayawan. Tapos na ang kanta kanina at agad sinimulan nang panibagong tugtugin.

"Mabagal 'yong kanta!" ani ko. Hinihila pa rin niya ako.

Tinaasan niya ako ng kilay. "So? It's still danceable!"

Gawa na rin siguro ng elemento ng alak ay nadala na niya ako. Sumiksik kami sa mga nagsasayawan. Hindi agad ako nakagalaw nang magkaharap na kami.

Hindi ito ang uri ng pangyayaring inaasahan ko ngayong gabi.

"It sounds sensual," paalam ko, in case he doesn't get the tune of the song.

Jaxon's mouth stretched a devilish smile. Sobra na ang pamumungay ng mga mata niya.

Sa tingin ko napagkakamalan na niya akong si Gwyneth. Madilim pa naman dito sa restobar at tanging disco lights lang ang umiilaw. Magmamaneho pa siya pauwi. How can he drive home or drive Gwyn home with that level of alcohol in his system?

Pumikit si Jaxon habang inuugoy ang sarili sa tugtugin. I took advantage and began tracing his features. From his thick hair with messy fringe, thick brows and heavy lashes, narrow nose, semi thin lips and determined jaw...he's in between rough and smooth. Good and bad. I'm floored on how breathtaking he looks.

I'm gonna draw him. I'm going to make an art of him...

"Sa apat na taon mong panliligaw, hindi ka ba naa-attract sa iba?" mahina kong tanong. I don't think he heard me.

Dumilat siya at tinagpo ako ng mapupungay niyang mga mata. Nagsasayaw ang mga kulay ng disco lights doon.

"We can't control our attraction towards the opposite sex, so...yeah, I do honestly. Pero hanggang doon lang. Just the superficial, no emotions involved."

I agree. We have no control of the attraction, To the feelings. But we can have a full control on our behavior and how we are going to act against the attraction. I am in my best efforts of abiding the law of attraction.

"Kung mai-inlove ka sa ibang babae, hihinto ka ba sa panililigaw kay Gwyneth?"

Pulling the trigger to release the bullet question, Davina? How would that help you in abiding the attraction law?

Tinagilid ni Jaxon ang ulo, mukhang ipinagtaka ang tanong ko. "Is that a rhetorical question?"

"Is it rhetorical for you?" I quipped promptly.

Humalo ang aliw sa mga mata niya na para bang may nakakatawa sa aking tanong.

Pigil ngiti siyang nag-iwas ng tingin. "Next question, please."

Tumawa ako. Bakit hindi niya masagot iyon? Is yes and no that difficult to say?

Ngisi siyang nagbalik tingin sa akin at dumapo ang paningin sa dibdib ko.

I forgot na nag show-off pala ang aking cleavage dahil sa costume. Tinakpan ko ito. Napatawa siya sa aking ginawa.

"Your lola loves the banana cues," bigla niyang sabi.

Hindi ko naitago ang aking gulat. "Nagpunta ka talaga?"

He shrugged. "I said I was serious."

"Bakit mo ba ito ginagawa? Wait—okay, sasabihin mo na naman na we're friends. So do you do this to all of your friends?" usisa ko.

His gesture remains a mystery to me. Hindi ako tinatantanan ng pagtataka.

"Yes, but that was before they betrayed me."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Who betrayed him? His friends betrayed him? That's hard to believe for me.

Tell me something that I'll forget

And you might have to tell me again

It's crazy what you'll do for a friend

"You trust me too much to become your friend for you not to think I'll betray you?" tanong ko.

"I know you're scared to be betrayed, Vin. So if I'm friends with someone who has the same fear as me, we won't be doing that to each other because we both know how that felt. I know you won't betray me."

Determined and assured. Iyon ang mga nakikita ko sa kanya nang sinabi niya ito.

Parang binagsakan ako ng responsibilidad na kailangan kong panindigan ang sinabi niya. Like I have this obligation to him to keep his trust. To not betray him. How could I betray him as a friend? I don't know and not even the slightest that I would betray him. Or fail him. Ever.

Go ahead and cry little girl

Nobody does it like you do

I know how much it matters t you

I know that you got daddy issues

"Sigurado ka talaga diyan, noh?"

"Immensely..." seryoso niyang sabi na mukhang nakita na niya ang kinabukasan sa mukha ko.

"How could you tell that someone betrayed me?"

And if you were my little girl

I'd do whatever I could do

I'd run away and hide with you

I love that you got daddy issues, and I do too


"Hindi na kayo binalikan ng papa mo...same goes to my father who doesn't seem to know what responsibility is anymore..."

Somehow I could feel him. But his father is still alive. Sa akin? I don't know. Matagal na akong walang balita sa kanya, so all I could do is hope that he's my benefactor.

"I'm trying to compensate for what he hasn't done and for who he is not. Sinimulan ko ang panliligaw kay Gwyneth, kaya paninindigan ko. Hindi ako hihinto. Unlike my father, sinimulan niya ang pamilya namin, but where is he now? Starting another family?"

Most people went here to have fun and reunite with friends. Whereas me and Jaxon went here to outpour each other's craps at the middle of intimately dancing bodies.

"Atleast he still communicates with you." Kumunot ang noo ko, hindi sigurado. "Does he?"

Umiling siya. "It's not enough, Davina. I'll tell you it's not enough."

Hmm...another unsatisfied being. Sa kabila ng yamang meron siya, he still seeks for something more. Having his father is not enough. Hindi nga lang naman talaga pisikal na nandiyan ay okay na. Of course, naroon dapat ang mga dapat niyang ginawa bilang isang ama. Things that he should have done to his family. To his son.

I know how does it feel to have no father, pero kung ikukumpara kay Jax, hindi ko alam kung parehas lang ang pakiramdam na may buhay kang ama ngunit hindi mo palaging nakikita. I don't think it's the same. My father is good as dead. Jax's father is not. There's a difference.

"Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam. Sorry, wala akong maipapayo sa iyo."

What I'm good at is giving poor advices.

Ngumiti siya. "I don't need the advice. Desisiyon ko rin naman ang mananaig sa huli at hindi ang payo ng iba. I'm fine with you listening to me. I mean, great. I feel great!"

"Glad I could help." Sarkastiko kong sabi.

Lumawak ang ngiti niya. 

"I'm glad you're here, Vinnie..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro