Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FOUR

"Ba't ang aga mong umuwi kahapon, Vin?" tanong ni Charliemagne.

Nakasandal ako sa pintuan ng boys' cr, pinapanood siyang nananalamin.

Bumukas ang isang cubicle at iniluwa si Angelov na sinusuklay ang buhok sa kanyang mga daliri. "Oo nga, milagro sa 'min iyon. 'Di ka tuloy nakasama sa 'min kina Nolan."

Silang dalawa na ang antok kong pinapanood na naghuhugas ng kamay sa sink sabay tingin sa salamin. Binabasa ang buhok upang panatilihin ang mga stilo nito.

Ganyan din kaya si Jaxon? We all have our first impressions at base sa physical na impression ko sa kanya, I don't think he's the type to obsess over his looks. Magaling lang talaga siyang magdala sa sarili niya.

Not even once during our encounter yesterday, hindi ko siya nakikitang may pakialam sa buhok niya o inaayos kung ano ang itsura ng kanyang shirt. But still, he maintained his neatness. Presentable pa rin siyang tignan.

"Oy, Davina!"

Nagising ako sa pag-wisik ni Angelov ng tubig sa mukha ko. He's smirking. Inis ko iyong pinunasan sa 'king kamay, maingat na hindi matanggal ang aking make-up.

"Ang lalim ng iniisip mo. Ano ba 'yan?" puna niya.

Umalis na ako sa pintuan nang humakbang na sila palabas. Nauna akong naglakad sa kanila. Last day na nang examination namin, at ganado akong sagutan ang test questions mamaya. Last day na,e.

"Dahil ba 'yan sa lalakeng nag-aya sa'yo ng lunch kahapon?" kiniliti ako ni Charlie." Yieeh...may love life na si Davina."

Sinapak ko siya sa braso saka paharap na sumandal sa ledge. Mula rito sa fourth floor ay kita ko ang mga dumadaang mga estudyante sa gitna ng basketball court. Naaamoy ko naman ang mabangong agahan mula sa canteen. Magtitiis na naman ako sa bubblegum nito.

"Gagawin niya lang iyong fling. Ano na naman ang susunod mong break-up line, Vin? Epic iyong huli, e," tawang-tawang sabi ni Angelov na agad sinabayan ni Charlie.

Natawa na rin ako nang maalala iyon. That was last week at ngayon nag-iisip ako sa kung ano ang sasabihin sa isang naghihintay lang na hiwalayan ko.

Ikinahiya ako ng isang iyon, ayaw ng holding hands. Tangina, siya pa mapili eh hindi naman kaguwapuhan. Takot yatang masabihan na may kasama siyang miyembro ng kulto dahil sa ayos ko.

But flings are just strangers to me. Marami tayong pwedeng magawa sa mundo at isa iyon sa naging trip ko. I know it's bad, I mean it's part of growing up being reckless. I need more experience as much as diversion dahil kung mananatali akong tahimik at nakakulong sa apat na sulok, sumisikip ang mga hindi imbitadong pag-iisip sa utak ko.

Strangers don't hurt, but once you let them in, mas lulubog ka lang sa dami ng problema mo. But they could also be my silver lining. They could be the light in my dark. At isang tao ang biglang nag-volunteer na pumasok sa isip ko.

Biglang tumunog ang aking tiyan. Kumapa ako ng bubblegum sa bulsa ko pero wrapper ang tanging nadukot ng aking kamay.

Lumingon ako sa classroom at nakitang wala pa si Tori. Late na naman ang babaeng 'yon. Si Nolan din wala, marahil hinihintay ang girlfriend sa baba.

"Sinong gustong manlibre sa inyo? Gutom na ako,eh," walang hiyang sabi ko. Pero sanay na rin naman sila.

Nagpakawala ng tawa si Angelov habang pinaglalaruan ng dila niya ang kanyang lip-piercing. "Hindi pa ba nagpapadala ang benefactor mo?"

Iling ang naging tugon ko. Kaka-check ko lang kanina at ganon pa rin ang laman. Next month pa yata iyon magpapadala dahil ang pinadala niya para ngayong buwan ay kinuha na nga ni mama. Ang five hundred naman ay gagamitin ko para sa project namin.

"May sandwhich ako sa bag, sayo na lang iyon," ani ni Charlie.

"Naks, sandwhich! Ginawan ka ba ng kuya mo?" pang-aasar ni Angelov.

"Hindi a, iyon pa? Bugbog lang ang abot ko dun, eh. Galing kasi sila papa sa resto kagabi dahil birthday ni kuya, siyempre hindi ako kasama kaya inuwian nalang ako ng tinapay."

Nanahimik kami pareho. Anak sa labas si Charlie at dahil mabait ang papa niya, kinupkop siya. Kalakip naman doon ang pagdudusa niya sa kamay ng kanyang kapatid at ina nito. Kaya lagi sa tattoo parlor iyan tumatambay.

Mabuti nalang may natirang mabait sa buhay niya, utang niya sa kanyang ama ang pinondong pera sa pagpapatayo ng tattoo parlor kasama si Angelov na may kaya sa buhay ang pamilya. Iyon lang, iniwan siya ng kanyang ama. His mother's the one who has been taking care of him.

Pumasok na kami sa classroom nang tumunog ang bell. Tinapik ni Charlie ang balikat namin ni Angelov bago siya bumaba sa third floor para sa exam nila.

Late ngang dumating si Tori kasama ni Nolan kaya matagal ko silang hinintay matapos sa exam. Hindi na ako ang naunang natapos dahil ganado nga akong sagutan ang exam ngayon kaya pinaghirapan ko talagang inisip ang mga sagot ko. Bumaba kami sa canteen nang sumapit ang lunch.

"Right table. Cute siya," bulong sa 'kin ni Tori na nasa tapat ko kumakain.

Natatawa ko siyang sinipa sa paa. "Ano ba 'yan Astoria, may boyfriend ka! Katabi mo pa."

"Nolan won't mind." Humilig siya kay Nolan. "Hey babe, that guy over there. He's cute, right?"

Tinuro niya ang ikatlong table mula sa table namin. The guy she's talking about is wearing all white, which obviously implies that he's a nursing student. Seryoso itong nagsusulat.

Doon na ako nalito nang makita ko kung sino ang kaharap niya. Bored itong nagtitipa sa cellphone. Ngayon hindi ko na alam kung sino sa kanila ang tinutukoy ni Tori dahil magkamukha naman sila. They're twins, and both of them are wearing the same nursing uniform.

Ngumunguya si Nolan habang tamad na sinusuri ang lalake. Sinusubuan niya ng fries si Tori habang nakaakbay siya rito.

Tumigil siya sa pagnguya at ngumuso.

"Yeah, he's cute." Mapupungay ang mga mata niyang nilingon ang nobya, nagtaas siya ng kilay. "But babe, I'm hot."

Maarteng tumawa si Tori at ang laki ng ngisi niyang bumaling sa 'kin. "See?"

Iling akong nagbalik sa aking binabasa. Wala sa sarili kong nilagyan ng highlighter ang naka-italic nang salita.

Nabigla ako nang biglang may naglapag ng sandwhich sa harap ko. Tiningala ko ang pasimuno at nakita ang seryosong mukha ni Charlie.

Seryoso o nagkukunwaring seryoso? Pasulyap-sulyap siya sa mag-irog sa tapat ko.

"Uy! Salamat..." ani ko sabay kuha ng pagkain.

Aalis na sana siya nang pinigilan ko.

"Bakit?" kunot-noo niyang tanong. Mahina ang boses niya.

Ninguso ko sina Tori. Ang pagkaka-crush ni Charlie sa kanya ay kinalawang na sa tagal niyang paghihintay na maging single ito. Which has never happened ever since.

Maang-maangan siyang sumulyap muli kay Tori at mabilis ding nag-iwas. Tinaasan niya ako ng kilay bago nilebel ang bibig sa 'king tenga. "Nirereto mo ba ako sa kanya o pinapamukha mo sa 'king wala na akong pag-asa?"

Tumawa ako. "Sa tingin mo?"

"Tss..." Inirapan niya ako.

"Hanap ka nalang kasi ng iba, guwapo ka naman," himok ko sa kanya.

May pagka-Arabian beauty si Charliemagne. Sa sobrang kapal ng pilikmata niya ay pwede ko nang gawing walis.

Umiling siya saka tinulak ang noo ko sa kanyang hintuturo. Tinawanan ko ang pagkamatay ng kanyang puso para sa babaeng gusto niya na may mahal nang iba. Binalikan niya si Angelov sa counter na umu-order ng pagkain.

Tunog ng cellphone ang nagpaayos sa 'kin ng upo. Maingat kong tinuyo ang nangingilid kong mata dahil sa pagtawa sabay dungaw sa text. It's my fling of the week. Si Nolan ang nagpakilala sa 'min last week sa sa bar na pinuntahan namin.

Ricky:

Free ako mamaya. :)

So? Nag-tanong ba ako kung free siya mamaya?

"Break mo na," biglang ani Tori, marahil nakita ang paglukot ng mukha ko. Nasasabi niya ang sitwasyon kahit hindi ko sabihin sa kanya base sa aking ekspresyon.

"Break ko na?" tanong ko sa kanya, kinukumpirma ang kanyang sinabi.

Tumango siya habang nilalamon ang fries na sinubo sa kanya ni Nolan.

Nagtipa ako ng text. Hindi ako prepared sa break-up namin. Lihim akong natawa. Break-up? Naging kami ba? Well siguro, para sa kanya.

Sorry, we're done. It's not you it's me. I hope you understand.

Pinadulas ko ang cellphone ko sa mesa patungo kay Tori upang makita ang approval niya sa reply ko. Hindi pa siya tapos sa pagbabasa ay bumuga na siya ng tawa, umubo at muntik nang mabulunan.

Naging curious si Nolan at dumungaw sa text. Ngumisi siya't umiiling habang binubuksan ang takip ng mineral water.

"What? I suck at break ups," sabi ko sabay kuha ng phone.

" 'Yan din yung linya mo noong nakaraan, di ba?" tanong ni Nolan.

"Iba 'yon." Tinapos ko na ang pag-ubos sa sandwhich saka kinuha ang binili kong tubig.

"Oh my gosh! Naalala ko ang tinext mo sa kanya. It was like," natatawa siyang nag-isip "...hahanapin ko muna ang sarili ko. You deserve someone better so don't wait for me anymore."

Binalikan ko ang last week. Iyon ba talaga sinabi ko? Minsan kasi hindi ko na matandaan as long as nagawa ko na ang dapat kong gawin. It's not that I want to forget about it, they're just really forgettable.

Ang mga normal na bagay kasi ay madali lang makalimutan. And what I did is one of my kinds of normal. I don't think they hurt, marahil nga para sa kanila ay fling lang din ako so it's a win-win situation for us.

Doon na mahirap kalimutan kung may nasaktan ka o ikaw ang nasaktan. Pain is never forgettable.

I've been a victim of hurt too many times before. Physically and emotionally, hanggang sa naging immune na ako sa sakit na iyon. Since sanay na, hindi na masakit.

Pero may tinatawag tayong ibang klaseng sakit. Another kind of pain not just inflicted by a family member. That's what I fear.

What if I love? Hindi ako sanay sa sakit na ipararanas sa 'kin ng iba. I'm not numb to that kind of pain to be inflicted yet from a lover. Darating iyon sa 'kin, alam ko. Somewhere in our lives we'd be able to face it. Ganon pa rin kaya ang magiging coping mechanism ko? Drown my sorrows? Bathe my brain with alcohol? Be under a whiskey's spell?

You over think on things again, Davina. Hindi pa nangyayari iyan kaya huwag mo munang problemahin.

What-if's are making a good art of fucking me up.

"Oh my gosh, who's that? He's hot, Vin. You should fling him."

Nilingon ko ang tinitigan ngayon ni Tori. Ewan ko sa babaeng 'to, sa tabi pa talaga ng boyfriend isasatinig ang paghanga sa ibang lalake.

Pero parang gusto kong isuka ang laman ng tiyan ko, o ang tiyan ko mismo nang makita kung sino ang tinutukoy niya.

It's Jaxon, nakaakbay ang isang braso sa mestisahing babae. Naka-all white nursing uniform si girl at dala ni Jax ang shoulder bag nito.

Well she's pretty. Pinkish ang pisngi. Neat ang pagkaka-hairnet ng kanyang buhok. Her features are in between soft and edgy. Her upturned eyes are her asset. Tanging pink lipstick lang ang kolorete sa mukha at wala nang iba. For short, natural beauty.

Ikaw, Davina? Violet ang buhok, itim ang lipstick, eyeliner at eyeshadow. May stud piercing pa sa ilong. Parang dadalo sa hard-core slash grunge rock concert ang suot. Totally unnatural.

"But who's with him?" parang naiinis ang tono ni Tori. Nainis yata na hindi niya ako maire-reto kay Jax.

"Gwyneth, nililigawan niya. Hmm...I don't know kung nanliligaw pa rin siya o sila na ba."

Napabaling ako kay Nolan sa sinabi niya.

"Ba't mo alam?" tanong ko.

"Classmates kami noong highschool. Fourth year yata kami noong nanligaw 'yan," balewala niyang sabi na parang isa na itong normal na bagay na nababalitaan araw-araw.

Classmates noong highschool? So...

"So kung nanliligaw pa siya ngayon, you mean, he's been courting her for four years na?" naisatinig ni Tori ang tanong sa isip ko.

"I don't know." Kibit balikat ni Nolan. "I'm not sure kung nanliligaw pa siya o sila na. Hard to get naman kasi iyang si Gwyn, achiever kasi."

Muli ko silang nilingon. Nakatayo si Jaxon sa likod ng upuan ni Gwyneth, nakayuko at pinapakinggan ang sinasabi ni Gwyn sa tenga nito habang may tinuturo sa counter. Parang may pinapabili siya. Tumango si Jax at hinubad ang floral shoulder bag, nilapag niya ito sa espasyo katabi ni Gwyn bago siya tumungo sa counter.

Base pa lang sa encounter namin kahapon, masasabi mo na ang ugaling meron siya. He's benevolent. Clearly, he treats her like a queen.

Halos makalimutan ko ang tungkol sa bagay na 'to. Inalala ko ang binitawan niyang salita sa tattoo parlor na nanliligaw pa lang siya so, there! Nanliligaw pa lang, pero hindi ito dahilan upang mag-himasok ako sa kanila.

Nanliligaw o hindi, basta may gusto siyang iba, I have to respect his feelings for another girl. Hanggang respeto at pag-hanga na lang ako. Dapat makuntento na ako sa ganon. Atleast binibigyan niya pa ako ng pansin. Kahit pantay lang ang trato niya sa mga babae maliban sa nililigawan niya, I am, atleast, is at the receiving end of his smiles and platonic attention.

Medyo nainis rin ako. He was somewhat leading me on yesterday. Inaya pa ako ng lunch eh may nililigawan naman pala siyang dito nag-aaral!

Wala pa naman akong dapat i-assume because naturally, guys have this nature na magpa-assume sa babae when in fact, iba ang kanilang pinapahiwatig salungat sa interpretation mo sa gestures nila.

At anong karapatan kong mag-rant? Mas masahol pa ang ginawa ko kesa sa kanya Let's say he was just being friendly o naaawa lang talaga siya sa 'kin. Habang ako, I lead other guys on tapos anong ginawa ko? I reject them after a week just for the hell of it.

"She's okay, chicks din," biglang sambit ni Nolan. Sandali niya silang sinulyapan bago sinawsaw ang fries sa ketchup.

Pagak na tumawa si Tori. "Really, Nolan? Chicks? You could have pegged her better than that."

Ningisihan siya ni Nolan. " 'Coz she's no better than you."

Nag-iwas ko ng tingin nang ramdam kong maghahalikan na naman sila. Sanay na ang mga estudyante sa kanila. Lalo naman ako.

Hindi ko dinibdib ang hindi niya pag-reply sa pagpapasalamat ko kahapon. Sino ba naman ako upang mag-demand ng reply? Alam ko kung hanggang saan lang ako lalo na ngayong may nililigawan siya.

Doon ako sinampal ng realidad. May gusto siyang iba.

Papasok ka pa lang sa buhay niya Davina, naitsapuwera ka na. Huwag ka nang umasa na mangyayari sa 'yo ang pag-ibig na iyan. Hindi naman siya kawalan.

Haay...crush pa lang 'yan pero ang sakit na sa heart.

Crush. Some would assume I'm a lesbo but I'm not. Nagkakagusto pa rin naman ako sa mga lalake. I have my fair share of crushes pero hanggang doon lang. I classify them as 'hanggang crush only'. Iba kasi ay pinapalagpas na nila sa boundaries nila at 'yon, they fall in love. It's not so me.

Take Angelov for example. Never lumagpas sa crush ang pagkagusto ko sa kanya. I like him because he's hot. That's all. Kung may gusto siyang iba, I don't get hurt. I don't mope over. Hindi siya iiyakan ng maitim kong puso.

Naguguwapuhan lang naman ako sa kanya. Kasi para sa 'kin, kung guwapo, crush na 'yon. Wala pa naman akong na-classify na pinapalagapas ko sa admiration.

Wala pa. Sana hindi na. But I highly doubt it as I am watching Jaxon right now.

Sa paggising ko araw-araw iniisip ang magiging kinabukasan ko kasama si mama na hindi ko magawang isalba, naiisip ko pa bang umibig? How can I love if I am not being shown what love is? What I've been witnessing all my life is violence. Dark days. Dark times. Kasing dilim ng make-up ko ang buhay ko. That's it.

Bumalik si Jaxon sa table nila dala ang tray ng mga pagkain. Papaupo pa lang siya sa tabi ni Gwyneth nang bumaling ang ulo niya sa direksiyon namin. Mabilis akong nag-iwas, damang-dama ko ang malakas na pagtambol sa dibdib ko. Bakit ba ako nagtatago?

Nahalata iyon ni Tori, tawang-tawa siya sa ginawa ko.

"Girl, kahit anong pagtatago mo makikita ka pa rin niya. Hello? Ikaw lang yata ang may violet na buhok dito?"

Damn it, she's right. Pakulay na nga ako ng itim bukas. Kung 'di naman ay blue, common na kasi ang red.

And red for me is love. I'm not in love. Maybe not yet.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro