Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FORTY SEVEN

"Hindi na ako tumuloy diyan sa New York. I almost forgot that I have to attend this grand ball with the other executives. At ngayon pa lang ako makakadalo kaya pinagbigyan ko na."

Kunot noo akong nakaharap sa PC screen kung saan ka-Skype ko si papa. Madilim ang background so baka kakarating lang niya galing sa ball. He's still untying his necktie.

"You seem tired, Pa. I'll just talk to you tomorrow so you can rest."

"No, it's okay." Sumenyas siya at umiling. Kinusot niya ang mga mata. Nilihim ko ang ngiti nang pinigilan niya ang paghihikab. "Hindi pa naman ako inaantok. So what made you video call me?'

Hindi agad ako nakasagot dahil ang atensyon ko'y nasa boots kong hirap akong ipasok sa aking paa. Papa noticed my annoyed face kaya nagtaka na siya.

"Okay ka lang, Davina?"

"Yes, wait..." My voice strained sa pagpilit kong isiksik ang aking paa sa ankle boots. Bakit ba hindi na 'to magkasya? Tumutubo yata 'tong paa ko kada taon.

Binagsak ko na ang boots at inis na tumayo. Binuksan ko ang shoe closet at hinanap ang isa ko pang knee-high boots nang inagaw ng kung ano ang gilid ng aking paningin.

A sinking feeling surfaced in my chest. Umakyat ang pangungulila at tuluyan nang binaon ang inis sa limot.

Umingit ang closet nang binitawan ko ang handle. Bumulong ang paa ko sa puting sheepskin rug sa mabagal kong paghakbang. May pag-aalinlangan kong kinuha ang bagay na iyon. The Doc Martens boots. His birthday present for me. Ito ang isa sa mga bagay na dinala ko rito. Hindi ko ito maiwan-iwan. This is the only physical holdover I have from him.

Bumalik ako sa cube chair at saglit pang sinuri ang boots bago ito sinuot. They still perfectly fit in my feet like a puzzle.

Saglit nag-angat ng mukha si papa mula sa binabasa sa cellphone. He told me to wait dahil tutugunin pa niya ang katext. Inayos niya ang kanyang crescent-shape eyeglasses bago nagtipa.

"Pa..." may pag-aatubili sa aking tono.

"Hm?"

"Babalik ako ng Pilipinas."

Natilihan siya at gulat akong nilinga. I could have laughed at his expression kung hindi lang kami seryoso ngayon. Unti-unti siyang nagpakawala ng tawa at tuluyan nang nabalewala ang pagtitipa sa cellphone.

Nilapit niya ang screen sa kanya kaya inokupahan tuloy ng buong mukha niya ang screen ko.

"Finally natauhan ka na rin! Ni sumilip man lang sa Pilipinas ay hindi mo nagawa. What possessed you to come back here?" This is great news for him.

Ngumuso ako't napaikot sa aking mga mata. "It's Lionel's fault. He and his blogger friends were invited in a blogger-related event in the Philippines. He bought a one way ticket for me. Ako yata ang pagbabayarin niya ng ticket pabalik dito!"

Humalakhak si papa. "I gotta like that kid. Siguro naisip niya that you have to stay here for good."

"For good!" bulalas ko. "Pa, no—"

Nagitla ako sa biglang pagtalon ni Woodrow paakyat sa kandungan ko. My angel white Persian cat then curled himself in my lap to hibernate against the cold weather.

"Davina, you have to go home. Para na rin kung nais kitang bisitahin ay malapit na lang ang liliparin ko."

Pinagisipan ko rin ang sinabi niya habang hinahaplos ang pusa ko. I only find the chance of thinking about this now dahil noong tinatanong ako ni papa kung kailan ako babalik, it always resulted to No with a head shake without even thinking about it. Para bang naka-autopilot ako sa mga sandaling iyon.

Siguro inisip nila na sana noon pa nila ako binilhan ng ticket para hindi na ako makatanggi tulad nalang ngayon. But still, I think I would have declined. I wouldn't have been ready, yet. Kung kakalkulahin, mas handa ako ngayon kesa noon.

"And I have something for you."

Hinila ako pabalik ng boses ni papa. "Na naman? You've done more than enough, Pa."

Ngumiti siya't umiling. Mukha na talaga siyang inaantok at hindi na napigilan ang paghikab.

"This is the last, I promise. You gonna love it. It's my reward for the success you made for yourself."

Ngumuso ako at dinungaw ang nahihimbing nang si Woodrow. Kinalabit ko ang kanyang bell. "Kung wala ka po, sa basurahan ako pupulutin."

"Tsk, don't say that. Nagpursige ka rin, Davina. You did the hardwork, I just supplied the financial aspects."

True. But it wouldn't still have been possible without all his help. Kung hindi dahil sa mga pinansiyal niyang tulong, wala akong maibubuga ngayon. I wouldn't have been able to experience the busy city of New York, concrete jungle where big dreams are made of.

"And happy birthday, anak."

Nilamukot ang puso ko sa lambing ng boses niya. Hindi ko nahihiya kong ngiti.

"Thanks pa. I'll make a cheers for you. We'll party later for my last shindig in New York."

Marami pa kaming pinag usapan at isa na doon ang pag-extend niya ng stay sa Manila upang masundo ako sa airport then babalik na siyang Cebu the day after. He doesn't really have to meet me in the airport, but since may ibibigay pa siyang regalo, that's enough reason for him to stay for a while.

Humiga ako sa sofa habang hinihintay si Margot. Ilang araw na lang at maiiwan ko ang mga pinaghirapan ko rito. Like this English roll-arm upholstered sofa. A reward to myself from my first paycheck.

It's like a compensation for my part since hindi man lang ako nagkaroon ng maayos na upuan sa inuupahan ko noon. Now I can buy the things na dati'y hindi ko mabili.

Nilipat ko si Woodrow sa dibdib ko. He moved to adjust himself then curled again. Hinuli ko ang buntot niyang umangat 'tsaka ko iyon binaba. My cat sighed in comfort.

I was facing at the window na nakahawi ang manipis na kurtina kaya kitang-kita ko ang pagbagsak pa rin ng niyebe sa labas. Masyadong nilandi ng New York ang winter ngayon.

Lumapit ako sa bintana at kinalabit ang humarang na pendant light. Binaba ko si Woodrow sa windowsill. Ngumiyaw ito at tumalon, hindi yata trip ang mamahinga sa tabi ng bintana. Minsan may kaartehan din ang pusang 'to. Kay lalakeng pusa...

Nahagip ko ang humintong cab sa tapat ng apartment ko. Nilabas nito si Margot na ang taas ng takong ng boots.

Kinuha ko na ang aking Balenciaga bag at ang apartment key. I scooped Woodrow na nilalaro ang yarn at dinala siya sa kanyang cathouse kung saan may hinanda na akong pagkain niya roon.

Lumabas ako ng apartment upang salubungin ang kaibigan sa hallway.

"He's sweet and smart. So unpredictable. My first impression of him, I thought he's a fuck boy who only thinks through his dick and not through his brains!"

Tumatawa ako habang pinasok namin ang revolving door ng building na pinagtatrabahuan na agency ni Margot. Kanina pa siya nagbabahagi sa akin ng mga ka-sweetan ni Nolan. Malayo raw kasi ito sa mga ex's niyang niloko lang siya.

Now she's talking in French to one of her co-models. Maliban sa pagiging modelo, Margot is also a fashion blogger at kalimitan niya akong sinasama sa mga shots niya sa blog. We had one picture together wearing an all the rage mix of clothes this year na nasusuot na rin ng mga artista sa Hollywood at iyong sikat na magkakapatid sa isang reality show.

Kumaway na siya sa kausap at nagpaalam saka ako binalikan upang ituloy ang pagtatalak.Hinayaan ko lang siya hanggang sa marating namin ang office. We were welcomed by a tan-skinned gay na may kasing-silver ko ng buhok.

His hoop earrings are larger than my medium hoop earrings. Pwede nang patalunan ng lion sa circus!

"What d'you think of her, Sasha?" Hinarap ako ni Margot sa kanya.

Pinasidahan ako ni Sasha, one arm along his chest. Ang isang kamay niya'y hinahaplos ang kanyang panga habang tinutugis ako ng tingin.

"Hmm...you're giving Victoria Secret a run for their money." Nanlaki ang mga mata nito. "Those damn legs are longer than the road to forever! Do you work out?"

Humagikhik si Margot at inangkla ang kanyang braso sa braso ko. "We do yoga together thrice a day."

"Figures..." tumango si Sasha 'tsaka nag-angat ng ngiti sa akin. "Can you do one whole body shot? Then I'll send it to Stacy and see what she'd think."

Namilog ang mga mata ko at desperadang umiling. Palipat-lipat ang tingin sa kanila na kapwa naaaliw sa aking reaksyon.

"No... modeling is not my forte!"

"One shot lang, you don't have to walk," ani Margot. "Kahit mag wacky ka pa diyan, papangitin mo mukha mo, it still cover-worthy, girl. You're putting Candice Swanepoel to shame!"

"That woman is a Goddess, Marge!" I exclaimed incredulously. "Having her look is like crying for the moon! Magmumukha lang akong muchacha sa tabi niya!"

Ngumiwi siya. "Hindi kaya."

I made a dismissive motion at umiling na lang. "Stop, sige na. Magpo-pose na ako just to shut you up."

Kinindatan niya si Sasha. "She loves indulging me. Bring it on, hunny D!"

Tumayo na ako rito sa kanilang studio with the lights on and the silk white background being all set. I did several poses kahit wala akong alam sa modeling. Nasa harap si Margot at ginagaya ko ang mga ginagawa niya. I did the finger-biting habang nakatingin sa ibang direksyon. Then there was winking, a serious face, smize, flying kiss at kung anu-ano pa.

The last shots were of me and Margot. We both licked the ice cream which was made as a prop. Inubos pa namin iyon bago kami tumawid sa panglimang shot. The last one was a stolen shot of us laughing habang magkaakbay kami.

"Gorgeous!" bulalas ni Sasha nang matapos kami. He took the picture. "Why don't you give it a try, darling? The camera really loves you..." he said sweetly, na may kaunting arte sa kanyang boses.

Mariing tumango sa pagsang-ayon si Margot sa tabi ko.

Mahirap tanggihan kung may ganyan kalaking ngisi ang nasa harapan mo. But...modeling is just not for me. This agency isn't the first one to offer me a modeling gig. May one time na naglakad lang ako sa Times Square at may nagpakilala modeling agent. I passed up the offer. Baka bogus pa iyon.

Mapagpaumanhin akong ngumiti at sinabi ang rason ko. I'm just more inclined into arts and doing it as a profession besides it as being a hobby.

"Akala ko kikitain tayo ni Lionel?" untag kong may akusasyon nang makalabas na kami sa building.

Bago pa ako masagot ni Margot ay kumanta ang cellphone niya. I'm sure that's Nolan at maaga itong natapos sa meeting ng isang kliyente.

Habang naghihintay ay tumitingin ako sa mga window displays sa kalapit na boutique, with my knitted-gloved hand squeezed in my trench coat pocket.

Minsan ko na ring pinangarap na makabili ng mga branded na damit. Pero ngayong may pera na at pwede nang magasta sa mga karangyaan, napagtanto kong hindi na ito magiging mahalaga. Just to indulge yourself maybe.

The simple fact na wala pa akong kakayahan noon na magawa ito ay nagbigay daan sa akin na mangarap. We wish for something that we find ourselves lacking, or those things that we're bereft of. And when we finally have them, this made us see how those hopes were so shallow. To wish for something that won't make us feel alive but instead, to just make us feel we exist. That this is possible. That I can have this because I have the money. Money is just a physical form. It's never profound. It would never make us feel the depth of life.

And would make us feel how we wasted the loose ends of the past.

My thoughts were cut by a feeling that someone's standing at the back. Ramdam ko ito sa panlalamig ng buhok ko at malamig na usok na nagmumula sa bibig ng kung sino.

"I could smell Chanel No. 5 from you."

Mabilis akong pumihit at sinalubong ng palumpong ng mga bulaklak. Iba't ibang klase. I don't know the names but they're beautiful!s

Sumilip ang nakangiting mukha ng kapatid ni Margot. Lionel has grown a two day old stubble that accentuated his French features. May itim na scarf na nakabalabad sa leeg niya, not even enough to hide the angle of his jaw.

"I knew it!" bulalas ko, bahagyang napatalon.

"Happy Birthday, sweetheart." Mas nilapit niya sa akin ang bouquet.

Ngumuso ako. "Stop calling me that. Hindi ako sweet."

"Hindi ka rin naman heart," he quickly retorted, one eyebrow rose. Halos pawiin ko ang aking ngiti because that particular move reminds me of someone. A specific someone.

Mas inintindi ko ang kanyang sinabi kesa ang gesture niya. Bumungisngis ako at tinulak siya sa balikat sabay hawak sa bouquet.

"Thank you for these, anyway." Inamoy ko ang mga bulaklak at inatake ng iba't ibang bango ang ilong ko.

"Guys! Tokya later?" Sumenyas si Margot habang kausap pa rin si Nolan sa phone. Nakawayan niya kami bago siya pumasok sa cab.

Hinatid ko ng tanaw ang papalayo nang cab nang magsalita si Lionel.

"Pinipilit ka na naman ng kapatid kong mag-model. Hindi ka titigilan niyan."

Nagsimula na kaming maglakad. May napapatingin sa gawi ko dahil sa dala kong bouquet. This is actually a better recognition kesa noong tinitignan ako para husgahan.

"I already did some shots. That's the last," sabi ko sabay irap sa kawalan.

"But you pose for shots in her blog."

Tumango ako. "Hindi naman kita mukha ko, e. Minsan lang, but I wear cat-eye sunnies."

Muli kong inamoy ang mga bulaklak at pinaglaruan ang mga petals. Kanina ko pa gustong kunin ang aking cellphone upang kunan ito ng litrato. But we're walking. I'll just take the shot kapag narating na namin ang gusto kong pagkainan na Italian deli.

When I met Lionel two years ago, I knew it right there and then that it was going to be the start of a new life. Meeting new people. And that made me see something new in a city that was once foreign to me.

Seeing him smile at me for the first time, una kong naisip ay si Jaxon. Parang sinadya nitong gumitaw sa isip ko. Pinipigilan akong gustuhin ang taong pinakilala sa akin. But what's not to like about Lionel? A lot of women are also vying for him.

As I was having a conversation with him in a high end bar downtown, I thought maybe that Jaxon is just one of those love ones that comes and goes.

But I dispelled that thought. He came, planted a root, and never left. I tried forcing myself not to think about him on a daily basis but I guess that's just how deep-rooted love is. You feel connected to him that when they hurt. You hurt. When they feel a concrete feeling. You feel it likewise.

From that, a seed of bond grows. Kaya kung magkawalay man kayo sa paglipas ng panahon. Hindi natatanggal ang pag-ibig na iyon na habang tumatagal ay lumalago at mas lumalalim ang pagbaon ng ugat. And by thinking of him is like watering the root. Even the most profound connection would remain omnipresent and unwavering.

"Davina."

Sinalubong ako ng flash ng camera nang lumingon. Tinaas ko ang aking kamay upang ilayo ang DSLR niya. Lionel laughed at bahagyang napaatras. Tumatawa pa rin siya habang pinagmamasdan ang kuha niyang gulat kong mukha.

"Lionel!" awat ko muli nang kukunan na naman niya ako.

He raised one finger habang nasa likod pa ng DSLR ang kanyang mukha. "Just one shot. A stolen one as you smell the flowers."

Pinagbigyan ko siya sa kanyang gusto. Naglalakad ako at nagpanggap na hindi ko siya nakikita. Kesa naman isipin kong may kumukuha sa akin ng litrato. Ganito kaya pakiramdam ng mga Hollywood actors kapag pinapalibutan ng paparazzi?

May iba ngang hindi alam na kinukunan sila. That's creepy. Buti na lang hindi ko ginustong maging public figure.

Huminto ako dahil sa pakiramdam na hindi na siya sumasabay. Nilingon ko siya at nakitang nakatayo lang siya hindi malayo mula sa kinatatayuan ko. Nasisilungan siya ng puno na tinatabunan na rin ng snow.

He's staring at me, smile affixed on his handsome face. Lumawak ang ngiti niya nang magpakita ako ng pagtataka.

"You make my camera seems the most expensive in the world, not because of its great quality. It's your beautiful face. The camera loves you."

My eyes rolled heavenward. Hanggang ngayon allergic pa rin ako sa mga papuri.

"Kanina pa iyang camera loves me. Come on," sumenyas ako, "malapit na tayo sa Novita."

Humakbang na siya na hawak pa rin ang camera. Naglakad na ako nang pumantay siya sa 'kin.

"Sana katulad din ako ng camera. Para mahayaan mo akong mahalin ka."

I stopped at my tracks again. Binundol ako ng kaba at hindi alam kung paano siya titignan. I've been aware of his insinuations pero mas pinili kong suklian iyon ng pawang pagkakaibigan lamang.

I'm still under the hook of another man and I'm not even sure if he's still keeping his hold on me after what I did. I somehow partook in his freedom of decision to love someone else.

Dahil noong binitawan ko siya, kaakibat na rin noon ang kalayaan niyang magmahal ng iba. That's not part of what I asked of him when I did the hurting. Pero wala na akong magagawa upang pigilan siya sa gugusthin ng puso niya.

All the more that I have none, even just a tiny bit of information, from him. Dahil takot ako na iyon na nga ang nangyayari.

We both reached our own successes that arose out from each of our pain. He always strives for what he's been setting his sights on. I know him like that. Kaya malakas ang pakiramdam kong matagumpay na siya ngayon.

In saving him from my setting up of his failure, I pushed him. Hurt him. Had let him walk away broken and bruised. His feelings from what I did backfired to me in tenfold. Ayokong iba naman ang magagawan ko nang ganon.

I don't know how to reject Lionel without sounding like I'm rejecting him. Though it won't change a thing. We still call it rejection no matter how we do it to make it feel less painful.

Napakurap ako nang dumampi ang labi niya sa labi ko. Halos mabitawan ko ang bouquet sa mangha samahan ng panghihina.

The cold weather mixed with his warm lips. But it's Jaxon's lips I'm thinking of. The way he molded his soft mouth on mine, the way he talks against my lips, at minsa'y pinagsasabay niya ang pagsasalita at ang paghalik sa akin.

The thought almost made me smile. The thought almost made me wrap my hands around his neck and pull him closer. Ngunit nang maalala ko na ibang lalake ang hinahalikan ko'y halos naiyak ako sa kapirasong alaala na iyon. Without me having to imagine it but just feel it.

Feelings could be memories. It won't just rise out from an imagination. I remember him through feeling him. Without having his face to resurface in my mind.

"Lionel..."

Hinila niya ang mukha at tipid akong ningitian. May ilang sumipol dahil sa nakitang tagpo at hindi ako magtataka kung may kumuha ng litrato.

Nagbaba siya ng tingin. Snowflakes flew away as he raked his hand on his dark brown hair. Yet my heart screamed for a jet-black haired man. His brown eyes are darker, like hardwood. But my heart screamed for a soft brown-eyed one.

"I'm okay with us being friends, Vinnie. Pero mas okay pa rin kung higit pa."

Vinnie. Friend. Those two words echoed in my ears. Doon kami nagsimula. I've been suffering with every memories of him for years even when I'm here in New York. Like his ghost is following me everywhere. Like a terminal illness that deteriorates my ability to function.

Nagitla ako nang lumapat ang kamay niya sa pagitan ng leeg at panga ko. His gloved hand warmed my face. Maunawain niya akong tinitigan. But guilt slapped me upon seeing the lace of sadness within those dark brown pools.

"It's okay." Napapikit ako sa halos pabulong niyang boses. Tumama pa ang usok sa mukha ko. "Don't think about it too much. Birthday mo ngayon so I won't let you think about things that would bother you."

Hindi sapat ang ngiti upang pambawi sa pagtanggi ko sa kanyang atraksyon. Ang ngitian siya ang tanging alam kong malapit sa sapat gawin. Because, do we all feel that? The tug of our heartstrings everytime someone who's close to us smiles at us?

Tumuloy na kami sa pagtahak papunta sa Italian deli. Nakikita na namin ang signage sa ibabaw nito. We dine here occasionally.

May muntik na akong maapakan ilang hakbang pa patungo sa green tent ng restaurant. Huminto ako.

Malalim ang pagtataka ko sa nagkalat na mga pulang rosas. Fresh red roses scattered on the bed of snow here at almost at the middle of the street. At least there are more than five pieces of them if I have to estimate it.

Napapatingin na rin doon ang mga dumadaan na tila ba ito'y isang crime scene. Lumilingon pabalik ang ilan sa kanila 'tsaka nila pinag-uusapan.

Tiningala ko sa langit ang nagbagsakan na mga niyebe. Sinusundan ko ng tingin ang tumatama at pumapatak sa mga preskong pulang rosas na nagkalat. The contrast of striking red and crystalline white made me look at it longer than I should.

The image is haunting. Deep-seated sadness and longing struck my heart. Biglang sumikip ang dibdib ko at hindi ko maintindihan kung bakit. Nagbabadya ang guwang sa aking tiyan. Mas lalo akong nilamig na rumesulta sa pagbilis ng aking hininga.

Tears crawled up in my throat. Bakit gusto kong umiyak sa nakikita ko?

"A man. I thought he's off his rocker. He just threw it then walked out the other way!"

Hindi ko tinignan kung sino ang nagsalita. It's sounds like a native New Yorker woman based from her accent. Hindi ko matanggal ang mga mata ko sa rosas at pagbabaon dito ng niyebe.

"Sayang, bakit tinapon lang? They still look newly bought." Even Lionel's voice didn't do anything it putting me back together. Not until he held my hand. "Vin, are you alright? Shall we go?"

Suminghap ako't mabilis inutusan ang sariling kumalma. Puwersa ang ngiting ginawad ko sa kanya.

"Let's go."

Hinigpitan ko ang hawak sa bouquet, ginagawang matatag ang sarili sa kabila ng panghihina ng mga tuhod ko. I'm telling myself that I have these flowers with me, that I should be content with these.

But as we settled in our reserved seats, hindi pa rin ako pinapakawalan ng mga rosas. Why do I feel like I rather keep them with me? Letting go of them is like letting go of something valuable. Something important.

Ngayon pa lang ay nahuhulaan ko nang hindi ako patutulugin nito. Those roses would surely keep me up all night.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro