FORTY ONE
Linggo muli ang lumipas at hindi na ako nakabalik sa dating sigla. The effect of Tori's passing aches to drag on for the long haul. Apektado pati gawain ko sa tattoo parlor kaya panay ang aking absent.
Umaga pa lang ay ginising na ako ni Jaxon upang isama sa pagi-inquire niya sa University na pagkukunan niya ng Masterals. Marahil iyon daw ang kailangan ko pagka't matagal na rin akong hindi nakakapasyal sa downtown. I'm willing to feel better again kaya sumama ako.
Sumandal ako sa gilid ng Tesla habang naghihintay kay Jaxon. Pinili kong magpaiwan, baka palayasin lang ako ng admin sa oras na makita 'tong ayos ko. I'm back to my black lips and smoke eye-make up.
Inikot ko ang paningin sa unibersidad. May pagkaluma na, at sa wari ay maraming kababalaghang kuwento. Pero sa naririnig ko, mataas ang average na dapat makuha sa entrance exam bago makapag-aral dito.
Kapag eskwela ang pinag-uusapan ay hinahatid ako pabalik sa college days. I remember Tori again at ang walang filter niyang bunganga. Hindi ako sigurado pero parang may lamat na rin ang pagkakaibigan namin ni Nolan. Tulad nga ng sinabi ko, iibahin ng pagkawala ni Tori ang mga buhay namin. Life, in general.
Ilang sandali lang ay natatanaw ko na si Jaxon na dikit ang mga kilay habang tinututukan ang isang papel. Marahil requirements. Mabagal ang lakad niya at ginugulo ng hangin ang humahaba na niyang buhok. Hindi niya ito pinagkaabalahang suklayin sa kamay at focus lang sa binabasa.
That's Jaxon Averell for you. Kung anong unang matutukan, itsapuwera na ang iba. Kahit yata matapilok pa siya diyan ay mananatili ang pagtingin niya sa papel.
Nahagip ko ang ilang estudyanteng mga babae na nagdo-double look sa kanya at hinahatid siya ng tanaw.
I may not be clingy, but I can be possessive kaya sinalubong ko si Jaxon at kinawit ang braso ko sa kanya. Ikinabitaw niya ito ng tingin mula sa papel.
He looked at me in a mixture of confusion and amusement.
"Tapos na? Kailan ka raw magsa-start?" untag ko saka dumungaw sa papel na agad naman niyang pinabasa.
Hinila niya ang braso mula sa hawak ko at inakbay sa aking mga balikat.
Nilingon ko ang mga babae kanina na agad umiwas ng tingin. Alin man sa dalawa, takot sila sa make-up ko o nakitang may kasamang babae si Jaxon which I'm sure hindi sila magdadalawang isip sa aming relasyon nang hinalikan niya ako sa sentido.
"Hindi na ako nakaabot, eh." He looked down at me gently, hindi man lang naapektuhan sa balitang 'to. Maaliwalas ang mukha niya, and as calm as the sea. "Let's dine. You hungry?" Taas kilay siya sa pagtatanong.
Tumango ako. Pumasok na kami sa sasakyan at umibis palabas ng university.
Sa hindi kalayuan nakahanap kami ng pagkakainan since magkatabi lang ang mga foodchains sa downtown area. Dahil maga-alas diyez pa lang, wala pa masyadong tao sa pinili naming kainan.
"Anong gusto mo?"
Kapwa namin tinitignan ang menu sa harap. Hindi naman ako mapili sa pagkain. Nagkibit balikat ako at nilingon siya.
"Kung ano order mo iyon na lang din," sabi ko, inaalis ang maliit na dahon na sumabit sa collar ng kanyang V-neck.
Ipinagtaka ko ang pagngiti niya at dumoble pa nang hinalikan niya ako sa ilong. Humagilap na ako ng pwesto at napili ang pangdalawahang upuan sa pinkatabi ng glasswall.
Tantiya kong matatagalan pa si Jaxon dahil mahaba ang linya sa pinilahan niya. Nag-iisa lang kasi ang empleyado sa counter. Tinignan ko ang aking kuko habang naghihintay, umiikot na sa isip ang susunod kong ikukulay.
"Sila na ba agad? Sabi ko sa 'yo, talo ng malandi ang maganda. Tahi-tahimik pero nasa loob ang kulo."
"That, I'm sure. I don't want to stoop down to her level kaya nagparaya na ako. People would think that I'm the victim and definitely, I am."
Natilihan ako sa narinig na pamilyar na boses. Hindi ko nilingon, hinintay kong magsalita ulit siya upang mas kumpirmahin ang hinala ko.
Mahina silang naghahagikhikan at bulungan. Bakit may palagay akong ako ang pinag-uusapan nila kahit hindi ako sigurado kung sino sila? Isa lang sa kanila ang kilala kong boses.
" 'Di ba crush mo siya noong highschool? O, ngayong patay na ang girlfriend niya, pwede nang maging kayo. Kunwari iko-comfort mo, tapos...tapos..." pabiting sabi ng unfamiliar na boses, agad sumunod ang halos patili na hagikhik.
Sinita sila ng babaeng pamilyar sa akin na nagpalamlam sa kanilang kaingayan. I strained my ears, desperadang kumpirmahin ang nahihinuha ko.
"Girls...don't ever downgrade yourselves like that. Surely, iyan ang ginawa ng dead-ex niya and it's a cheap move."
Tumuwid ako ng upo. Siya nga. Pinigil ko ang aking hininga at sinikap na hindi sila lingunin. Hindi ko man lang namalayan na narito siya. I must be really occupied a while ago.
At bakit ito ang pinag-uusapan nila? Most likely, she knows it's me at sinadya niya itong iparinig sa akin. Hindi pa ba siya nadala sa ginawa ko sa kanyang kotse? Was that not enough for her to leave me alone and mind her own shit instead?
Walang tao dako rito, karamihan nasa gitna o kabilang gilid kaya ako lang ang nakakarinig sa kanila at isang matandang babae sa table na may kandong na bata. Isang lalakeng service crew naman ang nililinis ang katapat kong table.
Ingay ng wrapper at pagsipsip sa straw ang namayani sa kanila bago siya muling nagsalita.
"Ewan ko ba kung anong nakita ni Nolan doon, ang daming matitinong girls sa batch natin, eh iyong mukhang bayaran pa ang pinili niya. Well, she's filthy rich, so she must be a high-class prostitute."
Tila gatilyo iyon na nagpakuyom sa aking kamao. Whoever's looking at me would assume I'm murdering someone in my mind. Ikinaahon ng galit ko ang tawanan nila.
The person is fucking dead! And they're talking about her like this? Like it's a petty discussion? So much for disrespect! Tori hasn't even said something vile against her when she was still alive!
Kung pwede lang tawagan ang kaluluwa niya at utusang multuhin ang mga babae sa likurang gilid ko!
May alon akong naramdaman na ikinanginig ng mga kamao ko habang iniisip ang pagsakal ko sa kanila. My long nails are biting my own sweaty palms. Halos dumugo na ang labi ko sa pagkagat nito dahil sa gigil. All I see is blood red!
"Buntis daw siya noong namatay?" untag ng isang kasamahan.
"Yeah," si Gwyn ang sumagot. "Pero 'di natin alam, baka sa ibang lalake iyon at hindi kay Nolan. I heard from a common friend that she was a flirt in highschool. 'Di na virgin."
"And I'm sure iyan din."
"No doubt about it. They're best friends, like two peas in a pod. Sadly, siya lang din ang pumatay sa kaibigan niya. Nabawasan ang malandi sa mundo."
Tinigbas na ang pagtitimpi ko't 'di na napigilang tumayo. Sinugatan ang ingay nila ng padahas na pag-atras ng aking silya. Nalusaw ang kanilang hagikhikan nang makita akong papalapit at hindi maikukunwari ang galit sa wari'y handa silang dambahin.
Ninguso ako ng isang babae kay Gwyneth. Nakatalikod siya sa akin at hindi man lang lumingon.
Umusog ang mga babae nang sa side nila ako tumayo upang maharap si Gwyn na saglit lang akong dinaanan ng tingin.
So she really knew I'm here long before I found out.
"Bawiin mo ang sinabi mo," malamig kong usal. May nakatago itong banta.
Hindi niya ako pinansin. Sinulyapan niya lang ang paligid at mahinang tumikhim, may tipid siyang ningitian kaya napalingon ako sa likod.
Dito sa amin mismo dumako ang ilan sa mga kumakain at pumipila. Hindi pa ako nakita ni Jaxon na may binabasang kung ano sa cellphone.
Bumaling muli ako kay Gwyneth na taas-kilay at maarteng tinanggalan ng wrapper ang burger. May arte ang daliri niyang pinahid ang mayo sa gilid ng bibig.
Patuya akong ngumisi. Oh yeah, conscious pala 'to sa kanyang reputasyon. Malas niya't ako hindi!
"Ano? Hindi ka makatingin? Sinimulan mo na rin lang naman bakit hindi mo ako tignan at sabihin sa akin ang mga pinagsasabi mo sa mga kasama mo? Nahihiya kang ipakita sa mga tao at totoo mong ugali?" Mapakla akong tumawa. "Reputation be damned. Bullshit! Ngayon pa lang, sira na iyang iniingatan mong imahe sa paninira mo ng iba!"
Binagsak niya ang burger at inangat ang naghahamon niyang mga mata sa akin. Nag-tiim bagang siya. Angelic face, begone.
"It's true, and you caused your friend's mourning. Have you seen how devastated Nolan was? Your best friend's family? Hanggang ngayon nagluluksa pa rin sila. Usap-usapan na kung hindi mo sila pinilit na pumunta kasama mo, walang mangyayari sa kaibigan mo, Davina."
Marahan ang buka ng kanyang bibig habang nagsasalita, tila ba ayaw niyang ipakita sa iba na ako ang kausap niya.
And her tone...my God her fucking intonation is so calm it's cringeworthy! Aware siya sa pinapatakas na sarcasm sa huli niyang sinabi. Like she cares for everyone.
What a fake bitch.
I want her to retrieve what she said about Tori. Iyon ang ibig kong sabihin na bawiin niya. Subalit ang galit ay nahalinhinan ng panlulumo dahil sa kanyang pinahayag tungkol kay Nolan at sa mga magulang ng kaibigan ko.
Mula noong libing, wala na akong contact kay Nolan. He wouldn't answer my texts and calls. I take it that they're still blaming me. Kahit ako rin naman ay iyon ang dinaramdam.
Isang matagumpay na ngisi ang sinuot ni Gwyneth nang makita ang anyo ko.
"And I've talked to tita Criselda. She's always reminding Jaxon about taking his Masterals. But instead of having his hands full about it, ikaw ang pinupuntahan niya. See? You're bringing everyone down, Davina. Hinahatian mo ng kamalasan mo ang buhay ng mga tao. You're bereaving Jaxon from carrying on with his success."
"It's his choice," puwersa kong maging buo ang aking boses. "Hindi ko siya pinilit na iantala ang kanyang mga plano."
Like poison, pinainom sa akin ni Gwyneth ang kahinaan ng loob. Hindi lang siya ang unang nagsabing malas ako. Iyon mismo ang tingin sa akin ng sarili kong ina. Dati ko na itong pinaniwalaan na nawaglit nang dumating si Jaxon. Tila ngayon ay nais manumbalik ng paniniwala kong iyon.
Umaliwalas ang mukha niya nang may tinanaw sa aking likod. Nang lumingon ay nakalapit na si Jaxon dala ang tray na mga pagkain namin.
"Gwyn..."
Tinunaw ang mainit na ngiti ni Gwyneth ng nagyeyelong tono ni Jaxon. Pati mga kaibigan niya ay natahimik din. Naging yelo na sa kinauupuan.
"What's happening here?" mahinang tanong ni Jax sa akin, halos bulong iyon.
Kita ko ang pagngiwi ng isang kaibigan ni Gwyn samantalang nakaantabay lang ang isa sa susunod na mangyayari.
Tusukin ko mga mata niyo diyan.
Ismid na tumawa si Gwyneth, sa wari ko'y hindi makapaniwala sa nakikita.
"Really, Jax? You could have chosen someone better than me. It's a bit insulting na isang katulad niya ang ipinalit mo sa akin."
Ayaw kong pag-isipan ang galit ko't ginawa ko na lang. Para ito sa sinabi niya kay Tori!
Kinuha ko ang plastic cup ng softdrinks mula sa tray na bitbit ni Jax, binuksan ang takip at padahas na binuhos sa mukha ni Gwyneth. Sabay silang nagsinghapan ng kaniyang mga kaibigan at gayun din sa ilang mga nakasaki.
Hindi ako nakuntento at inubos ko ang buong inumin at pinaligo sa kanya.
Bago pa siya makadilat at makabawi sa kabiglaan, sinunod ko ang spaghetti at tinapon sa sobrang puti niyang nurse uniform. May mga dumaing ng pangalan ng Diyos sa likod ko.
Nakaawang at halos bawian siya ng malay-tao habang tinitignan ang mantsa sa kanyang uniform at sa sinapit niya sa kabuuan. Hindi siya makagawa ni katiting na kilos.
Halos mabali na ang mga ngipin ko sa umaalong galit.
"Mayaman ka 'di ba? Mabuting gamitin mo sa wastong paraan at gastahin ang salapi mo sa magandanag klase ng ugali. And never dare speak ill of the dead, Gwyneth. Pinapakita mo lang na kasing dumi at baho ng poso negro ang ugali mo. Walang duda kung bakit walang lalakeng nakatiis sa 'yo. I'm sure, wala ring magtatagal!"
Hiningal ako sa poot na pinaloob ko sa aking litanya. Niyugyog ko ang table nila kaya nabuhos ang mga inumin doon na ikinatili ng protesta ng mga kaibigan niya.
Gwyneth stared at what I did, horrified.
Pinulot ko ang kinainan niyang burger at tinapon din pabalik sa kanilang mesa na tumama sa ilang mga pagkain nila. Hinila ko si Jaxon paalis.
"H-hey..."marahan niyang protesta.
Huminto ako at kinuha ang mga pagkain namin sa tray dahil nabayaran na niya. Pinaiwan ko ang tray sa bakantang mesa at diretso ang tinging nagmartsa palabas, batid ang paghahatid tanaw sa akin ng mga tao samahan ng bulungan nila sa nangyari.
Kinain ko ang bayolenteng emosyon sa kotse habang bumibiyahe na kami pauwi. Ninanamnam ko ang fries. Dahil nabuhos ko na ang isang softdrinks sa mukha ni Gwyneth, nagsalo kami ni Jaxon sa isang inumin.
"You know that I'll hurt other people for you, right? Banggain ka nila, sasagasaan ko sila," mariin niyang sabi, sa harap siya nakatuon.
"Anong gagawin mo?" untag ko saka sinubuan siya ng fries.
"Wala. Nagtitimpi lang ako," ngumunguya niyang wika. "Kung ayaw ka pa niyang tantanan, maririnig niya sa akin ang mga salitang ikawawasak ng ego niya. Na nagkamali ako at nagsayang ng apat na taon sa kanya."
Nanumbalik ang inis ko nang banggitin niya ang apat na taon. Kaakibat kasi nito ang pagpapaalala na pinagtiisan niya ito ng ganoon katagal.
What could have happened kung sila pa rin hanggang ngayon? What it could have been if Jaxon had no feelings for me? Hihiwalayan niya kaya si Gwyn sa ugali nito? O mananatili dahil sa pinapaniwalaan niyang ideals o standards?
"Ano bang nakita mo sa babaeng iyon, Jaxon?" naiinis kong tanong. "Kung may pakialam siya sa reputasyon niya, reputasyon naman ng iba ang sinisira niya."
Dinala ko ang inis sa pagsakmal sa limang fries at maingay na pagsipsip sa softdrinks.
Dinaanan ako ng pagkunot noo niya. "What really happened back there, Vin?"
Bumuntong hininga ako at binagsak ang likod sa backrest nang balikan ang narinig.
"She spoke ill of Tori. That's character assassination! Wala nang respeto. Wala na nga iyong tao..." humina ang boses ko sa huli.
Ngumisi si Jaxon at kinuha ang aking kamay na may fries. "Mabuti na lang pala hindi kita pinigilan. I'm sure Tori is celebrating seeing what you did." Saka sinubo ang fries sa kanyang bibig.
Bumagal ang pagnguya ko nang magsink-in sa akin kung gaano ako karahas. Nagpadala ako sa bugso ng emosyon para sa kaibigan.
"That's not something to be proud of. It's public shaming. Pero oo, baka nagpa-party na siya sa langit," pahina nang pahina ang aking tinig nang dinaanan ng hiwa ang aking dibdib na hind ko alam saan galing. Her passing is still a fresh wound to me.
"Papaulanan ka niya ng lipstick," biro ni Jaxon na ikinatawa namin pareho.
Tori used to be my defender against the meanest of girls. Ngayon, ako na lang ang magtatanggol sa sarili ko. Another collateral effect of her passing, I have to learn how to defend myself without any one's help.
What I did a while ago with Gwyneth, napagtanto ko na si Tori naman ang pinagtanggol ko. I never remember a time where I was the one defending her. It was always her who lashes every judgmental throats for me.
I may have felt strong for the wrong reasons, but no matter how wrong and inimical the way I acted and the effect of my action, thinking you defended someone other than yourself, it feels possessing the right kind of strength.
Because defending someone is protecting someone. It feels heroic. I feel valiant. I gained strength points. Siguro ganito ang pakiramdam ng mga bully sa tuwing may inaapi sila.
That's just my opinion at hindi ko na babawiin iyon. Wala akong pinagsisihan. Hindi man angkop ang ginawa ko, sila naman ang mas mali.
"I can't stay...may aasikasuhin pa ako sa requirements. Is it okay?" ani Jaxon nang pumarada na sa harap ng bahay nina Angelov.
"Oo naman."
Saglit lang sana ang halik ko sa labi ngunit pinatagal niya nang lumipad ang kamay niya sa batok ko at diniin. Kung hindi ako umatras ay baka matagalan pa siya sa pag-alis.
"I want to stay..." bulong niya sa labi ko. Ginising nito ang kakayahan kong manginig sa boses at haplos niya maliban sa galit na sanhi ng iba.
Bahagya akong tumawa at hinila ang mukha palayo. "Asikasuhin mo Masterals mo."
Pinausli niya ang ibabang labi na may panghihinayang sa kanyang mga mata. Lumulutang rin ang pagdadalawang isip niya.
Sumiksik pa rin sa alaala ko ang sinabi ni Gwyn. She had a talk with Jaxon's mother at nabahala rin ako na pinaantala niya itong pag-aaral muli.
"Sige na. Bye." Bumaba na ako bago pa niya ako mapigilan.
Tatlong beses siyang bumusina bago pinaibis ang sasakyan. Hinatid ko iyon ng tanaw hanggang sa lumiko patungo sa main road.
Lumagi ako sa kinatatayuan kahit wala na ang sasakyan ni Jaxon. Ginala ko ang paningin sa tahimik na paligid na binalutan ng tanghaling sinag.
Pakiramdam ko may kailangan akong hanapin ngunit hindi ko alam kung ano. Hinayaan ko ang malakas na ihip ng hangin na uguyin ako at lusubin ang aking buhok na nagwawala na sa aking mukha.
After Tori's passing, the guilt seems to separate me from the Davina I used to be before. I am not me anymore. Ibang personalidad ang mistulang sumanib sa akin. Nagbalik lahat at mas lumala lang. I am becoming worse.
Sa pagiging malapit namin ni Tori, tila ba dinala niya ang kalahati ng katauhan ko sa hukay niya. Maybe she needs my friendship everywhere she goes, wherever she is right now.
I can't stay this unreal with Jaxon. Ayokong pilit ang aking mga ngiti ngunit iyon ang napapakita ko sa kanya. Ewan ko kung nararamdaman niya ang palsipikado kong kasiglahan.
I want genuine happiness when I'm with him. Hindi sa hindi niya ako napapasaya, ako ang may problema. Ako ang may diperensiya and I'm hating myself for this!
Hinadlangan ang pagpasok ko sa kwarto ng isang mahinang pagkatok.
Si Jaxon ang una kong naisip, baka bumalik siya. Ngunit ganon na lang ang panlalanta ng inensayo kong ngiti nang makita ang ina niya sa harap ko.
Sabay dumungaw ang aking pagtataka at kaba.
Halos magkasingtangkad lang kami, lamang ako ng isang pulgada ngunit sa suot niyang pastel slacks at cream blouse, gayon din ang nakapaligid sa kanyang aura, mas masasabi ng karamihan ang pagiging maangat niya.
And her strict and cold stare that could probably freeze the entire subdivision. Sa lamig nito'y pinangatal ako't napaatras ng kalahating hakbang.
"Davina," she acknowledged in her clipped tone.
Alam ko nang ito ang gagamitin niyang tono sa akin kapag napag-isa kami, malayo sa inaasta niya tuwing nasa paligid si Jaxon. I've never been alone with her before. So here it goes.
Hindi na ako nagulat. At hindi ko rin naman ito inasahan.
Naghahalungkat ako ng sasabihin at kung paano siya babatiin. Nais ko rin siyang papasukin ngunit isa iyong malaking kahihiyan. Wala man lang akong furnitures dahil sa tattoo parlor ako halos mamalagi at hindi rito sa bahay.
But it would be rude not to let her in. Bahala na!
Nilakihan ko ang awang ng pinto at pumagilid. May pag-aatubili siyang pumasok, para bang inaabangan niyang may dumaan na daga sa kanyang paanan.
Bago sinara ang pinto, nahagip ko pa ang nakaparadang puting Ford sa harap ng bakod. Alam kaya ni Jaxon na narito ang mommy niya? Kung ano man ang sadya ay aalamin ko pa.
Kinuha ko ang isang silya sa kusina at dinala sa sala. Kaya lang, hindi ko alam kung saan ipupuwesto. Nai-intimidate ako sa pagsunod ng tingin ni Mrs. Montero.
I know I don't need to please her but at least, I have to be hospitable.
Nilagay ko na lang ang upuan sa tabi niya.
"Malinis po iyan," pahayag ko nang makita ang pagdadalawang isip niyang umupo.
"Don't bother, hindi rin naman ako magtatagal." Inisang suyod niya ang bahay. "So, this is where you live? No chairs...appliances....even a single bamboo-made furniture is devoid of. Talo ka pa ng may mga bahay sa bukid at probinsiya."
Wala mang karahasan sa kanyang tono ay pinanghinaan pa rin ako ng loob. Ni ayaw ko siyang titigan mata sa mata dahil sa aking kahihiyan.
"Sa trabaho po ako kadalasan kaya kwarto ko lang ang napapakinabangan ko kapag umuuwi, " mahina kong sabi, kahit hindi ito sapat bilang pangangatwiran.
Alarmang umangat ang isa niyang kilay. That reminds me of her son.
"Trabaho? Tattooing? Have no plans of uprising your job? Sana hindi ka na lang nag-aral ng college kung hindi mo rin naman gagamitin ang natapos mong kurso."
Is it weird na gusto kong mapangiti? It feels like my mother is the one infront of me lecturing me about my shenanigans.
Siguro ganyan din ang sasabihin ni mama kung matino lang ito. Marahil hindi ako magagalit o manghihinayang, masisiyahan pa nga siguro ako.
Ngunit ngayong ina pa ng lalakeng mahal ko ang nagsabi, bumalik ako sa realidad at bumalot ang labis na pagkapahiya sa sarili.
I'm a big girl in this world, but I feel so small.
Dinungaw ni Mrs. Montero ang silya, maputi iyon at malinis, walang alikabok at may sandalan, ngunit kung tignan niya ito ay tila ba galing iyong basurahan.
Hindi niya tinuloy ang paglagay ng bag niyang may ukit na LV.
Sa totoo lang ay nainsulto ako. Jaxon has never thought the worst of me. He brings my best assets and talents and how I would make great of my abilities.
Nanatili ako sa aking pwesto, walang balak sagutin siya. She's the mother, they know best, that's what they say. Kung napalaki niya ng maayos si Jaxon, then hindi ko pagdududahan kung ano man ang sadya niya sa akin ngayon.
If she's going to insult me, I'll let it be if that's going to make me do better with myself. My decision-making aptitude seems to be as depressed as my feelings as of the moment.
"I'm not here to remark about your living environment and life status, Davina. As a consolation on your part, hindi ako matapobre. But I've been told things about you, and I was alarmed...for my son."
May nahihimigan ako sa likod ng boses niya na pinapatuka ang aking pangangamba. Sinubukan kong tiyakin iyon sa pinta ng kanyang mukha. But all I could see was a blank canvas.
Gwyneth. Siya lang naman ang unang sumagi sa isip kong sumipol ng impormasyon tungkol sa 'kin. This probably is her reprisal for what I've done to her.
Now I get it. Matalino ka nga Gwyneth. You just proved me wrong.
Kasabay ng pagtantong ito ang pamamanhid hindi lang ng aking mga paa kung 'di aking pakiramdam.
At kailan pa ba nakakahiya ang umupo? Gustong-gusto ko nang hilain ang silya mula sa tabi niya.
Otomatiko akong napaatras nang magsimula siyang maglakad kasabay ang karagdagang pagsuri sa paligid, para bang naghahanap siyang may lumabas na ilang insekto o pesteng hayop na kabado akong posible ngang meron.
"Hindi ko pinalaki si Jaxon upang bumagsak lang sa mga bagay at taong makasisira sa kanya. He's the kind of son that every mother wishes to have and someone you can be proud of. I am. I am very proud of him. Except this."
Huminto siya sa likod ko. I'm bracing myself for her next words. Bawat segundo ay palakas nang palakas ang kalampag sa dibdib ko.
"I don't agree with his friendship with you. Or shall I say...relationship?" patuloy niya, tila nandidiri.
"Ibig niyo po bang ipagkahulugan ay hindi ako mabuting impluwensiya sa anak niyo?"
"Yes," agap niyang sabi. "Palagi siyang wala sa bahay. He can't even join his mother for a proper and decent dinner. Palaging nagmamadaling umalis. He's starting to rebel against me. Pinakawalan niya ang babaeng may magandang impluwensya at disenteng reputasyon! And what's so special about this place to think that our house is a better sight than," nilingon ko ang pagtigil niya sa pagsasalita. Hindi siya nag-abalang itago ang disappointment habang pinaikot ang paningin sa bahay, "this..."
Agad niyang tinanggal ang kamay sa pintuan ng kusina at pinagpag ito samahan ng kanyang pag-ismid at isnab.
Wala akong alam na hindi nababanggit ni Jaxon ang dahilan ng malimit na pagpunta niya rito nitong mga nakaraang araw.
"I just lost a friend. Dinamayan lang ako ng anak niyo—"
"I know," agap niyang putol sa sinabi ko. "And I'm sorry to hear about your friend. Yet it isn't enough reason for him to abandon his own mother and home for someone like you. Nawalan ka lang ng kaibigan, bakit kailangan dito pa siya halos manirahan?" May pang-aakusa sa kanyang tono.
Iyan din ang tinatanong ko ngunit binalewala kong pag-ukulan ng hustong pansin. Ginusto ko rin namang narito siya. Nangailangan ako ng karamay at siya lang ang boluntaryong lumapit sa akin dahil lahat sila'y hinuhusgahan at pinagbibintangan ako.
Ni hindi ko magawang damayan ang aking sarili. I'm falling apart, but he's been helping me in holding myself together.
Sinundan ko ng tingin ang stilettos ni Mrs. Montero na tumalunton pabalik sa tabi ng silya.
"Ayaw kong isipin na nagli-live in kayo ni Jaxon at kung iyon man ang nangyayari, well Ms. Claravel, I'm telling you, ngayon pa lang putulin mo na ang ugnayan mo sa anak ko."
Bumagsak ang puso ko sa aking tiyan. Humahalukay na ako ng ibibigay sa kanyang dahilan kung bakit hindi ko iyon magagawa, o mas angkop sabihing sumuko ako sa paghahanap dahil ayaw kong may makitang dahilan.
"Sinubukan ko na po siyang layuan noong sila pa man ni Gwyn..." mahina kong sabi.
"Then try harder!" singhal niya na ikinagulat ko. "Kung kailangan siraan mo ang sarili mo then do it!"
Sumisingaw na ang luha sa mga mata ko habang umiiling.
"Hindi ko kaya..." Ayaw ko...
Marahas niyang pinuno ng hangin ang dibdib saka tumalikod. Tumingala siya, tila nanghihingi sa kisame ng pampakalma. Pinagmamasdan ko lang ang kanyang kinikilos na sa wari ay kinakastigo ang sarili bago niya ako muling hinarap.
Mas kalmado na siya, subalit nakasabit pa rin sa mukha ang tensyon at kastriktahan. Her prominent cheekbones made her even look more strict.
Gumalaw ang panga niya bilang paghahanda sa sasabihin.
"Davina iha..." Halos hindi bumuka ang kanyang bibig, pinipigilang ilabas muli ang singhal. "You'd be a real disappointment to me. Mas lalo kitang hindi papaburan. At masakit isipin na ginagamit mo lang ang anak ko."
"Hindi ko siya ginagamit!" maagap at matigas kong sigaw. Sinamahan ko ng iling upang mas diinan ang pagkumbinse sa pinahayag ko.
Tila kumakawala na ang puso ko sa pagprotesta. Dahil pati ito'y alam na hindi ko ginagamit si Jaxon. Kahit kailanman! My feelings for him are raw and genuine!
Hindi natinag si Mrs. Montero, nanatili siya sa kanyang kahinahunan. Muli akong umiling upang mas kumbinsihin pa siya. Wala na akong maisip na paraan upang patunayan ito maliban sa salita na hindi naman mabisa.
Matagal niya akong tinitigan sa marahang paniningkit ng mga mata na walang bahid na pamana kay Jaxon. Humihigpit ang kalamnan ko sa pag-asang ikokonsidera niya ang sinabi ko.
"Well, hindi man pinansyal, pero sa emosyonal na pangangailangan na ipinagkait sa 'yo. Pag-ibig ba ang dahilan niyo, iha? Paano ka ba natutong umibig? Ni sarili mong ina ay hindi ka pinakitaan ng pagmamahal. How can a drug addict of a mother give love to her daughter? Babahagian ka niya ng bawal na gamot? Ipagsasalin ng usok ng sigarilyo? Ihehele ng mga paghithit niya ng droga? Don't be fooled by the affection, iha. You just needed my son. My poor son who doesn't deserve your lifestyle."
Mariin ang bawat bigkas sa huling dalawang salita. Kasing diin ng mga sinabi niya na kumakapit sa utak at puso ko. Hinayaan kong bumagsak ang aking luha sa sementadong sahig.
Hindi ko na kailangan alamin kung saan niya nalaman ito lahat. But I am never proud to tell anyone about my mother using drugs.
At sa bawat paglalarawan ni Mrs. Montero sa ginagawa ng ina ko, tila may lubid na hinihila ako pabalik sa bahay upang tunghayan muli at danasin lahat ng ginagawa ni mama. Binalik ako sa kung paano ako nanlimos nikatiting na pagmamahal mula sa kanya.
This. This is my weakness. Kung ito na ang pinag-uusapan ay sinisira na nito lahat ng kakarampot kong positibong pananaw. The bullet stuck to my already bleeding wound. The arrow shot to my already broken heart and life.
Nanginig ang aking mga balikat nang magsimula na akong humikbi. Kasabay ang paglapit ni Mrs. Montero sa akin na sigurado akong hindi upang ako'y damayan at magmalasakit kung 'di mas idiin pa ang mga dahilan kung bakit hindi ako karapat dapat sa anak niya.
"Marami pa akong alam tungkol sa 'yo na ayaw ko nang banggitin pa. To make things short, you're a troubled kid. Depressed. A potential pest in the society. Please don't bring my son down with your trivial issues, iha. That's dependence and immaturity. Ayusin mo muna ang sarili mo bago mo hangarin ang isang taong katulad ng anak ko."
Tumango ako bilang mariin na pagsang-ayon. Sinubsob ko sa kamay ang aking mukha. Hinawakan niya ang aking balikat at ang isa'y sa gilid ng aking ulo.
I don't know if it's even sincere sympathy or apology. Wala nang halaga kung alinman sa dalawa, dahil isa lang din naman ang patutunguhan nito.
Maybe this is what I need. An advice from a mother, at least. Dahil niisa wala akong nakuhang payo mula sa aking ina. Ganito rin kaya ang sasabihin niya? She just wants the best for her son. And I am not it for him.
Dinadama ko ang pagpaso ng pinaghalong init ng aking palad, pawis at luha sa aking mukha. At init sa loob ng aking dibdib sa sakit at hapdi nang nasa bingit na ako ng paghagulhol.
"You've got nothing to offer yet to my Jaxon. You have no father. Your mother is an addict. Kung ang anak ko lang ang bubuhay sa inyo dahil hindi mo kayang iangat ang sarili mo, then it's best for you to leave my son alone with someone who is better than you. You are not even half as good as him for him. You changed him immensely, Davina. And most of all, negatively."
Tinanggal ko ang mga kamay sa pagkakatakip at marahas pinunasan ang luha sa aking pisngi. Suminghot ako bago siya tuluyang hinarap. Akma na niyang bubuksan ang pinto.
"Anong gagawin mo kapag hindi ko gagawin ang gusto niyo?" matapang kong sabi, medyo nabulunan sa pagsubok kong lunukin ang paggapang ulit ng hikbi sa aking lalamunan.
Saglit siyang huminto bago ako hinarap.
"Maliban sa madadala mo sa kasiraan ng buhay mo ang anak ko?" naningkit ang mga mata niya. "Now tell me, iha, gaano kahalaga sa iyo ang tattoo parlor?"
Napasinghap ako. Hindi ko pa man alam ang binabalak niya pero sa bantang pumapaligid sa kanyang salita ay may ideya na ako. Hindi ko kayang ipahamak ang pinaghirapan ng mga kaibigan ko!
"Or...ang mama mo?" dagdag niya, at dinagdagan nito ang pag-imbak ng sakit sa puso ko. Hindi ko na kakayanin kung may ibabanta pa siya. Hinang-hina na ako! "Dapat ngayon sumuko na siya sa mga pulis, 'di ba?"
Iling akong napaluha.
Binuksan na niya ang pinto at lumabas. Dumagdag ang gulat at pagtataka ko na makita si Gwyneth na nakaabang sa labas. Iba na ang suot.
Ningitian niya si Mrs. Montero na patuloy sa paglalakad na tila alam niyang kanina pa ito nandiyan.
Bumaling siya sa akin suot ang matagumpay na ngiting may panunuya.
"Amanos na tayo, Davina," nagbubunyi niyang sabi bago ako tinalikuran.
Nalusaw ang tapang ko habang tinatanaw ang pagsakay niya sa puting Ford na pinasukan ng mama ni Jaxon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro