Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FORTY NINE

I never thought of this possibility. Alam kong posible pero hindi ngayon. Hindi rito!

Kakalapag pa lang ng server sa inorder kong baso ng tubig ay agad ko nang tinungga. Still, the frantic beat of my heart didn't let up. Naging gasolina pa nga yata ito upang paarangkadahin ang tibok ng puso ko. Hindi ko pa natagpuan ang sariling makapag-isip nang mabuti. I am just so mind blown!

Everything starts to dawn on me. This is how he turned out to be, huh? And I take it that he's not just an ordinary newshound. He won an award. In New York. And I had no idea that we were just in the same soil at that time then.

He made it. I knew it that he'd end his chosen career on a high note. If I didn't do what I did, ganito rin kaya ang mangyayari? We'll never really know. Hindi naman pwedeng mag-trial and error sa nakaraan upang makita ang maaaring kahihingatngan ng isang partikular na desisiyon para sa hinaharap.

Unti-unti nang humupa ang aking pangangatog. Binuga ko ang bigat ng hangin saka umayos ng upo. Nilabas ko ang Mac at ang Moleskine at maayos silang nilapag sa mesa.

I regrouped myself. Pinapaalalahanan ko ang sarili na kliyente ko siya. Hindi ko isasali ang mga personal issues namin dito.

But I highly doubt he'll cooperate with setting them aside. He got the receiving end of my heartbreaking words. Siya ang mas naaagrabyado. Kaya siguradong siya ang mas bitter!

Sa kabila ng sinag ng araw na dumirekta sa puwesto ko, hindi nito nagawang apulain ang lamig na sumusulong sa aking balat nang bumukas ang glass door. Napainom muli ako ng tubig. Nade-dehydrate ako sa pag-iisip sa maaaring mangyari mamaya.

Naunang lumapit si Kelsey sa table. Nakadikit na ang ngiti sa kanyang mukha. May bahid iyong paumanhin sa biglaang pag-walk out ni Jaxon kanina.

May malaking bahagi sa dibdib ko ang nagpo-protesta sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Jaxon. Kung ano man, hindi ko alam. But remembering Sab the receptionist's words...boyfriend? Leastwise, that's a lighter weight to endure than 'husband', right?

Bagama't hindi ko pa rin nailagan ang patalim na gumuhit sa dibdib ko. Kung sila man, aaminin kong hindi ako masisiyahan. Because that should be me with him!

Kung ako ang nasa posisiyon niya, marahil mananatili rin ako sa nahanap kong iba. Ako ang sinaktan, at hindi na ako aasa. Siguro ganoon rin siya. Hindi na siya umaasa sa aming dalawa.

As someone who has being at the receiving end of the damage, you'd ask 'what is there to hope for?' So you walk away and move on. Unlike if you're the instigator, alam mong may aasahan ka pa sa taong mas mahal ka. Dahil alam mong mas lamang ang pagmamahal niya sa 'yo, so you take advantage.

It took a while before Jaxon followed behind. Tipid nitong ningitian ang isang grupo sa isang table. Pagkatapos ay kinausap ang nakatayo roong server at tinuro ang table namin, siguro nagpapahatid ng drinks.

Now I wonder kung kasali ako sa inorderan niya. But given our history, I highly doubt it. I'm more inclined to believe that he ordered only for himself.

"I let you two talk," ani Kelsey at pinandilatan ang papaupo nang si Jaxon. Tinignan nito si Kelsey. "Behave." She mouthed to him.

Isang beses niyang tinapik ang balikat nito saka siya umalis. Pinanood ko siyang lumabas ng cafeteria bago ako nagbaba ng tingin.

Katahimikan. Iyon ang naninirahan sa pagitan naming dalawa. Kelsey's presence would have made this easier for the both of us kahit ayaw ko sa naisip na posibilidad tungkol sa kanilang dalawa. Para akong karne rito na tinapon mag-isa sa kulungan ng tigre.

I couldn't even look at him. Kung titignan man, hindi umaabot sa mukha. Him on the other hand, sinusunog lang naman niya ang noo ko sa nakakapaso niyang titig. Nahagip ito ng mga mata ko kaya agad akong nagbawi ng tingin. The wake of his intense stare created a livewire in my spine.

Ilang paghulog ng kutsara, halakhakan sa kabilang mesa, at bukas-sara ng pinto bago ko siya nakuhang tignan nang mabuti. Sa gulat at mangha ko kanina ay hindi ko ito nagawa.

Those soft browns look so different now. Its shade lit up a bit dahil sa tumatamang sinag rito. They're striking, but the glare held a lot of hate, sadness, bitterness, accusation and regret. Like what I did six years ago did not only break him but killed him alive. Beyond repair. At ako ang sinisisi niya sa lahat.

I missed him. So much. Kahit galit na iyang ipapakita niya sa akin ay tatanggapin ko. I'll take whatever he's willing to give me.

Umakyat ang panunuri niya sa buhok ko. Nang bumaba na sa ibabang hibla na sumabit sa kanan kong balikat, kumunot ang kaniyang noo. I suppressed my smile at his slight confusion.

The upper part of my hair is black at mula sa gitnang bahagi hanggang dulong hibla ay silver. Sa buong anim na taon ay hindi ko ito pinagupitan kaya bumagsak ito hanggang sa aking baywang.

Nag-taas siya ng kilay at muling bumaba ang kanyang panunuri. Kung hindi lang ako nakaupo ay marahil hanggang paa niya ako susuriin na tila isda akong tinitinda sa palengke. Sinisiguradong wala akong niisang kaliskis sa katawan at magandang klase.

At ano? Ipiprito niya ako o iiihaw? O iyong may sabaw?

The features that I last remembered him having are still intact. Ang nag-iba lang ay naging mas mature siya. Like a candidate for the hottest young daddy. Damn. He could make the GQ editors swoon!

Inawat ko ang sarili. We have to get started bago pa ako manlupaypay sa harap niya. I held my Moleskine as tightly as I could.

"So..." panimula ko. He looked up instantly. Same expression. "W-what's the photobook a-all about?" Nangatal ang aking boses.

Hindi man lang gumalaw ng isang reaksyon ang mga mata niya. He remained formal and serious. Not to mention irritated.

I'm bracing myself for his rejection. Kung ganyan siya kagalit sa akin, malamang maghahanap siya ng ibang designer. Siguro iyon ang sinabi niya kay Kelsey nang mag-usap sila kanina.

"Ganyan ka ba makipag-usap sa mga kliyente mo? Do you stutter?"Dire-diresto ang kanyang pagsasalita. Smooth. Mukhang hindi man lang natinag sa muli naming pagkikita.

But, oh my God. Ang strict niya, ha? Mahihirapan yata ako sa pagsuyo sa 'yo, Mr. Montero. At ang boses niya... hindi naman ako nangilabot nang ganito noon. Now, his voice is so spine-shivering, manly and...intimidating. Iyong tipong magva-vibrate talaga hanggang sa kasukasuhan mo.

Inabot ko ang tubig at pinangalahatian iyon. Na-conscious ako sa ginawa. It's like I have to attend more classes on etiquette 101 just to impress him.

Tinapatan ko ang confidence niya. I took his silence as a permission for me to talk.

"What's the photo book all about? How do you want the design to look like?" There! I've said it properly. "Cover lang ba ang nais mong ipadisenyo or...you want the layouts, too?" dagdag ko saka binuksan ang Moleskine at tanggal takip sa ballpen.

Tinignan niya muna iyon saka umakyat muli ang mga mata. He's observing me keenly.

"Cover to cover and the layout prints. I'll have my write-ups and photos be sent to you through email. I still have yet to edit my write-ups though bago ko i-send. Ikaw na bahala kung paano mo ilalagay," pormal niyang sabi.

Ngumuso ako. Since he's telling me the scope, that only means he's not rejecting me for this.

"Okay, noted." I made bullet points on the sheet. "But I want a specific description from you kung paano mo gusto ang design so that I can look up for inspirations in parallel to how you want the design to be. Do you want it to look posh, animated, colorful—"

Pinutol ang sinabi ko sa mahina niyang tawa. I could feel the hate and bitterness laced on that chuckle. Like seeing me again is the most ridiculous thing in the world.

"Colorful?"Pinadaan niya ang dila sa ibabaw ng incisor niya sabay bagsak ng likod sa backrest ng silya. Patuya niya ako tinignan habang tinatapik ang daliri sa mesa. Nag-ingay iyon. "You'd be designing a photo book about the reality of society. This is a documentary tribute to those people out there. And you expect for it to look colorful?"

"That's why I'm asking you how do you like your design to look like,"pagdiriin kong agap, kumakapit sa pasensiya kong balak akong bitawan.

Ikinaatras ko ang biglaan niyang pag-hilig sa mesa na ikinaalog nito. Some water spilled from my glass. Agad kong nilayo ang aking Moleskine at Mac at matalim siyang nilinga.

He didn't so much as give a damn. Nakatukod ang siko niya sa mesa, pinagsalikop ang mga kamay at pinatong doon ang kanyang baba. He didn't even spare a glance at the spilled water as if it didn't happen at all!

"Radical and real," aniya. Pinagtaka ko ang halong talim at sakit sa kanyang mga mata. "Iyong totoo talaga. Not fake. At hindi iyong mukhang ginagamit lang. Something real. Not a recycle of damaged goods." Marahas ang sarcasm sa kanyang tono. He even sneered!

I don't have the right to call him names but, bastard! Kailangan niyang ipagdiinan iyon?

Tila pinalooban ng bomba ang dibdib ko't sasabog na sa ilang segundo. Dumoble ang panginginig ng aking kamay hawak ang ballpen. Damn. I couldn't even write properly!

"Deadline?" matabang kong tanong.Sa aming dalawa, ako ang dapat na mas nakakaintindi. I should understand his anger, alright?

But the concept of understanding seems to be losing its grasp from being my top priority list right now.

"I want it by the end of the month."

Natigil ako sa pagsusulat. "What?"

Nag-angat siya ng kilay. "Kailangan ko pa bang ulitin? You heard it right," pasuplado niyang sabi. Aba't!

Bumagsak ang hininga ko't malakas na sinara ang Moleskine. I couldn't hold this provocation for too long.

"End of the month. That's less than two weeks from now." That's more of a statement and a reminder to myself.

"Uh-huh."

Damn you.

Binaba ko ang aking paningin upang maiwasan ang pag-irap sa kanya. "Well, that being said, I have to increase my rate. Gusto mo pala ng madalian."

Muli kong binuksan ang Molekskine. Ngayon wala na sa kanya ang atensyon ko kung 'di sa mga nakalinya pang request designs sa aking post-its. I have to finish eight designs this week!

"I want to make the launching of the photo book in time for the station media's twentieth anniversary," kaswal niyang sabi.

They should have contacted me earlier than last week! Makukuha ko pang matapos ng end of the month. Kahit gaano kaaga ko pa itong simulan, alanganin pa rin.

Hinayaan ko munang ilapag ng server ang mga inorder ni Jaxon. At may pagkain pa! Sadly to say, para sa kanya lang talaga siya nag-order. A single plate of club sandwich na may nakasaksak pang triangular flag and a glass of pineapple juice.

Hindi man lang ako sinali. You know, for old time's sake.

Nilunok ko ang laway na namuo sa aking bibig. Damn, now I'm hungry.

"I have design schedules booked in between those days," pahayag ko sa pag-asang maiintindihan niya. "End of this month is not feasible. Make it...third week next month. Hindi ka naman siguro nagmamadaling mag-publish ng libro."

Uminom siya ng juice at sandaling ninamnam ang lasa nito. Umismid siya at nauwi sa patuyang ngisi. He leaned on the table. The look on his face is ready to pounce for a comeback.

"Hanggang saan ang kakayahan mo, Ms. Claravel?" He arrogantly challenged. "Don't kill my hopes up by rejecting this as according to the extent of my knowledge, freelancers like you can either choose or reject. Pero kung tatanggihan mo 'to, what would that make you?"

Tinigasan ko ang aking mukha. He can't beat me down like this.

"Wala akong sinabing tatanggihan ko 'to. I'm still up for a compromise." Binigo ako ng boses kong nanginginig. Please...next month na lang.

As if he has read my mind, pinausli niya ang ibabang labi saka siya umiling tila isa akong bata na patuya niyang tinatanggihan. Ang naaawa niyang mga mata ay isang indikasyon! Amusement and sarcasm all combined in that expression.

"No. End of the month. Move your other deadlines, then. Sanay ka na naman siguro sa paga-adjust ng schedule."

At siya dapat ang i-prioritize ko? That would make me unfair!

I huffed unbelievably. "Can you at least make it sound like this is an entreaty?"

Hindi natuloy ang sanang pagkuha niya sa sandwhich. The corner of his lips climbed up into a smirk.

"This is neither a plea nor a request, Ms. Claravel. If this is a requested service, then you wouldn't have to charge me. But since babayaran kita sa serbisyo mo, I settle for this to be a demand. End of the month." He said with finality then attacked his food.

Hinihingal na ako sa nagbabadyang galit. But the memory of what I done to him made my threatening ire stop before the red light. Is it just because of me, o may kinalaman na ang maturity nito na lumago ng anim na taon? Pero sino bang niloloko ko? That's his abhorrence towards me speaking! A retaliation, if I have to say. I'm still hoping na may natira pang Jaxon ko sa kanya.

I don't want to blame him for this attitude. Kaya kahit pupuwede kong tangghihan 'tong project...

"Noted, Mr. Montero," I conceded instead.

Napapatda siya sa pagnguya at sinaksakan ako ng malalim na pagtitig. Tumagal pa iyon ng ilang segundo at sana nakita niya sa nagsusumamo kong mga mata na nais kong magkaayos kami.

Ngunit walang dumaan niisang senyales na nakita niya ito na ikanalaylay ng balikat ko. Nagpatuloy siya sa pag-kain at nagkibit balikat. Binaba niya ang pagkain, pinagpag ang mga kamay at uminom ng juice.

May hindi pa rin naman talaga nagbago sa kanya. He still eats neatly. At kailangan palaging may tissue sa gilid ng plato. I almost smile and tell him what's on my mind.

Agad ko ring naawat ang sarili at inalalang hindi ito ang tamang oras upang pag-usapan ang tungkol sa amin. This is work right here. Ibang usapan na ang aming personal na buhay.

Nang wala nang laman ang kanyang bibig ay saka siya nagsalita. "Now let's talk about the rate. Magkano ka?"

Naningkit ang mga mata ko. "What?"

"I mean the project," he amended. Siguro nahalata niyang na-offend ako. Kumuha siya ng tissue at metikulosong pinunasan ang bibig bago ito dinispatsa sa tabi ng kanyang plato at swabeng sumandal sa backrest ng silya. I could tell na dumekwatro siya at tinatapik ang isang paa sa sahig. "How do you derive your estimates?"

I waited for his eyes to cut into mine. Ayokong magsalita kapag hindi niya ako tinitignan.

"Flat rate.Project-based. At may kumisyon."

His left thick brow rose. Alinman sa dalawa, nagtatanong o nanghihingi ng eksplanasyon ang kahulugan ng ganyang ekspresyon. So I gave him the satisfaction.

"It's an assurance that you'll stick around through the project completion," wika ko.

Ilang seryosong segundo ang dumaan at bigla nalang siyang humalakhak. A belly laugh! Tumingala pa siya! So I could watch his Adam's apple move as he laughed his guts out.

Nalukot ang mukha ko sa pagtataka. What the hell is wrong with him?

Bahagya akong yumuko at tinignan ang mga naritong nasa amin na ang mga mata lalo na kay Jaxon na bumulabog ang baritonong boses sa buong café. Huminto ang lahat sa ginagawa makakain lang ng sagot sa pagtataka nila.

Humilig siya sa mesa at nilapit ang mukha sa 'kin.

"At sa tingin mo tatakbuhan kita, Davina? Ako pa talaga?" Nanunumbat ang kanyang tono. His face painted the same color of amusement and sarcasm. Add the drop of bitterness.

Hindi agad ako nakapagsalita. Hearing him say my name for the first time in six years rendered me speechless. Humiwa ang talim sa dibdib ko sa paraan ng pagkakasabi niya sa aking pangalan.

Pinilit kong walang imantsang kahit anong bahid ng nakaraan namin dito. Kaya hindi ko papatulan ang panunumbat niya.

"That's what I do to my clients, Mr. Montero," I said stiffly. Tinatama ko ang ballpen sa aking Moleskine, iniiwasang mahalata ang pagiging tensyonado ko. "You are no exception. Kahit sinong kakilala ko, kahit kaibigan ko pa. Just to be fair."

His mouth has drawn a sarcastic frown. Nag-angat muli siya ng kilay at naroon na naman ang panunuya sa kanyang mga mata. Nagkibit siya at hinila ang sarili paalis sa pagkakahilig. Arogante niyang binagsak ang likod sa silya.

Bumalik sa normal ang buong cafeteria.

"Do you accept a check? Should I prepare to issue one?"

I recoiled. Nalito sa sinabi niya.

"This doesn't need a check. Photo book lang itong gagawin ko, hindi ako magtatayo ng building."

Muli siyang nagkibit balikat at binalikan ang pagkain. Nagpunit lang siya ng kakarampot na piraso at isinubo.

"I don't know with you. Baka kasi kailangan mo ng cheke. Name your price. Four figures?"

"Four figures?" gagad kong tanong sa hindi makapaniwalang tinig. "Do you have an idea kung magkano ang pagde-design ng isang page lang? This is a photobook and you want me to design the cover from front to back. Then there's the page layout. There's also an inclusion of a revision rate kung may gusto kang ipa-revise. Then the hours I'd be spending working on the whole shebang. And of course, the deadline that you demanded ASAP."

I paused. Pero hindi ang paghingal ko. Pinagpapawisan ako sa simpleng pagpaliwanag sa lalakeng 'to. As someone who has done him damage, I have to understand. Pero hanggang saan ba ang pasensya ko?

Ilang sandali ang pinadaan ko upang kalmahin ang sarili. Jaxon's face is unreadable the whole time I was talking. Iyon lang, nagdikit ang mga kilay niya. Pwede ko nang tawirin ang pagkakadugtong nito.

Uminom ako ng tubig. Umiling ako at nagpatuloy. "I'm not selling myself short, Mr. Montero. You're lowballing me. If you can't compromise with this, then you have to cut me loose and find someone who favors your wants."

Pero 'di ba ako ang dapat tumanggi? I should be the one to cut him loose. What's wrong with me?

"Five figures, then," simpleng sabi niya. Sa hinaba-haba ng litanya ko!

"Fine," ganti ko sa karampot niyang tugon.

"Hmm...you sound nonchalant. You want six figures?"

Para siyang clown na nag-aalok ng cotton candy. I reveled in that boyish smile of him for a while kahit alam kong kalakip na naman diyan ang panunuya. But I'll take what he's willing to give me.

"I still have yet to compute the breakdown of everything...the timeline, payment schedule since this is a paid commission. I'll send to you my quote through email later." Sinusulat ko ang aking sinabi.

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya habang pinadaan na naman namin ang katahimikan pagkatapos ng mahaba-haba ring palitan ng mga medyo maanghang na salita.

Hindi na siya kumakain, iyon lang alam ko. Tinabi niya ang kanyang plato at pinalitan ng muling pinagsiklop niyang mga kamay. Kita kong iba na ang relo niya. Ang noo'y leather strap, now it's all silver. Sumisilip ito sa cuff ng kanyang charcoal-gray unbuttoned suit that was very well-pressed.

Him, wearing a suit? He makes wearing Henley shirts look like child's play!

I traced the obvious crooked lines of veins at the back of his hands. What a man he's grown to be. Nakalabas ang collar ng kanyang crisp white button down at sa sinadyang pagtanggal sa unang dalawang butones nito, nakasabit ang isang square black-rimmed eyeglasses. I guess that's for reading purposes.

The V that formed on his unbuttoned front made the definition of his chest evident. It fitted perfectly at his well-proportioned body radiating with even more strength and pride. May biglang kumiliti sa tiyan ko.

Agad akong nagbawi ng tingin, nahiya sa sarili sa diretsahang pagsuri sa kanya. At tama nga si Sab the receptionist, paniguradong patay na ang self-esteem ng mga nakasalubong kong hunk actors kanina dahil sa pagpapatiwakal nito. Hell! He'd give any talent and modelling agencies a run for their money!

"Why don't you do an hour-based rate?"

Ikinalito ko ang pagtatanong niya nito. Why did he ask anyway? As if the discussion would be interesting. But then, I still gave him the shortcut version of my opinion.

"It would be an injustice on my part to bill hourly. Clients get satisfied, but I earn less. I feel like it's undermining the value of my work."

That's what I did as a first timer in freelance job. I based it hourly pero habang tumatagal, pakiramdam ko lugi ako. I got the work done within five hours, I undersold in the hopes of more clients to come over. But later on I realized, hindi na ito dahil sa laki ng ibabayad nila sa 'yo.

I got to know my worth, and it's not cheap. Kasi alam ko namang may maipagmamayabang ang mga gawa ko. Not that I'm bragging but, if you know your work is great, don't undersell. You have to know your worth.

"So you choose a project-based instead because it's more beneficial."

Hindi ko mapigilag mainis sa tono niya. Why is he taunting me about this?"

Pinigilan kong ipakita ang aking inis. He's my client okay? Naninigurado lang siya. Iyan lang, Davina.

"It's not about the money anymore, Mr. Montero. It's about my worth. And don't we all want justice and equality? Hindi man ito mapalaganap sa buong bansa, at least sa trabaho, buhay ang hustisya, 'di ba?" wika ko.

"But if you're really passionate with your work, wala ka na dapat pakialam pa sa ibang bagay. All you could care about is loving what you do." Mapanuri ang mga mata niya. "Hanggang ngayon pagkilala pa rin ba ang habol mo, Ms. Claravel? Or perhaps, nagiging benefit na rin ba ang trabaho mo? Where did your passion go? Binura na ng pagkilala at pera?"

Sumbat at lamig ang pinaghalo sa kanyang tinig na tila bala na bumaon sa malambot na unan ng puso ko. Bakit niya iyan nasabi? Does he really think of me that way?

Tinago ko sa ilalaim ng mesa ang pangunguyom ng aking kamao. Halos mabali ko ang ballpen na hawak ko.

"Namemersonal ka na." My voice is controlled, pinipigilang isigaw ito sa kanya. Madudurog na ang ngipin ko sa pagngingitngit nito. Naghahanap ako ng karagdagang pasensiya at pag-intindi sa kanya dahil mistulang nagkakaubusan na sila ngayon.

May pait sa kanyang ngisi.

"I'm just stating facts. That's what I do as a journalist. I state facts. I stick to what's true. To what's real. I have to lace a quite amount of forthrightness to my inquiries." Eksperto niyang kinumpas ang mga kamay to emphasize his point.

"And by being forthright, iyong hindi naman sana naiinsulto ang mga ini-interview mo. Maraming pinapatay sa pagsasabi ng totoo. I heard about the media killings for exposing big people's furtive endeavors. I hope you're not at risk."

Mabilis bumagsak ang ngisi niya. "Hindi ka nanonood ng tv."

"Oh, you remember!" sarkastiko kong bulalas. "But I said 'heard', not 'watched'."

Kitang-kita ko ang inis niya sa patukso kong sagot. Ngumuso ako, pinigilang matawa.

"You know that this is purely work, right?" Wala siyang isinagot ni tango ng ulo kaya nagpatuloy ako. "If you want to talk about our personal lives, pwede ka namang mag-set ng schedule para doon. Just tell me when." It took me a heavy ounce of courage to say this.

Napaigtad ako sa lakas ng pagkakalapag ng baso sa mesa. A definite sign of annoyance. Kung gawa lang iyon sa salamin ay marahil basag na ito. Ubos na ang pineapple juice niya.

"I don't waste my time setting a schedule for something inconsequential. Mas marami pa akong aasikusahin na importanteng bagay kesa ang pag-usapan ang personal na buhay."

Ang lamig ng tono niya ay pwede nang makabuo ng niyebe sa Pilipinas. I shivered on that alone. At nasasaktan ako sa ganyang tinig. Pag-intindi lang talaga, Davina. Iyon na lang ang tanging kakanlungan mo. Walang-wala ito sa pasakit ko sa kanya noon.

I don't have to meet his stare, which I'm sure is as cold as his glacial tone. Mas sasaktan ko lang ang sarili kung tatagpuin ko pa ang kalamigan ng mga mata niya.

Tinutupi ko ang dulo na sheet ng Moleskine, mahinang paraan upang maiwasang banggain ang paningin niya.

"I know that you must really hate me so much and I understand—"

"Oh, really?" sarkastiko niyang putol.

Mariin akong pumikit, humuhugot ng pasensya. Muli akong nagtiim bagang.

"For the love of all that's holy, Mr. Montero, let me finish." May pagpipigil na roon tanda ang panginginig ng aking tinig. Dumilat ako.

Sobrang tikom ng bibig niya. That damn it to hell jaw clenched again.

Lumunok ako at pinuno ng hangin ang dibdib.

"Okay, namumunga na ang galit mong naging puno na diyan sa dibdib mo. But please, huwag mong isali sa trabaho ang personal issue mo sa akin. This is my job we're talking about. This entails your job, too. Walang personalan. So please make way for your professionalism here."

Nagtagumpay naman ako sa pagpapahinahon ng aking boses at panatiliin itong buo. Pero hindi ang mabilis na tambol ng puso kong tinatakbuhan ang sakit. Pinigilan kong maiyak.

"Pagkatapos ko sa pinapagawa mo, you can go back into hating me. Are we done here? May gusto ka pa bang sabihin maliban sa gusto mong idura ang galit mo sa pagmumukha ko?"

Nanatili ang lamig at kawalaang emosyon sa kanya. Even his eyes are empty. Umiling siya bilang tugon.

Tumango ako at sinara na ang Moleskine. Sinilid ko na sa bag kasama ng aking Mac. Ayaw naman yata niyang tignan ang portfolios ko. He didn't even ask me if he could check on them. And if I do suggest for it, I'm sure he'll decline.

"I'll update you every other day sa mga natapos kong designs sa email mo. You can also ask for a revision." May binunot ako sa wallet at padulas kong nilapit sa kanya ang aking business card. "Don't worry. You get what you pay for. That's what I assure you."

Tila gusto niyang itapon ang business card ko sa pinakamalapit na basurahan base sa kung paano niya ito tignan. Isipin ko palang ay masusuka ko na yata ang puso ko. I would really back out.

Ganito pala kasakit. Parang harap-harapan mong nakikita ang dibdib mong hinihiwa. Nakakaiyak. Mahapdi. Nakakapanghina. Kanina pa talaga ako nagpipigil ng luha rito.

Isang minuto yata ang lumipas bago niya ito kinuha at sinilid lang sa bulsa na walang pag-iingat. Para bang bill ng pera na pwede lang lukutin.

"How 'bout you? Did you get what you'd been paid for?" He sounded amused but his cold face denied it.

Kumunot ang noo ko sa kalituhan. "I don't think I'm meeting you. What are you talking about?"

Lumalim ang pagkakadikit ng kilay niya. Mas lumiit ang mga mata niyang naniningkit. His lips thinned immensely as the threatening harsh words are seem to be working on his flexed jaw.

"Nothing." Halos hindi bumuka ang bibig niya. May hangin pang tumakas sa halos pabulong niyang pagkakasabi. "I have no questions. Just send me the ballpark quote and I'll pay you pronto."

Tanging nagawa ko ay ang tumango. This time Jaxon, I'd be the one holding the torch for you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro