Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FORTY FOUR

Nauna si Jaxon pumasok upang pailawan ang sala. Walang kalaman-laman na sala at marahil, magiging sisidlan lang ng mapait na alaala. Niyakap ko ang sarili na tila ba magiging sanggalang ito sa nagbabadyang sakit.

Gusto kong itulog na lang ang gabing 'to. Escape seems to be the easiest way out at iyon ang umaangkin sa isip ko.

Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig upang pawiin ang panunuyo ng aking bibig. Must be the after effect of smoking the plant, pwede ring sa ibang dahilan o pareho.

Pinuwersa kong huwag dapuan ng tingin si Jaxon kahit iniipit na ako ng pagtitig niya, sinusundan bawat galaw ko hanggang sa bumalik ako sa sala. Hindi ko alam kung uupo ba ako sa sahig since wala naman akong ibang upuan maliban sa silya sa kusina, oo tatayo at didikit sa pader.

"Bakit ka nasa bahay ng lalakeng 'yon?" Binahagian niya ako ng lamig sa kanyang tono.

Nilingon ko ang pader sa likod ko na nagbabahagi sa kusina at sala. Sinandal ko ang aking likod doon at dinama ang sariling bigat.

"He's my friend," kaswal kong sabi.

Habang ganito kami ay pinagiisipan ko na ang mga sasabihin sa kanya. Nakikipagtalo na ito sa aking emosyon. Utak ang gagamitin ko rito!

Nagtiim bagang siya na tinambalan ng paniningkit ng kanyang mga mata. May pagbibintang agad na dumaan doon.

"Kayong dalawa lang. Madilim, Davina. I don't want to think, much less imagine of what the two of you might have been doing in his house." Ramdam ko ang pagsubok niyang huwag itong lagyan ng pang-aakusa.

I stuck with my defensive stance.

"Wala akong kailangang ipaliwanag."

"Fine. I concede not because I don't want to hear your explanations. I trust you, Vin. Sana lang tama ang pinaniniwalaan kong wala kayong ginawa. You didn't even call me. Siya pa ang tumawag sa akin!"

Halata ang labis niyang hindi pagsang-ayon sa nangyari. Wala akong maramdaman dahil wala lang iyan kumpara sa nagbabadyang emosyon para mamaya. At hindi pa rin ako sigurado kung paano sisimulan 'to. Paano sisimulan ang katapusan.

Malalim ang higop ko ng katapangan na waring makatutulong ito. Yet it only did less. It didn't ease anything.

"Ano tayo, Jaxon?"

Nag-angat ako ng mukha galing sa daliri kong pinaglalaruan ang dulo ng aking shirt. Indikasyon ng kalituhan ang pagsasalubong ng kanyang kilay.

"What?" He seemed and sounded like he's lost.

"Kung may relasyon man tayo, siguro matatawag ko itong...nakikipaghiwalay na ako sa 'yo." Miski ako nalito sa aking sinabi bago ko pa man pagnilay-nilaying mabuti.

I'm not even sure what are we. May nangyari na sa amin. Not just once! But that's not enough to label a serious relationship. Hindi naman kami laro lang.

Umawang ang bibig niya. Ayaw kong tunghayan ang kasunod noon ngunit may sariling pulso ang mga mata kong hintayin ang kanyang mga reaksyon.

"Bullshit." Marahang lumobo ang pisngi niya nang binuga ang mura. Nakatanga ang mga mata niya na parang hindi niya kayang paniwalaan ang sinabi ko.

Napangiwi ako at nagpatuloy.

"Jax, halos hindi kita pansinin pagkatapos mawala ni Tori. And to be honest, I still can't get over her death. That only proves how I suck at handling my emotions. I couldn't even help myself!" labas ko sa aking frustration. "Kinailangan pa kita upang magawa ko ang dapat kong gawin!"

"That was nothing, Vin." Sinamahan niya ito ng iling. "I needed that, too. I needed your need for me. Kahit kailan hindi kita pinaparatangan. That was normal for someone who's mourning."

Suminghap na ako't pumikit at kung posible man, hinihiling na sana mga salita na lang ang nalalanghap kong alikabok. Salitang angkop sabihin sa kanya.

Kung may pagtataguan lang ako'y matagal ko nang pinuntahan ang lugar na iyon. I'll hide and not face him like this. Hindi siya aalis, o lalayo nang walang sapat na dahilan unless I hurt him.

"Hindi mo ako naiintindihan." I sounded so helpless now. "Jax, listen to me. Kasi minsan hindi ka rin nakikinig, e. You're the only child so, naiintindihan ko. You can get everything you want but not this time. Ayaw mong lumayo dati kahit tinataboy na kita dahil may nililigawan ka. This time, listen to me—"

"No!" Isang marahas at malawak na hakbang niya'y halos magbunggo na ang mga dibdib namin sa sobrang lapit. Kung wala ang pader sa likod ko ay baka natapon na ako sa dulo ng kusina.

"If that's about staying away from you, No! Ayaw kong pakinggan iyan, Davina! Now you listen, I made our friendship as an excuse for me to get near you because I can't keep you the way I want to keep you! Being a close friend to you was the closest thing next to a girlfriend."

"Hindi iyan ang punto dito, Jaxon, " agap ko, tinakwil ang gulat ko sa pinahayag niya.

"Then what?" sigaw niya at sinabayan ng pagtataas ng mga kamay to emphasize his frustration. "Bakit kailangan nating maghiwalay? Okay pa tayo kanina, Vin. Anong nangyari? Anong pinakain sa iyo ng Angelov na iyon?"

Pinakain, wala. Pinalanghap at buga, meron.

His desperate face is red at halos pumutok na ang mga ugat sa leeg. Marahas ang binubuga niyang hangin. Pinagpilian ko pa ang dahilan ng galit niya; Sa pakikipaghiwalay, o dahil kasama ko si Angelov.

Eitherway, that's still not the point here. Binalikan ko ang sadya ko at iniwan sa ere ang pagseselos niya.

"I took something." Mata sa mata ko siyang tinitigan. "Pinigilan niya ako but I insisted. I was high before you came."

His mouth formed an O, an indication of his shock. Parang hindi siya humihinga habang natitigalan at gulat na nakatitig sa akin, tila ba sinisiksik pa niya sa utak ang narinig.

Hindi siya gumalaw maliban sa mga mata niyang mapaghanap at palipat-lipat ang tingin sa aking mga mata. Binasa ng dila niya ang ibabang labi bago ito kinagat at pinakawalan upang magsalita.

"I forgive you..." magaspang niyang bulong. Shock still visible in his face. Bahagya siyang kumurap.

Ilang gabundok na pagpipigil ang inipon ko upang hindi mapaluha sa sinabi niya. He won't forgive me after this.

"Madadala lang kita sa kapalpakan ko Jaxon. Your relationship with me can affect not just you but your family. I want to smoke it again. Paulit-ulit na sa utak ko kung gaano ko gustong gawin ulit iyon. Mahihila kita pabagsak kasama ako!"

Napasinok ako sa pagpuwersang sugpuin ang hikbi. Because goddamnit it was true! I need it again! Sa sandaling binati ko ang usok papasok sa sistema ko, nakalimot ako. It could numb every painful thought and fear and feelings. All I did was laugh and asked for food and not care about everything and everyone.

Ngunit panandalian lang din. Siguro ito ang rason kung bakit marami ang binibili ng mga users. Because one smoke is not enough. One day of numbness is not enough.

"Vin, hey..." malambing niyang wika at banayad akong hinawakan sa braso. Yet his voice demanded my attention kaya tinignan ko siya. His moist eyes are eager, at hinihingi nitong pakinggan ko siya. I did. Dahil iyon ang isa sa mga kakayahan niyang tumatalab sa akin.

Suminghot siya habang inaalis ang dumikit na buhok sa aking mukha. Kinuwadro niya iyon at inihipan ang namumuong pawis sa aking noo bago nagsalita at may lambing akong tinitigan. I don't deserve that.

"In saving yourself, I want to be there with you. Tutulungan kita. We're in this together, okay? We're not just best friends or lovers, Vin. We are a team. Both of us..." Tumakas ang unang patak ng luha niya.

Halos hindi ako makabuga ng hangin sa natunghayan at sininghap na lang ito. Ayaw kong magpakita ng reaksyon. Paninindigan ko itong ginagawa ko. Sinimulan ko na kaya tatapusin ko.

Buong lakas ko siyang tinulak dahilan ng pagkakaatras niya ng ilang hakbang. Bumalatay ang sakit sa mga mata niya at nanatili. Tila sugat na nagsimula nang dumugo. Nag-iwas ako kasabay ng paghiwa ng patalim sa aking dibdib. Nabubulag ako sa luha niya.

You don't deserve this, Jaxon. Pero pagkatapos nito, you're going to live the life you deserve.

A life without me.

"Wala ka sa posisyon ko, so you won't get to understand. If you could only see through my brain," diin kong turo sa aking sentido. "All the guilt, Jax, I gave that medicine to Tori. I killed her! Ayaw kong pati ikaw madadala ko pababa! The guilt ruined me! Hanggang ngayon!"

Nanunuyo na ang lalamunan ko at hinihingal na sa mga puwersang galit. The anger I only intend to have for myself.

Tinalikuran ko siya. Mababawi ko lahat ng sinabi ko kung tutunghayan ko pa ang luha sa mga mata niya.

Naramdaman ko siyang lumapit. I stayed at my space, sumisikisik sa pader. Nagulat ako nang hinawakan niya ako sa braso at pinaharap sa kanya. Nagpumiglas pa ako ngunit sa huli ay nagawa niya akong paharapin.

Sa dibdib niya ako tumingin imbes sa mukha. The rise and fall of his chest made me think how his heart is beating against it. The pain I caused in his heart, gaano na ito tumitibok ngayon sa sakit?

Dinarama ko ang pawis dulot ng mainit niyang hininga na pumapaypay at kumikiliti sa aking mukha. It bred heat in my eyes, too, ready to shed more tears. At least, that's one comforting thing about this. To feel him breath, kahit na paghinga ito ng sakit at galit.

"Kung wala ako, Vin, sa tingin mo may magbabago?" Disappointment and sadness both laced in his tone. "In your situation, you need not to be alone. You need someone with you. You need me. Why am I not enough to keep you whole? 'Cause Vin, I will give my everything just to keep you whole. I won't even try. I will do it!"

Nabulunan siya sa isang hikbing bumasag sa kanyang lalamunan. Piniga nito ang puso ko at hindi na pinigilan ang luhang sumugat sa aking pisngi. My God, he's about to cry!

Inutusan ko ang sarili na hindi humilig sa palad niyang kinakanlungan ng aking pisngi.

"Our first night was my first, Vin. Imagine the bliss I felt knowing you were my first and me being your first. Pinapangalagaan ko ang una natin at paninindigan ko iyon hanggang huli. I'm so willing to marry you, Davina. And the first night, last night, was not just sex for me, dammit! I made love to you!"

Nanatili akong nakayuko. Him baring his soul to me ripped me open. Patuloy umaagos ang luha sa sarado kong mga mata. Sinasabi niya ito upang mas bigyan ako ng dahilan na hindi ituloy ang aking ginagawa.

"Your emotions are talking, Jaxon." Nanginig ang boses ko, pati ito'y hindi sang-ayon sa lumalabas sa aking bibig. "There was no love for me so I can't call that making love. Paano kita mamahalin kung nai-insecure ako sa buhay na meron ka? You have your family, an approaching high end career, you almost have everything, Jaxon. Anong mahuhuthot mong pangangailangan sa akin kung ganito lang ako? I was already damaged goods when you met me!"

Nag-angat ako. Halos mapaluhod na ako sa panghihina sa nakikitang reaksyon niya. Tila ba sinaksak ko siya ng ilang libong patalim, at ubos ang dugo niya sa kanyang pamumutla.Hindi ko naramdamang humihinga siya.

Pero dahil masama akong tao, nagpatuloy ako.

"We can't live on love alone, Jax. We can't live on just love alone. Hindi tayo bubuhayin ng pagmamahal mo! Hindi ako mabubuo ng pagmamahal mo! Heck! I don't even love you. I just needed you!" sigaw ko sa mukha niya.

Hinarap ko ang pader at walang balak tunghayan kung gaano kasakit ang tama ng mga sinabi ko sa kanya. Inuntog ko ang sariling ulo. I want to regret the things I said but regret is too late. Nasabi ko na. I couldn't take it back.

Naghahanap na ako ng kutsilyo sa isip ko. But I don't own a knife. Siguro karayom ng tattoo gun at isasaksak ko mismo sa sarili upang matigil na 'to. Sana talikuran na lang niya ako at tumakbo siya palayo. That would be easier for the both of us.

"Vin...huwag mong sabihin iyan. You're just frustrated." Pinapaniwala niya ang sarili. His voice is pained and controlled, pinapakalma ang bagyo na sumisirko sa loob niya. Pinapanatiling buo ang boses dahil kung hindi ay lalabas itong basag sa mga labi niya.

Sa namamanhid kong mga kamay, binunot ko ang sachet na binulsa ko mula kay Angelov. Hinarap ko si Jaxon at pinakita ito sa kanya.

"Mas kailangan ko pa nga ito kesa sa iyo. I got high a while ago, this could numb my thoughts. You can't! You can't numb my feelings. Pinapaalahanan mo lang ako sa buhay na wala ako!"

Panibagong hikbi ang yumanig sa kanyang katawan habang umiiling akong nilapitan.

"That's not true. It's the drugs talking, Vin."

"You want the drugs to talk some more?" naghahamon kong sabi.

Hindi siya tuluyang nakalapit, pero umabot pa rin hanggang dito ang galit niya. The mix of his frustration and anger radiating around this room. Mariin siyang pumikit at tinuon ang ulo sa ibang direksiyon. Gigil niyang kinagat ang labi, pinipiglan ang sarili. Kita ko ang panginginig ng kamay niyang sinasabunot ang buhok.

"That makes you whole, Vin?" Namumula ang mga mata niyang nagbalik tingin sa akin. "I'm here. Use me for the taking, Davina. Kung uubusin mo ako para mapuno ka sige, ubusin mo ako! Suck me dry until you're satisfied! Sabihin mo na lahat ng gusto mo pero mananatili ako. I won't let you go!"

Pinapatay ang puso ko sa panibagong luhang naglandas at tinatakpan ang mga natuyo na. His bloodshot eyes, full of sorrow, pain, desperation, hopelessness and submission...those are enough to kill me alive..

I'm going to kill us even more.

"Thanks for the benefit, Jaxon. Naramdaman ko na rin kung paano ang minamahal. It felt good. Masaya..." Tinatangay ng ensayo kong ngiti ang pagtutubig ng aking mga mata.

He's looking at me helplessly, para bang nagmamakaawa na buhayin ko siya.

Lumaylay ang kanyang balikat at tila ilang timbang ang kanyang ibinawas. Nanlalambot ang mga tuhod niyang lumapit sa akin at agarang naitukod ang mga braso sa pader bago pa siya bumagsak.

"Benefit...," mapait niyang wika at walang aliw na tumawa. Halo ang singhap at singhot nang kanyang dinikit ang noo sa akin at dumulas sa gilid ng ulo ko. Humahaplos sa tenga ko ang mainit niyang hininga na binabahiran ng poot.

Napapikit ako't napahagulhol sa mga pagsuntok niya sa pader at kumakawala niyang hikbi. Nagawa kong utusan ang sarili na huwg siyang hagurin upang patahanin.

I am broken myself. Saan ang simpatiya na meron ako para sa iba ni sarili ko hindi ko magawang damayan? How can you rescue someone if you can't even get as close as a half-inch into helping yourself?

"You're willing to hurt me, Vin?" Ang sakit na dumaloy sa boses niya ay halos nagpasuko sa akin.

"We all hurt, Jaxon, kaya oo, kaya ko. Kaya kong saktan ka." Malamig kong sabi, and I wish that cold could freeze me to death. "Kahit kailan naman Jax hindi tayo naging pwede. Oo, pwede mo akong mahalin, pero hindi pwede maging tayo."

"What..."

"These past few days, we've been doing something because we just allow ourselves to love and act on it. Pero hanggang doon lang iyon...Naiimpluwensiyahan na ako ng ina ko, Jaxon. Naging katulad na niya ako. Kung pananatilihin mong malapait sa akin magiging katulad mo ako. Look at me! I look like her. Might as well be like her, right?"

Hinila niya ang sarili upang madungaw ako.

"I'll stay strong. I'm going to pull you up with me, okay? I'll stay strong for you...magpapakatatag ako para sa atin, Davina.."

"Malakas ka Jax?" halos paghihisterya ko. Nagpatianod siya sa pagtulak ko sa kanya. "Sige! Tignan mo ako nang mabuti na hindi ka umiiyak. Tignan mo ako nang hindi ka lumuluha, Jaxon!"

Tinitigan niya ako, tikom ang bibig upang pigilan ang tunog na maaaring tumakas ngunit bigo siyang paamuin ang silip ng luha sa mga mata niya. Abot langit na ang pagpipigil kong hindi magpakita ng reaksyon.

Pikit mata siyang nag-iwas. Nilapat ng mga daliri ang magkabilang gilid ng kanyang mga mata sabay singhot. Pinanghinaan ako nang husto nang isang buong kamay na niya ang tinakip sa kanyang mga mata.

"Tignan mo ako, Jaxon." Tila mabubulag na ako sa nagtutubig kong mga mata.

Umiling siya't muling suminghot. Binagsak niya ang kamay at nakapikit pa rin nang dinikit niya ang noo sa akin. Binasa ang kilay ko ng basa niyang pilikmata.

"Ang sakit...please, Vin...huwag namang ganito." Buong pagsusumamo niyang wika.

Hinampas ko ang dibdib niya kasabay ang pagtulak. "Iyan! Hindi sapat ang lakas mo na iyan, Jaxon! Hindi mo ako mahihila pataas! Dahil ako mismo, ako ang hihila sa 'yo pababa!"

"Vin..."

Nagmartsa ako sa kusina at hinagis sa lamesa doon ang mga nakuha ko mula kay Angelov. Tinukod ko ang mga kamay sa gilid ng mesa, binigyan ang sarili ng ilang minuto upang makapagdesisiyon at makakapit ng sapat na lakas dahil tinatakasan na nila ako ngayong kinakailangan ko sila.

Pero ang katamaan ng pag-iisip ko'y matagal nang naihagis palabas ng bahay na ito, tinangay na ng hangin at hindi ko na mahahanap pa muli.

All I'm left right now is the worst of me. And when I mean worst. Worst like hell of me.

"Vin, please..."

Biniyak man ang dibdib ko ng nasasaktan niyang bulong, hindi ko siya pinakinggan. Nabibingi na rin ako sa ragasa ng dugo sa aking tenga.

Hindi ako itong nanginginig ang mga kamay na pinakita sa kanya ang mga hawak ko.

Mas lalo siyang naluha at mariing umiling. Gusto niya akong pigilan ngunit nanatiling dikit ang mga paa niya sa kinatatayuan at likod niya sa pader.

"Vin..."

Binuksan ko ang sachet at nagsaboy ng kaunti sa aking palad. This powdery substance that resembles a salt. Pinakita ko sa kanya kung paano ko ginamit iyon. I try to breathe it in through my nose. But I didn't let it go that far. Nilapit ko lang iyon sa ilong ko at iba ang anggulo nito sa linya ng paningin ni Jaxon.

"Vin..." Nauwi sa iyak ang sambit niya habang unti-unti siyang sumadsad sa pader at nanghihinang napaupo. Dinudurog ako ng halong hikbi niya na papunta sa hagulhol.

Sinikap kong totohanin ang kamanhiran. Pretending not to care until it becomes real would make this easier if escaping is not possible.

I should only mind about the numbness. Ngunit ang mapanood siyang kinakagat ang kamao habang tahimik na humihikbi...God! I want to kill myself right now! Hinang-hina kong binagsak ang mga kamay kasabay ang pagsaboy ng mga puti sa sahig.

Pakiramdam ko'y mahihimatay na ako sa pagod at panghihina nang makita ang pagyanig ng kanyang balikat, isang patunay sa intensidad ng kanyang emosyon. He looked so hopeless and helpless sitting there in the corner.

"Tignan mo ako, Jaxon. Malakas ka? Huwag kang umiyak! Huwag mo akong iyakan!"

Papatayo pa lang siya ay nais ko nang umatras. Imbes ay nanatili akong matapang. Inilang hakbang niya ako at niyakap. Mahigpit na tila pinipiga niya lahat ng kasamaan ko hanggang sa maubos.

"That's enough," basag ang boses niyang bulong. "Tama na, Davina. Tama na, nasasaktan na ako. Tagos sa buto, Vin. Tama na..."

Nagpumiglas ako. imbes na umalis ay lumuhod siya at yumanig muli ang balikat, binaon niya ang kanyang mukha sa aking tiyan. Hindi siya bumibitaw sa pagyakap sa aking baywang kahit ilang lakas pa ang taglayin ko upang matanggal ito.

"Look at yourself, Jaxon. Ngayon pa lang sinisira na kita. Wala akong nararamdaman habang umiiyak ka diyan. Get up! I don't do boys who cry."

Humagulhol na siya habang hinihila ako paluhod upang magpantay kaming dalawa. Hindi ko alam kung alin ang mas naunang bumakas sa mukha ko. Ang gulat o ang sakit. Siguro halo. Because this is not Jaxon, anymore. I created a new man within him. A losing, helpless man.

Kinuwadro niya ang aking pisngi at tinignan ako sa nangungusap at malambot niyang mga mata. Hindi na kailangang padaanin ang dila sa kanyang labi dahil basa na ito ng luha niya.

"My words are the ones that should only matter to you, Vinnie. I love you...Please, huwag mong gawin 'to...tama na."

Ilang beses niyang pinigilan ang muling paghagulhol ay nabubulunan siya. May tumatakas pa ring hikbi. Basang-basa na ang kanyang pisngi.

Kung wala akong pagpipigil, marahil naligo na kaming dalawa sa luha ngayon.

"I love you..." paulit ulit niyang sambit habang hinahalikan ako. Nanatiling awang ang aking bibig. "Sabihin mong mahal mo ako Davina at hindi ako aalis dito."

"I can't love you enough, Jax. I don't even love myself..." Wala sa sarili kong sabi.

Determinado siyang umiling. He just looked so helpless and beyond desperate.

"Hindi mo ako kailangang mahalin. Sapat na sa akin ang pangangailangan mo. Iyon lang Davina, wala akong hihinging sobra..."

Tinitigan ko lang siya. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nilingon ko ang nagkalat na mga puti parang pulbo sa sahig. Bago ko pa abutin iyon ay pinigilan na ako ng paninigas niya.

Nanlalanta na ang baga ko. Wala akong ibang gustong maramdaman kung 'di ang huminga dahil hirap akong gawin ito ngayon sa panghahapdi ng aking dibdib. I've been losing parts of me, at nagkalat na sila sa iba't ibang parte ng bahay na ito, ang iba natapon sa labas, at may isang parte sa aking na kay Jaxon, na sigurado akong nagkandapira-piraso na rin ngayon.

"I made love to you..." Sumusuko na ang tono ng kanyang bulong.

When you're going to live a life without me, magiging anino mo ang galit mo sa akin, Jaxon. This is the final nail in the coffin.

"I only fucked you. You fucked me back with feelings," malamig kong wika.

Espada ito na sinaksak ko sa kanya sapol sa dibdib.

Natulala siya, awang ang bibig, ramdam ko ang panghihina ng kamay niyang gradwal na bumibitaw sa aking pisngi. Hindi ko nailagan ang talim na bumaon sa puso ko s sinabi ko at sa nakitang panghihina niya.

Tinanggalan ko na siya ng puso at baga at lahat lahat habang unti-unti siyang bumagsak paupo sa sahig. Kinulong ng mga kamay ang kanyang ulo. Inuugoy ang sarili at muling humikbi na nagbunga ng hagulhol.

"I forgive you..." Mariin siyang umiling, naghihingalo ang boses. Sinasabunot ang buhok na tila gusto na niya itong hilain sa anit. "Goddamn it I still forgive you! Kahit ilang beses mo akong pagtaksilan Davina papatawarin pa rin kita!" nakakabingi niyang sigaw.

Nagpupuyos niyang hinampas ang sahig saka tumayo at puwersahan akong hinila papunta sa kwarto. His broad shoulders are tensed. His grip on my wrist is steel-hard painful na tipong mag-iiwan ito ng marka.

Hindi ako umangal at nagpumiglas nang kanya akong hinubaran. Hindi ko siya tinitignan habang ginagawa iyon. Alam kong galit na siya. He's losing it. Pinigtas ko na ang pagtitimpi niya. He's going to leave soon.

Inikot niya ako paharap sa kama saka tinulak. I didn't even flinch. This doesn't require any reaction. This doesn't deserve any tad bit of emotion.

Gumapang siya sa aking ibabaw at dinaganan ako. Kinuha niya ang aking mga kamay upang idikit sa ibabaw ng aking ulo. Kumuha siya ng unan at nilagay sa pagitan ng aking kama at aking harapan.

Hinalikan niya ang aking tattoo sa braso at binakas ang mga labi hanggang sa tattoo ko sa batok bago niya pinalibot ang aking kamay roon na tila ba ako'y sinasakal. Mainit ang hininga niya na dumikit ang bibig sa aking tenga. His breathing is frantic. I can't blame him.

"Is this really what you want? A good fuck, Vin?" marahas niyang bulong sabay padulas ng kanyang kahandaan sa hubad kong likod.

Nanginig ako at pigil-hikbi akong tumango.

Binaon ko ang aking mukha sa kama habang pinapakinggan ang tunog ng zipper at bagsak ng kanyang jeans. Binalik niya ang hawak sa mga kamay kong pinagsalikop niya sa ibabaw ng aking ulo.

He was needy and angry when he pushed inside me. Sa lakas nito'y halos mauntog ako sa headboard. Napasinghap ako sa pinaghalong rason. Hindi ko iyon pinaghandaan. He was hard. Damn it. I don't know if the effect of drugs is still intact, hindi yata tumatalab sa matinding emosyon na iniipit kami pareho.

Nanginginig ang mga labi niyang humahalik sa aking balikat bago ito kinagat. Pinigilan ko ang aking mga hikbi habang may ginagawa akong sariling kilos upang masabayan ang galaw niya. He pushed and pulled hard, fast and deep pouring all his anger on me and it was just nothing compared to my words that would scar him for life.

Bumaba ang isang kamay niya sa aking harapan at may pinisil doon na nagpaungol sa akin. I don't understand how I could still feel the electrifying pleasure in spite of the riotous mix of emotions circulating on anger, pain and heartbreaking sadness.

Halos maiyak ako sa pinaghalong sakit at kung ano mang gusto kong marating. Nangaligkig ang aking mga binti sa ginagawa niya. Namamawis at mainit ang mga kamay kong nais nang kumawala sa mahigpit niyang pagkakakulong upang makuyumos ko ang kumot.

"Kung sa tingin mo sinisira mo ako, you're wrong, Davina. Ikaw ang sumisira sa sarili mo." Nagngangalit niyang wika at humihingal. Sumunod ang malakas niyang daing na agad niyang pinigil sa pagkagat sa aking balikat.

Warmth surged as he emptied himself inside me after two painfully slow thrust. He didn't pull out. Giving a damn sheated itself away from me as I glided along with my own wave of release.

Iyon ang sa tingin niya ang mangyayari, pero para sa akin siya ang mali.

This is what I'm talking about. This is how I'm going to ruin him. Well as if this isn't painful enough. It's beyond that. This is beyond painful. This is beyond venomous. We are already two dying hearts just waiting for our salvation that would never find us. Ako ang lason na hihila sa kanya. Ako ang lason na pumapatay sa amin.

This is our last breath. This is the last straw. This is our death.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro