FORTY FIVE
Nilulunod ng pawis ang aking pisngi. Hindi ako gumalaw sa aking posisiyon habang pinakikinggan ang tahimik niyang pagbibihis. Hapung-hapo ako sa mga nangyari.
Everything's cold and lifeless. Ang tanging buhay ay ang pamamaalam. Tanging humihinga ay ang katapusan. Naghihingalo ang pag-asang maayos ang lahat. Ngunit maliit lang itong sinag ng apoy na mabilis ring naglaho.
Inikot ako ni Jaxon upang matihaya at pinaupo. Nanlalanta ang katawan kong nagpapadala sa mga nais niyang gawin. Balibagin man niya ako sa pader ay wala na akong magagawang panlalaban.
Sinuot niya sa akin pabalik ang aking underwear at malaking shirt na kinuha mula sa aking cabinet. Ang lagwa ng emosyon ay binabawalan akong makapag-isip at makiramdam na lang.
"Huwag mo akong iyakan..." puwersa kong sabi. Nahihingal ako sa apat na salitang iyon.
Kung hindi niya lang hinawakan ang baba ko upang matignan siya, mananatili akong nakatutok sa aking mga paa. Kasing lamig ng paligid ang kanyang mga mata. It's like I'm a stranger to him.
"Ito na ang huli..." Wala itong bahid na kahit anong emosyon.
Sa kanyang pagtayo ay hindi na niya akong tinignan at dire-diretso siyang lumabas. Padabog niyang sinara ang pinto na halos matanggal ito sa pintuan.
Maraming kahulugan ang sinabi niya.
Pinakiramdaman ko ang paglisan niya sa bahay. Pinuwersa ko ang aking tenga upang hilain ang ingay ng mga yabag niya sa aking pandinig. Ang mga yapak sa mabatong lupa, sa pagbukas ng bakod nina Angelov, sa bukas-sara ng pinto ng Tesla at sa ugong nito palayo.
This will never be the same again. I will never be the same.
Binagsak ko ang sarili sa kama at malayang nilabas lahat sa isang malakas na hagulhol. Sa mga gigil kong tili at iyak ay nagawa kong saktan ang sarili sa mga kalmot, hampas at sampal.
Hindi ko mabilang ang mga araw at gabi na tinagal nun. At hindi ko inaasahang bumalik si Jaxon at magpakita. Taimtim na dasal na lang ang magdadala sa kanya pabalik sa bahay. I didn't pray.
"You're scared of me?"
Malungkot kong ningitian si Margot na tulala sa likod ng kanyang tulip glass. Pinaglalaruan niya sa bibig ang lamang Chardonnay. Her upturned eyes rounded like flying saucers at maliliit na stand ang makakapal niyang pilikmata.
Tinikom niya ang bibig at nilapag ang glass sa table. Maingat ang mga mata niyang nagbalik sa aking mukha. Naka-recover siya sa pagkatunganga sa isang buntong hininga.
"No..." lumutang ang salita niya. " I'd try being high a couple of times when I was in Cali. I just can't believe that happened to you."
"I can't believe I did that!" sarkastiko kong bulalas diin saka inisang tungga ang Chardonnay.
Ilang beses kong pinagtangkaang tapusin ang sarili dahil sa ginawa kong iyon. Not the being high part, ang resulta ng pangyayari ang ikinakagalit ko sa sarili.
"Hey!" Pigil niya sa aking pulsuhan. "'Di ba bawal ka pa sa alcoholic drinks?"
Pinunasan ko ang tumakas na likido sa aking bibig at binaba ang glass. It made a cute clink against the table. "I'm out of rehab a year ago, Marge. But I limit myself with the alcohol. No whiskey or scotch or beer. Wine is fine." I made a dismissing gesture.
Sandali pa siyang tumitig bago ngumuso at nagkibit balikat.
"You say so. Pero...hindi siya bumalik, Vin?" May simpatya sa tono niya. "You know, like...begged you to take back what you said?" Muli siyang nagsalin ng inumin habang pasulyap-sulyap sa aking mukha, inaabangan ang reaksyon ko.
Umiwas ako at binagsak ang likod sa malambot na cushion. My arms rested flat along the surface of the sofa chair. Tiningala ko ang chandelier, sinisilaw ang mga mata sa magagandang lights nito, instead of blinding myself by the memories. Ngunit kalimutan ko man sa isip ko, kung kalakip ng alaala ay pasakit at pagsisisi, hinding-hindi iyon kakalimutan ng puso ko. That night left a scar.
"Binawalan ako." Nakisimpatya sa akin ang aking boses.
"Why? May restraining order?"
Marahan akong natawa sa inosente niyang pagkakatanong.
"No, but it seemed like it. Gustuhin ko pa mang magpumilit bumalik ay hindi ko na rin nagawa. Dito na ako diniretso ni papa..."
I closed my eyes and made a trip down memory lane.
Tinatanaw ko sa bintana ang kakaalis lang ng police car kasama si Angelov. They just arrested him. Puno ng sigawan at iyakan ang natunghayan ko kani-kanina lamang.
Huling pag-uusap namin ay noong gabing iyon. I lost track when. Days ago? A week? Labag sa kaalaman kong iyon na pala ang magiging huli.
Umabot rito ang mga palahaw ng nakaluhod na si Samara na pinapatahan ng kanyang nakakatandang kapatid. Naalala ko si mama. Hanggang kailan ako maglilihim para sa kanya? Hanggang kailan siya mananatiling ligtas?
Natakwil ko man si Jaxon, wala namang pinagbago. Kung meron man, mas lalo akong nakaramdam ng kawalan. Nanganak ng luha ang kalituhan ko at ang pagiging talo.
Life versus me. I'm game over.
Unang ring ng cellphone ay ikinatingin ko agad rito kasabay ang pagbundol ng kaba. Nahahati ang pakiramdam ko sa dahilan ng tawag. Could it be Jaxon? Nanaig ang paniniwala ko sa posibilidad.
Mabilis akong gumapang at dinakma ang cellphone. Ganon ang pagbagsak ng aking tiyan sa unknown number na nakarehistro.
"Hello?" atubili kong simula.
"Davina, si Gemma ito. Si lola mo, sinugod namin sa ospital."
Kinabahan ako sa taranta at pagkabasag ng kanyang boses.
"Anong nangyari?"
Biningi ako ng malalim niyang paghugot ng hangin at mabagal na pagbuga nito. Habang tumatakbo ang segundo ay lumalakas ang pagsiklab ng aking takot. Humigpit ang kapit ko sa cellphone.
"Wala na siya, Vin..."
Sa isang iglap ay naglaho ang mga dahilan ng pagkukulong ko sa bahay ng ilang araw. Pumailanlan ang binalita ni Nurse Gemma kasabay ang pagbabalik tanaw ko sa mga araw na kasama ko si lola.
Wala akong mailuha gustuhin ko man. Bagaman dumagdag ang sakit na kailanma'y hindi na yata nabawasan. Pagkatapos alamin ang ospital ay mabilis akong nag-ayos at umalis.
Naisip kong sabihan si mama. Ngunit bago pa man ako makapagpalit ng desisiyon ay nakaalis na ako papunta sa siyudad. Siguro mamaya ko na lang ibabalita. Hindi rin ako sigurado kung may pakialam siya kahit ina niya iyon.
I felt out of place as I approached the room. Wala pa man ako sa kuwarto ay natatanaw ko na ang ilan sa mga kamag-anakan ko sa labas. Dalawa sa mga tita ko ang magkatabi at tinatahan ang isang umiiyak. No kids. Sila lang yata ang umuwi galing sa ibang bansa at iniwan ang mga anak nila roon.
Wala isa sa kanila ang gustong kumupkop sa akin dahil kay mama. They thought I would end up like her.
Unang nag-angat ng tingin si tita Selma na dalawang beses ko lang yatang nakita sa tanang buhay ko. Her bloodshot eyes suddenly became angry. Natigil siya sa pagpapahinahon sa kapatid niyang si tita Mel.
"Why are you here?" matigas niyang tanong nang makalapit ako. Tumanaw siya sa likod, marahil inaasahang nakasunod si mama.
Sumilip na rin sa kin si tita Mel galing sa bulaklakin niyang panyo. Her eyes are more bloodshot and puffy.
"Ako lang po mag-isa," tugon ko. "Kada buwan akong bumibisita kay lola. May karapatan din naman siguro akong makita siya sa huling sandali since ako lang ang tanging apo na nanatili rito habang kayo'y nagpakasasa sa ibang bansa."
"How dare you—"
"Ate, hayaan mo na." mahinahong awat ni tita Mel bago pa man ako masugod ng kapatid niya. "She's right. Wala tayo rito sa mga araw na walang kasama si mama. Let her be..."
Suminghot siya at muling tinakpan ang bibig. Nagbalik sa pagtahan si tita Selma na matalim pa rin ang tingin sa 'kin.
"Sige na iha..." senyas ni Tita Mel na nakalublob ang hikbi sa panyo.
Pumasok na ako ngunit hindi bago bungguin ang balikat ko ng babaeng kasing edad ko lang yata at kaunting pulgada ang liit sa tangkad ko.
"Sorry," aniya. But that apology didn't even sound sincere. Basing from her features and haughty persona, she must be one of tita Selma's daughter. Hindi ko na siya tinignang lumabas ng kwarto.
Ang tanging lalakeng kapatid nila mama ay nakaupo sa mahabang silya katabi ang kanyang asawa. Tipid ako nitong ningitian habang si tito ay hinihilamos ang mukha niya bago ito tinakpan. He's silently crying.
I've dealt with one loss and that's from Tori. Though right now I'm dealing with the loss of myself. Kaya hindi ko alam ang nararamdaman ngayong wala na si lola. Inaasahan ko na rin naman 'to. She's old and weary at mukhang handa na siyang mawala sa mundo.
I guess she has attained contentment. Umukit ang kapayapaan sa kanyang mukha habang pinagmamasdan ko siya.
"Mama mo, Davina?"
Nilingon ko ang pagod na mukha ni tito Francis. He looks just the same from the last time I saw him isang taon bago nalulong sa masamang bisyo si mama. But he's more mature, with stains of white hair along the jet-black.
"Dito na po ako dumiretso kaya hindi ko siya nasabihan," tugon ko.
"You're not living with her?" naningkit ang mga mata niya. Crinkles surfaced at the side of his eyes.
Tipid akong ngumiti. "Pinalayas na niya po ako."
Nanatili ang tingin niya sa akin na ngayo'y nagpapakita ng simpatiya. Marahan siyang ngumuso at nilingon ang mahinhin niyang asawa na hinahagod siya sa likod. May pag-uusap na nagaganap sa mga mata nila.
May pag-asang umangat sa loob ko nang biglang sumagi sa isip na tila pinailawang bombilya. Ideya na isa sa kanila ang benefactor ko. Is it tita Mel since siya naman ang mas mabait? O itong si tito Francis na kalmado lang? Definitely not tita Selma. Could it be one of my titas' generous husbands?
Dumukot si tito sa kanyang wallet at bumunot ng ilang libo. Inabot niya sa 'kin iyon.
"Here, use this for your needs kung ano man."
Dikit ang mga paa ko sa kinatatayuan. Umiling ako, hindi natukso sa pera. Sobra pa diyan ang inalok sa akin at idinaan pa sa cheke.
"Hindi na po, tito. May trabaho naman po ako," confident kong sabi, puno ng paninindigan.
Unti-unti niyang binaba ang kamay hawak ang pera. Angat ang dalawang kilay niya sa pagkabigla. "Nakatapos ka ng highschool?"
Ayaw kong magmayabang ngunit hindi ko maiwasang ipangalandakan sa kanila ang nakamit ko. "Graduate na po ako ng college."
Umatras pa ang ulo niya sa gulat. Surely, he didn't expect na isang anak ng adik ay nakapagtapos sa ganoong antas.
Nilingon niya ang asawa na nakaukit ang ngiti bago niya niya ako binalikan sa nalilitong tingin.
"Public school?"
"University," wika ko.
Ilang beses siyang napakurap, hindi pa rin makapaniwala na tila ba nagpapakita ang kaluluwa ni lola sa harap niya.
"Good...that's good," tumatango niyang sabi, pinapaniwala ang sarili.
I look at Lola's peaceful face. Dalawang bagay ang mananatili kong tatandaan mawalan man ako ng alaala at ito ay ang paglalaro namin ng chess at ang paborito niyang banana cue. Sana marami siyang nakain bago dumating ang huling araw niya. May banana cue kaya sa langit? I hope God would play chess with you, lola.
"Pwede kang pumunta sa lamay. Apo ka rin naman niya at...naikwento niya sa akin noong huli ang malimit mong pagbisita."
Tumango ako sa sinabi ni tito Francis. Nagtagal pa ang tingin ko kay lola, hinihintay ang pagsilip ng luha ngunit hindi ko maintindihan kung bakit walang namuo. Siguro dahil matagal ko nang tanggap na dadating ang araw na 'to.
Malimit siyang nagpapahiwatig ng kahinaan sa katawan at ang mga huli kong pagbisita ay palagi siyang tulog. Iyon na ang senyales.
"Salamat po."
Umalis na ako at walang planong magtagal. Hindi ko na rin nagawang magpaalam sa mga tita ko. Desedido akong dumiretso kay mama upang ibalita sa kanya ang nangyari.
And another thing, hospitals remind me of Tori and how I am one of the participants of her passing. Binilisan ko ang lakad na parang hindi na makapaghintay makalabas. Instead of healing, dinadagdagan lang ang mga sugat ko rito.
"Vin?"
Nag-angat ako ng mukha at sinalubong ang pagtataka ni Denver. Isang tao ang kaakibat ng nilalang sa harap ko ngayon na hindi ko maintindihan ang saglit na pagdaan ng muhi sa kanyang mga mata. O baka dala lang ng kasungitang taglay nito?
"Denver," mahina kong sambit.
Isang maingat na hakbang ang ginawa niya. "Ba't ka nandito?"
Napakurap ako at bahagyang naatras ang ulo. Nababalaghan ako sa bugkos ng panunumbat sa kanyang tono.
"Sinugod ang lola ko. Wala na siya."
Saglit siyang pumakawala sa ekspresyon niya kanina ngunit hindi tuluyang humiwalay. Bahagya pa ang kapit niya rito.
"I'm sorry 'bout that," aniya, halos pabulong.
Tumango ako at nais nang magpalit ng usapan. "Ikaw? Bakit ka nandito?"
"Not sure if you deserve to know..."
Kinuha noon ang buo kong atensiyon at kuriousidad.
Lumalim ang pagkakabaon ng mga kamay niya sa bulsa ng kanyang cargo shorts. He doesn't look like the playful Denver. This is his very serious side. Iyong tipong hindi mo madadala sa biro.
"Jaxon's been here since yesterday. Pinagtulungan siya ng mga kasamahan ng lalakeng muntik nang mang-rape sa 'yo. I'm sure to avenge their friend."
Hindi agad ako nakagalaw. Mahigpit ang yakap sa akin ng gulat at pag-aalala. Rex's friends? Bakit hindi ko agad naisip na maaaring mangyari iyon? Of course they're going to avenge for him! They have a gang!
"O-okay lang ba siya?" After what I've done, I'm not sure he is.
Ngumiwi si Denver sabay hila ng paningin sa puting pader. May dumaang nurse at saglit niya lang itong tinanaw bago muling dinala ang nagsusungit na mga mata sa akin.
"Yeah," matabang niyang wika. "He's been awake since yesternight—"
"Pwede ko ba siyang makita?" agap ko. Ikinalusaw ng pag-asa ko ang walang aliw niyang tawa.
Tumusok ang dila niya sa ilalim ng kanyang pisngi. Hindi nakatakas ang pagdaan ng muhi sa kanyang mga mata.
"I don't think that's a good idea. Hindi siya nanlaban so that means hinayaan niya ang mga gagong iyon na pagtulungan siya. I wonder why he didn't fight back, though..." sarkastiko niyang wika at nagtiim bagang.
He hates me.
I'm sure he knows already. Sinabi sa kanya marahil ni Jaxon ang ginawa ko. And now this happened!
"Wala pa rin namang magbabago kapag nakita mo siya, 'di ba?" patuloy niya, naroon ang talim sa kanyang boses. "It won't change a thing."
"What are you doing here?"
Matulis na boses ang bumasag sa pandinig ko. Kung nakamamatay lang ang tingin ni Mrs. Montero, baka isasabay na ako sa lamay ng lola ko.
Gumalaw ang panga niya na sinasabayan ng marahas at mabibilis na paghinga. Halos hindi na bumubuka ang kanyang bibig nang magsalita.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ikaw lang ang magpapahamak sa anak ko, Davina. Gusto mo siyang makita?" hamon niya.
Umalingawngaw ang matidis na lagutok ng takong ng kanyang stilletos sa maliliit ngunit galit niyang mga hakbang. Palala ang galit niya habang papasikip ang kanyang distansya mula sa kinatatayuan ko.
Nakapagpakawala ako ng singhap sa malalim na pagbaon ng kamay niya sa aking braso. I could even feel her sharp nails that would surely leave a dent on my skin. Hinila niya ako sa harap ng pinto at pinasilip sa kaunting siwang na ginawa niya.
Lumipad ang kamay ko sa aking bibig upang harangan ang pagtakas ng hikbi. Miserable tears welled up my eyes as I was brought back that night. Tapos ganito pang may nangyari sa kanya. He wasn't only got punched physically. I gutted him emotionally.
Pumulupot ang bandage sa kanyang ulo. Sa distansya ko mula dito sa labas, naaaninaw ko ang mga pasa niya sa mukha and who knows where else. His movements are limited at garalgal ang kanyang boses habang nagsasalita. May IV na nakakabit sa kanya.
Bumuhos ang panibugho na umani ng panghihina sa mga tuhod ko nang magpakita si Gwyneth galing sa gilid. She's in her all-white uniform. She works here. She sat at his bed, inayos nito ang kumot ni Jaxon saka dinama ang kanyang noo at hinalikan saka matamis na ngumiti. A picture-perfect image made for posters that could send more patients to this hospital.
Yet the two of them in there alone floored me to pieces. Pieces.
Tumama ang ulo ko sa pinto nang diniin ni Mrs.Montero ang ulo ko rito. Tiniis ko ang sakit kasali na ang patuloy na pagkakatanim ng kuko niya sa aking braso.
"Tignan mo nang matauhan ka. Look how perfect they are for each other. You can't take care of my son the way she takes care of him. You don't know how to love and care just like how your mother has forsaken you, Davina...," mariin niyang uyam.
Iniipit ko ang pilit lumalabas na iyak sa aking lalamunan habang nagsasalita siya sa aking tenga. Her taunting smile on my ears alone already tortured not just my ears but my dying heart.
Mariin akong napapikit sa madilim niyang tawa at sa eksena sa harap.
Marahas niya akong pinihit sa kanya na halos matumba ako kung hindi lang siya nakahawak sa 'kin. Gigil niyang kinuwadro ang aking mukha na kulang na lang lamukutin niya ang bungo ko. Ang mga mata niya'y puno ng poot at determinasiyong itatak sa aking isip ang lahat ng sasabihin niya.
"You don't belong to our world, Davina. Isa ka lang ordinaryong bato sa pangkat ng mga ginto. And if you have ever dreamt of being a beautiful swan, let me wake you up to the reality, darling. You're just going to remain to be a duckling." Nilapit niya ang kanyang mukha at bumulong, "an ugly one."
"Tita, tama na..." awat ni Denver.
Tinulak ako ni Mr. Montero na nagpaatras sa akin ng ilang hakbang. Kumapit ako sa pader upang iwasang matumba. Nahuli si Denver sa pag-alalay sa akin.
Pinunasan ko ang basa sa aking pisngi sa likod ng aking kamay. Malalim ko siyang tinignan.
"Wala kang pinagkaiba sa mama ko. Wala kang pinagkaiba sa kanila," malamig kong sabi.
Nagtaas noo siya at inayos ang pagkakasabit ng bag sa kanyang braso. Kanyang plinantsa sa sariling kamay ang kaunting pagkakagusot ng mamahaling kasuotan tila ba inaalis ang dumi na tinamo niya mula sa akin.
"Huwag mo akong itulad sa ina mong adik." Binalingan niya si Denver sa gilid ko. "Escort her outside. O baka gusto pa niyang magpahatid sa driver." Uyam niya akong binalikan ng tingin.
"Vin..."
Iniwas ko ang aking kamay sa akmang paghawak ni Denver. Wala na akong tinignan pa sa kanila. Nanlalamig na ako at kabilang na rito ang puso ko. Manhid na ako sa mga talim na pinapasan ko, ayaw ko nang may dumagdag pa!
Tatlong araw ang pinalipas ko 'tsaka ko pinuntahan si mama.Wala siya sa bahay kaya bumalik ako kinabukasan.
Hindi pa man ako nakababa sa tricycle, tanaw na mula rito ang dalawang sasakyan ng mga pulis at mga taong pumapalibot. Tinangay ng kaba ko ang pagtataka nang mapagtantong sa bahay namin sila nang-uusisa.
Binigay ko na ang aking bayad at madaling bumaba, hindi na hinintay ang sukli. Tinakbo ko ang distansiya at agad nakisiksik sa lipumpon ng mga usisero.
Pilit kong siniksik ang sarili sa pagitan ng dalawang pulis. Nabaling sa akin ang paningin ng mama ko. Tila tumanda siya ng ilang taon, magulo at tuyo pa rin ang buhok. She's skin and bones. Tuluyan na siyang nilulunod ng bisyo niya.
Inangat niya ang mga kamay habang nanlalaki ang mga mata. Natataranta at mababakasan siya ng takot.
"Huwag niyong saktan ang anak ko!"
"Ma!" sambit ko nang makita ang unti-unting paggapang ng isang kamay niya sa likod. Kinakabahan ako sa maaari niyang gawin.
"Davina, umalis ka diyan! Sasaktan ka nila! Hindi ka nila pwedeng saktan, anak. Mahal ka ni mama, sagipin mo sarili mo, anak..."
Napatutop ako sa aking bibig kasabay ang pakawala ng matinding hikbi. Dala man ng droga o hindi, ang marinig ito mula sa kanya ay pinipiga ang puso ko sa pinaghalong saya at sakit.
Ngunit sakit ang mas pumailanlang sa sumunod na nangyari.
"Huwag!"
Alingawngaw ng putok ng baril ang bumalot sa buong paligid. Nangyari ito bago pa man mahila ni mama ang nakatago niyang baril sa sofa.
Tulala ako habang umulit sa aking isipan ang aking natunghayan. Ang ulyaw ng baril. Dumulas siya sa sofa at bumulagta sa sahig. Duguan ang ulo. Sinikap ko sa nanghihinang tuhod na lapitan siya ngunit pinigilan ako ng isa sa mga pulis.
Sandali pa akong tulala bago nagawang makakilos na tanging isip ko na lang ang nagpapagana, dahil hindi na kaya ng katawan ko. Sa harap ko ang gurney, takip ng puting kumot ang katawan niya. Hinaplos ko ang bahagi ng kanyang mukha at tinalunton ang hugis nito pababa sa kanyang kaliwang dibdib, pilit dinadama kung may tumitibok pa.
Sa dilat kong mga mata ay kusang bumaba ang mga butil ng luha. Sumabog ako sa isang mapighating hagulhol. Niyugyog ko siya, nagbabakasakaling maggising at sabihin ulit sa akin ang gusto kong marinig ngunit puso ko na lang ang umaasa. Alam ng isip kong hindi na. Wala na.
"Nako tutulad din iyan sa ina niya! Barilin niyo na habang maaga pa!"
Napasinghap ako at mabangis na nilingon ang nagsalitang iyon. Nahagip ko ang pumuputak-putak na si Aling Beng kasama ang mga kalaro niya sa mahjong na sumasang-ayon sa sinabi nito.
Nagtama ang mga mata namin. Humalukiphip siya at nagtaas noo.
Mistulang mabagsik na hayop, puno ng poot at sama ng loob akong sumigaw na ramdam kong mapipigtas ang mga ugat ko sa leeg. Nanginig ang mga kamay at tuhod ko siyang sinugod. Umatras ang mga pumalibot sa kanya.
Huli na bago ako mapigilan. Buong puwersa kong hinila ang inuuban niyang buhok, kinalmot ang lumalaylay niyang mukha at braso, lahat na maaaring gawin sa matandang babaeng wala nang ibang ginawa kung 'di ang kutyain kami.
Inatras ko siya sa alambreng kural at mariing sinakal. Wala nang awa sa puso ko sa nagsusumamo at takot niyang mga mata. Nagsisigawan ang mga tao at dumumina roon ang boses ng anak niya na nagawa kong sikuhin at tadyakan nang akma niya akong pigilan.
"T-tama na..."
Hinampas ko ang kamay niyang inaabot ako.
"Nagmamakaawa ka sa akin? Hindi mo na mababawi ang mga pinagsasabi mo tungkol sa amin. Hanggang sa hukay ko hindi mo matatamo ang awa ko!" Hinigpitan ko ang kapit sa kanyang leeg, hinila at malakas na hinampas sa kural. Nanlaki ang mga mata niya sa sakit. Naglabasan ang mga ugat niya sa sentido.
Sumigaw na ng tulong ang anak niya at ilang mga tao. Rumisponde ang pulis na nagawa akong hilain. Dikit ang talim ng tingin ko sa matandang umuubo hawak ang leeg, napaluhod at agad sinaklolohan ng kanyang anak.
"Isang salita pa mula sa inyo..." banta ko. Tinuro ko siya at ang anak niya. Sunod kong pinasidahan ang mga taong pumapalibot sa nag-aalab na galit ng aking mga mata.
Dinungaw ko ang nahablot kong hibla ng buhok ng matanda. Pinagpag ko iyon sa aking damit saka hinila ang kamay ko mula sa hawak ng pulis. Isang beses akong tumadyak upang maglikha ng alikabaok direkta sa naghihingalo pa ring si Aling Beng.
"Hindi ako tutulad kay mama. Hindi na mangyayari iyon," wala sa sariling sabi ko.
"Vin, ano bang pinagsasabi mo?" halo ang taranta at pag-aalalang tanong ni Charlie.
Dalawang kabaong ang nasa harap ko. Nang araw na iyon, tinawagan ko si Nurse Gemma at hiningi ang number ng tita ko na sa kabutihang palad ay si tita Mel ang nagmamay-ari. I told her what happened at ito, sinabay na ang lamay nila pati libing.
Tinapik ni Charlie ang kamay ko nang hindi ako rumisponde. Tulala lang ako at pagod. Pabagsak na ang mga mata ko nang nilingon siya.
Puno ng simpatya ang mga mata niya habang tinititigan ako. Hinahanapan niya ako ng ngiti sa mukha na walang balak sumilip kahit saglit.
"Kung ganyan ka pala kalungkot tignan na walang make-up, mas gugustuhin ko pang may make-up ka, Vin," aniya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"Sweet Charlie, I'm gonna miss you..." bulong ko.
Kumunot ang noo niya. Hinila niya ang kamay ko kaya nadala ang buong katawan ko sa kanya.
"Davina, kinakabahan ako sa mga sinasabi mo." At halata ang kabang iyon sa boses niya.
Binalik ko ang tingin sa harap. Dalawang puting kabaong na ihahatid na sa kanilang huling hantungan. Sumisilip ang mga taong nakaputi at itim at pinarating ang pakikiramay nila. Wala akong kilala niisa sa kanila.
I could still remember what my mother said. Sayang at huli na bago pa kami makapagsimula ulit.
Diretso ang uwi ko sa tahimik at walang lamang bahay matapos ang libing. Kay tito Francis lang ako nakapagpaalam at sa asawa niya. Busy si tita Mel at...singhal lang ang isasagot sa akin ni tita Selma.
There's no sight to remember in this empty place, just plain bitter memories. Pinatay ko na lang muli ang ilaw at tumungo sa kusina. Kumuha ako ng baso at nagbuhos ng tubig galing sa gripo. Lumakad na ako papasok sa kwarto dala ang baso.
Kinuha ko ang aking hinanda noong isang araw pa. Inalis ko ang takip at nagbuhos ng ilang tabletas sa aking palad. Inisang lamon ko silang lahat kasunod ang pag-inom ko ng tubig. Kalahati lang ang nabawas. Humiga ako at tiningala ang nakadikit na glow in the dark sa kisame.
Pinag-krus ko ang mga kamay sa ibabaw ng aking tiyan.
Gradwal ang pagbugkos sa akin ng karimlan hanggang sa maramdaman ko ang humihinang tibok ng aking pulso.
"Pagod na ako..." bulong ko sa sarili bago binuga ang huli kong hininga.
I saw death in front of me. I saw a white light. I am welcomed by death itself.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro