Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

FORTY EIGHT

"Thank you Ms. Claravel. I hope you'll have a safe trip back to the Philippines."

Tumayo na rin ako at inayos ang gusot sa aking top habang kinakamayan si Selma, the TV reporter slash journalist na uminterbyu sa akin.

She looked just the right amount of formal for an interview. Not that I mind how she should present herself. Hindi naman ako ganon ka-importanteng tao upang maging mahigpit sa pananamit nila. What I mind is the respect, and she didn't fail me.

"Thank you rin, Selma.  I was surprised to see you dahil akala ko lalake iyong mag-iinterview."

Which reminds me of Elmo. Bigong-bigo ang mukha ng baklitang iyon nang makita si Selma ang bumungad sa pinto.

"Pinalitan kasi ni boss ang mga assignments sa amin . He's somewhere in Africa right now."

Hindi na nagtagal ang kwentuhan pagkatapos ng panayam dahil may hinahabol akong flight. Sa in-house firm lang ginanap ang interview at dito na rin naghintay si Lionel upang sabay na kami sa airport. Sinali ko na rin ang pabibigay paalam sa mga kasamahan ko rito.

Nahirapan akong makatulog sa eroplano. Katabi ko si Lionel na nahihimbing na pagkatapos mag-scan sa mga pictures sa kanyang camera. I distracted myself by watching a film now playing infront. Ilang beses ko na itong napanood but this has always been my favorite. About a man who fell in love, got betrayed by his bestfriend and he came back, being introduced as a Count.

Him being able to rise out successful at may maibubuga na, it's the story of my life. At noong nagkita na sila ng babaeng minahal niya, I can't help but think about meeting Jaxon. Siguro katulad ng babae magugulat din ako. Normal lang na pangunahing reaksyon.

   

The 19-hour flight is quite exhausting. Kaya naman nahuhuli ako sa paglalakad laban sa malalaking hakbang ng mga bruskong kasamahan ni Lionel. Sanay na rin kasi sila sa mga ganito kaya no sweat lang ang pagod ng biyahe sa kanila.

Sa pagod ko'y napahilig ako kay Lionel nang kanyang inakbayan. Sa isang kamay ay hila ko ang luggage habang tinatahak na namin ang mahabang pasilyo ng NAIA 3. He's holding my hand carry at sa likod naman niya ang kanyang rucksack.

"Welcome back...," aniya sabay hapit sa akin.

Ngiti lamang ang iginawad ko. Dala na rin panigurado ng pagod. But the real truth is, I don't really know what to feel about this. Tama bang bumalik ako? I have a much better life in New York but everyone's hell-bent into pulling me here.

Sa oras na malaman nilang may balak akong umalis ng bansa ay marahil itatali nila ako sa kung saang puno dito.

Sumilip ang ulo ni Woodrow sa pet carrier bag na suot ko sa aking balikat. I can't leave my cat alone in my apartment at hindi siya maaalagan doon ni Margot. She's allergic to cats.

Napaangat ako nang may marinig na palakpak. Hindi ko na kailangang suyurin ang paligid dahil isang angat ko lang kita ko na si papa na kumakaway. Tinakbo ko ang distansiya at naunahan pa ang mga kaibigan ni Lionel.

"Hey, Pa." I hugged him, pero hindi masyadong mahigpit upang maiwasang maipit si Woodrow.

Ngumiti siya saka dumungaw sa pusa, he's taunting my cat who is now raising his paw with curiosity.

"Sir," Lionel's deep voice followed behind. Ngiting nag-angat ng mukha si papa at nagkamayan sila.

"Thanks for bringing her back," aniya. "Hindi ko mapilit, e."

Lionel chuckled. "It takes buying her a ticket without her knowledge. Knowing she doesn't like wasting expensive things. Dinaan ko na sa dahas."

Nagtawanan sila at may ilan pang kinomento si papa. Lalong natawa si Lionel nang siniko ko sa tagiliran dahil may kiliti siya roon. Papa invited him along dahil nagpahanda umano ito sa pagdating ko pagkatapos ng anim na taon. Bale late celebration na rin para sa aking birthday.

   

"You won't come with us?" untag ko noong nagpaumanhin siya. Saglit niyang nilingon ang mga kaibigan na nagumpukan sa isang haligi at naghahalakhakan.

The men sat at their fat rucksacks. May malapit namang upuan.

"We're being sponsored by a hotel. Malapit lang din ang pagdausan ng presscon bukas. So we'd be really around the city for a while bago namin balak lumibot sa ibang lugar." Dinungaw niya ako. "I love to visit Cebu."

"You should." May pangungumbinseng kaakibat ang tono ko.

Lionel and his friends were quite famous bloggers. Marami din siyang followers sa social media not just because of his looks. His photos were spectacular! Minsan buwis buhay pa siyang kumukuha ng litrato makuha lang ang nais niyang perfect shot. I designed his website for free.

Hinalikan niya ako sa pisngi at nagpaalam na. Muli silang nagkamayan ni papa. Kinawayan ko ang mga kaibigan niya na sumukli ng dalawang kamay na kaway at flying kiss. Tumawa ako at sandali pa kaming nagsenyasan ni Lionel bago ako tumalikod at umalis.

Hindi na ako nakatulog sa sasakyan gustuhin ko man. Abala ako sa pagdungaw sa mga buildings sa siyudad. I know I should have had enough of the skyscrapers in New York but it's been six years. I've never really been to Manila dahil sa Cebu ako buong buhay ko. But this is the closest I could get.

Pumarada ang sinasakyan naming white Navara sa isang two storey house. At least, that's how it seems to me. Dahil sa lower ground, it looks like a craft store with its full floor to ceiling windows. Sa taas naman ay may tinted na bintana and the roof is triangular.

"Saan tayo, pa?" tanong ko habang tinatanggal ang seatbelt.

"Come on."

Una siyang bumaba at sumunod ako. Pinagtaka ko ang pagbaba na rin ng driver sa aking mga gamit.

The sound of the chimes as we went inside is redolent of my days in the tattoo parlor. Sumiklab agad ang mga imahe noon at mananatili akong magbabalik tanaw kung hindi lang dahil sa malawak na pagkakaiba ng interior sa nakasanayan ko sa parlor.

The pristine white walls with natural lighting in the walls and ceiling. There's one area of the wall that is made of a wooden panel. Nakaharap ito sa labas, at kita ang pagkakasalungat nito sa mga white shelves kung saan nakalagay ang mga Mod podge, wooden frames, mason jars at kung anu-ano pang art materials.

There is a rack of washi tapes at the other corner.  Pumapagitna ang isang canvas board with stand at sa harap nito ay isang light wooden table na may mga stamps.

Hindi ko na nagawang magtanong kay papa dahil abala ang mga mata ko sa paglamon sa interior. Huminto ang aking paningin sa papasok na area at bago ko pa iyon hakbangin ay may sumulpot nang babae.

"Good morning Sir!" bati niya at bumaling sa akin saka ngumiti. "Hi po, ma'am!"

I quite expected for her voice to be of the likes of an eight year old kid dahil sa petite nitong pangangatawan. Pero nagulat pa rin ako.

"Davina, this is Raven. Siya ang namamahala ng store na 'to slash studio," ani papa.

"Studio?" untag ko at naghanap pa ng ibang kwarto. "Saan ang studio rito? At bakit may naaamoy akong kape?"

Mahinang tumawa si papa. "Raven?"

Umaasa ang may pagkabilugang mga mata ni Raven na tiningala si papa saka siya tumango at bumaling muli sa akin.

"Dito po tayo."

Mas magugulat talaga ako kapag hindi niya ako tawaging ma'am. At kay bata-bata ay namamahala na ng negosyo?

Sumunod na ako sa kanyang pumasok sa sulok na nagbibigay daan sa isang pasilyo. Sa gilid ay binati ako ng isang espresso counter. Baristas greeted me at atubili akong sumukli ng ngiti. I still don't know what is this at kung bakit ako nandito.

Tinignan ko ang tila tumatalon habang naglalakad na si Raven. Tumatalbog rin ang maikli niyang buhok so, tumatalon nga siya habang naglalakad. She's cute and likeable, though. Malapad ang noo niya, at sabi nila matalino raw kapag ganon. I have yet to find out.

Another floor to ceiling window greeted me. Kumislap ang mga mata ko sa loob na wala rin namang pinagkaiba sa front ng store. Still the white walls and maple laminated flooring. What amazes me are the arts being displayed.

May ilang mahabang mesa doon na inookupahan ng apat ka-tao. They're sitting in a pastel colored monobloc chairs while busy painting.

Hindi iyon nag-iisa, dahil sa kabilag side ay may ganoon ring kwarto. Same interior and furnitures. Yet this time, they're doing Calligraphy. May isang babae na nag-iinstruct sa isang bata. Siguro isa siya sa mga staff at kasamahan ni Raven. Ordered fraps and cakes were on their tables, too.

Dalawa pa ang pinasukan naming rooms in which they do crocheting and other handicrafts. Raven filled me the information at minsan sumisingit rin si papa.

"We have classes, workshops and other activities. Pwede rin nilang iuwi ang mga ginawa nilang crafts. Some of them here, ay binibenta online. May iba na pumaparito to relieve stress..." paliwanag ni Raven.

Nadidistract talaga ako sa parang batang boses niya. Hindi ako mapakali hangga't hindi ko malalaman kung ilang taon na siya. And she's manages this shop!

"They'll pay to do this?" I asked this instead.

Tinabihan ako ni papa. "We all pay to relieve our stress, Davina. Besides, most people here enjoyed their crafting experience."

Kung sabagay. For sure dito, affordable lang kung ikukumpara sa mga expensive trips ng ilan sa ibang bansa. Here, you don't just enjoy, you also get to learn something new.

I couldn't take my eyes off of the whole interior. Nakakagaan ng loob dahil sa white walls. Lumalabas rin ang pagka-inner artist ng ilan sa mga nandito. Nakakaganang magtrabaho kapag ganito ang ambience. Iyong tipong gusto mo na lang magkulong dito at mag-crafting.

"Wow...this is something new for a business."

"And it's all yours."

Ikinagitla ko ang sinabi ni papa. Ang gulat at pagtatanong sa aking mukha ay ikinalawak ng kanyang makahulugang ngiti at bale kumpirmasyon na rin sa tanong ko.

"Wala akong background sa business, pa." Halos kapusin ako ng hininga sa pagsasalita.

At tinawanan pa talaga niya ako.

Tinapik niya ako sa likod at inakbayan. "You'll get the hang of it. Hindi naman mahirap ito kung ikukumpara sa pamamahala ng isang corporation. And Raven's here to help you. Kung may gusto ka mang gawin to relieve your stress from work..." Minuwestra niya sa kamay ang paligid bilang karugtong sa sinabi niya.

Huminto ang mga mata ko sa mga kadalagahang gumuguhit. "I want to try Calligraphy."

Pwede ko iyong magamit sa mga designs ko. This studio is perfect.

Muli akong tinapik ni papa. "Alright. Serge, iakyat mo na ang mga gamit sa taas," utos ni papa sa driver niya.

Muli na naman akong nagtaka. May second floor pa pala.

Pumasok si Raven sa room ng mga batang nagko-crochet. Panibagong pasilyo ang tinahak namin at nakasunod ako kay kuya Serge na dala ang mga gamit ko. Unang pintong nadaanan namin ay ang restroom. Hindi malayo mula roon ay panibagong pinto.

Bumungad ang dalawang set ng hagdan. All made in light wood at gawa sa salamin ang railing. Another perfect combination to the white walls. A white door is waiting on the top of that second staircase.

Binuksan iyon ni kuya Serge at pinasok ang gamit ko saka siya pumagilid at pinatiling bukas ang pinto. Inside is a cool white-walled bedroom.

Ang de-salaming bintana at manipis na puting kurtina ay binaha ng natural na ilaw ang buong kuwarto. The bed looks so soft and inviting with its white top sheet and fat pillows. Sa ibabaw ng headboard ng kama ay pinailawan nang fairy lights!

The bed is facing a flatscreen tv, book shelves and black-bordered frames. Sa gilid ay may upholstered white sofa and same designed cushion. Sa kabuuan, the whole setting is eclectic and contemporary meets classic.

Nahagip ko ang isang bukana sa dulo. Wala itong pinto at medyo kinabahan ako dahil akala ko banyo. To my absolute surprise, it's a working room! Sa likod nito, iyon ang restroom. Complete with shower and tub.

"And I guess this is mine, too," usal ko bago pumihit at hinarap si papa na nakasandal sa hamba.

He's smiling, naaliw sa pagkakasurpresa kong hindi ako tinakasan mula pa kanina.

Papa is as equally as towering as me. Still handsome and dashing at almost sixty with slight foreign features, more or less one fourth. Sa maunawain niyang mga mata, kahit sino ay hindi mag-aatubiling lapitan siya.

May nahagip ako ng tanaw sa kanyang likod.  Lumapit ako sa bedside table. I picked up the picture frame of a beautiful kid around four or five years old. Her silky black hair crawled its length down to her shoulders. I never really get to ask him about his daughter. Ito ang tinitignan niya palagi sa tuwing nahuhuli ko siya sa living room sa apartment ko sa New York.

Lumipad ang hawak ko sa aking kwintas na kailanma'y hindi ko tinanggal. In doing so, a flashback of my conversation with papa five years ago resurfaced into my thoughts. That was after my admission in rehab. 

"Matagal nang wala ang ama mo, Davina." Iyon ang panimula niya.    

Nakakalungkot man na ito nga ang katotohanan, hindi ko na nagawang umiyak. Matagal ko nang tanggap ang ganitong posibilidad.

"Apat na taon ka yata noon o lima nang magkasakit ka. Matalik kaming magkaibigan ng ama mo kaya sa akin siya nanghingi ng tulong. Your parents' running away were being dissented by both families. Hindi sinang-ayunan ang pagsasama ng bawat isa. I guess we were around twenty four that time."

So they had me when they were twenty two or twenty one. So young.

"Your father was desperately in need of money. You were in ICU. I lent him an amount enough for you to be kept alive. Nang makalabas ka nang ospital, trabaho naman ang naging problema ng ama mo. Hindi sila nagtapos ng kolehiyo. So I offered him a job."

May inabot siya sa aking maliit na kahon at nang binuksan ay punong-puno ito ng mga sulat na halos hindi na kinaya ng takip nito.

"Ngunit iyon din naman ang kumitil sa buhay niya," patuloy ni papa. "Malaki ang utang na loob ko sa kanya noong sinagip niya ako. Araw-araw siyang nagsusulat at nahinto lamang sa araw na sinalo niya ang bala na sana'y para sa akin. Umuwi ako dito dala ang mga sulat na iyan at ang pangako ko sa ama mo."

And I've read every single letter. Ilang balde yata ang iniyak ko noon at iwasan ko man, nangyaring nabasa ko ang mga sulat at kumalat ang tinta ng ballpen gawa ng luha ko.

"Masaya ako na sa kabila ng trato sa'yo ng ina mo, hindi ka namuhay na katulad niya. Mana ka sa papa mo, Davina. Mabait si Frederick, habulin rin."

Mahina kaming nagtawanan. Dinungaw ko ang locket at binuksan. My father's handsome face seemed to seduce the camera.

"Kita nga dito sa picture ang pagiging habulin niya," ani ko. "Ilang taon po ba siya rito?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Ngiti niyang pinagmasdan ang paghaplos ng kamay ko sa locket.

"We were twenty five. Naalala ko ang aksidente kong pagkakahagip sa wallet niya laman ang picture mo. Pero kahit mababait, nagkamali rin."

Nagsalubong ang kilay ko. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

Ang buntong hininga niya'y tila pinalamanan ng masamang alaala.

"Tandaan mo na hindi 'yon pagkakamali, Davina. Kung pagkakamali ang mabuntis ang mama mo na ikaw ang dinadala, pagkakamali ka na rin. Magkasintahan na sila, but it wasn't in their intention to have a child yet. Hindi pumayag ang mama mo na sumama ang ama mo sa akin. They fought about it. Sa huli ay umalis siya.  Iyon na ang huli nilang pagkikita."

"Hindi niya alam na wala na siya..." wala sa sarili kong sabi.

May lungkot sa ngiti niya. Ang simpatiya sa kanyang mga mata ang nagpalambot sa 'kin.

"Alam niya, Davina. She took it badly kaya nalulong sa bisyo ang mama mo."

Kinalabit ng daliri ko ang luhang sumilip bago pa man ito tumakas ng tuluyan sa aking mga mata. The last thing I want is to let papa see me cry. Huli na iyong pag-breakdown ko sa harap niya pagkatapos niyang sabihin sa akin lahat.

"Dito ako natulog kagabi so I can't help but put it there. I forgot to pack it."

Ilang sandali ko pang tinignan ang litrato bago ito binigay sa kanya. "Kailan balik niyo sa Cebu?"

"I'll have a flight later at four. Siguro maya maya lang ay aalis na ako," aniya. Nang dinungaw niya ang kanyang relo ay tinignan ko na rin ang sa akin. I've already had this adjusted to Philippine time. "It's quarter to twelve. Kumain muna tayo at baka lumamig na iyong pinahanda ko."

I'm not really hungry pero ayaw ko rin namang tanggihan ang grasya. Papa prepared for this.

Bago pa kami lumabas ng kuwarto ay kinuha ko ang aking luggage at tinapon sa bed. Nilabas ko ang isang malaking square box na naka-wrap na.

"Pa, pwedeng pakibigay ito kay Charlie? Hindi ako nakadalo sa kasal niya, e."

I was shocked when Nolan showed me his facebook account. Ang inakala naming torpe noon ay kinasal sa nakilala niya sa pinagtatrabuhang kompanya ng kanyang daddy. Feel ko nga iyong babae ang nanligaw dahil hindi kinaya ang katorpehan ni Charlie. 

Alas dose ang break ng mga staff kaya nagsalo-salo kami sa isang malaking mesa na inokupahan ng isa sa mga rooms. Nawala ang pagod ko sa dami ng hinanda ni papa. Pagpatak ng alas-dos ay naghanda na siya sa pag-alis.

He insisted for me to rest, laban sa kagustuhan kong ihatid siya sa airport. When he reminded me about my nine o'clock appointment tomorrow sa kikitain kong kliyente na nag-email sa akin noong nasa New York pa lang ako, that's enough for him to win the argument.

Alam kong wala pang alas sais nang tumunog ang alarm ko sa cellphone kinabukasan. I quite remember how I set the alarm last night. Sinadya ko kasing gumising ng alas otso upang tumulong sa pagsara ng shop. Kahit kaunti man lang, may naitulong ako. 

I'm not really particular with what to wear but I have to make an impression for my meet-up with a client. May mga kliyente din naman ako na hindi na kailangan pang kitain so this is a first here.

Ginapos ko sa gilid at hanggang baywang ang dulo ng puting sleeveless shirt na ibinagay ko sa highwaist wide leg pants. I have my silver and black ombre hair in high ponytail. Kaunting make-up lang ang nilagay ko, putting emphasis on my long curls. My almost naked eyes opposed to my maroon lipstick.

Inisang tingin ko pa ang sarili sa full body mirror at nang makuntento, kinuha na ang mga gamit lalo na ang aking Mac kung saan naglalaman doon ang aking mga portfolios, just in case.

Sa isang bigatin na TV station company nais makipagkita ni Kelsey Marbella. Something to do about a photobook. Tumataguktok ang chunky heels ko sa bawat hakbang sa makintab na black crystal granite tiles ng entrance.

Kanina pa ako kinikiliti ng pagpaypay ng manggas ng wide leg pants sa aking paa. Hindi na mapalagay ang kamay kong abutin iyon at kamutin paalis ang kiliti at pangangati.

"Good morning, ma'am," bati ng receptionist na dinaig ang kapal ng lipstick ko. Bongga ang heart-shaped curve sa itaas na labi. Gusto ko tuloy mag-reapply ng lipstick.

Tinukod ko ang aking kamay sa counter at nagawa nang kamutin ang paa ko. Umayos ako ng tayo pagkatapos at nasobraan yata ako sa paglingon dahilan ng madramang pagkakatapon ng buntot kong buhok sa kabila kong balikat.

I plastered my sweetest smile. "Hi, I'm here for Kelsey Marbella."

Tinapatan niya ang matamis kong ngiti. Sino kaya ang mauunang magkaka-diabetes sa amin?

"Name po ma'am?"

"Davina Claravel."

Nahalinhinan ng surpresa ang ngiti niya kanina. "Ah, ikaw iyong binanggit niya sa akin."

Pinagmasdan ko siyang tinawagan si Kelsey sa telepono at pinahayag rito ang aking pagdating. Ilang sandali lang ay binaba na niya ito at tinignan ako.

"Pakihintay na lang daw po saglit, ma'am. Pababa na po siya," aniya.

"Okay."

Inaaliw ko ang sarili sa buong entrance lalo na sa elegante nitong chandelier at grand staircase. Diyan kaya bababa si Kelsey? That would be a dramatic entrance kung ganon.

Ngunit kalauna'y natuon din ang isip ko sa ilang mga bagay. That includes my expectations for this meet-up since first time ko pa lang mag-design ng isang photobook.

"Ikaw ba iyong inarkila niyang designer para sa boyfriend niya?" Pinutol ng receptionist ang muni-muni ko. "Nako ma'am, award-winning iyon! Kakapanalo niya lang ng award sa New York para sa documentary na ginawa niya."

Pumalumbaba ako at ang isang kamay ay pinagpahinga ko sa counter, tinatapik ang aking mga daliri. "I've done designing posters in New York plays. I hope this one's easier," chill kong sabi.

"Hmm," napaisip siya at nauwi sa pag-ismid, "can't really assure you ma'am. Kahit gaano pa kasimple ang gagawin mo, his sternness would make your job feel like hell!" Nanlaki ang singkit niyang mga mata. "Strikto raw iyon when it comes to even the most essential things. Kaya ilabas mo na lahat ng tinatago mong pasensya. The only consolation is, he's hot. Nagpatiwakal ang self-esteem ng mga sikat na hunk actors ngayon dahil sa kanya!"

Pagkatapos niya iyong sabihin ay sinundan ko ng pagsuyod sa paligid lalo na sa mga nagtatawanang mga artistang lalake sa may grand staircase. Margot's into them, crush niya yata ang isa diyan na magaling kumanta at guwapo.

"Wala naman akong kahinaan sa mga hunk na iyan," walang emosyon kong sabi saka bumaling sa sinusulat niya.

"Oh,I tell you, Ms. Claravel,  babawiin mo iyang sinasabi mo. Wala pang hindi nanghina tuwing nalalapit sa kanya. Tignan mo lang siya ng mata sa mata, wala kang ibang alalahanin kung 'di ang panty mong basa! At hindi iyan dahil naiihi ka."

Hindi ko napigilang mapahagalpak. Natahimik ang mga artista sa lakas ng boses ko na bumulabog sa buong entrance. Feel ko nga umalog ang chandelier sa taas.

"Kaya ba pumapalo sa taas ang tv station niyo?" natatawa ko pa ring sabi. Ayos rin kausap 'tong receptionist nila, a.

"Nako! Mas mataas pa ang rating ng News program kesa sa teleserye na sikat na loveteam ang bida! Walang-wala ang kabilang TV station sa amin!"

May naiwan pang tawa sa akin. "Parang wala siyang nagawang mali sa tanang buhay niya. Lakas mong makapuri, e." Napailing ako.

Ngumuso siya tinatapik ang ballpen sa pisngi. "Ikaw ang magkakasala. May asawa na ako pero jusko! Nagtaksil ako sa pagkakagusto ko sa kanya. Ngayon lang ako nagka-crush sa isang reporter! Bahala na ang mga artista diyan!"

Nilingon ko ang mga lalake sa hagdan. Wala na sila roon pero may bumaba namang babae. Is that Kelsey? So diyan nga siya dumaan.

"O, ayan na pala si ma'am."

Nakangiti na siya nang makita ko. I don't know if she's an actress but she looks like one. Maalon ang makintab at brown niyang buhok na bumagsak hanggang balikat. She's in a dark blue collared dress and silver flats.

Umayos na ako ng tayo at inadjust ang strap ng white clutch bag ko sa balikat.

"Hello!" magaan ang boses niyang bati nang nasa harap ko na siya. I'm taller than her but that's because my chunky heels is at three-inches. 

"Ms. Marbella." Pormal kong nilahad ang aking kamay at nilihim ang maginhawang paghinga nang tinanggap niya iyon. Bumagsak ang kaba na pinapasikip ang dibdib ko kanina.

"Thank you, Sab," ani niya sa receptionist. Ningitian ko na rin siya bago sinundan si Kelsey.

"I didn't quite expect to meet you and talk to you this way. I'm not sure kung aware kang schoolmaes tayo noong college."

Bumagal ang hakbang ko habang nagbabalik tanaw. My eyes rounded when that memory sank in. Sh-she's Kelsey? That girl I used to be insecure with! I've never really given it much thought not until she mentioned it.

"You always win sa mga art contest,"wika ko.

"Hmm, yeah but I'm not really in for the win. Nabigla nga ako, e. I asked the admin to see your works noon, and when I saw them, nagtaka ako kung bakit hindi ikaw ang nanalo. Your works were even better than mine!" Sinundan niya iyon ng demure na tawa.

Nahihiya akong ngumiti. I was humbled by her statement. Kinastigo ko ang sarili dahil sa insecurity ko sa kanya noon.

Dumagdag pa ang hiya ko nang siya ang nagbukas ng glass door ng café na pagmi-meetingan yata namin. Umusal ako ng mahinang pasasalamat.

"So, what would be this photobook all about?" untag ko. Bahagya akong pumagilid nang may dumaang artista na this time ay kilala ko. Dinala kasi ako ni Margot noong nag-tour sila sa New York together with the other artists.

Ngiting umiling si Kelsey . "Oh no. Hindi ako ang magpapagawa. Wala kasi siyang time mag-search ng graphic designer so I'm helping him find one. Luckily, ikaw ang nahanap ko."

Nauna siyang maglakad upang masundan ko kung saan siya hihinto. Sa isang table sa pinakadulo ng bintana at inokupahan na ang isa sa mga silya roon. The man's back is facing my line of sight. His broad and strong shoulders relaxed but confident.

So ito ang sinasabi noong receptionist na reporter? How I wish si Kelsey na lang. Sab's informations somehow shook my confidence.

May sinasabi sa kanya si Kelsey at saglit akong tinuro. Hindi man lang lumingon si Mr. Reporter na tipid lang na tumango bago nito sinilid sa bulsa ng kanyang black slacks ang cellphone. Even in that slight movement screams sexy and confidence. Sab's praises towards this man won't stop ringing in my ears!

Tumikhim ako at pinasidahan sa kamay ang aking outfit bago ako umabante paroon sa table. Sa katapat na upuan ng lalakeng ito ko balak umupo. Mahina kong hinila ang silya bago ko siya hinarap.

Kasabay ng pagbagsak ng inensayo kong ngiti ang padabog na pagkalaglag ng bag ko sa mesa. Namanhid ang buong katawan ko at kulang na lang himatayin ako sa lalakeng katapat ko. I could hardly breath.

Ang mga mata na iyon ay unang tumusok sa aking tiyan. Na dahan-dahang umakyat at huminto sa aking dibdib. The crawling seconds tortured me! His jaw clenched at the sight of the shameless rise and fall of my chest making my breast dance proudly. At pinagpatuloy niyang paakyatin ang paningin sa aking leeg.

And...we're face to face. Eyes to eyes. Lumipat ng tirahan ang puso ko na ngayo'y nasa tenga ko na at binibingi ako sa pagkabog.

Kung nagulat man siyang makita ako, magaling niyang naitago iyon. His eyes turned sharp and cold.

"Ms. Claravel, this is Jaxon Montero."

Tila huminto ang oras at siya lang ang gumagalaw. Ang mga mata niyang nanunuri sa akin, at ang galit na bumahid doon na naiintindihan ko. Na pinaghahandaan ko ngunit pinangingilabutan pa rin ako. Halos kalahati na ng mga mata niya ay tinatakpan ng makapal niyang kilay sa ekspresyon na ito.

But in all fairness, he has aged six years to damn perfection.

"Kelsey..."

His voice changed. Deep, even more confident and with melted butter. At hindi lang huminto ang ugong nito sa dibdib ko. It made a way down to my fluttering stomach.

I blinked. Sa akin pa rin siya nakatingin.

"Kelsey, can we talk?" Halos hindi bumukas ang bibig niya nang magsalita. The sharpness laced in his slightly quivering voice made me cringe. Hinalo din doon ang sarcasm at pagbabanta.

Isang sundot pa ng patalim sa aking mga mata saka siya padarag na tumayo. Malalawak ang mga hakbang niya sa pagmamartsa palabas ng café. Kabado at nahihiyang ngiti ang iginawad sa akin ni Kelsey bago niya ito sinundan at naglalakad-takbo.

Doon ko pa lang pinakawalan ang hiningang hindi ko namalayang kanina ko pa hinigpitan. I still have yet to reorient myself kung nasaan ako. Para akong tinapon sa ibang dimension at agad rin akong niluwa pabalik sa mundo.

Binagsak ko ang sarili paupo sa silya. Kumakapit ng mabuti ang nanginginig kong mga kamay sa dulo ng mesa. Hinihingal ako at napasapo sa noo. I can'believe this! Gusto kong mag-back out!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro